You are on page 1of 12

FILIPINO (midterm) M/TH 2:30-4pm (Mrs.

Arsenia Luna-Supnet)

I.KOMUNIKASYON/PAKIKIPAGTALASTASAN

1.May Pagkakaiba ba ang Dalawang Salita?

Wala,Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng


mensahe/impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng
mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang
komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa't isa.

2.Kahulugan

Ang komunikasyon ay galling sa salitang ingles na communication, na syang palasak na ginamit natin
sa kasalukuyan, ay hinango sa salitang latin na communis na ang ibig sabihin ay karaniwan. Ang
pakikipagtalastasan ay pagbubuo sa isipan ng tatanggap ng mensahe ng isang ideya o larawang
katulad ng nasa isip ng nagpapadala ng mensahe. Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay
mababahagian ng kanilang ideya sa paraang kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa
at pagsulat.Masasabi ring ito ay isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya
at kaalaman njg isang tao sa kanyang kapwa. ang salitang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay
galing sa salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay alam at sa pakikipag-an na ang tinutukoy
ay proseso o paraan ng pagsasagawa nang hindi isahan kundi dalawahan o maramihan sapagkat
dapat ay may magkabilang panig na nasasangkot: isang nagsasalita at isang nakikinig.

3.Uri ng Komunikasyon

Komunikasyong Intrapersonal : pansarili---Sangkot ang pag-iisip, pag-aalala at pagdama, mga


prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. Kapag ikay napapabulong sa iyong sarili, ikay
nakikipagtalastasang intrapersonal.

Komunikasyong Interpersonal :pagitan ng 2 tao, o isang tao at isang maliit napangkat--- Malaking
bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang nasa uring ito. Ang uri ng komunikasyong
ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa. Sa ganitong sitwasyon, nagbibigay ng
mensahe ang mga kasangkot sa komunikasyon, kasama na ang kanilang mga pandama: paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat o pandamdam.

Komunikasyong Pampubliko:1 tao at malaking pangkat ng mga tao.--- Ang isang tagapagsalitang
nagtatalumpati sa harap ng mga tagapakinig ay nakikipagtalastasang pampubliko. Ang mga midyang
pangmasa tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan, at pelikula ay nasa ilalim din ng uring ito.
|Ayon sa Layunin

Komunikasyong Pangkaunlaran: para sapagsulong gaya ng brochure,manwal, atpamphlet o polyeto;


kung saan nakikipagtalastasan ang mga tao sa pag-unlad ng bansa.

Komunikasyong Interkultural:Komunikasyon sa pagitan ng mga taong nabibilang sa ibat ibang kultura


sa loob ng isang bansa.Ayon kay De Vito(2003) lahat ng anyo ng komunikasyon maliban sa intrapersonal
ay nabibilang sa komunikasyong interkultural dahil sa patuloy na kontak ng mga tao sa kapwa tao na may
sariling kultura.

K omunikasyong pangmasa: telebisyon,radyo,atperyodiko

K omunikasyong pangkultura: upang ipalaganapang kultura gaya ng babasahing pangkultura

K omunikasyong pang-organisasyon:makapagbigay kaalaman sa mga organisasyon

4.Katangian ng Komunikasyon at Kahalagahan


> Upang mabisang mailarawan ang komunikasyon, kinakailangang tukuyin at ipaliwanag ang mga
salalayang katangian nito.

Komunikasyon ay isang proseso:Ito ay isang closed-circuit na proseso nakinapapalooban ng encoding at


decoding.--- Isang proseso ang komunikasyon na kinapalooban ng marami pang proseso. Hindi lamang
ito kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Halimbawa, bago makapagpadala ng
mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin niya muna kung ano ang mensaheng ipadadala
niya, paano niya iyong ipadadala, anu-anong salita ang kanyang gagamitin, paano niya iyon isasaayos
upang maunawaan, sa anong daluyan niya iyon paraanin at ano ang inaasahan niyang reaksyon ng
pagpapadalhan niya ng mensahe. Ito ang tinatawag na proseso ng encoding o ang proseso ng pag-
encode ng mensahe. Kapag natanggap na ng ibang tao ang mensahe, iisipin niya (tagatanggap) naman
kung ano ang kahulugan ng mensaheng iyon, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya
iyon tutugunan at sa paanong paraan niya ipadadala ang kanyang reaksyon. Ito naman ang tinatawag na
proseso ng decoding o proseso ng pagde-decode ng mensahe. Idagdag pa na ang proseso ng
komunikasyon ay hindi maaaring one-way lamang. Ito ay isang prosesong closed-circuit.

