You are on page 1of 3

Dear Teacher Joey

Hi cher studyante po ako ninyo… ata. Ninanais ko pong


magpasalamat sa inyong ginagawa para sa amin. Cher may nagsabi na
po ba na ang sarap pakinggan yung boses po ninyo, sapagkat may mga
tanghali kung saan nahuhuli ko ang aking sarili na nawawala sa boses
niyo, kase nakakatulog na po ako ng slight sa klase niyo. Pero dahil sa
inyong nakakabuhay na personalidad ako ay nabubuhayan sapagkat
kung hindi magagalit kayo. Anyway cher maraming salamat sa lahat.

Dear Teacher Jena


Hi cher ito po ay mensahe mula sa puso. Cher penge plus sa
periodical. Anyway cher gusto ko na malaman niyo na kami sa grade 11
ay laging nagpapasalamat sa langit na kayo ang nagturo sa amin ng gen
math, kase cher napakadali nun ‘pag kayo ang nagturo. Nais ko rin
iparating na kaming mga lumang grade 10 ninyo ay hinding-hindi
kakalimutan kayo sa pagtanda namin sapagkat matatandaan namin ang
time namin na kasama kayo.
To Ma’am Carmi
Hello po teacher, nais ko pong magbigay ng pagpapasalamat mula
sa grade 11 STEM sapagkat kung hindi kayo ang nagturo mas
maguguluhan po kami sa Pre-Calc. Maraming salamat po na nagbibigay
po kayo ng 10 minute break sapagkat ang hirap ng Pre-Calc at tama lang
na mapahinga ang utak sa nakakahilo na Pre-Calc. Gusto ko rin po na
magpasalamat sa i-style ninyo po ng pagtuturo, yung hindi po tayo aalis
hanggang hindi pa gets ng lahat. Sapagkat may iba na mang-iiwan
nalang ng studyante, pero kayo na kahit back to the start ulit kasi
nakalimutan namin kung paano gawin yung formula na iyon, ay hindi
niyo po kami tinitigilan.

Dear Teacher Shiela


Hello cher, ito po ang isa sa mga studyante ninyo mula sa grade 11
na laging nagdudusa sa lecture niyo. Nais ko pong malaman ninyo na
kahit masakit na magsulat ng lecture na-eenjoy ko parin ang klase
ninyo. Hindi po ako sure kung bakit, ngunit pakiramdam ko po na ito ay
dahil sa energy at style niyo pong magturo (yung dirediretso na back to
back info kasi enjoy ko po yung ganon.) Yung style at energy ninyo ay
nakaka-enganyo na mag-aral. At nais ko pong magpasalamat na kayo ay
nag-eeffort sa pagturo sa amin. Nagpapasalamat po ako sapagkat hindi
lahat ay may ganong energy at effort, at duon palang ay kaya ko nang
sabihin na dapat taasan ni Doc yung sweldo ninyo at payagan yung
petition ninyo na bumili ng microscope na hindi pang-aesthetic lang.
Dear Teacher Kristine
Hindi po ako sure kung anong araw ninyo po ito mababasa pero
just in case, happy late birthday/ early happy birthday. Anyway cher
gusto ko pong magpasalamat sa pasensya niyo po para sa amin
sapagkat kaming grade 11 ay mga makukulit at sakit sa ulo. Nais ko po
rin na magpasalamat sa inyong pagtuturo at sa pag-gabay sa amin.

Dear Teacher Glen


Hello and happy teachers day, firstly I would like to thank you for
all the effort and work you do for the students of the school. I would
also like to thank you for answering any inquiries and problems we have
whenever they may arise.

To Sir Norwin
Hello po, gusto ko po na magpasalamat para sa ginagawa niyo
araw-araw para tumakbo ng maayos ang annex namin.

To Director Joel
I would first like to greet you a happy teachers day, and next I
would like to thank you for all the work you do for us. I acknowledge
and appreciate the fact that you are continuing to guide and watch over
us. I am also thankful that even if it is just a little you try to connect and
talk to us. That when done at the right moment can have a great impact
on a person. Once again thank you for reading another of my letters.

You might also like