You are on page 1of 3

NAWAB, AL-HUSSIEN M.

FILIPINO 1

BSMLS 3rd Year MIDTERM ASS#1

1. Ano ang komunikasyon?

 Ang komunikasyon ay paraan ng pagbibigay, paglilipat o pagsasalin ng impormasyon, ideya kaalaman,
pilosopiya, prinsipyo, opinion, katalinuhan, balita, at iba pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin, at
niloob ng tao sa anumang paraan na nais gamitin. Ang tao ay maparaan sa paghahatid ng kaniyang
mensahe, maaaring gumamit ng wika o ng iba pang paraan (Rodrigo 2001).
2. Anu - ano ang layunin ng komunikasyon?
 Magbigay ng daan tungo sap ag-uunawaan ng mga tao
 Magpakalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na mga kaalaman
 Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat mabigyang-pansin,talakayin, at dapat suriin ng mga
mamamayan
 Magbigay ng daan sa ibat’t ibang kaisipan, damdamin a saloobin ng mga tao
3. Isa - isahin at ipaliwanag ang mga elemento ng komunikasyon?
- ELEMENTO NG KOMUNIKASYON:
1.Konteksto - Tumutukoy sa mga sitwasyong kinasasangkutan ng isang akto ng komunikasyon. Mahalagang
isaalang-alang ang konteksto sa akto ng pakikipagkomunikasyon upang maintindihan ang mga pangyayari nito.
2. Mga kalahok - Ito ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa akto o proseso ng pakikipagkomunikasyon. Sa kanila
nagmumula ang kaisipan at damdamin ng mga kalahok. Maaring siya ang pinagmulan o tagahatid o tumatanggap
ng mensahe.
3. Mensahe - Ito ang dahilan ng akto ng komunikasyon. Maaring tumutukoy ito sa kaalaman, impormasyon o
anumang napagtutunan ng pansin at panahon.
4. Tsanel o Daluyan - nagsisilbing daan o daluyan upang maiipahayag ng tagahatid sa tagatanggap ang mensahe.
Tumutukoy rin ito sa paraan ng pagbibigay o pag hahatid ng mensahe sa tagapakinig o
tagabasa.
5.Ingay o Sagabal - Ito ang nagpapabagal o nagdudulot ng kalituhan o kawalan ng tagumpay sa akto ng
pakikipagkomunikasyon.
a) Panloob na ingay
b) Panlabas na ingay
6. Fidbak o tugon - Tumutukoy sa pagtugon ng tagapakinig o mambabasa sa mensaheng natanggap. a)Tuwiran b)
Di-Tuwiran
4. Isa - isahin aat ipaliwanag ang mga urri ng komunikasyon?
 Ang Komunikasyon ay isang proseso. Isang proseso ang komunikasyon na kinapapalooban ng marami pang
proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Halimbawa, bago
makapagpadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin niya muna kung ano ang
mensaheng ipadadala niya, paano niya iyong ipadadala, anu-anong salita ang kanyang gagamitin, paano niya
iyon isasaayos upang maunawaan, sa anong daluyan niya iyon pararaanin at ano ang inaasahan niyang
reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe. Ito ang tinatawag na proseso ng encoding o ang proseso ng
pag-eencode ng mensahe. Kapag natanggap na ng ibang tao ang mensahe, iisipin niya (tagatanggap) naman
kung ano ang kahulugan ng mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya iyon
tutugunan at sa paanong paraan niya ipadadala ang kanyang reaksyon. Ito naman ang tinatawag na proseso
ng decoding o proseso ng pagde-decode ng mensahe. Idagdag pa na ang proseso ng komunikasyon ay hindi
maaaring one-way lamang. Ito ay isang prosesong closed-circuit.
 Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko. Isang filosofer ang minsang nagsabi na walang taong
makatutuntong sa gayon ding ilog nang higit sa minsan. Ano ang ibig sabihin nito? Bawat sandal, nagbabago
ang ilog sapagkat dumadaloy ang tubig nito. Tumutuntong mang muli roon ang isang tao, ang tubig na una
niyang tinapakan ay umaagos na. hindi na rin siya ang dating taong unang tumuntong sa ilog na iyon dahil
filosofikali ay tumatanda na siya. Paano’y tumatanda ang lahat ng tao sa paglipas ng bawat segundo, hindi
