You are on page 1of 14

Cavite Mutiny

(Draft report of Group 2)

I. Summary

Ang Pag-aalsá sa Cavite (o Cavite Mutiny sa Ingles) ay isang pag-aalsa noong 1872 ng


umaabot sa 200 Filipinong sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng pamahalaang
kolonyal ang pag-aaklas ngunit naging makabuluhan ito sa kasaysayan dahil ginamit itong dahilan
upang supilin ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Ang pag-aalsa
ang ginamit na batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring Filipino na sina José Burgos, Jacinto
Zamora, at Mariano Gómez—o mas kilala bilang Gomburza—at ang kanilang pagkamartir ang higit na
nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at magdudulot, sa huli, ng Himagsikang1896.
Pinaniniwalaang nag-ugat ang pag-aalsa sa pagpapataw ni Gobernador- Heneral Rafael de
Izquierdo ng personal na buwis sa mga kawal at manggagawa, samantalang dati na siláng hindi saklaw
nitó. Isinaad ng buwis ang pagbabayad ng salapi at pagbibigay ng polo y servicio, o sapilitang trabaho.
Nang natanggap ng mga manggagawa ang kanilang sahod, binawasan na ito ng buwis. Sa pamumunò ni
Fernando La Madrid, isang mestisong sarhento, nag-alsa silá noong 20 Enero 1872. Nakubkob nilá ang
Fuerza San Felipe at pinaslang ang 11 Español na opisyal. Inakala ng mga nag-aklas na sasamahan silá
ng mga sundalo sa Maynila. Hudyat dapat ng simula ng labanan ang mga paputok mula sa Intramuros
noong gabing iyon. Sa kasamaang palad, ang hudyat na kanilang nakita at sinunod ay isa lamang
pagpapaputok para sa pagdiriwang ng pista ng Birhen ng Loreto, ang patron ng Sampaloc. Sa
pangambang simula ito ng mas malawakang rebolusyon, isang pulutong ng mga sundalo sa pamumunò
ni Heneral Felipe Ginoves ang lumusob sa moog ng San Felipe. Sumuko ang mga nag-aklas, kabilang si
La Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni Ginoves.
Pagkatapos ng pag-aalsa, dinesarmahan ang lahat ng sundalo sa arsenal at ipinatapon sa
Mindanao. Dinakip at binitay o ipinatápon ang mga pinaghinalaang sumuporta sa pag-aaklas. Maraming
mariwasa at ilustrado ang nadawit sa pag-aalsa. Ginamit itong dahilan ng pamahalaang kolonyal at mga
fraileng Español upang idawit ang tatlong paring tinagurian ngayon bilang Gomburza. Pagkatapos ng
maigsi at kahina-hinalang paglilitis, binitay ang tatlong pari sa harap ng publiko sa pamamagitan ng
garote. Sa halip ikatákot, tinandaan ito ng mga patriyota na pruweba ng kalupitan ng mga mananakop.
(PKJ)
Cite this article as: Pag-aalsa sa Cavite. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila:
National Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/pag-aalsa-sa-cavite/

SPANISH VERSION

Ang pag-aalsa sa Cavite na naganap noong taong 1872 ay idinokyumentaryo ng isang prolific
Spanish historian na si Jose Montero y Vidal, isang sibil gobernador sa mga mga probinsiya o sakop ng
Espanya. Nakasaad dito ang pagtatangka ng mga Indios na makalaya ang Pilipinas sa ilalim ng gobyerno
ng mga Espanyol. Kinalaunan ay inilathala rin naman ito ni Gobernador Heneral Rafael Izquierdo.
Nagsimula ang pagaaklas noong nagpataw ng personal na buwis ang Gobernador sa mga kawal at
manggagawa at nang sapilitang pinagbigay ng trabaho ang mga ito. Ang ilan pang mga dahilan sa
pagsisimula ng nasabing pag-aaklas ay ang rebolusyon laban sa Espanya, dumaraming propagandang
hindi kontrolado at nakakarating sa Pilipinas at ang pagkawala ng tiwala ng mga native clergy sa mga
prayleng Espanyol. At dahil si Izquierdo ay kilalang malapit sa mga prayleng Espanyol, agad niyang
sinabi sa hari ng Espanya na gustong magkaroon ng bagong hari na ayon din sa kagustuhan ni Padre
Burgos at Padre Zamora ( Two Faces of Cavite Munity .Retrieved :http://nhcp.gov.ph/the-two-faces-of-
the-1872-cavite-mutiny/, September 5, 2012 ) Para sa dalawang Espanyol (Jose Montero y Vida at
Gobernador Heneral Rafael Izquierdo), ang naturang pangyayari ay matagal nang naplano at ito ay
pinamunuan ng edukadong pinuno, mestizos, abogadillos o mga lokal na abogado, mga residente ng
Maynila at Cavite at ng mga native clergy.

