You are on page 1of 2

1.

Sa anong karanasan mo sa buhay, naramdaman ang pagpapadama ng Diyos

ng Kanyang kagandahang-loob?

Habang naglalakbay tayo sa buhay, bawat isa sa atin ay makakaranas ng ilang hindi

pangkaraniwang pangyayari kung saan natatatak sa ating alaala at hindi kailanman

malilimutan. Isang taong gulang palang ako iniwan na ako ng tatay ko pero may pumalit

naman na mas responsable. Swerte ako sa pamilya ko ngayon at walang sawang

biyaya ang ipinagkakaloob ng Diyos saamin. Lalo kong naramdamn ang kanyang

kagandahang-loob nung nagging successful lahat ng mga business naming dahil sa

sipag at tyaga ng aking magulang at dahil na din sa gabay niya.

2. Sa paanong paraan pinadama ng Diyos sa iyo ang Kanyang kagandahang-

loob?

Pinadama saakin ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob sa tuwing ginigising niya

ako sa unaga dahil ako ay nakakaranas ng depresyon at hirap na hirap ako sa aking

buhay pero binibigyan nya parin ako ng pag-asa para bumangon. Ilang beses ko na rin

sinubukang mag pakamatay ngunit ngayon unti-unti ko ng nauunawaan kung gaano ka

importante lumaban kesa sumuko. Ang dami kong mabibigat na karanasan sa buhay at

ang pananampalataya ang nagpapagaan palaging loob ko. Nung namatay ang bunso

naming kapatid, hindi naming alam paano babangon ulit at dahil Diyos na gumagabay

unti unti naming natututunan lagpasan ang mabigat niyang pagsubok saaming lahat.
3. Anu-ano ang mga pagbabago sa iyong buhay?

 Marami ang nag bago sa aking buhay, kung dati hinahayaan ko lang apak apakan ako

ng mga tao pero ngayon hindi ko na pinapalagpas. Dati napaka isip bata ko lahat

nalang big deal at takaw ako sa tensiyon dahil di iyon naiibigay ng magulang ko pero

hindi ko sila sinisisi dahil may kanya kanya tayong responsible sa buhay. Dati pag

lumalayo mga nagiging kaibigan ko nag mamamakaawa akong huwag nila akong iwan

pero ngayon kung sino nalang natira sila nalang papahalagahan ko dahil hindi na

kailangan ipaglaban ang mga taong sinukuan ka na.

You might also like