You are on page 1of 2

1.

Write three similarities between the Philippine government portrayed in the movie and our
present government in terms of ethical issues.

Kung ikukumpara ang gobyerno ng Pilipinas na pinakita sa pelikula at sa kasalukuyan maraming


pag kakatulad na naganap. Unang una na dito ang pag gamit o pag kuha ni General Pacheco para
sila ang gumawa ng maduming trabaho nap ag patay kapalit ang pera. Dito ko nalaman na
nangyari din pala ito sa totoong mundo. Nakikita ko dito na walang tulong ang gobyerno pag
dating sa mga taong may posisyon tungkol sa mga madumi nilang ginagawa. Dagdag ko pang
napansin na kapareho sa kasalukuyan at ng pelikula ay ang kung paano mag isip ang mga taong
may mga posisyon sa politika. Marami sakanila pinapanatili ang pag tatago ng mga maduduming
gawain na kapag ito ay lumabas at kumalat sa ating bansa ay paniguradong makakasuhan sila.
Hindi man lang nila naisip ang pinsala na maidudulot nila sa mga balak na plano, kung ito ba ay
makakabuti o makakasama sa ibang tao. Malaking tulong ang pelikula sa akin dahil nalaman ko
na base ang pelikula na iyon sa totoong pangyayari. Nag bigay mulat sa aking mata kung gaano
ka dumi kumilos ng aksyon ang mga taong may posisyon para lang matanggal ang taong hindi
nila kayang pasunurin. Isa pa sa hindi nag bago ay ang pag sasagawa ng pag kitil ng buhay ng
hindi nag dadalawang isip kung tama ba o mali ang gagawing aksyon. Dito palang pinapakita nila
ang hindi pag papahalaga sa buhay ng ibang tao. Ganun lang kadali sakanila ang pumatay ng tao.

1. Write three differences between the Philippine government portrayed in the movie and our
present government in terms of ethical issues.

Para sa akin mayroong pag babago na nangyari sa Pilipinas pag dating sa kasalukuyan kumpara
sa gobyerno na nangyari sa pelikula ngunit hindi lahat ay nagkaroon ng pag babago. Hanggang
ngayon mayroon paring mga taong makapangyarihan na ginagawa parin ang ganoong
pamamaraan ng pag patay ng tao. Sabi nga sa pelikula, pera ang nag kokonekta para magawa ang
maduming aksyon. May ilan parin na kumukuha ng preso upang ipapapatay ang taong nais nila
patayan kapalit ang pera. Walang pinagbago, parehas paring hindi nag papakita ng pag
papahalaga sa buhay ng mga tao pinapapatay nila. Ganito ang paraan nila para matanggal ang
mga kaaway o hadlang sa kanilang plano. Madali silang nakakakuha ng taong gagawa ng pag
patay dahil pera ang pinakamahalaga sakanila at gagawin ang lahat para lang makuha kahit na
ang kapalit ay maduming trabaho. Hindi parin talaga nawawala ang mga taong nag kakaisa para
lamang sabay-sabay silang umangat sa posisyon. Ito ay nangyayari parin sa kasalukuyan. Marami
parin ang gumagawa ng kamalian na nag dudulot ng pinsala sa iba kahit alam nilang maling
pamamaraan ang ginagawa sa kadahilanang ang taong yon ay hadlang sa plano nila. Ang mga tao
sa gobyerno sa kasalukuyan ay patuloy paring gianwa ang ganitong mga pamamaraan kaya’t
hindi ko masasabi na maraming nagbago sa ating Sistema. Napag sasawalang bahala ang mga
pangyayari na ito dahil hindi basta-basta ang mga taong nasa likod ng plano na iyon.

2. Share your three personal realizations/learnings in terms of our social and political settings
in the country this year school year 2023 to 2024 in terms of ethical issues

Sa loob ng isang taon may mga iilan akong nalaman at napag aralan tungkol sa ating politikal at
sosyal sa ating bayan. Marami parin palang mga taong hindi nag iisip ng magiging resulta ng
kanilang mga desisyon sa buhay. May mga nag papakita parin ng hindi pag papahalaga sa mga
buhay ng tao, kung ang aksyon ba nila ay mag reresulta ng pinsala sa iba, kung makakasakit ba
sila o hindi, at iba pa. Ang ating mga aksyon ay may resulta at ang resulta ng desisyon natin ay
atin ring responsibilidad. Kaya nararapat lamang na pag isipang mabuti ang bawat desisyon na
gagawin. Kahit na matagalan ang pag iisip ng huling desisyon ang mahalaga ay tama ang
desisyon na iyon. Desisyon na hindi makakasakit sa iba, nag papakita ng halaga sa buhay ng
ibang tao, at nag papakita na mabuti ang intension ng magiging aksyon. Ngayon ko lang napag-
alaman na hindi ako ganito mag isip sa mga naging desisyon ko ng mga nakaraang panahon.
Hindi ko naisip na kung ang magiging desisyon at aksyon ko ba ay makakasakit sa iba dahil ang
nasa isip ko lang ay lutasin ang problema na kinakaharap ko. Maling mali na hindi ko man lang
inisip ang mga bagay na magiging resulta ng desisyon at aksyon ko na labis kong pinag sisisihan.
Sa huli ang bawat tao ay may kalayaan na mag desisyon sa buhay nila ngunit dapat lamang nap
ag isipang mabuti ang bawat magiging aksyon at desisyon dahil ang resulta nito ay kanila ring
magiging responsibilidad.

You might also like