You are on page 1of 7

COLUMBAN COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

REAKSIYONG PAPEL

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Mabisang Pananaliksik

Members
Abanes, Andrea Geile
Bermudez, Joyce Ann
Briones, Bianca Jenin
Paradela, Kyle Nicole
Rendora, Nicole
COLUMBAN COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

TEKSTONG PROSIDYURAL

Layunin:
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig.

Panuto:
Suriin ang kahalagahan ng mga tekstong prosidural sa sumusunod na mga aspekto. Isulat ang
kahalagahan sa bawat kahon.

Kahalagahan ng Tekstong Prosidyural sa:

SARILI
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na naglalayon na
bumuo ng hakbang upang maisagawa ng maayos ang isang bagay o
gawain. Ito ay nagbibigay sa atin ng direksyon upang maisagawa ng
tagumpay ang isang bagay ng maayos at episyente. Nakatutulong ito sa
ating mga sarili sa paraan na mas naisasaayos nito ang mga pagsasagawa
ng isang bagay at mas madali itong magagawa dahil may roong hakbang
n a a t i n g m a a r i n g s u n d a n .

PAMILYANG Mahalaga ang tekstong prosidyural sa Pamilyang Pilipino dahil


PILIPNO ito ang sinunusunod ng mga miyembro upang mapanatilihing maayos,
mabuti at nagagawa ang tungkulin nila. Katulad ng ama na tumatayong
haligi sa pamilya, siya ang nagbibigay sa mga anak niya at ibang
miyembro ng pamilya ng instruksyon na dapat nilang sundin para sa
maging maayos at maganda ang kalalabasan. Ang gandang tignan kung
ang isang pamilya ay may sinusundang patakaran dahil ito ang
makakabuti sa kanila at nagiging organisado sila at dun din sila
natututong gumawa ng hakbang para magkaroon ng matagumpay na
gawain.
COLUMBAN COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

KOMUNIDAD Mahalaga ang tekstong prosidyural sa komunidad, upang


malaman ang pagkakasunod sunod ng isang tekstong nais na mabasa.
Nagbibigay din ito ng panuntunan patungkol sa pagsasagawa ng isang
bagay. Nagiging isang basehan ng mga sunod-sunod na panuntunan sa
paggawa. Nagsisilbi din itong resolusyon sa mga problema na
kinakaharap sa isang gawain at higit sa lahat ito ay kinukuhaan ng
impormasyon upang maisakatuparan ang isang gawain. Naglalayon
itong magbigay ng sunod-sunod na impormasyon at direkyson sa mga
tao para matagumpay na maisagawa ang iba’t-ibang gawain ng ligtas,
tama, episyente at sa paraang angkop.

BANSA Kahalagahan ng tekstong prosidyural sa bansa ay nagbibigay ng


tamang impormasyon upang maisagawa ang isa bagay batay sa mga
proseso nito. Sa pamamagitan ng tekstong prosidyural naipaliliwanag sa
mga mamamayan ang proseo ng isang batas.nakatutulong ito sa
pagpapadali ng isang gawaing para sa serbisyong-publiko.sa pamamagitan
ng tamang proseso natuturuan ang mga mamamayan sa ikauunlad ng
kanilang personalidad para sa magandang hanap buhay at kinabukasan.

