You are on page 1of 7

Unit Mga Konseptong Pang wika

Module Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon


GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |1

INFORMATION SHEET PR-3.1.1


“Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon”

1. ENCODER - Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe.


2. DECODER - Siya ang nagbibigay pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap.
3. MENSAHE - Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon, naglalaman ng impormasyon, ideya o
palagay ng mensahe o kaya’ypagpapahatid ng saloobin, damdadamin o emosyon.
MENSAHE PANGNILALAMAN o PANGLINGGWISTA
MENSAHE RELASYONAL o MENSAHENG Di-VERBAL
Ang mensaheng pangnilalaman ay maganda at umaga na kapwa may kahulugang pangnilalaman. Ngunit
sa pamamagitan ng paraan ng pagbigkas ng pagbating iyon, sa kumpas ng kamay ekspresyon ng mukha
at paraan ng pagbibigaydiin sa salita ay maaaring mahiwatigan kung tunay sa kaloobanmo ang pagbati, o
kung natatakot ka lamang sa magiging reaksyon niya kung hindi mo sya babatiin, o kungsarkastiko ang
iyong pagbati, o di kaya’y kung baka nakasanayanmo lamang na batiin ang sinumangmakasalubong mo
sa daan. Alinman sa mga iyon ay mga mensaheng relasyunal o di-berbal na kaakibat ng
mensaheng pangnilalaman na iyong ipinadala

4. TSANEL - Ito ang medium o daanan ng mensahe.


Daluyang sensory - Ang daluyang sensori o tuwirang paggamit ng panglasa, pang-amoy,
paningin, pandinig at pandama.
Daluyang Institusyunal - Ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama,
mga kagamitan elektroniks tulad ng telepono, email, fax, cellular phone.

5. TUGON/FEEDBACK - Tumutukoy ito sa sagutan feedback ng encoder at decoder matapos nilang


maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe.
Tuwirang-Tugon - Tuwiran ang isang tugon kapag ito'y ipinapadala at natanggap agad-
agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe.
Di-tuwirangtugon - Di-tuwiran kapag ito'y ipinahahayag sa pamamagitan ng anyong di-
berbal.
Naantalang tugon- mga tugon na nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at
matanggap.

6. MGA POTENSYAL NA SAGAPAL SA KOMUNIKASYON -Ang tinatawag sa ingles na


communication noise o tiller.
Semantikong sagabal - Maling gramatiko.
Pisikal na sagabal - Ingay sa paligid, mga distraksyang biswal/sound system.
Pisiolohikal na sagabal - Pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura na maaaring
magbunga ng misinterpretasyon sakahulugan ng mga mensahe.

SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


rd
WEEK 3
PRELIMS
3 Meeting MS. MONICA ANDRES MR. WILBERT A. MAÑUSCA
Subject Teacher School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Module Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |2

Siolohikal - ay ang mga biases, prejudices, pagkakaibaiba ng mga kinalakhang paligid at


