You are on page 1of 251

Kabanata 1

Pagsilang ng Pambansang Bayani

Si Dr. Jose Rizal ay katangi-tanging halimbawa ng isang henyo ng maraming


larangan na naging pinakadakilang bayani ng isang nasyon. Biniyayaan ng Diyos ng
maraming talino, maihahanay siya sa ibang mga henyo sa buong daigdig. Siya ay
isang doktor (siruhano sa mata), makata, mandudula, mananalaysay, manunulat,
arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, etnolohista,
agremensor, inhinyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo,
kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahikero,
humorista, satirista, polemisista, manlalaro, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat,
siya ay isang bayani at politikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa
katubusan ng mga inaaping kababayan. Hindi kataka-takang siya ang tinanghal na
pambansang bayani ng Pilipinas.

Pagsilang ng Isang Bayani. Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag


ang buwan, Miyerkules, Hunyo 19, 1861, sa baybaying bayan ng Calamba, Laguna,
Pilipinas. Muntik nang mamatay ang kanyang ina sa panganganak dahil malaki ang
kanyang ulo. Gaya ng isinalaysay niya kinalaunan: "Isinilang ako sa Calamba noong
Hunyo 19, 1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan
ng buwan. Miyerkules noon at ang pagdating ko sa lambak na ito ng luha ay muntik
nang ikamatay ng aking ina, mabuti na lamang at namanata siya sa Birhen ng
Antipolo, sinabi niyang isasama ako sa peregrinasyon."

Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong Hunyo 22,


edad tationg araw, ng kura paroko, si Padre Rufino Collantes, na isang Batanguefio.
Ang kanyang ninong ay sj Padre Pedro Casanas, taga-Calamba at kaibigang
matalik ng maganak na Rizal. Ang ngalang "Jose" ay pinili ng kanyang ina na
deboto kay San Jose.

Nang binibinyagan siya, pinuna ni Padre Collantes ang malaking ulo ng


sanggol, at sinabi sa mga miyembro ng pamilyang naroon: “Alagaan ninyo ang
batang ito, balang araw ay magiging dakila siya." Nagkatotoo ang sinabi niya, gaya
ng matutunghayang pangyayari sa hinaharap.

Ito ang nakasulat sa partido de bautismo ni Rizal:


“Ako, ang kura paroko ng Calamba, ay nagpapatunay na mula sa
imbestigasyon ng mga kinauukulan, sa pagpapalit ng mga libro ng paroko na
nasunog noong Setyembre 28, 1862, ay matatagpuan sa Listahan Blg. 1 ng mga
Bininyagan, p. 49, ipinakikita ng sinumpaang testimonya ng mga saksi na si JOSE
RIZAL MERCADO ay lehitimong anak nina Don Francisco Rizal Mercado at Dofia
Teodora Realonda, na bininyagan sa parokong ito noong ika-22 ng Hunyo ng taong
1861, ng kura paroko, si Kapita-pitagang Rufino Collantes, si Kapita-pitagang Pedro
Casanas ang kanyang ninong. Tingnan ang aking lagda.”

(Nilagdaan): LEONCIO LOPEZ

Kailangang malaman na noong isinilang si Jose Rizal, ang gobernador-


heneral ng Pilipinas ay si Tenyente-Heneral Jose Lemery, dating senador ng
Espanya (miyembro ng mataas na kapulungan ng Cortes ng Espanya).
Pinamunuan niya ang Pilipinas mula Pebrero 2, 1861 hanggang Hulyo 7, 1862.
Nang araw na isinilang si Rizal (Hunyo 19, 1861), nagkataong nagpadala siya Ng
opisyal na liham sa Ministrong Digma at Ministrong Ultramar sa Madrid, na
tumutuligsa kay Sultan Pulalun ng Sulu at iba pang makapangyarihang datung
Muslim na nakikipagkaibigan sa isang Ingles na konsul. Kabilang sa kanyang mga
nagawa bilang gobernador heneral ay: (1) pagtataguyod sa pagtatanim ng bulak sa
nga lalawigan at (2) pagtatatag ng mga pamahalaang politikomilitar sa Visayas at
Mindanao.

Mga Magulang ni Rizal. Si Jose Rizal ang ikapito sa labingisang anak nina
Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda. Ang ama ng bayani, si
Francisco (1818-1898) ay isinilang sa Biñan, Laguna, noong Mayo 11, 1818. Nag-
aral siya ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Noong bata pa,
pagkaraang mamatay ng mga magulang, lumipat siya sa Calamba at naging
kasamang magsasaka sa asyendang pag-aari ng mga Dominiko. Masipag siya,
bihirang magsalita, ngunit mas maraming nagagawa, malakas ang pangangatawan,
at maayos ang pag-iisip. Namatay siya sa Maynila noong Enero 5, 1898 sa edad na
80. Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na "huwaran ng
mga ama."

Si Doña Teodora (1826-1911), ang ina ng bayani, ay isinilang sa Maynila


noong Nobyembre 8, 1826, at nakapag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang
kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod. Kahanga-hanga siyang babae,
mabini kung kumilos, may talino sa panitikan, negosyo, at katatagan ng isang
babaing Sparta. Masuyo siyang inilarawan ni Rizal: "Ang aking nanay ay katangi-
tangi; maalam siya sa panitikan at mahusay mag Espanyol kaysa akin. Siya ang
nagwawasto ng aking mga tula at binibigyan niya ako ng magagandang payo nang
nag-aaral ako ng retorika. Siya ay mahusay sa matematika at maraming aklat na
nabasa." Namatay si Doña Teodora sa Maynila noong Agosto 16, 1911 sa edad na
85. Bago siya namatay, nag-alay sa kanya ng pensiyon ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Ngunit magalang niyang tinanggihan ito. Sabi niya, "Ang aking pamilya ay
hindi naging makabayan dahil sa pera. Kung maraming pondo ang pamahalaan at
hindi alam kung saan ito ilalaan, mabuti pang babaan na lamang nila ang buwis." Sa
ganitong pananalita, pinatunayan niyang karapat-dapat siyang maging ina ng
pambansang bayani.
Ang mga Batang Rizal. Biniyayaan ng Diyos ang magasawang Francisco
Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda ng labing-isang anak— dalawang lalaki
at siyam na babae. Sila ang mga anak:

1. Saturnina (1850-1913) — panganay sa magkakapatid na Rizal, ang


palayaw niya‘y Neneng; ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas.

2. Paciano (1851-1930) nakatatandang kapatid na lalaki at katapatang-


loob ni Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang nakababatang kapatid, sumapi siya sa
Rebolusyong Pilipino at naging heneral; pagkaraan ng Rebolusyon, nagretiro siya
sa kanyang bukid sa Los Baños, kung saan siya naging magsasaka at namatay
noong Abril 13, 1930, isang matandang binata sa edad na 79. May dalawa siyang
anak sa kanyang kinakasama (Severina Decena) isang lalaki at isang babae.

3. Narcisa (1852-1939)— palayaw niya ay Sisa at ikinasal siya kay


Antonio Lopez (pamangkin ni Padre Leoncio Lopez), isang guro sa Morong.

4. Olimpia (1855-1887)— palayaw niya ay Ypia; ikinasal siya kay Silvestre


Ubaldo, isang operator ng telegrapo mula Maynila.

5. Lucia (1857-1919)— ikinasal siya kay Mariano Herbosa ng Calamba, na


pamangkin ni Padre Casanas. Namatay sa kolera si Herbosa noong 1889 at
itinanggi sa kanya ang isang Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni Dr. Rizal.

6. Maria (1859-1945)— Biang ang kanyang palayaw; ikinasal siya kay


Daniel Faustino Cruz ng Binan, Laguna.

7. JOSE (1861-1896)- ang pinakadakilang bayaning Pilipino at henyo; ang


kanyang palayaw ay Pepe; habang desterado sa Dapitan, nakisama siya kay
Josephine Bracken, isang Irlandes mula Hong Kong; nagkaanak siya rito ng lalaki
ngunit ilang oras lamang nabuhay ang sanggol pagkapanganak; pinangalanan
siyang "Francisco" ni Rizal, sunod sangalan ng ama, at inilibing siya sa Dapitan.

8. Concepcion (1862-1865)- ang kanyang palayaw ay Concha; namatay


siya sa sakit sa edad na 3; ang kanyang pagkamatay ay unang kalungkutang
naranasan ni Rizal.

9. Josefa (1865-1945)— ang kanyang palayaw ay Panggoy; namatay


siyang matandang dalaga sa edad na 80.

10. Trinidad (1868-1951)—Trining ang kanyang palayaw; namatay rin


siyang isang matandang dalaga noong 1951 sa edad na 83.

11. Soledad (1870-1929)— bunso sa magkakapatid na Rizal; ang kanyang


palayaw ay Choleng; ikinasal siya kay Pantaleon Quintero ng Calamba.

Nagmamahalan ang magkakapatid. Noong bata, laging kalaro ni Rizal ang


mga kapatid niyang mga babae. Tulad ng ibang magkakapatid, nag-aaway din sila
ngunit nang tumanda'y nanatili pa rin ang paggalang ni Rizal sa kanyang
nakakatandang kapatid na babae. Tinatawag niya silang Doña o Señora (kung may-
asawa) at Señorita (kung dalaga). Halimbawa, ang tawag niya sa kanyang
nakatatandang kapatid na si Olimpia ay "Doña Ypia," sa panganay ay "Señora
Saturnina," at sa mga kapatid na dalaga ay "Señorita Josefa" at "Señorita Trinidad."

Sampung taon ang tanda ni Paciano, nag-iisang kapatid na lalaki, kay Rizal.
Hindi lamang nakatatandang kapatid na lalaki ang turing sa kanya kundi para na rin
siyang pangalawang ama ni Rizal. Sa buong buhay niya, lagi siyang iginagalang at
hinihingan ng payo ni Rizal. Sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, binibigyang-
buhay ni Rizal ang kanyang kapatid sa katauhan ni Pilosopo Tasio. Sa kanyang
liham kay Blumentritt, isinulat sa London noong Hunyo 23, 1888, sinabi ni Rizal na
si Paciano ang "pinakamaginoong Pilipino" at "kahit na isang indio, mas
mapagbigay at maginoo siya kaysa mga Espanyol, kahit pa pagsama-samahin
silang lahat." Sa susunod na liham para kay Blumentritt, isinulat sa London noong
Oktubre 12, 1888, ganito naman ang sinabi ni Rizal sa kanyang pinakamamahal na
kapatidna lalaki. "Mas mabini siyang kumilos kaysa akin; mas seryoso; mas malaki
at mas balingkinitan, hindi naman ganoong kayumanggi ang kulay; maganda at
matangos ang ilong; ngunit sakang."
Ang mga Ninuno ni Rizal. Gaya ng karaniwang Pilipino, si Rizal ay produkto
ng pinaghalu-halong lahi. Sa kanyang mga ugat ay nananalaytay ang dugo ng
Silangan at Kanluran— Negrito, Indones, Malay, Tsino, Hapon, at Espanyol. Ngunit
mas nakalalamang ang pagiging Malay niya at isa siyang mahusay na ispesimen ng
kalalakihan. Sa partido ng kanyang ama, ang kanunununuan niya ay si Domingo
Laméo, isang Tsinong imigrante mula sa Changchow, lungsod ng Fukien, na
dumating sa Maynila noong mga taong 1690. Naging Kristiyano siya,
nakapangasawa si Ines de la Rosa, mayamang Tsinong Kristiyano sa Maynila.
Ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na akmang-akma naman sa kanya
dahil siya ay isang mangangalakal. Sa Filipino, ang Espanyol na mercado ay
"palengke." Nagkaanak sina Domingo Mercado at Ines de la Rosa, si Francisco
Mercado. Si Francisco Mercado ay nanirahan sa Biñan, nakapangasawa ng isang
mestisang Tsinong Pilipino, si Cirila Bernacha, at nahalal na gobernadorcillo
(alkalde ng bayan). Isa sa mga anak nila, si Juan Mercado (lolo ni Rizal) ang
napangasawa ni Cirila Alejandro, isang mestisang TsinongPilipino. Gaya ng
kanyang ama, nahalal din siyang gobernadorcillo ng Biñan. Nagkaroon ng
labintatlong anak sina Kapitan Juan at Kapitana Cirila, ang bunso ay si Francisco
Mercado, ang ama ni Rizal.

Namatay ang ama ni Francisco Mercado nang siya ay walong taong gulang, at
lumaki siya sa pag-aaruga ng kanyang nanay. Nag-aral siya ng Latin at Pilosoypiya
sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag-aaral ay nakilala niya't umibig
siya kay Teodora Alonso Realonda, isang estudyante sa Kolehiyo ng Santa Rosa.
Ikinasal sila noong Hunyo 28, 1848, at pagkaraa'y nanirahan sa Calamba, kung
saan pagsasaka at negosyo ang ibinuhay nila sa malaki nilang pamilya.
Sinasabing ang pamilya ni Doña Teodora ay nagmula kay Lakandula, ang
huling katutubong hari ng Tondo. Ang kanyang kanunu-nunuan (lolo sa tuhod ni
Rizal) ay si Eugenio Ursua (may lahing Hapon) ay nakapangasawa ng isang
Pilipino, si Benigna (walang nakaaalam ng apelyido). Ang kanilang anak na si
Regina ay ikinasal kay Manuel de Quintos, isang abogadong Tsinong-Pilipino mula
Pangasinan. Isa sa mga anak nina Abogado Quintos at Regina ay si Brigida, na
napangasawa ni Lorenzo Alberto Alonso, isang kilalang mestisong Espanyol-Pilipino
ng Biñan. Ang kanilang mga anak ay sina Narcisa, Teodora (ina ni Rizal), Gregorio,
Manuel, at Jose.

Ang Apelyidong Rizal. Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay


Mercado, na ginamit noong 1731 ni Domingo Lameo (kanunu-nunuan ni Rizal sa
partido ng kanyang ama) na isang Tsino. Ginamit ng mag-anak ang "Rizal"-na
ibinigay ng isang Espanyol na alcalde mayor (gobernador ng lalawigan) ng Laguna,
na kaibigan ng pamilya. Kaya sabi ni Rizal sa sulat niya kay Blumentritt (walang
petsa ng pagkakasulat ni lugar kung saan isinulat):
Ako lamang ang Rizal dahil sa aming bahay, ang mga magulang ko't
kapatid, pati na ang ibang kamaganak ay tinatawag sa dati naming
apelyido, ang Mercado. Ang aming pamilya ay talaga namang Mercado,
ngunit napakaraming Mercado sa Pilipinas na hindi naman namin kamag-
anak. Sinasabing isang kaibigan ng pamilya ang nagbigay sa amin ng
apelyidong Rizal. Hindi naman ito gaanong pinapansin ng aking pamilya,
ngunit ngayon ay kailangan kong gamitin iyon. Sa ganitong paraan,
nagmumukhang anak ako sa labas.

"Sinumang alcalde mayor iyon,” puna ni Embahador Leon Ma. Guerrero, na


naging diplomata at kilalang Rizalista, "naging mahusay ang pagkakapili niya sa
apelyidong Rizal. Sa Espanyol, ito ay isang bukid na tinatamnan ng trigo, inaani
habang lunti pa, at muling tutubo."
Ang Tahanan ng mga Rizal. Ang tahanan ng mga Rizal, kung saan isinilang
ang bayani, ay isang katangi-tanging bahay na bato sa Calamba noong Panahon ng
Espanyol. May dalawa itong palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at
matigas na kahoy, at may bubong na pulang tisa. Ganito ang paglalarawan ni Dr.
Rafael Palma, mananalambuhay ni Rizal:

Mataas at malaki ang bahay, matatag at may laban sa lindol, may mga
bintanang kapis. Malalapad ang mga pader sa unang palapag, gawa sa apog at
bato; ang ikalawang palapag ay gawa sa kahoy, liban sa bubong na pulang tisa; ang
estilo ay tulad ng mga gusali sa Maynila nang panahong iyon ... Sa likod ay may
azotea at malapad at malalim na imbakan ng tubig-ulan para magamit sa bahay.

Sa likod ng bahay ay may manukan at nag-aalaga rin sila ng pabo. May


malaking hardin ng mga namumungang puno—atis, balimbing, tsiko, makopa,
papaya, santol, tampoy, atbp.

Isa itong masayang tahanan kung saan naghahari ang pagmamahal ng mga
magulang at tawanan ng mga bata. Sa umaga, maririnig dito ang pag-iingay ng mga
batang naglalaro at awitan ng mga ibon sa hardin. Sa gabi, maririnig naman ang
malumanay na himig ng isang pamilyang nagdarasal.

Ito ang masayang tahanan ng mga Rizal. Ito ang masayang tahanang
kinalakhan ni Rizal.

Mabuting Pamilya na Nakaluluwag sa Buhay o Nakaririwasa. Ang mag-


anak na Rizal ay kabilang sa mga principalia, mayayaman ng isang bayan noong
Panahon ng Espanyol. Sila ay isa sa mga kilalang pamilya sa Calamba. Bunga ng
katapatan, kasipagan, at pagiging masinop sa buhay, nakapamuhay nang maayos
ang mga magulang ni Rizal. Mula sa lupang inuupahan sa Ordeng Dominiko,
nakapag-aani sila ng palay, mais, at tubo. Nag-aalaga sila ng baboy, manok, at
pabo sa kanilang likod-bahay. Bukod sa pagsasaka at paghahayupan, si Doña
Teodora ay may maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina, at gawaan ng
hamon.

Patunay ng pagiging mayaman nila, nakabili at nakapagpatayo ng malaking


bahay ang mga magulang ni Rizal sa tabi ng simbahan at nakabili pa sila ng isang
bahay. Mayroon silang karwahe na simbolo ng mga ilustrados ng panahong iyon, at
isang pribadong aklatan (pinakamalaki sa Calamba) na may mahigit 1,000 tomo.
Napag-aral nila ang mga anak sa mga kolehiyo sa Maynila. Mayaman at edukado,
magalang at mapagbigay, nakikibahagi sila sa mga gawaing pansibiko at
panrelihiyon ng kanilang komunidad. Mabubuti silang maybahay sa mga panauhin—
mya prayle Espanyol na opisyal, at kaibigang Pilipino—kapag pista ng bayan at iba
pang pista. Sa kanilang tahanan, lahat ng panauhin, anuman ang kanilang kulay at
katayuan sa lipunan, ay malugod na tinatanggap.

Ang Buhay ng mga Rizal. Payak ngunit masaya ang buhay-pamilya ng mga
Rizal. Tulad ng ibang mag-anak na Pilipino, malapit sa isa't isa ang mag-anak na
Rizal. Bagaman mahal na mahal nina Don Francisco at Doña Teodora ang mga
anak nila, hindi naman nila pinalaki ang mga ito sa layaw. Istrikto silang magulang at
tinuruan nila ang mga anak na magmahal sa Diyos, kumilos nang ayon sa
kagandahang asal, maging masunurin, at maging magalang sa lahat, lalo na sa
mga nakatatanda sa kanila. Noong bata pa, kapag may ginawang kalokohan,
pinapalo nila ang mga anak, kasama na si Jose Rizal. Naniniwala sila sa
kasabihang "Kundi papaluin ang bata, lalaki ito sa layaw."

Araw-araw ay nakikinig sa misa ang mga Rizal (mga magulang at anak) sa


simbahan ng kanilang bayan, lalo na kapag Linggo at pista opisyal. Sama-sama
silang nagdarasal sa bahay- Orasyon kapag takip-silim at Rosaryo bago matulog sa
gabi. Pagkatapos magdasal, nagmamano ang mga anak sa mga magulang.

Ngunit hindi naman dasal at pagsisimba lamang ang buhay ng mga batang
Rizal. Mayroon din silang panahon para maglaro.
Masaya silang naglalaro sa azotea O hardin. Ang m nakatatandang kapatid ay
pinapayagang makipaglaro sa mga bata buhat sa ibang pamilya.
Kabanata 2
Kabataan sa Calamba
Masasaya ang mga alaala ni Jose Rizal sa kanyang kabataan sa Calamba.
Naging masaya ang kanyang tahanang pinamumunuan ng butihin nilang magulang,
umaapaw sa tuwa't ligaya, at binabasbasan ng Diyos. Ang bayang sinilangan na
Calamba, na ang ngalan ay nagmula sa salitang "banga," ay magandang kanlungan
ng isang bayani. Ang magagandang tanawin nito, pati na ang masisipag at
mabubuting naninirahan dito ay nakatulong nang malaki sa paghubog ng pag-iisip
at ugali ni Rizal. Ang pinakamasayang bahagi ng buhay ni Rizal ay nangyari sa
baybaying bayang ito, isang karapat-dapat na panimula sa kanyang mala-Hamlet na
trahedyang pagbibinata.

Calamba, ang Bayan ng Bayani. Ang Calamba ay isang asyendang-bayang


pinamamahalaan ng Ordeng Dominiko, na may-ari rin ng mga lupain sa paligid nito.
Napakagandang bayan nito na nakaluklok sa kapatagan ng palayan at tubuhan.
Ilang kilometro pa-timog, makikita ang maalamat na Bundok Makiling, at banda roon
pa’y ang lalawigan ng Batangas. Sa silangan ng bayan ay ang Lawa ng Laguna,
isang lawa ng musika at luntiang tubig na binubulungan ng bughaw na langit. Sa
gitna ng lawa ay ang maalamat na isla ng Talim, at sa banda pa roon, papuntang
hilaga ay ang bayan ng Antipolo, kilalang dambana ng milagrosang Birhen ng
Kapayapaan at Ligtas na Paglalakbay.

Minahal ni Rizal ang Calamba nang buong puso niya't kaluluwa. Noong 1876,
nang siya ay labinlimang taong gulang at estudyante sa Ateneo Municipal de
manila, naalala niya ang bayang sinilangan. Bunga nito, nakasulat siya ng isang
tula,"Un Recuerdo A Mi Pueblo" (Isang Akala sa Akin Bayan) Ito ang nilalaman ng
tula:

Masasayang araw ng kamusmusan


Sa aking isip ay nakalarawan
Sa magandang baybaying luntian
Bumubulong-bulong na dagat ang tagpuan
Sa aking kilay, may hamog na nagsasayawan
Hanggang ngayo'y dama ko ang katamisan
Bagong buhay ang sa‘kin sisilang.

Kung aking malasin ang liryong busilak


Na sasayaw-sayaw sa utos ng hangin,
Habang himbing sa dalampasigan
Ang malupit na daluyong ng dagat,
Nang mula sa mga bulaklak ay lalanghapin
Ang bangong sadyang ikinakalat,
Bagong araw na sisilang ay salubungin
Na siyang matamis na ngingiti sa sa'tin.

May lungkot na aking naalala ... naalala


Ang 'yong mukha, sa mahal na kamusmusan Aking ina, kaibigang matalik na aking
mahal,
Na nagbigay ng magandang buhay sa‘kin,
Naaalala ko ang bayang sinilangan,
Aking ligaya, aking pamilya, aking biyaya,
Sa tabi ng malamig na pulilan,
Sa aking puso'y may tanging pitak.

Ay, tunay! mga yabag kong nag-aapuhap


Sa gubat na madilim ay nag-iwan ng bakas;
At doon sa tabi ng ilog
Natagpuan ko ang tuwa't ligaya;
Dito sa templo mong sa ganda ay salat.
Nananalangin nang buong taimtim
Habang ang hanging dalisay ay umiihip
Sa aking pusong gustong pumailanlang. ‘

Nakita ko ang Dakilang Lumikha


Ng iyong gubat sintanda ng panahon
A, kailanman sa tyong kalinga
Isang mortal ang tunay na mapaiibig;
Habang tinatanaw ang bughaw na langit
Alaala'y yong lambing at pag-ibig
Sa sayang ito ni Inang Kalikasan
Nakaburda ang aking kaligayahan.

A, giliw na kabataan, magandang bayan,


Saganang bukal ng tuwa ko't ligaya,

'Mga himig na kay lalamyos


Na pumapawi sa dusa't lungkot, Magbalik ka sa aking puso!
Magbalik ka, mapagkalingang panahon
Magbalik ka tulad ng mga ibon,
At pamumukadkad ng mga bulaklak!

Paalam! Ngunit ika'y hihintayin


Dahil iyo ang kapayapaan at katahimikan,
O butihing Diwa, kay bait mo!
Igawad sa ‘kin ‘yong kawanggawa
Sa‘yo ako'y taimtim na nangangako,
Sa'yo ako'y magpapatuloy na mabuhay,
Nang lahat ay matutunan, at sa langit
‘Wagas at tapat kong dalangin.’

Mga Alaala ng Kabataan. Ang unang alaala ni Rizal, sa kanyang


kamusmusan, ay ang masasayang araw niya sa hardin ng kanilang tahanan nang
siya ay tatlong taong gulang. Dahil siya ay masakitin at maliit na bata, siya ang
alagang-alaga ng kanyang mga magulang. Ipinagpatayo siya ng kanyang ama sa
kanilang hardin ng maliit na bahay kubo na mapaglalaruan niya sa araw. Isang
mabuti at matandang babae ang inupahan para maging yaya niya. Minsan, kapag
naiiwan siyang mag-isa, naglalaro siyang mag-isa o kaya'y pinagmumunimunihan
niya ang kagandahan ng kalikasan. Naisulat niya sa kanyang talaarawan na noong
tatlong taong gulang siya, pinanonood niya sa kanyang bahay kubo ang paglalaro
ng mga ibong kilyawan, maya, maria kapra, martines, at pipit, pinakikinggan nang
"buong paghanga" ang matimyas na huni ng mga ibon.

Isa pang magandang alaala ni Rizal ay ang araw-araw na pagdarasal nila


tuwing Orasyon. Pagdumilim na, kuwento ni Rizal, tinitipon ng kanyang ina ang mga
anak para makapagdasal na sa Orasyon.

Naalala niya ang pagrorosaryo ng pamilya sa mga gabing iniilawan ng


mabilog na buwan ang kanilang azotea. Pagkatapos ng rosaryo, nagkukuwento ang
yaya sa mga batang Rizal (kasama si Jose) ng mga kuwento tungkol sa mga
engkantada, kuwento ng mga nabaong yaman at punong namumunga ng brilyante,
at iba pang kuwento ng kababalaghan. Ang mga malikhaing kuwentong ito ang
pumukaw sa interes ni Rizal sa mga alamat at kuwentong bayan. May mga gabing
ayaw kumain ng hapunan si Rizal kaya tinatakot siya ng kanyang yaya sa mga
aswang, nuno sa punso, tikbalang, at balbas-saradong Bombay na kukuha sa
kanya kung hindi siya maghahapunan.

Isa pang alaala niya'y ang paglalakad sa bayan, lalo na kapag maliwanag ang
gabi. Kapag kabilugan ng buwan, isinasama siya ng kanyang yaya sa may ilog,
kung saan nakatatakot na imahen ang inihuhubog ng mga anino ng puno rito. Sabi
ni Rizal "Dahil ang aking puso ay maraming malulungkot na kaisipan kahit pa
musmos ako, natuto akong lumipad sa mga bagwis ng pantasiya sa matataas na
rehiyon ng kababalaghan."

Ang Unang Kalungkutan ng Bayani. Malapit sa isa't isa ang magkakapatid


na Rizal. Tinuruan sila ng kanilang magulang kung paano magmahalan at
magtulungan.

Sa mga kapatid na babae, pinakamamahal ni Rizal si Concha (Concepcion).


Isang taon ang tanda niya kay Concha. Siya ang kala-kalaro ni Concha at mula sa
kapatid ay natutunan niya ang pagmamahal.

Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Concha sanhi ng sakit noong 1865


nang siya ay tatlong taong gulang. Si Jose, na tunay na natutuwa sa kapatid, ay
labis na nalungkot sa pagkamatay nito. "Nang ako ay apat na taong gulang," sabi
niya, “namatay ang aking nakababatang kapatid na si Concha, at iyon ang unang
pagkakataong lumuha ako dahil sa lungkot at pagmamahal ..." Ang pagkamatay ni
Concha ang unang kalungkutan niya.
Debotong Anak ng Simbahan. Anak ng isang pamilyang Katoliko, isinilang
at pinalaki sa diwa ng Katolisismo, at mayroong malinis na puso, lumaking mabuting
Katoliko si Rizal.

Sa edad na 3, kasama na siya sa pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang ina,


na isang debotong Katoliko, ang nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang siya ay
limang taong gulang, marunong na siyang magbasa ng Bibliya ng pamilya na nasa
wikang Espanyol.

