Professional Documents
Culture Documents
Umpukan
Ang salitang umpukan ay tumutukoy sa maliliit na pangkat o grupO ng tao
na nag-uusap tungkol sa mga usaping may interes ang bawat kasama sa pangkat
O8rupo. Maaaring ang pinag-uusapan ay may kabuluhan sa kanilang personal na
buhay, sa buhay ng ibang tao, o mga kaganapan sa lipunan sa loob man o labas
ng bansa.
Sa Kabanata I ng Noli Me Tangere ay inilarawan ang maraming umpukan ng
mga panauhin upang mapag-usapan ang mga paksa ng kanilang interes katulad
ng asal ng katutubong Pilipino, monopolya ng tabako, kapangyarihan ng Kapitan
Heneral, ang dahilan ng paglilipat ng parokya kay Padre Damaso, at marami
pang iba. Kung susuriin ang kabanatang ito at marami pang kabanata ng Noli
Me langere at maging ng El Filibusterismo, lumalabas na ang umpukan isang
8awaing pagsasama-sama sa pangkat ng mga tao upang maging bahagi ng palitan
ng kuro sa paraang berbal mana o di-berbal.
Impormal ang talakayan sa umpukan sapagkat bawat kasama sa pangkat
ay malayang makapagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa paksa na pag-
uusapan. Walang tiyak na direksyon at wala ring totoong pinuno sa loob ng mga
pagtalakay.
Sa kalye ay may umpukan ng kabataan, sa harap ng tindahan ay mga
kababaihan, sa parlor ay mga parlorista, sa sabungan ay grupo ng mga kalalakihan.
Ang mga estudyante man ay maaari ring gumawa ng sariling umpukan na
tumatalakay sa mga personal na buhay katulad ng suliranin sa pamilya, larong
nagustuhan sa online, mga napupusuang bagay.
a trabaho man ay nagkakaroon din ng pagkakataon na mag-umpukan ang
mga manggagawa sa mga panahon o oras na sila ay libre o walang ginagawa.
Karaniwang pinag-uusapan ang mga manahalagang bagay na may kaugnayan
sa kanilang trabaho katulad ng sweldo, polisiya, uri ng pamumuno ng mga
administrador, mga problemang kinahaharap. sa mga kasamahan.
Kung titingnan ang daloy ng komunikasyon na namamagitan sa mga
kasangkot sa umpukan, nmaaaring sabihin na angkop gamitin ang modelong
interaktibo ng komunikasyon.
Pulong Bayan
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay
ang Pulong Bayan. Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng konsul-
Ldsyon sa mga mamayan o partikular na parngkat upang tugunan o paghandaan
ang isang napakahalagang usapin. Pinangungunahan ng lider ang pagtalakay sa
1sang usapin na may kaakibat na pagpapahalaga sa opinyon at mga mungkahi
ng mga taong kabahagi sa pag-uusap. May pagkapormal ang mga pagtalakay na
nakapokus lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na lto- ang
pulong bayan.
Inilarawan ni Dr. Jose P. Rizal ang kahalagahan ng gawaing ito sa Kabanata
20 ng Noli Me Tangere, bagamat nakatuon ito sa pagpupulong lamang sa 1sang
tribunal. Sa bahaging ito ay ipinakita kung paano pinahahalagahan sa bansang
Pilipinas ang kapistahan. Dito nagbigay ng kani-kanilang mga panukala ang mga
kalahok sa pulong kung paano mapagaganda ang selebrasyon ng kapistahan sa
Bayan ng San Diego. Sa kabilang dako ay nawalan ng halaga ang pagpupulong
na ito sapagkat bago pa man ito isagawa ay mayroon ng desisyon na nabuo an8
kura paroko na si Padre Damaso. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong
sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pagpupulong bayan upang
mabigyan ng katwiran at ngipin ang lahat ng regulasyon at batas na nais nilang
ipatupad lalong higit kung ang mga ito ay may direktang epekto sa kanila bilang
mga mamamayang nagbabayad ng buwis. Bahagi ng proseso ng pagbuo ng mga
regulasyong ito ang konsultasyon sa tao at publiko. Inbalido O walang bisa ang
anumang batas na maaaprubahan kung walang isinagawang mga pagsangguni
ang mga mambabatas na na8-iisponsor nito.
Maliwanag na isinasaad sa Saligang Batas ng 1987 na ang kapangyarihan lehislatibo
ay gawad sa Mataas (Senado) at Mababang Kapulungan (House of Representative) ng
Pilipinas
Dalawampu't apat ang kabuuang bilang ng dapat na ihalal na Senador samantalang
dalawandaan at limapo naman para sa mga Kongresista, maliban kung may ibang itatakda
ang batas, dalawampung bahagi nito ay mga kinatawan ng Party-list.
Proseso sa Pagbuo ng Batas
Kaakiibat ng tungkulin ng Kongreso sa pagbuo ng batas ay ang pagtilyak na
mapahahalagahan ang Saligang Batas ng Pilipinas sa bawat isasagawang pagtalakay.
