You are on page 1of 2

Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat pang Ipaglaban

Ni Antonio Contreras
(bahagi lamang)

Dahil dito, hindi dapat kinakatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista


ang Filipino na siya raw bubura at lulusaw sa kanilang identidad. Ang
pangambang ito ay isang hungkag na pangamba.
Mabura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan at hindi
nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala ang
pagkatao.kung may malay ka dito at may kontrol ka dito hindi ito mabubura.ito
dapat ang pinagkakakaabalahan ng mga aktibistang rehiyonalista ang
pagyayamanin ang kani-kanilang mga wika, kultura ,at kamalayan, kasabay
ng pagtangkilik sa pagpapalaganap ng isang wikang pambansang sa ngayon
ay maaaring ang dominanting hulmaan ay Tagalog, subalit bukas sa
pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay mapagyaman at mapagyabong.
At ito rin ang dahilan kung bakit dapat patuloy na ipagtanggol ang
Wikang Filipino, at panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating
paghubog ng ating mga iba’t ibang identidad. Ito lamang ang sisiguro na hindi
malulusaw ang wika ng mga Pilipino sa mukha ng talamak na pagtangkilik ng
Ingles.
Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa
labang ito, dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawala ng
lugar ang wikang Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa, mawawala
din ng lugar ang mga wikang rehiyonal na dapat maisulat ng malinaw at
wastong teksto upang lumabas na isang sistemang global.
Sa kalaunan, hindi naman talaga ang Ingles ang kaaway hindi dahil
ginagamit ang Ingles ay mabubura na ang Filipino.
Ang kaaway ay ang mga pwersang nananahan sa puso at isipan ng
maraming Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pang posisyon sa
pamahalaan o sa pamantasan, na lumilikha ng mga balakid at pumipigil sa
pagpapamalas ng Filipino sa kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong pinipilit
ang kamalayang Filipino sa mga Pilipino upang kahit madalas tayong
magsalita ng Ingles ay mananatili tayong mataas magsalita sa Filipino at kung
anumang rehiyonal nating wika.

Sanggunian: http://www.gmanetwork.com/news/story/376423/opinion/filipino-ang
pambansang-wikang-dapat-pang-ipaglaban#sthash.MfEBhX7p.dpuf
Transkript ng talumpati ni Senator Grace Poe
nang magdeklarang tatakbo sa pagkapangulo
(bahagi lamang)

Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuuan ng aking
mga mithiin at adihikain. Sa mga sususnod na araw, ihahain ko po ang isang
komprehensibong programa na nakasentro sa simpleng prinsipyo at paniniwala
walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay sabay
tayong aangat at samasama tayong uunlad.

Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit siya, sinabi na wala siyang karapatan at
hindi siya Pilipino. Ngunit buong tapang niyang hinarap ang hamon at hindi nya
uurungan ang pagkakataon na tumulong na mapabuti ang buhay ng karaniwang
Pilipino. Ang kanyang katapatan, tapang, at kabaitan ay naging inspirasyon at gabay
sa akin. Ang nanay ko naman, sinabi niya ‘‘Anak sa lahat ng ingay ng politika wag
mong walain ang iyong sarili’’

Ang aking buhay ay isang bukas na aklat. Sino ang mag-aakala na ang isang
sanggol na natagpuan ay makakatakbo sa senado. Salamat sa pagkakataon na
ibinigay ninyo sa akin. Wag ninyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino, mapagmahal,
malikhain, at marunong gumawa ng paraan.

Kaya natin marating ang ating mga mithiin para sa ating bayan kung mag
sisipag, nagmamatyag, at siguraduhing na may tapat na gagabay sa atin. Dapat
sama sama tayo. Hindi kaya ng iisang tao. Ang mangangako niyan ay
nagsisinungaling na. Sa ating lahat nakasalalay ang magiging kuwento ng Pilipinas
sa darating na panahon. Sana po ay samahan niyo ako sa pagpanday ng maganda
at makabuluhang hinaharap ng ating bayang Pilipinas.

Ako po si Grace Poe Pilipino. Anak, asawa, ina at sa tulong ng mahal na


Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan
bilang inyong Pangulo.

Gabay na tanong!

1. Ano ang pakay ng sumulat ng talumpati?


2. Anong paraan ng panghihikayat ang kanyang ginamit?
3. Isinaalang-alang ba niya ang uri ng babasa ng talumpati? Patunayan ang
iyong sagot?
4. Sa iyong palagay, ano-anong damdamin ang naantig ng kanyang isinulat?

You might also like