You are on page 1of 19

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan Modyul 6:
Ang Kahalagahan ng
Moral na Pagpapasiya
Subject – Edukasyon sa Pagpapakatao 10 na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Ang Kahalagahan ng Moral na Pagpapasiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Adilene P. Mejos
Editor: Remedios A. Loque, Herbert Delgado
Tagasuri: Phelma O. Camacho, Leah A. Pana
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan Modyul
6: Ang Kahalagahan ng
Moral na Pagpapasiya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi
ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin Natin
Napagnilayan mo ba na ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng iyong
pagpapasiya? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak ng
manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais pumunta. Gayon din ang
tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at
kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang maingat gamit ang talino na ibinigay
ng Diyos.
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa
anumang isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at
masamang idudulot nito.
Handa ka na ba? Simulan na natin ang pagtuklas ng mga hakbang sa
pagsasagawa ng moral na pagpapasiya.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng


kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasiya at
kilos. (EsP10Mk-llf-7.3)

2. Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasiya batay sa mga yugto ng makataong kilos


at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasiya.
(EsP10Mk-llf-7.4)

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot
at isulat sa inyong sagutang papel.

1.Naaksidente ang lolo ni Juan at kailangan itong operahan.


Walang sapat na ipon sila upang ipantustos sa gastusin pero
itinuloy pa rin ang operasyon. Anong hakbang na moral na
pagpapasiya ang nasa sitwasyon?

A.Isaisip ang mga posibilidad C. Umaasa at magtiwala sa Diyos D.


B.Maghanap ng ibang kaalaman Tingnan ang kalooban

2.Ang mga kamag-aral ni Akil ay hindi pumasok at pumunta na lamang sa isang


computer shop at niyaya siya nito. Hindi kaagad sumagot ng oo si Akil bagkus
ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at magiging
epekto nito kung sakaling sasama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit
ni Akil?

1
A.Isaisip ang mga posibilidad C. Tingnan ang kalooban D.
B.Maghanap ng ibang kaalaman Mangalap ng patunay

3. Sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at


binibigyan ng halaga ang opinyon ng iyong pamilya. Anong bahagi
kaya ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya?

A.Mangalap ng patunay C. Tingnan ang kalooban B.Maghanap ng ibang


kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos

4. Sa tuwing may pagpapasiyahan sa buhay si Danaya, palagi niyang tinanong


ang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa
kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, saang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Danaya?

A.Tingnan ang kalooban C. Maghanap ng ibang kaalaman D.


B.Isaisip ang posibilidad Umasa at magtiwala sa Diyos

5. Ano ang isa sa mga hakbang dito na maaari mong tanungin ang
iyong sarili kung bakit mo pinili ng plano na pinagnilayan mong
mabuti?
A. Tingnan ang kalooban C. Maghanap ng ibang kaalaman
B. Magsagawa ng pasiya D. Mangalap ng patunay

2
Aralin Natin

Sa Modyul 14, natutunan natin ang kahalagahan ng mga yugto ng


makataong kilos na nagbibigay-linaw sa bawat gagawin nating pagpapasiya.
Ito rin ay nakatutulong upang ikaw ay maging lalong mabuting tao gamit ang ating isip
at kilos-loob sa bawat gagawing moral na pagpapasiya. Bagamat ang kuwentong
matutunghayan ay napapahon ito rin ay sumusuri sa bawat kilos at pasiya ng tao.
Halika’t tunghayan natin ito:

Malapit nang makatapos ng elementarya si Julia at pareho silang nasasabik ng nanay


niya sa pinakahihintay na araw. Si Aling Mareng halos hindi na makatulog sa kaiisip kung
ano ang ireregalo sa nag-iisang anak. Isang araw, namasyal si Julia sa bahay ng isa
niyang kaibigan niyang si Maja at nagkaroon ng oras si Aling Mareng na bumili ng
sorpresa para sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa pamilihan at doon nakakita siya ng
isang selpon.

“Sakto ‘to. Medyo malayo ang paaralan na papasukan ni Julia


sa sekondarya, kakailanganin niya ‘to,” sabi ni Aling Mareng sa sarili.

