You are on page 1of 7

1.

People

GOMBURZA  ay nagmula sa apelyido ng tatlong pari, na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, na binitay noong
Pebrer 17, 1872 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring pag-aalsa sa Cavite
noong 1872

Gomez

 Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong August 2, 1799


 si Padre Mariano Gomez (nasa larawan), ang pianakamatanda sa tatlong paring martir.
 Anak siya nina Francisco Gomez at Martina Custodio.
 Kumuha siya ng kursong Theology sa University of Sto. Tomas at natapos niya ito.
 Inordinahan siya bilang pari sa Parokya ng Bacoor, Cavite noong 1824, kung saan siya ang naging kura-parokong halos 48 taon.
 Dito niya ibinaling ang kanyang mahahalagang sandali sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga bata sa parokyang kanyang kinasasakupan.
 Pinaunlad din niya ang agrikultura at industriya kanyang lugar. Kilala siya sa pagiging aktibo sa mga gawaing pangkomunidad.
 Ipinaglaban din niya ang karapatan ng mga kapwa niyang paring Pilipino laban sa sekularisasyon ng mga prayleng Kastila.
 Ang sekularisasyon ay ang diskriminasyon ng mga prayleng Kastila laban sa mga paring Pilipino.
 Itinatag niya ang pahayagang La Verdad kung saan dito niya inilahad ang mga ginagawang pang-aabuso ng mga prayle.
 Dahil sa kanyang pambabatikos sa mga ginagawa ng mga prayle, itinuring siya ng pamahalaang Kastila na isang filibustero.

Burgos

 Tubong Vigan, Ilocos Sur, isinilang noong February 9, 1837


 si Padre Jose Burgos (nasa larawan), ang pinakabata sa tatlong paring martir.
 Anak siya nina Jose Burgos, isang tenyenteng Kastila, at Florencia Garcia, isang Pilipina.
 Una niyang naging guro ang aknyang ina kung saan siya unang natutong bumasa at sumulat.
 Nagtapos siya ng elementarya sa Vigan noong 1849.
 Nang mamatay ang kanyang ama, lumuwas siya ng Maynila at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran kung saan nagtapos siya ng
Batsilyer en Atres (Bachelor of Arts). T
 inapos din niya ang kursong Teolohiya sa University of Sto. Tomas, kung saan doon din nag-aral si Padre Gomez.
 Inordinahan siya bilang pari noong 1864 at itinalaga siya bilang pari sa Manila Cathedral.
 Kilala siya sa kanyang pagtatanggol sa mga karapatan ng mga paring Pilipino matapos siyang tumutol sa panukalang sapilitang pagpapaalis
sa mga paring Pilipino na naglilingkod bilang kura-paroko at papalitin ng mga paring Heswita mula sa Espanya.
 Dahil dito’y isinulat niya ang Manifesto na nalathala sa pahayagang La Verdad kung saan inilahad niya kung bakit dapat manatili pa rin sa
mga paring Pilipino ang pamamahala sa mga parokya.
 Dahil sa kanyang pagtatanggol, tinagurian siyang “Kampeon para sa mga Karapatan ng mga Pilipinong Pari” na siyang ikinagalit ng mga
Kastila, lalo na ng mga prayle.

Zamora

 Isinilang naman sa Pandacan, Maynila noong August 14, 1835


 si Padre Jacinto Zamora (nasa larawan). Anak naman siya nina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.
 Nag-aral at nagtapos siya ng elementarya sa Pandacan.
 Nagtapos din siya ng Batsilyer en Artes sa Colegio de san Juan de Letran kung saan doon din nag-aral si Padre Burgos.
 Tinapos din niya ang kursong Teolohiya sa University of Sto. Tomas kung saan nag-aral din doon sina Padre Gomez at Padre Burgos.
 Naging kura-paroko siya sa Marikina. Pagkatapos ay lumipat siya sa Pasig, pero naalis din siya sa kanyang pwesto dahil sa kanyang sariling
mga kuru-kuro kung kaya’t hindi naging maganda ang ugnayan niya sa mga prayleng Kastila.
 Nalipat siya sa Manila Cathedral kung saan nakilala niya si Padre Burgos.
 Nakilala niya si Padre Gomez na naghikayat sa kanya na sumali sa Comite Reformado na itinatag ni padre Gomez.
 Layon nitong ipaglaban ang karapatan ng mga paring Pilipino laban sa pang-aabuso ng mga prayleng Kastila.
2. Places