Proseso ng Komunikasyon ay dinamiko: Pag nangyari na, hindi na ito mauulit.-Sa komunikasyon, ang
minsang nangyari na ay hindi na mauulit pa. Ulitin man nating muli ang mga salitang una nating tinuran,
nag-iiba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon. Kung gayon, ano mang komunikasyon ay
naiimpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso,. Kung kayat ang
komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa impluwensya ng pagbabago ng mga ito.

Komunikasyon ay komplikado:persepsyon o Persepsyon sa sarili o Persepsyon sa kanyang kausap o


Persepsyon ng kanyang kausap sa kanyao Tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.---
Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga sangkot sa
komunikasyon sa isat isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi laging pare-pareho. Kapag ang
dalawang tao ay nag-uusap, halimbawa, ang kanilang komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng: a)
persepsyon ng isa sa kanyang sarili, b) persepsyon niya sa kanyang kausap, c) iniisip niyang persepsyon
ng kanyang kausap sa kanya at d) ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya. Ang kanyang
kausap ay mayroon ding: a) persepsyon sa kanyang sarili, b) iniisip niyang persespyon ng kanyang
kausap sa kanya, c) iniisip niyang persepsyon niya sa kanyang kausap at d) tunay na persepsyon niya sa
kanyang kausap. Bunga ng komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito, may mga komunikasyong hindi
nagiging mabisa at humahantong sa hindi pagkakaunawaan.

Mensahe, hindi kahulugan, and naipapadala/natatanggap saKomunikasyon:pagbibigay ng menasahe ay


depende sa tumatanggap nito.--- Pansinin muli ang kahulugan ng komunikasyon. Ito ay proseso ng
paghahatid at pagtanggap ng mensahe, hindi kahulugan. Kapag nagpapadala ang isang tao ng mensahe
sa pamamagitan ng salita, halimbawa, maaari itong magkaroon ng ibat ibang pakahulugan. Paanoy ang
pagpapakahulugan sa mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito. Kapag narinig mo ang salitang
baboy, ano kaya ang kahulugan ng mensaheng iyon sa iyo? Gayon din kaya ang pagpapakahulugan ng
iba? Paanong nangyari iyon gayong parehong mensahe naman ang sa inyoy naipadala at inyong
natanggap? Sapagkat hindi naman aktwal na kahulugan ang ipinadala at natanggap, mensahe pa
lamang. Ang pagpapakahulugan ay depende na sa tumatanggap nito. Halimbawa, sinabi ng lalake na
gusto kita sa isang babae, subalit ang pakahulugan ng babae sa salitang gusto ay pag-ibig.
Magugulat na ang lalake kung bakit dikit na nang dikit ang babae sa kanya na tila nobya niya.

Hindi tayo maaring umiwas sa Komunikasyon:through actions, gesturesnot just words.--- Kahit pa
tayoy hindi magsalita, nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa. Pansinin ang dalawang taong nasa loob
ng eleveytor, halimbawa. Hindi sila nag-uusap. Nag-iiwasan pa nga sila ng mata. Malinaw nilang
naipadadala ang mensahe ng kawalan ng interes sa isat isa. Sa hindi pag-imik at pag-iwas ng tingin,
kapwa nila natanggap ang mensaheng Huwag mo akong kausapin! Nagkaroon sila ng komunikasyon,
hindi ba? At hindi nila iyon naiwasan! Kung tutuusin, kahit tayoy nag-iisa, hindi natin maiiwasan ang mag-
isip. Anong uri ito ng komunikasyon? Intrapersonal, hindi ba? Lalo na kapag may mga tao sa ating
paligid. Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay
nakapagpapadala tayo ng mensahe sa iba.

Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng Komunikasyon: Mensaheng


nilalaman/pangglingwistika/verbal at Mensaheng relasyunal/di-berbal.--- ng mensaheng ito ay maaaring
mauuri sa a) mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika at b) mensaheng relasyunal o
mensaheng di-berbal na nagpapahiwatig ng iyong damdamin o pagtingin sa kausap. Halimbawa, habang
ang isang taoy nakikipag-usap sa kaibigan, ang mga sinasabi niya ang mga mensaheng pangnilalaman.
Samantala, ang kanyang relaks na pangngatawan, madalas na pagtingin sa kaibigan at lapit o agwat
naman ang mga mensaheng relasyunal na nagpapahiwatig nas komportable siya sa kausap. Kung
gayon, sa proseso ng komunikasyon, dalawang uri ng mensahe ang naipapadala at natatanggap at
kadalasan, ang pagpapakahulugan sa mensaheng iyon ay bunga ng impluwensya ng isa sa isa.

5. Proseso ng Komunikasyon(Eugene at Taylor)

1) Pag-iisip(bakit,ano,paano)
2) Pagsisimbolo
3) Pagpapahayag
4) Paghahatid
5) Pagtanggap
6) Pagbibigay-Kahulugan/Pag-unawa
7) Pagbibigay Tugon/Reaksyon
8) Monitoring
6.Mga Modelo ng Komunikasyon

Modelong S-M-R ni Berlo

-Source-Message-Receiver

Modelo ni Aristotle sa pag-eenkowd ng Mensahe

-Pagtuklas-Pagsasaayos-Pagbibihis-Paghahatid

Modelo ni Schramm

-Source-Signal-Receiver-Venn Diagram w/ Lawak ng Karanasan sa taas

Ruesch and Bateson Model:

-Nagpapadala ng mensahe: pinagmumulan at nag-eencode-Mensahe: pangnilalaman at di-berbal na


mensahe-Daluyan/Travel ng Mensahe: sensori (senses) at institusyonal (electronics)-Tagatanggap ng
Mensahe: magbibigay-kahulugan sa mensahe at mag de-decode.-Tugon o Pidbak:Tuwirang tugon:agad-
agad ang pagsagot-Di-tuwirang Tugon: di-berbal-Naantalang tugon: Panahon o Reversal of roles...

Ispiker-Mensahe-Travel/Daluya -Tugon/Pidba-Receiver

7.Mga Sangkap ng Elemento

- Enkoder- Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Siya o sila ang
tumutukoy sa mensaheng pinapadala. Kapag may nakasalubong ka at binati siya ng Magandang umaga,
ikaw ang nagpapadala ng mensahe. Ang bisa sa pagpapadala ng mensahe ay naiimpluwensyahan ng
layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepsyon o pananaw at kredibilidad ng nagpapadala ng
mensahe.

- Dekoder- Sa nabanggit na halimbawa, ang pinagsabihan ng Magandang umaga ang siyang


tagatanggap ng mensahe. Siya ang magbibigay-pakahulugan sa mensaheng kanyang natanggap. Sa
madaling salita, siya ang magde-decode. Katulad ng tagapagdala ng mensahe, ang kawastuhan ng
pagde-decode niya sa mensahe ay maaaring maapektuhan ng kanyang layunin, kaalaman, kakayahan,
pag-uugali, pananaw o persepsyon at kredibilidad.

