You are on page 1of 146

MGA GAWAING

KOMUNIKASYON NG
MGA PILIPINO
MGA KARANIWANG GAWAING
PANGKOMUNIKASYON

1.
TSISMISA
N

2.UMPUKAN
3.
TALAKAY
AN

2
MGA KARANIWANG GAWAING
PANGKOMUNIKASYON

5. PULONG-BAYAN

4.
PAGBABAHA
Y-BAHAY
6.
KOMUNIKASYONG
DI-BERBAL
7. MGA
EKSPRESYONG
LOKAL

3
TSIMISAN O PAGSAGAP NG ALIMUOM

Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino Kadalasan na makikita ang gawaing ito


ang pakikipagtsismisan o ang sa:
pakikipagkuwentuhan sa buhay-buhay
at mga pamumuhay ng ibang tao.
 Tabi ng lansangan
 Palengke
 Tindahan
 Tanggapan na pinapasukan (tuwing
wala ginagawa)

4
TSISMIS
Tumatalakay sa isang akto ng pagsisinungaling, pag
imbento ng kuwento, pagmamalabis, bagamat kung
minsan ay may halong katotohanan.
5

Kaakibat ng salitang tsismis ang pagyurak sa reputasyon ng ibang tao sa
pamamagitan ng walang batayang paghuhusga sa kasalanang diumano ay
kanilang ginawa katulad ng homosekswalidad, karahasan, paniningalang pugad,
pagiging disgrasyada at kung anu-ano pang mga negatibong pagpaparatang

6
TSISMIS LABAN SA
KATOTOHANAN

7
Tsismis laban sa Katotohanan

 Dahil sa mga social media accounts na


karaniwang ginagamit sa kasalukuyan, mas
mahirap tukuyin kung alin ang totoong
balita, alin ang chismis at fake news.
 Delikado ito sapagkat higit na mabilis
kumalat ang mga balita sa kasalukuyang
panahon. Isang click lamang ay agad ka ng
makakatanggap ng balita o impormasyon.
 May mga taong mapanuri sa mga
impormasyong kanilang natatanggap subalit
mayroon din namang mabilis
maimpluwensyahan at maniwala.

8
Tsismis laban sa Katotohanan

▸ Ayon sa maraming
pagtataya, ang mga Pilipino
ang itinuturing na isa sa may
pinakamahabang oras na
inilalaan sa pagamit ng
internet sa buong mundo, na
ang pokus ay ang social
media higit sa mga site na
pang-akademiko.

9
LEGAL NA AKSYON AT MGA PATAKARAN
NA KAUGAY NG TSISMIS

10
LEGAL NA AKSYON AT MGA PATAKARAN NA KAUGAY
NG TSISMIS

Kinikilala ng ating Kodigo Sibil ang


karapatan ng bawat isa na maproteksyunan
ang kaniyang dignidad, personalidad,
pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng
isip.

11

Sinasabi sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na
magkakatulad na akto, bagamat hindi maituturing na krimen,
ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of
action) para sa mga danyos, pagtutol, at iba pang kaluwagan

12
Artikulo 26
(1) (2) (3)
Panunubok sa Panghihimasok o Pang-iintriga na
pribadong buhay pang-iistorbo sa dahilan kung bakit
ng iba; pribadong buhay ang isang
o ugnayang indibidwal ay
pampamilya ng iiwasan ng
iba; kanyang mga
kaibigan;

13
Artikulo 26
(4)
pang-aasar o
pamamahiya sa iba
dahil sa kaniyang
paniniwalang
pangrelihyon,
mababang antas ng
pamumuhay, lugar ng
kapanganakan, pisikal
na depekto, at iba pang
personal na kondisyon

14
Kodigo Penal ng Pilipinas
Ang tsismis ay maaari ring maituring na isang
krimen lalong higit kung malalampasan ng isang
indibidwal ang limitasyon ng kanyang kalayaan
na makapagpapahayag at mauwi ito sa
paninirang puri na maaaring makapagpapahamak
sa paksa ng kaniyang mga pahayag, pasalita man
o pasulat.
15
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at
malisyosong mga paratang sa isang krimen o isang bisyo o
depekto, na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka,
o anumang kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan o
kalagayan na naging dahilan ng kasiraang-puri, pangalan,
o pagpapasala sa isang likas o huridikal na tao, o upang
masira ang alaala ng isang namayapa na (salin mula sa Artikulo 353,
RPC).

16
LIBELO

-isang akto kung ang mga paninira sa pinaraan sa


pasulat o broadcast na midyum
17
ORAL DEFAMATION

-ang ginamit na midyum ay pasalita

18
Ang barangay bilang isang sangay ng Lokal na
Pamahalaan ay may karapatan din na
magsabatas ng mga ordinansa na makatutulong
sa kanila upang tugunan ang mga usaping
pangkapayaan na nasa ilalim ng hurisdiksyon
ng kanilang nasasakupan

19
HALIMBAWA
▸ Sa Binalonan, Pangasinan ay nagpatupad ng isang
ordinansa na napapataw ng multa sa mga tsismoso at
tsismosa.
○ Unang paglabag: Php 300.00
○ Ikalawang paglabag: Php 500.00
○ Ikatlong paglabag: Php 1,000.00
 Bukod pa rito, ang indibidwal na magkaksala ay
kailangan na magbigay ng serbisyong pangkomunidad
o community service.
20
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
AT LITERATURA HINGGIL SA
TSISMIS

21
AYON KAY LIAM (2016):

 ang tsismis ay isang anyo  Binigyang diin niya rin na


ng talumpati kung saan ang tsismis ay
ang kaalaman sa makatutulong sa
kasanayang superbisyon superbisyon at anyo ng
ay umiinog sa ugnayang panlipunan at
kontekstong pang- dulog para sa integral na
akademiko. kaalaman sa epektibong
superbisyon

22
AYON KINA AKYON, YOZGAT AT AYAS (2015)

▸ ang tsismis ay ▸ Ito rin ay ▸ Sa kabilang


kilala bilang di pinaniniwalang dako, minsan ay
opisyal na nagdadala ng nakapagdudulot
pagpapalitan eskandalo sa din ito ng
bawat tao. kabutihan sa
ng mensahe ng
mga manggawa
mga
at nagmamay-ari.
manggagawa

23
AYON KINA AKYON, YOZGAT AT AYAS (2015)

▸ Ang tsismis ay ▸ Tinatawag itong ▸ Ang ganitong uri


nabubuo kahit pangangailang ng kamunikasyon
na saan na ang ay nagdudulot
walang pormal panlipunan. ng saya at
na sistema ng pleksibilidad.
komunikasyon.

24
AYON KINA AKYON, YOZGAT AT AYAS (2015)

▸ Maaaring ▸ Tumutugon ▸ Ang antas ng tsismis


tumagos kahit ay tumataas kapag
saan at may
ito sa ang mga indibidwal
ay hindi nabigyan
mahalagang kahingian ng ng sapat na
saysay , mga tao impormasyon sa
ugnayan o mga paksa na
mahalaga para sa
samahan ng kanila.
mga
manggagawa.

