You are on page 1of 2

LIBON COMMUNITY COLLEGE

Libon, Albay
Pamagat ng Kurso: Filipino, MC 102 – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II (Panitikan ng Pilipinas)
Kurso/Seksyon: BEED 3 - Ikalawang Semestre, Taong Panuruan 2020-2021

I. Pamagat ng Kagamitan: Modyul 1: Oryentasyon ng Kuro at Pagkilala sa Isa’t isa.

II. Panimula:
Kumusta bess? Alam kong nakakapanibago sa isang tulad mo ang sistema ng pag-aaral ngayong panahon ng
pandemya. Bilang tugon sa pangangailangan mo at ng edukasyon, sinikap kong ihanda ang modyul na ito upang
mapadali ang pag-aaral mo.
Huwag kang mag-alala bess… Hindi ka mahihirapan sa mga aralin at gawaing nakapaloob dito. Sundin mo
lamang ang ipapagawa ko. Tandaan, HINDI mo susulatan ang modyul na ito. Kailangan mong gumamit ng sagutang
papel at inaasahan kong maalam ka na sa maayos na paraan ng pagsusulat. (Cursive writing, No erasure)

Ang kursong ito ay tungkol sa; Pagtuturo sa Elementarya II, na sumasaklaw sa Panitikan ng Pilipinas salig sa
ipinapatupad ng kurikulum, Bisyon at Misyon ng LICOM. Ang lahat ng sakop nito ay isa-isa mong pag-aaralan sa
pamamagitan ng mga modyul at paggabay ko, na iikot sa kabuuan ng araling dapat mong matutunan. Sisimulan mo
ang Modyul 1 sa pamamagitan ng pagpapakilala ng iyong sarili, pagkilala sa akin bilang bago mong guro ngayong
ikalawang semester. Gayundin ang pag-alam sa mga bagay-bagay na dapat mong maintindihan. Pakatandaan: HINDI
mo kailangang sulatan ang modyul na ito.

Alam kong interesado ka na ring makilala ako, bilang guro…


Ako si Gng. Rosalie V. Sayson, Nagpakadalubhasa sa Filipino sa Paaralang Graduwado ng University of Saint
Anthony, Iriga City sa kursong Master of Arts in Education. Kasalukuyang guro ng Senior High School sa Libon Agro-
Industrial High School at isa sa mga datihang part-time instructor ng Libon Community College. Ako ang makakasama
mo ngayong semestre.
Ikinagagalak kong kabilang ka sa aking klase…

III. Pamantayan sa Pagmamarka


Nais kong maging malinaw sa’yo ang lahat. Kung kaya’t iisa-isahin ko ang mga dapat mong malaman kung
paano ko mamarkahan ang isang semestreng ako ang kasama mo at ang mga gawain/modyul na dapat mong pag-
aralan. Ulitin ko, hindi man tayo nagkikita, subalit ang paggabay ko ay magiging madali sa pamamagitan ng group
chat/google classroom na alam kong kabisado mo.

Narito ang mga bagay na dapat mong maintindihan:


Module Accomplishment – 50%
 Prompt submission of output – 20%
 Quality of output – 30%
Projects – 20%
Midterm/Final Examination – 30%
Madali namang maintindihan di’ba?
Kung mabibigyan tayo ng pagkakataon, maari naman tayong magkita sa google meet. O diba masaya yon? Alam kong
ang ilan o is aka sa nalulungkot dahilan sa kawalan marahil ng gadget at kakulangang pinansyal. Naiintindihan ko yon
bess… Kailangang mag-isip ng paraan kung paano sasabay sa agos ng panahon. Sabi nga, pag gusto may paraan. Pag-
ayaw, maraming dahilan…
Gawin mo na ang kasunod na gawain bess.

IV. Pagpapakilala ng Mag-aaral


Nais kong makilala ka. Kung kaya’t ikaw naman ngayon ang binibigyan ko ng panahong makagawa ng isang
sulating lubos na magpapakilala ng iyong sarili. Handa kana ba? Maaari mo ng simulan
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Binabati kita! O di ba bess, madali lang naman… Mahusay mong naisulat at naipakilala ang iyong
sarili. Baka may nakalimutan ka pa… Balikan at basahin mo pangng muli.
Inaasahan ko na mula sa Modyul 1 mong ito ay tuloy-tuloy mong gagawain ang inaasahan ko mula
sa iyo.
Bilang pinakahuling gawain, nais kong magsaliksik ka tungkol sa kasunduang ipagagawa ko.
V. Kasunduan
1. Magsaliksik: Paano ang pagtuturo ng panitikan sa mag-aaral sa elementarya?
2. Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan ng Pilipinas?
3. Ano ang panitikan?

You might also like