You are on page 1of 1

TEST TEST TEST

Kung ang bawat isa ay ginagampanan ang kanilang responsibilidad at gawain sa lahat ng oras, mas
mapapadali ang komunikasyon ng mamamayan at pamahalaan. Mas magiging epektibo ang anumang
proyektong ninanais ipatupad ng ating bansa. Magkatuwang ang mamamayan at pamahalaan sa pagbuo
at paggawa ng karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan. Ang participatory governance ang
magsisilbing susi sa pagbabagong hinahangad ng bansa at malaking porsyento ang maidadagdag sa
pagbabagong hangad ng lahat. Sabi nga ni Dalai Lama "The most important thing is to have a sense of
responsibility, commitment and concern for each of our fellow human beings", kaya ang matagal na
nating hinahanap na kasagutan sa suliraning ating kinakaharap ay nasa ating mga palad kung papaano
natin isasabuhay ang responsibilidad at tungkulin natin bilang isang mamamyang Pilipino. Katulad na
lang nating mga kabataan na maaaring gamitin ang ating kaalaman at panahon na ipinagkaloob sa atin
upang maihanda natin ang ating mga sarili sa hamong ating kahaharapin sa hinaharap.Gamitin ang social
media upang magkaroon ng kamalayan at maimulat ang mga pikit na mata sa katotohanang nakasalalay
pa rin sa atin ang pagbabagong ating hinahangad. Dahil bayan natin 'to, alagaan natin 'to.

You might also like