You are on page 1of 3

Posisyong Papel

Sa

“Cavite Incident”

Na inihanda nina:

Camilet, Princess Erica Cunanan, Veejay Cuyos, Shiela Mae

Castor, Eleanor Hershey De Luna, Alanis Jherence

Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Mayroong dalawang bersyon ito ang
“Spanish Version of the Cavite Mutiny of 1872” ni Jose Montero y Vidal na at ang “Filipino Version of Cavite Mutiny
of 1872” ni Dr. T.H. Pardo de Tavera. Ang Cavite Mutiny ay isang pag-aalsa na kung saan kabilang ang 200
Filipinong sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng pamahalaang kolonyal ang pag-aaklas
na nangyare ngunit naging isang mahalagang pangyayare ito dahil ginamit itong dahilan upang isakdal at hatulan
ng kamatayan nina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora o mas kilala natin sa
pangalang “GomBurZa” ang tatlong paring namatay sa garrote. Ang kadahilanan kung bakit pinapatay ang tatlong
pari ay dahil sa bintang na pagkakasangkot sa pag-aalsa ngmga Pilipino sa arsenal o gawaan ng armas ng mga
Espanyol sa Cavite. Bunga ng pagbitay sa kanila, maraming Pilipino ang tuluyang nawalan ng tiwala sa mga
Espanyol

Sinasabi sa kwento na nag-ugat ang pag-aalsa dahil sa pagpapataw ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquidero
ng personal na buwis sa mga kawal at manggawa, samantalang dati na silang hindi saklaw nito. Sa pamumuno ni
Fernando La Madrid, isang mestisong sarhento, nag-alsa sila noong 20 Enero 1872. At sa kanilang pag-aaklas ang
hudyat dapat ng simula ng labanan ang mga paputok mula sa Intramuors noong gabing iyon. Sa kasamaang
palad, ang hudyat na kanilang nakita at sinunod ay isa lamang paputok na galling sa pista ng Birhen ng Loreto,
ang patron ng Sampaloc.

Sa aming pagbabasa sa tekstong ito ay may mga nakita kaming mga argument. Ang mga pangunahing argumento
na nakita namin sa “Cavite Mutiny” ay ito:

 Pag-alis ng mga pribiliheyo natinatamasa ng mga manggagawa sa Cavite arsenal gaya ng hindi
pagbabayad ng tribute.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit napagdesisyunan ng mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol. Noon,
ang mga Pilipino o "Indio" na ibig sabihin ay mangmang o walang alam, ay sunud-sunuran lamang sa mga
Espanyol. Dahil sa pang-aabuso na ginawa ng mga Espanyol napag bayarin ang mga Pilipino ng tribute kahit
kakaunti nalamang ang mga sinasahod ng mga Pilipino at tanggalan ng karapatan na lumiban ng ilang araw
mula sa pagtatrabaho ng mga ito (sapilitang paggawa) ay nag-alsa ang mga ito laban sa mga Espanyol ngunit
hindi nagtagal dahil sila ay pinagbantaan at tinakot ng mgaawtoridad kaya't bumalik nalamang sila sa mga
trabaho.

 Ang hindi makatuwirang pagpataw ng buwis at sapilitang pagtrabaho ng mga “indio” noon ang naging
dahilan sa kanilangpag-aalsa laban sa mga mapang-abusong Espanyol.

Noon paman ay nagingmalupitnaangpamumuno ng mgaEspanyolsaatingbansa.


MaramingPilipnoangnagdusadahilnawalan ng karapatangpantao. Pinaniniwalaang nag-ugatangpag-
aalsasapagpapatawniGobernador- Heneral Rafael de Izquierdo ng personal nabuwissamgakawal at
manggagawa, samantalangdatinasilanghindisaklawnito. Isinaad ng buwisangpagbabayad ng salapi at
pagbibigay ng polo y servicio, o sapilitangtrabaho. Nang natanggap ng mgamanggagawaangkanilangsahod,
binawasannaito ng buwis.Lalongnagalitangmga Pilipino nanagingdahilang ng pag-aalsa. Noongika-Enero 20,
1872 nag-alsaangmga Pilipino sapamumunoniSahento Fernando La Madrid ngunitnabigosila at
doonnanasangkotangmga paring GOMBURZA.