25
AYON KINA NWOGABAGA, NWANKO AT ONWA
(2015)
▸ Sinuri sa  Ang kanilang pag- Ayon sa
kanilang pag- aaral ay ibinatay kanila, hindi
aaral kung paano sa mga nangangahulu
maiiwasan ang karaniwang gang ang
tunggalian at kinakaharap ng
pormal na
krisis sa eskwelahan
proseso ng
pamamagitan ng bunga ng
impormal na komunikasyon
pormal na
komunikasyon. proseso ng ay hindi
komunikasyon. makapagdudul
ot ng usapin o
26 krisis.
AYON KINA NWOGABAGA, NWANKO AT ONWA
(2015)
▸ Naging argumento ng  Batay sa resulta ng  Sa kabilang
kanilang papel na sa kanilang pag-aaral,
pormal na iminungkahi nila na sa dako, kanilang
komunikasyon, impormal na sinabi na higit
mayroong komunikasyon,
kinakailangan lamang
na makabubuti
panukatang kontrol
na sasala sa daloy ng magkaroon ng tamang ang pormal na
impormasyon upang pamantayan kung komunikasyon.
maayos ang mga paanong ang
tunggalian at krisis sa estratehiyang ito’y
pamamahala ng magamit nang wasto
paaralan. sa pamamahala ng
paaralan.

27
AYON KAY TING-TOOMEY (1979)

▸ ang tsismis ay proseso ng ▸ Isinaad niya na ang ibang


komunikasyon na ang functionalist ay
impormasyon ay hinggil naniniwala na pinanatili
sa aktibidad ng tao at ng tsismis ang ugnayan
ito’y inilalantad at ng tao sa isang pangkat at
pinapaikot sa tinitiyak ang norms at
eksklusibong paraan sa values ng partikular na
dalawa at higit pang tao. network ng
komunikasyon.

28
AYON KAY TING-TOOMEY (1979)

▸ Samantalang ang ibang ▸ Nabanggit niya rin na ang


functionalist ay mga transactionalist ay
naniniwala na ang tsismis naniniwala na ang tsismis
ay paraan upang ay nagmumungkahi na
makakuha ng gamitin ito sa
impormasyon bilang pamamahala at para sa
estratihiyang hambingang panlipunan.
magmamanipula sa
personal na interes.

29
AYON KAY TING-TOOMEY (1979)

▸ Ayon sa kanyang 1. Magbigay ng


pagtalakay, ang social impormasyon.
exchange theory ay
naglabas ng tatlong
papel ng tsismis: 2. Pagpataas ng
moral.

3. Libangan.

30
AYON KAY KLINGHOFFER (1994)
● ang ordinaryong tsismis ay hindi
lantarang mali o masama

● Sinabi niya na kailangan na tingnan o


suriin ang mga kapana-panabik na mga
pahayag.

31
AYON KAY GUERIN AT MIYAZAKI (2006)

○ ang pangunahing layunin ay ang magbigay aliw o


kuhanin lamang ang atensyon ng mga
tagapagpakinig upang mapaganda ang ugnayang
panlipunan.

○ Sa ganitong paraan, mababago ang pananaw ng mga


tao sa tsismis at magkakaroon ito ng magandang
implikasyong mahalaga sa katangian ng
pakikipagtalastasan. 32
UMPUKAN

33
- Tumutukoy sa maliit na - Maaaring ang pinag-
pangkat o grupo ng tao uusapan ay may
na nag-uusap tungkol kabuluhan sa kanilang
sa mga usaping may personal na buhay,
interes ang bawat buhay ng ibang tao, o
kasama. mga kaganapan sa
lipunna sa loob man o
labas ng bansa.

34

▸ Sa kabanata I ng Noli Me Tangere ay inilarawan
ang maraming umpukan ng mga panauhin upang
mapag-usapan ang mga paksa ng kanilang interes
katulad ng asal ng katutubong Pilpino, monopolya
ng tabako, kapangyarihan ng Kapitan Heneral, ang
dahilan ng pagli’ipat ng parokya kay Padre
Damaso, at marami pang iba.
35

▸ Kung susuriin ang kabanatang ito at marami pang
kabanata ng Noli Me Tangere at maging ng El
Filibusterismo, lumalabas na ang umpukan ay isang
gawaing pagsasama-sama sa pangkat ng mga tao
upang maging bahagi ng palitan ng kuro sa paraang
berbal man o di-berbal.
36

▸ Impormal ang talakayan sa umpukan sapagkat bawat kasama
sa pangkat ay malayang makapahayag ng kanilang saloobin
hinggil sa paksa na pag-uusapan. Walang tiyak na direksyon at
wala ring totoong pinuno sa loob ng mga pagtalakay.

37
▸ Ang mga estudyante man ▸ Sa trabaho man ay nagkakaroon
din ng pagkakataon na mag-
ay maari ring gumawa ng umpukan ang mga manggagawa sa
sariling umpukan na mga panahon o oras na sila ay libre
tumatalakay sa mga o walang ginagawa. Karaniwang
personal na buhay katulad pinag-uusapan ang mga
mahahalagang bagay na may
ng suliranin sa pamilya, kaugnayan sa kanilang trabaho
larong nagustuhan sa katulad ng sweldo,polisiya, uri ng
online, mga napupusuang pamumuno ng mga administrador,
mga problemang kinahaharap sa
bagay. mga kasamahan.

38
▸ Angkop gamitin ang modelong interaktibo ng
komunikasyon sa umpukan.

39
▸ Inilalarawan sa modelong ito ang dalawang linyar na
modelo na nakasalansan sa ibabaw ng bawat isa.
Ipinahahatid ng tagapaghatid(encoder) ang mensahe sa
tagatanggap (receiver) hanggang sa ang dating
tagapaghatid (encoder)ay siyang maging tagatanggap
(decoder) at ang dating tagatanggap (decoder) ay
siyang maging tatagapaghatid (encoder).

40
▸ Mahalaga ang tugon(feedback) sa
modelong ito sapagkat pinatatag
nito ang paniniwala na ang proseso
ng komunikasyon ay dalawa ang
daan (two way).

41
Yunit 3
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG
MGA PILIPINO
Mga Paksa

Talakayan
Pagbabahay- Pulong-
bahay bayan
1. Talakayan
- Isa pa sa mga gawaing kinahihiligan ng mga
Pilipino ay ang talakayan.

- Proseso ng pag-uusap o pagpapalitan ng


ideya para sa isang nararapat o
mahalagang desisyon.

- Higit na pormal dahil may nakatalagang


tagapangasiwa sa daloy ng komunikasyon ng
talakayan.
- Mahalaga sa loob ng klase sapagkat
nabibigyan ng pagkakataon ang bawat mag-
aaral upang makapagpahayag at magbigay
ng kani-kanilang kuro na mahalaga sa
pagkatuto ng bawat isa.
Dalubguro

Mag-aaral Mag-aaral
Tatlong Dimension ng Talakayan
Nilalaman
Proseso
Kasangkot

Kadalasan na sa proseso ng pagtatalakay nag-uugat ang suliranin


sapagkat may mga mag-aaral na dominante na humahantong sa
punto na ang ibang kasangkot ay hindi na nabibigyan ng
pagkakataon na magpahayag ng kani-kanilang punto. Mabibigyan
ito ng solusyon sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at
istruktura ng talakayan.
Ang tagumpay sa talakayan ay mahirap na bigyan ng
tiyak na pagpapakahulugan. Bagama’t may mga
mangilan-ngilang katangian ng mabuting pagtalakay
ang isinaad sa
www.speaking.pitt.edu/instructor/classdiscussions.ht
ml:

(1) Aksesibilidad
(2) Hindi palaban
(3) Baryasyon ng Ideya
(4) Kaisahan at Pokus
Aksesibilidad Hindi palaban
Pagiging komportable ng mga Hindi dapat dumating sa
mag-aaral sa kanilang punto na nawawalan ng
partisipasyon sa talakayan sa magalang na tono. Mainit ang
punto na walang pangamba pagtalakay subalit nananatili
na nangingibabaw sa ang paggalang.
kanilang mga pagpapahayag.
Baryasyon ng Ideya Kaisahan at Pokus
Mahalaga ang pagkakaiba- Mahalaga ang papel ng
iba ng pananaw ng mga dalubguro upang hindi
pahayag upang matamo ang mawala sa punto ng usapin
higit na malalim na sa kabila ng mga baryasyon
pagtalakay. ng ideya.
Katangian na naglalarawan sa
hindi magandang talakayan:
(1) (2) (3)

Limitado o bilang Kung inuulit lamang Kung hindi napag-isa


lamang ang mga mag- ng mag-aaral ang ng tagapamagitan ang
aaral na nakikibahagi sinabi ng dalubguro. maraming ideya na
sa talakayan. ibinibigay ng mga
mag-aaral kaya’t
lumalayo sa punto at
pokus ng talakayan.