Sinasabing ang plano ay upang supilin ang mga matataas na opisyales ng Espanya na susundan
ng pagpatay sa mga prayle. Sa araw ng pag-aaklas, sinasabing ang naging hudyat ng mga residente mula
sa Cavite upang simulan ang laban ay ang pagputok mula sa Intramuros. Noong Enero 20, 1872,
nagkataong ang nasabing pag-atake sa mga Espanyol ay sumabay naman sa pagdiriwang ng pista ng
Birhen ng Loreto, ang patron ng Sampaloc. Inakala ng mga residente mula sa Cavite na iyon na ang
hudyat ng nasabing pag-atake at kagaya ng napagkasunduan, sa pamumuno ni Sergeant Fernando La
Madrid, inatake nila ang mga opisyales ng Espanya at arsenal. Nakubkob nilá ang Fuerza San Felipe at
pinaslang ang 11 Español na opisyal. Inakala ng mga nag-aklas na sasamahan silá ng mga sundalo sa
Maynila. Noong gabi sa pagitan ng ika-20 at ika-21 ng Enero taong 1872, ganap na alas tres ng
madaling araw (3am), ang pinuno ng Superior Civil Government na siya ring Kapitan Heneral na si Hen.
Rafael Izquierdo ay ang nagdispatya sa kayang “Segundo Cabo” (deputy military commander) na si
Hen. Felipe Ginoves Espinar upang lumusob. Ang sinasabing lahat ng mga insurekto(rebelde) ay
namatay at napaslang sa espada ng mga military subalit isang datum o munting impormasyon na muling
inilathala sa bulletins, ay sadyang nakakapukaw ng interes.

Sa kabuuan ng mga napaslang, dalawampu’t isa (21) sa kanila ang nabawian ng buhay dahil sa
pagtangkang pagtakas sa kamay ng mga militar bago maganap ang pagpaparusa at walo (8) naman ang
nadakip at ikinulong. Ang gobernador ng Cavite ay nagtala ng bilang na apatnapu’t siyam (49) na
bangkay ang natagpuan sa loob ng Fort San Felipe. Pitumpu’t walo (78) ang kabilang sa pag-aalsa na
kung saan kabilang ang pitumpu’t anim (76) na nabanggit , isang lieutenant, isang sergeant na napaslang
ng mga insurekto. (J. Arcilla. Understanding the Noli: Its Historical Context and Literary Influences.
Retrieved: http://www.xeniaeditrice.it/arcillaocrpdf.pdf) Sumuko ang mga nag-aklas, kabilang si La
Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni Ginoves. Ang nasabing rebolusyon ay hindi naging matagumpay
dahil sa hindi pagdating ng mga tutulong mula sa Maynila. Ang mga pangunahing instigators kasama si
Sergeant La Madrid ay namatay sa naturang sagupaan. Ang GOMBURZA naman ay hinatulan ng
pagbitay. Patriyota tulad nina Joaquin Pardo de Taverna, Antonio Ma. Regidor, J

Pio Basa at iba pang lokal na abogado ay nasuspinde ng Audencia o Mataas na Hukuman mula
sa pagiging abogado. Sila ay inaresto at hinatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sa Isla ng
Marianas. Tuluyang nabuwag ni Gobernador Izquierdo ang lokal na rehimen ng
artilyero( tagapaputok ng kanyon o mamamaril) at inutusan na bumuo ng isang pwersa na binubuo ng
Peninsulares. Noong Pebrero 17, 1872, sinimulan ng gobyernong Espanyol at Frailocracia
(pamumuno ng mga paring kastila o prayle) na manatili ang takot ng mga Pilipino upang hindi na
maulit ang naturang pangyayari. Itinuloy ang hatol sa GOMBURZA kung saan iyon ang nagsilbing
simula ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
FILIPINO VERSION