pagkakaibaiba ng mga nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
Konteksto/Sitwasyon - Ang konteksto ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan
nagaganap ang komunikasyon. Ayon kina Parker at Parker, ang elementong ito ang isa
sa mga pinakamahalaga dahil naaapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na
ang buong proseso ng komunikasyon. Ito ay may limang dimension.
Dimensyong pisikal - Malaki ang epektong nagagawa ng dimensyong pisikal sa uri ng
talastasangmagaganap. Kabilang sa mga salik ng dimensyong pisikal ay ang temperatura,
liwanag, pook kung saan nag-uusap, lebel ng ingay, agwat o espasyo sa pagitan ng
dalawang nag uusap at maging ang oras. Ang bawat isa samga salik na binanggit ay
makaapekto sa uri at sa proseso ng komunikasyon o sa talastasan ng naguusap o ngmga
grupong kalahok sa talastasan. Halimbawa, iba ang magiging proseso at bunga ng
komunikasyon kung nagsasalita ang guro sa harap ng klase kaysa sa pagkausap niya sa
isang maliit na grupo sa parke. Maaaring maiba ang takbo ng komunikasyon na
nagaganap ng umaga at nakaupo nang maayos at komportable ang mgakalahok kaysa sa
kung ang mga kalahok ay gitgitang nangakatayo sa isang mainit at hindi komportableng
pook.
Dimensyong Sosyal - Sa dimensyong sosyal ng konteksto ay pumapasok ang epekto sa
komunikasyon batay sa uri ng relasyon ng dalawang nag uusap o ng mga naguusap. Iba
ang takbo ng usapan ng magkakaibigan, ng dati nangmagkakakilala, ng magkakapatid, ng
magama o magina, ng estudyante sa kapwa estudyante o ng estudyante atguro. May
mga pangyayari sa isang grupo ng nag-uusap na sila lamang ang nagkakaintindihan.
Maaaringmalapit sila sa isa!t isa at magkakapalagayang-loob. Maaari nilang sabihin ang
mga salita na masakit para sa ibao kaya!y biruan na pangkaraniwan sa kanila subalit
hindi para sa iba. Naaapektuhan ang bunga ng proseso ng komunikasyon batay sa uri ng
relasyon ng mga kalahok sa komunikasyon.
Dimensyong cultural - Ang dimensyong kultural ng konteksto ay naoobserbahan sa kung
minsan ay di pagkakaunawaan sakomunikasyon sanhi sa pagkakaiba ng pananalig
sapoong Maykapal o pagkakaiba ng relihiyon. Ayon din ang pagkakaiba ng kinagisnang
kultura. May epekto rin ang magkaibang pagpapahalaga, magkaibang uri ng
pamumuhay at pagtanaw sa buhay.
Dimensyong Historikal - Sa dimensyong pisikal ng konteksto ay nabibilang ang lugar na
pinangyarihan ng komunikasyon at angkondisyon ng kapaligiran. Sa dimensyong
historikal ng konteksto ay magkakaroon ng tuwiran o ng di-tuwirang impluwensya sa
pag-unawa ng kasalukuyang pag-uusap o talastasan ang naunang usapan o
pakikipagtalastasan. alimbawa, sinaMikhael at "olan ay nag-uusap tungkol sa balak na
isasagawang proyekto ni Mikhael. )inipigil ibaka hindi ito magtagumpay. "atapos ang
usapan nila na sabi ni Mikhael ay pag-iisipan niya. "ang muli silang magkita ang unang
tanong ni "olan ay 6Itutuloy mo rin ba78 Sagot ni Mikhael ay 6oo8. Angmga nakarinig sa
usapan ay walang naunwaan kung ano ang tinutukoy o hindi itutuloy ni Mikhael. Subalit
parakay Mikhael at kay "olan lubos nilang batid ito at mayroon silang pagkaunawaan sa

SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


rd
WEEK 3
PRELIMS
3 Meeting MS. MONICA ANDRES MR. WILBERT A. MAÑUSCA
Subject Teacher School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Module Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |3

takbo ng usapan dahil sakanilang nauna nang nakaraang pag-uusap. Iyon ang ibig
sabihin ng dimensyong historikal.
Dimensyong Sikolohikal - Ang damdamin at emosyon taglay ng taong naguusap o ng
mga taong kasangkot sa usapan ay nakaapekto sauri, proseso at bunga ng usapan o
komunikasyon. alimbawa, maingat tayo sa pakikipagusap sa isang taong bagong gising
o taong naabala sa pagtulog. May kasabihan nga na magbiro ka na sa lasing huwag lang
sa bagong gising. 5aya rin halimbawa, ng taong gutom o pagod. Medyo mainit ang ulo,
wika nga tila wala pa sakondisyon. "Naaapektuhan ng kanilang damdamin at emosyon
ang proseso ng usapan komunikasyon ay hindi lamangnagaganap sa isang tagpuan at
tagpo lamang : ito ay patuluyang proseso o Gawain.
SISTEMA - Nangangahuluganito ng relasyon o ugnayannanalikhasapamamagitan ng
prosesongkomunikasyon. Halimbawa, kung hind mokakilala ang isangtao, maaari ring
magkaroon ng komunikasyonsa pagitanninyosubalitmadalang ang pakikipag-usap.
Maaaringisang-tanong-isang-sagot ang mangyaringusapan. Maaari ring
masyadokangingatnaingatsabinibitiwangsalita at magingsakomunikasyongverbalman.
Subalithabangtumatagal ang panahon, nakilalamonananghusto ang taongito. Ang
isangtanong-isang-sagotnapag-uusap ay nagkaroon ng pagbabago. Dahil nadevelopna
ang relasyon ninyo ng taong ito, naging komportable ka na sa pakikipag-usap hindi na
gaanong normal ang ginagamit mong wika, at naging panatag na ang loob mo sap
aggamit ng di-verbal na mensahe. nabuo ang sistema o ang ugnayan ninyo sa
pamamagitan ng proseso ng komunikasyon. Kung gayon, ang sistema o ang ugnayan ang
nagdidirekta sa kung ano at paano ka nakikipagkomunikasyon. Nangangahulugan
lamang na ang proseso ng komunikasyon ay hindi lamang nagaganap sa isang tagpuan at
tagpo lamang,ito ay patuluy ang proseso o gawain.