Palasimba si Rizal. Doon siya nagdarasal, sumasama sa mga nobena, at


sumasama rin sa mga prusisyon. Sinasabing napakarelihiyoso niya kaya tinutukso
siyang "Manong Jose" ng mga Hermanos at Hermanas Terceras.

Isa sa mga iginagalang at pinagpipitaganan ni Rizal sa Calamba noong siya'y


bata pa ay si Padre Leoncio Lopez, ang kura ng bayan. Madalas na binibisita siya ni
Rizal para pakinggan ang mga makabuluhan nitong opinyon sa mga nangyayari sa
paligid. Hinahangaan din niya ang pilosopiya nito sa buhay.

Peregrinasyon sa Antipolo. Noong Hunyo 6, 1868, nagtungo si Jose at


kanyang ama sa Antipolo para sa kanilang peregrinasyon na ipinanata ni Doña
Teodora nang isilang si Jose. Hindi nakasama si Doña Teodora dahil kasisilang pa
lang niya noon kay Trinidad.

Ito ang unang pagtawid ni Jose sa Lawa ng Laguna at unang peregrinasyon


sa Antipolo. Siya't kanyang ama ay sumakay sa isang kasko. Tulad ng ibang bata,
tuwang-tuwa si Rizal sa una niyang paglalakbay. Hindi siya nakatulog ng buong
gabi habang tinatawid ng kasko ang Ilog Pasig dahil totoong namangha siya sa
"kagandahan ng lawa at katahimikan ng gabi." Isinulat niya ang karanasang ito
kinalaunan, "Kay sayang panoorin ang pagsikat ng araw; at sa kauna-unahang
pagkakataon, nakita ko ang pagpulandit ng silahis ng araw at paglatag ng liwanag
sa buong lawa."

Pagkaraang magdasal sa dambana ng Birhen ng Antipolo, nagtungo si Jose


at kanyang ama sa Maynila. Ito ang unang pagpunta ni Jose sa Maynila. Dinalaw
nila si Saturnina, na noo'y nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng Concordia
sa Santa Ana.
Ang Kuwento ng Gamugamo. Sa mga ikinuwento ni Doña Teodora sa
paboritong anak na si Jose, ang tungkol sa batang gamugamo ang nagkintal ng
magandang aral sa kanya. Ito ang Sinabi ni Rizal.

Isang gabi, ang buong pamilya, liban sa akin at aking ina, ay maagang
natulog. Hindi ko alam kung bakit kami na lamang ng aking ina ang gising
noon. Pinatay na namin ang ningas ng kandila. Pinatay na namin ang ningas
sa globo sa pamamagitan ng isang kurbadang tubong gawa sa lata. Ang
buong silid ay inilawan lamang ng isang lamparang pinagniningas ng langis ng
niyog. Ganito ang ilaw sa maraming bahay ng mga Pilipino. Sinisindihan ito
kapag nagtatakipsilim na.
Tinuruan ako ng aking ina na basahin ang kartilyang Espanyol na
pinamagatang "Ang Kaibigan ng mga Bata" (El Amigo de los Niños). Katangi-
tangi ang aklat na ito at matandang sipi na ito. Nawala na nga ang pabalat nito
ngunit nilagyan naman ng bagong pabalat ng aking kapatid na babae.
Pinatibay pa niya ito sa pamamagitan ng makapal na asul na papel sa likod ng
libro at binalutan niya ito ng kapirasong tela.
Nang gabing iyon, hindi na alam ng aking ina kung ano ang gagawin sa
akin dahil nakikita niyang nahihirapan ako sa pagbasa. Hindi ko maunawaan
ang Espanyol kaya hindi ako makabasa nang may damdamin. Kinuha niya
ang aklat sa akin. Una, pinagsabihan niya ako dahil ginuhitan ko ito ng mga
nakatatawang larawan. Pagkatapos ay sinabi niya sa akin na makinig ako at
siya ang magbabasa. Noong malinaw pa ang kanyang paningin, nakababasa
siya nang mahusay. Mahusay din siyang bumigkas ng tula, at nakauunawa sa
paggawa ng berso. Sa maraming pagkakataon, tuwing bakasyon ng
Kapaskuhan, iniwawasto niya ang mga isinulat kong tula, at lagi na lamang
siyang may magagandang puna.
Nakinig ako sa kanya, punong-puno ako ng gana, namamangha ako sa
magagandang himig ng mga pariralang binabasa niya mula sa mga pahina ng
librong iyon. Para akong kinakapos sa paghinga. Marahil ay masyado akong
napagod sa kapakikinig sa tunog kaya wala naman akong maunawaan sa
mga binabasa niya. Marahil ay wala talaga akong disiplina sa sarili.
Gayunman, talagang di ko gaanong pinansin ang pagbabasa. Bagkus ay
masaya kong pinagmasdan ang ningas. Dito may mga gamugamong
naglalaro't nagpapaikut-ikot. At di sinasadya, ako'y napahikab. Napansin ng
aking ina na hindi na ako interesado. Huminto siya sa pagbabasa. Pagkatapos
ay sinabi niya sa akin, “Babasahan kita ng isang magandang kuwento.
Makinig ka nang mabuti."
Nang marinig ko ang salitang "kuwento," mabilis na nagdilat ang aking
mata. Para sa akin, ang salitang "kuwento" ay pangako ng mga bago't
magagandang bagay. Pinanood ko ang aking ina habang binubuklat niya ang
aklat, na parang may hinahanap. Punong -puno ako ng katanungan, ni sa
hinagap ko'y di ko naisip na may mga kuwento sa lumang aklat na binabasa
ko kahit di ko naiintindihan. Sinimulan ng aking ina ang pagbasa ng pabula
tungkol sa batang gamugamo at inang gamugamo. Isinalin niya sa Tagalog.
Nagsimulang umigting ang aking interes sa unang pangungusap pa
lamang. Binalingan ko ang ningas at napatitig sa mga gamugamong lumilipad
nang paikot dito. Parang pinagtiyap ng panahon sa kuwento ni Ina. Inulit-ulit
ng aking ina ang babala ng inang gamugamo. Ito ang pinagtuunan niya ng
pansin at patungkol ito sa akin. Narinig ko siya, ngunit mas pinag-iisip ako ng
ningas na lalong gumaganda habang tinititigan ko. Talaga namang
kinaiinggitan ko ang mga kulisap. Masaya silang nakikipaglaro sa ningas,
kung kaya't ang mga nadarang ng apoy at nalaglag sa langis ay di man
lamang nakatigatig sa akin. Patuloy sa pagbabasa ang aking ina at nakinig
naman ako. Masyado akong naging interesado sa magiging kapalaran ng
dalawang kulisap. Gumulong ang ginintuang dila ng ningas sa isang gilid, at
nadarang nito ang gamugamo, nalaglag sa langis, saglit gumalaw, at
pagkaraa'y naging tahimik. Parang mahalagang pangyayari iyon sa akin. May
naramdaman akong pagbabago sa sarili. Pakiramdam ko'y lumalayo ang
ningas at mga gamugamo habang ang boses ng aking ina ay kakaiba na.
Hindi ko nga napunang natapos na ang aking ina sa pagkukuwento ng pabula.
Ang buong atensiyon ko'y nakatuon sa mukha ng kulisap. Pinagmasdan ko ito
nang buo kong kaluluwa .... Namatay itong martir sa sariling ilusyon.
Habang pinatutulog ako ng aking ina, sinabi niya: “Sikapin mong huwag
tularan ang batang gamugamo. Huwag kang suwail nang di ka masunog."
Hindi ko alam ang aking isinagot.... Maraming bagay na di ko alam ang
ibinunyag ng kuwento sa akin. Mula noon, ang mga gamugamo, para sa akin,
ay di na walang kuwentang kulisap. Nagsasalita ang mga gamugamo,
marunong silang magbabala. Pinayuhan nila ako, gaya ng ginagawa ng aking
ina. At ang ningas ay lalong naging mas maganda para sa akin. Naging mas
makinang at kaakit-akit ito. Alam ko na ngayon kung bakit iniikutan ito ng mga
gamugamo.

Ang mapait na kapalaran ng batang gamugamo, na "namatay na martir sa sariling


ilusyon," ay nagkintal ng magandang aral sa isipan ni Rizal. Binigyan niya ng
katwiran ang ganitong kadakilaang, kamatayan, sinabi niyang ito ay
"pagsasakripisyo ng sariling buhay para rito," na nangangahulugang ideal, ay
"makabuluhan." At gaya ng batang gamugamo, siya ay nakatakdang mamatay na
martir para sa isang dakilang mithiin.

Mga Talinong Pansining. Mula pagkabata, naipakita na ni Rizal ang mga


talino niya sa sining na biyaya sa kanya ng Diyos. Sa edad na 5, gumuguhit na siya
sa tulong ng kanyang lapis, humuhubog ng magagandang bagay sa luwad o wax.
Sinasabing isang araw, nang si Jose ay bata pa, ang bandilang panrelihiyong
ginagamit tuwing pista ng Calamba ay lagi na lamang nadudumihan. Bilang tugon
sa kahilingan ng alkalde, pininturahan ni Rizal ang bagong bandila ng mga kulay de-
langis. Tuwang-tuwa ang taumbayan dahil mas maganda ito kaysa orihinal.

Nasa kaluluwa ni Rizal ang pagiging tunay na artista. Sa halip na maging di-
palaimik na bata, may payat at may malulungkot na mata, nakatagpo siya ng ligaya
sa pamumukadkad ng bulaklak, pagkahinog ng mga prutas, pagsasayaw ng alon sa
lawa, at malagatas na ulap sa kalangitan, at pakikinig sa awitan ng mga ibon,
hunihan ng mga kuliglig, at bulungan ng hangin. Gustong-gusto niyang sasakyan
ang kabayong binili para sa kanya ng kanyang ama at maglakad sa kaparangan at
tabing-lawa, kasama ang kanyang itim na asong nagngangalang Usman.

Isang interesanteng kuwento tungkol kay Rizal ay ang insidente tungkol sa


kanyang eskulturang luwad. Isang araw nang siya ay anim na taong gulang,
pinagtatawanan siya ng mga kapatid dahil mas mahabang oras pa ang inilalaan
niya sa eskultura kaysa paglalaro. Hindi siya kumikibo habang nagtatawanan ang
mga kapatid. Ngunit nang papalayo na ang mga kapatid, sinabi niya: "Sige,
pagtawanan ninyo ako nang pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na
ako, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga monumento para sa akin.

Unang Tula ni Rizal. Bukod sa pagguhit at eskultura, biniyayaan din si Rizal


ng Diyos ng talino sa pagsusulat. Mula pagkabata, nagsusulat na siya ng mga berso
sa papel at sa mga aklat ng kanyang mga kapatid na babae. Ang kanyang ina, na
may pagmamahal sa panitikan, ang nakapuna ng kanyang talino sa pagsulat ng tula
at hinikayat niya ang anak na sumulat ng mga tula.

Sa edad 8, isinulat ni Rizal ang una niyang tulang isinulat sa katutubong wika
at pinamagatang "Sa Aking Mga Kababata"

Sa Aking Mga Kababata

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


Sa langit salitang kaloob ng langit,
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan sa bayan,
sa nayo't mga kaharian,
at ang isang tao'y katulad,
kabagay ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
sapagka't ang Poong maalam tumingin
ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba


na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.

Sa tulang ito, ipinakita ni Rizal ang pagiging makabayan. Sa mga makabayang


berso, ipinahayag niya na ang taumbayan na tunay na nagmamahal sa sariling wika
ang siyang makikipaglaban para sa kalayaan tulad ng "ibong lumilipad nang
pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan,”" at ang Tagalog nga ay wikang
maitatapat sa Latin, Ingles, Espanyol, at iba pang wika.

Unang Drama ni Rizal. Pagkatapos maisulat ang tulang "Sa aking Mga
Kababata," isinulat ni Rizal na noo'y walong taong gulang, ang una niyang dula na
isang komedyang Tagalog. Sinasabing itinanghal ito sa isang pista sa Calamba at
kinaluguran ng mga manonood.

Isang gobernadorcillo mula Paete, isang bayan sa Laguna na kilala sa


lansones at mga lilok sa kahoy, ang nakapanood ng – komedya. Nagustuhan niya
ito at binili ang manuskrito sa halagang dalawang piso. Itinanghal ang komedya sa
pista ng bayan ng Paete.

Si Rizal bilang Batang Salamangkero. Mula pagbibinata, naging interesado


na si Rizal sa mahika. Sa bilis ng kanyang mga kamay, marami siyang natutunan na
mahika, gaya ng pagpapawala at muling pagpapabalik sa isang barya o panyolito.
Inaaliw niya ang mga kababayan sa eksibisyon ng mahiwagang lampara. Binubuo
ito ng isang ordinaryong lampara na nagbibigay ng anino sa puting-tabing.
Pinagagalaw niya ang mga daliri, gumagawa ng mga aninong kaanyo ng hayop at
tao. Naging mahusay din siya sa pagpapakilos ng mga papet.

Nang magbinata, ipinagpatuloy pa rin niya ang interes sa salamangka.


Nagbasa siya ng maraming aklat tungkol sa mahika at nanood ng mga palabas ng
mga kilalang salamangkero sa buong mundo. Sa mga Kabanata XVII at XVIII ng
kanyang pangalawang nobela, El Filibusterismo, ipinakita niya ang kanyang
kaalaman sa mahika.’

Mga Pagmumuni-muni sa Tabing-lawa. Kapag magdadapithapon tuwing


tag-araw, nagpupunta si Rizal, kasama ang kanyang alagang aso sa tabi ng Lawa
ng Laguna para mapagwari-wari ang kalagayan ng inaaping kababayan.
Kinalaunan, ikinuwento niya ang mga ito:

Maraming oras ko noong aking kabataan ang inilagi ko sa tabi ng lawa, Lawa
ng Laguna. Pinag-iisipan ko kung anong mga bagay ang nasa hinaharap.
Napapanaginipan ko ang lugar sa kabila ng mga alon. Halos araw-araw, sa
aming bayan, nakikita namin ang tenyénte ng Guardias Civiles na namamalo
at nananakit ng mga di-armado at walang kasalanang taumbayan. Ang
tanging kasalanan ng aking kababayan ay ang di pagtatanggal ng kanyang
sumbrero at yumukod. Hindi ay rin maganda ang pagtrato ng alkalde sa
mahihirap kong kababayan.
Wala akong nakitang pumipigil sa mga kalupitang ito. Mga gawaing
marahas at iba pang pang-aabuso na araw-araw na ginagawa... tinanong ko
ang aking sarili kung sa lupain sa kabila ng lawa'y ganito rin ang nararanasan
ng mga naninirahan doon. Naisip ko kung doon ay pinahihirapan at
pinagpapapalo ang isang taumbayan dahil lamang sa mga suspetsa.
Iginagalang ba doon ang tahanan? O sa dako ring yao'y may kapayapaan
kapalit ng suhol sa mga tirano?
Kahit bata pa, ikinalulungkot na niya ang aping kalagayan ng kanyang
pinakamamahal na bayan. Ginising ng mga kalupitan ng mga Espanyol ang mura
niyang puso kaya nagkaroon ito ng determinasyon para labanan ang tirano. Nang
maging binata, isinulat niya sa kanyang kaibigang si Mariano Ponce: "Dahil sa mga
kawalang katarungan at kalupitan , kahit na bata pa, ang aking imahinasyon ay
ginising, at isinumpa kong balang araw ay maipaghihiganti ko ang maraming
biktima. Ito ang nasasa-isip, nag-aral ako, at ito ay makikita ngayon sa lahat ng
naisulat ko. Balang araw ay bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataon para
maisakatuparan ko ang aking pangako."

Mga Impluwensiya sa Kabataan ng Bayani. Noong gabing isinilang si Jose


Rizal, may ibang bata ang isinilang sa Calamba at maraming ibang bata ang
isinilang sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas, Ngunit bakit sa mga batang ito, isang
batang lalaki lamang —si JOSE RIZAL—ang naging tanyag at dakila?

Sa buhay ng tao, may mga impluwensiyang nagiging sanhi para maging


dakila siya o hindi. Sa kaso ni Rizal, nagkaroon siya ng magagandang impluwensiya
na hindi naranasan ng ibang kapanabay niya. Ito ang mga impluwensiya: (1)
impluwensiyang namana, (2) impluwensiya ng kapaligiran, at (3) tulong Maykapal.

1. Impluwensiyang Namana: Ayon sa siyensiyang biolohikal, may mga


katangian ang isang tao na sadyang minana mula sa mga nuno niya't magulang.
Mula sa mga nunong Malaya, kitang -kitang namana ni Rizal ang pag-ibig sa
kalayaan, bukal na pagnanasang maglakbay, at katapangan. Mula sa mga nunong
Tsino, nakuha niya ang pagiging seryoso, masinop, pasensiyoso, at mapagmahal
sa mga bata. Mula sa mga nunong Espanyol, nakuha niya ang pagiging elegante,
maramdamin sa mga insulto, at galante sa kababaihan. Mula sa kanyang ama,
minana niya ang tunay na pagpapahalaga sa sarili, pagmamahal sa gawa, at
pagiging malaya sa pag-iisip. At mula sa kanyang ina, namana niya ang pagiging
relihiyoso, diwa ng pagmamalasakit, at pagmamahal sa sining at literatura.

2. Impluwensiya ng Kapaligiran: Ayon sa mga sikolohista, ang kapaligiran,


gaya rin ng pagmamana, ay nakaaapekto sa katauhan ng isang tao. Kabilang sa
mga impluwensiya sa kapaligiran ang mga lugar, kakilala, at pangyayari. Ang
magagandang tanawin sa Calamba at magandang hardin ng mga Rizal ang
nagpasigla sa talino niya sa sining at literatura. Ang relihiyosong kapaligiran sa
kanyang tahanan ang nagpatibay sa kanyang pagiging relihiyoso. Ang kanyang
kapatid na Paciano, ang pagkintal sa kanyang isip ng pagmamahal sa kalayaan at
katarungan. Mula sa mga kapatid na babae, natuto siyang maging magalang at
mabuti sa kababaihan. Ang mga kuwentong isinalaysay sa kanya ng kanyang yaya
noong siya'y bata pa ang gumising sa interes niya ga kuwentong-bayan at alamat.

Ang tatlo niyang tiyo, mga kapatid ng kanyang ina, ay may magaganda ring
impluwensiya sa kanya. Si Tiyo Jose Alberto, na nag-aral ng labing-isang taon sa
isang paaralang Ingles sa Calcutta, India at nakapaglakbay sa Europa ang naging
inspirasyon niya para mapanday ang kanyang talino sa sining. Si Tiyo Manuel, na
isang lalaking mahilig sa palakasan, ang humikayat sa kanya na nagpalakas at
magpalaki ng katawan sa pamamagitan ng mga pisikal na ehersisyo, kasama na
ang pangangabayo, paglalakad, at pagbubuno. At si Tiyo Gregorio, na palabasa,
ang nagpatingkad sa hilig niyang pagbabasa ng magagandang aklat.

Si Padre Leoncio Lopez, ang matanda't maalam na kura paroko ng Calamba,


ay isa sa mga impluwensiya na tumulong kay Rizal sa pagpapayaman ng kanyang
pagmamahal sa pag-aaral at katapatang intelektuwal.

Ang mga kalungkutang dinanas ng pamilya, gaya ng pagkamatay ni Concha


noong 1865 at pagkakapiit ng kanyang inanoong 1871-74, ang nakatulong nang
malaki sa pagpapatatag ng kanyang katauhan, na tumulong sa kanya para labanan
ang mga hamon sa buhay. Ang mga pang-aabuso at kalupitan ng tenyente ng mga
Guardias Civiles at alkalde, ang walang - katarungang pagmamalupit sa mga
inosenteng Pilipino, at pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora noong 1872,
ang gumising sa kanyang diwa ng pagiging makabayan at naging inspirasyon para
isakripisyo ang buhay at talino para sa katubusan ng mga inaaping kababayan.

3. Tulong ng Maykapal: Higit sa minana at kapaligiran, ang tulong ng Maykapal


ang siya ring humuhubog sa kapalaran ng tao. Ang isang tao ay maaaring
magkaroon ng lahat sa kanyang buhay; talino, yaman, at kapangyarihan—ngunit
kung walang tulong ng Maykapal, hindi niya makakamit ang kadakilaan sa
kasaysayan ng nasyon. Si Rizal ay inilaan ng Diyos para sa pagpapahalaga at
kadakilaan ng kanyang bansa. Ang Diyos ay nagbiyaya sa kanya ng maraming
regalo ng isang henyo, ang buhay na diwa ng pagiging makabayan, at matapang na
puso para makapagsakripisyo para sa isang dakilang simulain. |
Kabanata 3
Pag-aaral sa Calamba at Biñan

Unang nag-aral si Rizal sa Calamba at Biñan. Nang panahong iyon, ganoon


ang karaniwang edukasyon para sa isang anak ng isang pamilyang ilustrado, na
binubuo ng apat na aralin—pagbasa, pagsulat, aritmetika, at relihiyon. Ang
pagtuturo ay mahigpit at istrikto. Ang pagbibigay ng kaalaman ay ipinipilit sa mga
mag-aaral sa pamamagitan ng walang katapusang pagmememorya ng mga aralin
na may kasamang hagupit ng guro sa bata kapag nagkakamali. Ganito man ang
kamalian sa sistema ng edukasyon ng mga Espanyol, nakapagtapos din si Rizal ng
pag-aaral na siyang paghahanda niya para sa kolehiyo sa Maynila at ibang bansa.
Masasabing si Rizal, na ipinanganak na masakitin, ay naging higanteng intelektwal
kahit na sinauna pa ang sistema ng pagtuturo sa Pilipinas noong mga huling
dekada ng Panahon ng Espanyol.

Ang Unang Guro ng Bayani. Ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina,
na katangi-tangi dahil sa kanyang magandang ugali at mabining pagkilos. Sa
kanyang kandungan sa edad na 3, natutunan niya ang alpabeto at mga dasal. "Ang
aking ina," sabi ni Rizal, "ang nagturo sa akin ng pagbasa at magdasal."

Bilang guro, si Doña Teodora ay pasensiyosa, tapat, at maunawain. Siya ang


unang nakakita ng talino ng anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi niyang hinikayat
itong magsulat ng tula. Para naman di mabagot sa pagmememorya ng alpabeto, ng
ina ang imahinasyon ng anak sa pamamagitan ng pagkukuwento.

Habang lumalaki si Jose, umupa ang kanyang magulang ng gurong magtuturo


sa kanya sa kanilang bahay. Ang una ay si Maestro Celestino, at ang pangalawa'y
si Maestro Lucas Padua. Kinalaunan, isang matandang lalaki, si Leon Monroy na
dating kaklase ng kanyang ama, ang naging guro ni Rizal. Ang matandang guro ay
nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng Espanyo at Latin. Sa
kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng
limang buwan.

Pagkamatay ni Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala siya sa


isang pribadong paaralan sa Biñan.

Nagtungo si Rizal sa Biñan. Isang Linggo ng Hunyo, 1869, pagkaraang


makapagmano sa mga magulang at makapagpaalam sa mga kapatid na babae,
nagtungo si Rizal sa Biñan. Sinamahan siya ni Paciano, na siyang pangalawa
niyang ama. Ang magkapatid ay sumakay ng karomata, at narating ang
patutunguhan pagkaraan ng isa't kalahating oras. Nagtungo siya sa bahay ng
kanilang tiya kung saan mangungupahan si Rizal. Magdidilim na nang makarating
sila roon at malapit nang sumikat ang buwan.

Nang gabing iyon, namasyal si Rizal sa bayan, kasama ang pinsang si


Leandro. Sa halip na matuwa sa pamamasyal, naramdaman ni Jose na hinahanap-
hanap na niya ang mga magulang at kapatid. "Kapag maliwanag ang buwan,"
naalala niya, “pumapasok sa aking isipan ang aking bayan, ang hinahangaan kong
ina, at mga mapagbigay na Kapatid. A, totoong napamahal na sa akin ang
Calamba, ang aking bayan, kahit na hindi ito kasingyaman ng Binan.

Unang Araw sa Paaralan ng Biñan. Kinaumagahan (Lunes), dinala ni


Paciano ang nakababatang kapatid sa paaralan ni Maestro Justiniano Aquino Cruz.

Ang paaralan ay nasa bahay ng guro, na isang bahay kubo, at di kalayuan,


mga 30 kilometro, mula sa bahay ng tiya ni Rizal.
Kilala ni Paciano ang guro dahil siya rin ay naging eatudyante niya noon.
Ipinakilala niya si Jose sa guro at pagkaraa'y bumalik na siya sa Calamba.
Kaagad na binigyan ng aariling puwesto si Rizal sa kanilang klase. Tinanong
siya ng guro:

“Marunong ka bang mag-Espanyol?"

“Kaunti lamang po, Ginoo," sagot ng batang taga-Calamba.

"Marunong ka bang mag-Latin?"

"Kaunti po, Ginoo."

Nagtawanan ang mga kaklase niya, lalo na si Pedro na anak ng guro.

Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Biñan: "Matangkad siya,


payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba.
Suot niya ay kamisang yari sa sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng
kababaihan ng Batangas. Kabisado niya ang gramatika nina Nebrija at Gainza.
Mabagsik siya bagaman maaaring labis lamang ang aking paghusga sa kanya, at
ito ay paglalarawan ko sa kanya kahit na may kalabuan".

Unang Pakikipagaway sa Paaralan. Kinahapunan ng una niyang araw sa


paaralan, habang ang guro ay nagsisiyesta, nagkaharap sina Jose at Pedro. Nagalit
siya kay Pedro dahil pinagkatuwaan siya nito habang nakikipagusap sa guro ng
umagang iyon.

Hinamon ni Jose si Pedro sa isang away. Hindi naman nagdalawang isip si


Pedro at tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo
ang taga-Calamba na mas bata at mas maliit sa kanya.

Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang


mga kaklase. Si Jose, na tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng
pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking batang ito. Dahil dito, naging
popular na siya sa kanyang mga kaklase.

Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si Andres Salandanan,


ang humamon sa kanya sa bunong-braso. Nagtungo sila sa bangketa ng isang
bahay at nagbunong-braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at
muntik nang mabasag ang kanyang ulo sa bangketa.

Sa mga sumunod na araw, laging napapaaway si Rizal sa mga batang lalaki


ng Biñan. Hindi naman siya palaaway ngunit hindi niya tinatakbuhan ang anumang
away.

Pag-aaral ng Pagpinta sa Biñan. Malapit sa paaralan ay bahay ng isang


pintor, na nagngangalang Juancho, na biyenan ng kanilang guro. Dahil mahilig sa
pagpinta, naglalagi si Jose sa estudyo ng pintor. Nagbigay naman ng libreng aralin
sa pagguhit at pagpinta ang matandang Juancho. Napahanga kasi siya sa
artistikong talino ng batang taga-Calamba.
Si Jose at ang kanyang kaklaseng si Jose Guevarra, na mahilig ding
magpinta, ay naging mag-aaral ng matandang pintor. Humusay sila sa sining na ito
kaya kinalaunan, sila ang naging “paboritong pintor ng klase."
Araw-araw na Buhay sa Biñan. Payak at may maayos na iskedyul ang
buhay ni Jose sa Biñan. At nakatulong ito nang malaki sa kanyang kinabukasan.
Pinatibay nito ang kanyang katawan at kaluluwa.

Ito ang itinala niya tungkol sa kanyang buhay sa Binan:


Ito ang aking buhay dito. Nakikinig ako ng misa tuwing alas kuwatro ng
umaga, kung mayroon, o nagaaral ako ng aking aralin sa oras na iyon at saka
ako makikinig misa. Uuwi ako sa bahay at pupunta sa hardin para maghanap
ng mabolong makakain. Pagkatapos ay mag-aagahan ako ng kadalasa'y
kanin at dalawang tuyo. Saka ako papasok sa paaralan hanggang alas diyes.
Umuuwi ako kaagad. Kapag may espesyal na putahe, nagdadala kami ni
Leandro sa bahay ng kanyang mga anak (na hindi ko ginagawa kung nasa
bahay ako ni hindi ko gagawin kailanman), at babalik ako nang walang
anumang sinasabi. Babalik ako sa paaralan ng alas dos at lalabas ng alas
singko. Magdadasal ako sandali, kasama ang ilang pinsan, bago ako uuwi.
Mag-aaral ako ng aking aralin. Guguhit nang kaunti, at pagkatapos ay
maghahapunan ng isa o dalawang silbihang kanin at ayungin. Magdarasal
kami, at kung may buwan, inaanyayahan ako ng aking mga pamangkin na
makipaglaro sa ibang bata sa kalsada. Salamat sa Diyos at hindi ako
nagkasakit habang malayo sa aking mga magulang.

