You are on page 1of 1

De Belen, Russel John R.

46509

FINAL OUTPUT – TREE PLANTING

Isang mapagpala pong umaga! sa kasamaang palad nitong last week lang ay namatay ang
tanim kong sili sa kadahilanang hindi ko na siya naintindi sa dami ng gawain. Pero bilang isang
estudyante na hindi naman talaga mahilig sa pagatatanim, ako ay natutuwa sapagkat sa maunting
panahon dito ko nakita kung gaano kasarap mag bigay ng oras para sa mga halaman o sa ating tanim.
Noong nakita kong lumalaki at bumubunga ang aking tanim ay siyang nagbigay sakin ng galak at
pinatunayang kaya ko din palang magbigay buhay sa halaman. Nagpapasalamat din ako sa subject dahil
napakarami kong natutunan sa taong ito. Kaya naman para sa halamang aking itinanim na sa kahit
kaunting panahon ay nabuhay at bumunga nagbigay ito sa akin ng pag-asa at galak upang lumaban at
patuloy na magsikap sa buhay.

You might also like