You are on page 1of 25

Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Module Code: Pasay-AP6–Q2-W6-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Unang Araw

MELC 6: Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones

Layunin 6.1: Nailalarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng mga


Hapones

ANG ATING ARALIN SA ARAW NA ITO


Sistema at Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng mga Hapones

Hinirang si Jose B. Vargas bilang Pangulo ng Komisyong Tagapagpaganap (Philippine


Executive Commission) noong ika-23 ng Enero 1942. Ang pamahalaan ay tinawag na Central
Administrative Organization (CAO) na binubuo ng anim na kagawaran na ang bawat isa ay may
kalihim na Pilipino ngunit bawat kagawaran ay may tatlo hanggang limang ekspertong Hapon na
tumatayong tagapayo na nagmamatyag at nagsasabi kung ano ang gagawin.
Central Administrative Organization
Komisyong Tagapagpaganap - Jose B. Vargas
Mga Kagawaran (Bawat Kagawaran ay may tumatayong Hapones na Tagapayo)
Katarungan - Jose P. Laurel Panloob - Benigno S. Aquino Sr.
Pananalapi - Antonio delas Alas Agrikultura at Komersiyo - Rafael Alunan Sr.
Gawaing Bayan at Komunikasyon – Quintin Paredes
Edukasyon, Kalusugan at Kapakanang Bayan - Claro M. Recto
Nilikha noong Hunyo 19, 1943 ang Preparatory Commission for Philippine Independence
(PCI) upang maghanda ng isang Saligang Batas para sa Republikang tatangkilikin ng mga
Hapon. Si Jose P. Laurel ang napiling pangulo at sina Ramon Avanceña at Benigno Aquino Sr.
ang mga napiling pangalawang pangulo. Itinadhana ng Saligang Batas na magkakaroon ng
tatlong sangay ng kapangyarihan ang pamahalaan: sangay tagapagpaganap, panghukuman at
pambatasan. Binigyang diin ng Saligang Batas ng 1943 ang kapangyarihan ng Hapon sa
Pilipinas sa ilalim ng programang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
Pinasinayaan ang Ikalawang Republika noong Oktubre 14, 1943. Nang araw ring iyon ay
pinilit ng mga Hapon si Laurel na lumagda sa isang kasunduang militar. Balewala ang
kasunduang ito sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay nanatiling tapat sa Estados Unidos at sa
mga simulating demokratikong pinalaganap ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Lumikha si Pangulong Laurel ng mga bagong kawanihan, tanggapan at komisyon. Binago
niya ang sistema ng Hukuman. Sinikap niyang maging makatotohanan ang Republika ngunit
lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mga Hapones ay hindi naging matapat
sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang bansa. Ang karapatan ng mga mamamayan
ay kanilang nilapastangan at ang pagmamalupit ay nagpatuloy.

Page 1 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Maituturing na isang Republikang Puppet ang itinatag na pamahalaan ngmga Hapones


sa bansa. Naging sunud-sunuran lamang si Laurel sa mga utos ng mga Hapones. Sa pangalan
lamang nanungkulan ang mga pinunong Pilipino at nanatiling Hapones pa rin, sa pamumuno ng
director-heneral, ang nagpapalabas at nagpapatupad ng mga batas. Tinawag na mga
Kolaboreytor ang mga pinunong Pilipino na sumuporta sa mga gawaing pampolitika ng mga
Hapones at Makapili naman ang tawag sa mga Pilipinong nagkanulo sa kapwa nila Pilipino sa
mga Hapones. Ang panahong ito ay tinawag na Panahon ng Kadiliman

Sanggunian para sa iba pang pagsasanay:


Project EASE, Pananakop ng mga Hapones at Reaksyon ng mga Pilipino p. 12

HANDA KA NA BA?

 Malinaw na ba sa iyo ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng


mga Hapones? Kung ikaw ay handa na maaari mo ng subukang sagutin ang
mga pagsasanay sa modyul na ito.


PAGSASANAY 1

PANUTO: Itiman ang TAMA kung ang mga salitang naglalarawan sa sistema at
balangkas ng pamahalaang kolonyal ng Hapon at MALI kung hindi.

TAMA MALI
1. Makatarungan
2. Kinatatakutan
3. Binubuo ng tatlong sangay
4. Halal ang mga pinuno
5. May kalayaan ang mamamayan
6. Puppet ang mga pinuno
7. May tumatayong tagapayong Hapones
8. May mga karapatan ang mamamayan
9. Kontrolado ng Hapones ang kapangyarihan
10. Naglilingkod ng may respeto at pagmamahal sa mamamayan

Page 2 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PAGSASANAY 2

PANUTO: Ilarawan ang sistema at balangkas ng pamahalaang kolonyal ng mga


Hapones sa pamamagitan ng pagbuo sa graphic organizer.

Komisyong Tagapagpaganap
ng Pilipinas
___________________________

__________________
___

__________________________________________

PAGSASANAY 3

PANUTO: Isulat ang TAMA kung naglalarawan sa sistema at balangkas ng


pamahalaang kolonyal ng Hapones at MALI kung hindi.
______ 1. Nahahati sa tatlong sangay ng kapangyarihan ang pamahalaan.
______ 2. Si Jose P. Laurel ang tumayong pangulo ng pamahalaang Puppet.
______ 3. Nasiyahan ang mga Pilipino sa sistema ng pamahalaang itinatag ng mga
Hapones.
______ 4. Ang mga pinuno sa anim na kagawaran ay may ganap na kapangyarihan.
______ 5. Ang Saligang Batas ng 1943 ay bumalangkas sa pagtatatag ng Ikalawang
Republika.

Page 3 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

______ 6. Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ang naatasang maghanda ng
Saligang Batas
______ 7. Tumayong pangulo ng Philippine Executive Commission si Jorge B. Vargas.
______ 8. Tatlo hanggang limang Hapones ang nagsilbing tagapayo ng anim na
kagawaran na pinamumunuan ng mga Pilipino.
______ 9. Ang Philippine Preparatory Commission for Independence ay itinatag upang
bumuo ng hukbo na lalaban sa mga Hapones.
______ 10. Puppet Republic ang tawag sa Ikalawang Republika dahil nasiyahan ang
mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Hapones.

ISAISIP MO!

