You are on page 1of 10

Lyra D.

Gurimbao

BSCE 2B

Pinal na Pagsusulit

Akademikong Pagsusuri sa tulang "Ibig kong Makita" at "Ito ang Ating Panahon"

Ang Ibig kong Makita at ang Ito ang ating Panahon ay dalawang magkaibang tula ngunit

napakaganda naman sapagkat ito ay nagpapakita sa mambabasa kung paano ang magulang o

ang isang nagmamahal at nagmamalasakit magpakita ng kanyang pagmamahal at pag-aruga sa

kanyang minamahal.

Mapapansin natin na ang isang tula (Ibing Kong Makita), ay tulang waring nagdadalamhati.

Paisa-isa niyang isinasalaysay ang kanyang saloobin ngunit kalakip nito ang kanyang hangarin.

Maihahambing natin ito sa ating mga magulang, walang ibang nais kundi ang ikabubuti natin.

Gagawin ang lahat, matustusan at mapasaya lamang ang kanilang mga anak, kahit pa sila'y

maghirap at magkandaugaga kakatrabaho. Hindi sila napapagod at hindi sila nagpapahinga

hangga't alam nila na ang kanilang anak ay hindi pa handa at natututo.

Masasabi natin na ang persona o ang nagsasalita ay ang Pilipinas mismo o di kaya'y si Inang

Bayan. Bakit? Sapagkat inihahayag niya ang kaniyang hinanaing at ang kanyang hangarin para sa

mga Pilipino. Sa kaniyang pagsasalita mahihinuha natin na ito ang mga salita't hangarin ng isang

ina para sa kanyang anak ngunit hindi niya mausal man lamang. Ito ang mga unspoken words ng

isang ina, na nakaukit sa kanyang puso't isip.


Nasabi kong si Inang Bayan ang nagsasalita sapagkat ang kaniyang hangarin ay hindi lamang

para sa isang tao, isang grupo o sa lipunan lang, ang kaniyang hangarin ay para sa lahat.

Nabanggit niya ang gobyerno, ang simbahan at ang mga tao na siyang bumubuo sa isang bansa.

Nasabi kong inihahayag niya ang kaniyang mga hangarin sapagkat sinimulan niya ang kaniyang

tula sa katagang "ibig ko" at dinugtungan niya kung paano kasagana at kaganda ang Pilipinas

noon. Nasabi kong isinalaysay niya ang kaniyang hinanaing sapagkat sa bawat hangarin niya ay

kalakip nito kung gaano nagbago ang gobyerno, simbahan at ang mga tao sa naglipas na

panahon. At higit sa lahat, nasabi ko ring siya'y nagdadalamhati dahil ito na ngayon ang

kinahinatnan ng mga tao.

Mapapansin natin na sa unang saknong palang ay nagpapakita na ng dalamhati, hinanaing at

hangarin. "Ibig kong makita ang isang lalaki sa panunungkulan na nagkakasya na sa s'weldong

sa kanya'y kaloob ng bayan", makikita natin na bawat taludtud ay ang kanyang hangarin,

nagdadalamhati siya sapagka't napakalaki ng mga pagbabago at ito ang kaniyang hinaing. Bawat

taludtud ay ganito ang estilo, nagsimula sa hangarin ngnunit nabigo kaya ngayong ay

nagdadalamhati at sinasabi ang mga hinanaing nang makublit lamang ang damdamin at

magising ang diwa.

Ang unang anim na taludtud ay patungkol sa gobyerno,sunod dito ay tungkol sa paaralan.

Habang ang tatlong sunod naman ay tungkol sa trabaho at ang dalawang kasunod nito ay

tungkol sa mga kabataan, ang mga dalaga't binata. Sunod ay tungkol sa simbahan at mga

institusyon, na dinugtungan naman ng tungkol sa mga mamamayan, mahirap, mag-aaral at mga

matanda.
"Ibig kong makita ang isang lalaki sa panunungkulan na nagkakasya na sa s'weldong sa kanya'y

kaloob ng bayan", tinutukoy ng katagang ito ang mga taong nasa politiko at nais nito na matanto

ng mga mambabasa na sa ngayon ay laganap ang korupsiyon sa ating kasalukuyang sistemang

politiko.