Ayon sa isinulat ni Dr. Trinidad Hermenigildo Pardo de Tavera ( Filipinong iskolar at


mananaliksik) patungkol sa madugong kasaysayan sa Cavite, ang insidenteng ito ay isang pag-aaklas
ng mga sundalong Filipino at mga tauhan ng Cavite arsenal na hindi nasisiyahan sa mga polisiyang
ipinatupad ni Gov. Izquierdo tulad ng abolisyon ng kanilang mga pribilehiyo at pagbabawal sa
pagtatag ng mga paaralan ng sining at kalakalan para sa mga Filipino.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, higit kumulang 200 katao na binubuo ng mga sundalo,
manggagawa ng Cavite arsenal at mga residente ng Cavite ang pinamunuan ni Sergeant La Madrid
upang patayin ang namumuno at mga opisyal na Espanyol. Ang balita sa pag-aaklas ay umabot sa
mga awtoridad sa Maynila at kaagad namang nag-utos si Gov. Izquierdo na pagtibayin ang hukbong
Espanyol sa Cavite. Pinaniniwalaan na ginamit lamang ng mga prayleng Espanyol at ni Izquierdo ang
pag-aaklas sa Cavite upang lalo pang mapalaganap ang gobyernong Espanyol sa Pilipinas. Inihayag
din ng Central Government sa Madrid na intensyon nilang alisin ang kapangyarihan ng mga prayle na
mangialam sa gobyernong sibil at pamamahala sa institusyong pang edukasyon na siyang nag-udyok
sa mga prayle na gumawa ng marahas na pamamaraan upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan
sa Pilipinas.

Ang mga prayleng nangangamba sa maaaring pagkawala ng kanilang impluwensya sa


Pilipinas ay sinamantala ang pangyayari at isiniwalat sa gobyernong Espanyol ang pagsasabwatan ng
mga taong naglalayong wasakin ang soberanya ng Espanyol sa bansa na siya namang pinaniwalaan
kaagad ng mga Espanyol. Kaya naman ang mga nahuling nakiisa sa pag-aaklas na may pinag-aralan
ay nahatulan ng panghabangbuhay na pagkakakulong. Ang mga miyembro naman na pinamunuan ng
GOMBURZA ay sinubukang patawan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote. Ang mga tunay na
utak ng pagaalsa ay hindi ang tatlong paring martir na binitay kundi ang mga mason na sina Maximo
Inocencio, Crisanto de los Reyes at Enrique Paraiso na kasama sa mga napatapon lamang ( Two
Faces of Cavite Munity
.Retrieved :http://nhcp.gov.ph/the-two-faces-of-the-1872-cavite-mutiny/, September 5, 2012 )
Si Maximino Inocencio ay isang mason na kabilang sa labintatlong martir na hinatulan ng
sampung taong pagkakakulong at pagkakatapon sa Cartagena, Espanya .Kasama niya sa hatol sila
Crisanto De los Reyes at Enrique Paraiso kung saan ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makatakas.
(The Katipunan and the Revolution, Memoirs of a General. Trans by Paula Carolina
S.Malay. Retrieved:

http://www.philippinemasonry.org/articles.html )

Si Crisanto De los Reyes ay isang matalinong negosyante kung saan maaga siyang nahilig sa
negosyo.Nagsimula siyang tenedor de libros at ang kinita ay pinuhunan sa negosyo ng mga sirang
bakal.Pagkuwan, nakapag- ari siya ng lupain saBinondo at pinatayuan ng bodega.Naging kandelero o
tagasuplay siya ng mga kailnagn sa barko at bago mag-1872 ay pinakamalaking kandelero sa pantalan
at laalwigan ng Cavite.Gayunpaman, ayaw niya ang pang-aapi ng mga espanyol. Isa siya sa mga
unang sumapi sa Masoneriya, masugid na nag-ambag sa mga paring secular at marahil kahit sa
suweldo ng mga kawawang sundalo.Dahil sa kaguluhan sa mga canton ng Espanya, nakatakas sina
crisanto at nakarating sa Merseilles, France. At bumalik siya sa Cavite at binuhay ang kanyang
negosyo. (Delos Reyes, Crisanto. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Retrieved :
https://philippineculturaleducation.com.ph/delos-reyes-crisanto/
BAKIT HINDI SILA BINITAY?