- Mensahe- Ito ang dahilan o layunin ng komunikasyon. Maaaring naglalaman ng mga impormasyon,
ideya o palagay ang mensahe, o kayay pagpapahatid ng saloobin, damdamin o emosyon. Nabanggit na
sa nakalipas na pagtalakay na ang mensahe ay may dalawang aspeto: a) mensaheng
pangnilalaman/panlinggwistika/verbal at b) mensaheng relasyunal/ mensaheng di berbal. Sa nauna
nating halimbawa, ang mensaheng pangnilalaman ay maganda at umaga na kapwa may kahulugang
pangnilalaman. Ngunit sa pamamagitan ng paraan ng pagbigkas ng pagbating iyon, sa kumpas ng
kamay, ekspresyon ng mukha at paraan ng pagbibigay-diin sa salita ay maaaring mahiwatigan kung
tunay sa kalooban mo ang pagbati, o kung natatakot ka lamang sa magiging reaksyon niya kung hindi mo
siya babatiin, o kung sarkastiko ang iyong pagbati, o di kayay kung baka nakasanayan mo lamang na
batiin ang sinumang makasalubong mo sa daan. Alinman sa mga iyon ay mga mensaheng relasyunal o
di-berbal na kaakibat ng mensaheng pangnilalaman na iyong ipinadala.
-Tsanel- Ito ang midyum o daanan ng mensahe. May dalawang kategorya ng mga daluyan ng mensahe.
Ang daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama ay
halimbawa ng tuwirang sinabi ang Magandang umaga. Ang daluyang institusyunal ay
pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegrama mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono,
e-mail, fax, cellular phone at beeper ay mga halimbawa ng daluyang institusyunal.

Ang bisa ng isang komunikasyon ay nakasasalayay din sa matalinong pagpili ng daluyan. Halimbawa,
may mga pagkakataong daluyang sensori ang angkop katulad ng sa pagtatapat ng pag-ibig o pagbibigay
ng panuto. Hindi naman maaaring sumulat sa bumbero kapag nasusunog ang bahay mo. Kailangan
mong sumigaw upang humingi ng saklolo at tumawag sa telepono upang humingi ng tulong sa mga
tagapatay ng sunog.

- Ang Tugon o Feedback- Tumutukoy ito sa sagutang feedback ng enkoder at dekoder matapos nilang
maibigay at maunawaan ang mga hatid na mensahe. Ito ay maaaring mauri sa tatlo: 1) Tuwirang Tugon,
2) di-tuwirang tugon at 3) naantalang tugon. Tuwiran ang isang tugon kapag itoy ipinapadala at
natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap ang mensahe. Kapag ang nakasalubong sa una
nating halimbawa ay agad sumagot ng Magandang umaga rin, ang tugon niya ay tuwiran. Samantala,
ang tugon ay di-tuwiran kapag itoy ipinahahayag sa pamamagitan ng anyong di-berbal. Halimbawa nito
ay pagngiti, pagtango o pagkaway ng kamay. Ang naantalang tugon naman, katulad ng ipinahihiwatig ng
pangalan nito, ay iyong mga tugon na nangangailangan pa ng panahon upang maipadala at matanggap.
Isang halimbawa nito ay ang pagtugon sa pamamagitan ng sulat.

Dapat tandaan na sa sandaling ang isang tao ay nagpapadala ng tugon o feedback, siya ay nagiging
tagapagdala na ng mensahe o nagiging enkoder at ang dating tagapagpadala ng mensahe ay nagiging
tagatanggap na o dekoder.

-Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon-Ito ang tinatawag sa Ingles na communication noise o


filter. Bawat proseso ng komunikasyon ay maaaring magkaroon ng potensyal na sagabal. Ito ang mga
bagay-bagay na maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon o sa komunikasyon mismo, Maaari
itong matagpuan sa tagapagpadala ng mensahe, sa mensahe mismo, sa daluyan ng mensahe o di
kayay sa tagatanggap nito. Ito ay mauuri sa apat:

a) semantikang sagabal: Ang pagkakaroon ng isang salita ng dalawa o higit pang kahulugan,
pangungusap na hindi tiyak ang kahulugan at hindi maayos na organisasyon ng isang pahayag ay mga
halimbawa ng semantikang sagabal. Halimbawa nito ay ang paggamit ng wika na Ingles ka nang Ingles,
ngunit mali-mali rin naman ang gramar o hindi naman pala bihasa sa Ingles ang kausap, malamang
maputol na ang linya ng komunikasyon.