3. Pangyayare

Ngunit nang sumiklab ang pag-aalsa ng mahigit sa 200 manggagawang paring Pilipino sa Cavite noong January 20, 1872, na pinamunuan ni Sarhento
La Madrid, ipinaaresto ang tatlong paring martir dahil sila ang itinuturo ng mga prayle na nagpasimuno sng nasabing himagsikan. Ikinulong silang tatlo
sa Fort Santiago. Noong February 15, 1872, ibinaba ni Gobernador Rafael de Izquierdo ang hatol sa tatlong pari; at ang hatol, sila ay pinaparusahan ng
kamatayan.

Ngunit bago bitayin, hiniling muna ni Gobernador de Izquierdo kay Archbishop Meliton Martinez na alisan ng abito si padre Mariano Gomez, pero
tinutulan ito banding huli. Samantala, humingi muna ng patawad ang berdugong bibitay sa tatlo kay Padre Jose Burgos, at sinabi naman ni Padre
Burgos na pinapatawad na niya ang berdugo dahuil nalalaman niya na ginagawa lamang ng berdugo ang kanyang tungkulin. Si Padre Jacinto Zamora
naman ay nadakip dahil lamang sa paanyaya sa kanya na makipaglaro sa kanya ng baraha sa kumbento ng Sampaloc, Maynila noong araw kung kalian
naganap ang himagsikan sa Cavite. Siya ay walang-awang pinahirapan bago bitayin.

Noong February 17, 1872, dito na isinagawa ang pagbitay sa tatlong pari. Sa pamamagitan ng garrote, isang gamit-pangbitay na ginagamit sa mga
hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg, binitay ang tatlong paring martir sa Bagumbayan, na ngayon ay Luneta na. Si Padre
Gomez ay 72 taong gulang samantalang 35 taong gulang naman si Padre Burgos habang 37 taong gulang naman si Padre Zamora nang sila ay bitayin
sa pamamagitan ng garote. Inilibing silang tatlo sa Paco Cemetery sa Maynila.

Ano ba ang Garote?

Ang Garote (Garotte or Garrotte in English) ay isang instrumento na karaniwang tumutukoy sa isang hinahawakan ng kamay na ligatura, panali o
pamigkis na lubid, bandana, alambre o pamansing na ginagamit sa pagsakal ng isang tao. Isa itong paraan ng pagpaparusa na nagmula sa mga
Espanyol. Meron itong iron collar na kung saan inilalagay dito ang leeg ng taong bibitayin. Ito'y hinihigpitan hanggang sa malagutan ng hininga ang
taong pinaparusahan. Ang naturang instrumento ay ginamit sa pagpaparusa sa tatlong Pilipinong Paring Martir na kilala natin bilang Gomburza.

