You are on page 1of 2

La Liga Filipina vs.

Katipunan
Higit tatlong siglo ng paulit-ulit at kung saan-saang pakikipaglaban para
sa karapatan at kalayaan. Hindi ito naging sapat upang mapatalsik ang
mananakop sa ating isla. Dito na nabuo ang damdaming makabayan at
makabansa sa mga Pilipino. Isang kaisipan na sa kanila ng iba't-ibang pagpigil
sa mga mananakop ay magbibigay ng panibagong sigla at dahilan upang
magsama-sama at iwaksi ang pagpasok ng dayuhan na walang hinangad kundi
ang ubusin ang ating likas na yaman dahil na rin sa paniniwalang tayo ay
galing sa iisang lahi. Dito umusbong ang salitang NASYONALISMO.
Sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena ang mga
nanguna rito ngunit sa kabila ng kanilang kakaibang paraan upang
maisakatuparan ang damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng tinatawag
na "reporma", hinimok ng iba pang lider kabilang na dito si Gat ANDRES
BONIFACIO na ipagpatuloy ang laban na may iisang hangarin at ito ay 'upang
huwag magpasakop sa dayuhan sa ano pa mang dahilan'. Tunay ang
binitawang salita ng dayuhang si William Howard Taft ng kanyang isambat sa
kanyang planong pagbabalik sa Estados Unidos na, "The Philippines is for the
Filipinos".
Principales o ang mga prominenteng may-ari ng lupa at maykaya ang
siyang naghahari-harian sa ating bansa. Pinamumunuan tayo ng mga
Gobernador Heneral na pawang mga Kastila at iba pang matatas na opisyal.
Mayroon din namang Pilipinong opisyal ngunit mababa lamang at halos
walang boses sa administratinong pagpapatakbo ng bansa. Sa pagkakabuo ng
mga tinatawag na 'Ilustrados (enlightened ones)' o mga Pilipinong may
matataas na pinag-aralan, namulat sa kanila ang mapangaping pamamalakad
ng mga Kastila na sila rin mismo ay nakaranas ng kalupitan sa kanilang
pagnanais na makapagtapos sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng isang
banyagang si Gob. Hen. Carlos Maria Dela Torre na nagpakita at nagpalaganap
ng liberalismo sa bansa sa pamamagitan ng mga pagbabagong kanyang
ipinatutupad, nag-udyok ito upang ipagpatuloy ang repormang nais simulan
ng mga ilustrados sa bansa.
Nang itatag ang La Liga Filipina ni Gat Jose Rizal sa kanyang pagbabalik
mula sa Españ a, dito na tuluyang namulat at nabuhayan ng loob ang ating mga
kababayang Pilipino sa pag-asang matagal na nilang nais makamit- ang
kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop. Naging aktibo ang lahat ng
miyembro ng La Liga kabilang na dito si Gat Andres Bonifacio na itinuring si
Rizal na idolo at simbolo ng pag-asa. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang
ginamit ni Gat Andres ang pen name na May Pag-asa sa unang pagtitipon
nilang mga lider kasama si Rizal sa Tondo, Manila sa pagbabalik ng huli.
Ipinakalat ni Andres Bonifacio ang lalo pang paglaki at pagbuo ng iba't-
ibang kabanata ng La Liga lalong-lalo na sa Maynila. Dito naramdaman ang
mainit na kondisyon pampulitika sa ating bansa nang pamunuan ng Españ a
kaya't minarapat nilang ipadakip si Rizal upang matigil at magsilbing panakot
sa mga Pilipinong nais bumuo ng paghihimagsik. Ngunit sa pagkakataong ito,
lalo nagliyab ang damdaming makabayan nina Andres Bonifacio at iba pang
lider at dito nila naisip na hindi reporma lang ang solusyon sa suliranin ng
ating mga kababayan kundi ang isang malawakang rebolusyon laban sa mga
dayuhang mananakop. Dito naisip ni Gat Andres Bonifacio kasama ng iba pang
lider ang pagbuo ng Kataastaasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan (Katipunan o K.K.K.).

You might also like