b) pisikal na sagabal: Ang mga ingay sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay
ng sound system, hindi mahusay na pag-iilaw at hindi komportableng upuan ay mga halimbawa ng pisikal
na sagabal. Kasama rin dito ang panahon, na maaaring napakainit o napakalamig, may bagyo o
napakalakas ng hangin o di kayay distraksyon sa paligid, tulad ng biglang pagpasok ng ibang tao, hayop
at iba pa.

c) pisiolohikal na sagabal: Tinutukoy naman sa pisiolohikal na sagabal ang mga kapansanan mismo ng
enkoder o dekoder ang hindi maayos na pagbigkas sa mga salita, hindi mabigkas ang mga salita, at may
kahinaan ang boses.

d) sikolohikal na sagabal: Samantala ang mga halimbawa naman ng mga sikolohikal na sagabal ay ang
mga biases, prejudices, pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga
nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
- Konteksto/Sitwasyon- Ang konteksto ay ang sitwasyon o kalagayan kung saan nagaganap ang
komunikasyon. Ayon kina Barker at Barker, ang elementong ito ang isa sa mga pinakamahalaga dahil
naaapektuhan nito ang iba pang mga elemento kasama na ang buong proseso ng komunikasyon. Ito ay
may limang dimensyon; ang dimensyong pisikal, sosyal, kultural, historikal at sikolohikal.

8.Komunikasyong Berbal
Simbolisasyon:pagtutumbas ng ideya, lugar, o bagay
Isang anyo ng paghahatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga salitangsimbolo na kumakatawan sa
mga ideya at bagay-bagay.
Kasama na ditto ang pagsulat, pagbasa, pagsasalita, at pakikinig.
Gerald (1960),
ginagamit ito:oDatos na lutasin: pandinig
oReceiver is busy and alertness is down
oMensahe ay mahalga, maikli, at madali
oPleksibiliti ng transmisyon ng mensahe: pasalita
oImpormasyon kaugnay sa tiyak na usapin o isyu
oResepsyong biswal ay hindi mabisa
Paraan ng pagpapakahulugan ointerpretasyon ng mga simbolong verbal na mahalagang
isaalang-alang upangmatukoy ang angkop na kahulugan ng bawat salitang ginagamit sa isang
pag-uusap:

oReferent:bagay o ideya na kinakatawan ng isang salita. Pwede rin ito sa isang tiyak na aksyon,
katangian at relasyon/ugnayan ng bagay sa ibang bagay.
o Komong referens:parehong kahulugang binibigay ng mga taong sangkot sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
oKontekstong Berbal:kahulugan batay sa ugnayan nito sa ibang salita sa loob ng pahayag.
o Paralangauge:Paraan ng Pagbigkas/ Manner of utterance/kahulugang konotatibo.

9.Komunikasyong Di-Berbal

Mahalaga sapagkat :

oInilalantad ang emosyonal na kalagayan ng isang tao.

oNililinaw ang kahulugan ng mga mensahe

oPinanatili ang interaksyong resiprokal ng source at receiver

Anyo ng Komunikasyong Di-berbal:

a) Anyo/Ayos(Kaayusan): Kasama rito ang hugis ng katawan, ayos ng buhok, pagsusuot ng alahas, kuko
at iba pa. May matatabang gustong pumayat, at may mga payat namang gustong tumaba. Depende
sa persespyon ng bawat indibidwal kung ano ang nais nilang ayos o hitsura/anyo. Ano man ang
gusto ng bawat indibidwal na maging anyo o ayos nila ay tiyak na may ipinararating na mensahe sa
mga tumitingin o nakakakita.