Ito ay dahil kapwa mason (kasapi ng sikretong samahan) ang tatlong utak ng rebelyon at ang
Gobernador Heneral. Maari ring ginamit ng mga nag-organisa ng pagaalsa na si Francisco Zaldua,
na ginarote ng mga Espanyol kasama ang tatlong pari, ay ginamit ang pangalan ni Burgos upang
makapanghikayat.

Padre Mariano Gomez


Ipinanganak noong 2 Agosto 1799 sa Santa Cruz, Maynila, si Mariano Gomez ang nauna na
binitay sa Bagumbayan at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng
Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na
La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa.
Inilimbag din sa pahayagang ito ang mga liberal na artikulo ni Burgos. Ang kanyang pamosong
huling mga salita ay, “Let us go where the leaves never move without the will of God.”o “ Tayo’y
magtungo na kung saan, ang mga dahoon ay hindi titinag kung hindi papagalawin ng Maykapal”
(Retrieved:https://katonynabanlawkasaysayan.blogspot.com/2008/09/ang- pagkamatir-ng
gomburza.html?m=0. September 21, 2008)

Padre Jose Burgos


Si Jose Burgos, ipinanganak noong 9 Pebrero,1837 sa Vigan, Ilocos Sur, ang huling binitay sa
tatlong paring martir. Isa siyang insulares o creole, tunay na mapusok, aktibista at nagnaansang
magkaroon ng reporma.Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng
dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang prolipikong
manunulat at konektado sa Manila Cathedral. Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa
sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang
anumang kasalanan!” (“But I haven't committed any crime!).Sinabi naman ng isang prayle na may
hawak sa kanya “ Even Christ was innocent”.Sa pagsagot na ginawa nito ng prayle, minasdan ito ng
masamang tingin ni Padre Burgos at nagpatuloy... "Ano ang nagawa kong kasalanan? Ako ba ay
mamamatay nang walang man lang saysay? Diyos Ko!!! ...walang katarungan sa mundong ito!!!"
Pagkasigaw niyang ito, lumapit ang berdugong sa kaniya'y papatay. Ang berdugo ay
nagwika..."Padre, ako'y iyong patawarin sa aking gagawin sa iyo." Ang pari ay malungkot na
minasdan ang mata ng berdugo na dito lamang sa mga butas ang hindi natatakpan ng saplot sa mukha
at mahinahong tumugon.
"Pinatatawad kita anak... gawin mo na ang pinaguutos sa iyo." Pagkakasabi nito, si Padre
Burgos, ay hinarap ang mga nakaluhod na mga tao at kaniyang itinaas ang kanang kamay upang ang
lahat ay basbasan. Siya ay umupo na sa garrote at tinakpan naman ang kaniyang mukha. Habang
hinihigpitan ng berdugo ang kahoy at bakal na panakal sa leeg ng pari, si Padre Burgos ay
sumisigaw..."Aking Amang Panginoon, kupkupin po ninyo ang kaluluwa ng isang inosent..." hindi
naituloy ang kaniyang huling habilin at siya ay nalagutan nang hininga.
(Retrieved:https://pag-alalasagomburza.blogspot.com/2009/09/pag-alala-sa-gomburza. September 2,
2009)

Padre Jacinto Zamora


Ipinanganak noong 14 Agosto 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong
1872 dahil sa kanyang imbitasyon na may nakasaad na,“Grand Reunion... our friends are well
provided with powder and ammunition.” Ang mga pahayag na ito ay maaaring mangahulugan ng
pagrerebelde, ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay
maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga
simbolo lamang na sila ay may sapat na salapi upang maglaro buong magdamag.
(Retrieved:https://philippineheroesandheroines.blogspot.com/p/life-and-works-of-3- martyred-priests.)
KEYPOINTS:

 BRIEF SUMMARY - Ang pag-aalsa sa Cavite ay naganap dahil sa utos ni Gobernador-


Heneral Rafael de Izquierdo tungkol sa pagpapataw ng buwis at sapilitang paggawa ng mga
Pilipino. Matagumpay na nasakop ng mga Pilipino sa pamumuno ni Fernando La Madrid ang
Fuerza San Felipe. Sa kasamaang palad, hindi nagtagal ay nagapi sila ng mga pwersa ng
Espanyol. Bagamat madali silang nagapi, naging ugat ang labanang ito upang supilin at hulihin
ang mga Pilipinong naghahangad ng reporma sa pamamalakad ng pamahalaan. Ito ang
nagresulta sa pagkakabitay ng tatlong paring martir na kilala bilang GOMBURZA.

