Charter Change

You might also like

You are on page 1of 2

Cha-Cha: Pang-Masa o Panganib sa Demokrasya?

Sa kabila ng nagmamahalang presyo ng bilihin, sirang sistema ng pampublikong transportasyon,


kakulangan sa pangangailangan, mababang sahod ng manggagawa, patuloy na isyung ng
lipunan, mas pinagtutuunan pa rin ng pansin ng gobyerno at sinisikapang bigyan ng panahon na
baguhin ang saligang batas.

Konstitusyon ba ang kailangan palitan o ang mga nanunungkulan?

Naging usapin at kontrobersiyal ang talakayan sa charter change o mas kilala bilang CHA-CHA sa
panukala na pinangunahan ng ospiyal ng gobyerno. Ang 1987 Constitution ang pinakamataas
na batas, at siyang basehan ng mga pinakaimportanteng karapatan at kalayaan na tinatamasa
natin ngayon. Ayon kay President Bong Bong Marcos, nais nilang amyendahan ang saligang
batas na mas maayos ang ekonomiya nito, ani niya “We have to… we have to adjust so that we
can increase the economic activity in the Philippines. You can attract more foreign investor”
Ngunit, kahit imungkahi pa na economic revisions lang ang gagawin, hindi ba’t may “domino
effect” at malaking pagbabago pa rin ang maaring mangyari sa pagtupad nito?

Ginawa ang 1987 constitution para labanan ang karahasan, pagsasamantala at pang aabuso ng
kapangyarihan. Walang mal isa mga nakasaad na batas, at walang ibang ibinibigay ito kundi
proteksyon at karapatang pantao. Ayon sa supreme court, “The 1987 Constitution’s entire
matrix is designed to protect human rights and to prevent authoritarianism” Sa kasalukuyang
Saligang batas, nakatakdang manungkulan ang President at Bise Presidente na may anim na
taon lamang na pamumuno. Subalit, isinusuwalat ng cha-cha ay maaari silang maluklok sa
dalawang magakasunod na termino. Gayundin, sa ibang opisyal ng gobyerno at ibang bahagi ng
local na pamahalaan maliban sa barangay officials, nakasaad naman na gagawing limang taon
imbis na tatlong taong pamumuno. Para ba talaga sa tao o para humaba pa ang termino?

Bakit nga ba ang iilan ay sumasang-ayon sa pag-amyenda ng konstistusyon, kung tutuusin halos
iisang apelyido lang ang naririnig at nakikita sa halalan. Paano mo isasaalang alang na palitan
ang konstitusyon sa mga kamay ng nakaluklok na hindi masolusyonan ang isyu sa lipunan? Sa
pagtuloy na pagtulak na mapayagan ang cha-cha, para ring kinunsinti mo ang mga garapal sa
kapangyarihan, buwaya sa kayaman ng taong bayan at patuloy na mawalan ng hustisya at
mabulilyaso ang ating sistema. Kung susuriin, dapat mas usisain kung sino ba ang nagsasayang
ng pera upang bayaran ang tao maipakita lang na people’s initiative ito, na pinapapirma ang
halos 12 milyon upang maipatupad ang cha-cha na minamanipula pa ang katotohanan na para
raw sa mamamayan, subalit, malinaw naman na babala na ang aksyong bayaran pa ang tao,
para lang sa sariling interes ng mga nasa likod ng propagandang ito.

Konstitusyon ba ang problema? O ang paraan ng panunungkulan nila? Para ba sa tao, o para sa
mga mahilig manggatso? Hindi naman CHA-CHA ang solusyon sa problema ng bansa, tapat na
pamamahala, malinis na intension sa kaban ng bayan, hindi kapangyarihan at kagahaman ang
nais na nakawin sa pagiging ignorante ng mga botante. Publiko nga ba ang may gusto o dahil
sinulsulan ang tao para sa pansariling interes ng mga nakaupo sa gobyerno?
Hindi aprubado sa masa ang CHA-CHA, mas malalim ito at isang isyung panlipunan na dapat
maging mulat ka. Bakit konstitusyon ang papalitan kung ito ay para sa kalagayan ng tao, sa
kabilang banda para kanino ba ang ipinaglalaban ng mga opisyal ng gobyerno?

You might also like