You are on page 1of 2

ERGINA, JHON MICCO A.

ARC - 2203
Quiz 3 in Filipino 101

Komunikasyon ang nagsisilbing tulay natin sa lahat. Ito ang nagiging batayan
kung paano natin malalampasan ang bawat pagsubok na ating kakaharapin sa
araw-araw. Ito ay nagiging mahalaga rin para sa ating kaalaman, relasyon sa kapwa,
pamahalaan, at paggamit ng midya.

Isang mahalagang sangkap para sa ating kaalaman ang pagkakaroon ng


mahusay na komunikasyon. Dito mas nadadagdagan ang ating kaalaman kung tayo ay
may mahusay na komunikasyon sa bawat isa. Naiintindihan natin kung ano ang nais
iparating na impormasyon ng iba dahil mayroon tayong maayos na komunikasyon.
Mahalaga rin ang komunikasyon sa pagkakaroon natin ng relasyon sa kapwa sa
mabuting paraan. Naiintindihan natin ang isa’t isa sapagkat may magandang
komunikasyon tayo sa taong ating kausap. Napapaganda rin nito ang
pakikipagkapwa-tao natin dahil na rin sa malinaw at maayos na deliberasyon ng mga
impormasyon.

Importante rin para sa atin ang may magandang koneksyon sa ating


pamahalaan. Ang pagkakaroon ng transparency sa bawat isa ang tutulong sa atin na
magkaroon ng malinaw na pakikipag-ugnayan sa matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ang simpleng pakikinig sa suhestiyon ng nakararami ay isang halimbawa ng
magandang pamumuno sa ating bansa. Ang midya ang pinakaginagamit natin sa
kasalukuyang panahon. Dito tayo umaasa para malaman natin kung ano na ang mga
kaganapan na nangyayari sa paligod natin. Ang pagkakaroon ng komunikasyon sa
midya ay pagkakaroon ng koneksyon sa mga gumagamit nito. Sapagkat naging
takbuhan na natin ang iba’ ibang klase ng midya, kung ito man ay para sa ating
kasiyahan, kaalaman, kalusugan ang marami pang iba.
Ganoon kahalaga ang komunikasyon sa atin ngayon. Naiiwasan natin
magkaroon ng puwang sa mga impormasyong ating makakalap. Ang paggamit nito sa
mabuti ay ang siyang magpapaunlad hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa
ating bansa. Ang pagkakaroon ng ng magandang koneksyon sa bawat isa ang
magsisilbing tulay natin na maabot ang magandang bukas na nakaabang para sa ating
lahat.

You might also like