4. Petsa
- Ibinitay noong Pebrero 17, 1872
Pinoy History #1: ANG TATLONG MARTIR
- written by haristory
Kung isa kang Pinoy at na-take mo na ang subject na AralPan o Araling Panlipunan sa High School o Philippine History sa College,
malamang ay narinig mo na ang salitang ito: GOMBURZA. And for sure, alam mo rin ang ibig sabihin nyan. Pero ang tanong, alam
mo ba talaga o malinaw ba talaga sayo yung kwento patungkol sa salitang yan? Gets mo na ba talaga ang story nyan? Kung hindi
masyado - dahil pahapyaw lang yung narinig mo nung diniscuss yan sa inyo o hindi masyadong tinacle ni teacher - ito na ngayon ang
chance mo para mas maintindihan mo yan.
Sa artikulong ito, iikot lang naman ang usapin natin patungkol sa Gomburza. Babalikan natin yung mga napag-aralan na natin dati sa
school patungkol dyan kasama yung mga ibang detalye na hindi na natin masyadong napag-aralan noon. Umaasa ako na sa artikulong
ito, marami kang matututonan about sa topic na ni-research ko, at syempre ma-enjoy mo rin yung time na nilaan mo sa pagbabasa
nito. So ano pang hinihintay natin, 'wag na natin 'tong patagalin, simulan na natin ang kwentuhan.
Ano ba ang Gomburza?
Gomburza? Diba yan yung tatlong paring bayani na pinatay noong panahon ng mga Kastila? Tama. Korek ka dyan. Sila nga yon. Ang
GOMBURZA kasi ay hango sa isang salitang daglat o yung pinagsama-samang piniling mga bahagi ng pangalan (acronym sa ingles)
na kinuha sa apleyedo ng tatlong paring katolikong Pilipino na sina Father Mariano Gomez, Father Jose Apolonio Burgos, at si Father
Jacinto Zamora. Sila ang mga paring pinoy na kilala rin sa tawag na "Ang Tatlong Martir" dahil sa kanilang buwis-buhay na
kabayanihan sa bansa.
Pero teka, paano ba sila naging bayani? Ano ba yung pinaglaban nila noon na naging dahilan na pagiging sikat nila ngayon as one of
our national heroes?
Ganito kasi yun, noong panahon ng mga Kastila, 18th century, panahon kung saan sakop pa ng bansang Espanya ang bansang
Pilipinas, ang tatlong paring Gomburza ay nagtaguyod ng isang secularization movement o isang kilusan na naglalayon na bigyan ng
karapatan ang mga paring Pilipino na makapasok sa mas mataas na posisyon gaya ng pagiging isang Kura Paroko (o pinunong pari ng
Parokya) na karamihan is puro Espanyol lang na member ng mga Orden (o mga regular na pari) ang naka-assigned. Kaso, hindi
pumayag ang mga Orden noon dahil mataas kasi ang authority ng isang Kura Paroko. Ayaw nilang bitawan ang kanilang
kapangyarihan. Pero syempre, ipinaglaban pa rin ito ng Gomburza. Bakit ba ginawa yun ng tatlong paring pinoy? Grabe kasi yung
pang-aabuso na ginagawa noon ng mga Spanish sa mga Pilipino during that time. Pati yung mismong religion (Catholicism) na dinala
nila sa Pinas ay ginamit din nila para lasunin ang isipan ng mga pinoy noon at patuloy silang alipinin. Hindi na ma-take yun ng tatlong
pari kaya naman ginamit nila ang kanilang edukasyon, posisyon at impluwensya para magkaroon ng repormasyon o pagbabago ang
bansang Pilipinas na halos 300 years nang inalipin ng pamahalaang Espanya. Pero sa kabila ng kanilang mga plano, hindi gaanong
naging maganda ang mga sumunod na nangyari. Sa kasamaang palad kasi, ang tatlong paring ito ay pinatay ng mga Kastila sa
Bagumbayan sa pamamagitan ng garote (o yung pagbitay na ginagawa sa isang upuan) noong ika-17 ng Pebrero, 1872 dahil sa mga
bintang na iniugnay sa kanila tulad ng subversion o yung planong pagpapatalsik sa pamahalaan ng Espansya sa Pilipinas. Nadamay rin
sila sa isang malawakang rebelyon sa Cavite o yung tinatawag na Cavite Mutiny noong 1872.
Ang kamatayan ng Gomburza ay nag-iwan ng mapait na marka sa puso ng mga Pinoy. Isa sa mga naimpluwensyahan nila ay si Jose