 Pamahalaang Sentralisado ang binuo ng mga Hapones sa bansa na


tinawag na Central Administrative Organization (CAO) na binubuo ng
anim na kagawaran.
 Si Jorge B. Vargas ang hinirang na pangulo ng Komisyong
Tagapagpaganap.
 Nabuo ang Saligang Batas ng 1943 na nagtatadhanang ang
pamahalaan ay nahahati sa tatlong sangay ng kapangyarihan:
tagapagpaganap, panghukuman at pambatasan.
 Itinatag ng mga Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng
pamumuno ni Pang. Jose P. Rizal na tinawag na Republikang Puppet.

SUBUKIN MO

PANUTO: Basahin mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.

______ 1. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones sa bansa?


A. Demokratiko C. Malaya
B. Komonwelt D. Puppet
______ 2. Sino ang nahirang na pangulo ng Komisyong Tagapagpaganap?
A. Benigno S. Aquino Sr. C. Jorge B. Vargas
B. Claro M. Recto D. Jose P. Laurel
______ 3. Sino ang mga tinaguriang espiya ng mga Hapon?
A. Kempetai C. Gerilya
B. Kolaboreytor D. Makapili
______ 4. Sino ang naging Pangulo ng Ikalawang Republika?
A. Rafael Alunan Sr. C. Jose P. Laurel
B. Quintin Paredes D. Antonio delas Alas

Page 4 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________


______ 5. Sino ang mga Pilipinong nakipagtulungan sa mga Hapones?
A. Gerilya C. Kolaboreytor
B. Kempetai D. Makapili
______ 6. Bakit itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence?
A. Humirang ng bagong magiging pangulo ng bansa.
B. Magpatupad ng mga batas na magbibigay ng kapangyarihan sa mga
Pilipino
C. Pamunuan ang paggawa ng bagong Saligang Batas para sa pagtatatag
ng Republika.
D. Magkaroon ng mga kagawaran at tanggapan na magsusulong ng
kabutihan ng mga Pilipino.
______ 7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa sistema ng pamahalaang
kolonyal ng Hapones?
A. Pilipino lahat ang namumuno C. May halal na opisyal
B. May respeto sa karapatan D. Kontrolado ng Hapones
______ 8. Ang sumusunod ay naglalarawan sa sistema at balangkas ng pamahalaang
kolonyal ng Hapones maliban sa isa.
A. Walang posisyon para sa Pangalawang Pangulo
B. Ang bawat pinuno ay may tiyak na tungkuling ginagampanan
C. May tatlo hanggang limang Hapones ang nagsisilbing tagapayo
D. Ang mga pinuno ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones
______ 9. Ang mga sumusunod ay mga itinadhana ng Saligang Batas ng 1943 maliban
sa isa.
A. Hinirang na pangulo ng Republika si Jose P. Laurel
B. Paniniwala sa demokratikong pamamahala ng bansa
C. Nagkaroon ng tatlong sangay ng kapangyarihan ang pamahalaan
D. Binigyang-diin ang kapangyarihan ng Hapon sa Pilipinas sa ilalim ng
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
______ 10. Ilang kagawaran ang bumuo sa Pamahalaang Sentralisado?
A. 6 B. 10 C. 15 D. 20

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay


handa na, maaari mo ng simulan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:

GINA AIMEE C. PAMBID


Maricaban Elementary School

Sanggunian:
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 pp.174-177, p.182,
Kayamanan 6 pp. 140-142
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap I pp. 216-217
Project EASE, Pananakop ng mga Hapones at Reaksyon ng mga Pilipino

Page 5 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Module Code: Pasay-AP6–Q2-W6-D2

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikalawang Araw

MELC 6: Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones

Layunin 6.2: Naipaliliwanag ang mga Patakaran at Batas Pang ekonomiya gaya ng
War Economy at Economy of Survival at ang mga resulta nito.

ANG ATING ARALIN SA ARAW NA ITO

Patakaran at Batas Pang-Ekonomiya Gaya ng War


Economy at Economy of Survival at ang mga Resulta Nito

Alam mo ba?
Dumanas ng matinding kahirapan sa kabuhayan ang mga Pilipino sa ilalim ng mga
Hapones. Dahil sa digmaan ay nagkaroon ng War Economy o ekonomiyang pandigmaan na
nagbunsod sa pagkakaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto lalo na yaong mga
inaangkat pa sa ibang bansa. Bumaba ang produksiyon dahil sa pagkasira ng mga taniman at
sakahan. Pinatigil ang pag-aangkat ng mga produkto at ipinasara ang maraming industriya at
pagawaan.
Ang mga lupaing dating tinatamnan ng pangunahing kailangan ng mga Pilipino ay inilaan
para sa taniman ng bulak, tubo at ramie na pinakinabangan nang husto ng mga Hapones para
sa pagbuo ng uniporme, kumot at gamit pangmilitar. Bunga nito, hindi nakasapat ang lokal na
produksyon para sa lokal na pangangailangan na nagdulot ng pagtataas ng presyo ng bilihin.
Nakadagdag pa sa problema nang ang bilang ng mga Hapones sa Pilipinas ay mabilis na
lumaki. Mula sa 64,000 katao ay umabot sa 200,000 ang bilang nang ganap na masakop ang
buong kapuluan.
Isa pa sa nagpasidhi sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa ay ang pagpapairal ng mga
Hapones ng mga salaping tinawag ng mga Pilipino na Mickey Mouse Money sapagkat wala itong
halaga. Milyon-milyong piso ang inilimbag na pera na tinatayang umabot sa 16 na bilyong piso.
Dahil halos wala nang halaga ang salapi sa pagdami ng bilang nito, ang maliit na bilihin ay
nagkakahalaga ng bayong-bayong na piso.
Naging mahina ang industriya at kalakalan. Maraming tanggapang pambayan at pribado
ang nagsara. Dahil sa sobrang hirap ng buhay ay nagkaroon ng economy of survival sa bansa
kung saan gumawa ng paraan ang mga Pilpino para lamang mabuhay.
Maraming Pilipino ang naging abala sa buy and sell. Marami ang natutong magbenta ng
mga pekeng produkto na sinasabi nilang stateside o gawang Amerika ngunit hindi naman.
Upang masolusyunan ang kakulangan sa pagkain at isyu ng inflation, kinontrol ng
pamahalaang militar ang galaw ng mga pagakain at ng iba pang pangunahing pangangailangan.