Mga Kaugnay na
Pag-aaral at
Literatura
Pinaniniwalaan ng mga edukador ng Araling Panlipunan ang
mahalagang papel na ginagampanan ng talakayan bilang
metodo ng pagtuturo na makatutulong sa mga mag-aaral
upang magkaroon ng mataas na antas ng pag-iisip at pag-
unawa.

Kadalasang ikinakabit ang salitang talakayan sa recitation.


Minsan makikita sa mga pagkaklase na ang dalubguro ay may
manaka-nakang pagtawag upang sagutin ang ilang
katanungan sa paksa ng talakay.

Sinabi sa artikulo ni Wilen (2004), na bagama’t parehong


epektibo ang talakayan at recitation, ang talakayan ang higit
na angkop at epiktibong metodo upang ang isang mag-aaral
ay maging rasyunal at magkaroon ng kakayahang gumawa ng
isang mahalagang desisyon para kabutihan ng higit na
nakararami.
Mga karaniwang pagkakamali sa konsepto ng talakayan:

(1) Ang talakayan ay kinabibilangan ng dalubguro na nagbibigay ng


katanungan sa mga mag-aaral;

(2) Sapat ang oras na ibinibigay ng mga dalubguro sa kaniyang


mag-aaral upang magmuni-muni, bumuo ng tugon, at ipahayag
ito.

(3) Walang kakayahan ang dalubguro na isama sa talakayan ang


mga mag-aaral kung hindi nila nais na magbigay ng
kooperasyon.

(4) Ang mga dalubguro ay walang kinikilingan sa tuwing hinihikayat


nila ang mga mag-aaral na magbigay ng bahagi sa talakayan.

(5) Hindi kaya ng dalubguro na maging obhektibo sa pagbibigay ng


puntos sa kaniyang mga mag-aaral kung talakayan ang
gagamitin na metodo ng pagtuturo sa klase.
Ang talakayan ay wikang pampagtuturo na kinabibilangan
ng mataas na antas ng pagtatanong, at mga paglalahad na
ibinibigay ng dalubguro at mga mag-aaral at may tugon na
manggagaling sa kanilang dalawa upang magamit ang
kaalaman at mapukaw ang kritikal na pag-iisip upang
ganap na mapag-ibayo ang pag-unawa sa isyu, suliranin at
iba pang nilalaman.
Dapat tandaan:
Ang talakayan ang nangangailangan ng
higit na mahabang panahon.
Hindi ito simpleng tanong ng kung ano ang
nangyari, kundi BAKIT.
Pagtanong kung ano ang papel na
ginagampanan ng mga tauhan at bakit
mahalaga ang mga papel na ito.
 Kailangan ng higit na mataas na
kognitibong katanungan at sapat na oras
upang makabuo ang mag-aaral ng ideya na
maaari niyang ibahagi.
Hindi dapat maging hadlang ang pangamba
ng mag-aaral na magbahagi.
 Mahalaga ang kakayahan ng dalubguro sa
paghihikayat ng mag-aaral.
Pantay ang pagtingin ng dalubguro sa
kaniyang mga mag-aaral.
Maaaring gumamit ng rubrics.
Pinaniniwalaan nina De Costa, Bergquist, at
Hollebeck (2015) ang paniniwala ni Ragan
(2009) maraming unibersidad ang
nagdisenyo ng kursong pang-online na
nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
instroktor na maging tagapangasiwa kaysa
ang maging aktibong bahagi ng silid sa
online. Sa kabilang dako, pinaniniwalaan ng
tatlo na kailangan din ang isang aktibong
kaligiran na nakatuon sa pagkatuto ng mga
mag-aaral upang maiwasan na mawalan ng
halaga ang mga dalubguro at bigyan sila ng
inspirasyon na magkaroon ng mahalagang
bahagi sa mag-aaral bilang “gabay,
tagapangasiwa at dalubguro.”
Epekto ng pag-unlad ng
teknolohiya sa
pamamaraan ng talakayan.
Nakatutulong ang talakayan sa online upang maiwasan ang
dominsayon ng isang indibidwal na nagpapahayag ng opinyion at
mga saloobin.

Maaaring ang indibidwal na pinakaaktibo sa talakayan sa online ay


hindi naman ang parehong indibidwal na nagsasalita sa klase.

Maganda rin ang talakayan sa online sapagkat hindi maikikubli


kung sino sa mga kamag-aral ang nangangailangan nang higit na
atensyon upang hikayatin na makilahok sa talakayan.
Sa pag-aaral nina Lee at Martin
(2017), kanilang sinabi na
mahalaga ang komunikasyon
gamit ang media sa
kasalukuyang panahon bagamat
hamon na maituturing ang
hikayatin ang mga mag-aaral na
maging aktibo sa mga talakayan
gamit ang online.
2. Pagbabahay-
bahay
Isa pa sa mga mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino ay ang pagbabahay-bahay.
Kinasasangkutan ito ng indibidwal o higit pang maraming indibidwal
na tumutungo sa dalawa o higit pang maraming bahay upang
maisakatuparan ang alinman sa kanilang mga layunin katulad ng
pangangamusta sa kaibigan o kamag-anak na matagal nang hindi
nakita, pagbibigay galang sa nakakatanda, paghingi ng pabor para sa
isang proyekto o solicitation, at marami pang iba.
Makalipunan ang gawaing ito sapagkat personal ang pakikitungo ng
tao na tuwirang nakikipag-usap sa iba pang tao.
Sa patuloy na paglakad ng panahon ay kasama
nitong nagbago ang mukha ng konseptong ng
pagbabahay-bahay. Malayo man o hindi nakikita ang
mga kamag-anak ay maari ng magkamustahan sa
pamamagitan lamang ng facebook, instagram,
messenger at iba pang plataporma ng social media.
Maaari ring maibahagi ang solicitation letter sa
pamamagitan ng nabanggit na plataporma.
Sa kabilang dako, ang ebolusyon ng pagbabahay-bahay
ay nagpapakita na ang dating makalipunan (social)
konsepto ay naging di-makalipunan (anti-social) dahil
nawala na ang ang personal na pakikipagtalakayan.
Ang pagbabahay-bahay ay
tradisyong nagpapamalas ng
mabuting pagpapakilala at
pagtanggap ng mga panauhin na
pinatutunayan ng mahalagang
okasyon sa buhay nating mga
Pilipino katulad ng Pasko at Araw ng
mga kaluluwa.
Ang Pasko ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ng mga kristiyano sa pagsilang
kay Hesukristo. Bawat bansa ay nagbubunyi sa
mahalagang kaganapang ito, subalit masasabi
na ang Pilipinas ay katangi-tangi dahil sa tanda
ng pagbubuklud-buklod ng pamilya at mabuting
pagtanggap ng panauhin.
Karaniwan na ang nagbabahay-bahay ang
bawat pamilya upang magmano at magbigay
galang sa mga nakakatanda.
Mayroon ding nagaganap na pamamahagi at
pagtanggap ng munting aginaldo para sa mga
bata.
Madaling araw pa lamang ay gising na ang nakakarami
tanda ng kanilang pananabik na pumunta sa lahat ng bahay na
maari nilang puntahan bitbit ang magandang ngiti na
umaangkop sa magagandang kasuotan na inihanda sa
mahalagang okasyon na ito.
Isang kaugaliang namana pa natin sa ating mga ninuno at
patuloy na nagpasalin-salin sa mga susunod na henerasyon
bagamat may mga modipikasyon sa paraan ng selebrasyon
batay sa pagbabago at pangangailangan ng panahon.
Isa pa sa mga halimbawa ay ang panangaluluwa
na ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga patay, ito ay
ginagawa sa pamamagitang ng pababahay-bahay
abayan ng pag-awit sa mga tradisyunal na awiting-
bayan kapalit ng konting donasyon at dasal para sa
mga namayapa.
Halos tuluyan ng nagbago ang konseptong ito sa
kasalukuyan sapagkat imbis na maghandog ng awitin
ay nakabihis sila ng kasuotang pang trick or treat ang
ipinagmamalaki kapalit ang kahit na anong bagay na
manggagaling sa mga may-ari ng bahay.
Sa lumang pamamaraan ng pangangaluluwa, ang
komunikasyon ay pinandadaloy ng mga
nangangaluluwa sa mga may-ari ng bahay sa
pamamagitan lamang ng kanilang musika. May
karampatang halaga na ibibigay ang mga may-ari ng
bahay sa bawat musikang ihahandog para sa mga
kaluluwa.
Karaniwang mabilis ang daloy ng
komunikasyon sa pagbabahay-
bahay dahil na rin sa layunin na
makarami ng bahay na
mapupuntahan sa ayaw na iyon,
subalit ang prinsipyong ito ay hindi
totoo sa iba na higit na
pinapahalagahan ang kalidad ng
pakikipag-usap sa mga taong
kanilang pinupuntahan.
2. Pulong-bayan
- Ang pulong bayan ay karaniwang isinasagawa
bilang isang anyo ng konsultasyon sa mga
mamamayan o partikular na pangkat upang pag-
usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang
mga inaasahang pagbabago.

- Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang


mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay.
Dito, maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang
saloobin.

- Lahat ay binibigyan ng pagkakataon makapagsalita.


Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng
Inilarawan ni Dr. Jose Rizal ang kahalagan ng gawaing
ito sa Kabanata 20 ng Noli Me Tangere. Sa bahaging
ito ang ipinapakita kung paano pinapahalagan sa
bansang Pilipinas ang kapistahan. Dito nagbigay ng
kani-kanilang panukala ang mga kalahakok sa pulong
kung paano mapagaganda ang selebrasyon ng
kapistahan sa bayan ng San Diego.
Maliwanag na isinasaad sa Saligang
Batas 1987 na ang kapangyarihang
lehislatibo ay iginawad sa Mataas
(Senado) at Mababang Kapulungan
(House of Representatives) ng
Pilipinas.
Mga May Mahahalagang Papel Sa Pulong:

Pinuno
Sekretarya
Mga kasapi ng pulong

Pinangungunahan ng pinuno/lider ang pagtalakay sa mga


pagpupulong at may kaakibat na pagpapahalaga sa opinyon at
mga mungkahi ng mga taong kabahagi ng pag-uusap. May
pagkapormal ang mga pagtalakay sa pagpupulong at nakapokus
lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain.
Katitikan ng Pulong:
Mga dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at
desisyon.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga
pagpupulong bayan upang mabigyan ng
katwiran at ngipin ang lahat ng regulasyon at
batas na nais nilang ipatupad higit na kung
ang mga ito ay may direktang epekto sa mga
mamamayang nagbabayad ng buwis. Bahagi
ng proseso ng pagbuo ng mga regulasyong ito
ang konsultasyon ng tao at publiko. Walang
bisa ang anumang batas na maaprubahan
kung walang isinasagwang mga
pagsasanguni ang mga mambabatas na nag-
iisponsor nito.
PROSESO
NG
PAGBUO
NG BATAS
Kaakibat ng ng tungkulin ng Kongreso sa pagbuo
ng batas ay ang pagtiyak na mapahalagahan ang
Saligang Batas ng Pilipinas sa bawat isasagawang
pagtalakay.

Bago maging batas ang isang batas ay kailangan


muna nitong dumaan sa proseso ng pagpapanukala
o bill. Mahalaga sa pagbuo nito ang pagsang-ayon
ng:

(1)Mababang Kapulungan (House of


Representatives)
(2)Mataas na Kapulungan (Senado)
(3)Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Kaakibat ng ng tungkulin ng Kongreso sa pagbuo ng batas ay
ang pagtiyak na mapahalagahan ang Saligang Batas ng
Pilipinas sa bawat isasagawang pagtalakay.

Bago maging batas ang isang batas ay kailangan muna nitong


dumaan sa proseso ng pagpapanukala o bill. Mahalaga sa
pagbuo nito ang pagsang-ayon ng:

(1) Mababang Kapulungan (House of Representatives)


(2) Mataas na Kapulungan (Senado)
(3) Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Ang kapangyarihan na ito ng Pangulo ay maaaring kontrahin ng


mga kapulungan sa pamamagitan ng 2/3 na boto buhat sa
kanilang mga kasapi o miyembero.
TIYAK NA PROSESO SA PAGBUO NG BATAS

1. Ang Paghahanda sa Panukalang Batas o Bill


- Batay sa hiling ng miyembro, kailang gumawa o bumalangkas
ng panukalang batas (bill) ang mga Kasaping Kapulungan o Bill
Drafting Division ng Reference and Research Bureau.

2. Pagsasagawa ng Unang Pagbasa ng Panukalang Batas


a) Isusumite ang panukalang batas sa Bills and Index Service na
kailangang magbigay ng mga numero at kopya.
b) Bibigyan sila ng tatlong araw pagkatapos ng naunang
pagsumite ng panukalang batas upang ito ay isama sa Order of
Business for First Reading.
c) Babasahin ng Secretary General sa unang pagbasa ang titulo
at inilaang numero bilang ng bill. Ang Speaker of the House of
Representatives o ang pinuno ng Mababang Kapulungan ang
siyang magtatalaga ng panukalng batas sa naaangkop na
komite.
3. Pagkilos ng Komite
a) Susuriin ng Komite ang panukala upang malaman kung
magsasagawa ng pampublikong pagdinig
- Magtatakda ng panahon upang mapag-usapan ang isyu.
Itatalaga ng Komite kung batay sa pagsusuri nito ay hindi na
kailangan ng pampublikong pandinig.
b) Maaaring isagawa ang sumusunod: (1) Modipikasyon sa
panukala, (2) Pagsasama-sama ng mga panukalang
magkakapareho ang paksa at (3) Magbigay ng substitute bill.
c) Ipadadala sa Plenary Affairs Bureau ang maaaprubahang
bersyon ng Komite.

4. Ikalawang Pagbasa
a) Irerehistro at lalagyan ng bilang ng Bills at Index Service ang
ulatng Komite at pagkatapos, isasama sa Order of Business at
pagtatalaga sa Committee on Rules.
b) Gagawa ang Committee on Rules ng iskedyul para sa ikalawang
pagbasa.

c) Babasahin ng Secretary General ang iskedyul ng mga


kaganapan sa ikalawang pagbasa katulad ng pagkakahati ng
kapulungan at pagtawag sa bawat miyembro sa kanilang boto.

5. Ikatlong Pagbasa
- Kung maaaprubahan ang panukalang batas sa pagsang-ayon ng
karamihang ng kasaping dumalo, ipapadala ito sa Archives o
koleksyon ng mga dokumento.