Sa daigdig na ating kinagagalawan, bawat kilos na ating


maisasagawa ay dapat nating bantayan sa kadahilanang halos lahat sa
daigdig na ito ay dumaan muna sa isang hakbang o proseso. Kaya
DAIGDIG napakahalaga na lang talaga ng tekstong prosidyural, at tila hindi na ulit
natin makikita ang daigdig gaya ng dati kung wala ito. Mga hakbang o
proseso na nagaganap sa lugar na ating kinakatayuan kagaya ng
pagpapanatili ng kagandahan ng ating daigdig na kahit unti-unti itong
nasisira ay may hakbang parin upang mapanatili ang makapigil hiningang
angking ganda nito, ang pagbigay paboto sa tamang kandidato na gagawa
ng batas o gagawa ng paraan para sa ikakasaayos ng lahat, pag daan natin
sa mga pagsubok sa buhay upang makamtam natin ang matamis na
tagumpay at maabot ang pangarap na matagal na nating inaasam
nasawakas ay mararamdaman na natin ang sayang kapalit ng hirap na ating
pinagdaan mula sa hakbang o landas na ating tinahak. Ngunit hindi lamang
yan dahil marami pang iba. Kaya ganon nga nga lamang kahalaga ang
tekstong prosidyural sa ating daigdig dahil marami tayong mga benisyo na
makukuha dito na makakatulong sa atin na imbis na gawin natin ang isang
bagay ng walang kasiguraduhan ay magagawa natin ito ng planado at
pulido.
COLUMBAN COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

TEKSTONG PERSUWEYSIB

Layunin:
Nakapagbibigay-reaksiyon sa mga tekstong persuweysib na laganap sa komunidad.

TANONG:
Mayroon ka bang natatandaang ganitong tekstong persuweysib (maaaring, komersiyal o patalastas,
talumpati, propaganda, at iba pa) na sa iyong palagay ay hindi nagsasabi ng totoo? Isulat ito o ang
bahagi nito sa kahon sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong.

“It's not the actual penalty, but the certainty na mahuhuli ka. Sa Pilipinas, pag
antibiotic o hindi kaya pandesal ang nanakawin mo, paigurado huli ka. Pero pag
nagnakaw ka ng Malaki, magiging congressman ka. Pag mas Malaki ang ninakaw mo,
magiging senador ka. At pag nagging presindente ka, mga kasama mo, kasama na sa
corruption. Buong buhay natin corruption. Wag na tayong magbulag-bulagan. Unless, we
change the system. Ang only Duterte-Cayetano guarantees that in 6 Months. Everyone
else, takot mag-guarantee sainyo na 6 na buwan tanggal ang korapsiyon.”
–Sen. Peter Cayetano, Pilipinas Debates 2016

Senator Peter Cayaetano ukol sa pahayag nya noong 2016 Election patungkol sa
korapsyon na nangyari sa administration ng bansa na sumasalungat naman sa mga sa
ginagawa nya ngayong siya na ay nasa posisyon.

1. Sa unang pagkakataon nabasa mo ito, nagduda ka ba agad? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 Sa unang rinig at pagkabasa ko pa lang dito ay nag duda na ako sapagkat hindi naman
talaga kapani-paniwala na sa loob lamang ng anim na buwan ay tanggal na ang
korapsyon sa bansa. Higit sa lahat ay hindi niya directing sinagot ang tanong na ibinato
sa kanga na " What do you think is the appropriate penalty for graft and corruption? "
bagkus ay inindorso niya ang tambalan nila ni noo'y Presidential Candidate Rodrigo
Duterte. Para sa akin ay isa iyong pahiwatig na kaya hindi niya kayang sagutin ng
direkta ang tanong ay dahil nga'y may plano siyang maging isang korap na politiko.

2. Ano-anong dahilan ang iyong naisip at hindi ka nakumbinsi ng tekstong ito?


COLUMBAN COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

 Bilang isang studyante ay aaminin ko na hindi pa ganon kalawak ang aking kalaaman
ukol sa ganitong usapin ngunit ayon nga sa tekstong nabasa ko ay nagkaroon ng laman
ang aking kaisipin tungkol dito. Kung ako ang tatanungin hindi ako nakumbunsi nito
sa kadahilanang wala kasiguraduhan o kaduda duda na ang mga bagay na naisasagawa
niya. Maari pa siguro akong maniwala sa kanyang sinabi noon, ngunit sa ngayon ay
madalas o kamakailan lang ay nadadawit siya sa mga issue na malayong-malayo at
hindi akma sa mga sinabi niyo noong kandidato pa lamang siya.

