You are on page 1of 1

Magandang araw po sa aming guro sa physics na si Sir Lex Supnet.

Unang Una po sa lahat gusto ko pong


magpasalamat dahil isa ka sa nagbigay saya at ligaya sa amin lalong lalo na sa akin sir. Salamat sa mga
walang sawang pagtuturo sa amin sa asignaturang physics. Walang salita na makakapagpaliwanag kung
gaano ako kasaya kapag ikaw ang nagtuturo. Sa halos isang taong n gating pagsasama sa ating
kapitagang eskwelahan, masasabi ko na kahit anong hirap at mga pasakit na naranasan ko sa pag-aaral
ko ng PHYSICS hinding hindi ako susuko dahil alam kong itoy aking magagamit pa sa aking paglalakbay.
Kahit gaano man kahirap at sakit natututo akong lumaban. Malaking ang marka sa buhay ko ang
asignaturang ito dahil ako’y namulat sa matang nakapikit sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Isang
lugar na kung saan tatanggapin ka ng buong puso at pupunasan ka sa mga luhang hindi mapigil ang
pagbuhos dahil sa mga daang maalikabok na nakapuwing sa iyong daan. Salamat Sir dahil nandyan ka na
nagbigay lakas at gumabay sa amin. Hinding hindi ka po namin makakalimutan kahit baliktarin mo man
ang mundo. Ang masasabi ko lang na kahit anong hirap at sakit laban lang dahil pagdating ng panahon
mapapalitan at mapapalitan din ang mga sakit at hirap na dinanas mo sa iyong paglalakbay. Kahit
anuman ang mga dumaan sa atin, tayo pa rin ay nakabuo ng mga pinakamasasayang mga pagsasama
natin. Pero ‘di lahat ng bagay tuloy-tuloy lang, minsan kailangan din itong putulin ng pansamantala.
Salamat sir sa mga aral . Patawarin mo po kami sa aming mga sala . Pinapagalitan mo man kami alam
namin na itoy isang daan o paraan para itama at ituwid ang mga maling Gawain upang itoy hindi na
muling gagawin at lumala. Salamat sir kasi kahit na ganito kami na minsan hindi nakikinig kahit hirap na
hirap kana sa pagsasalita sa harap nandyan ka parin at sumusoporta nagtuturo sa amin. Ikaw ang isang
dahilan ko kung bakit ako nag-aaral ng mabuti. Hindi man ako gaanong nage-excel sa klase ngunit
marami naman akong natutunan. Nais ko rin pong humingi ng tawad dahil sa katigasan minsan ng ulo. Isa
ka po sa nakilala kong magaling na guro. THANK YOU SIR! Dahil kami ay nabigyan ng pagkakataon na
makasama ka kahit man lang sa isang iglap kami ay maraming natutunan. Ang hindi ko malilimutan
talaga sa asignaturang PHYSICS ay ang mga panahong halos lingo-lingo gumagawa kami ng activity
pagkatapos ng activity alam mo na kong anong susunod mong gagawin na asasahan mong
magBLOBLOG na naman. Actually nag-eenjoy talaga ako kapag may maga bagong activity na gagawin
kasama mo buong grupo mo, minsan maisama nalang ang iyong pangalan na wala lang man akong
naitulong o naiimbag sa grupo naming naalala ko yung mga panahanong yon ang sarap baliklikan. Ang
pinakadaBEST para sa akin na activity na ginawa namin ay yung CATAPAULT na kung saan ang bawat
grupo ay nag-iisip kung ano ang gagawing desinyo at kung paano gagawing mas malakas ang
CATAPAULT para sa inaasam na premyo. Ito na ang pinakadabest na activity para sa akin hindi man ako
yung gumawa ng aming CATAPAULT.Sa paligsahan hindi man napalad manalo atleast naranasan at
nabigyan ng pagkakataong maglaro at gumawa nito ang importante doon para sa akin nagging
mermorable iyon. Pero kahit napakahirap itong asignatura ang importante nag-enjoy ako sa pag aaral
dahil hindi mo talaga maiiwasan anga mga bagay nayan. Naala ko pa nong unang araw ng pasukan
akalain mo magklaklase agad hindi ko maiiwasan ang aking mga nadarama. Hindi ko inalinta ang mga
pasakit at mga pagsubok na naranasan ko dahil Alamo kong magagamit koi to tungo sa kinabukasan ko.
Gayunpaman, ito na at tinutuldukan ko na ang mga mensahe kong ito. Nawa’y nagkaroon tayo ng isang
masaya’t makabuluhang pagsasama. Muli, maraming salamat, binabati ko po kayo isang magandang
araw. SALAMAT SIR LEX SUPNET.

You might also like