You are on page 1of 10

Kahalagahan ng Social Media at Internet Connection sa mga

mag-aaral ng Agusan del Sur National High School Grade 11 GAS sa Panahon ng

Pandemya

Papel Pananaliksik ng Senior High School Department

Isinagawa bilang partial na katuparan sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik

Dylan Zoey Blair Mercado

Miken Luke Estillore

Cristene Joy Aborde

Lady Jane Lucañas

Lawrence Nacional

Nixynne Dadalo

Jasmine Capa

Jackson Ruta

Mitch Astillo

Mike Garcia

Richa Pilar

Mga Mananliksik
Sandro J. Rebadio

Guro sa Pananaliksik

Pebrero, 2022

Kabanata 1

Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

I. INTRODUKSYON

A. Paglalahad ng Suliranin

Ang internet ay isang paraan sa isang mahusay na bukas. Sa panahon

ngayon importante ang malakas na internet connection, dahil dito na lamang makapag turo

ang mga guro para ang kanilang mga estudyante ay matuto. Ayon kay Chynn Alerto, malaki

ang naitulong ng internet lalo na sa mag aaral at mas mapapadali nito ang pag gawa ng mga

proyekto sapagkat marami tayong mapagkukunan ng kaalaman. Sa kasalukuyang panahon na

kinabibilangan natin ngayon, ang paggamit ng internet at sosyal media ay talamak sa mga

kabataan lalong lalo na sa mga mag-aaral. Ang internet o social media ay isang sistema kung

saan ginagamit ng buong mundo upang makipag komunikasyon. Isang malaking tulong nag

pag-aaral ang paggamit ng internet dahil maari mong gawin ng madali ang mga asignatura na

ibinigay sa iyong guro. Madali mong masaliksik ang mga impormasyonng kinakailangan mo

ng maikling oras. Maraming na idudulot ng maganda at hindi maganda ang internet sa mga
mag-aaral ngayon. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabang sa mga mag-aaral, ang

internet lalo na sa mga research paper, mga proyekto at mga takdang aralin. Halos lahat ng

kailangan ng mag-aaral ay nasa internet na lahat ang kanilang kinakailangan (Rivera, Leah

Marie). Sa kabuuan, ito ay mayroong mabuting idudulot sa mga mag-aaral.

Komunikasyon… Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na

“𝘾𝙊𝙈𝙈𝙐𝙉𝙄𝘾𝘼𝙍𝙀’na ang ibig sabihin ay maibahag o pakikipag-ugnayani. Ito ay

pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.-Ayon naman kay Berlo (1960),

ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan. At ang prosesong ito ay

bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento o sangkot sa komunikasyon ay nakakaapekto

sa isa’t isa. Mahalaga ang komunikasyon sapagkat ito ay nagbibigay-pagkakataon maibahagi

ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang nadarama, Nagkakaroon ang tao ng ganap na

kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa perspektibo. Una, napaglalapit ng

komunikasyon ang mga pusong magkakalayo o pinaglayo ng lugar at panahon kahit sa

espasyo, dingding, tubig o pulo man ang pagitan. Pangalawa, Sa pamamagitan ng

komunikasyon ay napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan,

Pangatlo, nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa

kanilang buhay at panghuli nito ay nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang

wika sa pamamagitan ng Komunikasyon.

B. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Sa panahon ngayon na mayroong lumalaganap o kumakalat na pandemya sa buong

mundo, Paano natin o naipapanatili ang koneksyon sa ating guro mga kaklase kung walang

face to face learning?

Ang Social Media ay nasa hanay ng popular at maunlad na makabagong teknolohiya

mapalipunan, lokal at pandaigdig man ito ang pangunahing Sistema na ginagamit natin
ngayon sa pakikipag-ugnayani sa mga kaklase guro natin na kung saan ikaw, sila tayo ay

lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na

komunidad at mga network. Kagaya ng Facebook, Snapchat, Pinterest, Twitter, Instagram,

messenger at marami pang ibang social media platforms.

Ang Kahalagahan ng Social Media ay ang kakayahan nito na magbigay ng

pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga estudyante at sa ating mga guro Sa

pamamagitan ng Social Media ay naipagpaatuloy natin ngayon ang ating pag-aaral sa

pamamagitan ng “SOCIAL DistaYnce LEARNING” o “BLENDED LEARNING” at “

ONLINE CLASSES” .

Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan na

naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang social media ay hindi maikakaila na

produkto ng makabagong teknolohiya, ang social media ay nagkaroon ng epekto sa paghubog

sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga

positibong pananaw ng bawat mag-aaral.

Sakop ng internet ang sovial media sapagkat kung walang internet hindi tayo

makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging mahusay da

pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung liban ang isang mag-aaral maaari

siyang gumamit ng social media upang magtanong sa kanyang mga kaklasekung ano ang

mga dapat gawin sa bawat asignatura. Samakatuwid ang social media ay nagpapatibay ng

komunikasyon ng bawat tao. Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong

gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap

ng reperensya.

Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng

komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na
naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang

pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga

impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba

pa. Ang Youtube naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga

halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Ang social media ay isang instrumento upang

mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo

na sa mga mag-aaral. Sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang

ngayon.

Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga mag-aaral.

Sa mga iba’t ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na mapagtibay ang relasyon ng mga

magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong kaibigan at nagkakaroon ng komunikasyon ang

dating magkakaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Naipapahayag natin sa social media

ang ating mga saloobin ngunit dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng

social media. Dapat pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi

lamang sa teknolohiya umiikot ang ating buhay.

C. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layun ng pananaliksik ay matukoy ang kahalagahan ng internet connection at

social media dahil ito ay naging tulay sa ating buhay. Nakatulong ito sa mga estudyanteng

kagaya natin sa paggawa ng mga gawain natin sa paaralan o sa mga Pananaliksik.

Paano tayo makakagamit ng social media? Paano tayo makikipag-usap o makikipag-

ugnayan sa mga kapuwa natin mag-aaral, sa mga guro na dagat bundok ang pagitan?

Nagagamit ba natin ang ating social media kung walang tayong akses na koneksyong?
Kailangan nating gumamit ng akses ng koneksyon upang magamit ang social media

platforms, at ang pangunahing ginagamit natin ay ang tinatawag na “INTERNET

CONNECTION or “ INTERNET ACCESS” Ang Internet connection ay isang neologism ng

Ingles na nangangahulugang desentralisado na network ng computer na umaabot sa

pandaigdigan o pang buong mundo . Ito ay isang sistema ng mga network na magkakaugnay

sa pamamagitan ng iba’t ibang mga protocol na nag-aalok ng isang mahusay na pagkakaiba-

iba ng mga serbisyo at mapagkukunan, tulad ng, halimbawa, pag-access sa mga file ng

hypertext sa pamamagitan ng web. Ang Internet Connection ay mahalaga at naging bahagi na

ng buhay ng tao sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

KAHALAGAHAN NG INTERNET CONNECTION SA MGA ESTUDYANTE

Malaki ang naitutulong Internet ngayon sa pag-aaral, sa pamamagitan nito, mas

nagiging alerto tayo sa paggawa ng mga proyekto sapagkat marami tayong napapagkunan ng

kaalaman. Bilang isang studyante ng ika dalwampu’t isang siglo, ako ay may malaking

pakinabang sa internet sa iba’t ibang larangan ng aking pagkatuto. Ngayon pa lamang sa

aking paggawa ng blog na ito upang mapalawaka ang ating mga kaalaman ay nagamit ko na

agad ang malawakang daluyan ng impormasyon o information super highway na internet.

Gamit ang internet, maraming mga bagay ang aking natutunang gawin, tulad na

lamang ang paggawa ng iba’t ibang proyekto sa paaralan na maaring hindi o mahirap hanapin

sa libro ang mga pamamaraan. Sa internet, i-type mo lamang ang isang salita ay

mahahanapan mo na ito ng libo-libong kahulugan at impormasyon na makapagpapalawak ng

iyong isipan.
Madami ding bagay ang naitutulong ng internet sa mga studyante ng kasalukuyang

panahon, hindi lamang sa akademikong pag-aaral kung hindi pati na rin sa mga bagay na

maaring makapawi ng kanilang pagod. Pamilyar naman tayong lahat sa iba’t ibang social

media sites tulad ng YouTube, Facebook, Twitter, Instagram, at marami pang iba.