"Ibig kong makita ang isang Pinunong maalam dumamay katoto ng lahat at walang higanti sa

mga kaaway", ipinapakita naman dito ang mga tao sa politiko na pumatay o namatay dahil

lamang sa posisyon sa gobyerno. Nagpapakita rin ito kung gaano kakitid ang utak ng isang tao

kapag nakasalalay ang pangalan at reputasyon. Tinutukoy rin nito na kaunti at bilang lamang sa

mga taong nasa politiko ang marunong dumamay sa mga tao at magpakumbaba alang-alang sa

lahat.

"Ibig kong makita ang isang lalaking kung politiko man ay matuto sanang tumupad sa kanyang

pangako't pangaral". Ang pangalawa at pangatlong kataga ay tumutukoy sa mga pangakong

napako, sa mga pangakong walang laman at maganda lamang sa pandinig. Sa kasalukuyang

sistema ng Pilipinas, marami sa ating mga pinuno ang matapos maupo sa kanilang posisyon sa

tulong ng tao ay wala ng nagawa para sa tao. Nagbitaw ng pangako at ayun nga, binitawan nila

ng literal.

"Ibig kong makita ang isang Pangkating hindi manlilinpang at di uunahin ang sariling buti kahit

magbulaan", tinutukoy naman dito ang iba't ibang partido tuwing tatakbo sa politiko.

Ibinibigyang-diin dito ang mga programang mga promising na higit na makatutulong sa mga

nangangailangan ngunit matapos matalo ang isa, hindi na ito ipagpapatuloy dahil lamang hindi

ito sa kaniya kundi sa kaniyang kalaban. Hindi nila naisip ang kabutihang maidudulot ng mga
programang ito sa takot na baka di sila tumatak sa mga tao kaya di sila maalala. Isa sa mga

dahilan kung bakit halos hindi umuunlad ang Pilipinas at walang pagbabago. Nagbabago lamang

ang panahon at tao ngunit pasama ng pasama ang kalagayan ng Pilipinas.

"Ibing kong makita ang Pamahalaang hindi nagbibigay ng p'westo kung hindi sa matatanda na

at may kasanayan", tumutukoy ito sa mga politikong nanunungkulan sa kasalukuyan. Sinasabi

na dapat ang mga taong nasa katungkulan ay may kasanayan at alam sa kanilang field. Kung

alam lang sana ng karamihan na ang mga taong unang umupo sa politiko ay mga nakapagtapos

ng abogasya, nag-aral ng batas at iba pa na talagang may kaugnayan sa pagpapatakbo ng isang

bansa. Mahihinuha/realize natin kung gaano kalawak ang pagkakaiba dahil ngayon mayroon

nang mga artista at kung ano pang propesyon ang mga nakaupo.

"Ibig kong makitang mawala na rito ang Politikahan at nang hindi na tayo laging nagbababag

hanggang magpatayan", dito sa katagang ito ay para pinapakita na sa lahat ng una niyang

nabanggit mas mainam na lamang na wala ng politiko o gobyerno na magdidikta ng kung ano

ang dapat. Mas mainam ng wala nang taong uupo kung hindi rin naman mapapanatag ang loob

ni Inang Bayan dahil nagpapatayan na alang alang lamang sa posisyon sa politiko. Sinsabi ni

Inang Bayan na kung mas mapapanatag ang loob niya at ang mga tao na walang mamahala, ay

mas mainam pa nga kaysa sa mabagabag ang lahat habang may nauupong mamamatay tao at

mamahala pa.