Page 6 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Binuo ang PRIMCO (Philippine Prime Commodities Distribution Control Association)


upang magrasyon sa tahanan ng mga nabiling pangunahing pangangailangan sa mas
mababang halaga. Bagamat mabuti ang layunin ay hindi lubos na nakatulong upang malutas
ang suliranin ng bansa sapagkat karamihan sa produktong kinukuha sa mga manggagawang
Pilipino ay hindi naman nababayaran nang tama.
Sa gitna ng suliraning ito, nag-isip ng paraan si Pang. Jose P. Laurel upang maibsan
ang paghihirap ng mga Pilipino. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Hinimok ang mga mamamayan na maging masipag at matiyaga. Nanawagan
siyang taniman ang mga nakatiwangwang na mga lupa.
2. Nagtatag ng kooperatiba para sa maliit na mamimili.
3. Binuo ang NADISCO (National Distribution Corporation) na siyang namahala at
kumontrol sa maayos at makatarungang pagbabahagi ng mga pangunahing bilihin.
4. Pagatayo ng bigasang bayan o BIBA (National Rice Granary) upang higit na maging
maayos ang distribusyon at pagbebenta ng pagkaing butil gaya ng bigas.

HANDA KA NA BA?
 Malinaw na ba sa iyo ang mga Patakaran at Batas Pang-ekonomiya gaya ng
War Economy at Economy of Survival at ang resulta nito? Kung ikaw ay handa
na maaari mo ng subukang sagutin ang mga pagsasanay.

PAGSASANAY 1
PANUTO: Gamit ang graphic organizer, isulat sa bawat kahon ang naging resulta
ng War Economy at Economy of Survival sa bansa.

War Economy
and Economy
of Survival

Page 7 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PAGSASANAY 2
PANUTO: Isulat ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan
tungkol sa paksang aralin at DK kung hindi.
1. Nagkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto noong panahon ng mga
Hapones.
2. Naging matiwasay ang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop
ng mga Hapones.
3. Nagpalabas ng mga kautusan at programa ang mga Hapones na nakabuti sa mga
mamamayan.
4. Natutuhan ng mga Pilipino ang buy and sell upang mabuhay dahil sa labis na
kahirapan.
5. Mickey Mouse Money ang perang ipinairal ng mga Hapones na ikinalat sa buong
bansa na halos walang halaga.
6. Tumaas ang antas ng pamumuhay ng Pilipino simula ng pamunuan ng Hapones
ang bansa.
7. Binuo ang NADISCO upang mangasiwa sa maayos na pagbabahagi ng mga
pangunahing bilihin.
8. Bumaba ang halaga ng mga pangunahing pangangailangan dahil sa kakulangan
ng lokal na suplay.
9. Nakatulong sa paglutas ng suliranin sa kabuhayan ng bansa ang pagbuo sa
programang PRIMCO.
10. Sapilitang ipinatanim ang bulak at ramie dahil kailangan ito ng mga Hapones sa
pagbuo ng gamit pangmilitar.

PAGSASANAY 3
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang tamang sagot na nasa
loob ng panaklong.
1. Ang (War Economy, Economy of Survival) ay ang malikhain at mapamaraang
ginawa ng mga Pilipino upang mabawasan ang nararanasang kahirapan noong
panahon ng Hapon.
2. Ipinagamit ng mga Hapones ang (Mickey Mouse Money, Philippine Peso) sa
mga mamamayan na lalong nagpahirap sa kalagayan ng bansa.
3. Pumasok sa negosyong (buy and sell, pananahi) ang mga Pilipino upang
kumita.
4. Itinayo (NADISCO, BIBA) upang maging maayos ang pagbebenta ng bigas at
iba pang halamang butil.
5. Tinatawag na (Economy of Survival, War Economy) ang pagkontrol sa
ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga dapat itanim ng
mga magsasaka at salaping gagamitin.
6. Dahil sa mga suliraning kinaharap ng bansa, hinikayat ang mga mamamayan na
maging (masipag, mabait).
7. Itinatag ang (NADISCO, PRIMCO) na may layuning mabigyang lunas ang
kakulangan sa pagkain.

Page 8 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

8. Ipinag-utos ng mga Hapones na magtanim ng (bulak, niyog) na gagamitin para


sa pagbuo ng uniporme at iba pang pangangailangan sa tela.
9. Samantalang pinagkunan naman ang (palay, tubo) ng panggatong tulad ng
octane, butanol at alcohol.
10. Nagkaroon ng (pagtaas, pagbaba) ng halaga ng bilihin dulot ng kakulangan sa
suplay ng mga pangunahing produkto na lalong nagpahirap sa ekonomiya ng
bansa.

ISAISIP MO!

 Dumanas ng matinding kahirapan ang mga Pilipino sa ilalim ng


pamamahala ng mga Hapones.
 Nagkaroon ng tinatawag na War Economy na nagdulot ng
kakulangan sa pangunahing produkto dahilan upang tumaas ang
halaga ng mga bilihin.
 Nagpalabas din ang mga Hapones ng salaping Mickey Mouse
Money na walang limitasyong inimprenta sa bansa kaya wala itong
halaga.
 Para mabuhay ay gumawa ng paraan ang mga Pilipino kaya
nagkaroon ng tinatawag na Economy of Survival.

SUBUKIN MO

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_______ 1. Salaping papel na ipinalabas ng mga Hapones at ikinalat sa buong bansa
na walang halaga.
A. Mickey Mouse Club C. Mickey Mouse Money
B. Mickey Mouse Dollar D. Mickey Mouse Peso
______ 2. Ano ang binuo ng pamahalaan upang mabigyang lunas ang kakulangan sa
pagkain?
A. KALIBAPI B. PRIMCO C. War Economy D. Economy of Survival
______ 3. Ano ang paraan na ginawa ng mga Pilipino na nakaranas ng labis na
kahirapan noong panahon ng Hapon?
A. Nangutang sa mga kaibigan at kamag-anak sa ibang bansa.
B. Nagpunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay.
C. Nagtiis sa hirap dahil sa takot sa mga Hapones.
D. Natutong magnegosyo ng buy and sell
______ 4. Ito ay itinatag upang mangasiwa ng maaayos na pagbebenta ng mga
halamang butil tulad ng bigas.
A. BIBA B. KALIBAPI C. NADISCO D. PRIMCO
______ 5. Tumutukoy sa madiskarteng paraan na ginawa ng mga Pilipino upang
mabuhay dahil sa mga hinarap na suliranin.
A. War Economy C. Economy of Survival
B. Mickey Mouse Money D. Bigasang Bayan

