You are on page 1of 2

Rebyu sa “Alamat ng Gubat” ni Bob Ong

Elgien Planga/ G12

Kakaiba ang akdang Alamat ng Gubat na isinulat ni Bob Ong. Isa itong kuwentong
pambata na kung saan ang nagsiganap ay mga hayop sa kagubatan. Sa umpisa aakalain nating
isa itong simple at magaang kuwento lamang ng mga hayop na kapupulutan ng aral sa bandang
huli. Subalit habang tinatapos ko ang nobela, napaisip ako sa totoong layunin ng may-akda.
Mahinahon niyang ikinukubli ang kaniyang pagbatikos sa isang isang partikular na isyu sa
lipunan.

Para bang nais ng may-akda na mag-isip pa ako nang malalim hinggil sa nais nitong
iparating.

Parang may nakatagong kamay na kumakalabit sa akin tungo sa isang aspeto ng lipunan
na dapat kong pagtuonan ng pansin.

Parang may maliliit na boses na bumubulong sa akin na na dapat kong pakinggan.

Para bang inaakay nito ako sa isang usapin sa aking lipunan.


Ang usapin ng politika.
Kasalukuyang politika ng bansa.
Nilalarawan ng akda ang dumi ng politika sa bansa.
Ang umaalingasaw na kalakaran sa halalan.

Mula sa akda, napagtanto kong…at sumasang-ayon ako sa punto ng may-akda kung


bakit nabubulok ang Sistema ng politika sa bansa natin ay dahil na rin pinahihintulutan natin ito.
Dahil sa pagkasakim natin sa pera. Hinahayaan nating bilhin ng mga politikong hilaw ang
dignidad, at karapatan natin. Sinisikmura natin ang “duming” inilalagak nila sa ating bakuran.

Nanahimik tayo dahil nabubusalan ng karampot na salapi ang ating bibig.

Totoong ang lahat ng ito ay hindi lamang sa nobela nakikita, TALAMAK ang ganitong kalakaran
at masakit ang katotohang mga propesyunal, may pinag-aralan pa ang sangkot sa ganitong
aktibidad. Masakit isiping kakabit na ng pagiging Pilipino ang vote buying!
Pero napapaisip ako, mali bang tanggapin ang pera mula sa mga politiko tuwing
eleksiyon? E kung tutuusin pera din naman natin iyon. At tuwing eleksiyon lang naman tayo
nakikinabang sa kanila.

Sa tingin ko, hindi maling tanggapin ang pera. Ang mali ay hinayaan natin silang gaguhin
tayo. Mali na nananahimik tayo habang pinagmumukha nilang salapi lang ang katumbas ng
ating pagkatao.

Bilang isang mag-aaral at botante na rin…Nais kong palawakin ang kampanya hinggil sa
pag-eduacte sa mga kabataan sa vote buying. Partikular doon sa mga 1 st time voters na hindi pa
nila lubos maunawaan ang kapangyarihang mayroon sila. Bubuksan ko ang kanilang isipan sa
mga consequences na maaaring mangyari kung papayagan ang ganitong kalakaran. Nag-aasama
ako ng isang masanag binubuo ng mga matatalinong botante. Maliit na hakbang pero Malaki
ang epekto sa loob ng ilang taon.

May pag-asa pa ba ang Pinas? Nakakatawa itong naiisip ko, parang suntok sa buwan.
Pero “educating the young minds” lang yata ang nakikita kong epektibong sagot sa isyung ito.
Ito na ang pinakamahinahon na rebolusyon sa digmaang ito.

Samantala…nakikita kong isa na akong guro sampung taon mula ngayon. Isang guro sa
pampublikong paaaralan. Bukod sa nais ko talagang magturo, Malaki ang tiwala ko sa mga
kabataang huhulmahin ko. Gusto kong maging behikulo ng ‘change’ sa alinmang maling
Sistema. Nakikita ko kasing Malaki ang pwedeng magawa ng isang guro sa mga kabataan.
Malaki ang kanilang impluwensiya. Malaking bahagi sila sa pagbuo nitong lipunan.

Kung saan man ako dadalhin nitong pangarap ko at paniniwala, Diyos na ang bahala.

Ang alam ko, gusto kong gumawa ng alamat.

You might also like