ba? Gayon din ang komunikasyon. Minsang nangyari, hindi na mauulit. Ulitin man nating muli ang mga
salitang una nating tinuran, nag-iiba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon. Paano’y ano mang
komunikasyon ay naiinfluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso, kung
kaya’t ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa influwensya ng pagbabago ng mga ito.
 Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil sa paraan ng
pagtingin ng mga sangkot sa komunikasyon sa isa’t isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi laging pare-
pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap, halimbawa, ang kanilang komunikasyon ay
naiinfluwensyahan ng: a. persepsyon ng isa sa kanyang sarili, b. persepsyon niya sa kanyang kausap, c. iniisip
niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at d. ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.
Ang kanyang kausap ay mayroon ding: a. persepsyon sa kanyang sarili, b. iniisip niyang persepsyon niya sa
kanyang kausap, c. iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at d. tunay na persepsyon niya sa
kanyang kausap. Komplikado, hindi ba? Bunga ng komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito, may mga
komunikasyong hindi nagiging mabisa at humahantong sa hindi pagkakaunawaan.
 Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala/natatanggap sa komunikasyon. Pansinin muli ang kahulugan
ng komunikasyon. Ito ay proseso ng pagpapahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag
nagpadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita, halimbawa, maaari itong magkaroon ng iba’t
ibang pakahulugan. Paano’y ang pagpapakahulugan sa mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito.
Halimbawa, kapag narinig mo ang salitang baboy, ano kaya ang kahulugan ng mensaheng iyon sa iyo? Gayon
din kaya ang pagpapakahulugan ng iba? Paanong nangyari iyon gayong parehong mensahe naman ang sa
inyo’y naipadala at inyong natanggap? Paano’y hindi naman aktwal na kahulugan ang ipinadala at
natanggap, mensahe pa lamang. Ang pagpapakahulugan ay depende na sa tumanggap nito.
 Hindi tayo maaaring umiwas sa komiunikasyon. Kahit pa tayo’y hindi magsalita, nakikipagtalastasan tayo
sa ating kapwa. Pansinin ang dalawang taong nasa loob ng eleveytor, halimbawa. Hindi sila nag-uusap. Nag-
iiwasan pa nga sila ng mata. Malinaw nilang naipadadala ang mensahe ng kawalan ng interes sa isa’t isa. Sa
hindi pag-imik at pag-iwas ng tingin, kapwa nila naipadala at natanggap ang mensaheng huwag mo akong
kausapin! Nagkaroon sila ng komunikasyon, hindi ba? At hindi nila iyon naiwasan! Kung tutuusin, kahit
tayo’y nag-iisa, hindi natin maiiwasan ang mag-isip. Anong uri ito ng komunikasyon? Intrapersonal, hindi ba?
Lalo na kapag may mga tao sa ating paligid. Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at
anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe sa iba.
 Lagin may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Ang mensaheng ito ay maaaring mauri
sa a) mensaheng pangnilalaman o mensaheng panglinggwistika at b) mensaheng relasyunal o mensaheng di-
verbal na nagpapahiwatig ng iyong damdamin o pagtingin sa kausap. Halimbawa, habang ang isang tao’y
nakikipag-usap sa kaibigan, ang mga sinasabi niya ang mga mensaheng pangnilalaman. Samantala, ang
kanyang relaks na pangangatawan, madalas na pagtingin sa kaibigan at lapit o agwat naman ang mga
mensaheng relasyunal na nagpapahiwatig na komforable siya sa kausap. Kung gayon, sa proseso ng
komunikasyon, dalawang uri ng mensahe ang naipadadala at natatanggap at kadalasan, ang
pagpapakahulugan sa mensaheng iyon ay bunga ng influwensya ng isa sa isa.
5. Anu - ano ang mga katangian ng komunikasyo?

You might also like