Rizal, ang ating pambansang bayani. Dahil sa ginawa ng Gomburza, si Rizal ay nakapagsulat ng isang nobela (El Filibusterismo) na
inihandog nya sa tatlong paring ito bilang isang pag-alala sa kanilang ginawang kabayanihan sa bansa. Naging inspirasyon rin ang
ginawa nilang sakripisyo na naging dahilan nang pagkakabuo ng isang kilusan na tinawag na Propaganda na naglalayon din ng
kalayaan at pagbabago sa bansang Pilipinas noong panahon ng Kastila.
Pinoy History #2: ANG PANGANAY NA PARI
- written by haristory
"Pumunta tayo sa lugar kung saan ang mga dahon ay hindi gagalaw kung wala ang pagkilos ng Diyos."
- Padre Mariano Gomez
In this article, isa-isa nating pag-usapan ang bawat background ng tatlong paring Gomburza. Aalamin natin kung saan ba talaga sila
galing at kung sino ba talaga sila. Sa ganitong paraan, mas maiintindihan natin yung dahilan kung bakit nga ba sila naging bayani ng
ating bansa. So uunahin na natin si Padre Mariano Gomez, ang pinakapanganay na pari sa Gomburza.
Sino ba si Padre Mariano Gomez?
Si Mariano Gómez de los Ángeles o mas kilala bilang Padre Mariano Gomez, ay isang Pilipino na ipinanganak sa Santa Cruz, Manila
noong August 2, 1799. Sya ay anak nina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodio na kapwa may dugong Pilipino, Espanyol at
Instik (Tornatrás).
Si Mariano Gomez ay nakapag-aral at nagtapos sa San Juan de Letran. Sya ay lumipat sa UST (University of Santo Tomas) para
makakuha ng kursong "Canon Law" at Theology. (Wait, Canon Law? Ano yon? Abogadong gumagawa ng kanyon? Haha. Hindi yun.
Ang Canon Law ay isang uri ng academical degree na kung saan pinag-aaralan ang mga law and legal principles ng Simbahang
Katoliko na inilaan sa mga esdyanteng gustong maging pari in the future. So talagang dream na ni Padre Gomez ang magpari noon pa
man. Bakit kaya? Well, hindi natin alam, sorry na lang sa mga nagka-crush sa kanya dati. Haha. Ituloy natin ang kwento.) Sya ay
naging ganap na pari noong June 2, 1824 sa Parokya ng Bacoor, Cavite. Bukod sa espiritwal na gampanin, ilan sa mga naging
kontribusyon nya sa naturang bayan is yung pagiging aktibo nya sa pagpapaunlad ng agriculture at cottage industry sa Cavite. Siya rin
ang naging tagapaglutas sa mga ilang awayan at alitan ng mga pari noon. Sya rin ang nagtatag sa isang newspaper na tinatawag na La
Verdad (o The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansang Pilipinas sa pamamahala ng mga
Kastila. Dahil sa mga ginawa nya, maraming tao ang nagmahal at lubos na gumalang sa kanya.
Sa kabila ng kanyang mga achievements, marami pa rin ang umusbong na problema nung mga panahon na yun. Nasa matinding
pananakop pa rin kasi ng mga Kastila ang bansang Pilipinas kaya naman limitado pa rin ang pagkilos ng mga Pilipino noon.
Maraming pang-aabusong ang nangyari na kinasangkutan pa ng mga Spanish Friars. Hindi na ito matiis ni Padre Gomez kaya naman
gumawa na sya ng paraan para matulungan ang bansa. Kasama ang dalawang paring sina Father Burgos at Father Zamora at ilang mga
Pilipino, gumawa sila ng isang reporma na naglalayon na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at ng mga Paring Pilipino laban sa
mga Prayleng Kastila. Ang problema nga lang, dahil sa pagtatanggol na ginawa ni Padre Gomez sa kanyang mga kababayan,
pinagbintangan siyang kasali sa isang rebulusyon na naganap din mismo sa Cavite kung saan sya naglilingkod bilang isang Pari. At
dahil sa kahinaan ng hustisya nung mga panahon na yun, kasama si Padre Gomez sa mga paring pinatay noong February 17, 1872 sa
pamamagitan ng garote. Sya ay namatay sa edad na 72. Ayon sa pananaliksik, ang mga huling salitang binitawan ni Padre Gomez