 Hindi makatarungang pagtrato ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Sa makatuwid, naging dahilan ito upang
mas sumidhi ang saloobin ng ating kapwa Pilipino at nagpasyangmagkaroon ng pag-aalsa.

Sa loob ng mahabang panahon na pananakop ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas namulat na ang mga
“indio” o mga Pilipino sa mga malinggawain o pamamahala ng mga Espanyol gaya na lamang ng buwis na
pinapataw sa kanila. Kung iisipin ang mga Pilipino noon ay tahimik lamang na sumusunod sa kanilang mga
gawain ngunit nang dumating ang Gobernador-Heneralnasi Rafael Izquierdo ay agad niyang pinamunuan ang
vabsa at pinatawan ng buwis at sa pilitang pinagtrabaho ang mga Pilipino na hindi naman sinangayunan ng
mga Pilipino dahil ito ay isang kalabisan na sa kanila. Ang mga tumutol o hindi sumunod sa patakaran ng
Gobernador-Heneral ay kanilang pinapatay, kaya naman ang mga Pilipino ay buong loob na nagdesisyon na
mag-alsa laban sa kanila upang ipag-laban ang kanilang karapatan. Ang insidente sacavite ay isang pag-aalsa
laban sa mga Espanyol dahil nais ng mga Pilipino namabago ang pamamahala at ang sistema ng kanilang
bansa. Ninais nila na makawala sa mahigpit napagkakahawak ng mga Espanyol at malayang gawin o isabuhay
ang kanilang mga karapatan.
 Pagkapatay ng tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora ang
tatlong paring martir na napatay sa garrote

Isa ito sa pinaka argumento dito sapagkat makkikita sa kwento na ang pagpapatay sa mga pari ay hindi
nararapat kahit ito ay dumaan sa korte sapagkat sobrang bilis ng paglilitas at sinadya ito nga mga Espanyol
para mapanakot sa mga Pilipino na mag-alsa.

 Ang mga Pilipino o “indio” kung tawagin noon ng mga Espanyol ay matagal nang nasanay sa pananakop
ng mga dayuhang ito. Ngunit iba ang pananaw ng ibang mga natives, Chinese mestizos at iba pang uri ng
tao noon dito lalo na ang mga pari dahil mayroon silang kapangyarihan na mamuno lalo na pagdating sa
edukasyon.

Ang mga ito ay nag-alsa dahil ang bagong captain-general ay kinontrol ang bansa base as sinasabing krus sa
isang kamay at espada naman sa isa pa. Dahil dito, sila ay umalma dahil hindi na makatarungan ang
pamamalakad nito sa bansa. Halimbawa na rito ay may mga bagay na hindi naman ginagawa ng ilan ngunit
kailangan na nilang gawin dagdag pa rito ang pagbabayad ng buwis na hindi naman nila nakasanayan. Nais
lamang nilang lumaya sa mapang abusong mga dayuhan ngunit ito ang nag-udyok sa kanilang madugong labanan
at sa pagkaka-aresto sa ilang mga may awtoridad. Ito ang naging panimula ng pagkasabik ng mga Filipino na
makamit ang kalayaan

Ang nangyari sa Cavite noong ika-20 ng Enero taon 1872 ay maituturing na pag-aalsa. Dahil ang mga Pilipino na
nagta-trabaho sa arsenal ay nais na baguhin ang pamamalakad ng Gobernador-Heneral na si Rafael Izquierdo.
Nakita ng mga Pilipino ang hindi makataong pagtrato sakanila ng Gobernador-Heneral. May mga Pilipinong
sumusuway dito ngunit sila ay pinapapatay ng Gobernador-Heneral kaya naman mas sumidhi ang saloobin ng
mga Pilipino at nagplano na mag-alsa laban sa katiwalian at pang-aabusong kanilang nararanasan sa
pamamahala ng espanyol. Ang Pag-aalsa na ring ito ang naging tulay sa mga espanyol para patayin ang mga
opisyal na bumabatikos o tumataliwas sa kanilang mga plano Gaya na lamang ng tatlong Prayle na
pinagbintangan na namuno sa pagaalsang ginawa ng mga Pilipino sa Cavite. Ito rin ang naging dahilan ng isang
malawakang rebolusyon na tinatawag na Himagsikang 1896

You might also like