Pinakamahusay na Mag-aaral sa Paaralan. Sa mga araling pang-


akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Biñan. Naunahan niya
ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura.

May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino. Lagi nilang isinusumbong
si Rizal sa guro tuwing nakikipag-away siya. Kung anu-ano ring kasinungalingan
tungkol kay Rizal ang sinasabi nila sa guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan
si Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na bata ang reputasyon ko, bibihira
ang araw na hindi ako nabibigyan ng lima o anim na palo."

Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan. Bago mag-Pasko noong 1870,


nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina, at ipinaalam sa
kanya ang pagdating ng barkong Talim sa Biñan na siyang mag-uuwi sa kanya sa
Calamba. Nang mabasa nya ang sulat, nagkaroon siya ng premonisyong di na siya
babalik sa Biñan kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan,
nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala, at nagpaalam sa kanyang guro at
mga kaklase.
Umalis siya ng Biñan ng Sabado ng hapon ng Disyembre 17, 1870,
pagkaraan ng isa't kalahating taon ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang
lumulan sa barkong Talim dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang
makasakay sa isang barko. Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps,
kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga sa kanya.

Ang Pagkamartir ng Gom-Bur-Za. Noong gabi ng Enero 20, 1872, mga 200
sundalong Pilipino at manggagawa ng arsenal ng Cavite, sa pamumuno ng
sarhentong Pilipinong si Francisco Lamadrid, ang nag-alsa dahil sa abolisyon ng
kanilang mga pribilehiyo, kasama rito ang di-pagbabayad ng tributo at di pagsama
sa polo (sapilitang paggawa) ng reaksiyonaryong Gobernador Rafael de Izquierdo.
Sa kasamaang-palad, ang pag-aalsa sa Cavite ay nasupil pagkaraan lamang ng
dalawang araw nang dumating ang tulong na puwersang Espanyol mula Maynila,
Pinalaki ng mga awtoridad na Espanyol ang pangyayari at sinabing ang pag-aalsa
ay rebolusyon para sa kasarinlan ng Pilipinas. Sa gayon, maisasangkot dito bago
maipabitay sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora, mga lider
ng kilusang sekularisasyon ng mga paroko, at kanilang mga tagataguyod (Jose —
M. Basa, Joaquin Pardo de Tavera, at Antonio Ma. Regidor, atbp.).

Kaya kahit na mismo ang arsobispo ang humihingi ng kapatawaran dahil alam
niyang inosente ang tatlong pari, ipinabitay ang Gom-Bur-Za (Gomez, Burgos, at
Zamora) noong bukangliwayway ng Pebrero 17, 1872, sunod sa utos ni Gobernador
Heneral Izquierdo. Ang kanilang pagkamartir ay ipinagluksa ng mag-anak na Rizal
at maraming makabayang pamilya sa Pilipinas.

Galit na galit si Paciano sa pagbitay kay Burgos na kanyang kaibigan, guro at


kasama sa bahay. Sa tindi ng kanyang galit, tumigil siya ng pag-aaral sa Kolehiyo
ng San Jose at nagbalik sa Calamba. Noon niya ikinuwento ang buhay ni Burgos sa
nakababatang kapatid na si Rizal, na noo'y malapit nang maglabing-isang taong
gulang.

Ang pagkamartir ng Gom-Bur-Za noong 1872 ay naging jnspirasyon ni Rizal


para labanan ang kasamaan ng tiraniya ng Espanya at matubos ang mga inaaping
kababayan. Pagkaraan ng labimpitong taon, sa kanyang liham kay Mariano Ponce
sa Paris noong Abril 18, 1889, Sinabi niya:

Kung wala ang 1872, wala ngayong Plaridel o Jaena o Sanciangco ni


matatapang na kolonya ng mga Pilipino sa Europe: kung wala ang 1872, si
Rizal ay isa nang Heswita ngayon, at sa halip na isinusulat ang Noli Me
Tangere, ay yaong kabaligtaran ang isinusulat. Sa harap ng mga kawalang
- katarungan at kalupitan noong ako'y bata pa, ang aking diwa ay nagising
at isinumpa sa sariling maipaghihiganti ko balang araw ang maraming
biktima, at dahil ito ang nasasa-isip, nag-aral ako nang mabuti, at
mababasa ito sa lahat ng aking mga ginawa at isinulat. Balang araw,
bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong maisakatuparan ang aking
pangako."

At kinalaunan, noong 1891, inihandog niya ang kanyang pangalawang nobela,


ang El Filibusterismo, sa Gom-Bur-Za.

Kawalang-Katarungan sa Ina ng Bayani. Bago ang Hunyo, 1872, isang


trahedya ang dumagok sa mag-anak na Rizal. Dinakip si Doña Teodora dahil
diumano'y siya at ang kanyang kapatid na si Jose Alberto ay nagtangkang lasunin
ang taksil na asawa ng huli. Si Jose Alberto, isang mayamang taga-Biñan, ay
kararating lamang mula sa paglalakbay sa Europa. Sa kanyang pagkawala,
inabandona ng kanyang asawa ang kanilang tahanan at mga anak. Pagbalik niya sa
Biñan, natuklasan niyang may kinakasama na itong ibang lalaki. Sa galit niya,
nagplano siyang idiborsiyo ang asawa. Para naman maiwasan ang iskandalo para
sa pamilya, pinakiusapan ni Doña Teodora ang kapatid na patawarin ang asawa.
Naayos naman ang sigalot sa pamilya, at si Jose Alberto ay muling pumisan sa
kanyang asawa. Ngunit ang masamang babae, sa pakikipagsabwatan ng isang
tenyenteng Espanyol ng Guardias Civiles, ay nagsampa ng kaso laban sa kanyang
asawa at kay Doña Teodora. Ayon dito, pinagtangkaan siyang lasunin ng
magkapatid.

Nagkataong may sama ng loob ang tenyenteng ito sa mag-anak na Rizal dahil
minsa'y hindi siya binigyan ni Don Francisco (ama ni Rizal) ng pagkain para sa
kanyang kabayo. Pagkakataong makapaghiganti, ipinadakip niya si Doña Teodora,
sa tulong ng gobernadorcillo ng Calamba, si Antonio Vivencio del Rosario, isang
sunud-sunuran ng mga prayle. Ang mga walang utang na loob ay madalas na
panauhin sa tahanan ng mga Rizal.

Pagkaraang dakpin si Doña Teodora, pinaglakad ng sadistang tenyente si


Doña Teodora mula Calamba hanggang Santa Cruz (kabisera ng Laguna) na may
distansiyang 50 kilometro. Pagdating sa Santa Cruz ay napiit siya sa kulungang
probinsiyal. Nakulong siya ng dalawa't kalahating taon bago siya mapawalangsala
ng Manila Royal Audencia (Korte Suprema) sa diumano'y krimeng nagawa niya.
Sa pagbabalik-tanaw sa pagkakapiit ng kanyang ina, sinabi ni Rizal: "Walang
katarungang kinuha sa amin ang aming ina. Kinuha nino? Ng mga lalaking itinuring
naming kaibigan at pinakiharapang bilang mga panauhing pandangal. Nalaman
naming nagkasakit ang matandang ina habang malayo siya sa amin. Ang aming ina
ay ipinagtanggol nina Francisco de Marcaida at Manuel Marzan, pinakabantog na
abogado sa Maynila. Sa wakas, napawalang-sala siya sa harap ng mga huwes,
nagbibintang sa kanya, at mga kaaway. Ngunit gaano ito katagal? Pagkaraan ng
dalawa't kalahating taon."
Kabanata 4
Mga Gantimpalang Natamo sa Ateneo de Manila
(1872-1877)

Apat na buwan pagkaraan ng pagbitay sa Gom-Bur-Za at habang si Doña


Teodora ay nakakulong, si Jose; na hindi pa nagdiriwang ng kanyang ika-11
kaarawan, ay ipinadala sa Maynila. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal, isang
kolehiyong nasa pamamahala ng mga Heswitang Espanyol. Ang kolehiyo ay
mahigpit na karibal ng Kolehiyo ng San Juan de Letran ng mga Dominiko. Dati itong
tinatawag na Escuela Pia (paaralan ng Kawanggawa), isang paaralan para sa
kalalakihan sa Maynila na itinatag ng pamahalaang panglungsod noong 1817. Nang
ang mga Heswita, na napaalis sa Pilipinas noong 1768, ay nagbalik sa Maynila
noong 1859, ibinigay sa kanila ang pamamahala ng ‘Escuela Pia’. Ang pangalan ng
paaralan ay napalitan at naging Ateneo Municipal, at kinalauna'y Ateneo de Manila.
Mahuhusay na edukador ang mga Heswita kaya ang Ateneo ay naging isang
prestihiyosong kolehiyo para sa kalalakihan.

Pumasok si Rizal sa Ateneo. Noong Hunyo 10, 1872, si Jose, na sinamahan


ni Paciano, ay nagpunta sa Maynila. Kumuha siya ng eksamen sa doktrinang
Kristiyano, aritmatika, at pagbasa para makapasok sa Kolehiyo ng San Juan de
Letran. Naipasa niya ang eksamen. Nagbalik siya sa Calamba para makapiling ang
kanyang pamilya at nang makibahagi sa pistang bayan. Ang kanyang ama, na
siyang may gustong mag-aral ang anak sa Letran, ay nagbago ng isip at
nagpasiyang pag-aralin ito sa Ateneo.

Kaya pagbalik niya sa Maynila, si Jose, na sinamahan muli ni Paciano, ay


nagmatrikula sa Ateneo Municipal. Noong una, ayaw siyang tanggapin ni Padre
Magin Ferrando, na tagapatala sa kolehiyo, dahil (1) huli na si Rizal sa pagpapatala,
at (2) masakitin siya at maliit para sa kanyang edad. Si Rizal noo'y labing-isang
taong gulang. Ngunit sa tulong ni Manuel Xerez Burgos, pamangkin ni Padre
Burgos, tinanggap na rin siya sa Ateneo.

Sa kanilang pamilya, si Jose ang unang gumamit ng apelyidong “Rizal.” Ito


ang ginamit niyang ngalan nang nagpatala siya sa Ateneo dahil ang kanilang
apelyidong "Mercado" ay pinagsususpetsahan na ng mga awtoridad na Espanyol.
"Mercado" ang ginagamit na apelyido ni Paciano sa Kolehiyo ng San Jose, at kilala
siya ng mga awtoridad bilang paboritong estudyante at mapagkakatiwalaan ni
Padre Burgos.
Nang nag-aaral si Rizal sa Ateneo, ang kolehiyo ay nasa Intramuros, sa loob
ng mga pader ng Maynila. Noong una'y nangupahan siya sa isang bahay sa labas
ng mga pader, sa Kalye Caraballo, mga 25 minutong paglalakad mula sa kolehiyo.
Ang bahay paupahan ay pag-aari ng isang matandang dalagang nagngangalang
Titay na nagkakautang ng P300 sa mga Rizal. Sa kanya nangupahan si Rizal bilang
bahagi ng pambayad-utang niya.

Ang Sistemang Pang-edukasyon ng mga Heswita. Ang sistema ng


edukasyon ng mga Heswita sa Ateneo ay mas makabago kaysa ibang kolehiyo
noong panahong iyon. Sinasanay nila ang mga estudyante sa pamamagitan ng
disiplina at instruksiyong panrelihiyon. Itinataguyod nito ang kulturang pisikal,
humanidad, at siyentipikong pag-aaral. Bukod sa mga kursong pang-akademiko
tungo sa Batsilyer ng Sining, may mga kursong bokasyonal din sa kolehiyo, gaya ng
agrikultura, komersiyo, pagmemekaniko, at pagsasarbey.

Bago magsimula ang klase sa umaga ay nakikinig ng misa ang mga


estudyante. Bawat asignatura ay sinisimulan at winawakasan sa pagdarasal.

Ang mga estudyante ay nahahati sa dalawang pangkat: ang "Imperyo


Romano,” na binubuo ng mga internos (sa loob ng kolehiyo nangangasera), at ang
“Imperyo Carthagena," na binubuo ng mga externos (sa labas ng kolehiyo
nangangasera). Ang pinakamahusay na estudyante sa bawat "imperyo" ay
tinatawag na emperador; ang pangalawang pinakamahusay, tribuna; ang pangatio,
dekuryon; ang pang-apat, senturyon, at ang panlima, ang tagapagdala ng bandila.
Sa mismong imperyo, ang mga estudyante ay naglalaban-laban para sa mga
posisyon. Sinumang estudyante ay maaaring humamon sa sinumang opisyal ng
imperyo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tungkol sa aralin ng naturang
araw. Naaalis sa posisyon ang isang opisyal kapag tatlong beses siyang nagkamali
sa pagsagot sa mga tanong. Ang estudyanteng nasa dulo ng linya, kung mag-aaral
siya nang mabuti, ay maaaring pumalit sa sinumang opisyal, kasama na rito ang
pagiging emperador.

Ang dalawang pangkat, ang Imperyo Romano at Imperyo Carthagena, ay lagi


na lamang naglalaban sa pangunguna sa klase. Bawat pangkat ay may kanya-
kanyang bandila: pula para sa mga Romano, at asul para sa mga Carthagena. Sa
simula ng pasukan, parehong ginagamit ng mga pangkat ang dalawang bandila. “Sa
unang pagkatalo, ang bandila ng natalong pangkat ay inililipat sa kaliwang bahagi
ng silid. Sa pangalawang pagkatalo, inilalagay ito sa mababang posisyon sa kanang
bahagi. Sa pangatlong pagkatalo, ang nakatagilid na bandila ay inilalagay sa kaliwa.
Sa pang-apat, ang bandila ay ibinabaligtad at inilalagay sa kanan. Sa panlima, ang
nakabaligtad na bandila ay inilalagay sa kaliwa. Sa pang-anim, ang bandila ay
pinapalitan ng pigura ng isang asno."

Ang mga mag-aaral sa Ateneo noong panahon ni Rizal ay may unipormeng


binubuo ng "pantalong mula sa mga hinabing hibla ng abaka" at "guhit guhit na
bulak na amerikana.” Ang materyal ng amerikana ay tinawag na rayadillo, na naging
kilala dahil ito ang ginawang uniporme ng mga sundalong Pilipino noong mga unang
araw ng Unang Republika ng Pilipinas.

Ang Unang Taon ni Rizal sa Ateneo (1872-73). Noong unang araw ng klase
sa Ateneo, noong Hunyo, 1872, nakinig ng misa si Rizal sa kapilya ng kolehiyo at
taimtim na nagdasal a humingi ng patnubay sa Diyos. Pagkatapos ng misa,
pumasok na siya sa kanyang klase, at nakita niyang marami siyang kamag-aral na
Espanyol, mestiso, at Pilipino.

Ang unang propesor ni Rizal sa Ateneo ay si Padre Jose Bech, na sa


paglalarawan niya ay matangkad at payat na lalaki, medyo nakukuba, matulin
maglakad, mukhang asetiko, seryoso at inspirado, maliliit at malalalim ang kanyang
mga mata, matangos ang ilong na parang sa Griyego, at manipis ang labing hugis
arkong pababa sa baba."

Dahil bago sa paaralan at di gaanong mahusay sa Espanyol, si Rizal ay


inilagay sa dulo ng klase. Isa siyang externo, kaya napabilang siya sa mga
Carthagena, na nakaposisyon sa dulo ng linya.

Pagkaraan ng unang linggo, ang masakiting batang taga Calamba ay


nagpakita ng mabilis na pag-unlad. Sa pagtatapos ng buwan, naging “emperador"
na siya. Siya ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase, at binigyan siya ng
gantimpala. "Tuwang-tuwa ’ ako," sabi niya, "nang mapanalunan ko ang una kong
premyo, isang larawang relihiyoso!". Ipinagmamalaki niya ang naging unang
gantimpalang napanalunan niya sa Ateneo.

Para humusay sa Espanyol, kumuha siya ng pribadong aralin sa Kolehiyo ng


Santa Isabel kapag bakanteng oras sa tanghali, habang ang ibang mag-aaral ay
naglalaro at nagkukuwentuhan. Nagbayad siya ng tatlong piso para sa mga aralin
sa wikang Espanyol ngunit sulit naman ang perang iyon,
Sa ikalawang hati ng unang taon niya sa Ateneo, hindi masyadong nagpursige
si Rizal para mapanatili ang pangunguna niya sa klase. Ang dahilan nito ay ang di-
magandang puna ng kanyang propesor. Nang magtapos ang taon, nakuha niya ang
pangalawang puwesto bagaman ang mga marka niya ay "Pinakamahusay."

Bakasyon sa Tag-araw (1873). Pagkasara ng eskuwela noong Marso 1873,


umuwi si Rizal sa Calamba para magbakasyon. Hindi siya gaanong nagsaya sa
bakasyon niya dahil nakapiit pa rin ang kanyang ina. Para maaliw siya, isinama siya
ng kanyang kapatid na si Neneng (Saturnina) sa Tanawan. Gayunman, hindi pa rin
nito nalunasan ang kanyang kalungkutan. Hindi nagpaalam sa ama, nagpunta siya
sa Santa Cruz at dinalaw ang ina. Ikinuwento niya ang matataas niyang grado sa
Ateneo. Tuwang- tuwa yinakap ng ina ang paborito niyang anak na lalaki.

Nang magtapos ang bakasyon, nagbalik si Rizal sa Maynila para sa ikalawang


taon niya sa Ateneo. Sa pagkakataong ito, nangasera siya sa loob ng Intramuros sa
Blg. 6 Kalye Magallanes. Ang kanyang kasera ay isang matandang biyudang
nagngangalang, Dona Pepay, na may biyudang anak at apat na anak na lalaki.

Pangalawang Taon sa Ateneo (1873-74). Walang matingkad na nangyari sa


pangalawang taon ni Rizal sa Ateneo, liban sa pinagsisisihan niya ang
pagpapabaya niya sa pag-aaral noong nakaraang taon dahil lamang di niya
naibigan ang sinabi ng kanyang guro. Kaya, binawi niya ang pangunguna sa klase,
at puspusang nag-aral. Muli'y naging "emperador" siya.

Ilan sa mga kamag-aral niya ay bago. Kabilang dito ang tatlong batang taga-
Biñan na naging kaklase niya sa paaralan ni Maestro Justiniano.

Sapagtatapos ng eskuwela, matataas na grado ang natanggap ni Rizal sa


lahat ng asignatura at nabigyan siya ng isang gintong medalya. Dahil dito,
masayang-masaya siyang umuwi para sa kanyang bakasyon sa Calamba noong
Marso 1874.

Paghula sa Pagpapalaya sa Ina. Hindi nag-aksaya si Rizal ng panahon at


dinalaw niya kaagad ang kanyang ina sa kulungan. Inaliw niya si Doña Teodora sa
mga kuwento tungkol sa kanyang pagtatagumpay sa pag-aaral sa Ateneo at
katawa-tawang mga pangyayari tungkol sa kanyang mga guro at kamag-aral.
Tuwang-tuwa naman ang ina na ang paborito niyang anak ay nagtatagumpay Sa
pag-aaral.
Sa kanilang pag-uusap, naikuwento ni Doña Teodora ang napanaginipan
nang nakaraang gabi. Ipinaliwanag ni Rizal ang panaginip. Aniya, makalalaya na
ang ina sa loob ng tatlong buwan. Napangiti si Doña Teodora dahil nasasa-isip
niya'y bunga lamang ng pagnanasa ng anak na mapaligaya siya kaya nasabi niya
ang ganoong hula.

Ngunit nagkatotoo ang hula ni Rizal. Wala pang tatlong buwan at si Doña
Teodora ay napalaya. Nang mangyari iyon ay nasa Maynila na si Rizal para sa
kanyang klase sa Ateneo.

Masayang-masayang umuwi sa Calamba si Doña Teodora. Masayang-


masaya siya at ipinagmamalaki niya si Jose na itinulad niya sa Joseph ng Bibliya na
may kakayahang magpaliwanag ng mga panaginip.

Hilig sa Pagbabasa. Noong bakasyon ng 1874, nahilig si Rizal sa pagbabasa


ng mga nobelang romantiko. Gaya ng ibang tinedyer, interesado siyang magbasa
ng mga kuwento ng pag-ibig at romansa.

Ang una niyang paboritong nobela ay ang The Count of Monte Cristo ni
Alexander Dumas. Malaki ang naging impluwensiya sa kanya ng nobelang ito.
Kiniliti ng kapanapanabik na nobelang ito ang kanyang imahinasyon ang mga
pagdurusa ni Edmond Dantes (ang bida) sa kulungan, pagkatakas nito sa bartolina
ng Chateu d'If, pagkatuklas niya sa nabaong yaman sa mabatong isla ng Monte
Cristo, at paghihiganti sa mga kaaway na nagkasala sa kanya.

Nakabasa rin si Rizal ng maraming romantikong nobela. Ang pagbabasa


niyang ito ay nakatulong sa pagpapayaman ng kanyang malikhaing isip.

Totoong palabasa si Rizal. Di lamang kuwentong-katha ang binabasa niya,


nagbabasa rin siya ng di-kathambuhay. Napakiusapan niya ang ama na ibili siya—
bagaman may kamahalan — ng kompletong tomo ng isinulat ni Cesar Cantu, ang
Universal History. Ayon kay Rizal, ang aklat na ito ay makatutulong nang malaki sa
kanyang pag-aaral. Maaari ring manalo siya ng mas maraming gantimpala sa
Ateneo dahil sa naturang aklat. |

Kinalaunan, binasa ni Rizal ang Travels in the Philippines ni Dr. Feodor Jagor,
isang Alemang siyentipiko-manlalakbay na bumisita sa Pilipinas noong 1859-1860.
Hinangaan niya ang (1) matalas na obserbasyon ni Jagor sa mga pagkukulang ng
kolonisasyon ng Espanya, at (2) ang hula nitong balang araw ay mawawala sa
Espanya ang Pilipinas at ang papalit na kolonisador ay ang Amerika.

Pangatlong Taon sa Ateneo (1874-1875). Noong Hunyo 1874, bumalik si


Rizal sa Ateneo para sa kanyang ikatlong taon. Kabubukas pa lamang ng klase ay
dumating ang kanyang ina at masayang ibinalita sa anak na nakalaya na siya, gaya
ng hula nito. Si Rizal ay masayang-masaya rin sa pagkakalaya ng kanyang ina.

Ngunit kahit masaya na ang kanilang pamilya, hindi naging maganda ang
ipinakita ni Rizal sa kanyang pag-aaral, di tulad noong nakaraang taon. Nananatili
namang matataas ang grado niya sa lahat ng asignatura ngunit isang medalya (sa
Latin) lamang ang kanyang napanalunan. Hindi siya nanalo ng medalya sa
Espanyol dahil hindi pa siya bihasa sa pagsasalita ng naturang Wika. Siyempre pa,
tinalo siya ng isang Espanyol, na mahusay sa pagsasalita ng wikang Espanyol at
pagbigkas sa mga salitang Espanyol.

Pagkatapos ng eskuwela noong Marso 1875, bumalik si Rizal sa Calamba


para magbakasyon. Siya mismo ay hindi natuwa sa kanyang ipinakita sa pag-aaral
ng katatapos na taon.

Ikaapat na Taon sa Ateneo (1875-76). Pagkaraan ng masayang bakasyon,


nagbalik si Rizal sa Maynila para sa kanyang ikaapat na taon. Noong Hunyo 16,
1875, naging interno siya ng Ateneo. Isa sa kanyang mga propesor ay si Padre
Francisco de Paula Sanchez, isang mahusay na edukador at iskolar. Naging
inspirasyon siya ng batang si Rizal para mag-aral nang mabuti at sumulat ng tula.
Naging tagahanga at kaibigan din naman ni Rizal ang pari dahil nakita at iginalang
nito ang talinong bigay ng Diyos sa batang taga-Calamba. Sa kanyang parte, lubos
na hinahangaan at iginagalang ni Rizal si Padre Sanchez, na para sa kanya'y
pinakamahusay niyang propesor sa Ateneo.

Sa kanyang talaarawan, pinuri ni Rizal si Padre Sanchez. Ipinakita niya ang


kanyang pagmamahal at pasasalamat sa pari. Inilarawan niya ang Heswitang pari
bilang "huwaran ng pagkamakatwiran, pagkamaagap, at pagmamahal para sa pag-
unlad ng kanyang mga magaaral."

Naging inspirasyon ni Rizal si Padre Sanchez para magkaroon ng panibagong


sigla sa pag-aaral. Nanguna siya sa mga kaklase niya sa lahat ng asignatura at
nanalo siya ng limang medalya sa pagtatapos ng eskuwela. Nagbalik siya sa
Calamba noong Marso 1876 at buong pagmamalaki niyang inihandog sa mga
magulang ang kanyang limang medalya at matataas na grado.
Masayang-masaya siya dahil nabayaran niya kahit papaano ang mga
sakripisyo ng kanyang ama.

Huling Taon sa Ateneo (1876-77). Pagkaraan ng bakasyon, bumalik si Rizal


sa Maynila noong Hunyo 1876 para sa huli niyang taon sa Ateneo. Naging mabuti
ang kanyang pagaaral. Sa katunayan, naging pinakamahusay siyasa lahat ng
asignatura.

Pinakamahusay na mag-aaral ng Ateneo ng panahong iyon, si Rizal ay tunay


na “Ipinagmamalaki ng mga Heswita."

Nagtapos nang matagumpay si Rizal sa Ateneo. Siya ang nagkamit ng


pinakamataas na grado sa lahat ng asignatura pilosopiya, pisika, biolohiya, kimika,
wika, mineralohiya, atbp.

Pagtatapos nang may Pinakamataas na Karangalan. Nagtapos si Rizal


nang nangunguna sa klase. Ito ang kanyang grado samga asignatura niya sa
Ateneo mula 1872 hanggang 1877:

Noong Araw ng Pagtatapos, Marso 23, 1877, si Rizal na noo'y 16 na taong


gulang, ay nagkamit mula sa kanyang Alma Mater, ang Ateneo Municipal, ng digri
ng Batsilyer sa Sining na may pinakamataas na karangalan. Ito ay araw na tunay na
ipinagmalaki ng kanyang pamilya. Ngunit para kay Rizal, gaya ng lahat na
magsisipagtapos, ang Araw ng Pagtatapos ay isang panahon ng pait, tamis, saya't
lungkot. Noong gabi bago ang Pagtatapos, ang huling gabi niya sa dormitoryo ng
kolehiyo, hindi siya makatulog. Maagang-maaga kinabukasan, ang Araw ng
Pagtatapos, nagdasal siya nang taimtim sa kapilya ng kolehiyo at "ipinagkatiwala ko
na ang buhay," sabi niya, "para sa Birhen nang sa gayo'y maprotektahan niya ako
pagyapak ko sa mundong alam ko'y puno ng karahasan."

Iba pang Gawain sa Ateneo. Sa kabila ng mga tagumpay sa akademika,


hindi naman subsob sa libro si Rizal. Aktibo rin siya sa ibang gawain. Isang
"emperador" sa loob ng silid-aralan; lider pa rin siya sa labas ng silid-aralan. Aktibo
siyang kasapi, kinalauna'y kalihim, ng isang samahang relihiyoso, ang
’Kongregasyon ni Maria’. Tinanggap siyang kasapi ng samahang ito hindi lamang sa
siya'y matalino kundi dahil sa kanyang debosyon sa Immaculada Concepcion, ang
Patron ng kolehiyo. Si Rizal ay kasapi rin ng Akademya ng Literaturang Espanyol at
Akademya ng mga Likas na Agham. Ang mga "akademyang" ito ay ekslusibong
samahan sa Ateneo, kung saan tanging mga Atenistang may talino sa literatura at
agham ang maaaring maging kasapi.