Dalawang pangunahing dokumento ang nararapat na ilabas ng kongreso sa proseso ng
pagbuo ng batas: ang panukalang batas (bills) at mga resolusyon (resolutions).
Tinutukoy ng resolusyon ang mga prinsipyo at pananaw ng parehong Mataas at
Mababang Kapulungan. Ito ay maaaring alinman sa mga sumusunod: Pinagsamang
mga Resolution (Joint Resolution), Simpleng mga Resolution at Magkakasabay na mga
Resolution (Concurrent Resolutions).
5ago maging batas ang isang batas ay kailangan muna nitong dumaan sa proseso ng
pagpapanulakala o bill. Mahalaga sa pagbuo nito ang pagsang-ayon ng mga sumusunod.
(1) Mababang Kapulungan (House of Respresentatives), (2) Mataas na Kapulungan
(Senado); at ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ang diskresyon ng Pangulo ng Pilipinas na di sang-ayunan ang mga panukala ng
parehong Mataas at Mababang Kapulungan ay tinatawag na kapangyarihang veto (veto
power). Kung walang gagawing pagkilos ang Pangulo sa mga panukalang batas na
nangangalangan ng kanyang lagda, ang mga nasabing panukalang batas ay awtomatikong
magiging batas
Sa kabilang dako, ang kapangyarihan na ito ng Pangulo ay maaaring kontrahin ng mga
Kapulungan sa pamamagitan ng 2/3 na boto buhat sa kanilang mga kasapi o miyembro.
Ang Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas sa Pilipinas
1 Ang Paghahanda ng Panukalang Batas (Bill)
Batay sa hiling ng miyembro, kailangang gumawa o bumalangkas ng panukalang
batas (bill) ang mga kasapi ng Kapulungan o ang Bill Drafting Division ng Reference
and Research Bureau.
2. Pagsasagawa ng Unang Pagbasa ng Panukalang Batas
a) Isusumite ang panukalang batas (bill) sa Bills and lndex Service na kailangang
magbigay ng mga numero at gumawa ng mga kopya.
b) Bibigyan sila ng tatlong araw pagkatapos ng naunang pagsumite ng panukalang
batas (bill) upang ito ay isama sa Order of Business for First Reading.
C) Babasahin ng Secretary General sa unang pagbasa ang titulo at inilaang numero
bilang ng panukalang batas. Ang Speaker of the House of Representative o
ang pinuno ng Mababang Kapulungan ang siyang magtatalaga ng panukalang
batas sa naaangkop na Komite.
3. Pagkilos ng Komite
a) Susurin ng Komite ang panukala upang malaman kung magsasagawa ng
pampublikong pagdinig.
Magtatakda ng tamang panahon upang mapag-usapan ang mga isyu na
kasangkot ang mga panauhing tagapagsalita, 1bat ibang sector pampubliko at
pribado, mga paham sa larangan ng batas, mga tao buhat sa mga akademikong
institusyon.
Sa kabilang dako, itatalaga ng Komite ang pagtalakay sa panukalang batas sa
l0ob ng komite kung batay sa pagsusuri nito ay hindi na kinakailangan ang
mga pampublikong pagdinig.
b) Batay sa mga kalalabasan g pagdinig at talakayan sa Komite, maaaring isagawa
ang mga sumusunod: (1) modipikasyon sa panukala; (2) pagsasama-sama
ng mga panukalang magkakapareho ang paksa; (3) magbigay ng panghaliling
panukalang batas o substitute bill. Matapos ang prosesong ito ay maghahanda
na ng kaukulang ulat ang Komite.
c) Ipadadala sa Plenary Affairs Bureau ang maaaprubahang bersyon ng Komite.
4. Ikalawang Pagbasa
a) lrerehistro at lalagyan ng bilang ng Bills at Index Service ang Ulat ng Komite
at pagkatapos isasama sa Order of Business at pagtatalaga sa Committee on
Rules
b) Gagawa ng iskedyul ang Committee on Rules para sa ikalawang pagbasa
c) Babasahin ng Secretary General ang iskedyul ng mga kaganapan sa ikalawang
pagbasa katulad ng pagkakahati ng kapulungan at pagtawag sa bawat
miyembro para sa kanilang boto.
5. Ikatlong Pagbasa
Kung maaaprubahan ang panukalang batas batay sa pagsang-ayon ng karamihan ng
mga kasaping dumalo, ipadadala ito sa Archives o koleksyon ng mga dokumento.
Paghahatid ng Bill sa Senado
Gagawin ng Senado ang tungkulin níto na busisiin ang inaprubahang panukalang
batas ng Kongreso. Magbibigay ng pagsang-ayon ang Senado kung aprubado dito
ang bersyon ng Mababatang Kapulungan.
7. Pagkilos ng Senado
Dadaan din sa katulad na lehislatibong proseso ang panukalang batas (bill) sa Senado0
8. Komite ng Pagpupulong
a) Binubuo ito ng mga kasapi buhat sa dalawang kapulungan ng Kongres0 na
layunin ay ayusin at pag-usapang mabuti ang mga di-pagkakaunawaan sa mga
probisyon ng panukalang batas (bill).
b) Maaaring maglagay ng bagong probisyon ang mga tagapulong kung nararapat.
c) Maghahanda ng ulat ang Komite na kailangan ng lagda ng lahat ng dumalo sa
pagpupulong kasama na ang Tagapangulo o Chairman..
d) Ang ulat ng Komite ay kailangang maaprubahan ng dalawang Kapulungan.
