You are on page 1of 18

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Katuturan ng Komunikasyon

AIRs - LM
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
Baitang 11 – Unang Semestre
Unang Markahan - Modyul 1: Katuturan ng Komunikasyon
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Alvin D. Mangaoang


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Mga Tagasuri: Justine Carlos G. Villanueva
Ana Jane M. Morales
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Angela Pauline C. Ganuelas
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_KomPan_Module1
SHS

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Katuturan ng Komunikasyon
(Mga Konsepto, Gamit at Tungkulin
ng Wika sa Lipunan)

LU_Q1_KomPan_Module1
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_KomPan_Module1
Sapulin

Mapagpalang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Kumusta ka?


Nakahanda ka na bang mag-aral at matuto? Kung oo, maghanda ka na sa mga
araling iyong matututuhan sa modyul na ito. Sa pagtungtong mo sa Senior High
School, panibagong kaalaman na naman ang maitatanim sa iyong isipan. Iyong
mapag-aaralan ang iba’t ibang konseptong magpapalutang sa ating pagkakakilanlan
bilang isang Pilipino. Kaalinsabay nito ang paghahasa sa iyong kakayahang
komunikatibo.

Nakapokus sa Unang Markahan ng Unang Semestre ng asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ang Mga Konsepto,
Gamit at Tungkulin ng Wika sa Lipunan gamit ang mga awtentikong materyal,
sanggunian at makabagong teknolohiya.

Ang Modyul 1 ay tatalakay sa iba’t ibang terminong kaugnay sa katuturan ng


komunikasyon. Lalo na’t sa paglipas ng panahon, patuloy itong umuunlad kasabay
ng paglaganap ng makabagong teknolohiya. Maging ang wika natin ay nababago rin.
Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa iba’t ibang salik
gaya ng intelektuwalisasyon, dekolonisasyon, globalisasyon at iba pa.

Mahalagang behikulo sa pagkakaroon ng mataas na kaalaman sa mga


konseptong pangkomunikasyon at pangwika ay ang kaalaman sa pananaliksik. Ito
ang dapat mong magamit habang bumabagtas sa mga kaalamang iyong
matututuhan.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:


Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):
1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
(F11PT-Ia-85); at
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at
telebisyon. (F11PD-Ib-86)

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng komunikasyon;
2. Naipaliliwanag ang elemento at proseso ng komunikasyon;
3. Nakapagsasaliksik ng mga sitwasyong pangwika na mailalapat sa
konseptong pangwika o pangkomunikasyon; at
4. Nakasusulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon sa napanood na
sitwasyong pangwika.

Handa ka na ba mahal kong mag-aaral? Kung nakahanda ka na, maaaring


ka nang magsimula sa mga gawain at aralin. Paghusayan mo ang pagsagot.

LU_Q1_KomPan_Module1
Aralin
Kahulugan at Kabuluhan
1 ng Komunikasyon

Simulan

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na
kaalaman tungkol sa kasunod na paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Sa Aking Palagay…


Panuto: Gamit ang grapikong presentasyon, magtala ng iyong sariling kaalaman o
opinyon tungkol sa salitang KOMUNIKASYON. Isulat mo ang iyong sagot
sagutang papel.

KOMUNIKASYON

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Ngayon, sa kasunod na


bahagi ng modyul ay ating matutuklasan ang kahulugan ng komunikasyon at iba
pang konseptong kaugnay nito.

LU_Q1_KomPan_Module1
Lakbayin

Kahulugan ng Komunikasyon

Alam mo bang…
Komunikasyon ang tawag sa isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyong
kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo?
➢ Ito ay hango sa salitang Latin na “communis” na ang ibig sabihin ay saklaw
ang lahat ng mga bumubuo sa lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao
at grupong may gantihang kilos at nakikibahagi sa isang panlahat na kultura.
(Panopio at Rolda, 1992)
➢ Ang komunikasyon ay akto ng pagpapahayag ng idea sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan. (Webster)
➢ Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)
➢ Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o idea sa paraang pasalita o pasulat.
(Tanawan, et al., 2004)
➢ Bahagi ng komunikasyon ang mga makrong kasanayan. (Pagsasalita,
Pakikinig, Pagbasa, Pagsulat at Panonood)