Sa kanyang bakanteng oras, hinahasa naman ni Rizal ang kanyang talino sa


panitikan sa patnubay ni Padre Sanchez. Isa pang propesor, si Padre Jose
Vilaclara, ang nagpayo sa kanyang tumigil nang makipag-usap sa mga Musa, at sa
halip ay pagtuunan ng pansin ang mga asignaturang praktikal, gaya ng pilosopiya at
likas na agham. Hindi sinunod ni Rizal ang payong ito. Nagpatuloy siya sa
pagpapahusay ng kanyang pagkakatha ng tula sa tulong ni Padre Sanchez.

Bukod sa pagsulat ng tula, naglaan din si Rizal ng panahon para sa sining ng


pagpinta at eskultura. Nag-aral siya ng pagpinta sa kilalang pintor na Espanyol, si
Agustin Saez, at ng eskultura sa bantog na eskultor na si Romualdo de Jesus. Ang
dalawang maestro ay napahanga ni Rizal dahil sa kanyang husay sa mga
larangang ito.

Higit sa lahat, naglaan ng panahon si Rizal para sa palakasan sa


pamamagitan ng pag-aaral ng gymnastics at pag-eeskrima. Ipinagpatuloy niya ang
pagsasanay sa palakasan na sinimulan ng kanyang Tiyo Manuel.

Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo. Napahanga ni Rizal ang mga Heswitang


propesor sa Ateneo dahil sa kanyang talino sa sining. Isang araw, inukit niya ang
isang imahen ng Birheng Maria mula sa kahoy ng batikuling. Talaga namang
hinangaan ng mga Heswitang pari ang ganda at rikit ng imahen.

Si Padre Lleonart, na hangang-hanga sa husay ni Rizal sa eskultura, ay


humiling na ipag-ukit siya ni Rizal ng imahen ng Sagradong Puso ni Hesus.
Pinagbigyan siya ni Rizal, at pagkaraan ng ilang araw ay ipinakita niya ang nagawa
niya kay Padre Lleonart. Tuwang-tuwa ang matandang Heswita at dimagkandatuto
sa pasasalamat sa batang eskultor. Plano ntyang dalhin ang imahen sa Espanya,
ngunit dahil malilimutin ay naiwan niya ito. Ang imahen ay inilagay sa may pinto ng
dormitoryo ng mga nangangaserang estudyante sa Ateneo, at nanatili iyon doon ng
maraming taon, isang paalala sa lahat ng mga Atenista na si Dr. Jose Rizal ay
nagtapos sa kanilang Alma Mater. Ang imaheng ito ay nagkaroon ng mahalagang
bahagi sa mga huling oras ni Rizal Sa Fort Santiago.
Mga Anekdota tungkol kay Rizal, ang Atenista. Isa sa mga kapanahon ni
Rizal sa Ateneo ay si Felix M. Roxas. Naikuwento niya ang isang insidenteng
nagpakita sa pagiging mapagpatawad ng bayani. Isang araw, maraming Atenista,
kabilang na si Rizal, ang nag-aral sa bulwagang-aralan. Dalawang Atenista, sina
Manzano at Lesaca, ang nag-away at nagbatuhan ng mga aklat. Si Rizal, na abala
sa kanyang mesa, ay tinamaan ng aklat sa mukha. Hindi siya nagalit sa mga nag-
aaway kahit na nagdurugo na ang kanyang mukha. Dinala siya ng mga kaklase sa
klinika para mabigyan ng pangunang lunas. Pagkaraan, nagpatuloy siya sa
pagpasok at ni minsan ay di nagpakita ng galit sa mga nakasakit sa kanya.

Isa pang anekdota tungkol kay Rizal ay ikinuwento ni Manuel Xeres Burgos,
na maybahay sa inuupahan ni Rizal bago naging interno sa Ateneo. Ang
anekdotang ito ay nagpapakita naman ng - pagiging matulungin ni Rizal kahit
isalang pa ang sarili sa panganib. Isang hapon ng Huwebes, dahil walang aral ang
araw na ito, nagpalipad ng saranggola ang mga batang lalaki sa azotea. Si Rizal
noo'y nasa may bintana at nagbabasa ng isang aklat ng mga pabulang nasa wikang
Espanyol. Di nagtagal, narinig niya si Julio Meliza ng Iloilo, isa sa pinakamaliit na
estudyante, na umiiyak dahil ang kanyang saranggola ay sumabit sa mga baging na
gumagapang sa kampanaryo ng Katedral ng Maynila na malapit sa kanilang
tinitirhan. Dahil pinagtatawanan ng malalaking lalaki ang kamalasan ni Julio,
binitawan ni Rizal ang kanyang aklat at sinabihan si Julio na huminto na sa pag-iyak
dahil kukunin niya ang saranggola nito. Buong tapang na inakyat ni Rizal ang
mataas na kampanaryo at nakuha naman niya ang sumabit na saranggola.

Mga Tulang Isinulat sa Ateneo. Si Doña Teodora ang unang nakatuklas sa


talino ng anak sa pagsulat ng tula. Ngunit si Padre Sanchez ang nagbigay ng
inspirasyon kay Rizal para gamitin niya nang lubos ang biyayang ito ng Diyos. Sa
pamamagitan ng pagbukas sa isip ni Rizal sa mayamang impluwensiya ng
pandaigdigang literatura, nahikayat ni Padre Sanchez si Rizal pare pandayin ang
kanyang talino.

Ang unang tula na maaaring naisulat ni Rizal noong siya'y nasa Ateneo ay
ang "Mi Primera Inspiracion" (Aking Unang Inspirasyon) na inihandog niya sa
kanyang ina noong kaarawan nito. Sinasabing isinulat niya ito bago siya naglabing-
apat na taong gulang, ibig sabihi'y noong taong 1874. Bago ang taong ito, hindi siya
sumulat ng tula dahil nalulumbay ang puso niya sa pagkakapiit ngina. Nang
makalaya ang ina, nag-umapaw sa tuwa't ligaya ang kanyang puso.

Noong 1875, dahil na rin sa inspirasyong bigay ni Padre Sanchez, sumulat si


Rizal ng marami pang tula, gaya ng mga sumusunod:
1. Felicitacion (Pagbati)

2. El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: Himno para sa


Plota ni Magellan)

3. Y Es Español: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo (At siya ay


Espanyol: Elcano, ang Unang Nakaikot sa Mundo)

4. El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo (Ang Labanan: Urbiztondo, Kilabot ng


Jolo)

Noong 1876, sumulat ng tula si Rizal tungkol sa iba't ibang paksa—relihiyon,


edukasyon, alaala ng kanyang kabataan, at digmaan. Ito ang mga tula: |

1. Un Recuerdo a Mi Pueblo (Sa Alaala ng aking Bayan). Tulang nagbibigay-


dangal sa Calamba, ang bayang - sinilangan ng bayani.

2. Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion (Malapit na Ugnayan ng


Relihiyon at Mabuting Edukasyon)

3. Por la Educacion Recibe Lustre lq Patria (Sa Edukasyon ay Magtatamo ng


Liwanag ang Bansa)

4. El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y Prision de Boabdil (Ang


Pagkakabilanggo at ang Tagumpay: Ang Labanan ng Lucena at ang
Pagkakakulong ng Boabdil). Ang tulang ito ay naglalarawan sa pagkakadakip ng
Boabdil, huling Morong sultan ng Granada.

5. La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en Granada (Ang Matagumpay na


Pagpasok ng Katolikong Monarkiya sa Granada). Ang tulang ito ay nagsasalaysay
sa matagumpay na pagpasok nina Haring Fernando at Reyna Isabela sa Granada,
ang huling Morong kuta sa Espanya.
Pagkaraan ng isang taon, noong 1877, sumulat siyang marami pang tula. Ito
ang huli niyang taon sa Ateneo. Kabilang sa mga tulang naisulat niya ng taong tyon
ay:

1. El Heroismo de Colon (Ang Kabayanihan ni Columbus). Ang tulang ito ay


pumupuri kay Columbus, ang tagapagtuklas ng America.

2. Colon y Juan II (Columbus at Juan II). Ang tulang ito ay nagsasalaysay kung
paano nawala ang katanyagan at yaman ni Haring Juan II ng Portugal dahil hindi
niya napinansiyahan ang mga panukalang ekspedisyon ni Columbus sa Bagong
Daigdig.

3. Gran Consuelo en la Mayor Desdicha (Ang Dakilang Konsuelo sa Dakilang


Kamalasan) Ito ay isang alamat na patula tungkol sa trahedya ng buhay ni
Columbus.

4. Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los Colegiales (Isang Dialogo ng


Pamamaalam ng mga Mag-aaral) Ito ang huling tulang isinulat ni Rizal sa Ateneo;
ito ay makabagbag-damdaming tula ng pamamaalam sa kanyang mga kaklase.

"Aking Unang Inspirasyon." Ito ang karapat-dapat na maging unang tulang


naisulat ni Rizal bilang isang Atenista dahil tungkol ito sa kanyang ina. Sa kanyang
tula, binati ni Rizal ang ina sa kaarawan nito at ipinahayag niya ang kanyang
pagmamahal.

Aking Unang Inspirasyon

Bakit nga ba
Nagpapaligsahan
sa bango ang mga bulaklak
sa yang araw na ito?

Bakit nga ba
may bubulung-bulong
na matamis at malamyos na himig
sa lambak na ito

Bakit nga ba
umaawit ang mga ibon,
lumilipad nang paroo't parito
sabay sa ihip ng hangin?

At bakit nga ba
ang malinaw na batis
ay ipinag hehele
ang mga hamumukadkad na bulaklak?

Tanaw ko ang bukangliwayway sa Silangan


Na taglay ang kagandahan.
Bakit siya namimista
Sa nagbabagang ulap?

Giliw kong ina, iyong kaarawan


Ipinagdiriwang nila.
Ang rosas sa angking bango,
Ang ibon sa kanyang pugad.

Bumubulong ang batis


Walang humpay ngayong araw,
Binubulung-bulong na
Lumigaya ka tuwina.

Habang sa malinaw na batis


Ang malinaw na bulong
Ay marinig mula sa‘king lira, pakinggan!
Sa aking puso'y unang awit ng pag-ibig.

Mga Tula ni Rizal tungkol sa Edukasyon. Bagaman tinedyer pa lamang si


Rizal, mataas na ang pagpapahalaga niya para sa edukasyon. Naniniwala siya sa
mahalagang papel nito sa a kaunlaran at kalagayan ng isang bansa. Inilahad niya
ito sa kanyang tula:

Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa

Ang hiningang mahalaga ng matinong edukasyon


May bisang mapang-akit, nagkikintal ng saloobin;
Na sa Inang Bayan ay taos na iniaalay
Pati na ang di-maubos-ubos na ningning.
At habang ang banayad na paghinga ng hamog
Ay bumubuhay sa bulaklak na naluluoy,
Gayundin din ang edukasyon na may biyaya;
Grasyang ibinabahagi sa sangkatauhan.

Para sa kanya, di ipagdadamot ng tao


Ang lahat ng sa kanya; maging ang kanyang katahimikan;
Dahil sa kanya isinilang ang lahat ng agham at sining,
Na sa tao'y nagbibigay ng putong niyang lawrel.
Habang mula sa rurok ng bundok na mataas Malinaw na tubig ang siyang dadaloy,
.
Kaya ang edukasyong walang bahid ni sukat
Dulot ay payapa at tatag sa lupang tinitirhan.

Kung saan ang naghahari ang edukasyon


Namumukadkad, sumisigla ang kabataan;
Kamalian niya'y-walang dudang mapaninindigan, At mapangingibabawan ng
pagiging marangal; kanyang binabali leeg ng panililiniang,
At dahil sa poot, namutla krimen at kasamaan;
Mga nasyong barbaro, kaya niyang paamuhin,
Asal-hayop nito'y nagbabago't nagiging kabayanihan.

At habang dumadaloy itong batis ng buhay


Sa lahat ng halaman, sa palumpong sa parang,
Dulot nito'y kalinga, kapayapaan,
Bubusugin ng pagmamahal na walang hanggan
Sa pampang nito'y umaagos nang banayad,
Mga biyayang bigay niya sa kalikasan
Kaya mabusay na edukasyon kapag nakamtan
Lahat ng karangala'y abot-kamay na.

Mula sa kanyang labi'y dedaloy nang walang likat .


Tubig ng kabaitang krista] yata ang katulad,
Kanyang pananalig, titibay at tatatag,

Lakas ng kasamaa‘y kanyang tonay na masusupil,


Katulad ng mga along di gaanong nagtuluwat, ,
Pagsapit sa pampang, nawawala't nababasag,
At ang kanyang halimbawa’y tulad ng salamin
Ng balana sa pagsulotig sa tunay na kauniaran.

Sa kaibuturan ng tao’y isang halimaw,


Hanap ay liwanag ng mabuti't pinagpala,
Mga kamay na nakagapos nitong salarin,
Hanap ay pusong dalisay at busilak.
Mga kaluluwang ipinag-alab niya Mula sa init ng pag-ibig, katwirang tunay
Buhay na tigib sa ginhawa siyang dulot niya.

At habang naroroon ang batong buhay na matayog


Tinanaw ang mga along nagngangalit,
Mapusok na sigwa't marahas na habagat,
O daluyong ng dagat na di maawat,
Hanggang sa sila‘y mauubusan ng lakas,
At sa wakas ay mahahapo, makatutulog,
Kaya siya na sumandig sa edukasyon,
Magiging tunay na gabay ng kanyang Inang Bayan.

Sa sapiro'y nakaukit ang dakilang paglilingkod,


Libu-libong karangala'y kanyang ihahandog;,
Sa kanyang dibdib, itatago'ng mga dakilang anak,
Hasik ng kabaita‘y mabulaklak at malusog
Sa pagmamahal at kabutihan, saloobi'ylilinis.
Mamalasin nilang mga panginoon ng lupa
Ang araw na maghari ang edukasyong maka-Diyos
Sa bayang nananalig sa tunay na kabutihan. ,

Ang ating tatanghalin ang unang silahis ng umaga


Mula sa araw na animo'y pagkapula-pulang hiyas,
Ganda ng bukangliwayway, mapula't ginintuan
, Mga brilyong kulay, kanyang isinasaboy;
Ganoon din ang gawa ng turong mainam,
Nagsasaboy ng ligaya sa buhay na isipan. Liwanag ang alay niya sa Mahal na
Inang Bayan,
Aakayin niya sa luwalhating walang hanggan.
Sa tulang “Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon,"
ipinakita ni Rizal ang kahalagahan ng relihiyon sa edukasyon. Para sa kanya, ang
edukasyong hindi kumikilala sa Diyos ay hindi tunay na edukasyon. Kaya, sinabi
niya sa kanyang tula:

Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon

Habang umaakyat ang bagingsapuno


Hirap na gumagapang, kasama ang palamutl
Ng luntiang parang, iginaganyak
Ang isa't isa at sabay na lumalago.
Ngunit sakaling tanggihan ng puno ang tulong
Ang baging ay maluluoy, magiging inutil.
Gayon din ang Edukasyon sa Relihiyon
Pinag-ugnay ng isang dakilang Espiritu.
Sa Relihiyon, Edukasyon ay nakikilala,
At hinagpis sa lapastangang isipang tumatanggi
Sa batayang aralin ng Relihiyon,
Itong malinis na isipa'y napababayaan.

Habang ang sibol, umuusbong mula sa baging,


Buong pagmamalaking nag-aalay ng tamis
Habang ang magarang kasuotan
Pinakakain mga ugat nito; gayundin ang tubig
Ng saloobin ng kalangitan ay nagbibigay-buhay
Sa Edukasyong tunay, naghahasik
Ng liwanag, nagbibigay ng init; dahil sa kanila
Ang baging ay mabango at prutas nito'y matamis.

Kung walang Relihiyon, Edukasyong Pantao


Tulad nito'y bangkang hinampas ng hangin
Na nawalan ng lakas, di malaman ang gagawin
Sa nagngangalit na alon, nakatatakot na daluyong
Malupit na Boreas, nasa'yo ang lakas
At ‘kapangyarihang ipinangangalandakan sa ‘min
Dito sa kaibuturan ng iyong nagngangalit na dagat.

Habang ang hamog ng langit ay pagkain ng bulaklak


Nagpapalakas sa kayumangging lupa,
Palamuti ng araw ng tagsibol; kaya ganoon din
Kapag ang Relihiyon ang nagkalinga
Sa Edukasyon at mga doktrina nito,
Taas-noo siyang maglalakad, masaya
Tungo sa Kabutihan, at saanma'y
Maamo'y, mapipitas ang mga prutas hg saloobin.

Mga Relihiyosong Tula ni Rizal. Noong estudyante pa, ipinahayag ni Rizal


ang kanyang debosyon sa pananampalatayang Katoliko sa kanyang mga tula. Isa
sa mga relihiyos niyang tula ay maikling oda pinamagatang "Al Niño Jesus” (Sa
Sangol na si Hesus). Ito ang tula.

Sa Sanggol na si Hesus

O Diyos na Sanggol, ‘paano ba kaya't


Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?
Diyata't di pa man ay pag-alipusta
Ang dulot ng Palad sa lyong pagbaba?

Kay lungkot, O Hari ng Sangkalangitan!


Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,
Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?
Ang tula ay isinulat niya noong 1875 nang siya ay 14 na taong gulang.

Isa pang relihiyosong tula niya ay pinamagatang "A La Virgen Maria" (Para sa
Birheng Maria). Walang petsa kung kailan isinulat ang tula. Maaaring isinulat ito ni
Rizal pagkaraan ng kanyang oda para sa Sanggol na si Hesus. Ito ang tula:

Para sa Birheng Maria

“Mahal na Maria, katahimikan at kapayapaan


Sa lahat ng nahahapis ay iyong bigay.
Daloy ng ginhawa, nagmumula sa'yong bukal.
Walang humpay na nagdidilig sa'ming lupain;
Mula sa trono mong sintaas ng langit,
Mangyaring ako'y ambunan ng konting awa
Ilukob nawa sa‘kin ang iyong balabal ng habag :
Aking tinig na pumailanlang sa langit
Inang Maria, aking inang mahal,
Ikaw ang aking buhay, aking sandigan,
At sa maalong dagat, ikaw ang patnubay.
Sakaling dumating ang bupete ng tukso,
At ako'y lapitan na ni Kamatayan,
Lumbay ko ay pawiin, ako'y inyong tulungan.

Mga Gawaing Panteatro ni Rizal sa Ateneo. Habang estudyante sa Ateneo,


nahilingan si Rizal ng kanyang paboritong guro, si Padre Sanchez, na sumulat ng
isang dula batay sa tulang pasalaysay ni San Eustacio, Martir. Noong
nagbabakasyon sa Calamba noong 1876, sinulat niya ang relihiyosong drama sa
anyong patula at natapos niya ito noong Hunyo 2, 1876.

Sa pagbubukas ng klase sa Ateneo noong Hunyo 1876— huling taon niya sa


kolehiyong Heswita—ipinakita niya kay Padre Sanchez ang natapos na dulang
pinamagatang San Eustacio, Martir. Binasa ito ng guro at pinuri ang batang
estudyante para sa magandang pagkakasulat.

Unang Pag-ibig ni Rizal. Pagkaraan ng kanyang pagtatapos sa Ateneo, si


Rizal, na noo'y 16 taong gulang, ay unang umibig- “masakit na karanasang
sumasapit sa buhay ng lahat ng tinedyer." Ang babae ay si Segunda Katigbak,
magandang Batangueña na 14 na taong gulang. Ang dalagitang taga-Lipa ay
inilarawan ng ganito ni Rizal: "May kaliitan siya, mga mata niya'y parang
nangungusap at kung minsa’y nagpapakita ng marubdob na damdamin at minsa'y
parang nananamlay; mapupula ang mga pisngi niya; may kahalihalinang ngiti, at
magagandang ngipin, at para siyang ada; ang buong katauhan niya'y may di-
maipaliwanag na bighani."

Isang araw ng Linggo, binisita ni Rizal ang kanyang lola (sa panig ng ina) na
naninirahan sa Trozo, Maynila. Sinamahan siya ng kanyang kaibigang si Mariano
Katigbak, Ang kanyang lola ay kaibigan ng mag-anak na Katigbak ng Lipa.
Pagdating sa bahay ng lola, nakita niyang marami palang panauhin. Isa rito ay
napakagandang babae, na biglang nagpatibok ng kanyang puso. Siya pala'y kapatid
ni Mariano, at ang ngalan niya'y Segunda.

Karamihan sa mga bisita ng kanyang lola ay mga estudyante sa kolehiyo na


nakaaalam ng kanyang husay sa pagpinta, kaya hinilingan nila si Rizal na igawa ng
larawan si Segunda. Pumayag si Rizal at kumuha siya ng lapis at iginuhit ang
dalagita, "Manakanaka'y napatitingin siya sa akin," naalala ng binata, "at ako'y
biglang namumula.”

Higit na nakilala ni Rizal si Segunda sa linggu-linggo niyang pagpunta sa


Kolehiyo ng La Concordia, kung saan nangungupahan ang kapatid na si Olympia.
Si Olympia ay malapit na kaibigan ni Segunda. Matatalos na nagmamahalan sina
Rizal at Segunda. Ang pag-ibig nila ay masasabing "pag-ibig sa unang tingin."
Ngunit wala na itong pag-asa sa simula palang dahil naipagkasundo na si Segunda
na magpapakasal sa isa niyang kababayan, si Manuel Luz. Si Rizal, kahit na siya'y
ubod ng talino, ay mahiyain at kiming mangingibig. Naipakita na ni Segunda, sa
pamamagitan ng kanyang pagkilos, ang nararamdam para sa binata, ngunit
nangingimi pa rin si Rizal na magtapat sa kanya.

Huli silang nag-usap noong isang Huwebes ng Disyembre 1877, at papalapit


na ang Pasko. Binisita niya si Segunda sa Kolehiyo ng La Concordia para
magpaalam dahil uuwi na siya ng Calamba sa susunod na araw. Sinabi naman ni
Segunda kay Rizal na uuwi rin siya ng Lipa sa kamakalawa. Tumahimik ang
dalagita, naghihintay na sabihin ni Rizal ang hinihingi ng kanyang puso.

Ngunit walang sinabi ang binata, bagkus ay nagpaalam ito: “Paalam. Kung
sabagay magkikita tayo kapag napadaan ka ng Calamba sa iyong pag-uwi sa Lipa."

Nang sumunod na araw, dumating si Rizal sa kanyang bayan. Hindi siya


kaagad na nakilala ng kanyang inang nanlalabo na ang mga mata. Ikinalungkot ni
Rizal ang kalagayan ng mga mata ng ina. Ngunit masaya siyang sinalubong ng mga
kapatid na babae, panay ang tukso sa kanya kay Segunda, lalo pa't naikuwento na
ni Olympia ang tungkol sa dalawa.

Nang gabing iyon, ipinakita ni Rizal sa kanyang pamilya ang husay niya sa
pag-eeskrima. Nakipag-eskrima siya at nanalo sa pinakamahusay sa Calamba, ,

Nang sumunod na araw (Sabado), nalaman ni Rizal na hindi dadaong sa


Calamba ang barkong naglululan kay Segunda at kanyang pamilya dahil malakas
ang hangin; sa halip, ay titigil ito sa Biñan. Sumakay si Rizal sa kanyang puting
kabayo at naghintay sa may kalsada. Isang parada ng mga karomata mula Biñan
ang nagdaan. Sa isa roon ay sakay si Segunda na nakangiti at nagwawagayway sa
kanya ng isang panyolito. Tila naumid ang dila, itinaas lamang ni Rizal ang kanyang
sombrero. Nagpatuloy lamang sa pagbiyahe ang mga karomata hanggang sa
mawala ang mga ito, gaya ng "isang mabilis na anino." Umuwi si Rizal, malungkot
sa kinasapitan ng kanyang pag-ibig na "naudlot dahil sa aking pagiging mahiyain."
Ang unang babaing nagpatibok ng kanyang puso ay tuluyan nang nawala sa kanya.
Nagbalik ito sa Lipa, at kinalauna'y nagpakasal kay Manuel Luz. Samantala, si Rizal
ay nanatili sa Calamba na bigong mangingibig na nagnanamnam lamang sa mga
alaala ng isang nawalang mahal.

Pagkaraan ng tatlong taon, ito ang nasabi ni Rizal sa kanyang una ngunit
bigong pag-ibig: "Nagwakas nang maaga ang aking unang pag-ibig! Laging
magluluksa ang aking puso sa nangyaring ito. Oo't magbabalik ang aking mga
ilusyon, ngunit iba na ang mga ito at di na sigurado sa mga mangyayari, hindi na
handa dahil sa unang pagkabigo nito sa larangan ng pag-ibig."
Kabanata 5
Pag-aaral ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas
(177-1882)

Sa kabutihang palad, kahit bigo at naging mapait ang unang pag-ibig ni Rizal,
hindi naman ito nakaapekto sa kanyang pagaaral sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Pagkaraan ng unang taon sa kursong Pilosopiya at Sulat (1877-78), lumipat siya sa
kursong medisina. Kahit na nag-aaral ng medisina sa unibersidad na
pinamamahalaan ng mga Dominiko, kalaban ng mga Heswita sa edukasyon,
nanatiling tapat si Rizal sa Ateneo, kung saan marami siyang sinalihang gawain at
nagpatuloy ng pag-aaral ng kurso sa pagsasarbey. Bilang isang Tomasino, nanalo
siya ng maraming gantimpala sa literatura, nagkaroon ng ibang pag-ibig, at
nakipaglaban sa mga estudyanteng Espanyol na mapang-insulto sa kakayahan ng
mga estudyanteng Pilipino.

Ang Oposisyon ng Ina sa Mataas na Pinag-aralan. Pagkaraang magtapos


sa Ateneo nang may pinakamataas na karangalan, nagtungo si Rizal sa
Unibersidad ng Santo Tomas para magpatuloy ng pagaaral. Noong Panahon ng
Espanyol, ang Batsilyer sa Sining ay katumbas lamang ngayon ng mataas na
paaralan at mga unang taon sa kolehiyo. Noon ito'y maaari lamang kuwalipikasyon
ng isang nagtapos para makapasok sa isang unibersidad. Kapwa nais nina Don
Francisco at Paciano na makapakarera si Jose sa isang unibersidad. Ngunit si Doña
Teodora, laging naaalala ang nangyari sa Gom-Bur-Za, ay tutol na tutol sa ganitong
ideya, at sinabi niya sa kanyang asawa: "Huwag mo na siyang ipadala pa sa
Maynila; marami na siyang alam. Kung mas marami pa ang kanyang malalaman,
tiyak na mapupugutan na siya ng ulo."' Hindi kumibo si Don Francisco, ngunit
pinakiusapan si Paciano na samahan ang nakababatang kapatid sa Maynila, sa
kabila ng pagluha ng ina.

Maging si Rizal ay nagulat sa pagtutol ng kanyang ina dahil alam niya ang
pagpapahalaga nito sa edukasyon. Pagkaraan ng ilang taon, isinulat niya sa
kanyang dyornal: "Kinutuban na kaya noon ang aking ina sa kahihinatnan ko? Lagi
nga kayang batid ng ina ang mangyayari sa anak?"

Pumasok si Rizal sa Unibersidad. Noong Abril 1877, si Rizal na noo'y


maglalabing-anim na taong gulang, ay nagmatrikula sa Unibersidad ng Santo
Tomas para sa kursong Pilosopiya at Sulat. Sa kursong ito siya nag-enrol dahil (1)
ito ang gusto ng kanyang ama, at (2) “hindi pa ako sigurado sa magiging karera ko."
Sumulat siya at humingi ng payo tungkol dito kay Padre Pablo Ramon, Rektor ng
Ateneo na naging mabuti sa kanya noong estudyante siya ng kolehiyong iyon. Nang
panahong iyon, nasa Mindanao ang Padre Rektor kaya hindi siya napayuhan
kaagad. Kaya noong unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-1878), nag-
aral si Rizal ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisiya, at Kasaysayan ng Pilosopiya.

Nang sumunod na taon (1878-79), natanggap ni Rizal ang payo ng Rektor ng


Ateneo na nagmumungkahing medisina ang mainam na kurso para sa kanya. Kaya
noon di'y nag-enrol siya sa mga kursong paghahanda para sa medisina. Gusto ni
Rizal na kumuha ng medisina dahil ninanais niyang magamot ang pagkabulag ng
kanyang ina.