Walang anumang pagbabago ang papayagan.
9 Paghahatid ng Panukalang Batas sa Pangulo
Ang mga kopya ng bill, na pinirmahan ng Senate President at ng House Speaker at
sinertipikahan ng Kalihim ng Senado at ng Secretary General ng Mababang Kapulungan
ay ipapadala sa Pangulo.
Komunikasyong Di-berbal ng mga Pilipino
Mahalaga ring paksa ng pagtalakay sa bahaging ito ang komunikasyong di-
berbal ng mga Pilipino. Kinasasangkutan naman ng mga kilos o galaw ng katawan
ang uri ng komunikasyong ito. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga
senyas upang maisakatuparan ang proseso ng komunikasyon. May mga pahamn
na naniniwala na ang kommunikasyong di-berbal ay kinasasangkutarn ng mga
detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat subalit nauunawaan ng lahat.
Kung ang mga Amerikano ay gumagamit ng paghalik at pagkamay bilang
pangungumusta o tanda ng paggalang, ang mga Hapon ay pagyuko, ang
mga Pilipino naman ay kadalasang nagmamano bilang simbolo ng kanilang
pagpapahalaga sa mga nakatatanda. Ang akto ng pagmamano kahit na hindi
langkapan ng anumang paliwanag ay sapat na upang maipahayag kung anuman
ang kanilang mga saloobin.
Sa mga pagkakataon na nahihiya ang mga Pilipino sa pakikihalubilo sa mga
taong bago pa lamang kakilala, o bagamat kakilala ay hindi gaanong kapalagayan
ng loob, kadalasan na ang pagtango at pagngiti ay ibinibigay sa isa't isa tanda ng
kagalakan kaugnay ng pagtatagpo ng kani-kanilang mga landas. Makikita sa isang
bahagi ng misa na dinadaluhan ng maraming Katolikong Pilipino na binibigyan
ng simbahan ang bawat isa ng pagkakataong magbigay ng mga palatandaan ng
paghiling ng kapayapaan para sa isa't isa.
Maiuugnay din ang komunikasyong di-berbal sa kultura ng bayanihan at
pagtutulungan ng mga Plipino nang walang anuman na hinihinging kapalit.
Madalas na nagtutulungan ang ating mga ninuno sa paglilipat ng bahay mula
sa isang lugar tungo sa iba. Noong panahon ng kasagsagan ng pananalasa ng
bagyong Ondoy ay muli na namang nabuhay ang kultura ng bayanihan. Ang
bawat isa ay nagtutulungan upang upang isalba ang kagamitan at maging ang
buhay ng iba sa panahon ng sakuna at panganib. Sa kabilang dako, ang aktong ito
ng mga Pilipino ay maaari rin naman na magkaroon ng ibat ibang interpretasyon
batay sa mga balakid na nakapaligid sa nagaganaP na komunikasyon. Para sa
kanya, ito ay isang uri ng panunuyo subalit sa taong tumulong, ito ay isa lamang
gawi na kanya nang nakasanayan sa kanyang pagkabata.
Sinabi ni Albert Mehrabian (1971) sa kanyang pag-aaral na ang siyampu't
tatlong bahagdan (93%) ng gawaing pakikipagtalastasan ng tao ay kinasa-
sangkutan ng di-berbal na komunikasyon.
6. Katahimikan
Ang katahimikan katulad ng pagsasawalarng kibo, pagbibigay ng
blangkong sagot sa isang text message ay maituturing na mga mensahe sa
isang akto ng komunikasyon. Ang mga ito ay mga di- berbal na komunikasyon
na ang kahulugan ay nakabatay sa pananaw ng taong tumatanggap nito.
Ang katahimikan ay isang ingay na ang pinag-ugatan ay maaaring ang
nakaraang ugnayan o mga sigalot sa buhay. Matapos ang pag-aaway ay ang
pananahimik ng dalawang panig at pagpapakiramdaman kung Sino ang
magsisimulang ayusin ang naging pag-aaway
Ang pagbibigay ng blangkong mensahe ay maaaring tingnan sa aspeto
ng aksidenteng pagkakapindot sa telepono. Maaari rin itong tingnan sa
anggulo ng kawalang pagpapahalaga sa nakaalitan.
7. Kapaligiran
Ang anumang kaganapan sa kapaligiran ay maaaring bigyan ng
pagpapakahulugan ng mga taong tumitingin dito.
Ang pisikal na anyo ng pagdarausan ng isarng palihan ay pagpapaalala
kung gaano pinaghandaan ng mga tagapangasiwa ang mahalagang okasyon
sa araw na iyon. Ang kaayusan ng lugar na pagdarausan ng gawain ang
makatutulong upang malaman kung ang magaganap na talakayan ay pormal
o impormal.