Page 9 of 25
Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________


______ 6. Ang pamilya nina Mang Pandoy ay nagtanim ng gulay sa bakanteng lupa
sa likod ng kanilang bahay upang matugunan ang kakulangan sa pagkain na
naranasan sa panahon ng pananakop ng Hapones sa bansa. Alin sa mga
sumusunod ang pagpapahalagang kanilang ipinakita?
A. mapagmahal at matulungin C. mabait at masikap
B. masipag at matiyaga D. malikhain at matiisin
______ 7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa ekonomiyang pandigmaan
o war economy noong panahon ng Hapones?
A. Pagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino sa panahon ng digmaan
B. Pagpapatupad ng mga programa upang malinang ang mga lupain sa
bansa.
C. Pagpapatupad ng mga programa upang malinang ang kasanayang ng
mga Pilipino
D. Binigyang-diin ang pagtatanim ng bulak, tubo at ramie na kailangan ng
mga Hapones sa kagamitang pandigma
______ 8. Dahil sa kakulangan sa pagkain, alin sa mga sumusunod ang isinagawa ng
mga Pilipino upang matugunan ang malawakang kagutuman?
A. Nagtanim ng mga gulay sa mga bakanteng lupa.
B. Nanghingi ng pagkain sa mga mayayamang mamamayan
C. Namuhunan ng maliit na negosyo upang may pambili ng pagkain
D. Nagnakaw at nanguha ng ari-arian ng iba para ipangtustos sa pagkain.
______ 9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa patakarang pang-
ekonomiya ng mga Hapones?
A. Pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, asukal,
kape at iba pa.
B. Pagdami ng mga produktong panluwas ng bansa tulad ng palay, niyog,
abaka at tabako.
C. Pag-unlad ng kabuhayan at industriya ng bansa sa pamamagitan ng
paglaki ng produksyon
D. Pagkakaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto lalo yaong
mga inaangkat sa ibang bansa.
______ 10. Ang mga sumusunod ay naging resulta ng mga patakaran at batas pang-
ekonomiya ng mga Hapones sa bansa maliban sa isa.
A. Pagtaas ng halaga ng bilihin
B. Paglaganap ng kahirapan sa bansa
C. Pagkakaroon ng kakulangan sa pagkain
D. Pag-unlad ng pamumuhay ng mga Pilipino

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung


ikaw ay handa na, maaari mo ng sagutan ang susunod na modyul.

Inihanda ni:

GINA AIMEE C. PAMBID


Maricaban Elementary School

Sanggunian:
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 pp. 178-180
Makabayan, Kasaysayang Pilipino 5 pp. 184-187

Page 10 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Module Code: Pasay-AP6–Q2-W6–D3

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikatlong Araw

MELC 6: Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones

Layunin 6.3: Naipaliliwanag ang kontribusyon ng pagtatatag ng Ikalawang Republika


ng Pilipinas at mga patakaran may kinalaman sa pagsasarili.

ANG ATING ARALIN SA ARAW NA ITO


Kontribusyon ng Pagtatatag ng Ikalawang Republika ng Pilipinas at
ang mga Patakaran na may Kinalaman sa Pagsasarili

Republika sa Panahon ng Hapon


 Hangad ng mga Hapones na magtatag ng isang puppet na pamahalaan na
magpapatupad ng mga patakarang Hapones sa bansa
 Ipinakita nila na nais nilang bigyan ng kapayapaan, kalayaan at kasaganaan ang mga
Pilipino
 Naglunsad ng mga propaganda tulad ng “Asia para sa mga Asyano”, “Pilipinas para
sa mga Pilipino at “Isa lang ang Asya!”
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
 Sa pamamagitan nito, ipinahayag ni Premier Hideki Tojo ang pagbibigay ng
kasarinlan ng Pilipinas noong Mayo 6, 1943.
Preparatory Commission for Philippine Independence
 Pinamunuan ni Jose P. Laurel upang bumuo ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas.
 Nilikha ng KALIBAPI upang maisagawa ang planong pagkakaloob ng kalayaan sa
Pilipinas.
Saligang Batas 1943
 Inaprubahan noong Setyembre 4, 1943 at pinagtibay ng 117 kinatawan ng KALIBAPI.
 Ito ay isinulat sa dalawang wika: Ingles at Tagalog.
 Binago ito upang magkaroon ng batayan na naaayon sa layunin ng Hapones at
maging makatotohanan ang pagtatatag ng Bagong Republika.
 Itinadhana ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng kapangyarihan ng pamahalaan:
Tagapagpaganap, Tagapagbatas, Panghukuman.
Narito ang ilan sa katangian ng Saligang Batas 1943:
1. may higit na kapangyarihan ang Pangulo ng republika kaysa sa hukuman at
unicameral na Pambansang Asamblea.
2. Walang posisyon para sa pangalawang pangulo
3. May kapangyarihang pambatas ang batasang unicameral na tinatawag na
Pambansang Asamblea
4. Binigyang-diin ang mga pananagutan at tungkulin ng mga mamamayan sa halip na
mga karapatan
Ikalawang Republika
 Pinasinayaan noong Oktubre 14, 1943
 Jose P. Laurel ang naging pangulo nito
 Kinilala ito ng maraming bansa tulad ng China, Germany, Italy, Burma, Spain,

Page 11 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________


Thailand, Hungary at Croatia
 Bagaman isang Pilipino ang Pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan.
Hindi ito isang malayang pamahalaan.
Bagaman naging marahas ang mga Hapones sa bansa ay may naging ambag din ang
Ikalawang Republika sa bansa tulad ng:
1. Pagpapahalaga sa Wikang Tagalog at kasaysayan ng Pilipinas
2. Pagbibigay-halaga sa paggawa
3. Paghubog sa kaugalian ng mga Pilipino at maisaisip ang pagiging Asyano
4. Pagpapahalaga at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
5. Naging masigla ang pagsusulat ng mga Pilipino dahil sa pagbabawal sa paggamit ng
Ingles. Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino dahil
mas naging malaya ang mga Pilipino sa pagsusulat gamit ang katutubong wika ng
bansa.
Ilan sa mga Manunulat at ang Kanilang Isinulat
 Narciso Reyes – Lupang Tinubuan
 Liwayway Arceo – Uhaw ang Tigang na Lupa
 NVM Gonzales – Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan
 Julian Balmaceda – Sino Ba Kayo?
 Fidel Sicam – Pitong Taon
 Jose Esperanza Cruz – Tatlong Maria
 Genoveva Edroza Matute – Bangkang Papel
 Isidro Castillo – Lumubog ang Bitwin

HANDA KA NA BA?
 Malinaw na ba sa iyo ang mga kontribusyon ng Ikalawang Republika at ang
mga patakaran na may kinalaman sa pagsasarili? Kung ikaw ay handa na
maaari mo ng subukang sagutin ang mga pagsasanay sa modyul na ito.