Katangian ng Komunikasyon
1. Ang komunikasyon ay isang proseso – Ang proseso ng komunikasyon ay
nagsisimula sa pinanggalingan ng isang mensahe (source) tungo sa isang
tsanel at sa patutunguhan ng mensahe. Ang tumanggap ng mensahe ay
magbibigay ng kaniyang balik-tugon kung kaya nauulit ang proseso.
a. Encoding – Ano ang mensahe? Paano ipadadala? Ano-anong mga salita ang
gagamitin? Paano isasaayos? Anong daluyan ang gagamitin at ano ang
inaasahang reaksyon ng tatanggap?
b. Decoding – Ano ang kahulugan ng mensahe? Ano ang inaasahang
reaksyon mula sa kaniya? Paano niya tutugunan at sa paanong paraan
niya ito tutugunan?

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko – Nagbabago ang


komunikasyon dahil sa impluwensiya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga
taong sangkot sa proseso.

3. Ang komunikasyon ay komplikado – Ito ay dahil sa persepsyon ng isa sa


kaniyang sarili, sa kausap, iniisip niyang persepsyon ng kaniyang kausap sa
kaniya at ang tunay na persepsyon ng kaniyang kausap sa kaniya.

4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa


komunikasyon – Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon – Hindi man tayo


magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya
ay nakapagpapadala tayo ng mensahe.

LU_Q1_KomPan_Module1
6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon
a. Panlingguwistika – Pumapatungkol ito sa berbal (pasulat o pasalita) na
pahiwatig gamit ang wika.
b. Relasyonal – Pumapatungkol ito sa di-berbal na pagpapahiwatig ng
damdamin o pagtingin sa kausap.

Elemento at Proseso ng Komunikasyon


1. Tagapaghatid (Sender/Encoder) – Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga
taong pinagmumulan ng mensahe o ang mag-e-encode ng mensahe. Ang bisa
ng pagpapadala ng mensahe ay naiimpluwensiyahan ng layunin, kaalaman,
kakayahan, pag-uugali, persepyon at kredibilidad ng nagpadala ng mensahe.

2. Mensahe – Ang mensahe ay naglalaman ng impormasyon, damdamin,


opinyon at kaisipan ng tagapaghatid. May dalawang uri ng mensahe;
a. Mensaheng Pangnilalaman/Panlingguwistika
b. Mensaheng Relasyonal o Di-berbal

3. Daluyan (Tsanel) – Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May dalawang


kategorya ng daluyan;
a. Daluyang Sensori – Tuwirang paggamit ng mga pandama gaya ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at pansalat/pakiramdam.
b. Daluyang Institusyonal – Mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono,
e-mail, fax, mobile phone.

4. Tagatanggap (Reciever/Decoder) – Tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga


taong nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kaniyang
natanggap.

5. Balik-tugon (Feedback) – Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng encoder


at decoder matapos nilang maibigay at maunawaan ang mga hatid na
mensahe. May tatlong uri ng tugon;
a. Tuwirang Tugon – Tuwiran ang isang tugon kapag ito’y ipinapadala at
natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe.
b. Di-tuwirang Tugon – Di-tuwiran kapag ito’y ipinahahayag sa pamamagitan
ng anyong di-berbal gaya ng pagngiti, pagtango o pagkaway ng kamay.
c. Naantalang Tugon – Ito’y mga tugong nangangailangan pa ng panahon
upang maipadala at matanggap. Halimbawa nito ay ang pagtugon sa
pamamagitan ng pagsulat.

6. Potensyal na Sagabal ng Komunikasyon (Noise) – Ito ang mga dahilan


kung bakit minsan ay hindi nagkakaroon ng pagkakaunawaan.
a. Semantikong Sagabal – Ang pagkakaroon ng isang salitang dalawa o higit
pa ang kahulugan halimbawa nito ay ang paggamit ng wika sa maling
paraan.
b. Pisikal na Sagabal – Ang ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning
teknikal na kaugnay ng sound system, hindi mahusay na pag-iilaw, hindi
komportableng upuan at iba pa.
c. Pisyolohikal na Sagabal – Hindi maayos na pagbigkas sa mga salita, hindi
mabigkas ang mga salita, may kahinaan ang boses o may kapansanan.
d. Sikolohikal na Sagabal – Pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at
pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kulturang maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mensahe.