bago sya bitayin ay ang mga katagang ito, "Huwag kang lumuha anak, ang taong tunay na nagmamahal sa lupang tinubuan ay hindi
namamatay sa higaan."
Itutuloy....
References:
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Mariano_G%C3%B3mez
https://www.revolvy.com/page/Mariano-G%C3%B3mez…
https://kahimyang.com/…/today-in-philippine-history-august-…
Pinoy History #3: ANG PARING MANUNULAT
- written by haristory
“Wala akong ginawang anumang krimen!"
- Padre Jose Burgos
Nasubukan mo na bang mapagbintangan? Yung tipong alam mong wala ka namang ginawang masama, yung malinis naman yung konsensya mo pero
ikaw yung tinurong may kasalanan? Badtrip diba. At mas lalong badtrip kapag ang kabayaran nun is kamatayan. Ganon na ganon mismo ang sinapit
ng isang taong pag-uusapan natin ngayon sa artikulong ito, ang paring manunulat na napagkamalang sumulat ng isang dokomentong naglalaman ng
mapanirang mensahe laban sa mga Prayleng Kastila at pinagbintangang pasimuno sa isang rebelyon na ginanap sa Cavite. Sya ay walang iba kundi si
Padre Jose Burgos, ang pinakabata sa Gomburza.
Sino si Padre Jose Burgos?
Si Jose Apolonio Burgos y García o mas kilala sa tawag na Padre Jose Burgos ay isang Pilipino na ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur noong February
9, 1837. Sya ay anak nina Don José Tiburcio Burgos, isang Spanish Officer at Florencia García, isang mestiza (mixed-blood).
Si Padre Burgos ay nagtapos sa kursong “Bachelor of Arts” sa Colegio de San Juan de Letran at nakapag-aral din sya sa UST. After his graduation,
sya ay nagturo ng araling Latin sa UST. Muli syang nag-aral sa Europa para kumuha ng Theology, Philosophy at Cannon Law. (Wow, rich kid,
daming pang-enroll. Haha.) Naging ganap syang Pari noong February 11, 1885, at ang una nyang misa ay ginanap sa Intramuros, Manila.
Si Padre Burgos ay mahilig magsulat. Ilan sa mga editorial writings nya (tulad ng "To the Spanish People") ang nakapagdala ng tagumpay sa
pagpapatupad ng reporma na kung saan nagbigyan ng karapatan ang mga Native Filipino Priests na makakuha ng mas mataas na rango sa pagkapari
(Kura Paroko) na katulad sa mga Prayleng Kastila. Dahil sa kahusayan nya sa pagsusulat, naging target sya ng maraming oposisyon noon sa bansa.
Kabilang din sya sa isang secret society na tinatawag na confraternity (isang Christian voluntary association ng mga Pilipino na binuo para makapag-
promote ng mga special works para sa mga Christian charity na inaaprobahan ng Simbahan) na kung saan nakasama nya sina Father Mariano Gomez,
José María Basa, Agustín Mendoza, Máximo Paterno, at si Ambrosio Rianzares Bautista. Layunin ng naturang grupo ang manghagilap ng mga
repormang makakatulong sa karapatang pantao ng mga Pilipino. Ang mga reformang ito ay nakalista sa Eco de Filipinas, na ipinablished naman sa
Madrid. Si Father Burgos din ay isang malapit na kaibigan ni Paciano Rizal, kuya ng ating Pambansang Bayaning si José Rizal.
Noong 1864, isang anonymous pamphlet ang ipinablished sa Manila na naglalaman ng mga mensaheng nagdidisapprove sa mga pagsasamantalang
ginagawa umano ng mga Prayleng Kastila na namumuno sa mga Simbahan. Walang pirma ang naturang dokomento pero ayon sa mga tao noon,
gawa raw ito ni Padre Burgos dahil na rin sa style ng pagkakasulat at nilalaman nito. Marami na rin kasing naisulat si Padre Burgos dati na mga
artikulong permado nya na lumabas noon na pinanlaban sa mga dokomentong naninira sa mga native clergymen o mga Pilipinong Pari. Dahil walang
ibang mapagbintangan ang mga Kastila about sa dokomentong lumabas, si Padre Burgos ang kanilang naging pangunahing suspek. (Patay, mahirap