PAGSASANAY 1

PANUTO: Punan ng wastong salita ang mga sumusunod na pangungusap upang


mabuo ang diwa nito. Pumili ng wastong sagot sa kahon at isulat ito sa patlang.

Jose P. Laurel Tagalog Asya para sa Asyano


Ingles panitikan Gintong Panahon
Saligang Batas Puppet Pilipinas para sa mga Pilipino
Preparatory Commission for Philippine Independence
Nilikha ng KALIBAPI ang isang komisyon na tinawag na 1._____________upang
maisagawa ang planong pagkakaloob ng kalayaan sa Pilipinas. Ito ang naatasang maghanda
ng 2.______________para sa Republikang tatangkilikin ng Hapon. Nahalal na pangulo si
3._____________ sa Ikalawang Republika. Tinatawag din itong 4. ___________ dahil ang
mga pinuno ay nasa ilalim ng lakas at kapangyarihan ng Hapones.
Naging mapaniil man ang mga Hapon sa kanilang pamamahala sa bansa dahil sa
maraming paglabag sa karapatang pantao subalit mayroon din naman itong kontribusyon sa
Ikalawang Republika. Nagpatupad ng mga patakaran tulad ng 5.______________ at
6.______________ upang maibalik ang pagiging Asyano ng mga Pilipino. Ipinagbawal ng
mga Hapones ang 7.______________ kaya naman naging masigla ang pagsusulat sa wikang
8.______________. Naging masigla din ang 9.______________ dahil mas malaya ang mga
Pilipino na makapagsulat gamit ang wikang katutubo. Kaya itinuring itong
10.______________ ng Panitikang Pilipino.

Page 12 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PAGSASANAY 2

PANUTO: Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng paglalagay ng mga


naging kontribusyon ng pagtatatag ng Ikalawang Republika.

Kontribusyon ng Pagtatatag ng
Ikalawang Republika

PAGSASANAY 3

PANUTO: Iguhit ang sa patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng


kontribusyon ng pagtatatag ng Ikalawang Republika at kung hindi.

______ 1. Pagyabong at pag-unlad sa sariling wika

______ 2. Pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin

______ 3. Pag-unlad ng ating sariling panitikan

______ 4. Pagkakabuo ng Saligang Batas ng 1943

______ 5. Nakaranas ng matinding kahirapan

______ 6. Pagyabong ng pagsusulat ng mga maikling kuwento

______ 7. Pagkakaroon ng takot at pangamba

______ 8. Pagbagsak ng kabuhayan ng bansa

Page 13 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

______ 9. Pagmamahal sa sariling atin

______ 10. Pagkawala ng karapatan ng mga mamamayan

ISAISIP MO!

Bagaman nakaranas ng matinding kahirapan ang mga Pilipino sa


kamay ng Hapon ay may naging kontribusyon din ang pagtatatag ng
Ikalawang Republika. Isa na rito ang pag-unlad ng wikang Tagalog dahil
sa mas malaya natin nagagamit ang ating sariling wika. Nagkaroon din ng
pagpapahalaga sa kultura dahil sa mas naging masigla ang panitikan at
binigyang-diin ang pagmamahal sa sariling atin. Ang panahon ding ito ang
itinuring na Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino.

SUBUKIN MO

A. PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang.


______ 1. Alin sa mga sumusunod ang naging kontribusyon ng Ikalawang Republika
ng Pilipinas?
A. Dumanas ng matinding kahirapan at gutom ang bansa
B. Paglaganap ng matinding kahirapan sa bansa
C. Pagtaas ng antas ng kriminalidad sa bansa
D. Pagkakabuo ng Saligang Batas ng 1943
______ 2. Isa sa mga nagawa ng pagkakatatag ng Ikalawang Republika ay ang
pagkakaroon ng Saligang Batas 1943. Alin sa mga sumusunod ang
itinadhana nito?
A. Paniniwala sa demokratikong pamamahala
B. Pagkilala sa mga karapatan ng mamamayan
C. Walang posisyon para sa pangalawang pangulo
D. Pagbibigay ng higit na kapangyarihan sa mga Pilipino
______ 3. Sa ilalim ng Ikalawang Republika natamo ang Gintong Panahon ng Panitikan
dahil _____________________.
A. mas malayang nakapagsusulat ang mga Pilipino
B. mas marami ang nakapagtatanghal sa mga pelikula
C. maraming Pilipino ang nanalo ng ginto sa mga patimpalak
D. nakapagdaos ng mga palabas na tampok ang gawang Pilipino

Page 14 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________


______ 4. Bakit naitatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence?
Upang _________
A. maghanda ng Saligang Batas para sa Ikalawang Republika ng Pilipinas
B. magpatupad ng mga programa sa ilalim ng mga Hapon
C. mangasiwa ng pamahalaang itatatag ng mga Hapon
D. bumuo ng hukbo na lalaban sa mga Hapon
______ 5. Alin sa mga sumusunod ang binigyang-halaga sa pagkakabuo ng Saligang
Batas ng 1943?
A. karapatan at kalayaan C. tungkulin at pananagutan
B. tungkulin at karapatan D. kalayaan at pananagutan

B. PANUTO: Ipaliwanag at isulat sa patlang ang sagot.


1. Sang-ayon ka ba sa ginawa ng mga Hapones sa pagbabawal sa paggamit ng wikang
Ingles noong panahon ng pananakop? Bakit?

2. Sa panahon ng Ikalawang Republika nagkaroon ng pagyabong at pag-unlad sa ating


sariling wika. Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga
sa mga ito?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung


ikaw ay handa na, maaari mo ng simulan ang susunod na modyul.