Tinapos ang Kurso ng Pagsasarbey sa Ateneo (1878). Noong unang taon


sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-78), nag-aral din si Rizal sa Ateneo. Kumuha
siya ng kursong bokasyonal na nagbigay sa kanya ng titulong perito agrimensor
(dalubhasang agrimensor). Nang panahong iyon, ang mga kolehiyong panlalaki sa
Maynila ay may mga kursong bokasyonal sa agrikultura, komersiyo, mekaniko, at
pagsasarbey.

Gaya ng inaasahan, nanguna si Rizal sa lahat ng asignatura ng pagsasarbey,


at nagkamit siya ng mga gintong medalya sa agrikultura at topograpiya. Sa edad na
17, naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey, ngunit hindi kaagad
naigawad sa kanya ang titulong agrimensor dahil wala pa siya sa edad. Naibigay
lamang ang titulong ito noong Nobyembre 25,1881.

Bagaman Tomasino, madalas pa ring dinadalaw ni Rizal ang Ateneo. Hindi


lamang dahil ito sa kursong pagsasarbey, kundi dahil sa kanyang katapatan sa
Ateneo, kung saan marami siyang magagandang alaala, at kung saan ang mga
Heswitang propesor, di tulad ng mga Dominiko ay nagmamahal sa kanya at
nagbibigay ng inspirasyon sa kanya para mapagbuti niyang lalo ang kanyang pag-
aaral. Patuloy siyang naging aktibo sa mga gawain sa Ateneo. Naging pangulo siya
ng Akademya ng Literaturang Espanyol at kalihim ng Akademya ng mga Likas na
Agham. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pagiging miyembro ng Kongregasyon ni
Maria, at kung saan siya nag kalihim.

Mga Pag-ibig ni Rizal. Masipag sa pag-aaral niya sa Unibersidad ng Santo


Tomas at marami pang gawain sa Ateneo, ngunit may panahon pa rin si Rizal para
sa pag-ibig. Isa siyang pangaraping romantiko na gusto ring "makatikim ng pag-
ibig." Ang malungkot niyang Karanasan sa unang pag-ibig ay nakatulong para
matutunan niyang maging mas matalino sa larangan ng pag-ibig.
Pagkaraang mawala sa kanya si Segunda Katigbak, niligawan niya ang isang
dalagang taga-Calamba. Sa kanyang talaarawan, tinawag niya itong "Binibining L,"
at inilarawan niyang "maganda at may kahalihalinang mga mata. Ilang beses din
niyang dinalaw ang dalaga sa tahanan nito, ngunit biglang inihinto ang kanyang
panliligaw, at tuluyan nang namatay ang pag-iibigan. Walang nakaaalam kung sino
ang dalagang ito. Hindi sinabi ni Rizal ang kanyang ngalan kaya hindi na nalaman
ng kasaysayan kung sino ang dalagang ito. Gayunman, sinabi ni Rizal ang
dalawang dahilan bakit nagbago ang isip niya: (1) iniibig pa rin niya si Segunda, at
(2) hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni "Binibining L."

Pagkaraan ng ilang buwan, noong ikalawang taon niya sa Unibersidad ng


Santo Tomas, nangupahan si Rizal sa bahay nj Doña Concha Leyba sa Intramuros.
Ang kapitbahay ni Doña Concha ay sina Kapitan Juan at Kapitana Sanday
Valenzuela ng Pansanjan, Laguna, na may magandang anak na babae, si Leonor.
Laging bukas ang tahanan ng mga Valenzuela kay Rizal, na isang estudyante ng
medisina mula Calamba, dahil sa husay nito sa salamangka. Niligawan niya si
Leonor Valenzuela, na isang matangkad na babaing maganda ang tindig.
Pinadadalhan niya ito ng liham ng pag-ibig na nakasulat sa tintang di -nakikita. Ang
tinta ay gawa sa ordinaryong asin at tubig. Hindi ito nakikita sa papel. Si Rizal, na
mahusay sa kimika, ang nagturo kay Orang (palayaw ni Leonor Valenzuela) ng lihim
sa pagbasa ng anumang talang nakasulat sa tintang di-nakikita. Pinapainit ito sa
ibabaw ng kandila o lampara upang lumitaw ang mga salita. Ngunit, tulad ng kay
Segunda, tumigil siya sa panliligaw kay Orang.

Ang sumunod na pag-ibig ni Rizal ay sa isa pang Leonor- Leonor Rivera na pinsan
niyang taga-Camiling. Noong 1879, noong simula ng ikatlo niyang taon sa
Unibersidad tumira siya sa Casa Tomasina sa Blg. 6 Kalye Santo Tomas,
Intramuros. Ang may-ari ng bahay at tiyuhin niyang si Antonio Rivera ay may
magandang anak na babae, si Leonor, na estudyante sa Kolehiyo ng La Concordia,
kung saan nag-aaral din si Soledad (bunsong kapatid na babae ni Rizal). Si Leonor
ay tubong-Camiling, Tarlac at isinilang noong Abril 11, 1867. Maganda siya,
"mayumi gaya - ng namumukadkad na bulaklak, na may mabubuting mata." Nabuo
ang isang pag-ibig kina Jose at Leonor. Nagkasundo sila, Sa Kanyang mga liham
kay Rizal, "Taimis" ang inilalagdang ngalan ni Leonor nang sa gayon ay maitago
nila ang kanilang relasyon sa mga magulang at kaibigan.

Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Espanyol. Nang si Rizal ay nasa


unang taon sa medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, naranasan niya ang
kalupitan ng mga Espanyol. Isang madilim na gabi sa Calamba, noong 1878,
naglalakad siya sa kalsada. Hindi niya napansin ang isang lalaki ng nadaanan niya.
Dahil hindi niya kilala ang anino, hindi niya nasaluduhan ni nabati ito ng
"Magandang Gabi." Ang lalaki sa dilim ay isa palang tenyente ng Guardias Civiles.
Nagalit ito at hinarap si Rizal, hinampas ng kanyang espada at sinaktan ang likuran.

Hindi naman malubha ang naging sugat ni Rizal ngunit naging masakit ito sa
kanya. Isinumbong ni Rizal ang insidente kay Heneral Primo de Rivera, ang
Espanyol na gobernador-heneral ng Pilipinas ng panahong iyon. Ngunit walang
nangyari sa kanyang reklamo dahil siya ay isang indio at Espanyol ang mapang-
abusong tenyente. Kinalaunan, sa isang liham kay Blumentritt, isinulat noong Marso
21, 1887, sinabi niyang "nagpunta siya sa Kapitan-Heneral ngunit wala siyang
natamong katarungan; gumaling ang aking sugat sa loob ng dalawang linggo."

"Para sa Kabataang Pilipino" (1879). Noong 1879, nagkaroon ng paligsahan


sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario ng Maynila, isang samahan ng mga mahilig
sa sining at panitikan. Naglaan ito ng gantimpala para sa pinakamagandang tulang
isinulat ng isang katutubo o mestiso. Si Rizal, na noo'y 18 taong gulang, ay
nagsumite ng kanyang tulang pinamagatang "A La Juventud Filipina" (Para sa
Kabataang Pilipino).

Ang Inampalan, na binubuo ng mga Espanyol, ay humanga sa tula ni Rizal at


iginawad dito ang unang gantimpala na isang pilak na panulat, hugis-pakpak at may
dekorasyon na gintong laso. Masayang masaya ang batang si Rizal sa pagkapanalo
niya sa timpalak ng pagsulat ng tula. Taos sa puso siyang binati ng mga dati niyang
propesor sa Ateneo, mga kaibigan at kamag-anak, Ang nagwaging tula, ang "A La
Juventud Filipina" (Para sa Kabataang Pilipino) ay tulang nagbibigay ng inspirasyon.
Sa pamamagitan ng magagandang berso, hiniling ni Rizal sa kabataang Pilipino na
imulat na ang mga mata sa mga nangyayari sa kanilang paligid, na hayaang
pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham, at lagutin ang tanikalang
pumipigil sa diwa nila, bilang tao. Ito ang tula:

Para sa Kabataang Pilipino


Tema: "Lumago ka, Kiming Bulaklak" -

Taas-noong tumindig ka, ‘


O Kabataan, saanman naroon,
Hayaan ang liwanag
Ng magandang bikas ay makita,
Ikaw na pag-asa ng bayan!

Halina, ikaw na tunay na henyo,


"At bigyan ng inspirasyon:
' Sa tulong ng mapagpalang kamay,
Magsahangin ka nga'tilipad
Ang aming isipan nang magkataas-taas.

Bumaba kang kasama ang liwanag


Ng sining at agham, dunong na tunay,
O Kabataan, kilos at kalagin
Ang tanikalang gumagapos
Sa iyong diwa at kaluluwa.

Masdan ang lumiliyab na putong


Sa gitna ng mga aninong naglipana,
.Mapagpalang kamay ng Inang Bayan
Putong niya'y marikit na korona
Dakilang alay niya sa lupaing ito.

Panahon na upang ika'y magbangon


Iyong bagwis na pagal na pagal :
Sa paghahanap ng langit ng Olympia
Mga awiting pagkatamis-tamis,
Mas malamyos pa sa patak ng ulan.

Ikaw, na ang dakilang tinig


Ang mas mairog kaysa Pilomel,
Sa gabing tahimik, malungkot
Ikaw ang siyang tanging lunas
Ng mga kaluluwang nagdudusa.

Ikaw, na ang diwa ay matalas


Ginigising, binubuhay, aking isipan;
Atang alaalang nagpapalinaw
Sa iyong henyong ilaw
Tunay na lakas ng isang imortal.

At ikaw, ang diwang malinaw


Na mahal nina Pebo at Apollo;
Ang kanilang kayang mahiwagang kamay
Ang sityang kumakalinga, umaayos
Sa kalikasan na nasa ‘yong kanbas?

Humayo ka't pagliyabin ang apoy


Ng iyong henyo nang mangarap ng lawrel;
Kailangang maipamamahagi ang apoy,
Nang makamit yaring tagumpay,
Para sa mas nakararami sa ating lahi.

Araw, O masayang araw,


Mahal kong Pilipinas, aking bayan!
Basbasan mo kami't alagaan
Ngayon at magpakailanman,
Tungo sa maunlad na kinabukasan.

Ang nagwaging tulang ito ni Rizal ay isang klasiko sa panitikang Filipino. Una,
isa itong napakagandang tula sa Espanyol na isinulat ng isang Pilipino, na kinilala
ng mga Espanyol na awtoridad sa panitikan, at pangalawa, ipinahahayag ng tula sa
kauna-unahang pagkakataon ng isang Pilipino—hindi mga dayuhanang konsepto
ng pagiging makabayan, na ang kabataan ang siyang "pag-asa ng bayan."
Ang Konseho ng mga Diyos(1880). Nang sumunod na taon (1881),
nagkaroon muli ng panibagong paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario
para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes, dakilang Espanyol na
manunulat at awtor ng Don Quixote. Sa pagkakataong ito, ang paligsahan ay bukas,
kapwa Pilipino at Espanyol.

Maraming manunulat sa timpalak—mga pari, mamamahayag iskolar, at


propesor. Si Rizal, na inspirasyon ay ang pagwawagi noong nakaraang taon, ay
sumali sa timpalak. Isinumite njya isang dulang alegorikal na pinamagatang El
Consejo de los Dioses (Ang Konseho ng mga Diyos).

Ang Inampalan ng paligsahan ay mga Espanyol. Pagkaraan ng masusing


deliberasyon sa mga lahok, iginawad nila ang unang gantimpala sa trabaho ni Rizal
dahil pinakamahusay ang pagkakasulat nito sa lahat ng mga lahok. Ang Espanyol
na komunidad sa Maynila, sa pangunguna ng pahayagang Espanyol, ay matigas na
tumutol sa desisyong ito dahil ang nagwaging awtor ay isang indio. Sa kabila ng
mga pagtutol, ang gantimpala ay ibinigay kay Rizal—isang gintong singsing na may
nakaukit na mukha ni Cervantes. Isang Espanyol na manunulat, si D.N. del Puzo,
ang nanalo ng pangalawang gantimpala. Sa kauna-unahang pagkakataon, isang
indio—isang labinsiyam na taong gulang na estudyante ng medisina—ang nanguna
sa isang pambanisang paligsahan sa panitikan, at tinalo ang maraming manunulat
na Espanyol nang panahong iyon. Masayang-masaya si Rizal dahil napatunayan
niyang di totoong mga Espanyol lamang ang nakahihigit sa anumang larangan dahil
kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga katutubo ay maipakikita nilang maaari
silang itapat sa anumang lahi.

Ang nagwaging alegorya ni Rizal ay isang obra maestrang batay sa mga


klasikong Griyego. Sa pagsulat nito, si Rizal, bagaman estudyante ng Unibersidad
ng Santo Tomas, ay tinulungan ng mabait na Padre Rektor ng Ateneo sa
pangangalap ng kinakailangang materyales. Nagtatag ang alegorya ng
pagkakatulad nina Homer, Virgil, at Cervantes. Tinalakay ng mga diyos ang mga
merito ng mga dakilang manunulat na ito, at nagpasyang igawad ang trumpeta kay
Homer, ang lira kay Virgil, at lawrel kay Cervantes. Ang alegorya ay masayang
nagtapos sa pagsasaya ng mga ada, diwata, at iba pang tauhang mitolohikal.

Iba pang Pampanitikang Gawain. Bukod sa dalawang nagwaging trabaho, si


Rizal, bagaman nag-aaral ng medisina, ay nakalikha pa rin ng mga tula at isang
sarsuwela. Ang sarsuwelang ito ay Junto al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) na itinanghal
ng mga Atenista noong Disyembre 8, 1880, pista ng Immaculada Concepcion, ang
Patron ng Ateneo. Isinulat niya ito nang siya ay Pangulo ng Akademya ng
Literaturang Espanyol sa Ateneo.

Kung pagbabatayan ang gandang pampanitikan, hindi naman ganoon


katampok ang Junto al Pasig. Ngunit may mga bahagi rito na nagpapahayag ng
satirika ng mga makabayang ideya ng awtor.
Halimbawa, pinasalita ni Rizal si Satanas nang ganito hinggil sa Pilipinas

"Ngayo'y walang ginhawa,


Malungkot na umuungol sa kapangyarihan ng mga dayuhan,
At dahan-dahang namamatay,
Sa walang kabanalang kapit ng Espanya."

Nang taong iyon (1880), sumulat siya ng isang sonatang — pinamagatang A


Filipinas para sa album ng Samahan ng mga Iskultor. Sa sonatang ito, hinikayat
niya ang mga artistang Pilipino na magbigay-dangal sa Pilipinas. Noong nakaraang
taon, noong 1879, nilikha niya ang tulang Abd-el-Azis y Mahoma, na binigkas ng
isang Atenista, si Manuel Fernandez, noong gabi ng Disyembre 8, 1879 bilang
parangal sa Patron ng Ateneo. | .

Kinalaunan, noong 1881, isinulat niya ang A/M.R.P. Pablo Ramon, isang
tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo Ramon, ang rektor ng Ateneo,
na naging mabuti at matulungin sa kanya,
Pagbisita ni Rizal sa Pakil at Pagsanjan. Noong Mayo 1881, nang siya ay
estudyante ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, sumama si Rizal sa
peregrinasyon sa bayan ng Pakil kilalang dambana ng Birhen Maria delos Dolores.
Kasama niya ang mga kapatid na sina Saturnina, Maria, Trinidad, at kanilang mga
kaibigang babae. Sumakay siya sa kasko mula Calamba papuntang Pakil, Laguna,
at tumuloy sila sa bahay nina G. at Gng. Manuel Regalado, na ang anak na si
Nicolas ay kaibigan ni Rizal sa Maynila.

Nabighani si Rizal at kanyang mga kasama sa tinatawag na turumba, kung


saan ang mga tao ay nagsasayaw sa kalsada habang ipinuprusisyon ang istatwa ng
milagrosang Birhen Maria de los Dolores. Habang nagsasayaw sila ay umaawit sila:

Turumba, Turumba, Mariangga


Matuwa tayo't masaya
Sumayaw ng turumba
Puri sa Birhen Maria

Sa Pakil, nabighani si Rizal sa isang magandang kolehiyalang si Vicenta


Ybardolaza, na mahusay tumugtog ng alpa sa tahanan ng mga Regalado. Mula
Pakil, nagdaan si Rizal at mga kasama sa kalapitbayan ng Pagsanjan. Dalawa ang
dahilan nito: ito ang bayang sinilangan ni Leonor Valenzuela, isa sa mga naging
kasintahan ni Rizal sa Maynila, at makita ang Talon ng Pagsanjan na kilala sa
buong mundo.

Pagkaraan ng ilang taon, binanggit ni Rizal ang turumba sa Kabanata VI ng


Noli Me Tangere at Talon ng Pagsanjan sa kanyang talaarawan niya (Estados
Unidos—Sabado, Mayo 12, 1888), kung saan sinabi niya napakaganda nga ng
Talon ng Niagara ngunit “hindi kasingganda ng Talon ng Los Banos, (sic)
Pagsanjan."

Kampeon ng mga Estudyanteng Pilipino. Si Rizal ang kampeon ng mga


estudyanteng Pilipino na madalas na napapaaway sa mayayabang na estudyanteng
Espanyol. Hindi matanggap ng mga ito na nahihigitan sila ng Pilipino, kapag
iniinsulto nila ay tinatawag na "Indio, chongo!" Bilang ganti, tinatawag naman sila ng
mga Pilipino na "Kastila, bangus!" Madalas na nauuwi ito sa pag-aaway sa
lansangan.

Nakakasama rin si Rizal sa mga pag-aaway na ito. Dahil nagsanay siya sa


pag-eeskrima at wrestling, at talaga namang matapang, nakilala siya sa mga away
na ito. Noong 1880, itinatag niya ang lihim na samahan ng mga estudyanteng
Pilipino sa Unibersidad ng Santo Tomas at tinawag itong Compañerismo
(Pagsasamahan), at ang mga kasapi ay tinawag na "Kasama ni Jehu," sunod sa
ngalan ng isang heneral na Ebreo na nakipaglaban sa mga Arminiano at namuno sa
Kaharian ng Israel sa loob ng 28 taon (843-816 B.C.). Siya ang pinuno ng lihim na
samahan, at kasama niya ang kanyang pinsang taga-Batangas na si Galicano
Apacible na siya namang kalihim. Pinamunuan ni Rizal ang pakikipaglaban sa mga
estudyanteng Espanyol.

Sa isang labanan ng mga estudyanteng Pilipino at Espanyol sa may Escolta


sa Maynila, nasugatan sa ulo si Rizal. Duguan at nababalutan ng alikabok, dinala
siya ng mga kaibigan sa kanyang inuupahang bahay, sa Casa Tomasina.
Masuyong nilinis at ginamot ni Leonor Rivera ang kanyang sugat.

Malulungkot na araw sa UST. Si Rizal, na mahusay na mag-aaral ng


Ateneo, ay hindi naibigan ang atmospera ng edukasyon sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Hindi siya masaya sa institusyong Dominiko. dahil (1) hindi maganda ang
pagtingin sa kanyang mga Dominikong propesor, (2) mababa ang pagtingin sa mga
estudyanteng Pilipino, at (3) sinauna at mapang-api ang sistema ng pagtuturo.

Sa kanyang nobelang El Filibusterismo, inilarawan niya kung paano hiyain at


insultuhin ng mga Dominikong propesor ang mga estudyanteng Pilipino. Ipinakita rin
niya ang sinaunang sistemang pagtuturo rito, lalo na sa larangan ng pagtuturo ng
mga likas na agham. Ikinuwento niya sa Kabanata XIII, "Ang Klase sa Pisika," na
ang asignaturang agham ay itinuro nang walang ginagawang eksperimento sa
laboratory. Ang mikroskopyo at iba pang aparato sa laboratoryo ay nakatago
lamang sa eskaparate para makita ng mga panauhin, ngunit di para gamutin ni
hawakan ng mga estudyante.

Dahil sa ganitong ugali ng kanyang mga propesor, si Rizal, ang


pinakamahusay na estudyante ng Ateneo, ay hindi nagkamit ng mataas na
karangalan. Bagaman ang mga grado niya noong unang taon niya sa kursong
pilosopiya ay "pinakamahusay,” hindi kahanga-hanga ang mga nakuha niya sa apat
na taon niya sa kursong medisina. Ito ang rekord ng kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santo Tomas (1877-82):

Desisyong Makapag-aral sa Ibang Bansa. Pagkaraang matapos ang


ikaapat na taon sa kursong medisina, nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya.
Hindi na niya makayanan ang malawakang panlalait, deskriminasyon, at pagkapoot
sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kaagad namang sinang-ayunan ng kanyang
nakatatandang kapatid na lalaki ang kanyang desisyong magpunta sa Espanya,
gayundin ang dalawang kapatid na babae, sina Saturnina (neneng) at Lucia, Tiyo
Antonio Rivera, ang mag-anak na Valenzuela, at ilang kaibigan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi humingi si Rizal ng permiso at


pagbasbas mula sa mga magulang dahil alam niyang salungat sila, lalo na ang
kanyang ina, sa desisyong makapangibang-bayan. Hindi rin niya sinabihan maging
ang kanyang mahal na si Leonor. Alam niyang si Leonor, dahil babae, bata, at
romantika, ay hindi makapagtatago ng isang lihim. Kaya ang mga magulang ni
Rizal, si Leonor, at mga awtoridad na Espanyol ay walang kaalam-alam sa kanyang
pasyang mangibang-bayan para magpatuloy ng kanyang pag-aaral sa medisina sa
Espanya, kung saan ang mga propesor doon ay mas liberal kaysa sa mga
Unibersidad ng Santo Tomas.
Kabanata 6
Sa Maaraw na Espanya (1882-1885)
Pagkaraang matapos ang ikaapat na taon ng kursong medisina sa
Unibersidad ng Santo Tomas, si Jose Rizal, na hindi nasiyahan sa sinaunang
pamamaraan ng pagtuturo sa Dominikong pamantasan at panlalait ng mga
Dominikong propesor sa mga estudyanteng Pilipino, ay nagpasyang tapusin ang
kanyang pag-aaral sa Espanya. Nang panahong iyon, ang pamahalaan ng Espanya
ay isang monarkiyang konstitusyonal, na sa ilalim ng konstitusyon, ay kumikilala sa
mga karapatang pantao, lalo sa kalayaan sa pananalita, kalayaan sa
pamamahayag, at kalayaan sa pagtitipon. Bukod sa mga dahilang ito, may isa pa
siyang dahilan, na mas mahalaga kaysa tapusin ang kanyang pag-aaral sa
Espanya. Ito ang kanyang "lihim na misyon," na hindi nabanggit ng maraming
mananalambuhay ni Rizal (kasama na sina Austin Craig at Wenceslao E. Retana)
sa kanilang mga isinulat.
Ang Lihim na Misyon ni Rizal. Ang misyong ito na naisip ni Rizal at sinang-
ayunan ng kanyang nakatatandang kapatid na Paciano ay ang masusing pag-aaral
sa buhay at kultura, wika at kaugalian, industriya at komersiyo, at pamahalaan at
batas ng mga bansang Europeo nang sa gayon ay maihanda na niya ang sarili sa
dakilang misyon ng pagpapalaya sa mga kababayang inaapi ng tiranya ng
Espanya. Ito ay malinaw na makikita sa kanyang liham ng pamamaalam na
ipinadala sa kanyang mga magulang bago magpunta sa Espanya.
Bukod sa paghingi ng tawad sa mga magulang dahil umalis siya ng Pilipinas
nang wala ang kanilang pahintulot at basbas, sinabi niya sa sulat:
Dahil lahat ng bagay dito sa mundo ay minabuti ng Diyos na
magkaroon ng pananagutan sa kasaysayan ng Paglikha, hindi ko
maaaring iliban ang sarili sa tungkuling ito, at gaano man ito kaliit,
ako ay may misyong dapat tuparin, halimbawa: ang bawasan ang
pagdurusa ng aking kababayan. Alam kong nangangahulugan ito ng
mga sakripisyo at malulubhang bagay. Nakikinita-kinita ko na ang
mga sakit na maaari kong ibigay sa inyo, ngunit may nararamdaman
akong ito ay isang obligasyon ko at kailangan kong umalis.
Makikipagsapalaran ako, at maaari akong magtagumpay o mabigo...
nasasa Diyos na iyan.
Ang lihim na misyon ni Rizal ay sinabi rin ni Paciano sa kanyang liham sa
nakababatang kapatid noong Mayo 20, 1882 sa Maynila. Ito ang bahagi ng liham:

Nang dumating sa Calamba ang telegramang nagpapaalam ng


iyong paglisan, gaya ng inaasahan, nalungkot ang ating mga
magulang, lalo na ang matandang lalaki (Don Francisco) na di na
masyadong umimik mula noon, lagi na lamang nasa kama niya, at
umiiyak sa gabi, anumang konsolasyon ang ibigay sa kanya ng ating
pamilya, kura, at kahit di kakilala. Pinapunta niya ako sa Maynila
para malaman kung paano ka nakaalis. Sa pagbabalik ko, sinabi ko
sa kanila na ang iyong gastusin ay sinagot ng iyong mga kaibigan sa
Maynila, sa pag-aakalang ito ang makapapanatag ng kanyang
kalooban. Gayunpaman, nanatili siyang malungkot. Dahil dito, at sa
takot na magkasakit siya dahil sa lungkot, sinabi ko ang lahat sa
kanya, ngunit sa kanya lamang, nagmakaawa akong ilihim niya ito,
at nangako naman siyang gagawin ito. Noon ko lamang siya
nakitang sumaya at nagbalik sa dati niyang gawi. Ito ang nangyari sa
pamilya.
Sinasabi ritong matatapos mo ang kurso sa medisina sa
Barcelona at hindi sa Madrid. Para sa akin, ang pangunahing layunin
ng iyong pag-alis ay hindi ang pagtatapos ng kurso, kundi ang pag-
aralan ang mga bagay na higit na magiging pakinabang o yaong
mapakikinabangan mo. Kaya naisip kong mas makabubuting mag-
aral ka sa Madrid.