"Ibig kong makita ang Unibersidad na tinuturuan ng magugulang na at di mga batang halos

walang...malay" , dito naman ay tinutukoy ang mga guro na kulang sa kasanayan sa buhay. Nais
ni Inang Bayan na ang magtuturo sa kaniyang mga anak at sa darating pa ay yung mga taong

mayaman sa kasanayan dahil ibig sabihin nito ay mayaman rin sila sa mga aral sa buhay.

"Ibig kong makita ang isang medikong kung nakaraan sa isang maysakit, kahit di tawagin, ay

kusang aalay", at ang "ibig kong makita'y isang abogadong magiging tanggulan at di

babaluktot dahil sa salapi ng santong katwiran". Itong mga katagang ito ay nagpapatungkol sa

mga mararangal na propesyon sa lipunan. Ang mediko, abogado at botikaryo na siyang may

hawak ng buhay ng tao. Ang mediko na maaaring sumagip sa isang buhay, ang abogado na

maaring magsalba ng buhay at ang botikaryo na gumagawa ng medisina upang mas mapabuti

ang buhay ng tao. Hindi biro ang mga propesyong ito, sa mga kataga, mahihinuha natin na sa

kasalukuyan, karamihan sa mga taong ito ay nababayaran upang gumawa ng masama. Maaari

silang bayaran upang pumatay imbes na sumagip ng buhay ng tao.

Ang mga taludtod na "Ibig kong makita ang mga kadalagahang mahinhin, marangal, mapuri,

marunong at sa wika natin ay sanay na sanay" at "ibig kong makita ang kabinataang malakas,

matapang, malaya, bihasa at sasama agad kung maghimagsikan", ay tungkol naman sa mga

kabataan ng Pilipinas na siyang pag-asa ng bayan. Sa mga katagang ito matatanto natin ang higit

na kaibahan ng mga dalaga't binata noon sa ngayon. Ang mga dalagang dati'y mahinhin,

marangal, mapuri, malinis at kung ano ano pa ay hindi makita-kita sa ngayon. Kahit ang mga

binata na magigiting, matatapang, at malalakay ay hindi na ngayon. Karamihan sa mga kabataan

ay nalilihis ng landas at wala na ngayong pagpapahalaga sa kung ano ang mayroon sila. Ang

dating pag-asa ng bayan ay naglalaho na at nagiging problema na ng bayan. Ang mga kabataan

ngayon ay madaling masilaw at maimpluwensiyahan. Hindi sila marunong magtimpi at


magpakasakit. Madali silang sumuko at paiba iba ng desisyon sapagkat hindi rin sila marunong.

Masyado silang mapusok at padalos dalos. Nakakalungkot, pero ibang ibang ang kabataan

ngayon sa noon. Wala na ang tradisiyonal na harana ng nga lalaki, ang pagpapakitang gilas sa

magulang ng babae, ang pag-aalay ng mga tula o bulaklak at higit sa lahat, wala na ang

pagpapahalaga ng mga binata noon ngayon. Karamihan sakanila ay wala nang paninindigan at

tumatakbo sa kanilang mga responsibilidad. Sa mga babae, halos wala nang marunong sa nga

gawaing bahay, wala ng mahinhin, kukunti ang mga mapuri't malinis at higit sa lahat, parehas

silang hindi na marunong ng wika. Ang wika na noon ay susi sa matamis na "oo" ng mga dalaga,

ngayon ay nababoy at nakalimutan na.

Habang ang "ibig kong makita ang isang Simbahang di mangangalakal sa ngalan ng Diyos at di

sumusingil sa gawing banal", ay tungkol sa simbahan na ginagamit ang pangalan ng Diyos upang

makapanloko sa kapwa tao. Katulad noon, ginagamit ang simbahan at higit sa lahat ang

pangalan ng Diyos upang makagawa ng masama ang ibang tao.