Inihanda ni:

GINA AIMEE C. PAMBID


Maricaban Elementary School

Sanggunian:
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 pp. 182-183, p. 188
Lakbay ng Lahing Pilipino 6 p. 188
Kayamanan 6. pp. 155

Page 15 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Module Code: Pasay-AP6–Q2-W6-D4

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ika-apat na Araw

MELC 6: Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones

Layunin 6.4: Natatalakay ang sistema ng pamamahala ng mga Hapones

ANG ATING ARALIN SA ARAW NA ITO


Sistema ng Pamamahala ng mga Hapones

Pamahalaang Militar
Lubusang nasakop ng mga Hapones ang Maynila noong Enero 2, 1942. Ipinahayag agad
ni Heneral Masaharu Homma ang kawalang bisa ng kapangyarihan ng Amerika at ang kanilang
patakaran sa pananakop. Siya ang punong kumander ng Hapon at ng Hukbong Sandatahan
ng Imperyong Hapones.

Naging mahigpit ang pinairal na patakaran ng mga Hapones na sinusunod nang may
takot ng ilang Pilipino. Nagpatupad ng curfew at ipinagbawal ang pagsindi ng ilaw kung gabi.
Ipinagbawal ang paggamit ng mga short wave radio at transmitter. Ipinagbawal din ang pag-
awit pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas at paggamit ng bandilang Pilipino at Amerikano.
Hindi rin pinahintulutan ang Partido pulitikal, halalan at pampublikong pagpupulong. Isinara ang
lahat ng paaralan, palimbagan tanggapan ng telegrapo at istasyon ng radio. Ipinag-utps ang
pagtuturo ng Niponggo (wikang Hapon) sa lahat at mahigpit na pinagbabawal ang pagsasalita
ng Ingles.

Totalitaryan ang pamahalaang pinairal ng pamahalaang militar ng mga Hapones.


Binuwag nila ang pamahalaang demokratikong ipinakilala ng mga Amerikano. Maraming
ipinagbawal ang pamahalaan at ang mga karapatan ng mga mamamayan ay nawala tulad ng:
 Karapatang mabuhay nang malaya
 Karapatang ituring na walang sala hangga’t hindi napatutunayan sa
makatarungang paglilitis
 Karapatan sa malayang pagpapahayag at paglilimbag
 Karapatang magsagawa ng isang matahimik na pagtitipon
 Karapatang maglakbay
 Karapatang mahalal na pinuno ng bayan
Pagtatatag ng KALIBAPI
Ang lahat ng lapiang pampulitika ay binuwag ng mga Hapones. Ang tanging partidong
tinangkilik ng mga Hapones ay ang Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o KALIBAPI.
Pagtatatag ng Preparatory Commission for Philippine Independence
Noong Hulyo 19, 1943 idinaos ng KALIBAPI ang Pambansang Kumbensyon upang
humirang ng 20 kaanib sa Preparatory Commission for Philippine Independence (PCI). Napiling
Pangulo si Jose P. Laurel na may tungkuling balangkasin ang bagong Saligang Batas.

Page 16 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Saligang Batas 1943


Ginawa ito upang maging makatotohanan ang pagtatatag ng Ikalawang Republika
ngunit ito ay naging isang puppet lamang. Pinagtibay ito ng 117 kinatawan ng KALIBAPI noong
Setyembre 4, 1943.
Ikalawang Republika
Nagkaroong ng pasinayang pagpupulong ang Pambansang Asamblea noong
Setyembre 20, 1943. Nahalal si Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Ikalawang Republika.
Hinirang ng 108 na kasapi si Laurel bilang Pangulo at si Benigno Aquino Sr. bilang
Tagapagsalita ng Asamblea.
Pinasinayaan ang Republikang itinatag ng mga Hapones noong Oktubre14,1943.
Inihayag ni Alkalde Jose Vargas ang pagbawi ng mga Hapones ng kanilang pangangasiwang
militar. Inihayag din na bibigyan ng kalayaang mamalakad nang may katarungan at
pananagutan ang mga namumuno.
Nanumpa bilang Pangulo ng Pilipinas si Jose P. Laurel sa araw na iyon at ang bandilang
Pilipino ay itinaas kasabay ng Pambansang Awit. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay
tinawag na Puppet Republic dahil ito ay napasailalim sa lakas at kapangyarihan ng mga
Hapones.
Lumikha si Pangulong Laurel ng mga bagong kawanihan tanggapan at komisyon.
Pinalitan niya ang sistema ng hukuman. Sinikap niyang maging makatotohanan ang Republika
ngunit lahat ng kanyang pagsisikap ay nawalan ng saysay. Ang mga Hapones ay hindi naging
matapat sa kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang bansa. Ang mga karapatan ng
mamamayan ay kanilang nilapastangan. Nagpatuloy ang kanilang pagmamalupit sa mga
Pilipino. Ang panahong ito ay tinawag na Panahon ng Kadiliman dahil walang seguridad at
katiyakan ang buhay ng mga mamamayan.
Sanggunian para sa iba pang pagsasanay:
Project EASE,Pananakop ng mga Hapon at Reaksyon ng mga Pilipino p. 19-20

HANDA KA NA BA?
 Malinaw na ba sa iyo ang sistema ng pamamahala ng mga Hapones? Kung
ikaw ay handa na maaari mo ng subukang sagutin ang mga pagsasanay sa
modyul na ito.

PAGSASANAY 1

PANUTO: Talakayin ang sistema ng pamahalaan ng mga Hapones sa pamamagitan


ng pagsagot sa mga tanong.

1. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones sa Pilipinas?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano ang layunin sa pagbuo ng Preparatory Commission for Philippine


Independence?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Bakit pumayag ang mga Pilipino noon na maitatag ang Pamahalaang Hapones sa
Pilipinas? Naging taksil ba sila sa bayan?
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Page 17 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

4. Bakit itinuturing na Republikang Puppet lamang ang pamahalaang itinatag ng mga


Hapones sa bansa?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, tunay bang nais ng mga Hapones na bigyan ng kalayaan,
kapayapaan at kasaganaan ang mga Pilipino?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAGSASANAY 2

PANUTO: Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng letra sa bawat kahon.

