You are on page 1of 4

PAGPAPAHALAGA

1. Sumipi ng isang panayam/interbyu at suriin ang gamit ng wika


kung ito ba ay nagpapaliwanag, nanghihikayat o nagtuturo.
Duterte: Hindi ako tatakbo bilang presidente
Nai-publish noong Setyembre 7, 2015 5:15pm (Updated 7:45 p.m.)
Hindi tatakbo bilang presidente si Davao City Mayor Rodrigo Duterte
sa 2016, aniya sa isang press conference nitong Lunes.
"I would like to categorically state now... na di ako tatakbong
president," he said.
"Wala akong ambisyon mag-presidente." Ang anunsyo ay ginawa
noong Lunes ng hapon sa kabila ng mga panawagan para sa alkalde,
na kilala sa kanyang matigas na paninindigan laban sa krimen, na
tumakbo bilang pangulo.
“Sa 2016, magreretiro na ako sa public life,” he said. "I believe it's no
longer my time. I will retire after my term." Napaiyak ang mga
tagasuporta ng alkalde matapos ang anunsyo at ang ilan sa kanila ay
naniniwala na maaaring magbago pa rin ang isip ni Duterte kung may
mas malakas na sigaw ng publiko para sa kanya na tumakbo bilang
pangulo, iniulat ng dzBB.
Sinabi rin niya na ang kanyang anak na si Sara, ay tatakbo bilang
alkalde sa 2016. Sa mga nakaraang pahayag, paulit-ulit na sinabi ni
Duterte na hindi siya interesado sa pagkapangulo.
"I'm not running for president and I never wanted to be one.... Ayaw
ko talaga. Ayaw ng pamilya ko pati iyong anak ko na mayor and she's
vocal about it," Duterte told an audience of businessmen at the ASIA
CEO Forum sa Makati City noong Hunyo.
SAGOT: Ang gamit na wika ay nagpapaliwanag dahil sa panayam ay
nagpapaliwanag si presidente na kung bakit hindi na sya tatakbo sa
susunod na eleksiyon.
2. Magbigay ng halimbawang isang social media post na nagpapakita ng pagpapayaman
sa wikang Filipino. Ipaliwanag.

Sagot: Ito’y tungkol sa wikang Filipino na ipinagyayaman at


pinauunlad upng mapanatili hanggang sa mga susunod pang
henerasyon. Pagsasapuso ng sariling wika pagpapahalaga dahil
sariling atin ito.
3.Magtala ng mga pelikulang napanood at ipaliwanag na ito ay
sumasalalim sa iba ibang kultura ng mga Pilipino.
Mercury Is Mine

Makikita sa pelikulang ito ang negatibong ugali ng mga Pilipino, gaya


ng pagsa-sarili, pagnanakaw ng pera at sa huli ang pag-patay ng mga
masasamang tao sa mga inosenteng tao. Meron ring mabuti pag
papakita nito ng kultura ng mga Pilipino na pagiging mapag-asikaso at
mayroong mabuting pakikitungo sa kapwa. Ang mga Pilipino ay tunay
na natutukso sa mga banyagang opurtunidad na nahaharap nila.
Minsan ay minamaliit nila ang kanilang sarili na tila kailangan nilang
makamit ang “mataas” na tingin nila sa mga dayuhan. 

You might also like