You are on page 1of 1

Ako nga pala si ___________________________________________________ isang estudyante

ng Special Program in Science Technology and Engineering sa Alaminos city national high
school.

Q: Ano ‘yung mga naramdaman/ napagdaanan mo during modular class nung Grade 7 as a
student of STE or bilang estudyante?

Una sa lahat sobrang hirap po, lalo na sa part na walang mag tuturo or mag eexplain sayo ng
mga topic.
Nakaka pressure every time na hindi mo pa tapos ‘yung module tapos malapit na ang pasahan.
Ang hirap gumawa lalo na kung wala ka nang natitirang motivation. Also nakaka pressure din
‘yung mga expectations ng parents na makakapasa ka since nasa special section ka. ‘Yung part
na madaling araw na pero gising ka pa kasi kailangan mong tapusin ‘yung mga modules mo,
nakakangawit at nakakapagod pero ulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko pa kasi
kailangan, kasi kapag hindi ko pinasa baka bumagsak ako. Also sa sinasabi ng mga teachers na
‘Time management’ is the key hindi ako agree doon I mean maybe sa iba nag a apply ‘yon pero
sa iba hindi kasi hindi lahat ay may parehong kondisyon sa pamumuhay at hindi lahat ay may
sapat na pribilehiyo na magkaroon ng maayos na pamamahala sa oras dahil sa iba pang mga
responsibilidad na dapat gampanan. Gabi gabi kong tinatanong sarili ko kung kakayanin ko pa
ba o hindi na, lagi ko ring na rerealize na hindi na nga tulad ng dati ang way ng pag tuturo. Mga
gabing umiiyak ka na kasi andamipang tatapusin tapos lagi akong kinakabahan kapag nag
memessage teacher namin sa gc kapag pa end na ng quarter kasi imemention na nila mga may
kulang and also ‘yung part na mamemention ka sa may kulang pero alam mo sa sarili mo na
nagpasa ka naman. pero masaya ako na…. Kinaya ko.

You might also like