 ENERO 20, 1872 – naganap ang pag-aalsa sa arsenal sa Cavite (now called Naval Base Cavite
or a military installation of the Philippine Navy in Cavite.)

 BAKIT NAGKAROON NG PAG-AALSA?

o Spanish Version (ayon kay Jose Montero y Vidal, isang prolific Spanish historian):

 Dahil matagal nang naplano ng mga Indios na palayain ang Pilipinas sa ilalim ng
gobyerno ng mga espanol na pinamunuan ng mga edukadong pinuno, mestizos,
abogadillos o mga lokal na abogado, mga residente ng Maynila at Cavite, at ng
mga native clergy.
 Dahil sa pagpataw ng personal na buwis ng Gobernador sa mga kawal at
manggagawa; at nang sapilitang pagbibigay trabaho sa mga ito.
 Dahil sa dumaraming propagandang hindi kontrolado at nakakarating sa Pilipinas
 Sa pagkawala ng tiwala ng mga native clergy sa mga prayleng Espanyol

o Filipino Version

 Dahil sa mga polisiyang ipinatupad ni Gov. Izquierdo tulad ng abolisyon ng


kanilang mga pribilehiyo at pagbabawal sa pagtatag ng mga paaralan ng sining
at kalakalan para sa mga Filipino.
 Dahil sinamantala ng prayle ang pagsasabwatan ng mga taong naglalayong
wasakin ang soberanya ng Espanyol sa bansa at isiniwalat iyon sa gobyernong
Espanyol upang mapanatili ang impluwensya ng mga prayle sa Pilipinas.

 ANO ANG NANGYARI SA GITNA NG PAG-AALSA?

o Tagumpay na nakubkob ang Fuerza San Felipe (military fortress in Cavite City) at
pinaslang ang 11 Español na opisyal.
o Inakala ng mga nag-aklas na sasamahan silá ng mga sundalo sa Maynila at inakalang
hudyat ng pagsisimula ng labanan ang pagpapaputok para sa pagdiriwang ng pista ng
Birhen ng Loreto Ngunit sila’y nagkamali.
o Ang pinuno ng Superior Civil Government na si Kapitan Heneral Rafael Izquierdo ay
nagdispatya kay Hen. Felipe Ginoves Espinar (deputy military commander) sa
pangambang simula ito ng mas malawakang rebolusyon kaya isang pulutong ng mga
sundalo ang lumusob sa moog ng San Felipe na ikasuko ng mga nag-aklas.
 Mga kasapi- 200 Filipinong sundalo at obrero na pinamumunuan ni Fernando La
Madrid (isang mestisong sarhento), ngunit pitumpu’t walo (78) lang kabilang sa
pag-aalsa kabilang ang isang lieutenant at isang sergeant na napaslang ng mga
insurekto.

 ANO ANG NANGYARI PAGKATAPOS NG PAG-AALSA?

o Ang nasabing rebolusyon ay hindi naging matagumpay dahil sa hindi pagdating ng mga
tutulong mula sa Maynila.
o Sumuko ang mga nag-aklas, kabilang si La Madrid, at pinaputukan sila sa utos ni
Ginoves.
o Ang mga miyembro naman na pinamunuan ng GOMBURZA ay sinubukang patawan ng
kamatayan sa pamamagitan ng garote.
o Ang mga tunay na utak ng pagaalsa na sina Maximo Inocencio, Crisanto de los Reyes at
Enrique Paraiso ay na kasama sa mga napatapon lamang
o Sina Pio Basa at iba pang lokal na abogado ay inaresto at hinatulan ng habangbuhay na
pagkabilanggo sa Isla ng Marianas.
o Tuluyang nabuwag ni Gobernador Izquierdo ang lokal na rehimen ng artilyero
(tagapaputok ng kanyon o mamamaril) at inutusan na bumuo ng isang pwersa na binubuo
ng Peninsulares.
o Sinimulan ng gobyernong Espanyol at Frailocracia (pamumuno ng mga paring kastila o
prayle) na manatili ang takot ng mga Pilipino upang hindi na maulit ang naturang
pangyayari.
II. Background of the Author