Nagkasya ang pera ng matanda para sa bagong selpon na ireregalo sa anak sa


pagtatapos niya sa elementarya. Pagkauwi niya sa bahay, agad niya itong binalot at
itinago sa aparador.

Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay nina Aling
Mareng at Julia. Mangiyak-ngiyak ang matanda habang isinusuot sa anak ang
medalya sa ibabaw ng entablado.

Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling


Mareng ang kaniyang sorpesa kay Julia na agad naman nitong binuksan.

“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat Nanay! May selpon na ako,” sigaw ng anak.

Simula noong gabing iyon, palagi nang nakatutok sa selpon si Julia. Kahit bakasyon,
malimit sila kung makapag-usap ng nanay niya. Palagi niya kasing ka-text si Gerald o
‘di kaya ay nagtatawagan sila.

“Alam mo bessy, magkikita kami ni Gerald bukas. Sa wakas makikilala ko na rin siya.
Siguro guwapo siya no, matangkad, maputi,” kwento ni Julia sa kaibigan niya.
Narinig ni Aling Mareng ang mga sinabi ni Julia kay Maja tungkol kay Gerald.
Tinawag niya ang anak at kinausap ito.

“Teka bessy tawag ako ni Nanay. Tatawag na lang ako sa’yo ulit. Bye! Nay, bakit po?”
tanong ni Julia sa ina.

3
“Ano yung narinig kong makikipagkita ka sa hindi mo kakilala? Ganun ka ba ka
kampante na mabuting tao ‘yan, e, sa selpon mo lang nakilala,” sabi ni Aling Mareng
sa anak.

“Kaya nga po magkikita kami nay upang magkakilala kaming dalawa. Hirap naman sa
inyo minsan na nga lang ako lumabas marami pa akong maririnig,” sabi ni Julia bago
padabog na pumasok sa kwarto niya.

Nagulat si Aling Mareng sa inasal ng anak. Dati-rati ay ni hindi ito magawa na sagutin
siya nang ganun. Nagtimpi na lang ang matanda at ipinagpatuloy ang pagluluto ng
kanilang hapunan.

Kinabukasan, pagka gising ni Aling Mareng ay wala na ang anak sa tabi niya. Inisip
niya na lang na umalis na siguro ‘yun at sana’y mag-iingat siya. Hindi man lang
nagpaalam si Julia sa ina niya.

Bumangon na ang matanda, nagluto ng almusal, at inihanda ang kaniyang mga


paninda sa araw na iyon. Pagkatapos kumain ay lumakad na siya dala-dala ang
kaniyang mga lutong bibingka.

Naglako si Aling Mareng malapit sa parke. Marami ang bumili sa kaniya at noong
papaalis na siya para umuwi ay nakita niya si Inday mula sa malayo. Kahit hindi niya
masyadong maaninag ang mukha ng anak, alam niyang umiiyak ito.

“Nak! Julia! Anong nangyari sa ‘yo ba’t ka umiiyak?” tanong ng matanda sa anak.
“Nay nawawala po si Gerald! Dala-dala niya po yung bag ko. Kanina nag-uusap lang
kami rito tapos biglang naiihi raw siya kaya umalis saglit,” sabi ng anak habang
umiiyak.

Kinuwento ni Julia na nagkita sila ni Gerald sa parke at pagkatapos ng isang oras na


pag-uusap ay nagpresenta itong bitbitin ang bag niya. Habang naglalakad sila ay
isinabit ng binata ang bag ni Julia sa kaniya kung kaya’t nahiya na siyang kunin ito.

Kasama sa nawalang bag ni Julia ang bagong selpon na ipinag-ipunan at binigay ng


nanay niya sa kaniya. Lubos ang kaniyang pagsisisi dahil hindi siya nakinig kay Aling
Mareng.

Kumusta? Naunawaan mo ba ang bahaging ito ng kuwento? Ngayon sagutin mo ang


mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. Pumili ng isang
kapamilya na maaari mong makausap upang ibahagi sa kaniya ang iyong sagot.
Hayaan din siyang magbigay ng kaniyang opinyon o sagot sa parehong mga tanong.

