You are on page 1of 4

SZPILMAN ALKIN L.

SADIA 10-10-2021
GRADE 10 FILIPINO ANALYSIS

“ANG MATINDING TRABAHO”

Hindi matatangi na ang pagtratrabaho ay kinakailngan ng talino at lakas. Ngunit hindi

lahat ng trabaho ay pareho ng hirap at antas. Lalo na kung ang trabaho ng isang

Pilipino ay may kinalaman sa politiko o sa gobyerno. Dahil kung puro huwad at pekeng

tao ang nakaupo dito tiyak na ang mangyayari ay puro perwisyo. Tulad ng ehekutibong

sangay o ang pagiging pangulo. Ito ay hindi biro at hindi ito basta trip trip lang. Malaki at

sobrang dami dapat ang gagampanan dito. Ang pagiging pangulo ay isang malaking

trabaho tila ito ay pinakamahirap na tungkulin dahil ang boung buhay ng mga Pilipino at

hininga ng ating bansa ay nakasalalay dito. Sa madaling salita Ang pagiging pangulo

kasi ay ang magiging mukha ng ating bansa siya rin ang magiging leader o

tagapagmuno sa ating sinasakupan. Siya rin ang sasagot at maghahanap ng paraan

para sa ating mga problema. Siya rin ay may kapangyarihan na gumawa ng ordinansa

gaya ng katuusang tagapagpaganap at proklamasyon o kahit ano mang klaseng

ordinansa. Oo, batid kong meron rin siyang mga katulong at kasama sa kanyang

trabaho nandiyan ang bise president at nandiyan rin ang cabinet members. Datapwa’t

hindi parin natin matatangi ang hirap nito dahil sa pressure, pansin at tiwala galing sa

mga pilipino. Parang ito ay isang piitan kung saan nakakulong kalang sa trabaho subalit

kapag ninais mo ang trabahong pagiging pangulo dapat handa ka sa ganitong bigating

serbisyo. Kaya ang tanong ano nga ba dapat ang mga ugali at katangian ng isang
pangulo na dapat nating hanapin kung sakaling magkakaroon tayo ng bago?. Kailangan

niya bang sabihin ang lahat at wag ikubli ang kaniyang mga sikreto?

ACADEMIKONG PAGGANAP

Una sa lahat ang katangian na dapat hanapin naten ay ang academic excellence o ang

pagiging mahusay sa akademikong pagganap, bakit? Dahil pag pumasok ka sa mundo

ng politiko ito ay labanan sa kung anong nalalaman mo at kung ano ang mga kinakaya

mo. makikipag usap ka rin sa media at leader ng ibang bansa kailngan ay may

nilalaman ka. kung plinaplano mo na pumasok sa ehekutibong sangay o maging

pangulo at kung walang kang college degree tapos na ang usapan hindi hindi ka

puwedeng sumali.

10 YEARS EXPERIENCE

Pangalawa ang pagiging beterano o pagiging sampung taon sa politko hindi pwedeng

kasing na ordinaryong tao ka tapos biglang tatalon ka sa pagiging pangulo isang

malaking kamalian yun dahil. bagkus Bakit ka papasok sa trabahong hindi mo alam ang

galawan tapos wala ka pa experience?

WALANG CRIMINAL RECORD AT SIKRETO

Pangatlo wala itong kinukubli na samyo at wala rin itong criminal record. Dahil ang

pagiging pangulo ay isang role model, leader at magiging mukha ng ating bansa. Pano

tayo mag kakaroon ng tiwala sa isang pangulo na may criminal record at tinatagong

baho at sikreto? Mahirap yun lalo na hindi mo maiiwasang “baka may layunin siyang iba

na nakakasama” tulad ng pagiging sakim sa pera


KUMAKALINGA SA ATING MGA PILIPINO

Pang apat dapat siya ay may malasakit at mahal ang ating bansa. Kasi bakit siya

tatakbo kung wala siyang kalinga sa ating sitwasyon? Kung mamahalin niya ang

pagiging pangulo dapat mahalin rin niya ang kapwa buhay ng ating bansa at Pilipino.

LINALABIS ANG PANTAY NA TRATO AT MAY TAKOT SA DIYOS

Pang lima, ang pantay na pagtratrato at may takot sa diyos. Ito ay napaka importante

dahil ang pagiging patas ang magbibigay daan para umangat ang ating bansa. Siya ay

nasa itaas datapwa’t Pantay dapat ang tingin niya sa bawat estado ng tao mahirap man

o mayaman deserve nilang magkaroon ng maayos na buhay. Mahirap man o mayaman

pantay pantay dapat ang Karapatan. Kailngan niya rin ng takot sa diyos dahil kung hindi

siguradong akong hindi magiging maayos ang kaniyang ugali at katangian sa ating mga

ordinaryong mamayaan na nagpapakita na puwedeng humatong sa pagiging sakim sa

pera at kapangyarihan.

Bilang konklusyon sa lahat ng sinabi ko, ang mga labis kong sapantaha o opinyon para

sa pagiging pangulo ay tama. Naninindigan akong tama ang mga sinabi ko dahil batid

kong ang pagiging pangulo ay mabigat. Hindi pwedeng pa easy-easy lang at hindi

pwedeng basta makapili lang. tandan “ang ating boung bansa ay hawak niya”

puwedeng may mangyaring maganda pero mas malaking tiyansa na may mangyaring

hindi maganda tulad ng paghihirap, pagdidilim at kaguluhan. Kaya dapat pag pipili ka ng

isang lider dapat maging stricto at kilalanin mona. Kailangan na natin gumalaw at

makapagpili bago mag takipsilim. Dapat maging muni muni tayo sa pagpili lalo na

palapit ang eleksyon. ngayon matanong ko lang dahil nasabi ko na ang mga kaugalian
na dapat sa isang pangulo. “sa lahat na kandidatong tatakbo ngayon napagdesisyon

mo na bang kanino mo ipapahawak ang ating bansa?”

You might also like