LU_Q1_KomPan_Module1
Sagabal

Mensahe Mensahe
Sender (Encoding) Tsanel (Decoding) Reciever

Balik-tugon
(Feedback)

Gawain 2: Ipaliwanag Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang komunikasyon sa ating lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag kung bakit nasabing isang proseso ang komunikasyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit nasabing ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko? Magbigay ng


patunay nitong maiuugnay sa tunay na buhay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bakit kaya hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Bakit nasabing komplikado ang komunikasyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Karanasan Ko, Iugnay Ko!


Panuto: Sa sagutang gayahin ang pormat ng talahanayan. Punan ang ikalawang
kolum ng sariling karanasang maiuugnay sa mga sagabal ng komunikasyon
at sa ikatlong kolum nama’y paraan upang maiwasan o maagapan ang mga
sagabal na ito.

Mga sagabal ng Karanasang kaugnay sa Paraan upang maiwasan o


komunikasyon mga sagabal ng maagapan ang mga
komunikasyon sagabal sa komunikasyon

1. Semantiko

2. Pisikal

3. Pisyolohikal

LU_Q1_KomPan_Module1
4. Sikolohikal

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain! Sakali mang


may mga konsepto kang hindi maunawaan, maaari mo itong balikang muli.
Magpatuloy pa tayo upang mas mapayabong pa ang iyong kaalaman hinggil sa iba’t
ibang konseptong pangwika.

Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Pag-iisip,
pag-aalala, pagdama o mga prosesong nagaganap sa internal nating
katauhan.
2. Interpersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan
ng dalawa o mahigit pang mga tao o sa isang tao at isang maliit na pangkat.
Ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.
3. Pampubliko – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
isang tagapagsalita at maraming tagapakinig. Halimbawa nito’y ang miting-
de-avance ng mga politiko, pagtatalumpati at iba pa.
4. Pangmasa o Pangmadla – Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
malawakang midya tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan at iba pa.
5. Pang-organisasyon – Ito ay komunikasyong nangyayari sa loob ng isang
organisasyon o samahan. Organisado at nakatutok sa isang hangarin o
adhikain.
6. Pangkultural – Ito ay komunikasyong nagpapakilala, nagtatanghal o
nagpapakita ng kultura ng isang pangkat o bansa. Aspekto ng kultura ng mga
kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.
7. Pangkaunlaran – Ito ay komunikasyon naglalayong gamitin sa
pagpapaunlad ng bansa. Pumapatungkol ito sa industriya, ekonomiya o
anomang usaping pangkabuhayan.

Uri ng Komunikasyon
1. Komunikasyong Berbal – Komunikasyong nangangailangan ng paggamit ng
wika pasalita man o pasulat.
2. Komunikasyong Di-Berbal – Komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng
mga mensaheng walang tinataglay na salita.
a. Pasenyas – Kumpas na senyas o simbolo na pamalit sa salitang
kumakatawan sa bilang o numero at anomang mga bantas.
b. Paaksyon – Pagkilos at ekspresyon ng katawan maging ng mukha na
mayroong mga kahulugan.
c. Ginagamitan ng bagay – Paggamit ng mga materyal na bagay upang
maglahad ng mensahe sa tao o malaman ang ipinahihiwatig na simbolo ng
mga bagay.

Modelo ng Komunikasyon
1. Modelo ni Berlo – Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa
modelong ito. Binibigyang-diin ang direksyon ng proseso mula sa
pinanggalingan tungo sa tatanggap. Ipinahihiwatig din dito na ang mensahe
o ang pagpapadala at pagtanggap nito ay nakadepende sa encoding at
decoding nito.