din palang magsulat minsan, pwede palang maging way yun kapahamakan. Itutuloy ko pa ba 'to? Haha. Sige na nga.)
Noong 1869, si Felipe Buencamino, isang young student na kakilala ni Padre Burgos, ay pinatawan ng parusa dahil sa pagpapakalat nya umano ng
mga pamphlets sa loob ng kanyang school na naglalaman ng propaganda na nagdedemand ng academic freedom para sa mga estudyanteng Pinoy
("Speak Latin only please" kasi sila noon, policy nila sa loob ng classroom. Latin yung nagpapa-nosebleed sa kanila dati.). Ikinulong si Buencamino
kasama ang ilan sa mga estudyanteng nagpakalat din ng naturang dokomento. Pero sa tulong ni Padre Burgos, nakalaya din agad si Buencamino
kasama ang ibang students pagkalipas ng apat na buwan. Nagpa-tutor si Buencamino kay Padre Burgos para makahabol sa mga aralin nya sa school
dahil nga four months syang nakulong. (Daming absences, buti hindi sya drinap sa school nila. Haha.) By this time, si Padre Burgos ay nag-
established ng isang pahayag upang idepensa ang mga native clergy laban sa mga Prayleng Kastila. (Paulit-ulit na problema, abusado talaga 'tong
mga Prayleng Kastila na 'to, pambihira naman oh.) Nagkaroon ng matinding debate sa ipinasa nyang reporma na medyo tumagal pa dahil naisali rin
ang mga tanong patungkol sa lahi at nasyonalismo. Ang problema nga lang, nung mga panahon ding yun, nagkaroon ng isang malawakang rebelyon
sa Cavite na ikinadawit ng pangalan nya at ng dalawang Paring kasama nya. Pinaratangan silang pasimuno umano sa rebolusyong naganap kahit wala
namang matibay na ibedensya laban sa kanila.
Sa isang libro na pinamagatang "Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos", sinabi don na pagkatapos ng nangyaring pag-aalsa sa Cavite, isang
nagngangalang Zaldua ang nagrecruit ng mga tao para maki-isa sa rebolusyon. At ayon kay Sergeant Bonifacio Octavo, sinabi ni Zaldua na si Padre
Burgos umano ang nag-utos sa kanila para isagawa ang bagay na yun. (What? Sya na naman? Bintang pa more.) Hindi gaanong naging malinaw ang
naturang testimonya ni Zaldua pero kinonfirmed na ito ni Governor-General Rafael Izquierdo at inereport sa Madrid na si Padre Burgos nga at nang
dalawang Paring kasama nya ang may kasalanan sa naturang krimen. At noon ngang February 17, 1872, sila ay binitay sa pamamagitan ng garote sa
Bagumbayan na mas kilalang ngayon bilang Luneta Park. Si Padre Burgos ay namatay sa edad na 35 years old. (Ambata pa nya men!) Sya rin ang
huling binitay sa kanilang tatlo. At ayon pa sa mga mananaliksik, grabe raw ang pag-iyak ni Padre Burgos nung time na bibitayin na sya. (Biruin mo
ba naman kasi, 7 courses ang natapos nya, dalawa pa don is Doctorate, tapos bitay lang yung ending niya. Pambihirang buhay.) Isinigaw pa raw ni
Padre Burgos na wala siyang kasalanan, pero sinagot lang sya ni Benito Corominas (hindi ko kilala. Hehe.) ng, "Maging si Kristo ay walang
kasalanan." Sumagot lang si Padre Burgos sa kanya ng, "Gawin mo na ang trabaho mo."
Itutuloy....
References:
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Burgos
https://www.britannica.com/biography/Jose-Burgos
http://www.msc.edu.ph/centennial/burgos.html
https://xiaochua.net/…/xiaotime-7-february-2013-sino-si-pa…/
Pinoy History #4: ANG PARING MANUNUGAL
- written by haristory
"Hindi ako, hindi ako ang may gawa!"
- Padre Jacinto Zamora
Sa panahon ngayon, usong-uso ang Mistaken Identity, o yung mga taong nagpagkakamalang gumawa ng isang krimen o isang bagay
na labag sa batas, na sa totoo lang is hindi naman talaga sila ang may gawa (mukha lang sila ang may gawa). Sa artikulong ito, pag-
uusapan natin ang isang Paring nadawit ang iniingatang pangalan sa isang rebelyon dahil sa hilig nya umano sa mga baraha. Oo, tama
