You are on page 1of 1

1. Actually marami po akong hobbies.

Hilig kong maggawa ng mga bagay galing sa mga scrapped


materials. Nakahiligan ko na din po ang pagtuturo sa aking pamangkin tungkol sa kanyang modules. Di
ko alam kung bakit pero dati hate na hate ko ang pagtuturo feeling ko kasi di ako magaling doon at di din
ako kagalingan mag explain pero yung makita kong natututo sa akin ang pamangkin ko ay nakakaproud
sa pakiramdam, sa sarili ko at lalo na sa pamangkin ko kahit na minsan ay may mga time na nagagalit
ako. Dahil doon narealize ko na ang sarap pala magturo, kakainit man ng ulo minsan pero kakatuwa pa
din. Napapaisip tuloy ako kung mag iiba ako ng course hehe:). Hilig ko din ang pagbubusiness dahil sa
palagastos akong tao at ayaw ko ng umasa pa sa magulang ko ng aking mga luho naisipan namin ng
boyfriend ko ang pagbubusiness kahit simple lang. Kakaenjoy lang kasi ang daming sumusuporta sa
aming business which is yung pagbebenta namin ng mango jelly and coffee jelly:)

2. Yung experience siguro na nakatulong sakin para maging best version of myself ay nung nalaman
namin na may sakit yung mama ko na schizoperenia mental disorder. Actually, matagal na niya iyon
nararanasan, nito lang namin nalaman na schizoperenia pala yung case, ang pagkakaalam kasi namin
dati may sumasapi tas may nag aalaga na laman lupa, marami na din kasi kami napagdalahan na
manggagamot. Gumagaling naman pero sa mga taon na nagdaan napansin namin na sa tuwing na
sstress siya ay bumabalik yung sakit niya. As in sobrang hirap ng sitwasyon namin everytime na
nagkakasakit yung mama ko kasi anjan yung mga bullies, yung mga taong pakielamera at chismosa na
wala naman ambag sa buhay namin na kung ano ano ang nasasabi sa amin. Minsan sa school di ako
makapagfocus masyado dahil pumupunta punta yung mama ko gumagala gala tas yung ibang kaklase ko
sinasabi sakin na yung mama mong luka oh anjan. Ansakit lang para sakin kasi kahit hanggang ngayon
na malaki na ako naririnig rinig ko pa din iyon pero dahil sa ilan taon na pabalik balik ang sakit ni mama at
taon taon ko na rin naririnig ang mga salitang iyon ay tila nasanay na ako. Noon everytime na mabubully
ako umiiyak ako tas nahihiya sa mga tao pero ngayon na lumalaki na ako mas nagiging matibay ako.
Umiiyak man ako ay di na ganon kadalas. Natutunan ko na mas maging matibay kasi alam ko na ako
lang ang pag asa ni mama at ako lang ang tanging mag aalaga sa kanya. Mahirap magkaroon ng sakit
ang ina pero dahil sa sakit ni mama mas natuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa mula pagkabata
pa lamang at sa tingin ko dahil sa mga challenges na dumating sa aming buhay iyon ang nakapagpa best
version of myself ko kasi marami akong natutunan. Hindi pa man nakakfully recovered yung mama pero
isa lang maipapangako ko sa kanya at yun ay yung di ko sya iiwan at mas magiging matatag ako para sa
kanya. Mahirap man madalas pero kakayanin kasi alam ko anjan si lord parati sa akin.

3." Do what makes you happy and don't care what others think"

You might also like