4
Mga Tanong:
1. Nagpapakita ba si Julia ng makataong kilos? Oo, o hindi? Bakit?
2. Sino-sino ang mga tauhan na nagpapakita ng makataong kilos? Sino naman
ang hindi nagpapakita ng makataong kilos? Ipaliwanag.
3. Anong yugto ng makataong kilos ang nasasalamin sa sitwasyon?
4. Bakit mahalagang gamitin ng tao nang tama ang isip at kilos-loob sa
pagsasagawa ng moral na pagpapasiya?
5. Bilang isang kabataan, makakatulong ba ito sa iyo, ang pagsasagawa ng
pagpapasiya gamit ang yugto ng makataong kilos? Ipaliwanag.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino nahahati sa dalawang kategorya ang 12 Yugto
ng Makataong Kilos ito ay ang isip at kilos loob. Kung daraan ka sa mga yugtong ito
tiyak na magiging mabuti ang kalabasan ng iyong isasagawang kilos.

Balikan natin ang nasabing kwento tungkol kay Julia. Bilang isang kabataan
nandoon yong pabigla-biglang pagpapasiya na walang proseso. Mas mainam na
unawain muna ang layunin ng ating aksyon ng wala tayong pagsisihan. Ano ang
ninanais mo na mangyari at kung ito ba ay nararapat na gawin. Sa pakikipagkita ni
Julia, ano ang kaniyang intensiyon at tingin ba niya ito ay makabubuti? Bago
magdesisyon si Julia dapat ay sinuri muna niya ang mga bagay gaya ng pagkilala ng
lubusan kay Gerald. Walang masama sa pagkikita kung ito ay dumaan sa mususing
pag-iisip gaya nang pinaalam mo sa iyong mga magulang para ng sa ganoon siya ay
mapayuhan o di kaya’y masamahan.
Sa pagpili ng praktikal na paraan huwag agad magtiwala sa tao na bago mo
lang nakita dahil hindi nasusukat sa kagandahan ng mukha ang kaniyang ugali. Pero
sa ugali ni Julia mas sinunod niya ang kaniyang damdamin hindi niya inalintana ang
payo ng magulang. Sa buhay ng tao kailangan din natin isaalang-alang ang mga
bagay-bagay bago natin gawin ang ating nais dahil kapag dumaan tayo sa tamang
proseso hindi tayo masasaktan bagkus magkakaroon ng positibong kahihinatnan.
Ngunit sa kaso ni Julia ang nangyari sa kaniya ay resulta sa katigasan ng ulo na
nauwi sa hindi mabuti. Kung iisipan natin, mapalad pa rin si Julia na kahit nakuha man
ang materyal na bagay sa kaniya hindi naman siya

sinaktan o inabuso. Sana ito ay magsilbing aral sa mga kabataan na tulad ni Julia
dahil ang nangyari kay Julia ay bunga ng kaniyang pinili.
Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa
pagkakasunod-sunod nito ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang
maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay.

5
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala
o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Sa anumang
isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na
panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagnilayan ang bawat
panig ng isasagawang pagpili.

Ang tao na nagsasagawa ng mga pagpapasiya nang hindi dumadaan sa


tamang proseso at hindi nabibigyan ng sapat na panahon ay may malaking posibilidad
na hindi maging mabuti ang resulta ng kaniyang pagpapasiya. Ayon nga kay Fr. Neil
Sevilla na isang pari sa isang parokya sa Bulacan, simula nang magkaroon ng isip
ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya araw-araw ng
pagpapasiya. Ngunit ang malaking tanong ayon sa kaniya; naaayon ba ang
pagpapasiyang ito sa kalooban ng Diyos? Ibig sabihin, naisasama ba ng tao ang Diyos
sa bawat pagpapasiya na kaniyang ginagawa? Marahil maiisip mo ngayon na sa
bawat gagawin mong pasiya kinakailangan mo ang gabay ng Diyos. Pag-aralan mo
ang proseso sa bawat yugto ng makataong kilos.