Lihim na Pag-alis Patungong Espanya. Ang pag-alis. Ang pag-alis


Rizal ay ginawang lihim nang sa gayon ay hindi ito malaman mga awtoridad at
prayleng Espanyol. Kahit na ang sariling magulang ay hindi ito nalaman, lalo
na ng kanyang ina, dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.
Tanging ang kanyang kapatid na lalaki (Paciano), kanyang tiyo (Antonio
Rivera, ama Leonor Rivera), mga kapatid na babae (Neneng at Lucia), mag-
anak na Valenzuela (Kapitan Juan at Kapitana Sanday at kanilang anak na si
Orang), Pedro A. Paterno, kanyang kumpareng si Mater Evangelista, mga
paring Heswita ng Ateneo, at ilang malalapit na kaibigan, kasama na si
Chengoy (Jose M. Cecilio). Ang mga butihing Heswitang pari ay nagpadala
naman ng mga liham ng rekomendasyon sa mga miyembro ng kanilang
kapisanan sa Barcelona: Ginamit ni Rizal ang ngalang Jose Mercado, isang
pinsang taga-Biñan.
Bago ang kanyang lihim na pag-alis, sumulat siya ng mga liham ng
pamamaalam sa kanyang minamahal na magulang at kasintahang si Leonor
Rivera-ang dalawang sulat ay kaagad na ipinadala pagkaraang makaalis siya.
Noong Mayo 3, 1882, lumulan si Rizal sa barkong Espanyol na
Salvadora na papuntang Singapore. May mga luha sa mata at lungkot sa
kanyang puso, pinagmasdan niya ang papawalang kalangitan ng Maynila.
Dali-dali siyang kumuha ng lapis at papel at iginuhit ang tanawing ito.
Singapore. Habang nasa biyahe papuntang Singapore masusing
inobserbahan ni Rizal ang mga tao at bagay na lulan ng barko. May labing-
anim na pasahero ang barko, kasama na siya - "lima o anim na kababaihan,
maraming bata, at ang natira’y kalalakihan.” Siya lamang ang Pilipino, ang
iba'y Espanyol, at Negrong Indiyan.
Ang kapitan ng barko, si Donato Lecha, mula Asturias, Espanya, ay
nakipagkaibigan sa kanya. Inilarawan siya ni Rizal sa kanyang talaarawan
bilang isang palakaibigang tao, "mas mabining kumilos kaysa mga kababayan
niyang nakilala ko.” Ngunit kinaiinisan ni Rizal ang ilang Espanyol (mga kapwa
niya pasahero), na kung anu-anong masama ang ipinagsasabi tungkol sa
Pilipinas, " na kaya naman nila pinupuntahan ay para mapagkuwartahan."
Para malibang sa nakababagot na biyahe, nakipaglaro ng ahedres
(chess) si Rizal sa ibang pasaherong mas matanda pa sa kanya. Madalas na
natatalo niya ang mga ito dahil mahusay siyang manlalaro ng ahedres.
Noong Mayo 8,1882, habang papalapit ang barko sa Singapore, may
natanaw siyang magandang islang nagpaalala sa kanya sa “Isla ng Talim na
may Susong Dalaga.”
Nang sumunod na araw (Mayo 9), dumaong ang Salvadora sa
Singapore. Nagparehistro si Rizal sa Hotel de la Paz, at dalawang araw
siyang namasyal sa lungsod na kolonya ng Inglatera. Nakita niya ang bantog
na Hardin Botanikal, magagandang templo ng mga Buddhist, abalang distrito
ng pamilihan, at estatwa ni Sir Thomas Stanford Raffles (tagapagtatag ng
Singapore).
Mula Singapore Papuntang Colombo. Sa Singapore, lumipat sa ibang
barko si Rizal, sa Djemnah na isang barkong Pranses, na umalis sa
Singapore papuntang Europa noong Mayo 11. Mas malaki at malinis ito, at
mas maraming pasaherong lulan. Ang mga pasahero ay mga Ingles, Pranses,
Olandes, Espanyol, Malay, Siamese, at Pilipino (G. at Gng. Salazar, G.
Vicente Pardo, at Jose Rizal). Wikang Pranses ang sinasalita rito dahil isa
itong Pranses na barko at karamihan sa mga pasahero ay Pranses ang wika.
Sinubukan ni Rizal na kausapin ang mga kapwa pasahero sa Pranses, ngunit
laking gulat at kahihiyan niya nang matantong ang Pranses na natutunan niya
sa aklat sa Ateneo ay hindi kaagad maunawaan. Kaya kinailangan niyang
magsalita ng halong Espanyol -Latino na sinasabayan niya ng pagkukumpas
ng kamay at pagguhit sa papel. Ngunit dahil sa araw-araw niyang pakikipag-
usap sa mga Pranses, unti-unti siyang humusay sa pagsasalita ng wikang ito.
Noong Mayo 17, narating ng Djemnah ang Point Galle, isa baybaying
bayan sa katimugan ng Ceylon (ngayo'y Sri Lanka). Hindi gaanong naakit si
Rizal sa bayang ito. Isinulat niya sa kanyang talaarawan: "Maganda ang
kabuuan ng Point Galle ngunit malungkot at tahimik ito."
Nang sumunod na araw, pumalaot uli ang Djemnah patungong
Colombo, kabisera ng Ceylon. Pagkaraan ng ilang oras ng paglalayag,
nakarating ito sa kabiserang lungsod nang araw ding iyon. Nabighani si Rizal
sa Colombo dahil sa magagandang tanawin at eleganteng gusali nito. Isinulat
niya sa kanyang talaarawan: "Mas maganda ang Colombo, elegante kaysa
Singapore, Point Galle, at Maynila."
Unang Pagdaan sa Kanal Suez. Mula Colombo, nagpatuloy ang
Djemnah sa kanyang biyahe, tumawid ng Karagatang Indian patungong
Tangos ng Guardafui, Africa. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Rizal
ang tigang na baybayin ng Africa, na tinawag niyang "hindi kaaya-ayang
lupain ngunit kilalang kilala.”
Sa sumunod na pagtigil-sa Aden—bumaba si Rizal ng barko at
namasyal. Mainit ang lungsod, mas mainit kaysa Maynila. Tuwang-tuwa siya
nang makakita ng mga kamelyo dahil noon lamang niya nakita ang mga
hayop na ito. Mula Aden, nagtuloy ang Djemnah sa lungsod ng Suez, ang
terminal ng Kanal Suez sa Red Sea. Tulad ng mga karaniwang turista,
bumaba ng barko si Rizal at namasyal sa Suez. Ang bagay na tunay na
nakaakit Rizal dito ay ang gabing maliwanag ang buwan, na nagpaalala
sakanya sa Calamba at kanyang pamilya.
Limang araw ding binagtas ng Djemnah ang Kanal Suez. Tuwang-tuwa
si Rizal sa unang biyahe niyang ito sa kanal na ginawa ni Ferdinand de
Lesseps (inhinyero at diplomatang Pranses). Pinasinayaan ito noong
Nobyembre 17, 1869.
Sa Port Said, ang terminal ng Kanal Suez sa Mediteranyo, bumaba muli
ng barko si Rizal para makapamasyal. Hindi niya malimutan ang karanasang
marinig ang mga naninirahan dito na nagsasalita ng iba't ibang wika- Arabe,
Ehipto, Griyego, Pranses, Italyano, Espanyol, atbp.
Naples at Marseilles. Mula Port Said, nagpatuloy ang Djemnah sa
paglalakbay pa-Europa. Noong Hunyo 11, narating ni Rizal ang Naples.
Napansin niya ang pagiging abala ng lungsod sa komersiyo, masisiglang
tagarito, at magagandang tanawin nito. Humanga siya sa ganda ng Bundok
Vesuvius, Kastilyo ni San Telmo, at iba pang makasaysayang lugar ng
lungsod.
Noong gabi ng Hunyo 12, dumaong ang barko sa Pranses na daungan
ng Marseilles. Pagkaraang magpaalam sa mga kapwa pasahero, bumaba ng
barko si Rizal. Dinalaw niya ang kilalang Chateau d'If, kung saan si Dantes,
bida ng The Count of Monte Cristo, ay napiit. Paborito niya ang nobelang ito
ni Alexander Dumas nang siya ay nag-aaral pa sa Ateneo. Tumigil siya ng
dalawa't kalahating araw sa Marseilles.
Barcelona. Noong hapon ng Hunyo 15, umalis ng Marseilles si Rizal
lulan ng tren patungong Espanya. Tinawid niya ang Pyrenees at tumigil ng
isang araw sa bayang ito ng Port Bou. Napansin niya ang pagwawalang
bahala sa mga turista ng mga Espanyol na opisyal ng imigrasyon, na
kabaligtaran ng pagiging magalang ng mga Pranses na opisyal.
Pagkaraang inspeksiyunin ang pasaporte sa Port Bou, nagpatuloy ang
biyahe ni Rizal sa daangbakal, hanggang sa marating ang kanyang
patutunguhan- Barcelona noong Hunyo 16, 1882.
Ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona, ang pinakadakilang
lungsod ng Cataluña at pangalawang pinakamalaking lungsod ng Espanya, ay
hindi maganda. Naisip niyang hindi ito maganda, may maruruming maliliit na
paupahang bahay, at supladong mga naninirahan. Ganito ang naging
impresyon niya dahil pagdating niya ay tumuloy siya sa isang maruming
paupahang bahay na nasa makitid na daan ng "pinakapangit na bahagi ng
bayan," at ang mga tauhan at panauhin ng bahay-paupahan ay
ipinagsasawalang-bahala siya. Kinalaunan, nagbago ang pangit na impresyon
ni Rizal sa lungsod. Natuklasan niyang dakila nga itong lugar, na may
atmospera ng kalayaan at liberalismo, at ang mga tao rito ay bukas ang puso,
mapagpatuloy, at matatapang. Libangan niyang maglakad sa Las Ramblas,
ang pinakakilalang daan sa Barcelona.
Malugod na tinanggap si Rizal ng mga Pilipino sa Barcelona, na ila'y
mga kaeskuwela niya sa Ateneo. Nagbigay sila ng isang salu-salo para sa
kanya sa kanilang paboritong cafe sa Plaza de Cataluña. Ikinuwento nila kay
Rizal ang magagandang tanawin ng Barcelona, pati na ang kaugalian ng mga
Espanyol. Ibinalita naman ni Rizal ang pinakahuling balita at usap-usapin sa
Pilipinas.
“Amor Patrio." Sa maunlad na Barcelona, isinulat ni Rizal ang isang
makabayang sanaysay na pinamagatang "Amor Patrio" (Pagmamahal sa
Bayan), ang unang artikulong isinulat niya sa Espanya. Ipinadala niya ang
artikulong ito sa kanyang kaibigan sa Mayniia, si Basilio Teodoro Moran,
tagapaglathala ng Diariong Tagalog, unang pahayagan sa Maynila na nasa
wikang Espanyol at Tagalog.
Ang “Amor Patrio,” na nakasulat sa ilalim ng sagisag na pangalang
Laong Laan ay lumabas sa Diariong Tagalog noong Agosto 20, 1882. Ito ay
nailathala sa dalawang teksto Espanyol at Tagalog. Ang tekstong Espanyol
ang siyang orihinal na isinulat ni Rizal sa Barcelona. Ang tekstong Tagalog ay
salin ni M.H. del Pilar. Naligalig ng artikulo ang mga mambabasang Pilipino
dahil sa pagiging makabayan ng sanaysay. Gaya ng sa kanyang Juventud
Filipina, hinikayat ni Rizal sa kanyang "Amor Patrio” ang mga kababayan na
mahalin ang lupang tinubuan, ang Pilipinas. Ito ang bahagi ng kanyang
isinulat:
Katulad ng matatandang Ebreong nangag- alay sa templo
ng mga kauna-unahang bunga ng kanilang pag-ibig, tayong
nangingibang lupain ay nag-uukol ng mga kauna-unahang tinig
sa ating Inang Bayang nababalot ng mga panganorin at mga ulap
ng umaga, lagi nang maganda at matulain, at sa tuwina'y lalong
sinasamba habang sa kanya'y nawawalay at nalalayo... maging
anuman ang kanyang ngalan, ang kanyang gulang o ang
kanyang kapalaran, siya (bayan) ay lagi na nating minamahal,
gaya ng pagmamahal ng anak sa kanyang ina sa gitna ng gutom
at ng karalitaan.
At bagay na kataka-taka! Habang siya'y lalong aba't kulang-
palad, habang lalong nagdurusa nang dahil sa kanya, ay lalo
namang siyang sinasamba at hanggang sa nagtatamo ng
kaligayahan sa pagtitiis nang dahil sa kanya...
Noong bata pa tayo'y nawili tayo sa mga laro: nang
magbinata na'y nalimot na natin ang mga yaon; nang nagbinata
na'y humanap tayo ng ating pangarap; nang mabigo naman
tayo'y tinangisan natin ito: at tayo'y humanap ng lalong tunay at
lalong kapaki-pakinabang; nang tayo'y maging ama na'y
namatayan tayo ng mga anak at pinawi ng panahon ang ating
hapis, gaya ng pagpawi ng hangin sa dagat sa mga baybayin
habang nalalayo sa mga ito ang mga sasakyang-dagat. Ngunit
ang pag-ibig sa inang-bayan ay di-mapapawi. Kapag ito'y
pumasok na sa puso, dala nito ang banal na selyo ng
pagkawalanghanggan.
Sinasabing ang pag-ibig kailanman ay siyang
pinakamakapangyarihang tagapagbunsod ng mga gawang lalong
magiting; kung ganoon, sa lahat ng pag-ibig, ang pag-ibig sa
inang-bayan ay siyang nakalikha ng mga gawang lalong dakila,
lalong magiting, at walang halong pagiimbot. Kung hindi'y
bumasa kayo ng mga ulat ng mga pangyayari taun-taon..... (Salin
mula sa Mga Akdang Pampanitikan sa Tuluyan ni Jose Rizal.
Maynila: Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni Jose
Rizal, 1961 )

Napahanga nang husto si Basilio Teodoro Moran, tagapaglathala, sa


pagkakasulat ng "Amor Patrio" kaya binati niya si Rizal at hiningan ng iba
pang artikulo. Bilang tugon, isinulat ni Rizal ang ikalawa niyang artikulo para
sa Diariong Tagalog na pinamagatang "Los Viajes” (Mga Paglalakbay). Ang
ikatlong artikulo, ang "Revista de Madrid” (Paggunita sa Madrid), na isinulat
niya sa Madrid noong Nobyembre 29,1882, ay isinauli sa kanya dahil nagsara
ang Diariong Tagalog sanhi ng kakulangan sa pondo.
Lumipat si Rizal sa Madrid. Habang nasa Barcelona, natanggap niya
ang malungkot na balitang marami na ang namamatay sa Maynila at karatig
lalawigan dahil sa kolera. Ayon sa sulat ni Paciano noong Setyembre 15,
1882, tuwing hapon ay nagnonobena ang mga taga-Calamba kay San Roque,
bukod pa sa gabi-gabing prusisyon at pagdarasal, nang sa gayon ay ihinto na
ng Diyos ang malagim na epidemya, na hindi kayang sugpuin ng mga
Espanyol na awtoridad sa kalusugan.
Isa pang malungkot na balita mula sa Pilipinas ay nagmula kay Chengoy
na nagkukuwento ng pagiging malungkutin ni Leonor Rivera, na habang
tumatagal ay lalong pumapayat dahil sa pangungulila sa kanyang minamahal.
Sa isa niyang liham (Mayo 26,1882), pinayuhan ni Paciano ang
nakababatang kapatid na tapusin ang kursong medisina sa Madrid. Pagsunod
sa payo ng kapatid, nilisan ni Rizal ang Barcelona noong taglagas ng 1882
para manirahan sa Madrid, kabisera ng Espanya.
Buhay sa Madrid. Noong Nobyembre 3, 1882 nag-enrol si Rizal sa
dalawang kurso Medisina at Pilosopiya at Sulat- sa Unibersidad Central de
Madrid. Bukod sa pag-aaral sa Unibersidad, nag-aaral din siya ng pagpinta at
eskultura sa Akademya ng Sining ng San Fernando; kumuha siya ng mga
pribadong gurong magbibigay sa kanya ng mga aralin sa wikang Pranses,
Aleman, at Ingles; masipag na nagsanay sa pakikipag eskrima at pagbaril sa
Bulwagan Armas nina Sanz at Carbonell. Ang kanyang pagkauhaw sa
karunungan ay pinunuan niya sa pamamagitan ng pagbisita sa mga galerya at
museo, pagbabasa ng mga aklat tungkol sa anumang bagay, kasama na rito
ang tungkol sa inhenyeriyang pangmilitar.
Nagbuhay-Spartan si Rizal sa Madrid. Alam niyang nasa Espanya
siya para mag-aral at ihanda ang sarili para mapaglingkuran ang lupang
tinubuan. Kaya natuto siyang magbadyet ng kanyang pera at oras. Naging
masinop siya sa buhay, ginagasta lamang ang pera para sa pagkain, damit,
matitirhan, at mga aklat, hinding-hindi siya nag-aksaya kahit isang peseta sa
pagsusugal, pag-inom ng alak, at pambababae. Ang tanging bisyo niya ay
bumili ng tiket ng loterya para sa bawat bola nito sa Loterya ng Madrid. Ang
kanyang bakanteng oras ay inilalaan niya sa pagbabasa at pagsusulat,
pagdalaw sa mga kapwa Pilipinong estudyante sa bahay ng mga Paterno
(Antonio, Maximino, at Pedro), at pagsasanay ng pag-eeskrima at pagbaril.
Kung minsan, lalo'y takipsilim ng tagaraw, nagtutungo siya sa Antigua Cafe de
Levante para makipagkuwentuhan siya sa mga estudyanteng mula Cuba,
Mexico, Argentina, atbp.
Tuwing Sabado ng gabi, bumibisita siya sa tahanan ni Don Pablo Ortiga
y Rey, na kapisan ang anak na lalaking si Rafael at anak na babaing si
Consuelo. Si Don Pablo ay naging alkalde ng Maynila noong administrasyon
ng liberal na gobernador-heneral na si Carlos Ma. de la Torre (1869-1871) at
kinalaunan ay naitaas ang posisyon at naging pangalawang pangulo ng
Konseho ng Pilipinas sa Ministeryo ng mga Kolonya (Ultramar).
Pakikipagkaibigan kay Consuelo Ortiga y Perez. Hindi guwapo si
Rizal. Hindi rin naman matikas ang kanyang tindig, maliit lamang siya, ilang
pulgada lamang sa limang talampakan ang taas niya. Ngunit malakas ang
karisma ni Rizal dahil sa kanyang mga talento at pagiging maginoo—mga
katangiang nakaaakit sa kababaihan. Hindi kataka-takang umibig sa kanya si
Consuelo, ang mas maganda sa mga anak na babae ni Don Pablo.
Si Rizal, na nalulungkot sa dayuhang bansa at malayo sa lupang
tinubuan, ay naakit sa ganda at pagkabibo ni Consuelo. Lumikha pa nga siya
ng magandang tula noong Agosto 22,1883 at inihandog ito sa kanya. Sa
tulang itong pinamagatang "A La Señorita C.O.y.P.” (Para kay Binibining
C.O.y.P.), 10 ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa dalaga. Naging
masaya siya sa piling nito.
Ngunit bago maging ganap ang kanilang pag-iibigan, lumayo si Rizal
dahil (1) may kasunduan na sila ni Leonor Rivera at (2) ang kanyang kaibigan
at kasama sa Kilusang Propaganda, si Eduardo de Lete, ay umiibig kay
Consuelo at hindi niya hangad na masira ang kanilang pagkakaibigan dahil
lamang sa isang magandang babae.
“Hinilingan Nila Ako ng Berso.” Noong 1882, pagdating na pagdating
sa Madrid, sumapi si Rizal sa Circulo Hispano-Filipino, isang samahan ng
mga Espanyol at Pilipino. Dahil nahilingan ng mga miyembro ng samahang
ito, sumulat si Rizal ng isang tulang pinamagatang "Mi Piden Versos "
(Hinilingan Nila Ako ng Berso) na itinula niya noong pagdiriwang ng mga
Pilipino ng Bisperas ng Bagong Taon sa Madrid noong 1882. Sa malungkot
na tulang ito, ibinuhos niya ang paghihinagpis ng kanyang puso:
Hinilingan Nila Ako ng Berso
Hinihiling ninyong tugtugin ang lira,
Na malaon nang napipi at nasira;
Gayunma'y di ko magising ang bagting,
Pati na Musa'y sa'kin nagtampo!
Nananasnaw, nanginginig na tono,
Tila aking kaluluwa ang pinipiga,
At kapag ang tunog ay tila pagtawa
Sa sarili na ring dinadalang dusa;
Kaya nga dito sa lungkot, pag-iisa,
Aking kaluluwa, di makadama ni
makakanta.

Noo'y may panahon—at, totoo ito,


Ngunit ang panahong yaon, matagal
nang lipas
Noo'y ako'y mahal at alaga pa ng Musa
Mapagkalingang ngiti ng kaibigang tunay;
Ngunit panahong iyo'y bilang na rin,
Ang may alaalang sa aki'y naiwan,
Gaya ng masasayang paglalaro
Na kung nagdaa'y may hiwagang nota,
At sa ating isipa'y alaala'y lulutang
Alaala ng mang-aawit, musikang kay saya.

Tulad ko'y halamang bihirang tumubo,


Sa kinatatamnang Silangang lupa,
Doo'y laganap ang aking bango,
At ang buhay ay tila panaginip lamang;
Ang lupang matatawag na akin
Di mawawaglit sa isip at puso,
Doo'y mga ibo'y nagtuturong umawit,
At lagalas ng tubig na sa bundok nagmula,
At sa nakalatag na dalampasigan
Bumubulong ang karagatan.

Batang paslit noong mga araw ng saya,


Natutunan kong ngitian ang araw,
At sa dibdib ko'y parang naglalatang
Ang apoy ng isang kumukulong bulkan.
Noo'y ako'y isang makata, at aking hiling
Hanging mailap ay tawagin,
"Humayo't palaganapin ang ningas na ito,
Buong pagmamalaki, mula rito hanggang doon
Nang langit at lupa ay maging iisa!” ,
Ngunit aking iniwan, at ngayo'y wala
na-
Gaya ng punong natuyo lahat ang
dahon
Alingawngaw na malinaw, awiting nakalipas
Mula sa mga diyos, sapul nang isilang
Lawak ng dagat, tatawirin, babagtasin,
Kipkip ang pag-asa't ibang kapalaran,
Datapwa't nilinaw itong aking kabaliwan,
Lupain ng kabutihan aking hinahanap,
Di matatagpuan, bunyag ng dagat,
Ngunit hinihintay ako nitong si Kamatayan.
Lahat ng magaganda kong hinagap,
Pag-ibig at sigla, mithing dalisay,
Doon ko iniwan sa silong ng langit;
Lumilimlim sa mabulaklak na hardin.
Kaya huwag mong ipilit yaong hibik,
Dahil ang awit ng pag-ibig ay umaapaw
Sa gitna ng ganitong lawak;
Ngayo'y aking kaluluwa'y tila'y bugbog,
Di matahimik sa gitna ng kawalan,
At maluwa't nang patay yaring aking isip.

Si Rizal na Mahilig sa mga Libro. Paboritong libangan ni Rizal sa Madrid


ang pagbabasa. Sa halip na nagsugal at manligaw sa mga babae, gaya nang
ginagawa ng maraming Pilipinong nasa Madrid, madalas na nasa bahay si Rizal at
nagbabasa hanggang hatinggabi. Mula pagkabata'y talagang mahilig na siyang
magbasa.
Tinipid ni Rizal ang kanyang pera, at ang natipid niya ay ipinambibili ng mga
libro sa tindahan ng mga segundo mano ng isang Señor Roses. Nakapagtipon din
naman siya ng may kalakihang aklatang pribado. Kasama sa koleksiyon niya ng
mga aklat ang Bibliya, Hebrew Grammar, Lives of the Presidents of the United
States from Washington to Johnson, Complete Works of Voltaire (9 na tomo),
Complete Works of Horace (3 tomo), Complete Works of C. Bernard (16 na tomo),
History of the French Revolution, The Wandering Jew, Ancient Poetry, Works of
Thucydides, The Byzantine Empire, The Characters ni La Bruyere, The
Renaissance, Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe, Works of Alexander
Dumas, Louis XIV and his Court, at iba pang libro tungkol sa medisina, pilosopiya,
wika, kasaysayan, heograpiya, sining, at agham.
Malaki ang naging epekto kay Rizal ng Uncle Tom's Cabin ni Beecher Stowe
at The Wandering Jew ni Eugene Sue. Ang dalawang aklat na ito ang lalong
gumising sa kanyang damdamin para sa mga aping kababayan.
Unang Pagbisita ni Rizal sa Paris (1883). Noong bakasyon ng tag-araw sa
Madrid, nagtungo si Rizal sa Paris, tinaguriang masayang kabisera ng France.
Tumigil siya rito mula Hunyo 17 hanggang Agosto 20,1883. Noong una, tumuloy
siya sa Hotel de Paris sa 37 Rue de Maubange; kinalaunan, lumipat siya sa mas
murang otel sa 124 Rue de Rennes sa bahaging Latino.
Gaya ng lahat ng turista, tuwang-tuwa si Rizal sa magagandang tanawin ng
Paris, gaya ng magaganda nitong bulebard (lalo na ang Champs Elysses), Opera
House, Place de la Concorde, Arko ng Tagumpay, Bois de Boulogne
(napakagandang parke), Simbahan ng Madelaine, Katedral ng Notre Dame,
Kolumna ng Vendome, Invalides (na katatagpuan ng libingan ni Napoleon ang
Dakila), at ang pabulosong Versailles. Kaiba sa mga karaniwang turistang ang
pangunahing interes sa pagpunta sa ibang bansa ay makita ang naggagandahang
tanawin, magliwaliw sa mga klab at teatro, at mamili ng mga maiuuwing bagay,
hinasa ni Rizal ang kanyang isipan sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa
pamamaraan ng pamumuhay ng mga Pranses at pagbisita sa mga museo, lalo na
sa bantog na Louvre; mga harding botanikal, lalo na ang Luxembourg; mga aklatan
at galerya ng sining; at mga ospital, kasama na ang Ospital ng Laennec, kung saan
niya pinag-aralan ang pamamaraan ni Dr. Nicaise sa paggamot ng mga pasyente,
at Ospital ng Lariboisiere, kung saan niya inobserbahan ang pag-eeksamen sa iba't
ibang sakit ng kababaihan.
May nakatutuwang pangyayari habang nasa Paris si Rizal, madalas siyang
mapagkamalang Hapon ng mga Pranses. Ang presyo ng pagkain, inumin, tiket sa
teatro, paglalaba, pagtira sa otel, at transportasyon ay lubhang mataas para sa
kanyang bulsa kaya nabanggit niya sa isang liham sa kanyang mag-anak:“ Ang
Paris ang pinakamahal na kabisera sa Europa.”
Si Rizal Bilang Mason. Sa Espanya, nakasalamuha ni Rizal ang mga
kilalang Espanyol na liberal at republiko, na karamihan ay Mason, kasama na rito
sina Miguel Morayta, estadista, Propesor, mananalaysay, at manunulat; Francisco
Pi y Margai, mamamahayag, estadista, at dating pangulo ng Unang Republikang
Espanyol; Manuel Becerra, Ministro ng Ultramar (Mga Kolonya); Emilio Junoy,
mamamahayag at kasapi ng Cortes ng Espanya; at Juan Ruiz Zorilla, miyembro ng
Parlamento at pinuno ng Partidong Progresibong Republika ng Madrid.
Humanga si Rizal sa pamamaraan ng pagpapahayag at pagpuna ng mga
Masong Espanyol sa mga patakaran ng pamahalaan at pagbatikos sa mga prayle,
na hindi magagawa sa Pilipinas. Sa tamang panahon, noong Marso 1883, sumapi
siya sa lohiya ng Masonerya, ang Acacia, sa Madrid. Ang dahilan niya sa pagiging
Mason ay para makahingi ng tulong sa Masonerya sa pakikipaglaban sa mga prayle
sa Pilipinas. Dahil ginagamit ng mga prayle ang relihiyong Katolisismo bilang
kalasag nila sa pamamalagi sa kapangyarihan at yaman at sa pag-usig sa mga
makabayang Pilipino, gagamitin naman ni Rizal ang Masonarya na kalasag sa
pakikipaglaban sa kanila.
Kinalaunan, lumipat siya sa Lohiya Solidaridad (Madrid), kung saan siya
naging isang Punong Mason noong Nobyembre 15, 1890. Noon namang Pebrero
15, 1892, ginawaran siya ng diploma bilang Punong Mason ng Le Grand Orient de
France sa Paris.
Bilang Mason, hindi kasing-aktibo si Rizal gaya nina M. H.del Pilar, G. Lopez
Jaena, at Mariano Ponce. Ang tangi niyang isinulat bilang isang Mason ay isang
panayam na pinamagatang “Science, Virtue, and Labor," na binigkas niya noong
1889 sa Lohiya Solidaridad, Madrid. Ito ang mahalagang bahagi ng panayam:
Ang tungkulin ng makabagong tao, sa aking pag-ibig
iisip, ay tungo sa katubusan ng sangkatauhan dahil kapag ang
tao ay may dignidad, mababawasan ang mga sawimpalad at
mas darami ang masayang tao sa buhay na ito. Ang
sangkatauhan ay hindi matutubos kung mayroong lumuluha,
hangga't may mga isipang ipininid at mga matang binulag na
nagbibigay sa iba ng karapatang mamuhay gaya ng mga
sultan na sila lamang ang may karapatan sa kasayahan at
kagandahan. Ang sangkatauhan ay hindi matutubos habang
ang katwiran ay hindi malaya, habang iginigiit ng
pananampalataya ang sarili sa katotohanan, habang ang mga
kapritso ay nagiging batas, at habang may mga bansang
sumasakop sa iba. Para makamit ng sangkatauhan ang mga
dakilang tadhanang ginagabayan ng Diyos, nangangailangan
ito sa kanyang poder ng pagwawaksi sa karahasan at tiraniya,
ng salot na di masugpo at walang hinagpis at sumpang
maririnig sa pagmamartsa nito. Kailangan ang matagumpay
na karera ay magmartsa sa himno ng kaluwalhatian at
kasarinlan na may maaliwalas na mukha at malinaw na pag-
iisip.