PAHALANG
2. Tagapagsalita ng Asamblea
3. Batayan ng pagtatatag ng
Ikalawang Republika
4. Pamahalaang pinairal ng Hapon
5. Nahirang na Pangulo ng
Ikalawang Republika
7. Naghayag ng pagbawi sa militar
na pamumuno ng Hapon
9. Nawala sa mga mamamayan
noong panahon ng Hapon
10. Partidong pulitikal na tinangkilik
ng Hapon
PABABA
1. Punong Kumander ng Hukbong
Sandatahan ng Hapon
6. Tawag sa Ikalawang Republika
8. Panahon na naghari ang takot at
pag-aalinlangan

Page 18 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PAGSASANAY 3

PANUTO: Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang tumatalakay sa sistema


ng pamamahala ng mga Hapones? Lagyan ng tsek ang kahon kung ito ay
tumatalakay at ekis X kung hindi.

1. Demokratiko ang sistema ng pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas.

2. Isang partidong pulitikal ang pinairal ng mga Hapon sa bansa.

3. Ang Saligang Batas ng 1943 ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng Ikalawang


Republika.

4. Puppet Republic ang tawag sa Ikalawang Republika dahil nasiyahan ang mga
Pilipino sa pamamalakad ng mga Hapones.

5. Hindi naging tapat ang mga Hapones sa kanilang pangakong kalayaan sa


bansa.

6. Nawala ang mga karapatang tinatamasa ng mga mamamayan.

7. Ang paglabas sa tahanan sa di tamang oras ay mahigpit na pinagbawal ng


mga Hapones

8. Naging sunud-sunuran ang mga namumuno sa bansa noong Ikalawang


Republika dahil ito ay napasailalim ng lakas at kapangyarihan ng Hapon.

9. Ang Preparatory Commission for Philippine Independence ay itinatag upang


bumuo ng hukbo na lalaban sa mga Hapones.

10. Naging maluwag sa pamamahala ang mga Hapones sa bansa.

ISAISIP MO!

 Totalitaryan ang pamahalaang pinairal ng mga Hapones sa


bansa.
 Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinawag na Puppet
Republic dahil ito ay napasailalim sa lakas at kapangyarihan ng
mga Hapones.
 Naging mahigpit ang mga Hapones sa kanilang pamamahala sa
bansa.

Page 19 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

SUBUKIN MO

A. PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot.

______ 1. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones sa Pilipinas?


A. Demokratiko B. Malaya C. Parlyamentaryo D. Totalitaryan
______ 2. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Pang. Jose P. Laurel?
A. Makatarungan B. Malaya C. Oligarkiya D. Puppet
______ 3. Bakit tinawag na Pamahalaang Puppet ang Ikalawang Republika?
A. Pinamumunuan ito ng mga Pilipino
B. Pinapamahalaan ito ng mga Hapones
C. Walang kapangyarihan ang mga namumuno
C. Puppet ang sumisimbolo sa Ikalawang Republika
______ 4. Ang mga sumusunod ay mga ipinagbawal ng mga Hapones sa ilalim ng kanilang
pamamahala maliban sa isa.
A. pagpapatupad ng curfew C. paghahanapbuhay at pagtatanim
B. pag-awit ng Pambansang Awit D. halalan at pagpupulong
______ 5. Bakit tinawag na Panahon ng Kadiliman ang Ikalawang Republika?
A. Marami ang namundok C. Nagkaroon ng Ikalawang Digmaan
B. Makabago ang pamumuhay D. Naghari ang takot at pag-aalinlangan

B. B. Talakayin
1. Makatarungan ba ang ginawa ng mga Hapones sa mga Pilipino sa panahon ng
pananakop?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2 2. Maraming mga Pilipino ang nagnanais na makapagtrabaho bilang OFW sa ibang bansa
tulad ng bansang Japan. Ngayon na nalaman mo ang kasaysayan ng ating bansa sa
kamay ng Hapon nanaisin mo pa din bang maghanapbuhay o kaya’y pumunta sa Japan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung


ikaw ay handa na, maaari mo ng simulan ang susunod na modyul.
Inihanda ni:

GINA AIMEE C. PAMBID


Maricaban Elementary School
Sanggunian:
Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap I pp. 216-218
Makabayan Kasaysayang Pilipino 5 pp.182-183
Kayamanan 6 pp. 140-142

Page 20 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Module Code: Pasay-AP6–Q2-W6-D5

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikalimang Araw

MELC 6: Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones

Layunin 6.5: Napahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga Hapones sa


Pilipinas.

ANG ATING ARALIN SA ARAW NA ITO


Pagpapapahalaga sa mga naging Kontribusyon ng Hapones sa
Pilipinas

Page 21 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

Matagal bang namalagi ang mga Hapones sa Pilipinas? Ilang taon sila namalagi dito?
Kung sa mga Kastila ay natutuhan natin ang wikang Espanyol, sa mga Amerikano naman
ay wikang Ingles, ano naman sa mga Hapones?

Tama! Niponggo o Nihonggo.

Isa sa mga pagbabagong ginawa ng mga Hapones ay hinggil sa wikang dapat gamitin
ng mga Pilipino. Mahigpit na ipinagbawal ang pagggamit ng wikang Ingles at ang sinumang
mahuhuli ay kanilang pinarurusahan. Hinayaan nilang magsalita at gamitin ng mga Pilipino
ang wikang Tagalog na nagbigay daan upang yumabong at umunlad ang ating sariling wika.

Maganda ba ang idinulot ng pagpapahintulot ng mga Hapones sa paggamit natin ng


wikang Tagalog?

Dahil sa pagbabawal ng mga Hapon sa paggamit ng wikang Ingles, ang mga manunulat
ay napilitang sumulat sa wikang Tagalog. Naging masigla ang panitikan sa panahon ng
Hapones kung kaya ang panahong ito ang itinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang
Pilipino dahil mas naging malaya ang mga Pilipino sa pagsusulat at pagsasanib ng kultura,
kaugalian, at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Itinaguyod ng mga Hapones ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika ng bansa. Ang mga aklat sa
Ingles ay ipinasunog ng mga Hapones upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nilikha ng mga Pilipino.
Natutong gagarin ng mga manunulat na Pilipino ang:
▪ Haiku- binubuo ng tatlong taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5
▪ Tanaga – binubuo ng apat na taludtod at may bilang ng pantig na 7-7-7-

Maikling Kuwento – naging maunlad at namulaklak sa panahon ng


Hapones
Dula – mahalaga sa panahon ng Hapones na ipinalalabas sa mga
teatro
pinakasikat ng mga panahong iyon ay sina Pugo at Tugo
libangan para sa mga tao upang makalimot sa kawalan at karahasan
Nobela – hindi namulaklak ang pagsusulat ng nobela dahil sa halos
walang magamit na papel para sa paglimbag

HANDA KA NA BA?
Malinaw na ba sa iyo ang mga kontribusyon ng mga Hapones sa
Pilipinas? Kung ikaw ay handa na maaari mo ng subukang sagutin ang mga
pagsasanay sa modyul na ito.

