You are on page 1of 2

ESP

1. Sang-ayon ako rito dahil totoo naman e. Yung mga anak, tao rin yan, may personal thoughts and
feelings, at free silang ilihim yon sa ibang tao, kahit pa sa mismong magulang nila. Between the parents
and the child kasi, kailangan may boundaries pa rin at limitations, para maiwasan yung pang-i-invade ng
privacy ng bawat isa.

2. Sang-ayon ako rito dahil importante ito sa pagtuturo at pagga-guide sa mga estudyante. Yung ibang bata
kasi ay may behavior issues and problems, yung iba may anger issues, ADHD, OCD, at marami pang iba.
At the more kasi na open ang teachers sa isa’t isa about sa topic na to, the more na mas mas magiging
effective ang pagtuturo at pagga-guide nila sa mga bata, dahil pwede silang magbigay sa isa’t isa ng mga
suggestions at advice kung paano i-handle ang mga batang may behavior problems.

3. Sang-ayon ako rito dahil totoo naman e. Bilang isang ampon, they have the right to know about their
true family o kung saan talaga sila nanggaling, kasi isa iyon sa bubuo ng pagkatao nya e, isa yon sa
kukumpleto sa kanya. Karapatan nyang malaman yon kung gugustuhin nya kasi part yon ng identity nya.

4. Sang-ayon ako rito dahil ang mga ganong records or documents ay dapat confidential talaga – hindi
pinapaalam sa kung kani-kanino, maliban nalang sa parents nung student at sa student mismo. Sa
ganitong paraan ay maiiwasan ang pag-leak ng anumang info about sa student na maaaring ikasira ng
image nya sa school.

5. Di ko tiyak ang palagay ko rito kasi ang ex-convict na tinutukoy rito ay maaaring hindi naman talaga
gumawa ng kahit anumang krimen, maaaring napagbintangan lang sya kaya sa nakulong. Pwede rin
namang nagbagong buhay na sya kaya syempre, kung titignan mo, may karapatan syang ilihim ang past
nya sa trabaho nya para nga hindi sya ma-discriminate. Pero kung iisipin mo rin kasi, sa isang workplace,
may karapatan din na malaman ng mga katrabaho, o kahit ng manager or owner man lang ang about sa
pagiging ex-convict ng katrabaho nila para naman makapag-build sila ng trust within each other.

GAGAWIN KO
• Pipiliin ako ang hakbang 1 dahil ang ginawa nila ay mali naman talaga. Ang ginawa nila ay isang krimen
kaya dapat lang na mag-take talaga ng legal action. Napili ko rin ang hakbang na ito dahil hindi nito
tinatanggalan ng pag-asa na grumaduate ang mga estudyanteng nandaya – sila ay may pagkakataon pa
rin na makuha ang kanilang mga dokumento (kahit na delay). Oo, sila ay haharap muna sa kasong
plagiarism bago nila makuha ang dokumento nila pero understandable naman yon dahil mali talaga yung
ginawa nila e, at kailangan nilang ma-realize yon, they need to take the consequences of their bad
action. They have to accept the fact na magkakaroon sila ng criminal record kasi yung ginawa nila, which
is yung plagiarism, is not a joke. Sa ganitong paraan ay matututo at madadala sila sa kamalian na ginawa
nila at panigurado ay hindi na nila uulitin yon dahil takot na sila na madagdagan pa ang kanilang criminal
record.

You might also like