You are on page 1of 1

SANAYSAY

GAWAIN BLG. I
JERAN O. MANAOIS
III BSE FILIPINO

“KOMUNIKASYON SA LIPUNAN”

Ang komunikasyon ay isang masasabing mahusay na pamamaraan upang magkaroon ng pagbabago


sa lahat ng uri ng pakikipagugnayan ng tao, isa ito sa mahahalagang gampanin ng mga mamamayan
na naninirahan sa isang lipunan upang magkaroon ng isang malalim na ugnayan sa isa’t isa. Dahil
mula sa pagiging sangol ng isang tao ay tungkulin na nitong matutunan ang mga pamamaraan tungo
sa mahusay na komunikasyon. Nagsisimula ang bata na magkatanggap ng pagkatuto mula sa
kaniyang mga magulang na kung saan tungkulin ng mga magulan na matuto tayo sa simpleng
paraan ng komunikasyon; halimbawa: “ Papa” at “ Mama” na isa sa pinaka-pangunahing salitang
natututunan natin mula sa ating mga magulang mula sa paraan ng pagbigkas at pagsasaayos ng tono
nito, kaya sinasabi ng karamihan na ang kauna-unahang nagsilbi bilang ating mga guro ay ang ating
mga magulang. Hanggang sa tayo ay lumalaki, nagbibinata’t dalaga kasabay nito ang ating
pagpapalawak ng ating kaalaman sa pakikipagkomunikasyon sa lipunang ating ginagalawan.

Sinasabing ang komunikasyon ay isa rin mayroong malaking ambag sa lipunan, kaya naman ang
sagot ng karamihan ay “Tama”, tunay nga na ang komunikasyon ay mayroong malaking ambag
lipunan sapagkat nabibigyan tayo ng tuloy-tuly na pagbabago sa ating lipunan, dahil sa
pakikipagtalakayan palang gamit ang komunkasyon natutukoy natin kung ano-anong mga bagay,
pangangailangan, tulong at iba pa ang maari pang bigyang pansin at bigyan pagbabago matugunan
lamang ang pangangailangan ng bawat tao. Kung kaya nagkakaroon ng tuloy-tuloy na pagbabago at
pag-unlad ang ating lipunan gamit ang ating nakasanayang komunikasyon. Patunay lamang nito na
hindi mabubuo tulad ng isang matibay at konkretong gusali ang ating lipunan kung walang
nagaganap o nangyayaring komunikasyon sa lipunan. Bukod pa riyan sa isang lipunan ay mayroong
iba’t ibang pamamaraan sa komunikasyon kung kaya’t mayroong malawakang sakop at gamapanin
nito sa atin, tulad na lamang ng isang pahayagan sa lahat ng midyum ano man ang uri nito, isa sa
mga mahahalagang benepisyong natatanggap natin bilang isang mamamayan ay nagkakaroon tayo
ng tiyak na kaalaman sa isang bagay, nagkakaroon tayo ng ideya sa isang pangyayari at nakabubuo
tayo ng sarili nating mga opinyo patungkol sa isang paksa o isang tema na mayroon sa isang
impormasyon.

Ganun pa man bagamat may kaniya kaniya man tayong uri at pamamaraan sa komunikasyon ay
nangangahulugan lamang nito na tayo ay iisa sa isang lipunan, mula sa simpleng pagkukumusta sa
isa’t isa, mula sa simpleng selebrasyon ng pamilya, organisasasyon, relihiyon o grupo ng mga tao ano
man ang uri at pinagmulan nito,patunay lamang iyan na tayo ay may bukas na isip at handang
makipag-ugnayan sa isa’t isa upang magkaroon ng organisadong pamayanan. Hindi na mahalaga ang
pagkakaiba dahil sa yapos ng komunikasyon sa lipunan ay tayo ay nagiging pantay-pantay. Ano pa
man ang mga masasamang dulot nito sa isang tao ang mahalaga tayo ay natututo at nagkakaroon ng
tuloy-tuloy na proseso ng progreso sa ating lipunan.

You might also like