nga ang nabasa mo, isang Paring mahilig sa sugal (Father Gambling?), sya ay walang iba kundi si Padre Jacinto Zamora.
Sino ba si Padre Jacinto Zamora?
Si Jacinto Zamora y del Rosario o mas kilala sa tawag na Padre Jacinto Zamora ay isang Pilipino na ipinanganak sa Pandacan, Manila
noong August 14, 1835. Sya ay anak nina Don Venancio Zamora at Doña Hilaria del Rosario.
Bata pa lamang si Padre Zamora ay pangarap na nya talaga ang maging isang Pari. Kaya naman ginawa nya ang lahat para mangyari
yun. Sya ay nag-aral sa Pandacan at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran kung saan natapos nya ang kursong Bachelor of Arts.
Nagpatuloy sya ng pag-aaral sa UST kung saan nakompleto nya ang kursong Theology at Bachelor of Canon and Civil Laws noong
March 16, 1858. Nag-training sya sa semenaryo sa Manila upang maging isang ganap na Pari.
Nung sya ay ma-ordain (naging Pari na talaga), hinawakan nya ang Parokya ng Marikina, Pasig, at Batangas. Na-assign rin sya sa
Manila Cathedral noong December 3, 1864. Sa paglipat nya sa Manila, nakita nya ang hindi makatarungang pagtrato ng mga Spanish
friars sa mga Pilipinong Pari. Naawa sya sa mga kababayan nya kaya't gumawa sya ng paraan para makatulong sa kanila at
maipaglaban ang mga karapatan nila. Kasama ang dalawang Paring sina Padre Gomez at Padre Burgos, ipinagpatuloy ni Padre
Zamora ang misyon na sinimulan din noon ni Pedro Pelaez, ito ay ang sekularisasyon para sa mga Paring Pilipino.
Si Padre Zamora ay mahilig maglaro ng baraha (heto na). Pagkatapos ng kanyang mga misa is pumupunta sya sa mga sugalan para
makipaggambling. (Naku po, pwede ba yun?) Then one time, pinadalhan si Padre Zamora ng isang imbitasyon na kung saan,
naglalaman ito ng mensaheng meron daw "Powder and Munitions" ang isa sa kanyang mga kaibigan (kasugalan). Ang Powder and
Munitions o "Pulbura at Bala" sa tagalog ay isang term na ginagamit ng mga manunugal noon na ang ibig sabihin is maraming perang
ipupusta. (Oh, hala, lagot na, layuan mo yan Padre Zamora, tukso yan!) Ang problema, nabalitaan ito ng mga Spaniards. Kaya't ni-raid
nila ang bahay ni Padre Zamora, at doon nga, nakuha nila ang naturang imbitasyon. At ang mas malala pa, nung mga time ding yun
(evening), doon rin isinagawa ng mga Pilipinong manggagawa ang rebelyon sa Cavite na pinamunuan ng isang sundalong Pinoy na si
Sgt. La Madrid. Ang nangyari tuloy, ginamit ng mga Kastila ang naturang imbitasyon bilang ibedensya laban kay Padre Zamora at sa
dalawang Paring kasama nya (ayan tuloy, damay-damay na). Mas lumala pa ito nung nalaman ng mga Kastila na si Padre Zamora ay
nag-celebrate umano ng isang Malaking Misa kasama ang dalawang Paring Pilipino. (Hindi kasi sila invited kaya bitter sila.) At sa isa
pang pangyayari, si Padre Zamora ay binantaan din ng isa Spanish Lieutenant dahil sa pagtanggi nya na i-bless ang kaibigan nito na
nagpakamatay (Bawal kasi yun). Dahil sa mga nangyari, mas lalong nadiin ang mga pangalan ng tatlo sa nasabing rebelyon. Sila ay
inaresto noong February 15, 1872 at dinala sa Fort Santiago. Pinatawan silang guilty at sila'y sinentensyahan ng kamatayan noong
February 17, 1872 sa pamamagitan ng garote.
Ayon sa mga historians, si Padre Zamora ay nakatulala lamang na parang isang maamong tupa nung sya ay bitayin. Sya ay namatay sa
edad na 37. Halos nabaliw na sya dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay.
Itutuloy....
References:
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Jacinto_Zamora
https://philippineculturaleducation.com.ph/zamora-jacinto/
https://www.revolvy.com/page/Jacinto-Zamora…
