You are on page 1of 2

LSa problema ng kahirapan, hindi ang gobyerno, mga politiko, at mayayaman ang may kasalanan kundi

ang mga taong nabubuhay nang lampas sa kanilang kakayahan. Sa isyu ng kahirapan sa ating bansa, ang
laging sinisisi ay ang gobyerno, ang mga politiko, at ang mayayaman. Kung hindi raw mali ang
pamamalakad ng gobyerno, kung hindi raw kurakot ang mga politiko, at kung hindi raw sakim ang
mayayaman, wala raw mahihirap. Gobyerno, mga politiko, at mayayaman. Sila lamang lagi ang
itinuturong may sala. Tama ba naman ang ganyan? Sila na lamang ba ang laging may kasalanan, at ang
nakararaming mga mamamayan ay walang pagkakamali? Kung gobyerno at mga politiko ang laging may
kasalanan, ang mga susunod na uupo sa Malakanyang, Kongreso, Korte Suprema, lokal na pamahalaan,
sangguniang pambarangay, at iba pang puwesto sa gobyerno, kahit hindi pa nakauupo sa mga
puwestong iyon, ay pawang mga makasalanan na. Kung tama ang ganyang pananaw, walang katapusang
paninisi ang ganyan, dahil ang bawat uupo sa iba’t ibang puwesto sa gobyerno ay lagi na lamang ang
siyang may kasalanan. Kung hindi gobyerno at mga politiko ang nasisisi, ang mayayaman naman ang
pinag-iinitan. Hindi rin ang mayayaman ang dapat sisihin sa kahirapan. Ang mayayaman kasi at hindi ang
gobyerno ang siyang nagtatatag ng mga bangko, paktorya, tindahan, pamilihan, at iba pang industriya na
siyang bumubuhay sa bawat bansa. Hindi gobyerno, mga politiko, at mayayaman ang laging dapat sisihin
sa isyu ng kahirapan sa ating bansa. Sino-sino kung gayon ang talagang may sanhi ng kahirapan?

Ang dapat sisihin ang mga taong nabubuhay nang lampas sa kanilang kakayahan.

Ang paglutas sa kahirapan sa ating bansa ay nagsisimula sa bawat isa sa atin. Hindi tama iyong gagawa
ng problema ang isang tao, at kapag naririyan na ang problema ay maninisi na ng iba, na ang lagi nang
sinisisi ay ang gobyerno, mga politiko, at mayayaman. Nagsisimula sa bawat isa ang kaunlaran. At hindi
natin makakamit ang kaunlarang iyon kung tayo ay mamumuhay nang lampas sa ating kakayahan, kung
papasukin natin ang isang bagay na hindi naman natin kayang panindigan, at kung sisisihin na lamang
lagi natin ang gobyerno, mga politiko, at mayayaman sa kahirapan ng buhay na tayo rin naman ang
siyang may kagagawan.

Ang tahanan ay isang lugar kung saan malayang nakapagpapahayag ng damdamin ang bawat tao sa
komunidad. Sa isang tao importante ang pamilya, sa isang pamilya importante naman ang tahanan. Ang
tahanan ay hindi kinakailangang engrande o puno ng mga palamuti, hindi rin batayan ang pagmamahal
ng isang pamilya sa isang bahay o tirahan. Ang pinag-kaiba ng tirahan sa tahanan:

Tirahan:

Materyal na istraktura

Isang bagay/ lugar na may bubong

Maaring maging malaki o maliit ang tangkad


Tahanan:

Pagmamahal ng pamilya sa isa’t isa

Pweding maging materyal at hindi

Isang lugar kung saan kampante at komportable ang bawat isa

Ang tahanan ay maari ding maging isang pakiramdam o damdamin para sa isa’t isa. Hindi nito
kinakailangang maging kumpleto o materyal, basta’t buo ang pagmamahal ng bawat miyembro ng
pamilya masasabi nang mayroon silang tahanan.

You might also like