You are on page 1of 4

Background at Pangangailangan na isagawa ang Proyekto

Noong Abril 6, 2019, naganap ang isang malawakang sunog sa likod ng


Batangas Port sa Sta. Clara. Tinatala na nasa 100 bahay ang nasunog mula sa
naturang aksidente. Ang sunog na tumupok sa mahigit 100 bahay ay nagiwan ng 200
pamilyang walang tirahan.
Para sa kanilang matutuluyan, iniulat ni City Social Welfare and Development
Officer Mila Espanola na may kabuuang 1,790 evacuees kung saan 1,025 ang nasa
Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB), 189 ang nasa Livelihood Center sa Batangas
Port, 546 ang nasa Barangay Hall at sa Sta. Clara Elementary School at 30 ang nasa
Sitio Ibaba sa nasabing barangay. Ayon din sa kanya, higit na nangangailangan ang
mga evacuees ng pagkain lalo na ng mga gulay, cooking at eating utensils, underwear,
toiletries , unan, banig, at kumot. Bukod sa mga ito, ang pamilyang nasa mga
evacuation centers ay nangangailangan din ng kanilang sariling bahay na malilipatan at
matitirhan.
Ang aming ahensya ay may Proyekto na makatutulong sa mga pamilya na
nasalanta ng sunog sa nasabing lugar. Ang National Housing Authority ay may
proyektong pagtatayo ng 200 bahay para sa 200 pamilyang nawalan ng tirahan.
Inaasahan na ito ay malaking tulong para makapag simulang muli ang mga nasunugan
sa buhay.

Budgetary Requirement
Sa proyektong ito, ang National Housing Authority ay nangangailangan ng 105 milyong
piso bilang kabuuan na magagastos sa 200 pabahay para sa mga nasunugan. Ang
NHA ay ay naglalayong magkaroon ng sapat na kakayahan upang ipatupad ang
nasabing proyekto, sa tulong ng programa ng Administrasyong Duterte sa Build, Build,
Build Program. Ang halagang ito ay paghahatihatian ng mga gagastusin sa proyektong
nakalaan para sa mga materyales na kakailanganin upang matayo ang bahay. Kasama
din sa badyet ang manpower o ang sweldo para sa mga manggagawa.
Human Demand
Ang National Housing Autority ay isng ahensya ng gobyeno na responsable para
sa pampublikong pabahay sa Pilipinas. Inayos ito bilang isang kororasyon na pag-aari
at kontrolado ng gobyerno sa ilalim ng Housing and Urban Development Coordinating
Council bilang isang kalakip na ahensya.Dito papasok ang usufruct o pansamantalang
karapatan na gamitin ang ari-arian ng isang tao, pangmatagalang upa, ibat ibang
sistema ng pag-upa at land-banking, nanikita upang matugunan ang mga isyu ng
kakayahan ayos sa PDP. Gamit an isnag “sistema ng impormasyon ng pinagsama-
samang lupa at pamilya ng mga informal settler,” kikilalanin ng gobyerno ang mga
pagaari nitong lupa na nakatiwangwang na maaaring magamit sa socialized at low-cost
na pabahay.

•Project Manager, ay tagapamahala ng isang espisipikong proyekto. Siya ang


magdodokumento ng nasabing proyekto, magba-budget, at magpaplano.
• Structural Engineer, sila ay kaakibat ng mga Enhinyerong Sibil, ang kanilang atensyon ay
naka-focus sa integridad at disenyo ng isang proyekto.
• Contractor, ay ang nagbibigay ng mga pangagailangan ng isang proyekto, tulad ng mga
materyales at mga tabahador. Sila ay nagbibigay ng kasunduan na pinapagtibay ng batas
tungkol sa napagkasunduang usapan.
• Supplier, ay sumasailalim sa contractor. Sila naman ay ang naka-focus sa pagbibigay ng
kaulang materyales na kinakailangan sa proyekto.
• Foreman, sila ay mga bihasang trabahador na namumuno sa buong crew. Ang proyekyong
ito ay nangangailangan ng 300 magagaling at may mahusay na kasanayan sa pag
gawa ng mga bagay.

Timeframe
Ang proyekto ng NHA ay balak simulan sa hunyo ng taong 2020. Para sa tagal
ng paggawa, ang proyektong ito ay inaasahang matatapos sa loob ng isang taon at
walong buwan. Sa pag estimeyt ng mga enhinyero sa aming ahensya, aabot ng 2
buwan kada yunit ang tagal ng paggawa. Sa pagdami ng tao ay sa pagbilis na
matatapos ang pabahay.
300 Mangagawa/15 manggagawa bawat bahay = 20 bahay
200 bahay/ 20 bahay = 10 yugto ng paggawa
10 yugto ng paggawa x 2 buwan = 20 buwan o 1 taon at 8 buwan

Aktibidad Enero - Marso Abril Mayo Disyembre


Pebrero 2020 2020 2020 2021
2020

Pag kondukta ng
assestment sa
lalawigan.

Paghahanap ng
lupang
maaaring
pagtayuan ng
pabahay
Pagsumite ng
Project Proposal
at Detailed
Engineering
Design sa
Municipal
Engineering
Office.

Simula ng
paggawa

Inaasahang
tapos
Mekanismo ng Ebalwasyon ng Programa
Magkakaroon ng pagbisita ang National House Authority habang at pagkatapos
gawin ang proyekto para bantayan, pamunuan at gabayan ang mga gumagawa.
Pagkatapos gawin ang pabahay, magkakaroon ng interbyu bago lumipat ang 200
pamilya sa kung anong pagbabago ang inaasahan nila matapos maibahagi ng libre ang
pabahay. Magkakaroon din ng interbyu o pagpupulong ang NHA at representatibo ng
mga gobyerno sa lalawigan ng Batangas. Pagsabit ng taong 2022, tapos na ang lahat
ng pabahay para sa mga nasunugan sa Sta. Clara, kaya muli silang kakausapin kung
anong mga pangyayari sa buhay nila sa loob ng unang anim na buwan. Mauulit ito
pagkatapos ng anim buwan.

You might also like