Ang "ibig kong makita ang pagkakaroon ng mga Gawaan ng awto at damit, ng baso at bubog,

ng papel at pinggan" at "ibig kong makitang tayo ay marunong gumawa ng tanang kailangan

natin at di tulad ngayong tagabili lamang", tumutukoy sa mga tao ngayon sapagkat ang mga

Pilipino sa kasalukuyan ay madaling masilaw sa mga bagay o ideya galing sa ibans bansa. Nais ni

Inang bayan na tumayo tayo at itayo natin ang ating mga produkto sapagkat, mayroon naman

tayo at kaya naman natin, ngunit bakit tayo puros tagapagbili lamang?

"Ibig kong makita ang bawat mahirap ay may pahayagan at nang hindi laging bawat

magdaraya'y pinaniwalaan" at "ibig kong ang ating esk'wela publika ay maging aralan ng
pagkamagiting at huwag lagi nang sayaw lang nang sayaw" at "ibig kong ang ating Nayo't

Bukid ay may Paaralan na wala nang bayad at wala pang gugol sa mga...ambagan" ay

tumutukoy sa mga institusyong bias, katulad ng sa pahayagan, alam naman natin na may mga

pahayagang nababayaran o kung hindi man ay mag pinapanigan lamang. Kaya sa kasalukuyan

mahirap na i-distinguish ang totoo sa di too. Pumapatungkol din ito sa kasalukuyang sistema ng

ating edukasyon,

Ang "ibig kong ang ating mga matatanda'y matutong magdasal sa sariling wika at nang

natatalos ang ibig isaysay" naman ay tumutukoy sa mga matatanda ngayon, na noo'y ay mga

madasalin at talagang ginagalang at pinapahalagahan ng mga nakababata. Ngayon, halos hindi

na igalng ng nakararami ang mga matatanda at kulang na lang ay pabayaan nila ito.

Ang "ibig kong ang isang Makata ay siyang maunang gumalang ng kanyang salita at ang mga

bisyo sana ay ilagan", naman ay tumutukoy sa tao lalo na't sa mga taong makata na sila at tayo

dapat ang unang gumalang, magmahal at magbigay halaga sa sarili nating wika. Sa aking

opinyon, tinutukoy nito ngayon ang fliptop, na gumagamit nga ng wikang Tagalog ngunit puros

kabastusan lamang ang ibinubulalas at ipinapahayag sa mga manood.

Habang ang "ibig kong ang isang dalagang maganda'y ingatang magpasyal sa awto ng isang

lalaki at baka sa dulo'y...kulungan" at ang "ibig kong makita ang mga binatang hindi nanliligaw

dahil lang sa pilak ng isang babae na tinatapatan", ay patungkol sa pag-ibig. Pag-ibig na hindi

huwad at walang motibo kundi dahil lamang sa purong pagmamahal. Sa kasalukuyan, ibinabase

ng mga tao ang pag-ibig sa estado sa buhay ng isang tao, sa pera, at higit sa lahat sa mukha o

katawan. Bihira na lamang ngayon ang tunay na pag-ibig sa dalawang tao.


Ang mga natirang taludtud ay patungkol sa pulis, hukom at sa mga manunulat sa mga

pahayagan. Ito ang mga taong dapat na nagunguna sa paglaban ng katarungan at mas higit

dapat na ngunguna sa pagsagawa at pagpapatupad ng katarungan sa lahat. Subalit,

nakakalungkot isipin na sa kasalukuyan ay pili na lamang ang mga tapat at talagang ginagawa

ang tungkulin na mga tao sa ganitong propesyon.

Mapapansin natin na ang ibig ipahayag ng tula ay ibig ni Inang Bayan bumalik sa dati ang lahat.

Hindi man gaano maunlad ang Pilipinas noon kumpara ngayon ngunit kahit sa mga tao lamang

ay mayaman na. Ang tao na siyang bumubuhay sa mga tradition, kultura at mga kaugaliang

Pilipino. Ang tao na siyang bumubuo sa Pilipinas at ang dahilan kung bakit may Pilipinas ngayon.

Sa pangalawang tula naman, ang Ito ang Ating Panahon, ay isang waring nang-uuyam na tula. Sa

aking unang pagbabasa ng tula, hindi ko masyado maintindihan at mawari ang ibang saknong.

