You are on page 1of 2

FG 1

PAMAMAHAYAG

MGA ISYUNG NAMAMATAAN. OPINYON KO’Y PAKINGGAN

“MAG-ARAL MABUTI BILIN SA AKIN NI INA, EDUKASYON ANG TANGI NIYANG


PAMANA”

Masarap ang buhay kapag ka tayo ay nakatatamasa ng pag-unlad, tipong lahat nang gustuhin
natin sa buhay ay mabibili sa simpleng halaga na galing sa bulsang pinaghirapan. Tama nga ang
laging bilin sa akin ni Ina, kailangan kong mag-aral ng mabuti para makamit ko lahat ng aking
mithiin sa buhay, ngunit madali sa akin ang magpatuloy sa pag-aaral kung simula pa noong ako
ay nagumpisa ay mayroon nang taong sumusuporta sa akin, ngunit wala lagi akong nahuhuli sa
pagpasa ng mga takdang-aralin naming na kinakailangang pagkagastosan, sa tuwing may
ipapagawa kase sa amin nan gaming mga guro ay hindi ako natatakot kung ano ito o anong uring
gawaing ito, ako’y natatakot sa kung magkano nanaman ang pagkagastusan sa bagay na hindi
naman nakabubusog ng tiyan. Hanggang sa nalampasan ko ang anim na taon sa elementarya at
perang gagamitin sa mga assignments ang muli kong proproblemahin sa pagtahak ko sa
sekondarya. Mas doble ang kaba at takot ko dito dahil kailangan ko ng kumayod para matustusan
ang pangangailangan ko. Matapos ang ikatlong taon ko sa sekondarya, bago ang magpatuloy sa
ika-apat na taon ko ay siya namang bali-balitang magkakaroon ng dagdag na dalawang taon sa
sekondarya ang K T0 12 na programa ng DEPED.
Nang malaman ko iyan ay lubos akong nanghina dahil ang inaakala kong nalalapit ko sa
deploma mula sa sekondarya ay wala pa pala. Ngunit nagpatuloy parin ako dito hanggang sa
pinili ko ang strand na bagay sa aking kakayahan, ito ay ang patungkol sa pagluluto tinahak ko
ito hanggang sa kami ay nagkaroon ng OJT na kung saan libre ang pagkain at transportasyon ako
ay lubos na natuto rito, dahil magtatapos ako ng sekondarya na may alam sa elektrisidad, at
hanggang sa makakuha kami ng aming kaniya kaniyang NCII na kailangan sa aming pag-aaplay
sa trabaho. Nagtapos ako sa sekondarya sa programang K 12 program ng DEPED ang kauna-
unahang batch at produkto ng programang ito, matapos nito maraming pinto ang nagbukas sa
akin at ako ay pinatuloy hanggang sa nagkaroon ako ng trabaho pagakatpos palang ng
sekondarya at ito’y aking ipinagsasalamat, minsan na akong nagisip ng masama na hindi pa
nasususbukan ang isang bagay ngunit totoo pala na wala ring mawawala sakin kung hindi ko
susubukan.
Marami namang kuro-kuro at sinasabing hindi naging epektibo ang programang ito ng DEPED
ngunit para sakin ito lamang ay isang option para sa mga mag-aaral na nagdadalawang isip kung
itutuloy pa ba nila hanggang kolehiyo o hindi na, at ako ay nagdesiyon na hindi ko muna itutuloy
ang pagtahak sa kokehiyo lalo’t alam kong napakao komplikado nito sa akin lalo na ako’y isang
di hamak na mahirap lamang at mas inuna ko ang pagtratrabaho kaysa magpatuloy sa kolehiyo,
ngunit hindi ko kailan man sinsabi sa aking sarili na hanggang dito nalang buhay ko, ako mas
nagkaroon pa ng trabaho nang dahil sa kaalaman ko na nakuha ko sa programang K-12 ng
DEPED at nagamit ko sa aking pamilya at hanggang sa nakaipon ako ng sapat na pera na
pangtustos ko sa muli kong pagbabalik sa kolehiyo, noong una nagdalawang isip ako nab aka
maubos ang pera ako ngunit maraming nagbukas ng oportunidad para makapasok ako sa mga
iskolar ng aming bayan.
Ang masasabi ko sa naging pahayag na ito nang aking kuya ay tunay na epektibo ang K-12
program sapagkat malaya rito na piliin sa kung anong makakahulma sa kakayahan mo, tulad nito
ang k-12 program ay nahahati sa dalawa ang Academic program at Vocational program at ang
Vocational program ang naktulong sa kuya ko na makapag-patuloy ng pag-aaral niya sa kolehiyo
at kami rin ang isa sa mga benepisyaryo nito sapagkat natulungan kami ng kuya ko bago pa niya
maisip na tumahak at magpatuloy sa kolehiyo. At ang Academic program ay napapatungkol ito
bilang paghahanda sa iyong sarili sa pagtahak natin sa kolehiyo, maging ang vocational ngunit
ito ay ginagamit lamang ng pokus sa pang akademikong pag-araal na hindi ginagamitan ng
kaalaman sa trabaho o ano man, ito ay patungkol palagi sa patuloy na proseso at pagpapalawig
ng ating kalaaman sa matimatika, humanidad at iba pa. Bagama’t sinasabing hindi ito naging

JERAN O. MANAOIS III BSE FILIPINO


FG 1
PAMAMAHAYAG
epektibo dahil sa mga isinagawang obserbasyon na mayroon paring kakikitaan ng kahinaan sa
mga mag-aaral pagdating sa pagbasa at komprehensyon nito at sa numeracy na kakayahan nang
mga mag-aaral, ngunit hindi nila inilalahat sapagkat may mga parte parin ng programang ito na
nakatulong parin sa mga mag-aaral tulad nalang sa kwento nang aking kuya at tunay na may
naitulong ang programang ito.

JERAN O. MANAOIS III BSE FILIPINO

You might also like