6. Paghahatid ng Bill sa Senado


- Busisiin ng Senado ang inaprubahang panukalang batas ng
Kongreso. Magbibigay ng pagsang-ayon ang Senado kung
aprubado ditto ang bersyon ng Mababang Kapulungan.
7. Pagkilos ng Senado
- Dadaan din sa katulad na lehislatibong proseso ang panukalang
batas sa Senado.

8. Komite ng Pagpupulong
a) Binubuo ng mga kasapi buhat sa dalawang kapulungan ng
Kongreso. Layuning pag-usapan nang mabuti ang mga di-
pagkakaunawaan sa mga probisyon.
b) Maaaring maglagay ng bagong probisyon kung nararapat.
c) Maghahanda ng ulat ang Komite na kailangan ng lagda ng
lahat ng dumalo sa pagpupulong kasama ang Chairman.
d) Ang ulat ng komite ay kailangang aprubahan ng dalawang
Kapulungan. Walang anumang pagbabago ang papayagan.

9. Paghahatid ng Panukalang Batas sa Pangulo


Ang mga kopya ng bill, pinirmahan ng Senate President at ng
House Speaker at sinertipikahan ng Kalihim ng Senado at ng
Secretary General ng Mababang Kapulungan ay ipapadala sa
GALVEZ.GABAYERON. CADIAO.LAYES
(6) KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
(7) MGA EKSPRESYONG LOKAL
1. KOMUNIKASYONG DI BERBAL NG
PILIPINO
2. IBA’T-IBANG ANYO NG
KOMUNIKASYON
Mahalaga ring paksa ng pagtatalakay sa bahaging ito ang
komunikasyong di-berbal ng mga Pilipino.
Kinasasangkutan ito ng mga Kilos o Galaw ng katawan.

Karaniwang binibigyang interpretasyon ang mga senyas upang


maisajatuparanang ang proseso ng komunikasyon.
May mga PAHAM (dalubhasa, pantas, matalino) na naniniwala na
ang komunikasyong di_berbal ay kinasasangkutan ng mga detalyado
o lihim na kodigo na hindi nakasulat subalit nauunawaan ng lahat.
DI- BERBAL NA
KOMUNIKASYON NG
MGA:
Amerikano  pahalik sa kamay
bilang pangangamusta
o tanda ng paggalang

Hapon  pagyuko

Pilipino  Pagmamano –
kadalasang simbolo
ng kanilang
pagpapahala sa
nakakatanda.
Sa mga pagkakataon na nahihiya ang mga Pilipino sa pakikihalubilo sa
mga taong bago pa lamang kakilala o bagamat kilala ay hindi gaanong
kapalagayan ng loob, kadalasan na ang pagtango at pagngiti ay ibinibigay
sa isa’t-isa tanda ng kagalakan kaugnay ng pagtatagpo ng kani-kanilang
mga landas. Makikita sa isang bahagi ng misa na dinadaluhan ng
maraming Katolikong Pilipino na binibigyan ng simbahan ang bawat isa
ng pagkakataong magbigay ng mga palatandaan mg paghiling ng
kapayapaan sa isa’t-isa.
 Maiuugnay din ang komunikasyong di-berbal sa kultura ng
bayanihan at pagtutulungaan ng mga Pilipino nang walang
anumang hinihiling na kapalit.
 Sinasabi ni Albert Mehrabian (1971) sa kanyang pag-aaral
na ang siyamnapu’t tatlong bahagdan (93%) ng gawaing
pakikipagtalasan ng tao ay kinasasangkutan ng di-berbal na
komunikasyon.
Iba't ibang Anyo ng Komunikasyong
Di-Berbal
1. KINESIKA (KI
 Ang komunikasyong di-berbal ay maaaring matagpuan sa iba't-iba nitong anyo
tulad ng mga sumusunod na paksa ng mga pagtalakay:

1. KINESIKA (KINESICS)
Pinatutunayan sa anyong ito ng komunikasyon na ang mga bawat kilos at galaw ng
katawan ng tao ay may kaakibat na kahulugan maaarong bigyan ng interpretasyon
ng mga taong nasa kanyang kapaligiran. Kung ihahambing nga lamang sa berbal
na komunikasyon, malaki ang pagkakataon na magkaroon dito ng hindi
pagkakaunawaan sapagkat ang di-berbal na komunikasyon ay nag bibigay ng
malaking diskresyon sa mga tagatanggap (decoder) na bigyan ng palahulugan ang
mensaheng pinapahiwatig ng tagapagdala ng mensahe (encoder).


▸ A. Ang ekpresyon ng mukha ng tao ay may kapangyarihang magpangiti,
manghalina, manakot, manindak at kung ano-ano pa dependi sa nais ipahiwatig
ng taong nagpapakita nito. Maaaring isaalang-alang ng taong nanunuyo ang
kanyang mga nararapat na hakbang kung isinasaalang-alang niya ang
ekspresyon ng mukha ng taong kanyang sinusuyo. Maaaring makita sa mukha
ng tao ang kanyang pinagdaraanan. Kung mapagtatagumpayan natin na makita
ang mahalagang aspeto na ito, makapag-iisip tayo ng angkop na salita na
maaaring makatulong sa ikakapanatag ng kanyang kalooban.
▸ B. Ang mata bilang bahagi ng katawan ng tao ay may malaki ring papel na ginagampanan sa

gawaing komunikasyon ng mga Pilipino. Naging kasabihan na nga sa atin na kung nais daw

nating malaman ang sinseridad ng tao sa kanyang layunin ay nararapat natin siyang tignan sa

kanyang mga mata sa tuwimg sa ay nakikipag-usap sa atin.

▸ C. Ang galaw ng katawan ng tao katulad ng pagkumpas ay mga salik na nakaaapekto sa

interpretasyon ng tao sa mga pahayag ng iba pang indibidwal. Nakatutulong ito upang

bigyang diin ang berbal na kahulugan ng mga ideya at saloobin ng isang indibidwal. d.

Makabuluhan din ang tinig at postura ng isang tao sa kanyang pakikipagtalastasan. Makikita

sa pamamagitan ng tindig ang kanyang paninidigan at tiwala sa sarili. Kung masyadong

malikot ang isang tao, maaari natin itong tignan sa punto ng kanyamg mga pagkabahala.

Kung diresto at natural, masasabi nating ang tao ay kalmado at may tiwala sa kanyang sarili.
2. Proksimika (Proximics)
. 2. Proksimika (Proximics)

 Pinapahalagahan ng pag-aaral na ito ang espasyo bilang makabuluhang sangkap ng di-


berbal na komunikasyon. Pinaniniwalaan dito na ang agwat o ang proximity ng tao sa
kapwa tao at mga bagay-bagay ay may karampatang kahulugan na maaarong mabuo sa
pananaw ng taong tatanggap ng mensahe. Si Edward Hall, isang cultural anthropologist ang
unang gumamit ng terminong ito noong 1963. Ipinaliwanag ni Hall na ang pag-aaral ng
proxemics ay mahalaga hindi lamang sa paraan ng pakikitungo ng tao sa iba sa pang araw-
araw nilang panumuhay, kundi maging ang organisasyon ng tahanan, gusali at iba pa. a. Ang
kilalang-kilala espasyo (intimate distance) ay kinabibilangan ng pagakap, paghawak,
pagbulong. b. Ang personal na distansya ay makikita sa interaksyon sa pagitan ng
magkakaibigan at mga kamag-anak. c. Ang sosyal na distansya ay ang interaksyon sa mga
3. Oras (Chronemics)
3. Oras (Chronemics)

▸ Ang pag-aaral sa oras ay isa ring esensyal na paksa ng


pagtalakay sa komunikasyon di-berbal. Tumutukoy ito sa
interdependente at integratibong antas ng karanasan sa
paggamit ng oras. Si Thomas J. Bruneau ang unang
gumamit ng salitang ito noong huling bahagi ng 1970 upang
matukoy ang papel na ginagampanan ng oras sa pakikipag-
ugnayan ng tao. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng oras
na isinasaalang-alang sa komunikasyon.
▸ a. Teknikal o siyentipiko. Tumutukoy ito sa eksaktong oras
na napagkasunduan.