LU_Q1_KomPan_Module1
Mensahe Tagatanggap
(Source / (Receiver)
Sender)

Encoding Decoding

2. Modelo ni Aristotle – Unang naglatag ng karaniwang modelo ng


komunikasyon na kung saan ang tagapagsalita ay naghahatid ng mensahe sa
tagatanggap. Ito ay kaugnay ng sub-prosesong encoding. May aplikasyon ito
sa anomang anyo ng diskurso, pasalita man o pasulat. Batay sa modelong ito,
ang anomang mensahe ay kailangang tuklasin, isaayos at bihisan bago
maihatid.
Pagtuklas ng kaalamang lohikal,
emosyonal o etikal. (Discovery)

Pagsasaayos ng mga kaalaman sa paraang


estratehikal. (Arrangement)

Pagbibihis ng idea sa malinaw na salita.


(Clothing)

Paghahatid ng mensahe mula sa


pinanggagalingan tungo sa tagatanggap.
(Delivery)

3. Modelo nina Claude Shannon at Warren Weaver – ang naging ugat ng


lahat ng modelo ng komunikasyon sa kasaysayan. Matematikal ang ginawang
lapit sa paglalarawan ng komunikasyon nina Shannon at Weaver. Ang bisa
ng isang aktong komunikasyon ay nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng
mga salik na nakaaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at noise.

Source Transmitter Channel Reciever Destination


(Encoder) (Decoder)

Noise
Source

Naunawaan mo bang maigi ang aralin? Batid kong oo, ngunit kung hindi,
maaari mo ulit itong balikan upang iyo pang mas maunawaan. Kung oo, halika na’t
isagawa mo pa ang kasunod na gawain upang mas mapayaman mo pa ang iyong
kaalaman.

LU_Q1_KomPan_Module1
Galugarin

Gawain 4: Antas Ko, Saliksikin Mo!


Panuto: Magsaliksik ng mga sitwasyong nagpapakita ng paglalapat ng antas ng
komunikasyon. Maaari itong personal na karanasan, napakinggan sa radyo,
mga talumpating napakinggan, napanood sa telebisyon at iba pa. Gayahin
ang pormat sa iyong sagutang papel.

Intrapersonal Interpersonal Pampubliko Pangmadla

Pang- Pangkultural Pangkaunlaran


organisasyon

Gawain 5: Ihambing Mo!


Panuto: Ikumpara ang Komunikasyong Berbal sa Komunikasyong Di-berbal.
Gayahin ang dayagram sa iyong sagutang papel.

BERBAL DI-BERBAL

Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at


pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong
kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput
sa araling ito.

LU_Q1_KomPan_Module1
Palalimin

Gawain 6: Opinyon Ko, Mahalaga!


Panuto: Sumulat ng isang sanaysay sa sagutang papel na naglalahad ng iyong
opinyon, sariling kaalaman, pananaw at karanasan sa paksang
“Makabagong paraan ng komunikasyon, nagiging dahilan ng pagpurol sa
wikang Filipino”. Maaaring panoorin ang balita mula sa State of the Nation
with Jessica Soho ng GMA News TV sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=4xMUnKIAG5k. Isaaalang-alang ang
rubrik sa pagtataya ng susulating sanaysay.