b) Simbolo(Icon): Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbulo o icons na may malinaw na
mensahe. Sa pintuan ng mga palikuran, anong simbulo ang nagpapahiwatig na ang isa ay pambabae
at ang isa ay panlalake? Paano sinisimbulo na bawal manigarilyo sa isang lugar? Anong simbulo ang
ginagamit sa mga lugar na para sa mga may kapansanan? Anong simbulo ang makikita sa botelya ng
lason, o sa reseta ng mga duktor, o sa tanggapan ng mga husgado. Sa mga kalsada o daan, anu-
anong mga simbulong panlansangan ang iyong makikita? Ilarawan ang bawat isa at sabihin ang
kahulugan ng mga iyon.
c) Oras /chronemics: Mahalaga ang oras. Ito ay isang bagay na kulang sa maraming tao. Ang paggamit
ng oras, kung gayon ay maaaring kaakibatan ng mensahe. Halimbawa, ang pagdating nang huli sa
isang job interview ay maaaring iinterpret na kakulangan ng disiplina. Samantala, ang pagdating
naman nang maaga sa isang salu-salo ay maaaring makainsulto sa magbibigay ng salu-salo dahil
maaari niya iyong ikataranta sa paghahanda. Ang pagtawag sa telepono sa madaling-araw ay
malamang na ikagalit ng ibang tao. Maaari niyang ipalagay iyong sinasadyang pang-iistorbo sa
kanyang pagpapahinga at kung gayoy isang kabastusan. Ngunit maaari naman niya iyong ipalagay
na isang matinding pangangailangan o isang emergency. May narinig din tayo na kapag mabilis
magsalita ang isang tao, ang taong ito ay naghahabol sa oras. Kung napakabagal namang magsalita
ang isang tao, sinasabi namang parang pag-aari niya ang oras.
d) Espasyo(agwat o pagitan) proxemics: Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay natin
sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. Ano ang iyong iisipin kung ang kaharap mo sa jeep na iyong
sinasakyan ay halos magkapalitan na ang mukha, ika nga, sa kabila ng kaluwagan ng sasakyan?
Paano ka makipag-usap sa iyong kasintahan? Gaano ang layo ninyo sa isat isa kadalasan? Gayon
din ba ang layo mo kapag ikay nakikipag-usap sa isang kaibigan, o sa isang di-kakilala o sa isang
pangkat ng tagapakinig kapag ikay nagtatalumpati? Hindi, di ba? May ibat ibang uri ng proxemic
distance tayong ginagawa sa ibat ibang pagkakataon at ang distansyang ito ay maaaring
mangahulugang intimate, personal, social o public. Makikita rin ito sa pakikitungo sa ibat ibang tao
depende sa edad, kasarian, kultura, at personalidad.
e) Pandama /haptics: Ito ang pagpapadama ng ibat ibang damdamin sa tulong ng paghawak sa
kausap. Kabilang dito ang paghawak ng mga kamay upang makiramay at bumati. Maaaring hawakan
ang pisngi ng nakababatang kausap kapag natutuwa rito, o kayay hawakan at guluhin ang buhok
dahil din sa katuwaan. Maaari ring maghayag ng ibat ibang damdamin kapag hinawakan ang siko o
kayay ang balikat. Sa ating wika, may iba-iba tayong tawag sa paraan ng paghawak sa ibang tao o
bagay at bawat paraan ay may kanya-kanyang kahulugan. Ilarawan ang mga sumusunod at tukuyin
ang posibling kahulugan ng bawat isa: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.
f) Kulay: Maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Ano ang ipinahihiwatig ng damit na
itim? Ng bandilang pula? Ng taling dilaw sa noo? Sa mga interseksyon ng daan, ano ang ibig sabihin
ng ilaw na dilaw, berde at pula? Ano ang ipinahihiwatig ng puting panyo? Sadya ngang ang kulay ng
mga bagay-bagay ay madalas nating nilalapatan ng kahulugan.

g) Galaw o Kumpas ng Kamay (Regulative,Descriptive,Emphatic): Ay isa ring mayamang


pinanggagalingan ng mensaheng di-berbal. Maaaring ang kumpas ay regulative katulad ng kumpas
ng pulis sa pagpapahinto ng mga sasakyan sa daan o kumpas ng isang guro sa pagpapatahimik ng
mga bata. Mayroon din tayong mga tinatawag na descriptive na kumpas na maaaring maglarawan
ng laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay. Ang mga kumpas naman na nagpapahiwatig ng
damdamin tulad ng paghampas ng kamay sa mesa, sabay na pagtaas ng dalawang kamay, pagkuyom
na mga palad at pakikipagkamay ay tinatawag na mga kumpas emphatic.

h) Ekspresyon ng Mukha
i) Katawan/Pangangatwiran/kinesics: Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa ngay higit pa
sa mga tunog na lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawag sa Ingles na body language. May
mga natatanging kahulugan ang pagkikibit-balikat, pagdila, pagkakamot ng batok, pagtatakip ng
ilong, pagpadyak, pagtulis ng nguso, paraan ng paglakad at napakarami pang iba.Hindi rin maitatago
ang ating damdamin at tunay na intensyon sa ating ating mukha. Sa mukha, maaaring makita kung
ang isang tao ay masaya, umiibig, malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan, galit
o di kayay nag-iisip.

