You are on page 1of 1

indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad

ng makatarungang kaayusan. Kailangang nabibigyan ng seguridad ang lipunan


at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na pamamaraan. Gayunpaman, may
pagkakataong hindi natutugunan ang kabutihan ng lahat kayat may mga
pagkilos sa lipunan na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami.
Kaya sa abot ng makakaya ay sa lahat, ngunit kailangang maunawaan ding may
pagkakataong tamang ganapin ang para sa nakararami. Hindi kailangang
magresulta ito sa away o gulo at maaari itong daanin sa diyalogo.
Pinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat ay hindi
lamang nangyayari nang kusa. Upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat,
nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga tao, hindi ng iilan lamang kundi ng
lahat. Halimbawa, kahit na anong pagnanais ng pangulo ng isang bansa na matiyak na hindi
mananaig ang korapsyon sa pamahalaan, hindi siya magtatagumpay kung hindi ito
yayakapin ng lahat ng mga namumuno sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Alam ng lahat na

DRAFT
March 31, 2014
kung ganap sanang maiiwasan ang korapsyon sa pamahalaan, mas malaki ang pondong

mailalaan para sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura at marami pang iba, na magiging


kapaki-pakinabang sa lahat mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao

ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa pagkasilang nariyan na ang

pamilyang umaaruga at gumagabay sa kaniyang paglaki. Nariyan din ang kaniyang kapwa,

ang paaralan, ang simbahan, ang batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang
ambag sa paghubog ng ibat ibang aspekto ng kaniyang pagkatao. Ang tao rin ang bumubuo

sa lipunan sapagkat matatagpuan ang mga tao sa bawat bahagi nito. Kayat anuman ang
ginagagawa ng tao para sa kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng lipunan sa tao.
Kayat ang bawat mamamayan ay may pananagutang mag-ambag para sa kabutihang
panlahat. Lahat ay maaaring mag-ambag para sa pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang

panlahat, sa iba-iba mang pamamaraan dahil ito ay ayon sa kani-kaniyang kakayahan,


katayuan at kinalalagyan sa lipunan. Totoo ito sapagkat hindi mo maibibigay ang anumang
bagay na hindi mo taglay at hindi mo magagawa ang bagay na wala sa iyong
kapangyarihang gawin.
Nakalulungkot nga lang isiping bagamat nauunawaan ng ilan ang kahalagahan at
kapakinabangan ng pag-ambag sa pagtamo ng kabutihang panlahat, may mga ilan pa ring
hindi nakikisangkot at nakikiisa upang matamo ito. Ang hamon ng dating pangulo ng
Amerika na si John F. Kennedy na: Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1

Pahina 14

You might also like