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Papaunlad Nangangailangan


(20) (16) (12) (8) ng gabay (4)
Panimula Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nakapaglahad ng Nangangailangang
napakahusay, mahusay na katamtamang papaunlad na paunlarin ang
interaktibo at panimula paraan ng kasanayan sa kasanayan sa
kawili-wiling pagsulat ng pagsulat ng pagsulat
panimula panimula panimula
Nilalaman Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Naisulat ang Hindi naisulat ang
katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa katawan ayon sa
mga suportang dalawang idea na isang idea na magkakaibang paksang dapat
idea na tumutugon sa tumutugon sa idea na tumutugon talakayin
tumutugon sa kabuoan ng bahagi ng sa kabuoan ng
kabuoan ng sanaysay batay sanaysay batay sanaysay batay sa
sanaysay batay sa isyung sa isyung isyung tinatalakay
sa isyung tinatalakay tinatalakay
tinatalakay
Transisyong Nakagamit ng Nakagamit ng Katamtamang Papaunlad ang Nangangailangan
Talata katangi-tanging transisyong talata nakagamit ng pagkakagamit ng ng gabay sa
transisyong talata ayon sa tunguhin transisyong talata transisyong talata pagsulat at
ayon sa tunguhin ng buong ayon sa tunguhin paggamit ng
ng buong sanaysay ng buong transisyong talata
sanaysay sanaysay
Kongklusyon Naibuod nang Naibuod ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi naibuod
buong husay ang sanaysay ayon sa naibuod ang pagkakabuod ng nang tama ang
sanaysay ayon sa tiyak na sanaysay ayon sa buong sanaysay sanaysay.
pangkabuoang kaisipan/mensahe kaisipan/mensahe
kaisipan/mensahe
Gramatika Mahusay na Nailapat ang Katamtamang Papaunlad ang Hindi nailapat ang
nailapat ang wastong nailapat ang pagkakalapat ng wastong gramatika
wastong gramatika sa wastong wastong sa sanaysay
gramatika sa kabuoan ng gramatika sa gramatika sa
kabuoan ng sanaysay nang sanaysay sanaysay
sanaysay may kakaunting
kamalian

LU_Q1_KomPan_Module1
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. “Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensiya ng lugar, oras,
mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.” Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag na ito?
A. Nangangahulugang ang komunikasyon ay isang proseso.
B. Nangangahulugang ang komunikasyon ay komplikado.
C. Nangangahulugang ang komunikasyon ay dinamiko.
D. Hindi tayo maaari umiwas sa komunikasyon.

_____ 2. “Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo,
hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe”. Ano ang
ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Nangangahulugang ang komunikasyon ay isang proseso.
B. Nangangahulugang ang komunikasyon ay komplikado.
C. Nangangahulugang ang komunikasyon ay dinamiko.
D. Hindi tayo maaari umiwas sa komunikasyon.

_____ 3. “Ang proseso ng komunikasyon ay nagsisimula sa pinanggalingan ng


isang mensahe (source) tungo sa isang tsanel at sa patutunguhan ng
mensahe”. Ano ang nais nitong ipahayag?
A. Nangangahulugang ang komunikasyon ay isang proseso.
B. Nangangahulugang ang komunikasyon ay komplikado.
C. Nangangahulugang ang komunikasyon ay dinamiko.
D. Hindi tayo maaari umiwas sa komunikasyon.

_____ 4. “Habang nagtuturo ang iyong guro, hindi maiwasang hindi mo


maintindihan ang kaniyang sinasabi dahil na rin sa ingay ng paligid
gaya ng mga sasakyang nagdaraan at mga mag-aaral na naglalakad.”
Anong sagabal sa komunikasyon ang isinasaad sa pangungusap?
A. Pisikal na sagabal B. Pisyolohikal na sagabal
C. Semantikong sagabal D. Sikolohikal na sagabal

_____ 5. “Isinagawa ang State of the Nation o SONA ng pangulo ngayong araw.
Naisahimpapawid ito sa pamamagitan ng pagbabalita sa TV, radyo at
livestreaming sa Internet.” Anong antas ng komunikasyon ang
makikita sa pangungusap?
A. Interpersonal B. Pampubliko
C. Pang-organisasyon D. Pangmasa

10

LU_Q1_KomPan_Module1
B. Panuto: Basahin at piliin mo sa Kolum B ang tumutukoy sa mga salitang nasa
Kolum A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
KOLUM A KOLUM B
_____ 1. Pampubliko A. hindi maayos na pagbigkas sa mga salita.
_____ 2. Pangkaunlaran B. halimbawa nito ang miting-de-avance ng
_____ 3. Intrapersonal mga politiko
_____ 4. Interpersonal C. tuwirang paggamit ng mga pandama
_____ 5. Pangmasa D. pumapatungkol ito sa industriya,
_____ 6. Pasenyas ekonomiya at kabuhayan
_____ 7. Paaksyon E. nagaganap sa pagitan ng malawakang
_____ 8. Modelo ni Berlo midya
_____ 9. Daluyang sensori F. komunikasyong pansarili
_____ 10. Daluyang institusyonal G. kumpas na senyas o simbolo
H. linear ang paglalarawan sa proseso ng
komunikasyon
I. humuhubog ng ating ugnayan o relasyon
sa ating kapuwa
J. pagkilos at ekspresyon ng katawan maging
ng mukha na mayroong mga kahulugan.
K. mga kagamitang elektroniko