Ang ibang saknong naman ay naintindihan ko subalit hindi ito sapat upang mas maintindihan ko

ang mensahe ng tula. Sa pagninilay nilay ko may mga natanto ako.

Sa aking pagkakaintindi, napansin ko ang salitang Mutya na ginamit ng persona. Dito, naisip ko

na ang nagsasalita ay posibleng isang ama at kinakausap niya ang kaniyang anak na babae.

Waring pinapayuhan ng ama ang kaniyang anak at maaari nating isipin na ang anak na babae ay

isamg dalaga.

Sinasabi sa tula na naiinggit ang dalaga sa kapwa niya, dahil sa mga ginagawa nila na di niya

magawa at sa mga nakikita niya sa kanila. Pinayuhan siya ng kaniyang ama na huwag

magpapadala sa mga ganoon sapagkat yun ay mga temptasyon lamang. Temptasyon sapagkat

sabi sa tula "nanunudyong sinag ng bukangvliwayway" at daga ay sumisimbolo ng temptasyon.


Pinayuhan rin siya ng kaniyang ama na huwag dapat siyang mainggit ayon sa katagang "lipunang

marilag" na ang ibig sabihin ay masagana sa labas ngunit sa loob puno ng agiw. Pinayuhan rin

siya ng kaniyang ama na hindi dapat siya malungkot dahil lamang sa hindi nila siya hinayaan na

gawin ang gusto katulad ng kapwa nito. Huwag malungkot dahil lamang sa mga bagay dito sa

mundo na maaring magbunga at magdulot ng kasamaan sa kaniya. Sinabi ito sa katagang

"paglagas ng mga bulaklak" at "darating na luksa". Simabi ng kaniyang ama na ang mga

kabataan ngayon ay napapariwara, kaya ayaw nila na maging isa ang kanilang anak sa mga

kabataang napariwara. Ayaw rin nila magpabaya tulad ng ibang magulang na nauna pang

napariwara kaysa sa kanilang mga anak. Naihayag ito sa katagang "dinagit ng uwak na sisiw na

yaong ang ina ang unang nalihis ng landas". Ang mga batang napapariwara ay bunga ng mga

magulang na ito. At ang huling payo ng kaniyang ama ay balang araw, pasasalamat niya ang

kaniyang mga magulang dahil siya ay pinayuhan at binigyang liwanag na dahilan kaya hindi siya

nagpadala sa temptasyon. Nabanggit ito sa katagang "ito ang panahong dapat tang magalak". Sa

huling saknong, isinasabi ng ama na kahit pinigilan siya (ang dalaga) nila na magliwaliw katulad

ng kaniyang nais ay hindi dapat niya kamuhian o mawala ang pagmamahal niya sa kaniyang

magulang. Dahil kahit na minsan siyang naakit (nabakla) sa temptasyon, hindi nila pinabayaan

siya. Kahit na sa kaniyang palagay ay magdudusa siya sapagkat hindi niya nagawa ang nais niya

at ang tulad ng kaniyang mga kapwa, katulad ng sabi ng ama, balang araw ay gaganda at

magiging mas mabuti naman ang kaniyang kinabukasan. Pati ang kinabukasan ng kaniyang mga

magulang ay gaganda dahil hind nalagay sa alanganin (madurusta) ang kinabukasan nila, kaya

naman ay panatag sila na hindi sila nagpabaya at bagkus naalalayan nila sa paglaki ang kanilang

anak.
Makikita natin sa dalwang tula ang pag-aaruga at pagmamalasakit ng mga magulang sa kanilang

pinakamamahal na anak. Pareho nila itinatalakay ang kanilang mga nais at hangarin nila para sa

ikabubuti ng kanilang anak at sa kanilang kinabukasan. Mababakasan sa tula na nakumpara ang

ngayon sa noon, mula sa kabataan, sistema sa politiko at edukasyon, pag-ibig, mga matatanda at

iba pa.

You might also like