VIRGILIO S. ALMARIO Mas kilalabilang Rio Alma sa mundo ng panitikan.Isa siyang


premyadongmakata at kritiko bukod pa sana tatanging tagasalin,patnugot guro at tagapamahala ng
kultural. Lumaki siya sa Camias, San Miguel Mayumo, Bulacan kung saan ginugol niya ang kanyang
kabataan sa Hukbalahap noong mga 1950. Sa kanyang pagtatapos ng A.B. Political Science sa
Unibersidad ng Pilipinas noong 1963, kaagadsiyangnagturosakanyang alma mater. Siyaang kinilalang
Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura noong 2003 at dating opisyal ng Cultural Center of the
Philippines (CCP) at National Commission for Culture And Artist.

NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES Ito ang sangay ng


gobyerno na nagpapanatili at nangangalaga sa makasaysayang pamana ng lahing Pilipino. Itinaguyod
nito ang paglinang at pagpapalaganap ng kasaysayang ng Flipinas at mga pangkulturang pamana. Ito ay
itinatag noong 1965 sa bias ng Republika Blg. 4368.

JOSE S. ARCILLA, S.J. Isang miyembro ng Kagawaran ng Kasaysayan at propesor sa Ataneo


de Manila at isang archivist sa Philippine Province of the Society of Jesus. Nakapagtapos siya ng
kanyang pag-aaral sa Estados Unidos at Espanya. Siya rin ang may akda ng Aspects of Western
Medieval Culture na tungkol sa kasaysayan ng Pililipinas at iba pang bansa. Siya rin ang coordinator ng
editorial staff ng International Jesuit Encyclopedia na nailimbag ng Institute of Jesuit History.

Libro na isinulat ni Jose Arcilla na pumapatungkol sa konteksto hinggil sa dahilan kung bakit at
paano nasulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere .Nasasaad din dito na isa sa pinaka naging inspirisyon
ni Rizal noong sinulat niya ang kanyang akda ay ang pangyayaring pagpatay sa tatlong paring martir na
isinangkot sa pag-aalsa sa Cavite. Nilalaman din nito ang mga impormasyon na nagbigay ng bagong
perspektibo na magpapabago sa tradisyunal na paniniwala hinggil sa Pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
Analysis of the information gathered

1. Focuses on war and oppression


2. Two version that triggers mutiny (Which is believable?)
3. The real mastermind (Gomburza? Or the three people who are not executed?)
4. Awakening of Filipino Nationalism
Contribution to Grand Narrative of Philippine History

1. Sa pamamagitan ng mga dokumento at pahayag na ito ay mas nabigyan tayo ng kaalaman hinggil sa
totong nangyari at dahilan nang pagsiklabab ang pag –aalsa sa Cavite

2. Ang mga impormasyong nakalap ay nagbigay linaw sa kasaysayan ng pilipinas at kung paano
nagdusa ang bayan sa paglaban upang makamit ang kalayaang inaasam.

Relevance of the Document

1. Ang nasabing pag-aaklas ang naging inspirasyon ni Jose Rizal upang ipaglaban ang kalayaan.

2. Ito ang nagmulat sa mga Pilipino sa damdaming nasyonalismo.

3. Sumidhi ang hangarin ng mga Pilipino na makalya sa kalupitan ng mga espanyol.

Cavite Mutiny is known to be the uprising and revolution of troops and workers at Cavite where Filipino
workers fought against Spanish troops due to Spanish repression. As a current Filipino citizen, I do
believe that the significance of the Cavite in modern times lies in our own sense of Nationalism. These
uprisings and movements served as one of the first uprisings of Filipinos against Spanish repression,
even though they know that Spain would have more forces, they still fought until their end resulting in
the deaths of three priests Burgos, Gomez, and Zamora. I do believe that their execution is unjustifiable
since I also believe that the Spanish side of the whole story is false. These events are used as a source of
inspiration and caution for us Filipinos who would like to express our own opinion against the
Government and other organizations that are mistreating our country and countrymen. we must know
when how to voice out our opinions effectively and safely since we might also be falsely accused like
the Three priests during that era. To sum it all up, I do believe that the Cavite Mutiny is relevant in the
current society due to its effects on our beliefs, morals, and rights. Benchz Quitolbo 2019.

You might also like