10.Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng
ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-
alang ang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang
akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata.

1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang usapan
ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng
pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-
usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng
simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang,
maaari kang mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng
inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan mo?

2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa
komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan,
hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at
paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Halimbawa, maaari mong sabihing Pare,
pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan, ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama.
Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang
angkop na pahayag kung ang gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya?

3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais
matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos,
pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin,
pangangarap o paglikha. Ano kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng salapi sa
taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang kanyang layunin kung ang sasabihin niyay Hoy!
Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung siya namay manghoholdap, makakamit ba niya ang kanyang
layunin kung sa malumanay na pananalitay sasabihin niyang Para mo nang awa, akin na yang pera mo?
Hindi ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa paggamit ng wika, kailangan munang
isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap.

4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang
nagaganap sa uri ng pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at malambing ang
himig ng usapan at takbo ng pananalita ng magkasintahan ngunit, kapag may mga bagay silang
pinagtatalunan maaaring magbago ang ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o
away.

5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-
shorts sa isang debut party? O di kayay ng isang taong naka-gown o barong Tagalog habang naglalaro
ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang
pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal ang isang okasyon,
paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa
iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong
gagamitin?

6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Sa madaling salita, kailangang
ikonsider din ang gamit o daluyan ng komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit
kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa iyong kaibigan ang nobelang
iyong nabasa sa pamamagitan ng text? Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa
pamamagitan ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung nasusununog na ang bahay mo? Kung
hindi mo kayang magsinungaling nang harapan, magdadahilan ka ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang
harapan? Kung mahusay kang gumawa ng sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang
humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-alang ito, kung gayon,
magiging kontrolado natin ang hugis at lawak o limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.

7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng
usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong limitado lamang
ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa
gitna ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga paksa ring
eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin. Makabubuti,
kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung
paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga talakayang may paksang
eksklusibong panlalaki.

8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad o pangangatwiran?)


Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang
magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang nilalayon
naman niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at
damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang paraan ng pagpapahayag kung ang nais
nito ay magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang layunin niya ay ang
manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran
ang paraan ng pagpapahayag.

II.Wika

1.Ibat Ibang Kahulugan

Ayon kay Henry Gleason:Ang wika ay masistemang balangkas ng isinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

2.Katangian

1.Ang wika ay masistemang balangkas anumang wika sa daigdig ay sitematikong nakaayos sa isang
tiyak na balangkas.
Ang lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.

Ponema ( makahulugang tunog)

Morpema (pagsasama-sama ng mga tunog hal. salitang-ugat, panlapi at kataga)

Sintaksis / Palaugnayan ( pagsasama-sama ng mga salita --- pangungusap)

2.Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang anumang tunog na may kahulugan ay maituturing na wika.

16 na katinig + 5 patinig = 21 na Ponema

3.Ang wika pinipili at isinasaayos. Hindi maaaring ipagpilitan ang paggamit ng isang wika kapag hindi
mauunawaan ng kausap.

4.Ang wika ay arbitraryo. Ang bawat lipunan ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit
ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang lipunan, gayundin ang bawat tao sapagkat may sarili itong
katangian, kakayahan, at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba.

5.Ang wika ay ginagamit. Kasangkapan ng komunikasyon kaya kailangang patuloy na ginagamit.

6.Ang wika ay nakabatay sa kultura. Nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng
mga kultura sa mundo.