Batis ng Impormasyon:
https://www.slideshare.net/EmmanuelCalimag/aralin-2-tungo-sa-mabisang-komunikasyon-uri-
ng-komunikasyon-78309945?qid=52d27d30-f7f5-4881-8372-
46737601c7d8&v=&b=&from_search=1

SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


rd
WEEK 3
PRELIMS
3 Meeting MS. MONICA ANDRES MR. WILBERT A. MAÑUSCA
Subject Teacher School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Module Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |4

SELF-CHECK PR-3.1.1
A. Punan ang mga blangko ng tamang sagot.
1. ____________________ Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan
ng mensahe.
2. ____________________ Siya ang nagbibigay pakahulugan sa mensaheng kanyang
natanggap.
3. ____________________ Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon, naglalaman ng
impormasyon, ideya o palagay ng mensahe o kaya’ypagpapahatid ng saloobin,
damdadamin o emosyon.
4. ____________________ Ito ang medium o daanan ng mensahe.
5. ____________________ Tumutukoy ito sa sagutan feedback ng encoder at decoder
matapos nilang maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe.

SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


rd
WEEK 3
PRELIMS
3 Meeting MS. MONICA ANDRES MR. WILBERT A. MAÑUSCA
Subject Teacher School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Module Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |5

SELF-CHECK ANSWER KEY PR-3.1.1

1. Encoder
2. Decoder
3. Mensahe
4. Tsanel
5. Tugon/Feedback

SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


rd
WEEK 3
PRELIMS
3 Meeting MS. MONICA ANDRES MR. WILBERT A. MAÑUSCA
Subject Teacher School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Module Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |6

STUDENT NAME: _____________________ SECTION: __________________

NAKASULAT NA GAWAIN-3.2.1.

TITULO NG NAKASULAT NA GAWAIN: Sanaysay para sa mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon

LAYUNIN NG NAKASULAT NA GAWAIN: Malayang ipinaliliwanag ng nag-aaral ang kanilang mga


karanasan tungkol sa mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon.

Katanungan:
 Bumuo ng isang Sanaysay na nagpapaliwang ng inyong saloobin batay sa epekto ng mga sangkap
at proseso ng komunikasyon sa pagpapadala ng mensahe sa kasalukuyan.

PAMAMARAAN NG ASSESSMENT: PAMANTAYAN PARA SA PAGSUSURI SA NAKASULAT NA GAWAIN

SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


rd
WEEK 3
PRELIMS
3 Meeting MS. MONICA ANDRES MR. WILBERT A. MAÑUSCA
Subject Teacher School Director
Unit Mga Konseptong Pang wika
Module Mga Sangkap at Proseso ng Komunikasyon
GE13-FIL1 Kontekswalisadong Komunikasyon Sa Filipino Units: 4.0 Page |7

STUDENT NAME: ________________ SECTION: __________________

PAMANTAYAN PARA SA PAGSUSURI SA NAKASULAT NA GAWAIN-3.2.1

KRITERIA PAGMAMARKA

Ako ba ay. . . 1 2 3 4 5

1. Pokus - Ang nag-iisang punto ng pagkontrol na ginawa gamit ang isang


kamalayan ng gawain tungkol sa isang tiyak na paksa.

2. Nilalaman - Ang paglalahad ng mga ideya na binuo sa pamamagitan ng


mga katotohanan, halimbawa, anekdota, detalye, opinyon, istatistika,
mga dahilan at / o opinyon
3. Organisasyon - Ang pagkakasunud-sunod ay nabuo at nagpapanatili sa
loob at sa buong talata gamit ang mga transitional aparato at kasama
ang pagpapakilala at konklusyon.
4. Estilo - Ang pagpili, paggamit at pag-aayos ng mga salita at istruktura ng
pangungusap na lumilikha ng tono at boses.
5. Mga Kombensiyon - Gramatika, mekanika, pagbabaybay, paggamit at
pagbuo ng pangungusap.
TEACHER’S REMARKS:  QUIZ  RECITATION  PROJECT

GRADO:

5 - Napakahusay na Ginampanan
4 - Napaka-kasiya-siyang Pagganap
3 - Masisiyahang Pagganap
2 - Patas na Ginampanan
1 - Mahinang Ginampanan

_______________________________

TEACHER

Date: ______________________

SUBJECT TEACHER: APPROVED FOR IMPLEMENTATION:


rd
WEEK 3
PRELIMS
3 Meeting MS. MONICA ANDRES MR. WILBERT A. MAÑUSCA
Subject Teacher School Director

You might also like