Mga Alalahaning Pinansiyal. Pagkaalis ni Rizal papuntang Espanya, lumala


ang sitwasyon sa Calamba. Bumagsak ang ani ng palay at tubo dahil sa tagtuyot at
pananalakay ng mga balang. Bukod dito, tinaasan ng namamahala ng hasyendang
Dominiko ang upa sa lupang sinasaka ng mag-anak na Rizal. Ang tagapamahalang
ito, na madalas na panauhin ng mga Rizal, ay madalas ding manghingi ng pabo kay
Don Francisco (ama ng bayani).
Ngunit dumating ang panahong napeste ang mga pabo. Nang minsang
manghingi ang tagapamahala ng hasyenda, tumangging magbigay si Don Francisco
dahil iilan na lamang ang natitirang pabo. Ikinagalit ito ng tagapamahala, at gumanti
siya sa pamamagitan ng pagpataw ng mas mataas na upa sa lupang sinasaka nina
Don Francisco at Paciano.
Dahil sa kahirapan, madalas na huli ang pagdating ng padalang pera kay
Rizal. Minsan nga'y walang dumarating na padalang pera sa Madrid kaya totoong
naghirap si Rizal. Minsan, napilitan si Paciano na ibenta ang kabayo ng
nakababatang kapatid nang sa gayo'y may maipadala siyang pera rito.
Isang makabagbag-damdamin sa buhay ni Rizal sa Madrid ay nangyari noong
Hunyo 25, 1884. Dahil wala siyang kaperapera, hindi siya nakapag-agahan ng araw
na iyon. Walang laman ang sikmura, pumasok siya sa kanyang klase sa
unibersidad, sumali sa isang paligsahan sa wikang Griyego, at nanalo ng gintong
medalya. Nang gabing iyon, nakapaghapunan siya dahil siya ang naging panauhing
tagapagsalita sa isang bangketeng inihandog kina Juan Luna at Felix Resurreccion
sa Restawran Ingles, Madrid.
Pagsaludo ni Rizal kina Luna at Hidalgo. Ang bangkete noong gabi ng
Hunyo 25, 1884 ay inihandog ng komunidad ng mga Pilipino para ipagdiwang ang
kambal na tagumpay ng mga Pilipinong pintor sa Pambansang Eksposisyon ng
Sining sa Madrid ang Spolarium ni Luna ay nanalo ng unang gantimpala at ang
Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho ni Hidalgo ay pangalawang
gantimpala.
Dinaluhan iyon ng mga kilalang Espanyol na alagad ng sining,
mamamahayag, manunulat, estadista, at Pilipino.
Sa tinig na malinaw, binigkas ni Rizal ang kanyang pagbati kina Luna at
Hidalgo bilang dalawang tagumpay ng Espanya at Pilipinas, na ang tagumpay sa
sining ay pumaibabaw sa hatiang pangheograpiya at pinagmulan na lahi dahil ang
pagiging henyo ay unibersal- "ang pagiging henyo ay walang kinikilalang bansa,
sumisibol ang pagiging henyo kahit na saan, ang pagiging henyo ay tulad ng
liwanag, hangin, ang patrimonyo ng lahat, kosmopolitan gaya ng kalawakan, gaya
ng buhay, gaya ng Diyos.” Binatikos din niya ang panlalait at pagiging bulag ng
ilang walang kuwentang Espanyol (tinutukoy niya ang masasamang prayle sa
Pilipinas) na hindi makaunawa sa unibersalidad ng pagiging henyo.
Ang magandang talumpati ni Rizal ay hinangaan ng marami. Bibihirang
makarinig ng ganoong kagandang talumpati mula sa isang kayumangging Pilipino,
na may dakilang pag-iisip, mahusay sa retorikang Espanyol, tapat sa kanyang
nararamdaman, at malinaw kung magtalumpati. Ito ang kabuuan ng talumpati ni
Rizal.
Narito ako sa harap ninyo, hindi ako natatakot na baka
hindi ninyo ako pakinggan. Naririto ako para makiisa sa inyong
pagsasaya; sa atin ang pampasigla ng kabataan, at ikaw ay di
maiiwasang maging mapagpalayaw. Tigmak ng masimpatiyang
hamog ang atmospera; malaganap ang agos ng
pagkakaibigan; nakikinig ang mga kaluluwang mapagbigay; at
kaya nga hindi ko ikinatatakot ang aking abang katauhan ni
pinagdududahan ang iyong kabaitan. Kayong may tapat na
kalooban, at mula doon sa tinitigilan ng mga dakilang
sentimiyento, hindi na ninyo pinapansin ang mga walang
kuwentang bagay-bagay, nakikita ninyo ang kabuuan at kayo
na ang huhusga, at kayo ang naggagawad ng kamay sa mga
tulad ko, nagnanais na makaisa sa isipan, sa iisang aspirasyon
- ang kaluwalhatian ng pagiging henyo, ang karilagan ng Inang
Bayan.
Narito, sa katunayan, ang dahilan kung bakit tayo
nagtipon. Sa kasaysayan ng mga nasyon, may mga ngalan na
kaagad ay simbolo na ng tagumpay, na nagpapaalala ng
pasyon at kadakilaan, mga ngalan na, gaya ng isang
mahiwagang pormula, ay makapagbibigay ng masasayang
kaisipan, mga ngalan na naging kasunduan, simbolo ng
kapayapaan, bigkis ng pagmamahal sa pagitan ng mga
nasyon. Ang ngalan nina Luna at Hidalgo ay kabilang na dito;
ang kanilang tagumpay ay nagbigay liwanag sa dalawang dulo
ng globo ang Silangan at ang Kanluran, ang Espanya at ang
Pilipinas. Sa pagbigkas nito, naniniwala ako't nakikita ang
dalawang maliwanag na arko, mula sa parehong rehiyon, na
nagsasala-salabid doon sa itaas, ipinagbunsod damdaming
may isang pinagmulan, at mula doon sa itaas na nagbibigkis sa
dalawang lahing may panghabambuhay na bigkis, dalawang
lahi na ipinaghiwalay ng langit at dagat, dalawang lahi na ang
mga binhi ng di-pagkakaisa ng tao at kanilang bulag na
panunupil na itinanim ay hindi tumubo. Sina Luna at 'Hidalgo
ay parehong kaluwalhatian ng Espanya at Pilipinas. Isinilang
sila sa Pilipinas ngunit maaari ring naisilang sila sa Espanya
dahil ang pagiging henyo ay walang kinikilalang bansa,
sumisibol ang pagiging henyo kahit na saan, ang pagiging
henyo ay tulad ng liwanag, hangin, ang partrimonyo ng lahat,
kosmopolitan gaya ng kalawakan, gaya ng buhay, gaya ng
Diyos.
Ang panahon ng patriyarka sa Pilipinas ay papawala na.
Ang mga gawain ng kanyang mahuhusay na anak ay di na
nasasayang pa sa kanyang tahanan. Ang chrysalis ng silangan
ay papaalis na sa kanyang kukun. Ang kinabukasan ug isang
mahabang araw para sa mga rehiyong iyon ay ipinahahayag
ng makikinang na kulay at kulay-rosas na bukangliwayway, at
ang lahing iyon, na nanamlay noong mga gabing
makasaysayan, habang ang araw ay naghahasik ng liwanag sa
ibang kontinente, ay muling gumigising, pinakilos ng malakas
na tama na nilikha ng pakikipag-ugnayan sa mga Kanluranin,
at siya'y humihingi ng liwanag, buhay, ang sibilisasyong
minsa'y ipinamana sa kanya, kaya nagpapatunay ng mga
eternal na batas ng palagiang ebolusyon, ng pagbabago, ng
pana-panahon, ng kaunlaran.
Batid na ninyo ito at ikinaliligaya ninyo ito. Pagkakautang
sa inyo ang ganda ng mga diyamanteng nasa korona ng
Pilipinas. Siya ang lumilikha ng mamahaling bato; ang Europa
ang nagbibigay ng kinang dito. At lahat tayo'y humahanga sa
husay ng iyong gawa; tayo ang apoy, hininga, materyal na
pinagmulan.
Nakuha nila roon ang pagtula ng kalikasankalikasang
puno ng pagkukunwari at terible sa kanyang kaguluhan, sa
kanyang mga ebolusyon, sa kanyang dinamismo; kalikasang
malambing, tahimik, at mapagwarisa kanyang mga palagiang
manipestasyon; kalikasang nag-iiwan ng tatak sa lahat ng
kanyang nilalang at nilikha. Dadalhin ito ng kanyang mga anak
saan man sila magpunta.
Suriin kundi man ang kanilang karakter, kanilang gawain,
at kahit di gaanong kakilala ang tao, makikita ang lahat ng
bagay na bumubuo ng kanilang kaalaman, gaya ng kalulu-
wang nasa panguluhan ng lahat ng bagay tulad ng bukal ng
mekanismo, gaya ng tunay na porma, gaya ng hilaw na
materyal. Imposibleng di mapagwari, kung ano ang
nararamdaman ng sarili, hindi posibleng maging isang bagay at
gawin ang ibang bagay. Ang mga kontradiksyon ay malinaw
lamang, kabalintunaan din ito. Sa El Spolarium, sa
pamamagitan ng kanbas na iyon na hindi pipi, maririnig ang
kaguluhan ng taumbayan, ang pagsigaw ng mga alipin, ang
kalampag. ng mga kalasag ng mga bangkay, ang paghikbi ng
mga naulila, ang bulong ng pagdarasal, na may lakas at
realismo, gaya ng naririnig sa gitna ng pagkulog, sa gitna ng
salpukan ng mga alon, o nakaliligalig na. pagyanis ng lindol.
Ito ring kalikasang ito ang lumikha ng mga
dipangkaraniwang bagay na nakialam sa pagguhit na ivon. Sa
kabilang banda, sa ipininta ni Hidalgo ay mararamdaman ang
dalisay na tibok ng sentimiyento, ideal na pagpapahayag ng
kalungkutan, kagandahan, at kahinaan, mga biktima ng
karahasan; at ito ay dahil si Hidalgo ay isinilang sa ilalim ng
liwanag at katumpakan ng langit na iyon, sa paghuni ng simoy
ng dagat, sa gitna ng kahinahunan ng kanyang mga lawa, ang
pagiging matulain ng kanyang lambak, at ang maharlikang
pagkakasundo ng kanyang kabundukan.
Sa dahilang iyon para kay Luna ay mga anino,
kabalintunaan, mga naninimdim na ilaw, misteryo, at ang
kasindak-sindak, gaya ng pagalingawngaw ng sigwa sa
kadiliman ng tropiko, ang kidlat at ang pag-ugong ng pagsabog
ng kanilang bulkan. Sa dahilang iyon, si Hidalgo ay puro
liwanag, kulay, pagkakasundo, pakiramdam, kadalisayan, gaya
ng Pilipinas sa gabing maliwanag ang buwan, sa mga
payapang araw, sa kanyang abottanaw na nag-aanyaya ng
pagmumuni-muni, at kung saan ang walang hanggan ay
tahimik. At kapwa, kahit na magkaiba sila sa kaanyuhan, ay
nagkatulad din, gaya ng kung paano ating mga nagkakaibang
puso ay ganoon din ang ginagawa. Sa pagninilay-nilay sa
kanilang palete ng marikit na silahis ng namumukadkad na
kaluwalhatiang lumulukob sa Lupang Tinubuan, kapwa
nagpapahayag ng kaluluwa ng ating buhay sosyal, moral, at
politikal; ang sangkatauhan ay napapailaliin sa mararahas na
pagsubok; di-mailigtas na sangkatauhan; katwiran at
aspirasyon sa bukas na pakikipagsapalaran sa mga
kinaaabalahan, panatisismo, at kawalang katarungan, dahil
ang mga sentimiyento at opinyon at humahawi na daan sa
pinakamakapal na pader, dahil para sa kanila'y lahat ng
katawa'y may maliit na butas, lahat ay naaninag, at kung
walang panulat, kung walang pahayagang tutulong sa kanila,
ang palete at mga brotsa ay di lamang kasiya-siya sa mata
ngunit magiging malinaw na papuri.
Kung ang ina'y nagtuturo sa anak ng kanyang wika nang
sa gayo'y maunawaan niya ang kanyang tuwa,
pangangailangan o kalungkutan, ang Espanya, bilang ina, ay
nagturo ng kanyang wika sa Pilipinas kahit na may pagtutol ng
mga taong makikitid ang isip, na sa pagnanasang masiguro
ang kasalukuyan, ay di na nakikita ang hinaharap, hindi
tinitimbang ang kahihinatnan-mahihinang tagapag-alaga,
masasama at mga tiwali na pumapa.ay ng mga lehitimong
pakiramdam, na siyang nagliligaw sa mga tao, nagtanim dito
ng mga binhi ng di-pagkakaunawaan nang sa gayo'y umani ng
prutas, ng rurok ng kamatayan ng susunod na salinlahi.
Ngunit kinalimutan ko ang mga kasawiang iyon!
Kapayapaan sa kanilang mga nahihimlay na dahil ang patay ay
patay na; wala na silang hininga, kaluluwa, at inunuod na sila!
Huwag na nating balikan ang kanilang malungkot na alaala;
huwag na nating ibalik ang kanilang alingasaw sa gitna ng
ating pagsasaya! Sa kabutihang- palad, ang magkakapatid ay
mas marami; ang kagandahang-loob at karangalan ay likas sa
ilalim ng langit ng Espanya; lahat kayo ay buhay na patunay
niyan. Tisa ang naging kasagutan ninyo, nakatulong kayo nang
higit pa sa hinihingi sa inyo. Habang naririto kayo't
pinagsasaluhan natin ang hapunang inihandog sa inyo bilang
mga pinagpipitaganang anak ng Pilipinas, binibigyangdangal
din ninyo ang Espanya dahil sa magandang nagawa ninyo.
Ang mga hangganan ng Espanya ay hindi ang Atlantic ni ang
Cantabrian o ang Mediterranean-magiging kadusta-dusta para
sa katubigan ang magpatayo ng isang prinsa para sa kanyang
kadakilaan, para sa kanyang ideya---naroon na ang Espanya,
doon kung saan nararamdaman ang kanyang mabuting
impluwensiya, at magkagayunmang mawala ang kanyang
bandila, mananatili ang kanyang ala-alang di mabubura. Ano
ba ang halaga ng kapirasong telang pula at dilaw, ano ang
halaga ng mga riple at kanyon, magkakaroon pa ba ng
pagsasapi ng mga ideya, kaisahan ng mga prinsipyo, at
pagkakasundo ng mga opinyon?
Sina Luna at Hidalgo ay kaisa natin; minahal ninyo sila at
nakita natin sa kanila ang mapagbigay ng pag-asa at
mahahalagang halimbawa. Ang kabataang Pilipino sa Europa,
laging masigasig, at ang pusong laging bata para sa mga
bagay na hindi interesante at kasiglahang naglalarawan sa
kanilang aksiyon, ay nakapaghandog kay Luna ng isang
korona, abang aginaldo, bagaman maliit kung ihahambing sa
kanilang pagiging masigasig, ngunit kusang loob at mataos na
ibibigay sa lahat ng mga aginaldong maihahandog sa kanya.
Ngunit ang pasasalamat ng Pilipinas sa kanyang mga
pinagpipitaganang mga anak ay hindi pa husto, at
nagnanais pang bigyanglaya ang kaisipang naglalaro sa ating
isip, sa mga sentimiyentong umaapaw sa ating puso, at sa
mga salitang nagpupumiglas sa ating labi, narito tayong lahat
sa bangketeng ito para sama-sama nating batiin sila nang sa
gayo'y mayakap natin ang dalawang lahing nagmamahal sa
isa't isa at nagkakasundo sa loob ng apat na dantaon dahil sa
mga bagay na moral, sosyal at politikal, nang sa gayon ay
makahubog sa hinaharap ng isang nasyon na may iisang diwa,
sa kanilang mga tungkulin, sa kanilang mga paniniwala, sa
kanilang mga pribilehiyo.
Ang pagsasalo nating ito ay para sa kalusugan ng ating
mga pintor, sina Luna at Hidalgo, mga lehitimo at dalisay na
kaluwalhatian ng dalawang lahi! Ipinagdarasal ko ang
kalusugan ng mga taong naglalaan ng kanilang tulong sa
larangan ng sining. Ipinagdarasal ko ang kalusugan ng
kabataang Pilipino, sagradong pag-asa ng aking Lupang
Tinubuan, nang sa gayo'y matularan nila ang mahahalagang
halimbawa ng Inang Bayan, mapagbigay at mapagmalasakit sa
kapakanan ng kanyang mga lalawigan, na magpapatupad di
kalaunan ng mga pagbabagong matagal na niyang
pinagiisipan. Ang taniman ay handa na at ang lupa ay hindi
baog! At higit sa lahat, ipinagdarasal ko ang kaligayahan ng
mga magulang, na di nakadarama ng pagmamahal ng kanilang
mga anak, mula sa mga naroon sa malayong rehiyon at
luhaang mata at kumakabog na puso lamang ang nasa pagitan
ng karagatan at kalawakanı, nagsasakripisyo para sa altar ng
kapakanan ng lahat ng matatamis na konsolasyon na kanos sa
bukangliwayway ng buhay, mahalaga at malungkot na bulaklak
ng taglamig na sumisibol sa malaniyebeng kaputiang
hangganan ng puntod.

Nakilahok si Rizal sa mga Demonstrasyon ng mo Estudyante. Noong


Nobyembre 20,21, at 22, 1884, ang tahimik na lungsod ng Madrid ay nayanig ng
mga madugong demonstrasyon pinasimunuan ng mga mag-aaral ng Universidad
Central. Si Rizal at ilang estudyanteng Pilipino ay sumali rito, kasama ang mga
estudyanteng Kubano, Mehikano, Peruvano, at Espanyol. Ang demonstrasyon ng
mga estudyante ay dahil sa paunang salita ni Dr. Miguel Morayta, propesor ng
kasaysayan, sa pambungad na seremonyas ng taong pang-akademiko noong
Nobyembre 20, kung saan niya ipinahayag ang kalayaan ng agham at ng guro. Ang
ganitong liberal na pananaw ay kinondena ng mga Katolikong obispo ng Espanya,
na mabilis na nagpahayag ng excomunicacion ni Dr. Morayta at ng lahat ng
nagbunyi sa talumpati nito.
Dulot ng kakitiran ng pag-iisip ng mga Katolikong obispo, nagdemonstrasyon
ang mga estudyante ng unibersidad. Sa lansangan, sinisigaw nilang ipinahayag ang
mga pagtutol: “Mabuhay si Morayta! Ibagsak ang mga obispo!” Halos lahat ng mga
estudyante mula sa iba't ibang kolehiyo (Batas, Medisina, Pilosopiya at Sulat, atbp.)
ay sumali sa malaking demonstrasyong ito, kasama na sina Rizal, Valentin Ventura
at ibang Pilipino. Sinubukan ng mga pulis na pigilin ang mga nagagalit na
estudyante ngunit nabigo sila. Naging madugo ang kaguluhan sa unibersidad at sa
kalsada. Armado ng mga pamalo, bato, at kamao, nakipaglaban ang mga
estudyante sa mga puwersa ng pamahalaan. Maraming propesor ng unibersidad
ang lantarang nagpakita ng kanilang suporta para sa hanay ng mga estudyante.
Ang Rektor, na sumuporta rin sa mga estudyante, ay napilitang magbitiw sa
kanyang posisyon at pinalitan siya ni Doktor Creus, “na kinaiinisan ng lahat."
Ang pagtatalaga sa bagong Rektor ay lalong nagpagalit sa mga estudyanteng
demonstrador. Nadagdagan pa tuloy ang mga estudyanteng nagdedemonstrasyon.
Isinulat ni Rizal ang kaguluhang ito sa kanyang pamilya noong Nobyembre 26,1884.
Kuwento ni Rizal:
Nang maupo ang bagong Rektor sa kanyang opisina
kinabukasan (Nobyembre 21,1884-Z), lalong nagngalit ang
mga damdamin, lahat kami'y pula na ang paningin,
napagkasunduan naming huwag nang bumalik sa klase
hangga't hindi nabibigyan ng katuparan ang aming kahilingan
at di natatanggal ang Rektor. Paulit-ulit ang pagsigaw namin ng
"Ibagsak si Crues!" Naroon din ako. Nang araw na iyon,
maraming bagong pag-eenkuwentro, bagong pag-aaway,
nasugatan, nabambo, nakulong atbp. Sa araw ding ito, ika-21,
nang isang tenyente ng pulisya at isang tagapagtiktik ang
muntik nang dumakip sa amin ni Ventura. Dalawang Pilipino
ang nakulong.
Sa ikatlong araw, Sabado, ang ika-22, ang bagong
Rektor Crues ay tumawag ng mga pulis para okupahan ang
Unibersidad, na muli't lalong ikinagalit ng mga estudyante.
Nang araw ding ito, isang ahente ng batas ang laging nakatitig
sa akin, at hindi ko naman alam kung bakit. Kailangan kong
magbalat-kayo ng tatlong beses. Walang pumasok noon sa
klase. Marami pang bigwasan, nasugatan, atbp. Mahigit sa 80
guwardiya ang umakopa sa itaas at ibaba ng Unibersidad;
mayroon silang baril at korneta sa bulwagan. Ang bulebard Del
Prado ay napuno ng mga kabalyero, kanyon, sundalo. Nang
araw na iyon, nanumpa kaming hindi na babalik sa walang
karangalang Unibersidad, na ang Rektor ay nagpapatupad ng
karahasan at pananakot, at kung saan kami ay itinatratong
taong walang dignidad; at sumumpa kaming di magbabalik
hangga't di nabibigyan ng katuparan ang aming kahilingan, at
di naibabalik sa kanyang posisyon ang dating Rektor, di naaalis
si Creus na isang kahihiyan sa mga manggagamot na gustong
magtiwala sa kanya mula sa Akademya (ng Medisina at
Siruhiya) dahil sa kakulangan ng dignidad at respeto sa sarili...
Ang Rektor na ito, para maiwasan ang pang-iinsulto ng mga
estudyante, ay pumapasok at umaalis sa Unibersidad sa
pamamagitan ng isang tagong pinto sa hardin. Lahat ng mga
papeles ng Madrid at mga lalawigan, liban doon sa Ministri, ay
nasa panig namin, inaakusa ang Pamahalaan; ang taumbayan
ay nasa panig din namin, gayundin ang mga estudyante mula
sa mga lalawigan. Isang mayamang bangkero ang naghandog
ng sampung libong duros sa dating Rektor para mapiyansahan
ang mga nakulong na estudyante... at lahat ng mga propesor
ay nasa panig ng mga estudyante, kaya naman pinanindigan
din nila ang aming mga ipinaglalaban. Suwerte ako't di
nasaktan ni nakulong, o nadakip kahit na kabilang ako sa
dalawang kolehiyo ng medisina at pilosopiya at sulat....
Suwerte mang masasabi ito o hindi, ang katotohanan ay may
mga nasugatang matatandang lalaki, babae, bata, sundalo
estranghero; hindi ko na nga kailangan pang tumakbo:..
Walang Pilipino ang nasugatan ngunit marami sa mga Kubano
at Espanyol.
Nakapagtapos ng Pag-aaral sa Espanya. Nakapagtapos si Rizal ng
kanyang kurso sa medisina. Iginawad sa kanya Universidad Central de Madrid ang
digri ng Lisensiyado o Medisina noong Hunyo 21,1884. Nang sumunod na taong
pangakademiko (1884-85), pinag-aralan niya at naipasa ang lahat ng asignatura
para sa digri ng Doktor ng Medisina. Ngunit dahil hindi siya nakapagpakita ng
kanyang tesis na kailangan ng isang nagtatapos at di pa rin niya nababayaran ang
mga pagkakautang niya, hindi siya nabigyan ng kanyang diploma bilang doktor."
Ito ang ulat ng kanyang mga grado sa Medisina sa Universidad Central
de Madrid: 17

Ikalimang Taon (1882-83) Pagpapatuloy


ng Kurso sa Medisina na sinimulan sa
Unibersidad ng Santo Tomas

Klinika Medikal ............................ Mahusay


Klinika Pangsiruhiya I ................... Mahusay
Klinika Obstetrikal I ....................... Mainam
Klinikal Legal……………………………….. Mainam Pinakamahusay .....

Ikaanim na Taon (1883-84)


Klinika Medikal 2 ……………………… Mahusay
Klinika Pangsiruhiya 2 …………….. Mahusay na mahusay
Lisensiya sa Medisina iginawad noong
Hunyo 21,1884 na may
antas na “Mainam"
Doktorado (1884-85)
Kasaysayan ng Siyensiyang Medisina ...... Mainam.
Pagsusuring Pangsiruhiya ... ............. Mahusay
Histolohiyang Normal ...... Pinakamahusay

Doktor ng Medisina (Hindi Iginawad)


Natapos din ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Pilosopiya at Sulat nang may
matataas na grado. Iginawad sa kanya ang digri ng Lisensiyado sa Pilosopiya at
Sulat ng Universidad Central de Madrid noong Hunyo 19, 1885 (kanyang ika-24
kaarawan), na may antas na "Pinakamahusay"(Sobresaliente). Ito ang kanyang
rekord pang-eskolastika sa kursong ito:18

1882-83
Kasaysayang Unibersal I........................ Mahusay na mahusay
Pangkalahatang Literatura ….................Pinakamahusay

1883-84
Kasaysayang Unibersal I.........................Mahusay na mahusay
Pangkalahatang Literatura ...………………. Pinakamahusay

1884-85
Kasaysayang Unibersal 2......................... Pinakamahusay
Literaturang Griyego at Latin................... Pinakamahusay (na may
napanalunang gantimpala)
Griyego I ................................................... Pinakamahusay (na may
napanalunang gantimpala)
1882-83
Wikang Espanyol. ……….Pinakamahusay (na may iskolarsip)
Pinakamahusay (na may iskolarsip)
Wikang Arabe............... Pinakamahusay (na may iskolarsip)

Sa wakas, natapos din ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa Espanya. Sa


pagkakamit ng digri ng Lisensiyado sa Pilosopiva Sulat, naging kuwalipikado siya sa
pagkapropesor ng humanidad sa anumang unibersidad sa Espanya. At sa
pagtanggap niya ng digri ng Lisensiyado sa Medisina, maaari na siyang magpraktis
ng Medisina. Hindi na niya inisip na kumuha pa ng digri ng Doktor ng Medisina dahil
ito, kasama na ang lisensiyado sa pilosopiya at sulat, ay maaari lamang gamitin sa
pagtuturo. Dahil matalino alam ni Rizal na magiging sagabal ang kanyang
kayumangging kulay at pagiging lahing Asyano sa pagtuturo, at makapagtuturo
lamang siya sa mga unibersidad at kolehiyong hindi pag-aari ng mga prayle. Kaya
nga sinabi niya sa isang liham sa kanyang pamilya noong Nobyembre 26,1884:
"Ang aking pagkadoktorado ay walang gaanong halaga para sa akin dahil bagaman
kapaki-pakinabang ang maging propesor ng isang unibersidad, naniniwala pa rin
ako na sila (mga Dominikong prayle-Z) ay hindi mangangahas na kunin akong
propesor."
Kabanata 7
Paris Patungong Berlin
(1885-1887)

Pagkaraang tapusin ang pag-aaral sa Madrid, nagtungo si Rizal sa Paris at


Alemanya para magpakadalubhasa sa optalmolohiya. Ito ang napili niyang sangay
sa medisina dahil nais niyang gamutin ang mga mata ng kanyang ina. Naging
katulong siya ng mga kilalang okulista ng Europa. Ipinagpatuloy din niya ang
pagbibiyahe at pag-aaral sa mga buhay at kaugalian, pamahalaan at batas ng mga
Europeo sa Paris, Heidelberg, Leipzig, at Berlin. Sa Berlin, kabisera ng noo'y
nagkakaisang Alemanya, nakilala at naging kaibigan niya ang ilang pangunahing
siyentipiko, gaya nina Dr. Feodor Jagor, Dr. Adolph B. Meyer, Dr. Hans Meyer, at
Dr. Rudolf Virchow. Ang kanyang mga merito bilang siyentipiko ay kinilala ng mga
sikat na siyentipiko ng Europa
Sa Masayang Paris (1885-86). Pagkaraang matapos sa pag-aaral sa
Universidad Central de Madrid, si Rizal na noo'y 24 taong gulang at isa nang
manggagamot, ay nagtungo sa Paris para magpakadalubhasa sa optalmolohiya.
Papuntang Paris, dumaan siya ng Barcelona para bisitahin ang kaibigang si
Maximo Viola, isang mag-aaral ng medisina at kabilang sa mayamang pamilya sa
San Miguel, Bulacan. Tumigil siya rito ng isang linggo at naging kaibigan niya si
Señor Eusebio Corominas, patnugot ng pahayagang La Publicidad at gumuhit ng
larawan ni Dr.Miguel Morayta, may-ari ng La Publicidad at isang estadista. Binigyan
niya si Patnugot Corominas ng isang artikulo tungkol sa kontrobersiya sa Carolines
para mailathala.
Noong Nobyembre 1885, nanirahan si Rizal sa Paris nang apat na buwan.
Nagtrabaho siya bilang katulong ni Dr. Louis de Weckert (1852-1906),
nangungunang optalmolohistang Pranses mula Nobyembre 1885 hanggang
Pebrero 1886. Mabilis niyang napalawak ang kanyang kaalaman sa optalmolohiya,
gaya na rin ng ikinuwento niya sa mga magulang noong Enero 1, 1886. "Sa
larangan ng pag-aaral sa mga sakit sa mata," sabi niya, "mabuti naman ang
nangyari sa akin. Marunong na ako ng lahat ng klase ng operasyon; kailangan ko na
lamang malaman kung ano ang nasa loob ng mata, na kailangan naman ng marami
pang pag-aaral at pagsasanay.
Pagkatapos ng mga gawain sa klinika ni Dr. Weckert, nakapagpapahinga si
Rizal sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kaibigan niya, gaya ng pamilya ng mga
Pardo de Tavera (Trinidad, Felix, at Paz), Juan Luna, at Felix Resurreccion Hidalgo.
Si Paz Pardo de Tavera, isang magandang binibini, ay kasintahan ni Juan Luna. Sa
album ng dalaga, gumuhit si Rizal ng mga larawan tungkol sa kuwentong "Ang
Matsing at ang Pagong."
Sa estudyo ni Luna, ginugol ni Rizal ang maraming maligayang oras.
Nakipagtalakayan siya kay Luna, dakilang maestro sa pagpinta, ng mga suliranin sa
sining at pinaghusay niya ang sariling teknik sa pagpinta. Tinulungan niya si Luna
sa pamamagitan ng pagmodelo sa ilang larawan nito. Sa kambas na "Kamatayan ni
Cleopatra," si Rizal ang modelo bilang paring Ehipto. Sa "Sanduguan," siya ang
nagmodelo bilang Sikatuna, kasama si Trinidad Pardo de Tavera na siya namang
naging si Legazpi.
Si Rizal bilang Musikero. Naging mahalagang bahagi ang musika sa mga
pagtitipon ng mga Pilipino sa Barcelona, Madrid, Paris, at iba pang lungsod sa
Europa. Ang mga kapanabay na Pilipino ni Rizal ay marunong kumanta kundi ma'y
tumugtog ng anumang instrumento. Sa tahanan ng mga Pardo de Tavera at sa
estudyo ni Luna, ang bawat pagtitipon ay pinasisigla ng pagtugtog o pag-awit ng
mga kundiman at iba pang melodyang Pilipino.