3. Sa ngayon ay laganap pa rin ang mga tekstong persuweysib na nagtataglay ng mga huwad
na pangakong nagliligaw sa madla. Sa iyong palagay, ano ang nararapat mong gawin
bilang isang mapanuring mambabasa o matalinong botante at mamimili

 Bilang isang mamamayan, tungkulin ko na hindi magbulag-bulagan sa katotohanan.


Kung Alam natin na ito ay mali dapat natin itong harapin imbis na magpanggap na
parang wala lang ito at baliwalain dahil sa paraan lamang na ito tayo makakahanap ng
solusyon laban dito. Sapagkat kung tayo ay magtutuloy-tuloy lamang na magbubulag-
bulagan hinding-hindi natin ito masu-sulusyonan at magpapatuloy lamang nang
magpapatuloy ang ganitong gawain. Kaya dapat tayo ay maging matalino at alamin
natin ang katotohanan, ang hindi totoo, ang tama sa mali. Huwag tayong magkamali
sa pagpili ng ating mga iboboto sapagkat hindi na natin pa maitatama ito at maaring
magkaroon ito ng malaking epekto sa buong bansa.

4. Anong aral ang iyong natutuhan at nais ibahagi sa iba pagdating sa mga ganitong ur ng
teksto.

 Ang natutunan ko sa propaganda sa eleksyon ay hindi tayo dapat basta-basta


nagtitiwala at nagpapadala sa matatamis na salita na sinasabi ng mga taong tumatakbo
sa eleksyon dahil madalas, sa salita lang sila magaling pagdating sa gawa ay wala na.
Kadalasan naman talaga ganun para maboto at manalo sila, gagawin nila lahat kahit
manloko sila at kahit hindi nila alam kung magagawa nila ang mga ito dahil ang gusto
lamang nila ang yumaman at hindi ang makatulong sa bansa. Maging matalino tayo sa
pagpipili ng bobotohin dahil may epekto sa bansa lahat ng mga desisyon natin. Hindi
dapat tayo nadadala sa mga salita lang, sa pera, o sa pagiging sikat niya, dapat tayo’y
bumase sa kung paano siya nakikisalamuha at traruhin sa mga tao, dahil dun natin
makikita ang kagustuhan ng isang tao sa pagtulong at may magandang layunin sa bansa
at sa kapwa niya.
COLUMBAN COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Layunin:
Nakasusulat ng mga reaksiyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan
nito sa: sarili, pamilya, komunidad, bansa, daigdig.

PANUTO:
Balikan ang dalawang tekstong argumento na iyong binasa. Ang paksa nito ay isang isyung ilang
taon nang pinagtatalunan bagama’t pinagtitibay na ang batas na nakakasakop dito ang Enhanced
Basic Education Act of 2012. ikaw ay isang koentarista sa peryodiko. Susulat ka ng reaksiyong
papel batay sa mga binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa iyong sarili, iyong
pamilya, sa komunidad na iyong kinabibilangan, sa ating bansa, at sa daigdig.
Kailangang maipakita mo/ niyo ang kabuluhan ng mga Pilipino K to 12 Curriculum. Magbigay ng
mga datos o impormasyong susuporta sa iyong posisyon. Maaari mo ring pabuluaanan o purgin
ang mga argumentong inilihad ng dalawang manunulat.

