You are on page 1of 4

SALOK-DUNONG

A. Isulat angT kung wasto ang kaisipang ipinapahayag sa sumusunod na pahayag


at M kung hindi. Kung M ang sagot, ipaliwanag sa ibaba kung bakit mali ang
pahayag.

T1. Hindi maituturing na maka-Pilipinong pananaliksik ang isang paksa kung

Hindi itogagawinsakomunidad.

_________________________________________________________

M2. Maaring pumili ng tanong sa pananaliksik na sa internet lamang

makikita ang kasagutan.

 Mali, dahil may mga sagot na hindi maiipapaliwanag ng internet


at may mga sagot sa tanong na kailangan ng naayon sa tunay na
karanasan o pagkakaintindi ng isang tao.

T3. Maraming hamon sa mga mananaliksik na gagawa ng maka-Pililpinong

pananaliksik kung kaya’t kailangan niya na munang hintayin mamulat na

ang mga Pilipinong iskolar bago ito gawin.

__________________________________________________________

T4. AyonkayNeuman (1997), angpananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng

mga kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kani-

yang lipunan o kapaligiran.

__________________________________________________________

T 5.Bukod sa mga dakilang layunin ng pananaliksik, maraming kapakinaba-

ngan ang mananaliksik mula sa proseso ng pagtuklas.

__________________________________________________________

M 6. Hindi maapektuhan ng pagtanggal sa kursong Filipino sa kolehiyo ang


pananaliksik na maka-Pilipino.

 Mali, dahil ang maka pilipinong pananaliksik ay nakabatay na sa


kursong Filipino, at kung ito man ay tatanggalin malaki ang epekto
nito sa pagbuo ng pananaliksik.

M 7.Ang ano mang kaalaman na nakuha mula sa masa ay kailangang suriin


ng mananaliksik, ngunit hindi na kailangan pang ibalik o ibahagi sa kani-
la.
 Kailangan din naman natin itong ibahagi ng sa gayon ay
makakakuha rin sila ng karunungan kung paano gumawa ng
maka-Pilipinong pananaliksik.

T 8.Nagbibigay ng bigat at halaga ang pamimili ng angkop na wika at paksa

sa pananaliksik.

_________________________________________________________

T 9.Nalilimitahan din ang paksa sa pamamagitan ng pamimili ng panibagong

populasyon ng pananaliksik kahit duplikasyon lamang ito ng nakaraang

pananaliksik.

__________________________________________________________

M10. Maaring paliitin ang paksa sa pamamagitan ng pagpili ng ibang disenyo

ng pananaliksik.

 Hindi ito maaring paliitin dahil ito ay lubos na makakaapekto sa


pagsasagawa mo ng iyong pananaliksik.

DAONG-KAMALAYAN
Natunghayan sa buong aralin ang halaga na payabungin ang maka-Pilipinong
pananaliksik sa Pilipinas. Tingin mo ba ay makabuluhan pa ito sa panahon ng
globalisasyon? Ibigay ang sariling repleksiyon nito.
 Sa aking palagay, mabuti ang naidudulot ng paggawa at
pagpapayabong ng maka- pilipinong pananaliksik dahil maari itong
makahikayat ng ibat ibang klase ng tao upang maipakita natin sa kanila
kung gaano kayabong ang ating kultura.

SALOK-DUNONG
B. Isulat ang T kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod sa pamantayan
ng etikal na pananaliksik at H naman kung hindi.

M1. Kung ang pamayanan ay sarbey hindi na kailangan ng ipaliwanag sa


tagasagot ang layunin.

T 2. Makakabuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok ng


pananaliksik.

T 3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya


kung nakuhanan man ito sa hindi kilalang blogsite sa Internet.

M4. Hindi na kailangan banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isinalin naman
ito sa ibang wika.

T 5. Makakabuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan ng


pag-aaral.

M6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-tanggap na


hindi na balikan angmga taong naging kalahok sa pananaliksik.

T 7.Kailanganmulatnasumang-ayonangmgakalahoksapananaliksik.

M8.Kailangan paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang


magmukhang malalim ang pananaliksik.

T 9. Maaaring ipasa ang isang nagawa ng pananaliksik nang sabay sa


dalawang referred journal upang tiyak na matanggap ito.

M 10. Hindi nakailangan ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang


resulta ng pananaliksik.
C. Basahing mabuti ang sumusunod na kaso sa pananaliksik at tukuyin kung may
naganap na paglabag sa etikal na pamantayan sa pananaliksik. Pangatuwiranan
ang inyong sagot sa bawat isa.

I. Nanaliksik si Brian tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip


niyang basahin ang aklat ni Paulo Freirena Pedagogy of the Opressed
upang makatulong sa kaniyang pagsusuri, ngunit nahihirapan siyang
maghanap ng kopya. Nabasa niya sa isang paniniliksik ni Dr. Laura Sy at
binanggit ang dalawang awtor sa tala. Sasanggunian, kapuwa rin niya
binanggit ang libro ni Freire at artikulo ni Dr. Sy.

 Para sa akin walang naganap na paglabag sa etikal na pamantayan dahil


nabanggit naman niya ang dalawang awtor ng libro na kung saan siya
kumuha ng ng kaniyang pananaliksik.

II. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng


Eraserheads. Natanggap ito para sa publikasyon sa isang journal ng mga
pananaliksik sa kulturang popular. Hindi pa niya ipinagpaalam sa bandang
Eraserheads ang paggamit niya ng mga kanta nito sa kaniyang
pananaliksik. Ang katuwiran niya ay matagal na itong isinapubliko at
nagkawatak-watak na ang banda.

 Para sa akin may paglabag sa etikal na pamantayan ang ginawa ni Joel


dahil hindi siya nagpaalam sa mismong gumawa. Para sa akin kailangan
pa rin nating humingi ng pahintulot sa gumawa kahit sila ay hindi na
magkakasama dapat nating irespeto ang gawa ng iba ng sa gayon ay
respituhin tayo nila.

You might also like