▸ b. Pormal na oras. Ito ng oras na ginagamit upang ipakita


ang kahulugan ng oras bilang kultura.

▸ c. Impormal na oras. Tumutukoy ito sa oras na walang


katiyakan.

▸ d. Sikolohika na oras. Ang bawat depinisyon ng tao sa oras


ay nakabatay sa kanyang estado sa lipunan at mga personal
4. Paghaplos (haptics)
4. Paghaplos (haptics)

▸ Ito ay isang uri ng komunikasyon na kinabibilangan ng paghaplos o pagdampi. Maaaring


bigyan ng iba't ibang pagpapakahulugan ng taong tumatanggap ng mensahe ang paraan ng
paghaplos sa kanya ng kanyang kausap. Ang simpleng pag tapik sa balikat ay pagpapakita
ng pakikiramay at pagbati sa kapwa subalit kung ito ay mahahaluan ng diin ay maaaring
haluan ng malisya ng taong tumatanggap ng mensahe. Ang pakikipagkamay na tanda ng
manuting pagtanggap ay maaaring bigyan ng interpretasyon ng paghamon ng away kung
magkakaroon ng pwersa o diin ang pagpisil sa mga kamay ng bawat isa. Ang bahagyang
pagtampal sa mga pisngi ng isang indibidwal na nangangahulugan ng pagkagiliw ay
maaaring maging hudyat ng away kung magkakaroong diin o lakas ng pagtampal.
5. Paralanguage
5. Paralanguage
▸ -Ito ay tumutukoy sa di-lingwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita katulad ng
intonasyon, bilis at bagal ng pagsasalita, at kalidad ng tinig.
▸ Ang intonasyon katulad ng pagbaba at pagtaas ng tinig ay mga sirkumstansyang makakaapekto sa
pagpapakahulugan ng taong tumatanggap dito bilang mensahe. Ang pagbaba ng tinig ay
karaniwang iniuugnay sa pagpapakumbaba samantalang ang mataas na tinig ay maiuugnay sa
masidhing emosyong ng damdamin(galit,poot,pagkabigla o pagkatakot).
▸ Ang bilis ng pagsasalita ay maaaring tumukoy sa pagkakataon na mataas ang kaalaman ng isang
indibidwal sa larangan ng kanyang pagtalakay. Ang bagal ng pagsasalita naman ay maaaring
maging tanda ng pagkabagabag at kawalan ng kumpiyansa o kawalan ng tiwala sa paksa ng
isinasagawang pagtatalakay.
▸ Ang magandang tinig ay maaring maglarawan ng kapanatagan ng damdamin samantalang ang
garalgal na tinig ay maaring magpakita ng takot at pangamba.
6. Katahimikan
6. Katahimikan
Ang katahimikan ay isang ingay na ang
▸  Ang katahimikan katulad ng
pinag-ugatan ay maaaring ang nakaraang
pagsasawalang kibo, ugnayan o sigalot sa buhay.
Ang pagbibigay ng blangkong mensahe
pagbibigay ng blangkong sagot
ay maaaring tingnan sa aspeto ng
sa isang text message ay aksidenteng pagkakapindot sa telepono.
Maaari rin itong tingnan sa anggulo ng
maituturing na mensahe sa
kawalang pagpapahalaga sa nakaalitan.
isang akto nng komunikasyon.  
Ito ay mga di-berbal na
komukasyon na ang kahulugan
ay nakabatay sa panananaw ng
taong tuumatanggap nito.
7. Kapaligiran
7. Kapaligiran
  Ang anumang kaganapan sa kapaligiran ay maaaring
bigyan ng pagpapakahulugan sa taong tumitingin dito.
 Ang pisikal na anyo na pagdarausan ng isang palihan ay
pagpapaalala kung paano pinaghandaan ng mga
tagapangasiwa ang mahalagang okasyon sa araw na iyon.
Ang kaayusan ng lugar ay makatutulong upang malaman
kung ang magaganap na talakayan ay pormal o impormal.
Yunit 4:
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG
LOKAL AT INTERNASYUNAL
Korapsyon at iba pang mga katiwalian sa Pamahalaan

▸ 1. Pag-abuso sa kapangyarihan
▸ 2. Pakikipagsabwatan
▸ 3. Pandaraya sa halalan
▸ 4. Pagnanakaw sa kaban ng bayan
▸ 5. Sistemang padrino o palakasan
▸ 6. Korapsyon sa iba't ibang sangay ng gobyerno
1. Pag-abuso sa kapangyarihan

Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na


magampanan ng isang lider ang tungkulin na inaasahan sa
kanya ng mga tao sa kanyang kapaligiran.

Ang kapangyarihan ay maaring maipatupad sa


dalawang kaparaanan, ministeryal na pagpapatupad at
diskresyunal na pagpapatupad.
Ministeryal-ang namumuno ay walang ibang nararapat na
gawin kundi ipatupad ang isang polisiya.
Halimbawa:
1. Pagtupad sa tungkuling pangbatas trapiko para sa maayos
na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino.
2. Ang mekanikong pagpro-proseso ng income tax return
3. Pagpro-proseso ng legal na titulo ng lupa mula sa orihinal
na may-ari tungo sa bumili nito
4. Pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibabayad ng
mamamayan.
Diskresyunal
-tumutukoy sa paggamit ng opsyon o diskresyon ng isang
mamumuno o kawani ng pamahalaan na ipatupad o hindi ang
isang tungkulin subalit may pagsaalang-alang sa legal na
pamantayan.
Halimbawa:
1. Pagpili ng Pangulo ng Pilipinas sa mga magiging
kasapi ng gabinete ng ehekutibo.
2. Pagpasok ng Lokal na Pamahalaan sa kasunduan sa
isang pribadong kumpanya.
3. Pagbili ng mga kagamitang makakatulong sa
pagpapatupad ng isang polisiya.
Ang pag-abuso sa kapangyarihan o diskresyon ay tumutukoy sa hindi
angkop na paggamit ng kapangyarihan o pasilidad sa mga desisyon na
kailangan nyang ibigay. Halimbawa:

1. Pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kanyang asawa o mga anak


bilang gabinete ng ehukutibo. Mariin itong pinagbabawal ng ating
Saligang Batas 1987 sa ilalim ng prinsipyong nepotismo.
2. Ang kapangyarihan ng pamahalaan na pumasok sa isang kasunduan ay
mahalahang mekanismo para sa episyante at epektibong paglilingkod sa
bayan. Subalit ang pagsaaalang-alang sa personal na interes sa kasunduan
ay mga sirkumstansyang naglalarawan ng pang-aabuso sa kapangyarihang
ipinagkatiwala ng taong bayan sa pamahalaan, lokal man o nasyunal.
3. Ang pagbili ng mga kagamitan o purchasing ay
sistema ng isang pamamahala na nangangailangan ng
masusing pagsunod sa proses sapagkat ito ay maaring
maging ugat ng korapsyon ng gobyerno.
4. Ang paggamit ng kapangyarihan upang makakuha ng
pabor sa ibang tao ng karaniwan ay may kapalit na
kabayaan.
2. Pakikipagsab'watan

 Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o


higit pang indibidwal o grupo na nagkaisa
na isakatuparan nang palihim ang isang
gawain na siyang ugat ng limitasyon ng
iba upang tuparin ang kinakailangan o
nais nilang gawin.
Halimbawa:
1. Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (price fixing) sa
pamamagitan ng kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta
ang produkto sa itinakdang pesyo na nagbubunga ng pagkontrol sa
suplay at pangangailangan.
2. Pagsunod ng lehislatimong sangay ng pamahalaan sa dikta ng
ehekutibo na patalsikin ang mga hindi kapanalig kahit na walang sapat
na batayan at hayagan ng paglabag sa basikong karapatan katulad ng
magpahayag (expression) at karampatang proseso na malaman ang
krimen at maaipagtanggol ang sarili (due process)
3. Paggwad ng kontrata sa isang ahensya na may kaugnayan sa
proyektong pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang pag-
aalok o bidding
3. Pandaraya sa halalan
Ipinagkatiwala ng taong bayan sa mga pulitiko
ang kinabukasan ng bawat mamamayan sa
pamamagitan ng kanyang boto sa pambansa at lokal
na halalan. Bawat boto ay sumisimbolo ng pag-asa sa
pagkakaroon ng magandang bansa at pananalig na
ang suportang kanilang ibinibigay sa pamamagitan
nito ay makabuluhan at kailanman ay hindi
pagsisisihan.
Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa
eleksyon:
1. Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud)- tumutukoy sa ilegal na
panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdagdag ng boto sa
pinaborang pullitiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato.
2. Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation)-isang uri ng pandarayang
makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng mga manghahalal
ay nabago.
3. Pagtanggal ng karapatan ng isang tao na bumuto (disinfranchisement)-
maari itong makita sa pagpapahina ng loob ng iba na nakarehistro, o kung sakaali
man na nakapagrehistro na, ay ang tanggalin sila sa talaan ng mga botante sa
pamamagitan ng animo ba ay legal ng pagtanggal a proses ng korte.
4. Manipulasyon sa demograpiya- maraming pagkakataon na
kayang kontrolin ng mga kinakaulan ang komposisyon ng mga
manghahalal upang matiyak ng isang resultang pumapabor sa
sinusuportahang pulitiko.
5. Intimidasyon- tumutukoy sa lakas o pwersa na ibinibigay sa
mga botante upang sila ay bumuto pabor sa isang partikular na
kandidato o kaya ay pigilan sila na makibahagi o makiisa sa
pagboto.
6. Karahasan o pananakot na paghahasik ng karahasan-
direktang tinatakot ng mga tagasuporta ng kalabang partido upang
ibasura nito ang ang pagsuporta na hindi makakabuti sa
sinusuportahang kandidato.
7. Mga pagbabantang legal- ang mga botante ay
pinapaniwalang sila ay walang legal na karapatan na
bumoto o kaya may obligasyon na bumuto gamit ang
partikular na pamamaraan.
8. Pamimilit- ipinapakita rito na ang demograpiko na may
kontrol sa batas ay sinusubukang hikayatin ang iba na
sumunod sa kanila.
9. Pamimili ng boto- nanghihingi ng boto sa mga botante
kapalit ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay
mga serbisyo.
4. Pagnanakaw sa kaban ng bayan

Kadalasan na ang tiwalang ibinibigay ng


mga taong bayan sa mga pulitiko na kanilang
iniluklok sa pwesto upang mamahala sa bayan
ay nawalan ng saysay dahil sa pagkasilaw sa
mga kayamanang dapat sana ay ilaan upang
mapagsilbihan ng wasto ang taong bayan.
A. Pandarambong (plunder)- sa bisa ng RA 7060
ay itinuturing na isang krimen ang akto ng opisyal
ng gobyerno na direkta, o sa pamamagitan ng
pakikipagsawatan sa mga kasapi ng pamilya, o
kamag-anak, mga kasama sa negosyo, mga
nasasakupan ay humahakot, nagtitipon, o
nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama
gamit ang pinagsama o sunod-sunod na hayagan o
mga gawaing kriminal.
Halimbawa:
1. Paglustay, paglipat, himdi angkop na paggamit, maling pag-aasal sa
mga pundong pampubliko o mga pasgsalakay sa kabangyaman ng publiko.
2. Pagtanggap nang direkta o hindi direkta, anumang paggawa, regalo,
bahagi, bahagdan, mga kickback, o anumang anyo ng pansalaping
pakinabang mula sa anumang tao at/o mga entidad na may kaugnayan sa
anumang kontrata o proyekto ng pamahalaan o sa dahilan ng opisina o
posiyon ng pinatutungkulang opisyal ng publiko.
3. Ilegal o pandarayang pagpapadala o pagbibigay ng mg ari-ariaan ng
pambansang pamahalaan o anumang mga subdibisyon nito, ahensiya o
mga instrumentalidad o mga pag-aari ng pamahalaan o kinokontrol ng
pamahalaan na mga korporasyon at mga sudsidaryo nito
4. Pagkakamit, pagtanggap nang direkta o hindi direkta ng anumang
mga bahagi ng stock, ekwided o anumang anyo ng interes o
pakikilahok kabilang ang pangako ng pang hinaharap na trabaho sa
anumang negosyo o isinasagawa.
5. Paglikha ng agrikultural, industriyal o pangkalakalan ng mga
monopolyo o iba pang kombinasyon at/o pagpaptupad ng mga batas at
kautusan na ang layunin ay makinabang ang mga partikular na tao o
mga opisyal na interes.
6. Higit sa nararapat na kalamangan ng opisyal na posisyon,
kapangyarihan, ugnayan, koneksyon impluwensiya upang hindi
makatarungang payamanin ang mga sarili nito na may pagsasawalang-
bahala sa panganib o pinasalang maidudulot nito sa mamamayang
Pilipino at Republika ng Pilipinas.
B. Panunuhol (Bribery) at Korapsyon ng Opisyal ng Gobyerno
( Corruption of Public Officer)
Sa ilalim ng artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas,
ang direktang panunuhol (direct bribery) ay maaring isampa sa
kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa
paggawa ng isang akto na maituturing na krimen, anong hain,
pangako, regalo o bagay na tinanggap ng naturang opisyal,
personal man o sa pamamagitan ng iba.
Isinasaad ng artikulo 211 na ang isang opiyal ng gobyerno
at maaaring makasuhan ng indirektang panunuhol ( indirect
bribery) sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa
tanggapan ng kanyang hinahawakan.
C. Maling paggamit ng Pundo o Ari-arian ng Bayan
Sa ilalim ng Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas ay
binigyan ng depinasyon ang krimen ng maling paggamit ng pondo o
ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon ang
pagpapalagay (presumption) sa ganitong krimen.
Sinasabi ng artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa
pamamagitan ng kanyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan
sa pondo at mga ari-arian ng publiko kung ito ay kanilang gagamitin sa
maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan, ay
hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian
ng publiko, buo man o bahagdan.
D. Graft at korapsyon- ay dalwang magkaibang konsepto ng
pagkuha ng personal na nenipisyo mula sa ma transaksyong
pampamahalaan.
Ang korapsyon ay tumutukoy sa maling gamit ng mga
pinagkukunan ng pampamahalaan para sa personal na
benipisyo.
Ang graft ay tumutukoy sa maling gamit ng impluwensiya
para sa personal na interes.
Sa ilalim ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt apractices Act)
ay inisa isa ang mga kasanayang may kaugnayan sa
koraspsyong idineklara na labag sa batas.
1. Himukin, inuyo, o impluwesyahan ang ibang opisyal ng gobyerno na
magsagawa ng isang akto na lumalabag sa patakaran at regulasyong binibigyan ng
promulgasyon ng maasahang awtoridad o isang paglabag na may kaugnayan sa
opisyal na tungkulin ng gobyerno, o ang pahintulutan ang sarili na mahimok,
mabuyo, o maimpluwesyahan na gumawa ng paglabag sa batas.
2. Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo, bahagi, bahagdan, o
benipisyo para sa kanya o para sa ibang tao,kaugnay ng kahit anong kontrata o
transaksyon sa pagitan ng Gobyerno sa kanyang opisyal na kapasidad ay
kailangang pumagitna sa ilalim ng batas.
3.Direkta o di-direktang paghiling o pagtanggap ng regalo o ibang may kaugnayan
sa salapi o material na benipisyo para sa kanya o para sa ibang tao, mula sa kahit
sinong tao na kung saan ang opisyal na gobyerno, sa anumang paraan o kapasidad,
ay nakakuha o makakakuha ng kahit na anong permiso o lisensiya sa Gobyerno,
bilang konsiderasyon sa tulong na ibinigay o ibibigay.
4. Pagtanggap o pakakaroon ng kasapi ng pamilya na tumatanggap
ng trabaho sa pribadong kumpanya na nakabimbing kalakalan sa
kanya sa mga panahon ng pagluluwat o sa loob ng isang taon
pagkatapos nito.
5. Pagdududlot ng hindi nararapat na pinsala sa isang partido,
kasama ang gobyerno, o ang pagbibigay sa kahit sinong pribadong
partido ng hindi makatwirang benepisyo, pakinabang o pagkakataon
na mamili sa pagpapatupad ng kanyang opisyal na dministratibo at
judisyal na tungkulin sa pamamagitan ng hayagang pagkiling,
kasamaan, o labis na hindi katanggap-tanggap na kapabayaan.
6. Pagpapabaya o pagtanggi, matapos ang naraarapat sa demand o
pakikiusap, nang walang sapat na pagmamatuwid, pag-akto sa loob
ng risonableng oaras, sa kahit na anong pamamaraan kapalit ng
pagtatamasa, direkta o hindi-direkta, mula sa kahit na sinong tao na
may interes sa pananalapi at mga materyal na benepisyo.
7. Pagkakaroon ng direkta o di-direktang interes sa mga personal
na pakinabang sa mga transaksyong pinagpasyahan ng board o
grupo na kung saan siya ay kasapi o kabilang
8. Pag-apruba o pagbibigay nbg kahit na anong lisensiya, permit,
pribilehiyo, o benepisyo na pabor kahit na alam niyang ang taong
binigyan ng pabor ay hindi kwalipikado na makatanggap nito.
9.Paglabas ng mahahalagang impormasyon na konpidensyal, na
nakuha ng kanyang tanggapan sa pamamagitan ng kanyang
opisyal na posisyon sa sang hindi awtorisadong tao, o ang
paglabas ng naturang impormasyon sa petsa ng higit na maaga sa
petsa na dapt nitong ilabas.
5. Sistemang padrino o palakasan