K to 12: Ang Paghahanda


Kto12 ay isang pagbabago ng sistemang pang-edukasyon na kung saan magdaragdag ng
ng dalawang taon ang ating pamahalaan. Ibig sabihin nito, mula sa sampung taon ay magiging
labing dalawang taon na ang pagaaral mula elemetarya hanggang sekondarya. Ang programang
ito ay inilunsad ng pamahalaan na naglalayon na sulusyonan daw ang matagal nang problema sa
edukasyon at upang ang mga kabataan ay maging handa sa pagdating ng kolehiyo. Base sa
programa, magiging mandatory daw ang kindergarten, ang elementarya ay magiging anim na taon
(simula unang baitang hanggang ika-anim na baitang), apat na taon para sa junior highschool
(Grade 7 hanggang Grade 10), at nagdagdag ng dalawang taon para sa senior hughschool (Grade
11 at Grade 12).
Ayon kay kalihim Bro. Armin Luistro, ito ay ibibigay ng libre sa nga nais pumasok sa
pampublikong paaralan. Ang dinadahilan ng pamahalaan sa pagpapatupad nito ay mapaganda ang
kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Ayon sa kanila ito ang magiging susi upang mapadali ang
buhay ng mga kabataan. Sinasabi nilang pagka-graduate ng mga mag-aaral sa huling taon ay
maaari na silang makapagtrabaho. Para sa iilan, may positibong maidudulot ang Kto12 dahil mas
makakapag-handa ang mga kabataan sa mundo ng trabaho mas lalong tataas o uunlad ang
ekonomiya ng bansa, dahil ang kabataan ang pag-asa ng bayan at mas magiging bukas ang
COLUMBAN COLLEGE SENIOR HIGH SCHOOL
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
kabataan pagdating sa pagde-desisyon sa kanilang buhay. Matinding paghahanada Ang dapat
gawin ng pamahalaan para sa programang ito. Bukod sa dapat na matinding paghahanda para sa
proyektong ito, kinakailangan din nito ng matinding pangangailangan sa mga guro, classroom,
libro, at pera o budget na dapat ilaan ng gobyerno para sa proyektong ito. Ang mga ito ay dapat
malaking pondo bago tuluyang mailunsad. Aabot sa 2.26% lamang Gross Domestic Product
(GDP) ang inilaan ng gobyerno. Malayo sa rekomendasyon ng United Nations na dapat nasa 6%
ng GDP ang inilalaan sa edukasyon. Patuloy na nababwasan and budget sa edukasyon, dahil mula
3.3 noong 2001, nagging 2.19% ito noong 2008 at 2.7% ng GDP sa taong 2009. Kung ikukumpara
ito, mas mataas pa ang sa ibang bansa. Hindi biro ang kinakailangan na pondo sa programang ito
kaya naman kabila-kabila ang nga magiging debate o diskursyo ukol sa usapin ito. Ang Kto12 ay
maituturing na suliraning pambansa dahil kapakanan ng lahat ng mamamayan ang usaping ito.
Ang usaping ito ay para sa kinabukasn ng mamayan pati na ng bansa kaya naman masusi dapat
itong binubusisa upang maiwasan ang pang matagalang problema.
Ang Pilipinas, pati na rin ang mga mamamayan ay magkakaroon ng isang mas mahusay na
edukasyon at isang mas magandang hinaharap sa pagdaragdag ng K12 sa kurikulum ng edukasyon.
Sa pamamagitan ng isang mas mahusay na kalidad ng edukasyon, ang mga mag-aaral ay
makakakuha ng magandang hinaharap. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay tataas habang nakakuha
ng mas mahusay na edukasyon ang ating lakas sa paggawa. Sa ganitong uri ng programa ng
pamahalaan, mas mapapaghandaan nila ang kanilang kinabukasan at magagawang maisagawa
nang maayos ang kanilang natutunan. Magagamit nang mabuti ang K12 sa mga mag-aaral at
maaaring makapagdala ito ng isang bagong simula para sa bansa.

Sanggunian:
Pasion, Pher, (2012). https://www.pinoyweekly.org/2012/03/k12-dagdag-aralin-dagdag-pasanin/
Orosa, Rosalinda (2014) https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2014/07/28/1351116/editoryal-ituloy-ang-k-12
Don Carlo Cavina School Website https://www.doncarlocavinaschool.com/why-k-12-what-is-k-
12-program/
Essays, UK. (2018) https://www.ukessays.com/essays/education/the-educational-curriculum-in-
the-philippines-education-essay.php?vref=1

You might also like