You are on page 1of 1

Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, PhilippinesTel. Nos.

(046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

` School of Tourism and International Hospitality Management

COURSE AND SECTION: HTRM 2-1 SCHOOL YEAR: 1st SEMESTER 2022-2023
NAME: JUDE FRANCIS C. ANGELES INSTRUCTOR: MS. ROCHELLA SY

GABAY: Sagutan ang sumusunod: HOME WORK #1

Gaano kahalaha ang komunikasyon?


Ang komunikasyon ay parang ating hininga, sapagkat mahirap mabuhay kapag wala ito. Ito
ang nagsisilbing buhay nating mga tao sa pamamaraan ng pakikipag-ugnayan,
pakikipagtalastasan at pakikipag-interak sa ibang tao, dito tayo natututo at nagkakaroon ng
kaalaman sa bawat bagay na dapat nating malaman at kinakailangan ng kasagutan.
Nakapagbibigay rin ito ng kapayapaan sa ating mga isip sa pamamagitan ng pag lalabas ng
ating mga saloobin, opinion at nararamdaman sa pang araw araw nating buhay. Mahalaga
rin na maunawaan at mas maintindihan ang komunikasyon dahil maaari itong mag dulot sa
atin ng mga masasamang epekto pag hindi ito ginamit ng wasto. Ang may kaalaman sa
pakikipag-komunikasyon ay isang susi sa pagkakaroon natin ng magagandang oportunidad
sa trabaho man o pampersonal na pag-unlad.

Sino-sino ang maaaring maging sangkot sa komunikasyon? Paano? Bakit?


Ang bawat indibidwal, grupo, o organisasyon ay maaaring maging sangkot o mag pasimula ng
komunikasyon sapagkat ang pangkaraniwang layunin ng komunikasyon ay ang malaman ang
nais ipahatid ng kanilang mga nakakausap at nakapagpapahayag ang mga ito ng kanilang mga
kanya kanyang impormasyon base sa tinatalakay na paksa. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap
sa mga ito ay nagkakaroon ng pakikipagkomunikasyon, dito ay nabubuo ang mas malalawak
na ideya at mga panibagong kaalaman sa bawat isa. Bata man o matanda, babae o lalaki, bingi
o pipi, ay maaaring maging parte ng komunikasyon sapagkat marami na ang nabuong paraan
upang magpahatid ng iba’t ibang mensahe sa isa o maraming tao.

Mayroon ding dalawang iba pang salik sa proseso, at ang dalawang salik na iyon ay naroroon
sa anyo ng nagpadala at ng tatanggap. Ang proseso ng komunikasyon ay nagsisimula sa
nagpadala at nagtatapos sa tagatanggap.

Ano-anong mga paraan sa pakikipagkomunikasyon?


Maraming paraan sa pakikipagkomunikasyon, subalit mayroong dalawang pangunahin nito,
ang makabago at makalumang paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ang makabago ay
sumasaklaw sa mga modernong teknolohiya gamit ang mga cellphones, computers o
laptops, maari nang makapaghatid ng mensahe sa madali at mabilis na pamamaraan kahit
na nasa malayong lugar pa ang tagapaghatid. Samantalang ang makaluma naman ay
sumasaklaw sa pag sulat ng mga talata o mensahe sa papel, maaari rin itong printed at
inilalagay sa sobre bilang pormal na pag-aalay ng mensahe sa tao, ito ay pangkaraniwang
ipinapahatid gamit ang mga aktwal na pamamaraan at tumatagal ng halos ilang araw bago
matanggap dahil marami pa itong dapat na pagdaanan bago mai-proseso at maipadala.

You might also like