https://artikuloatbp.wordpress.com/tag/jacinto-zamora/
Pinoy History #5: ANG PAG-AALSA SA CAVITE
- written by haristory
Natapos na nating pag-usapan ang buhay ng tatlong Paring Gomburza. Nalaman na natin kung sino ba talaga sila at kung ano yung
mga iba't-iba katangian na meron sila. Maging ang mga kontribusyon na ginawa nila para sa bansa ay natuklasan din natin. Ngayon
naman, sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang iba't-ibang mga bagay at mga pangyayari na naganap noon na konektado sa buhay ng
Gomburza. At uunahin na natin ang sikat na sikat na rebolusyon na nangyari sa Cavite noong 1872, na tinatawag ding The "Cavite
Mutiny". (Tentenenen.)
Ano ba ang Cavite Mutiny?
Ang "Pag-aalsa sa Cavite" o "Cavite Mutiny" sa ingles ay isang revolt o rebelyon na ginanap sa Cavite noong gabi ng January 20,
1872. Ito ay pinamunuan ni Sgt. La Madrid, isang sundalong Pilipino. 200 sundalong arsenal at manggagawang Pinoy ang sinasabing
naging kasapi sa naturang rebolusyon. Ito ay ginawa para labanan ang matinding pananamantala ng Spanish Government sa mga
Pilipino.
Bakit nga ba nagkaroon ng Cavite Mutiny?
Pinaniniwalaang nag-ugat ito sa pagpapataw ni Governor-General Rafael de Izquierdo ng personal tax sa mga sundalong arsenal at
manggagawa na dati naman ay hindi sila kasali. Kailangan nilang magbayad ng pera at polo y servicio o sapilitang pagtatrabaho sa
mga Kastila. Pagdating ng sahuran, nabawasan ang mga sweldo nila dahil nga sa pinataw na buwis (badtrip sila). Sa reklamo at galit
nila, don na sila nagplano na gumawa ng pag-aalsa. Una nilang pinuntahan ang Fuerza San Felipe kung saan pinatay nila ang 11
Espanyol na opisyal. Akala nila non, sasamahan na sila ng mga sundalo sa Manila, nagkaroon kasi ng malalakas na putukan sa
Intramuros non. Inakala nila na simula na yun ng isang matinding labanan. (Giyera na 'to mga tol!) Kaso, hindi pala (ngek), yung
putukan kasing narinig nila ay galing lang pala sa isang fiesta na sini-celebrate nung panahon ding yun, ang pista ng Our Lady of
Loreto, patron ng Sampaloc, Manila. (Sayang!) Nabalitaan ng mga Spaniards ang naturang pag-aalsa. Sa takot nilang pagsimulan yun
ng isang malawakang rebolusyon, agad silang bumuo ng grupo sa pamumuno ni General Felipe Ginoves at nilusob nila ang San
Felipe. Doon nga'y nahuli nila ang mga nag-aklas. Si Sgt. La Madrid na lider ng rebelyon ay pinaputukan ng mga sundalong Kastila sa
utos na rin ni General Ginoves.
Pagkatapos ng pag-aalsa, inalisan ng armas ang lahat ng sundalo at ipinatapon sila sa Mindanao. Dinakip at binitay naman ang mga
pinaghinalaang sumuporta sa naturang pag-aaklas. Maraming tao ang nadamay sa rebelyon kabilang na ang Gomburza. Ginamit itong
dahilan ng Spanish Government at ng mga Prayleng Espanyol para idawit ang tatlong Paring Pilipino dahil sa paghahangad nila ng
repormasyon sa bansa. Pagkatapos ng mga imbestigasyon at kahina-hinalang paglilitis, binitay nila ang tatlong Pari sa harap ng
publiko sa pamamagitan ng garote.
Hindi man naging successful ang Cavite Mutiny, naging makabuluhan din naman ito sa kasaysayan. Ginamit kasi itong dahilan para
maitulak ang mga Makabayang Pilipino na patuloy na lumaban para sa karapatan at kalayaan ng bansang Pilipinas. Maraming
scholars ang naniniwala na ang 1872 Cavite Mutiny ay ang starting point ng nasyonalismo ng mga Pilipino na naging dahilan ng
pagkakaroon ng Philippine Revolution noong 1896.
Itutuloy....
References:
https://en.m.wikipedia.org/wiki/1872_Cavite_mutiny
https://www.britannica.com/event/Cavite-Mutiny
http://nhcp.gov.ph/the-two-faces-of-the-1872-cavite-mutiny/
http://www.stuartxchange.org/CaviteMutiny.html

You might also like