You are on page 1of 2

Mali yan!

Dapat Ganto

Pangulo, ang pinakamataas na posisyong politikal sa isang demokratikong bansa. Siya ay may
ganap na kapangyarihan sa pagtakbo ng ekonomiya o ang presyo at dami ng mga produkto gaya ng
pagkain, sa hustisya o ang sistema ng pagparusa sa mga nagkasala sa kapwa tao at lalo na sa kanyang
bansa, sa kapayapaan o ang kapangyarihan magdeklara ng giyera, at higit sa lahat, ang kapangyarihang
manipulahin ang pera ng republika. Ilan lang ito sa mga taglay na kapangyarihan ni batman, este ng
pangulo. Kaya dapat lang mataas ang batayan sa ating iluluklok na pinuno. Ito ang ilan sa batayan na dapat
tignan sa isang pinuno. Kahusayang moral, kahusayang akademiko, at kahusayang propesyonal.

Una, kahusayang moral. Ang magnanakaw at ang traydor sa bayan ay wala dapat sa magarang
upuan at sa halip ay dapat nasa silya elektrika, pero kung mabait ka naman, sige sa kulungan nalang at
hayaang mabuhay pa si Trillanes, si Gloria at syempre si Manong Johhny. Isa pa, Isipin mo kung pangulo
natin si Hitler, o kaya si Osama bin laden, kung kilala mo sila, marahil ay matawa ka at isipin na imposible
maluklok ang uri nila. Kung hindi mo naman sila kilala, HOY! Magbasa ka naman! Hindi din dapat iluklok
ang mamamatay tao, oops! DDS alert. Wag hayaang maluklok ang abusado, MALI YAN! DAPAT yung may
malinis na imahe, yung napatunayang walang bahid ng katiwalian at hindi yung nakatakbo dahil binigyang
amnestiya o yung patay malisya nalang at sasayaw ng budots.

Pangalawa, kahusayang akademiko. Ika nga ni Lito Lapid, “Highschool graduate lang ako, di ako
matalastas mag ingles, di ko nga naiintindihan lahat… pero di naman ako abnormal”. Totoo man ang
kanyang sinabi ay hindi nangangahulugang tama ito. Ika ulit niya “Anong sasabihin ni Lito Lapid na di
marunong magingles, na di kaalam sa batas?” ito ay pahayag nya noong Impeachment Trial ni Chief Justice
Renato Corona, isipin mo kung ikaw ang nasasakdal at huhusgahan ng isang taong di alam ang batas,
nakakatakot diba? Para kang inoperahan ng mekaniko, yung triple bypass surgery. Ano pa kaya kung Isang
pangulo na magpapatakbo ng ekonomiya subalit di alam kung ano ang foreign exchange policy, MALI YAN!
DAPAT yung di lang basta nakapagtapos ng kolehiyo kundi yung nakapagtapos ng may kahusayan. Yung
nakakaintindi ng batas at syempre kayang gumawa ng batas.

Huli, kahusayang propesyonal. Dun tayo sa may napatunayan na. Wag yung pamilyar lang ang
apelyido. Wag yung nangangako lang basta na tatapusin ang kahirapan. Wag yung kumanta ng Nakaligo
ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na bas a gitna ng kalsada. Syempre wag yung nasa bahay lang
tapos binaril ang asawa naging pangulo na, bayani pa nga ehh. Oops! Yellowtards alert. MALI YAN! DAPAT
yung naging mahusay na senador, kongresista, mayor, kalihim at iba pang matataas na posisyong political.

Sa pagwawakas, ang mga batayan na ito ay hindi lamang sa pangulo naaayon, pwede din naman
sa senador kahit hanggang sa kapitan ng barangay pwede, syempre di naman porket kapitan lang pwede
na yung kainuman ng lolo mo, wag naman yung batugan, dapat masipag manghuli ng double parking. At
isang paglilinaw, ito ay isang editoryal pero lang sa wala ito sa dyaryo, kaya’t ang mga opinyon na nandito
ay wag masamain o magalit, may mga opinyon ka din naman ahh, pero nagalit ba ko? Ating lawakan ang
pagiisip para naman mabawasan ang ignorante.

You might also like