Mga Yugto ng Makataong Kilos


ISIP KILOS-LOOB
1. Pagkaunawa sa Layunin 2. Nais ng Layunin

3. Paghuhusga sa nais 4. Intensiyon ng Layunin


makamtan

5. Masusing Pagsusuri ng 6. Paghuhusga sa paraan


paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa . Pagpili
pinili
9. Utos 10. Paggamit

11. Pangkaisipang kakayahan ng 12. Bunga


layunin

Narito naman ang mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa


lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili.

2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities). Mahalaga na tingnang


mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon.
Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito.
Ano ang maaaring maging epekto nito hindi lamang sa sarili kundi para sa ibang
tao.

6
3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng
oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga
magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong
makagawa ng tamang pagpapasiya.

4. Tingnan ang kalooban (Turn inward). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban
tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal
mong nararamdaman ukol sa sitwasyon? Ang lahat ng katanungan ay kailangan
mong sagutin sapagkat sa anomang pasiya na iyong gagawin, kailangan na ikaw
ay magiging masaya.

5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God’s help).


Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya’t
napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang
pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya
para sa atin.

6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng


pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano
ang iyong plano sa iyong ginawang pagpili? Ito ba ay batay sa moral na
pamantayan? Makatutulong ang mga tanong na ito upang kung mayroon ka pang
agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin, ay mapagnilayan mo itong mabuti.
Bilang kabataang katulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo, kung kaya’t
napakabilis din ang pagsasagawa ng pasiya. Laging mong tatandaan na sa lahat
ng nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang binigyan Niya ng isip at kilos-loob. Ito ay
para gamitin sa pagsasagawa ng mabuting pasiya at kilos. At dahil may isip at
kilos-loob ang tao, magagamit niya ito sa pagsasagawa ng mabuting kilos na
nagpapakita ng pagmamahal hindi lamang sa kapwa kundi lalo’t higit sa Diyos.

7
Gawin Natin
Mula sa iyong binasa, ano ang konseptong naunawaan mo mula sa
babasahin? Isulat ito sa iyong sagutang papel gamit ang graphic organizer. na nasa
ibaba. Ipaliwanag ang bawat isa.

MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS

ISIP

1. Pagkaunawa sa Layunin

3. Paghuhusga sa nais 5. Masusing Pagsusuri ng


makamtan Paraan

7. Praktikal na 11. Pangkaisipang


9. Utos
paghuhusga sa pinili Kakayahan ng Layunin

KILOS – LOOB

2. Nais ng Layunin

4. Intension ng Layunin 6. Paghuhusga sa Paraan

8. Pagpili 10. Paggamit 12. Bunga

Paliwanag sa Batayang Konsepto

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

8
Sanayin Natin

Panuto:
1. Isipin ang mga maling pasiya na naisagawa sa sumusunod: pamilya,
kaibigan, pag-aaral, barangay at simbahan. Isulat ito sa unang hanay.
2. Isulat naman sa pangalawang hanay ang sitwasyon.
3. Isulat naman sa pangatlong hanay kung paano mo ito iwawasto.
4. Isulat ang iyong sagot sa iyong journal notebook.

Maling Pasiyang Sitwasyon Paano ito iwawasto?


Naisagawa sa
Halimbawa: Pamilya Pinagsabihan ka ng Sumunod kung ano ang
kuya Mo na bawal pinagbilin ng
gamitin ang bagong nakakatanda sa iyo.
niyang bike pero ito ay Humingi ng tawad sa
gustong-gusto mong kuya mo at huwag ng
gamitin. Isang araw ulitin.
walang Tao sa bahay
ni’yo kaya naisipan
mong gamitin ang bike
ng kuya mo na walang
paalam. Akmang
paglabas mo ng bahay
ay nahagip ka ng
rumaragasang motor
buti nlang ang bike ang
Napuruhan at hindi
ikaw.
1. Pamilya

2. Kaibigan

3. Pag-aaral

9
4. Barangay

5. Simbahan

Tandaan Natin

Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon napakahalaga na dumaan ka sa proseso ng bago


ka magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig
(listening process). Ito ay ang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya.
Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at
mula rito matutuhan mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may
malaking kontribusyon sa anumang moral dilemma. Ang dilemma ay
nangangahulugan ng pagpili ng isang moral na aksiyon na magreresulta sa
pagsalungat o pagsalangsang sa isa pang moral aksiyon.