PAGSASANAY 1

PANUTO: Isulat sa patlang kung paano mo pahahalagahan ang mga naging


kontibusyon ng mga Hapones sa Pilipinas.

Page 22 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________
Pangalan ng Guro: _______________________________

___________________________________________
Pagpapahalaga sa Sariling ___________________________________________
Wika ___________________________________________
___________________________________________

___________________________________________
Pagmamahal sa Sariling
___________________________________________
Kultura
___________________________________________
___________________________________________

Pagpapaunlad ng Panitikang ___________________________________________


Pilipino ___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

PAGSASANAY 2

PANUTO: Ilagay ang sa hanay ng Tama kung nagpapakita ng pagpapahalaga sa


mga naging kontribusyon at sa hanay ng Mali kung hindi.

TAMA MALI
1. Patuloy na paggamit ng wikang Filipino sa mga paaralan at
komunidad
2. Paggamit ng sariling wika sa pakikipag-usap sa tao at maging
sa social media
3. Kinakalimutan ang mga kulturang Pilipino

4. Paglahok sa mga gawain na nagpapaunlad sa kultura at wika

5. Patuloy na paglikha ng mga kuwento, dula at tula gamit ang


wikang Filipino
6. Pakikinig sa mga awiting gawa ng dayuhan

7. Pagbabasa ng mga maikling kuwento at iba pang akda na


gawa ng ibang lahi
8. Panonood ng mga palabas na tinatampukan ng mga dayuhang
artista
9. Pagtangkilik sa mga akda at sinulat ng mga banyaga

10. Pagdaraos ng mga programa na nagtatampok sa panitikang


Pilipino

Page 23 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: _______________________________

PAGSASANAY 3

PANUTO: Tingnan ang larawan sa ibaba. Mula rito ay bumuo ng script /kuwento tungkol
sa kung paano mo mabibigyang halaga ang mga naging kontribusyon ng Hapones sa
Pilipinas.

Isang araw ang guro at ang mga mag-aaral


ay nag-uusap ukol sa kahalagahan ng
pagmamahal sa sariling wika at ng
panitikang Pilipino. Mula rito gumawa ng
isang script o kuwento at lagyan ito ng
angkop na pamagat.

https://www.pinterest.ph/pin/243124079868828757/

___________________________________________

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
Krayterya 3 2 1 Iskor
Nilalaman Ang mensahe ay Hindi gaanong Walang
mabisang naipakita ang mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Hindi gaanong Hindi maganda at
napakalinaw ng maganda at magulo ang
pagkakasulat malinaw ang pagkakasulat
pagkakasulat
Kabuuang Iskor

ISAISIP MO!

Bago mo ipagaptuloy ang pagsagot sa modyul, tandaan mo na may


naging ambag o kontribusyon ang mga Hapones sa Pilipinas. Dapat itong
pahalagahan, pagyamanin at paunlarin.

SUBUKIN MO

Page 24 of 25
Pangalan:___________________________Baitang at Pangkat: ______________
Pangalan ng Guro: _______________________________

A. PANUTO: Isulat ang titik ng wastong sagot.


______ 1. Isa sa mga naging ambag ng Hapones sa bansa ay ang pagyabong ng ating
sariling wika.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
mga naging ambag ng Hapones sa bansa?
A. Pagtangkilik sa mga akda ng ibang bansa
B. Pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa ibang wika
C. Paglikha ng mga akda gamit ang wika ng ibang bansa
D. Paggamit ng sariling wika sa pakikipag-ugnayan sa tao
______ 2. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa panitikang
Pilipino?
A. Si Ana na nagbabasa ng mga akdang isinulat ng mga manunulat na Pilipino.
B. Si Bentley na ang mga binabasang aklat ay isinulat ng mga dayuhan.
C. Si Cathy na nagsusulat ng mga kuwento at tula sa wikang banyaga.
D. Si Dan na mahilig bumili ng mga aklat na gawa ng mga banyaga.
______ 3. Pinahintulutan ng mga Hapones ang mga Pilipino na gamitin ang ating sariling
wika dahilan kaya yumabong at umunlad ang wikang Filipino. Alin sa mga
sumusunod ang nararapat na saloobin mo ukol dito?
A. galit B. lungkot C. saya D. inis
______ 4. Maraming mga manunulat na Pilipino ang naenganyo na magsulat ng mga
maikling kuwento noong panahon ng pananakop ng Hapones. Alin sa mga
sumusunod ang nararapat mong gawin ukol dito?
A. Ikahiya sila C. Pagtawanan sila
B. Ipagmalaki sila D. Itakwil sila
______ 5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kung paano pahahalagahan ang mga
naging kontribusyon ng mga Hapones sa bansa maliban sa isa.
A. Patuloy na pagtangkilik sa sariling atin
B. Panonood ng mga pelikulang gawa ng banyaga
C. Panonood ng mga dulang Pilipino sa tanghalan at sinehan
D. Patuloy na binabasa ang mga isinulat ng mga manunulat na Pilipino

B. PANUTO: Maglista ng mga paraan kung paano mo mapahahalagahan ang mga


naging kotribusyon ng Hapones sa ating bansa.

6. ____________________________________________________________________

7. ____________________________________________________________________
8. ____________________________________________________________________
9. ____________________________________________________________________
10. ___________________________________________________________________

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Kung ikaw ay handa na,
maaari mo ng simulan ang susunod na modyul.

Inihanda ni:

GINA AIMEE C. PAMBID


Maricaban Elementary School

Sanggunian:
Lahing Pilipino Diwang Makabayan 5 p. 182-184
Kayamanan 6 p.155-156
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-hapon.html
https://www.slideshare.net/MaryGraceBico/hekasi-4-panahon-ng-mga-hapones-1
https://www.slideshare.net/margielynaninon/panahon-ng-hapon-65691176
https://www.slideshare.net/menchu25/panitikan-sa-panahon-ng-hapones-presentation

Page 25 of 25

You might also like