Ang isa pang walang kamatayang isyu o usapin, ang mga


naluklok sa kapangyarihan ay karaniwang nagiging saksing bulag at
bingi sa hustisya na dapat ay ibigay sa taong bayan mapagbigyan
lamang ang mga taong pinagkakautangan nila ng loob.
Masasabi na ng nepotismo (nepotism) at kronyismo (cronism)
ay kasama sa mga ugat ngpadrino o palakasan. Sa ilalim ng ating
Saligang Batas at iba pang mga umiiral na batas, ang nepotismo o
ang pagbibigay pabor sa mga kamag-anak ay lantarang
ipinagbabawal, samantalang walang tiyak na batasna
makakapagparusa sa kronyonismo o pagb iibigay pabor sa maga
kaibigan, bagaman matindi itong kinukondina.
6. Korapsyon sa iba't ibang sangay ng gobyerno

Halimbawa ng Korapsyon sa iba't ibang sa sangay ng gobyerno


1. Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan
a. Pagtanggap ng salapi bilang proteksyonsa ilegal na gawain
b. Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik sa hindi pag-akto sa
isang kaso na kailngan gawan ng aksyon
c. Pagtanggap ng suhol bilang kapalit ngbhindi pag-iisyu ng tiket
kaugnay ng paglabag ng motorista sa batas trapiko.
d. Pagtatanim ng ebidensiya (planting of evidence)
e. Pagmamalabis sa kapangyarihan gamit ang dahas o
pananakot upang mapagtagumpayan ang nais na makuha.
Kinikilala itong isang anyo ng pangingikil na lumalabag sa
mga umiiral na batas polisya sa Pilipinas.

f. Paglahok ng kapulisannsa mga organisadong krimen


katulad ng pagnanakaw, terorismo, kidnapping, at iba pa.
2. Korapsyon sa Hudikatura (Judiciary)
Isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno, kasama ng
Ehekutibo (Executive) at Lehislatibo (Legislative). Ito ang sangay
ng gobyerno na nagbibigay ng interpretasyon sa batas na ginawa ng
Lehislatibo at ipinatupad ng Ehekutibo.
Hindi rin ito ligtas sa alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw
sa kaban ng bayan. May mga kurakot din na hukom (judge) na
tumatanggap ng suhol upang magbaba ng desisyong pumapanig sa
nagbigay ng suhol. May ilang hukom na pinapatagal ang
pagdesisyon sa isang kaso na nagbubunga ng inhustiya sa mga
taong walang kasalanan.
3. Korapsyon sa Pamamahayag
Ang pamamahayag ang isa sa mga sa mga basikong
kaprapatang pantao na bibigyan ng proteksyon ng ating
Saligang Batas, espisipiko sa Artikulo III, Seksyon 4. Isinasaad
dito na walang makapapasang batas na bumabangga sa
karapatan ng tao na magsalita, magpahayag, o ang karapatan
ng tao na magtipun-tipon sa mapayapang pamamaraan.
Sa kabila ng mga karapatang ito ay may mga pagkakataon
na ito ay nababahiran din ng usapin ng korapsyon at
pagnanakaw sa bayan gaya ng mga sumusunod na sitwasyon:
1. Pananahimik o pagpapasya na huwag ilantad ang
katotohanan kapalit ng pagtanggap ng suhol. O kaya
paglalantad ng mga kwentong hindi totoo kung kaya
malaki ang posibilidad na makasira sa isang indibidwal
o samahan.
2. May mga pagkakataon din na kapalit ng suhol ang
pagsusulat ng mga kwentong mapakikinabangan ng
indibidwal o kumpayang nagbibigay ng suhol.
3. Korapsyon sa Lehislatibo
Sangay ng gobyerno na namamahala sa
pagbuo at pagbalangkas ng batas na nararapat
namang ipatupad ng Ehukatibo. Malapit sa
usapin ng korapsyon ang sangay na ito ng
Lehislatibo sapagkat maaring makapaglagay ng
isang probisyon sa panukalang batas na maaring
pumabor sa may akda nito.
Ilang prinsipyo upang labanan an katiwaliang ito ng pamahalaan:
a. Hindi tugmang tanggapan (incompatible office)- ipinagbabawal
sa prinsipyong ito sa mga mambabatas na humawak ng tanggapan o
posiyon sa anumang ahensya ng pamahalaan. Halimbawa: Hindi
maaring tanggapin ng isang senador ang posiyon bilang Kalihim ng
DILG kung hindi niya babakantehin ang kanyang pwesto bilang
Senador.
b. Ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office)- ipinagbabawal
sa prinsipyong ito ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga
tanggapan ng gobyerno na nilikha o ang sweldo para dito ay nilikha sa
panahon na siya ay nanunungkulan pa bilang kongresista.

You might also like