You are on page 1of 15

M o d y u l 1:

E sP9 -
La y u n i n n g
Li p u n a n :
I H A NG
KABUT
L A H A T
PAN
LAYUNIN NG LIPUNAN:
KABUTIHANG PANLAHAT
Kabutihang Panlahat- ay pangkalahatang
kondisyon na nararapat ibahagi nang
pantay-pantay upang matamasa ng lahat
ng mamamayan ng isang lipunan
(Velasquez, et al, 2014).
Ang mga
elemento ng
Kabutihang
Panlahat
1 .Ang paggalang sa dignidad ng
Higit sa lahat tao
ng nilikha ng Diyos ang
tao kung kaya’t nararapat lamang na
igalang ang kaniyang pagkatao sa
lahat ng pagkakataon. Ang kaniyang
mga karapatan ay nararapat na
ginagalang, kinikilala at
pinoprotektahan.
2. Ang katarungan o kapakanang
panlipunan
Ang isang maayos na lipunan na
magbigay ng mga kondisyon na
makatutulong sa pagpapaunlad ng mga
mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang
pagsiguro ng maayos na sistemang
pangkalusugan, politikal at
pangkaligtasan at mga oportunidad sa
hanapbuhay.
3. Kapayapaan
Ang kapayapaan ay sumisimbolo sa
matiwasay na lipunan. Makakamit
lamang ito kung may kapanatagan at
seguridad ang mga mamamayan sa
kaayusan ng lipunan. Ang dalawang
naunang mga elemento ay mahalagang
maisaalang-alang upang magdulot ng
kapayapaan na indikasyon ng kabutihang
panlahat.
Bumuo ng isang “Hugot Line” na
tumutukoy sa Kabutihang Panlahat sa
lipunan. Bibigyan ng 5 minuto ang mga
mag-aaral upang itanghal ang kanilang
nabuong hugot lines. Gamitin ang rubrik
sa pagmamarka.

Halimbawa:
“Mahalin mo ang kapwa mo, di dahil sa
sinusunod mo kundi dahil sa kabutihan
mo”
Value Cluster (September):
RESPECT

“RESPECT
BEGETS
RESPECT”
Ano-ano ang maaari
mong gawin upang
makamit ang layunin
ng lipunan - ang
kabutihang
panlahat?
Ang pag-unlad ng isang lipunan ay
hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng
pag-aambag ng talino at lakas ng
mga kasapi sa kabuuang pagsisikap
ng lipunan.
Kung hindi tutuparin ng mga kasapi
ang kanilang papel, kung hindi sila
makikisali sa pag-iisip at pagpapasya,
kung hindi sila makikilahok sa mga
komyunal na gawain, kung hindi sila
magiging maigi sa kanilang mga
paghahanap-buhay, hindi rin tatakbo
ang pamahalaan at lipunan.
Ang lipunang pampolitika ay isang ugnayang
nakaangkla sa pananagutan- ang pananagutan
ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong
kasaysayan ng pamayanan. Iginagawad sa
kanila ng buong pamayanan ang tiwala na
pangunahan ang grupo—ang pangunguna sa
pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan
ng bawat kasapi, ang pangangasiwa sa
pagsasama ng grupo. Kasama nito ang
pananagutan ng mga kasapi sa lipunan, na
maging mabuting kasapi sa lipunan.
Magbigay ng tig-5 halimbawa:

Mga Pagtulong na Nagawa ng


Pamahalaan sa mga Mamamayan
• Mga Pagtutulungan ng mga
Mamamayan sa Kapwa mga
Mamamayan at ang Suporta ng
Pamahalaan sa Kanila
PRINSIPYO NG LIPUNANG
POLITIKAL
Subsidiarity - Mga Pagtulong na
Nagawa ng Pamahalaan sa mga
Mamamayan

Solidarity - Mga Pagtutulungan ng


mga Mamamayan sa Kapwa mga
Mamamayan at ang Suporta ng
Pamahalaan sa Kanila.

You might also like