You are on page 1of 1

PANUNUMPA SA KATAPATAN AT PAGSUPORTA

SA DUTERTE ADMINISTRATION

Ako si ________________________________, isang Barangay Official at may tungkulin


bilang ________________________ ng Barangay _____________________, Laua-an, Antique
ay buong pusong nagpapasalamat sa kabutihan na ibinabahagi ng Pangulong Rodrigo R.
Duterte sa pamamagitan ni Senator Bong Go at Mayor Sara Duterte.
Ako rin ay lubos na nagpapasalamat sa mga tulong at pagsuporta ni Capt. Francisco G.
Baladjay Jr., ang Municipal Mayor ng Laua-an, Antique na siya ring Municipal
Chairman/Coordinator ng Duterte Administration.
Kinikilala ko rin na ang pamahalaang Duterte ay naghahangad ng mga initiatibo para sa
ikauunlad ng mga lokal na gobyerno tulad nga mga barangay units upang lalong bumuti ang
pamumuhay at buhay ng mga tao.
Bilang pagkilala sa kapangyarihan at kabutihan ng Duterte Administration, boluntaryo
kong isinusuko ang aking sarili upang ihayag ang taus-pusong KATAPATAN
(Loyalty/Allegiance) at buong sigasig na pagsuporta at hindi ako lalabag sa anumang programa
at proyektong inilulunsad ng Duterte Administration.
Isinusumpa ko rin sa harap ni Capt. Francisco G. Baladjay Jr. na hindi ako tataliwas,
lalaban o gagawa ng anumang bagay na ikasisira ng aking katapatan sa pagsuporta sa Duterte
Administration. Bagkus ay lalo ko pang ipapakita ang aking pagdepensa o pagsanggalang para
sa Duterte Administration sa oras na ito ay nangangailangan ng aking tulong at katapatan.
Kung sakaling mayroong halalan o eleksyon na gaganapin, ay taas-noo kong
isinusumpa na ako, ang aking pamilya at mga taong nakapalibot sa akin ay makikiisa at
tutulong sa BUONG slate o hanay na itatalaga ng Duterte Administration, mula sa national
hanggang local na posisyon, sapagkat alam ko na ito ang tanging paraan upang ihayag ko ang
aking pagtanaw ng utang na loob at pagsuporta.
Ang panunumpa sa katapatan at pagsuporta na ito ay isang kahayagan din na hindi ko
sisirain ang tiwala na ibinigay ni Mayor Capt. Francisco G. Baladjay Jr. sa akin sapagkat ang
pagsira sa tiwala ni Mayor Baladjay ay katumbas rin ng paglaban sa Duterte Administration.
Alam ko ang nakasaad sa dokumentong ito at boluntaryo kong nilagdaan na walang
pumilit sa akin sinuman o anuman.

____________________________
Pangalan at Lagda

Nilagdaan ko sa harap ni Capt. Francisco G. Baladjay Jr., Mayor ng Laua-an, Antique


ngayong ika _____ ng Marso, 2021 sa Laua-an, Antique, Pilipinas.

CAPT. FRANCISCO G. BALADJAY JR.


Municipal Mayor

You might also like