English Filipino Filipino English

Glacier Bigas

Icebergs Yelo o Nyebe Palay Rice

Frozt Kanin

hailstorm

3.Kahalagahan

a) Instrumento ng Komunikasyon
b) Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
c) Nagbubuklod ng Bansa
d) Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip

4.Mga Teorya (paniniwala) sa pinagmulan ng wika

Teorya ng Pinagmulan ng Wika

1. Divine Origin-
2. Inmateness
3. Creativity
a) 1.Teoryang Bow-wow. Ang wika raw ay mula sa panggagaya ng tunog sa mga tunog ng
kalikasan.Hal. Aso- aw-aw,Pusa-miyaw-miyaw,Tuko- tuko
b) 2.Teoryang Pooh-pooh. Di sinasadyang napabulalas ang mga tao at nakakalikha ng mga tunog
bunga ng masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla,
atbp.Hal.Aray- sakit
c) 3.Teoryang Yo-he-ho. Ang tao ay natututong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
Hal.Aargh o Ahhh- nagbubuhat ng mabibigat na bagay,Ya!- sumusuntok o nangangarate.
d) 4.Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Ang wika raw ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng tao sa mga
ritwal (pakikidigma, pagtatanim, pag-aani..atbp) na kalaunan ay nagpapabagu-bago at nilapatan ng
ibat ibang kahulugan.
e) 5.Teoryang Ta-ta. Ang kumpas o galaw raw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat
okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunan ay
magsalita.Hal.Ta-ta (French)- paalam o goodbye
f) 6.Teoryang Ding-dong. Magkahawig sa teoryang bow-wow ngunit hindi limitado sa tunog ng
kalikasan lamang kundi sa lahat bagay-bagay sa paligid.Hal.Ding-dong- kampana,Tsu-tsu Tsug-tsug-
tren,Tik-tak - relo

5.Antas (Uri ng mga salita)

A.PORMAL

1.Pambansa. Mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika , pambalarila sa paaralan,
wikang ginagamit ng pamahalaan, at itinuturo sa mga paaralan.Hal. Kapatid, ina , ama at bahay

2.Pampanitikan o Panretorika. Mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang


pampanitikan, at karaniwang matatayog, malalim, makulay at masining.Hal.Kapusod, ilaw ng tahanan,
haligi ng tahanan at tahanan

B.IMPORMAL

1.Lalawiganin. Mga salitang gamitin sa mga tanging pook o lalawigan lamang.Hal. bangko, lamesa,
kawatan, kwarta at buang

2.Kolokyal. Mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Karaniwang


may kagaspangan nang kaunti at pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita.Hal. piyesta pista,kailan
kelan,nandoon nandun,mayroon - meron

3.Balbal (slang). Mababang antas na wika na karaniwang nagmumula sa pangkat-pangkat na


naglalayong magkaroon ng sariling codes o kodigo .Hal. ihi jingle,pulis parak/lespu
Sigarilyo yosi,probinsyano promdi

4.Bulgar mura(bastos) burikat

6.Tungkulin at Gamit ng Wika


HALIMBAWA
KATANGIAN NG TUNGKULIN
NG WIKA
Pasalita Pasulat

Nakapagpapanatili / Pangungumusta Liham-pangkaibigan


nakapagpapatatag ng realsyong Pagpapalitan Kuru-
sosyal. kuro o Biro

Tumutugon sa mga Pakikiusap Liham-pangangalakal


pangangailangan. Pag-utos

Kumukontrol / gumagabay sa kilos Pagbibigay ng Panuto


/ asal ng iba. Direkdyon
Paalala o Babala

Nakapagpapahayag ng sariling Pormal / Di-pormal Liham sa Patnugot


damdamin o opinyon. na Talakayan

Nakapagpapahayag ng Pagsasalaysay Akdang Pampanitikan


imahinasyon sa malikhaing Paglalarawan
paraan.

Naghahanap ng mga Pagtatanong Survey


impormasyon / datos. Pakikipanayam Pananaliksik

Nagbibigay ng impormasyon / Pag-uulat Ulat


datos. Pagtuturo Pamanahong Papel

You might also like