You are on page 1of 1

Marasigan, Jonhzel P.

BSTM – 601

MGA MANGINGISDANG DISMAYADO

Hindi maitatago ng ilang mga mangingisda sa Infanta, Pangasinan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo
Duterte na "pure campaign joke" lang ang sinabi niya noong pag-jetski sa Scarborough shoal para igiit
ang karapatan ng mga Pinoy. Sa Dagupan City, Pangasinan idinaos ang 2016 Presidential Townhall
Debate ng ABS-CBN kung saan libo-libo ang dumalo, kasama ang mangingisdang si Carlo Montehermozo.
Isa siya sa mga mapalad na nakapagtanong sa mga kandidato.

"Ano po ba ang puwede ninyong gawin para sa aming mangingisda upang matulungan kami na hindi
maitaboy ng Chinese Coast Guard at para makapamingwit kami nang mabuti at mayapa?" tanong ni
Montehermozo.

Nangibabaw ang sagot noon ni dating Davao City Mayor at ngayo’y pangulo na si Duterte na sinabing
magje-jetski siya para itanim doon ang watawat ng Pilipinas.

Pero nitong linggo, makalipas ang 5 taon, ibinunyag ni Duterte na biro lang ang sinabi niya at sinabing
"istupido" ang mga naniwala dito.

"Nagsinungaling naman siya sa amin, hindi naman tinupad iyong ano niya, iyong sinabi niya sa amin...
Dapat hindi joke ang sabihin niya, gawin niya iyong sinabi niya sa akin, para hindi naman kami mukhang
tanga doon sa Scarborough na ganito ang ginagawa sa amin," hinaing ni Montehermozo.

Itinanggi naman ng Palasyo na walang nagawa ang Pangulo para sa mga mangingisda sa Scarborough
shoal.

You might also like