Nakakatulong ang mga ito sa pag-aaral sa pamamagitan ng komunikasyon, maaring makipag-

usap ang mga studyante sa kanilang mga kapwa studyante pati na rin sa kanilang guro kahit

na sila ay malayo sa isa’t isa. Makikitaan mo din ang mga social media siutes na ito ng iba’t

ibang paraan ng paglinang sa kaalaman ng mga studyante, hindi lamang sa pang-akademiko

kundi pati na rin sa iba pang aspeto na puwedeng makatulong sa pang-araw-arawna buhay ng

mga studyante pati na rin sa kani-kanilang mga pamilya.

Aminin man natin o hindi ay naaabuso na natin minsan ang kapangyarihan ng

internet. Ang bagay na ito ay ginawa upang tayong lahat ay matuto ng iba’t ibang

impormasyong makaktulong sa ating mga sarili pati na rin sa ating mga kapwa tao, hindi ito

ginawa upang tayo ay gumawa ng mga kasalanan at manlamang sa iba nating mga kapwa.

Hindi natin dapat inaabuso ang kapangyarihan ng internet, dapat ay ginagamit natin ito sa

paggawa ng mabuting bagay.

MGA SULIRANING KATANUNGAN

1. Ano ang mga positibo o negatibong epekto ang posibleng makuha ng mga mag-

aaral sa distance learning?

2. Ano ang mga benepisyo ng mga online distance learning kapag naitupad ito ng

nang maayos at epektibo? Saklaw at Delimitasyon


DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang aming ginawang disenyo ng pananaliksik ay KWANTITATIBO sapagkat kami

ay nag-imbestiga sa ibat-ibang uri ng paksa at patungkol sa panlipunan sa pamamagitan ng,

estadikal, at mga teknik na pamamaraan at kami din ay gumamit ng komputasyon sa bawat

datos. Kami ay nagtatanong-tanong gaya ng sarbey, ekperimentasyon, at pagsusuring

estadistikal. Sa aming ginawang pananaliksik nalaman namin kung paano natututugunan ang

bawat Isyung Suliraning katanungan na aming ginawa, sa tulong ng social media ay madaki

naming napagtanungan ang bawat respondente.

RESPONDENTS AT LOKAL NG PAG-AARAL


Ang mga tagatugon ng pananaliksik ay nagmula sa mga Mag-aaral ng Baitang 11

Bonifacio, General Academic Strand.

Strand ng Senior High School ng Agusan del Sur National High School ng taunang

aralan 2021-2022. Ang mga respondente ay binubuo ng animnapu na mag-aaral na hinati sa

apat, At sa Unang Grupo ay binubio ng labing tatlo na mag-aaral na mayroong pito (7) na

babae at anim (6) na lalaki

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang

mgamananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalapng

mga datos upang masuri ang kahandaan,kaalaman at kahusayan ng mgarespondente sa

pagharap sa board exam at ang korelasyon niyon sa ilang mga piling personal at

pangkaligirang baryabol. Random sampling at cluster sampling ang ginamitsa pagkuha ng

mga mananaliksik na magiging respondente sa baiting 11 ng Bonifacio General Academic

System.

1.Bahagdan o PorsyentoAng bahagdan o porsyento ay ginamit upang malaman ang

pagkakakilanlan samga respondente. Sa pamamagitan ng ratio of frequency of responses (f)

at totalng mga respondente (n) na ipinipresenta ng sumunod na pormularyo;

F% = _______________ x 100nna kung saan ang: % = bahagdan o porsyentof = frequencyn

= bilang ng mga respondente


Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sai bat-

ibang mga hanguan sa bagong aklatan katulad ng mga aklat, Kumuha rin ang mga

mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet. Samakatuwid, sapagta-tally at pagkuha ng

porsyentolamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik, ay limang tao ang

respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil bawat.

Bilang ay awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.

Base sa aming pananaliksik tungkol rito ay marami sa mga taong pinagtanungan namin na

ang gamit nilang access ng internet ay wifi ngunit hindi ito masyadong malakas sa kanilang

tahanan, madalas itong ginagamit sa pang-araw-araw dahil sa online class at marami rin ang

katamtaman lang ang kaalaman sa paggamit ng social media para sa onine class.

You might also like