You are on page 1of 3

Reaksyong Paper

State of the Nation Address (SONA)

ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte

Romel M. Casquite 11 Einstein

Sa naganap na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo


Roa Duterte noong ika-27 ng Hulyo 2020, araw ng lunes. Ang kaniyang talumpati
ay tumagal ng isang oras at apat na pong monito, na idinaraos sa Session Hall of
the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City.

Sa kaniyang unang pahayag ako'y nadiyahan, sahil nais niyang huwag tayong
mawalan ng pag-asa sahil ang gamot sa lumalaganap na sakit ay parating na.
Pinasasalamatan Niya run Ang mga taong nais tumulong na puksain ang sakit na
Ito, isa na dito ang mga doctor. Kahit sa bantam ng pandemyang Ito, pinupuksa
Niya paring ang mga taong gumagamit at nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot.
Ang mga taong kumikimkim at binabawasan ang mga donasyon na galing sa
gobyerno ay Hindi makakaligtas sa kaniya sa kamay ng batas. Gaya dito sa amin,
pinipili lang ng lokal na gobyerno kung sino ang bibigyan ng mga benepisyo na
galing sa gobyerno. Ako'y nasiyahan sa mga sinabi niyang Ito. Nang sahil din sa
4Ps marami sa ating mga kababayan ang natulungan at ang mga pera na
ipinamahagi ng pamahalaan sa bawat pamilya at para naman sa mga taong
puhunan ang pasada ay bibigyan din. Marami ng natulungan ang gobyerno, dahil
sa panahon ngayon sila kanang ang ating kasangga. Siya ay nagtalaga ng isang
Diversity and Inclusion Program na Kung saan tayo ay iisa o sama-sama na kahit
anong kasarian ng pagkatao mo ay tanggap ka. Walang diskriminasyon ang
nagaganap kundi isang pagmamalasakit sa kapwa. Ako'y nasiyahan dahil laganap
ngayon Ang diskriminasyon sa ating bansa lalong-lalo na sa LGBT COMMUNITY.
Marami na sa kanila ay hindi tanggap na lipunan lalo na nang kanilang pamilya. Sa
programang ito, hindi man agad mapupuksa ang diskriminasyon bagkus
pinapababa naman ito. Sila din ay nagpaganap ukol sa pagtatrabaho ng mga
kabataann mentor de edad. Hindi talaga pwedeng magtrabaho ang mga
kabataang nasa edad 17 pababa, dahil ito ay obligasyon ng kanilang magulang,
pero ng dahil sa kahirapan, marami sa mga kabataang ang huminto sa pag-aaral at
nagbabalat na ng buto para lang may makain. Siya rin ay nagpapasalamat sa mga
taong nagbigay donasyon para sa mga taong nangangailangan, dahil hindi
makapagtrabaho ng dahil sa pandemyang Ito, at sa mga ating frontliners, na kahit
buhay man nila ang kapalit, kaya nilang ibuwis para lamang sa bayan. Ako'y
namangha dahil sa mga frontliners, dahil isa sila sa mga simbolo upang tayo ay
magbayanihan. Sila rin ay nagtalaga ng Social Amelioration Program na kung saan
bawat pamilyang naghihirap at mababang sahod ng dahil sa pandemyang Ito at
bibigyan ng tulong pinansyal. Marami ang nbiyayaan nito, kahit dito sa amin
maraming sumaya dahil may pang-gastos na sila sa pang araw-araw. Kinausap
niya rin and TESDA para sa ating mga kababayan na galing ibang bansa na pinauwi
dahil sa pandemyang Ito na kahit online training lang man para makahanap ng
trabaho kahit nasa bahay lang sila. Ipinatupad niya rin ang pwede ng mag loan na
walang interest at penalties upang hindi na maghirap ang iba. At palawigin ang
pagbayad nito upang hindi gaanong kalaki ang babayaran kada buwan. Ako'y
nasiyahan dahil mais niyang mapabuti ang antas ng signal upang mas mapabuti
ang paghahanap ng impormasyon sa social media at mas makakatulong para sa
mga mag aaral na nag-aaral sa online classes at modular studies. Kailangang hindi
pa matapos ang Disyembre ay natayo na nila ito. Nagpapasalamat ako, dahil
kalakaw pa ang signal dito sa amin upang mas mapadali ang paghahanap ko ng
mga impormasyon. Marami pang mga programa ang itinalaga niya gaya ng
pagtaas ng benepisyo ng mga senior citizen. Ang pagtaas ng sweldo ng mga pulis
at sundalo at lahat ng mga propisyon. Ang pagpapabuti sa mga Rural Health Unit
at pagtanggap ng mas maraming health professionals. Ang pagtaas ng pagbili ng
produkto ng mga magsasaka , dahil ito ang paraan upang kahit paano ay
guminhawa naman nag buhat ng mga magsasaka. Dapat lamang itaas ang presyo
ng agrikultura dahil ito ang pangunahing hanap buhay ng karamihan sa atin Siya
rin ay nagtalaga rin ng National Disease Prevention and Management Authority na
kung saan tayo ay handa sa anumang sakuna o sakit na darating. Nais niyang
iparating na tayo ay magbayanihan at magkaisa, dahil ito ang pangunahing paraan
upang tayo ay makalagpas sa pandemyang Ito. Ako'y nasiyahan sa mga
programang kaniyang inihayag, dahil isa ang pamilya ko ang makaka-benepisyo
room. Medyo nadismaya lang ako, dahil may mga salitang lumabas sa kaniyang
bibig na hindi kaaya-aya gaya ng "p*ta".

Sa kabuuan ng kaniyang talumpati ay kabutihan natin ang kaniyang


prayoridad. Maganda ang mga mensaheng ipinarating niya sa madla. Mga
programang makakatulong sa mga mahihirap upang matustusan ang pang araw-
araw na buhay sa gitna ng pandemyang Ito. Ako'y nagagalak sa kaniya dahil mas
inuuna Niya Muna ang kaligtasan ng bawat isa. Higit sa lahat ng dahil sa
administrasiyon niya nabawasan ang mga illegal na gawain ng iba. Ako'y
nagpapasalamat sa kaniya.

You might also like