You are on page 1of 2

ESP

TUTUKLASIN KO

1. ☺

2. ☹

3. ☹

4. ☹

5. ☺

SUSURIIN KO

1. Sino ang kinakausap ng may-akda ng binasa mong tula? Anong saloobin ang ipinahayag
niya sa kanyang kausap?
- Ang kinakausap ng may-akda sa tula ay ang corrupt na gobernador ng kanilang lalawigan.
Ipinahayag nya ang kanyang hinaing tungkol sa mga maling gawain, katiwalian, at
pagiging corrupt ng gobernador. Ipinahayag pa ng may-akda na sumusobra na ang
katiwalian na ginagawa ng gobernador kaya naman dapat ay palitan na sya sa kanyang
posisyon nang sa ganon ay hindi nya na maabuso pa ang kapangyarihang mayroon sya.

2. Natutuwa ka ba at humahanga sa gobernador na tinutukoy ng may-akda sa binasa mong


tula? Bakit?
- Hindi, dahil wala namang kahanga-hanga sa isang tao na walang ibang ginawa kundi
manloko ng taumbayan. Walang kahanga-hanga sa isang tao na sakim at ganid sa yaman
sa kapangyarihan. Lahat ng ginawa ng gobernador sa tula ay pawang puro kasamaan at
mga maling gawain lamang, kaya naman wala akong dahilan para hangaan sya.

3. May kilala o nababalitaan ka bang pinuno ng samahan na gumagawa ng katiwalian at


umaabuso sa kanyang posisyon o kapangyarihan? Anong mensahe ang nais mong sabihin
at iparating sa kanya?
- Oo. Ang mensaheng nais kong sabihin sa kanya ay ang lahat ng katiwalian at mga maling
gawain na ginagawa nya ay babalik at babalik din sa kanya. Maaaring nagdidiwang at
nasisiyahan man sya sa ginagawa nyang pang-aabuso sa kapangyarihang mayroon sya
ngayon, pero may hangganan din ang kasiyahan nya. Isang araw, magbabayad din sya sa
lahat ng ginawa nyang katiwalian. Isang araw, makukulong din sya sa bilangguan.

4. Kailan at paano masasabing corrupt ang isang pinuno ng organisasyon o samahan?


- Masasabing corrupt ang isang pinuno kung siya ay nangungurakot ng mga pera o pondo
ng organisasyon, samahan, o bansa na pinamumunuan nya para gamitin ito sa kanyang
personal wants or gains. Isa pa, masasabi rin na ang pinuno ay corrupt kapag sya ay
gumagawa o sangkot sa pangba-bribe or panunuhol, extortion, fraud o pandadaya,
tumatakas sa pagbabayad ng buwis, at inaabuso ang kapangyarihan at authority na
mayroon sya.

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong sumulat sa mga tiwaling opisyal ng ating bayan, anong
panawagan o mensahe ang ipararating mo sa kanila?
- Ito ang mensahe na nais kong sabihin sa kanya: Maawa ka sa taong bayan at sa mismong
lugar na pinamumunuan mo. Inihalal ka ng mga taong nasasakupan mo bilang pinuno
dahil may tiwala sila sayo at naniniwala sila sa abilidad at kakayahan mo ngunit ganito
lang ang isusukli mo? Grabe ka na, grabe na ang katiwalian na ginagawa mo. Nais ko lang
sabihin sayo na ang pagiging sakim mong iyan sa yaman at kapangyarihan ay walang
patutunguhan, dahil bandang huli, may kalalagyan ka rin, bandang huli, pagbabayaran mo
rin ang lahat ng mga maling bagay na nagawa mo sa nasasakupan mo. Mapapalitan ka rin
sa pwestong kinalalagyan mo ngayon at dadating din sayo ang karma. Hindi mahina ang
taong bayan, gagawa kami ng paraan para maialis sayo ang kapangyarihan at mabigay
ang parusa na nararapat para sa iyo.

You might also like