You are on page 1of 2

Introduksyon

Sa kasalukuyan isa ang Pilipinas sa pinakamahirap


na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba ito?
Maraming dahilan kung bakit naghihirap ang ating
bansa kabilang na riyan ang politika, korupsyon, terrorismo at marami
pang iba. Ang politika, korupayon at terrorismo ay isa sa mga may malaking epekto sa
kahirapan ng ating bansa. Sa politika ang mabilis na pagbabago ng sistema ng
pamamahala ng gobyerno isa sa may malaking epekto kung bakit mas dumarami ang
mga mahihirap na Pilipino, isama mo pa ang pangungurakot ng mga nasa katungkulan
na nagiging sanhi ng rebelyon dahil sa di pag sangayon sa pamamalakad at korupsyon
na di mawala wala.

Politik, Korupsyon at Terrorismo


Pinagisa ko na ang tatlongng suliraning ito kasi halos magkaugnay lang naman ang
mga ito at hindi nagkakalayo laging magkasama sa hirap man o sa ginhawa. Ito yung
mga suliraning nagiging sanhi at bunga. Sa politika na maraming namumuno na hindi
naman karapat-dapat, korupsyon na dulot ng politikong hindi makontento, at
terrorismong dulot ng di pagsangayon sa pagpapatakbo ng gobyerno

Sanhi at Bunga
Isa sa mga problema ng ating bansa ay ang pagkakaroon ng hindi maayos na
patakaran ukol sa pulitika. Maraming pulitiko na namumuno sa ating bansa na hindi
karapat-dapat sa kanilang posisyon. Sinasabi natin na malayang pumili ang mga
mamamayan ng kanilang pinuno ngunit madalas di naman ito nasusunod kasi
nasisilaw parin tayo sa pera. Kaya't isa sa sanhi ng problema sa politika ay ang
pagkakaroon ng hindi maayos na patakaran o mahinang pamamaraan ng pagluluklok
sa gobyerno. Dahil naman sa politika at sa mga pulitiko na nakaupo na hindi naman
karapat-dapat sa posisyon nanagreresulta sa korupsyon. Politika naman ang nagiging
sanhi ng korupsyon, yung mga mayayamang politiko na nagpapayaman pa at mas
pinipiling mangurakot, ibulsa ang pera na dapat sa iba, at dapat sa kaban ng bayan
napupunta, sakim sa kapangyarihan at di makontento kung anong meron sila yan ang
mga ehemplo ng sanhi ng korapsyon na nagreresulta sa rebelyon o terrorismo. Dahil
sa hindi maayos na pamamalakad at laganap na korupsyon at politikong gahaman
maraming mamamayan ang hindi sumasangayon dito kaya't naiisipan ng tao na
magrebelde dahil iniisip nila na kung hindi madadaan sa maayos na paraan handa
silang gumamit ng dahas para ipaglaban ang kanilang karapatan. Dahil sa terrorismo
maraming buhay nag nalalagay sa peligro at mga lugar na napeperwisyo kaya't hindi
umuunlad ang ekonomiya ng bansa dahil sa laganap na suliranin ng kinahaharap ng
bansa dulot ng mga nabanggit. Tunay ngang kung hindi makikiisa ang mamamayan
ng isang bansa ay mahihirapan itong umunlad sapagkat hindi kayang paunlarin ng
mga politiko ang bansa kung wala ang tulong ng mga mamamayan nito
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
BICOL UNIVERSITY COLLEGE OF ENGINEERING
MECHANICAL ENGINEERING DEPARTMENT
LEGAZPI CITY

Pananaliksik
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Submitted by:
John Daniel Bigcas

You might also like