You are on page 1of 2

Korupsyon, Kahirapan at Kaunlaran

Nahalal bilang pangulo si PNoy bunga ng kaniyang imahe bilang Mr. Clean at dahil sa kaniyang
pangakong lilinisin mula sa korupsyon ang pamahalaan. Katulad ng kaniyang ina na naluklok sa
puwesto matapos patalsikin ng isang diktador, mataas ang public confidence sa pangulo na
ibabalik niya ang nawalang integridad sa pamumuno. Ayon sa pinakahuling survey ng Hongkongbased Political and Economic Risk Consultancy (PERC) sa taong 2010, ang Pilipinas ang pangapat sa pinaka-corrupt na bansa sa Timog Silangang Asya (sinundan natin ang Cambodia,
Vietnam at ang Indonesia).
Kaakibat ng pangakong pananagutin ang mga nagnanakaw sa gobyerno, kabi-kabila ang
pagsasampa ng kaso laban sa mga dating opisyal at malalapit na kaibigan ng administrasyon ni
Gloria Macapagal- Arroyo. Maituturing na lamang itong isang pulitikal na ritwal sa tuwing
magpapalit ang administrasyon. May pagtanaw din na ito ay isang media ploy upang pagtakpan
ang kahinaan ng administrasyon at isisi ang lahat ng problema ng bansa sa nakaraang
pamunuan.
Kung maraming nagalak sa proyekto ng pangulo, marami din ang hirap maniwala. Hindi lohikal
ang slogan na Kung walang corrupt, walang mahirap. Maganda sa pandinig ngunit mahirap
isakatuparan. Malawak ang sakop at galamay ng korupsyon---sa merkado, sa mga pampublikong
opisina at maging sa personal na buhay ng mga Filipino. Kung pagsasawata ng korupsyon ang
pag-uusapan, matatapos ang termino ng pangulo nang hindi natutupad ang pangalawa niyang
layuninang sugpuin ang kahirapan.
Ilang pag-aaral na ang isinagawa ukol sa ugnayan ng korupsyon, kahirapan at kaunlaran.
Malinaw na hinahadlangan nito ang paglago ng ekonomiya. Ngunit sa kabilang banda, mas
malakas ang argumentong ang kahirapan ang sanhi ng korupsyon. Ang pinaka-corrupt na bansa
sa buong mundo tulad ng Somalia ay pawang nagdarahop na bansa. Hindi sila naghirap dahil
marami silang tiwaling opisyal kundi dahil sa mahinang ekonomiya na siyang nagtutulak sa mga
lider-gobyerno upang abusuhin ang kanilang kapangyarihan. Hindi rin hadlang ang mataas na
antas ng korupsyon upang umunlad ang ibang bansa Indonesia at China. Ipinakita rin ng mga
pananaliksik ang ilang bagay na siyang aakit sa mga tiwaling gawain.
Una, kung may mga likas na kayamanan tulad ng langis at mga kagubatan na maaaring
pagkakitaan at pagpiyestahan ng mga baluktot na opisyal ng pamahalaan.
Pangalawa, ang kakulangan at kamahalan ng serbisyong pampubliko ang nagpapalalawak ng
mga ilegal na transaksyon.
Pangatlo, ang mababang pasahod sa pampublikong sektor ang umaakit sa mga empleyado ng
gobyerno upang pumasok sa mga ilegal na gawain.
Ganundin, ang labis na kontrol ng gobyerno sa ekonomiya ang nagiging dahilan upang gawing
gatasang baka ng mga pulitiko ang ilang industriya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabor
sa ilang mga negosyante.
Maling sabihin na kung walang korupsyon ay uunlad ang bansa. Ang pagsugpo sa kahirapan ay
kailangang tingnan at atakihin sa ibat ibang anggulo. Ang mabagal na pag-unlad ay nagmumula
rin sa mga maling polisiyang pang-ekonomiya at magulong sistemang pampulitika. Kung kaya,

hindi lamang sa pagpapakulong ng mga tiwaling opisyal dapat matuon ang enerhiya ng
Malacanang. Ang pangulo ay hindi lamang tinawag upang magpakulong ng mga tiwaling opisyal.
Kailangan ding bigyan-pansin ang pagpapaunlad ng ekonomiya.
Sa pagtahak ng administrasyong Aquino sa itinuturing nitong matuwid na daan, kailangang
magbantay din ang sambayanan. Baka ang tuwid na daan ay maghatid sa atin sa maling
patutunguhan.
Posted by Ronald Molmisa at 6:56 AM
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest
1 comment:

Arvin Buenaagua said...


Medyo napangisi ako sa pagkumpara kay PNoy kay Mr. Clean since... Hehe.
Pero tama. Saan nga ba papunta ang tuwid na daan? Not all "good" roads lead to "good"
destinations since "good" is relative. Dapat siguro, habang nililead tayo umano sa tuwid na daan,
kilatisin natin yung dinadaanan natin kasi baka paatras pala tayo maglakad di natin
namamalayan.

You might also like