C. Panuto: Bumuo ng simpleng ilustrasyon ng proseso ng komunikasyon gamit


ang sumusunod na mga termino. Iguhit ito sa inyong sagutang papel.

Tagapaghatid Mensahe
Daluyan Tagatanggap
Balik-tugon Sagabal

Lubos na Mahusay! Binabati kita sa


matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa
mga aralin. Alam kong nakapapagod
maglakbay ngunit sulit naman dahil
matagumpay mong natutuhan ang mga
dapat mong malaman sa mga paunang
kaalaman sa katuturan ng komunikasyon.
Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na
modyul – Modyul 2: Kabuluhan ng Wika.

11

LU_Q1_KomPan_Module1
LU_Q1_KomPan_Module1
12
ARALIN 1 (Kahulugan at Kabuluhan ng Komunikasyon)
SIMULAN
Gawain 1: Sa Aking Palagay…
Iba-iba ang maaring maging sagot ngunit narito ang batayan sa pagwawasto ng kasagutan.
• Pakikipag-usap
• Pakikipagtalastasan
• Pagpapalitan ng impormasyon
• Pakikisalamuha sa kapwa
• Instrumento ng pagkakaunawaan
• Pagpapahayag ng damdamin
• Pagpapadala ng Mensahe
• Pagbabahagi ng kaisipan
LAKBAYIN
Gawain 2: Ipaliwanag Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Karanasan Ko, Iugnay Ko! Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 4: Antas Ko, Saliksikin Mo! Iba-iba ang sagot
Gawain 5: Ihambing Mo!
Iba-iba ang maaring maging sagot ngunit narito ang batayan sa pagwawasto ng kasagutan.
Pagkakaiba
Berbal
• Gumagamit ng wika o salita
• Iniintindi sa pamamagitan ng pandinig at Pagbabasa
• Kontrolado
• Pasalita at Pasulat na Paraan
Di- Berbal
• Gumagamit ng ekspresyon, aksyon, at kilos
• Iniinterpreta o iniintindi gamit ang mga mata, kutob, hinala at pakiramdam
• Hindi kontrolado pagkat may mga ekspresyon, reaksyon at kilos tayo na kusang
lumalabas.
Pagkakatulad
Parehong ginagamit upang magkaunawaan at maiparating ang mensaheng nais sabihin.
PALALIMIN
Gawain 6: Opinyon Ko, Mahalaga! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. C 1. B 6. G
2. D 2. D 7. J
3. A 3. F 8. H
4. A 4. I 9. C
5. D 5. E 10. K
C. Iba-iba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Anonymus, “Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon,” Tagalog Lang, Hulyo 24,
2020, https://www.tagaloglang.com/potensyal-na-sagabal-sa-komunikasyon.

ArJay Bolisay, “Unang wika at Pangalawang wika,” Slideshare, Hulyo 24, 2020,
https://www.slideshare.net/ArJayBolisay/unang-wika-at-pangalawang-wika.

Christian Blue, “Mga Sangkap at Proseso Ng Komunikasyon,” Scribd, Hulyo 24,


2020, https://www.scribd.com/document/271188474/Mga-Sangkap-at-Proseso-
Ng-Komunikasyon.

Karmina Gumpal, “Komunikasyon - Akademikong Filipino tungo sa Epektibong


Komunikasyon,” Slideshare, Hulyo 24, 2020,
https://www.slideshare.net/1777414445/komunikasyo.

P.D.S., Carpio et.al., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


(Malabon City: Jimczyville Publications, 2016).

13

LU_Q1_KomPan_Module1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

14
LU_Q1_KomPan_Module1

You might also like