Suriin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa inyong journal notebook.

1. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Alena ang pagpapasiya, palagi niyang


tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ay nais ng Diyos at naaayon sa
Kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, anong bahagi ng
hakbang ang pagpapasya ni Alena?

A.Isaisip ang kalooban C. Maghanap ng ibang kaalaman B.Isaisip ang


posibilidad D. Umasa at magtiwala sa Diyos

2. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na


pagpapasiya?

B.Mangalap ng patunay D. Isaisip ang posibilidad

10
3. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapasiya ng tao?
A.Upang maging gabay sa buhay
B.Upang magsilbing paalaala sa mga gawain
C.Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin D.Upang
mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili

4. Alin sa sumusunod ang nangangailangan ng sapat na panahon sa


pagpapasiya?

A.Pamimili ng damit na isusuot sa party B.Pagpili ng


kursong kukunin sa kolehiyo C.Pagtanggi sa paanyaya ng
barkada na maglakwatsa D.Pagsagot sa masugid na
manliligaw sa kasalukuyan

5. Ano ang pinakahuling hakbang sa moral na pagpapasiya?


A.Magsagawa ng pasiya
B.Tingnan ang kalooban C.Isaisip
ang mga posibilidad D.Umasa at
magtiwala sa Diyos

Payabungin Natin

Panuto:

1. Bumuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin sa mga susunod na


araw.
2. Isulat ang mga pasiya na gagawin at kung paano isasabalikat ang
pananagutan nang sa gayon ay magbunga ng makataong pagkilos.
3. Isulat sa ikatlong kolum ang maaaring mangyari kung sakaling hindi
magiging mapanagutan sa gagawing pasiya.
4. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa kanila ang
kanilang puna at payo.
5. Palagdaan ito sa kanila.

11
Mga Pasiyang Paano Ano ang Puna at payo ng
gagawin isasabalikat ang mangyayari magulang
pananagutan? kung hindi
magiging
mapanagutan sa
gagawing
pasiya?
Hal. Uumuwi Tumulong sa Babalik ka sa
nang maaga at gawaing bahay dating gawi na
mag-aral ng at maging maglakwatsa at
mabuti. mabuting bababa ang
halimbawa sa iyong mga
aking marka.
nakababatang
kapatid.
1.

2.

3.

Pagnilayan Natin
Panuto:
Balikang muli ang isang karanasan sa iyong buhay na labis mong
pinagsisihan dahil sa maling pagpapasiya. Isulat kung ano-ano ang iyong natutuhan
mula rito. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

Ang aking karanasan na hindi ko malilimutan ay……


Ang aking natutuhan mula rito ay….
Kaya, simula ngayon…

Binabati kita! Hinahangaan kita dahil sa iyong pagiging matiyaga sa pagtatapos ng


modyul na ito. Nawa’y paghandaan mo ang susunod na aralin tungo sa landas ng
iyong pagiging mabuting tao!
12
Susi sa Pagwawasto

B .5

C .4

C .3
A .5
A .2 B .4 4.
D .3 3.
C .1 B .2 2.
C .1 1.
Subukin Natin Suriin Natin Answer

13
Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral (2015). FEP Printing


Corporation Department of Education- Instructional Materials Council
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

• Mendoza G. (2013) Paglalakbay ng May Mabuting Asal Edukasyon sa


Pagpapakatao, KLEAFS Publishing Inc., Block 609 Lot 3 Phase Heritage
Homes Loma de Gato Marilao, Bulacan

• https://philnews.ph/2018/11/27/maikling-kwento-inday-bago-selpon

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like