You are on page 1of 2

2nd yr.

1st sem (Fil 104)

http://www.slideshare.net/nheyyhen/wika-todo

http://www.scribd.com/doc/81096989/Pagbasa-at-Pagsulat-Tungo-Sa-Pananaliksik

http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-wika.html

http://booklens.com/manuel-dy-jr/philosophy-of-man

Wika

2. KATUTURAN Ayon kay Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang
makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.
3. Ayon kay Webster (1974, pahina 536) Ang wika ay isang sistema ngkomunikasyon sa
pagitan ng mga tao sapamamagitan ng mga pasulat o pasalingsimbulo. Ayon kay
Archibald A. Hill Ang wika ang pangunahin atpinakaelaboreyt na anyo ngsimbolikong
pantao.
4. Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005): Ang wika ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
5. Wika mula sa wikang Malay. Sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang
salitang lengguwahe. Nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua
ng Latin, na nangangahulugang "dila".
TAGALOG Oktubre 27, 1936 Paglikha Surian ng WikangPambansa na ang layuning
makapgpaunlad atmakapgpatibay ng isang wikang panlahat na batay saisang wikang
umiiral. Enero 12,1937 Hinirang ni Pangulong Manuel L.Quezon ang mga kagawad na
bubuo ng SuriangWikang Pambansa. Disyembre 30,1937 Kautusang
TagapagpaganapBlg. 134 ipinahayag ng Pangulong Quezon ang WikangPambansa ng
Pilipinas na batay sa TAGALOG.
26. Hunyo 18,1937 Pagbibigay ng mga dahilan sa pagpahayag na ang Tagalog ang
Wikang Pambansa:1. Tagalog ang wikang pambansa sa dahilng itoy nahahawig sa
maraming wikain ng bansa.2. Ang bilang ng mga salitang wikang banyaga ay
matatagpuan din sa lahat halos na talatinigan ng inang wikain sa Pilipinas.3. Mayaman
ang Tagalog sapagkat sa pamamagitan ng paglalapi at pagtatambal ay dumarami ang mga
salita.4. Napakadali pag aralan ng Tagalog.
27. Setyembre 23,1955 Nilagdaan ni PangulongRamon Magsaysay ang Proklama
Blg.186.Ipinahayag na ang pagdiriwang ng Linggo ngWikang Pambansa taun taon
simula ika - 13hanggang ika -19 ng Agosto. Napakaloob sapanahong saklaw ang
pagdiriwang ng kaarawan niQuezon (Agosto 19).
28. PILIPINO Agosto 13, 1959 Pinalabas ng Kalihim JoseE. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon.Tinutukoy nito na nag Wikang Pambansa angsalitang Pilipino. Octubre
24,1967 - Nilagda ni PanglungMarcos ng isang kautusan na ang Pilipino anggagamitin ng
mga opisina at mga gusali ngpamahalaan.
29. FILIPINO Pebrero 2,1987 Pinagtibay ng BagongKostitusyon ng Pilipinas sa
Artikulo XIV,seksyon 6 -9 na nagsasaad na ang WikangPambansa ng Pilipinas ay
Filipino.
30. Kahalagahan ng Wika Instrumento ng KomunikasyonNagbubuklod ng bansa Nag-
iingat at nagpapalaganap ng kaalaman Lumilinang ng malikhaing pag-iisip
31. Instrumento ng Komunikasyon Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika,
sapat na ang nagkakaunawaan gamit ang wika
32. Nagbubuklod ng Bansa Wika ang naging dahilan upangmagkaisa ang mga tao ,
umunlad at makamit ang kalayaan
33. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip Nagpapalawak ng ating imahinasyon,
pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika
34. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman Paglalakbay Pagsasalin Pagtatala Midyum
ng Karunungan
35. Masistemang Balangkas Balangkas ng Wika Salitang Ugat +TUNOG Panlapi +
Morpema Pangungusap DiskursoPonolohiya Sintaksis (Ponema) Morpolohiya (Sambitla)
(Morpema)
36. SINASALITANG TUNOG Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindilahat ng
tunog ay may kahulugan. Ang mga tunog ay nalilikha ng ating aparatosa pagsasalita.
Pinakamahalagang tunog na anlilikha natinang kung gayoy kasangkapan ng
komunikasyon.
37. DINAMIKOAng isang wika ay maaring madaragdaganng mga bagong bokabularyo.
Bunga ito ngpagiging malikhain ng mga tao. Patuloy na nagbabago at yumayamanang
wika. Nagbabagu-bago ang kahuluganng isang salita na dumaragdag naman saleksikon
ng wika.
38. BOMBA Maraming namatay sa bombang sumabog noong panahon ng digmaan.
Sumakit na ang braso ng matandang babae sa kabobomba makaipon lamang ng tubig na
panlaba. Tinangkilik ng mga lalaki ang mga pelikulang bomba noon. May
pasasabugin daw na bomba tungkol s isang senador. 44
39. ARBITRARYO Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito.
Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang
wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit
kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang- ayon siya
sa kasunduan ukol sa naturang wika.
40. PINIPILI AT ISINASAAYOS Pinipili at isinasaayos angwikang gagamitin
upangmaintindihan tayo ng ating kausap.Kailangan pumili ng parehongwika upang
magkaunawaan.
41. GINAGAMITBakit kailangan gamitin angwika? Anong mangyayari kunghindi
gagamitin ang wika?
42. Nakabatay sa Kultura Hindi maaaring paghiwalayinang wika at kultura, sapagkat
sapamamagitan ngwika,nasasalamin ang kultura ngisang bansa.

You might also like