Professional Documents
Culture Documents
Retraksyon Ni Rizal Ayon Kay Balaguer
Retraksyon Ni Rizal Ayon Kay Balaguer
Ngunit, ilang oras bago siya barilin, pinirmahan daw ni Rizal ang isang
dokumento na nagsasabing siya raw ay isang Katoliko at binabawi niya lahat
ng kanyang mga sinulat laban sa simbahan. Nakilala ang dokumento bilang
ang retraktasyon, “The Retraction.”
Si Padre Balaguer ang isa sa mga paring bumisita kay Rizal sa mga huling
oras ng kanyang buhay sa piitan sa Fort Santiago. Taong 1917, sa kanyang
pagbabalik sa Espanya, sinabi niyang sya ang nag-udyok kay Rizal upang
gawin ang retraksyon at sya ring nagkasal kay Rizal at Josephine Bracken.
December 29, 1896* 10:00AM– Dinalaw siya ng isa sa mga guro niya sa
Ateneo na si Padre Jose Vilaclara kasama si Vicente Balaguer. Matiim na
yakap ang isinalubong ni Rizal sa kanila.
Rizal: “ Magandang umaga guro. Heto at dinadama ang pighati ng mga huling
oras na nalalabi sa aking buhay?”
Balaguer: “Isang kautusan galling kay Padre Pio Pi, ang formula para sa
retraksyon sa iyong mga tinuran at pagbabalik loob sa pananampalataya.”
* 10:00PM – Muling bumalik si Padre Balaguer dala kay Rizal ang burador ng
pagbawi na ipinadala ng Arsobispong anti-Pilipino na si Bernardino Nozaleda,
ngunit hindi ito nilagdaan ni Rizal dahil hindi niya ito nagustuhan.* -
Ayon naman kay Padre Balaguer, nagpakita siya ng mas maikling burador na
inihanda ni Padre Pio Pi. At makaraan ng ilang pagbabago ay isinulat ni Rizal
ang kanyang retraksiyon, na kung saan itinatakwil na niya ang Masonerya at
mga relihiyosong ideyang anti-Katoliko
“I declare myself a catholic church and in this religion in which I was born and
educated I wish to live and die”
Ayon sa ilan, mas lalong naging dakila si Rizal sa pagkilala ng kanyang mga
kamalian laban sa pananampalataya. Ngunit para naman sa marami, hindi
kapanipaniwala na sa huling sandali ng kanyang buhay, babawiin niya ang
kanyang mga sinulat, ang dahilan ng kanya mismong pagkabayani. Para na
rin niyang itinapon ang kanyang kabayanihan.
Mga nagsasabing hindi totoo ang pagreretract ni Rizal: * Sulat ni Rizal kay
Blumentritt (Paris 1890) -“bakit hindi ko kakalabanin ng buo kong lakas ang
relihiyon gayong ito ang unang unang dahilan ng lahat ng kahirapan at
hinagpis” * Letter to be opened after my death (Hongkong 1892) -”hindi ako
nagsisisi sa lahat ng aking nagawa. Dapat itaya ng tao ang kanyang buhay sa
para kanyang tungkulin at paniniwala. Pinaninindigan ko ang lahat ng mga
ideang pinahayag ko tungkol sa kinabukasan ng aking bayan” * Trining
-“ipakita nila ang dokumento upang paniwalaan namen”
Maraming nagsasabing hindi totoo ang tungkol sa retraksyon ni Rizal, ang
sinasabing pagpapakasal nya kay Josephine Bracken ay hindi napatunayang
ng walang maipakitang marriage contract.