You are on page 1of 1

De Belen, Russel John R.

46509

BULONG DITO, BULONG DOON!

Bilang isang mamamayan, karapatan nating pumili ng kandidato na ating


napupusuan ngunit ngayon aking ibabahagi sa inyo ang pinaka ayaw kong kandidato na tatakbo
sa pag ka Pangulo. Masasabi kong isa ito sa napakainit na labanan na magaganap sa eleksyon
ngayong darating na mayo. Kanya-kanyang palakasan ang ginagawa ng mga kandidato para
umangat sila at makuha ang loob ng mga tao. Marami ang lumalabas na maling impormasyon
sa midya tungkol sa mga kandidato kaya dapat mas maging mahusay tayo sa pananaliksik at
maging matalino sa pagpili ng susunod na Presidente ng Pilipinas. Kaya’t ngayon, akin ng
sisimulan ang pag lalahad ng sarili kong opinyon tungkol sa taong ayaw kong maging Pinuno ng
bansa.

Oo si Pacquiao, para sa akin hindi siya karapat dapat na maging Pangulo ng


Pilipinas sapagkat hindi bukal sa kanyang loob ang kanyang pagtulong sa mga tao. Siya ay nasa
politika para sa walang kabuluhan lamang. Kung talagang bukal sa loob niya ang pagtulong para
sa bawat Pilipino, alam niya sa kanyang sarili na hindi ang pagpasok sa politika ang paraan para
makatulong sa napakaraming tao. Pero dahil walang kabuluhan, egotistical at ambisosyo, gusto
niya ang titulong “Senador… Presidente…” lahat yan para sa kanya titulo lang. Idagdag ko lang
dito ang aking nakalap na ilang halimbawa na magpapatunay kung gaano niya kagustong lagi
siya ang tinitingala ng tao. Galing ito kay Sapphirehub “May pattern sya na dapat siya ang top
dog palagi. Sa halip na nakikinig lang ng misa, dapat ala pastor na sya ang
nanenermon/nagsesermon kahit di naman magkakaugnay ang sinasabi. Kwalipikado ba bilang
pastor? hindi. Pero may pumipigil ba? wala. Nag GMA artist, bida sa sitcom kelangan Marian
Rivera ang partner pero may variety show din ala Willie/Bossing. kwalipikado ba bilang artista o
host? Hindi. Sa PBA hindi uubra ang pa co-team owner kailangan playing coach. Pero hindi din
nasiyahan na parte lang ng liga kaya gumawa siya ng sarili nyang liga. kwalipikado bang maging
Professional basketball player at coach? Hindi. Hindi nanalo sa Gen San kaya ang bilis nagpalit
ng representasyon sa Saranggani (bayan ni Jinkee) para makapasok sa pulitika. Kwalipikado
bang maging mayor, hindi.”

Mapapansin din natin sa lahat ng mga panayam sa kanya ay hindi talaga pasok
ang kanyang kasagutan kung kaya’t nagiging isang dahilan ito upang siya ay matalo at hindi
makaupo sa pagka Pangulo. Para sa akin hindi niya kayang tumayo sa kanyang sariling paa
pagdating sa politika sapagkat laging mayroon siyang kasama na sasalo sa mga tanong na hindi
niya kayang sagutin dahil sa kakulangan ng ideya at karanasan. Ngunit kung sa pagiging atleta
ang pag-uusapan, ako ay isa sa milyung-milyong sumusoporta sa kanya kaya mas mabuting
hindi na lang siya pumasok sa mundo ng politika sapagkat kayang-kaya niyang tumulong sa mga
sambayanang Pilipino gamit ang kaniyang perang pinaghirapan sa atleta at sa kung ano pa
mang trabaho ang mayroon siya. Kaya’t ang sagot ko ay oo walang kabuluhan. Kailangan kung
pursigido talaga siyang maging isang Pangulo ng Pilipinas dapat siya ay may sapat na kaalaman
sa lahat ng bagay. At hindi din nakakatulong yung mga nakapalibot sa kanya, inaayunan siya
kaya lalong lumalaki ang ulo at nagiging ilusyonado. Kaya nga tawag nya sa sarili nya “man of
destiny” hindi “man of service”. Iniisip niya ang Pagiging Presidente ang kanyang kapalaran
hindi ang paglilingkod sa mga tao.

You might also like