Walang likas na hilig si Rizal sa musika, at kanya naman itong inaamin.


Ngunit nag-aral pa rin siya ng musika dahil karamihan sa mga kamag- aral niya sa
Ateneo ay kumukuha ng mga aralin sa musika. Sa isang liham noong Nobyembre
27, 1878, sinabi niya kay Enrique Lete na "natuto siya ng solfeggio, piano, at
pagkanta sa loob ng isang buwan at kalahati." Gayunman, hindi pa rin siya
makakanta nang maayos. "Kung maririnig mo lamang ang aking boses," isinulat
niya kay Lete, "mamabutihin mo pang ikaw ay nasa Espanya dahil ang boses ko ay
tulad ng pag-unga ng mga asno."
Ngunit dahil sa kanyang determinasyon at pagsasanay, natuto rin si Rizal na
tumugtog ng plauta. Tumutugtog siya ng plauta sa mga pagtitipon ng mga Pilipino
sa Paris. Sinasabing lumikha pa siya ng ilang awit, lalo na ang "Alin Mang Lahi,"
makabayang awitin na nagpapahayag ng mithing kalayaan ng alinmang lahi, at
isang malungkot na danza, La Deportasyon, na nilikha niya sa Dapitan noong siya'y
ipinatapon ditto.
Sa Makasaysayang Heidelberg. Pagkaraang makangalap ng karanasan
bilang optalmolohista sa klinika ni Dr. Weckert, malungkot na nilisan ni Rizal ang
masayang Paris noong Pebrero 1,1886 patungong Alemanya. Dinalaw niya ang
Strasbourg (kabisera ng Alsace Lorraine) at ibang bayan sa hangganan ng
Alemanya.
Noong Pebrero 3, 1886, dumating siya sa Heidelberg, makasaysayang
lungsod sa Alemanya na kilala sa matanda nitong unibersidad at romantikong
kapaligiran. Sa maikling panahon, tumigil siya sa isang bahay paupahan kasama
ang ilang Alemang estudyante ng batas. Natuklasan ng mga estudyanteng ito na
mahusay sa ahedres si Rizal kaya ginawa siyang miyembro ng Samahan ng mga
Manlalaro ng Ahedres. Naging popular siya sa mga Alemang estudyante dahil
sumasali siya sa kanilang ahedres at pag-inom ng beer, at nanonood siya ng mga
larong duelo nito.
Pagkaraan ng ilang araw, lumipat ng tinitirhan si Rizal na malapit sa
Unibersidad ng Heidelberg. Nagtrabaho siya sa Ospital ng mga Mata ng
Unibersidad, sa ilalim ng direksiyon ni Dr. Otto Becker, kilalang optalmolohistang
Aleman, at dumalo rin siya ng mga panayam ni Dr. Becker at Prop. Wilhelm Kuehne
sa unibersidad.
Tuwing Sabado't Linggo, binibisita ni Rizal ang magagandang tanawin sa
paligid ng Heidelberg, kasama na rito ang kilalang Kastilyo ng Heidelberg,
romantikong Ilog ng Neckar, ang teatro, at matatandang simbahan. Napuna ni Rizal
na iginagalang ng mga Alemang Katoliko at Protestante ang diwa ng ekumenismo
dahil nabubuhay sila nang may pagkakasundo. Sa isang simbahan sa bayan, " ang
kalahati nito ay ginagamit ng mga Katoliko at ang kalahati ay sa mga
Protestante."
"Para sa mga Bulaldak ng Heidelberg." Noong tagsibol ng 1886, nabighani
si Rizal sa pamumukadkad ng mga bulaklak sa may pampang ng Ilog ng Neckar.
Kasama rito ang kanyang paboritong bulaklak-ang mangasul-ngasul na forget-me-
not.
Ang ganda ng mga bulaklak ng tagsibol ay nagpaalala kay Rizal ng kanilang
marikit na hardin sa Calamba. Nangungulila, isinulat niya noong Abril 22, 1886 ang
tulang "A Las Flores de Heidel-berg" (Para sa mga Bulaklak ng Heidelberg):
Humayo ka, sa lupang tinubuan, hayo na, dayong bulaklak.
Itinanim ng manlalakbay sa kanyang pagdaan.
At doon sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw,
Kung saan naroon ang aking pagmamahal;
Doon sasabihin ng pagod na pilgrimo,
Ano'ng kanyang pananampalataya sa ating lupa!

Humayo roon at ibalita kung paano inihahasik


Ng bukangliwayway ang kanyang liwanag,
yong mga talulot unang inihagis

sa kaparangan; Kanyang bakas sa

tabi ng malamig na Neckar

Nagpapakita ng kanyang katahimikan sa iyong piling,


Sa pagmumuni-muni ng kanyang Tagsibol.
Nakita kung paano ninakaw ang iyong bango
Nang pumulandit ang liwanag ng umaga,
Bumubulong sa iyo ng kaligayahan,
Mapaglarong awitin ng Pag-

ibig, Siya ri'y bumubulong ng

kanyang damdamin sa dilang

natutunan niya mula sa

kapanganakan..

Kaya nang sumabog ang ginintuang liwanag


Mula sa ngiti ng araw sa rurok ng Keenigstuhl
At sa kanyang papainit na liwanag
Daloy ng buhay sa lambak at kahuyan at gubat
Binabati niya ang araw na iyon, dito’y pinupuri,
Na sa kanyang lupang tinubua’y umaapoy sa rurok.

At ibabalita doon ang araw na kanyang


kinatatayuan,
Na malapit sa gumuhong abuhing kastilyo
Sa may pampang ng Neckar, o mapanglaw na gubat,
At pipitasin kayo sa may giid ng landas,
Habang pinupuri kayo ng

manlalakbay, Masuyong inipit

ang mabango n’yong dahon

Sa mga pahina ng minamahal n'yang aklat.

Hatdan ninyo, o magagandang bulaklak,


Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking minamahal,
Kapayapaan sa aking bayan- masaganang bayan-.
Pananalig ng mga anak niyang lalaki’y panindigan,
At birtud ng mga anak na babae ay pangalagaan,
Minamahal na nilalang ay batiin,
Lahat ng nakalibot sa altar ng tahanan.

At kapag naparoon ka sa dalampasigan,


itong halik na ngayo’y

idadampi ko sa’yo, Dalhin sana

ng mga pakpak ng hamog;

Nang lahat ng aking iginagalang, sinisinta,


Madama ang init ng aking halik ng pag-ibig kong taos.

O mga bulaklak, kung maparoon sa lupaing yon,


At nawa'y taglay mo pa rin ang ‘yong mga kulay;
Dahil malayo sa lupang nagbigay sa’yo ng buhay;
Dito ma'y masasamyo ang iyong bango;
Iyong kaluluwang di susuko, di lilisan
Ang liwanag na sumilay sa iyo mula nang ika’y isilang.

Si Pastor Ullmer at ang Wilhelmsfeld. Pagkaraang maisulat ang "Para sa


mga Bulaklak ng Heidelberg, " nagbakasyon ng tatlong buwan si Rizal sa
Wilhelmsfeld, bulubunduking bayang malapit sa Heidelberg. Tumira siya sa rektoryo
ng isang butihing Protestanteng Pastor, si Dr. Karl Ullmer, na naging mabuti niyang
kaibigan at tagahanga ang kanyang kaaya-ayang personalidad at mga talino sa
wika at pagguhit ay nakapagpalapit ng kalooban niya sa maybahay ng pastor, na
mahusay magluto, at dalawang anak, sina Etta (anak na babae) at Fritz (anak na
lalaki).
Masaya ang naging bakasyon ni Rizal sa tahanan ni Pastor Ullmer kaya
lungkot na lungkot siya nang lumisan dito noong Hunyo 25, 1886 Bumalik siya sa
Heidelberg, kipkip ang magagandang alaala ng pakikipagkaibigan at hospitalidad ng
mga Ullmer. Nang sumunod na araw, sinulatan niya si Pastor Ullmer para
magpasalamat: "Muli'y ako'y lubos na nagpapasalamat sa inyo. Maaaring kapag
kayo naman ang nangibang-bayan, matitikman din ninyo ang ganitong pagtanggap
at pakikipagkaibigan na siyang nadama ko sa inyo; at dahil ako'y dayuhan dito, wala
akong magagawa para sa inyo sa isang dayuhang bansa, ngunit tinitiyak ko ang
aking serbisyo sa aking lupang tinubuan, kung saan lagi kayong makatatagpo ng
isang tunay na kaibigan, kung hindi ako mamamatay. Ang ligayang dulot ng
pagkakaunawa ng ibang tao ay mahalaga kaya di ito basta-bastang malilimutan
Naunawaan ninyo ako, kahit na kayumanggi ang aking kulay, na sa maraming tao’y
dilaw, na parang dahilan ng pagkalito ng isipan."
Kinalaunan, noong Mayo 29, 1887, sumulat si Rizal, mula Munich (Muchen),
kay Friedrich (Fritz), anak ni Pastor Ullmer: “Pakisabi sa iyong butihing Gng. Pastor,
ang minamahal mong ina, na kapag nakauwi ako'y susulatan ko siya.
Hindi ko malilimutan kung gaano siya kabuti sa akin, tulad din kung paano
naging mabuti ang iyong ama sa akin gayong isa akong estranghero, walang
kaibigan ni rekomendasyon… hindi ko malilimutan ang Willhelmsfeld sa mabuting
pagtanggap ng kanyang parokya."
Unang Liham kay Blumentritt. Noong Hulyo 31, 1886, isinulat ni Rizal ang
una niyang liham sa wikang Aleman (na malaki ang inihusay niya pagkaraan ng
pagbabakasyon sa mga Ullmer) kay Propesor Ferdinand Blumentritt, Direktor ng
Ateneo ng Leitmeritz, Austria. Napag-alaman ni Rizal na ang Austriyanong
etnolohista ay interesado sa mga wika ng Pilipinas. Sa kanyang sulat, sinabi ni
Rizal:
Napag-alaman kong pinag-aaralan mo ang aming wika, at
nakapaglathala ka na ng ilang gawa mo tungkol ditto; hayaan mo akong
padalhan ka ng isang mahalagang aklat sa aming wika na isinulat ng isa kong
kababayan. Hindi kagandahan ang pagkakasulat ng bersiyong Espanyol dahil
ang awtor ay isa lamang hamak na manunulat, ngunit ang bahaging Tagalog
ay mahusay ang pagkakasulat, at ito mismo ang wikang sinasalita namin sa
aming lalawigan.
Kalakip ng sulat ang aklat na binanggit ni Rizal. Ang aklat ay pinamagatang
Aritmetica at inilathala sa dalawang wika -Espanyol at Tagalog- ng Limbagan ng
Unibersidad ng Santo Tomas noong 1868. Ang awtor ay si Rufino Baltazar
Hemandez, katutubo ng Santa Cruz, Laguna.
Humanga si Blumentritt sa sulat ni Rizal mula Heidelberg. Sinagot niya ang
liham ni Rizal sa pamamagitan ng pagpapadala ng dalawang regalong libro. Ito ang
naging simula ng kanilang mahaba at palagiang pagsusulatan, pagkakaibigang
tumagal nang habambuhay. Si Blumentritt, ang Austriyano, ay naging matalik na
kaibigan ni Rizal, ang Pilipino.
Ikalimang Dantaon ng Unibersidad ng Heidelberg. Pinalad si Rizal na
nataon ang kanyang pagbabakasyon sa Heidelberg sa pagdiriwang ng pamosong
Unibersidad ng Heidelberg ng ikalimang dantaon nito noong Agosto 6, 1886.
Tatlong araw ito bago ang kanyang pag-alis, at nalulungkot siya dahil natutunan na
niyang mahalin ang magandang lungsod at ang mababait na tagarito.
Inilarawan niya sa kanyang talaarawan noong Agosto 6, 1886 ang
selebrasyon ng ikalimang dantaon ng kilalang Unibersidad ng Heidelberg:
Para sa ikalimang dantaon, ipinagdiwang ng pamosong Unibersidad ng
Heidelberg ang kanyang Festung kaninang umaga, at kami'y dumalo.
Nagustuhan ko ang larawan kaysa ang orihinal. Gayunman, maraming
elegante at naggagandahang pananamit; si Bugmuller, ang sikat na
estudyante ng Heidelberg ay nakadamit ng kasuotan ni Frederick ang
Matagumpay, si Lieberman ay nagdamit na parang maginoo ng ikalabimpitong
siglo; si Gregoire, ang lobo ng Schwahen, atbp. Kagabi ay ang Schlorsfest.
Kailan kaya mauulit ang malatulaing kasayahan sa magandang siyudad na
ito? Kailan kaya makababalik ang mga dayuhang bisita? Kailan kaya ako
makababalik pagkaraang lumisan? Itanong ang kapalaran ng mga molekula
ng tubig na isinisingaw ng araw. Ang iba'y tumutulo bilang hamog sa dibdib ng
mga bulaklak; ang iba'y nagiging yelo at niyebe; ang iba'y nagiging putik o
latian o malakas na ulan - hindi sila nawawala bagkus nananatili sa kalikasan.
Magiging tulad nito kaya ang aking kapalaran - hindi mawawala sa kawalan?
Sa Leipzig at Dresden. Noong Agosto 9, 1886, tatlong araw pagkaraan ng
ika-limang dantaong selebrasyon ng Unibersidad ng Heidelberg, nilisan ni Rizal ang
lungsod. Lulan ng tren, binisita niya ang iba't-ibang lungsod ng Alemanya, at
narating niya ang Leipzig noong Agosto 14, 1886. Dumalo siya ng mga panayam
tungkol sa kasaysayan at sikolohiya sa Unibersidad ng Leipzig. Nakipagkaibigan
siya kay Propesor Friedrich Ratzel, bantog na mananalaysay na Aleman, at Dr.
Hans Meyer, Alemang antropolohista.
Sa Leipzig, isinalin ni Rizal sa Tagalog ang William Tell ni Schiller mula sa
wikang Aleman. Sa gayon, malalaman ng mga Pilipino ang kuwento tungkol sa
kampeon ng kasarinlan ng mga Swisa. Kinalaunan, isinalin din niya sa Tagalog ang
Fairy Tales ni Hans Christian Andersen para sa kanyang mga pamangkin.
Natuklasan ni Rizal na pinakamababa sa Europa ang antas ng pamumuhay sa
Leipzig kaya nanirahan siya sa lungsod na ito ng dalawa't kalahating buwan. Dito
siya nagwasto ng ilang kabanata ng kanyang pangalawang nobela at araw-araw din
siyang nag-eehersisyo sa gymnasium ng lungsod. Dahil sa kanyang kaalaman sa
Aleman, Espanyol, at ibang wikang Europeo, nakapagtrabaho si Rizal bilang
proofreader sa isang limbagan kaya kumita rin siya ng kaunting pera.
Noong Oktubre 29, umalis siya ng Leipzig papuntang Dresden, kung saan
niya nakilala si Dr Adolph B. Meyer, Direktor ng Museo Antropolohikal at
Etnolohikal. Tumigil siya ng dalawang araw sa lungsod. Sa isang misang dinaluhan
niya, naantig ng musika sa misa ang damdamin ni Rizal. Isinulat niya sa kanyang
talaarawan: "Ngayon lamang sa tanang buhay ko ako'y nakinig ng misa kung saan
ang musika'y napakaganda.”
Noong umaga ng Nobyembre 1, nilisan ni Rizal ang Dresden lulan ng tren, at
narating niya ang Berlin nang gabing iyon.
Tinanggap si Rizal ng Sirkulo Siyentipiko ng Berlin. Nahalina si Rizal sa
Berlin dahil dito'y maunlad ang larangan ng siyensiya at walang panlalait sa lahi. Sa
lungsod na ito, nakipagkilala siya sa mga dakilang siyentipiko. Nakilala niya sa
kauna-unahang pagkakataon si Dr. Feodor Jagor, bantog na manlalakbay at
siyentipikong Aleman at awtor ng Travels in the Philippines, aklat na nabasa at
hinangaan ni Rizal noong nag-aaral siya sa Maynila. Binisita ni Dr. Jagor ang
Pilipinas noong 1859-1860, nang bata pa si Rizal. Sa kanyang aklat, inihula ni Jagor
ang pagbagsak ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas at pagdating ng mga
Amerikano sa baybaying Pilipinas. Dala ni Rizal ang isang liham ng pagpapakilala
na ginawa ni Blumentritt.
Ipinakilala naman ni Dr. Jagor si Rizal kay Dr. Rudolf Virchow, bantog na
Alemang antropolohista, at sa anak nitong si Dr. Hans Virchow, propesor ng
Panlarawang Anatomiya. Nakilala rin ni Rizal si Dr. W. Joest, kilalang Alemang
heograpo. Nagtrabaho rin siya sa klinika ni Dr. Karl Ernest Schweigger (1830-1905),
bantog na Alemang optalmolohista.
Naging miyembro si Rizal ng Samahang Antropolohikal at Samahang
Heograpikal, sa tulong ng rekomendasyon nina Dr. Jagor at Dr. Meyer. Pinatunayan
dito na ang kaalaman ni Rizal sa agham ay kinikilala ng mga siyentipikong Europeo.
Siya ang unang Asyano na nabigyan ng ganitong karangalan.
Inanyayahan naman ni Dr. Virchow si Rizal na magbigay ng panayam sa
Samahang Etnograpiko ng Berlin. Bilang tugon, isinulat at binasa ni Rizal noong
Abril 1887 ang Tagalische Verkunst (Sining Metrikal ng Tagalog) Ang panayam ay
inilathala ng samahan nang taong ding iyon at naging paborable ang puna dito ng
maraming siyentipiko.
Buhay ni Rizal sa Berlin. Sa Berin, hindi estudyante ni turista si Rizal.
Nanirahan siya sa Alemanya dahil gusto niyang (1) mapalawak ang kanyang
kaalaman sa optalmiolohiya; (2) mapaunlad ang kanyang pag-aaral sa mga agham
at wika; (6) obserbahan ang kalagayang politikal at ekonomiko ng bansang
Alemanya; (4) makipagkilala sa mga bantog na Alemang siyentipiko at iskolar, at (5)
mailathala ang kanyang nobela, Noli Me Tangere.
Naging matipid at masinop ang pamumuhay ni Rizal sa Berlin. Nagtrabaho
siya bilang katulong sa klinika ni Dr. Schweigger, eminenteng Alemang
optalmolohista. Sa gabi, dumadalo siya sa mga panayam sa Unibersidad ng Berlin.
Sa kanyang tinutuluyang bahay, pinanatili niyang malusog ang katawan sa
pamamagitan ng araw-araw na ehersisyo. Nagsanay din siya sa pagsasalita sa
wikang Aleman, Pranses, at Italyano. Gustung-gusto niyang magpakadalubhasa sa
wikang Pranses nang sa gayo’y magamit niya ang wikang ito sa pagsusulat, gaya
ng alam niyang gawin sa Espanyol. Kumuha pa siya ng pribadong pagtuturo sa
ilalim ng pamamahala ni Madame Lucie Cerdole nang sa gayo’y matutunan niya
ang pagiging masalimuot ng wikang Pranses. Bukod sa pagkakadalubhasa sa
larangang pangakademya, araw-araw ding nagsanay si Rizal para maging malusog
ang kanyang pangangatawan.
Sa mga bakanteng oras, binibisita ni Rizal ang kanayunan sa paligid ng Berlin,
inoobserbahan nang mabuti ang kaugalian, pananamit, tahanan, at gawain ng mga
magbubukid. lginuhit niya ng larawan ang lahat ng nakikita niya.
Tuwang-tuwa siya sa pamamasyal sa Unter den Linden, madalas na puntahan
ng kabataan sa Berlin, para makipag-inuman ng beer at makipagkuwentuhan at
makipagkaibigan sa mga taga-Berlin.
Pananaw ni Rizal sa Kababaihang Aleman. Isa sa pinakamahalagang liham
ni Rizal nang siya ay nasa Alemanya ay para sa kanyang kapatid na si Trinidad. Sa
kanyang sulat noong Marso 11, 1886, ipnahayag ni Rizal ang mataas na
pagpapahalaga at paghanga niya sa Kababaihang Aleman.
Ang babang Aleman, sabi ni Rizal sa kanyang kapatid na babae, ay seryoso,
masipag, edukado, at palakaibigan. Hindi siya tsismosa, magarbo, at palaaway,
gaya ng babaing Espanyol. Hindi siya partikular sa magagandang damit at
mamahaling alahas, bagaman nakapagdadamit din siya nang maayos gaya ng
ibang babae sa buong mundo.
Ipinanghihinayangan ni Rizal na sa Pilipinas, ang kababaihan ay mas
binibigyan ng kabuluhan ang kanilang pananamit kaysa sa kanilang nalalaman.
Gayunman, pinuri niya ang sensitibong pandama, mabining pagkilos, debosyon, at
hospitalidad ng kababaihang Pilipino, lalo na yaong mga nasa lalawigan na di pa
gaanong sopistikado. Kung mapapanday nila ang kanilang talino sa pamamagitan
ng edukasyon at pagkakaroon ng interes sa mga kalakarang pandagdig, puna ni
Rizal, makukuha nila ang respeto ng kalalakihan.
Kaya nga ipinayo ni Rizal sa kapatid na si Trinidad. "Habang ngayong bata ka
pa, magsikap kang matutong magbasa, at matuto. Hindi mo dapat hayaan ang sarili
na malupig ng katamaran dahil pagbabayaran mo ito nang malaki.”
Mga Kaugalian ng mga Aleman. Bukod sa kababaihang Aleman, hinangaan
din ni Rizal ang mga kaugalian ng mga Aleman na inoobserbahan niya nang mabuti.
Kailangang bigyang-tuon ang pagiging mabuting tagapagmasid ni Rizal sa mga
kaugalian ng mga tao sa lahat ng bahagi ng mundo.
Kinagiliwan nang husto ni Rizal ang mga kaugalian ng mga Aleman tuwing
Pasko. Nang kapaskuhang ito, isinulat niya: “Tuwing Bisperas ng Pasko, pumuputol
ng puno ng pino ang mga Aleman, pinipili nila di lamang ang pinakamatuwid, kundi
pati yaong may dahong di agad nalalagas, Ibig kong sabihin, ang mga tuyong dahon
ay hindi dahon sa kasong ito, ito'y tila maliliit na karayom. Pinalamutian ito ng mga
parol, papel, ilaw, manyika, kendi, prutas atbp. At ipinakikita ito sa mga bata (na di
nakita ang pagpapalamuti sa puno) pagsapit ng gabi. Sa paligid ng punong ito
ipinagdiriwang ng pamilya ang okasyon.”
Isa pang interesanteng kaugaliang Aleman na napuna ni Rizal ay ang
pagpapakilala sa sarili sa mga estranghero sa isang pagtitipon. Sa Alemanya,
kapag ang isang lalaki ay dumalo sa isang salu-salo at natuklasan niyang wala
siyang kakilala roon, siya na mismo ang lalapit sa mga panauhin at magpapakilala
sa sarili, nakikipagkamay sa kanila. Ayon sa etiketa ng mga Aleman, hindi mabuting
asal para sa bisita na maging mapag-isa at hintayin pa ang maybahay para ipakilala
siya sa ibang panauhin.
Pinakamalungkot na Taglamig ni Rizal. Nakaranas na ng taglamig si Rizal
sa mga bansang temperatura. Ang taglamig ng 1886 sa Berlin ay kanyang
pinakamalungkot na taglamig. Nang taglamig na iyon, naghihirap siya dahil walang
perang natatanggap mula sa Calamba. Ang singsing na diyamante na ibinigay sa
kanya ng kapatid na si Saturnina ay naisanla na niya. Hindi siya makapagbayad sa
may-ari ng paupahang bahay. Kailangan niyang magtipid kaya isang beses sa isang
araw na lamang siya kung kumain. At ang kanyang kinakailangan ay isang pirasong
tinapay, tubig, o mumurahing sopas na gulay. Malapit nang maging gula-gulanit ang
kanyang damit. Siya na mismo ang naglalaba ng kanyang damit dahil wala siyang
pambayad sa labandera.
Samantala, sa Calamba'y nagsisikap si Paciano na makaipon ng perang
ipadadala sa kapatid. Alam niyang ang nakababatang kapatid ay naghihikahos sa
Berlin. Ngunit ano ang magagawa niya, sinira ng mga balang ang kanilang pananim.
Nalugi ang pamilihan ng asukal. Mahalagang mahalaga ang panahon, alam ito ni
Paciano, ngunit wala siyang magagawa kung mababalam ang pagpapadala niya ng
pera.
Si Rizal naman ay naghihikahos sa Berlin at nanginginig sa tindi ng taglamig.
Nanghihina na ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng maayos na nutrisyon.
Inuubo na siya, at natatakot siyang baka dinapuan na siya ng tuberkulosis. Noon
lamang siya nakadama ng ganoong paghihirap.
Kabanata 8
Nailathala ang Noli Me Tangere
(1887)
Ang matinding taglamig ng 1886 ay di malilimutan ni Rizal dahil (1) ito ay isang
masakit na bahagi ng kanyang buhay dahil siya'y gutom may sakit, at naghihirap sa
malayong lungsod, at (2) nagdulot din ito ng malaking kasiyahan pagkaraang
dumanas ng hirap dahil lumabas na sa limbagan ang kanyang Noli Me Tangere
noong Marso 1887. Tulad ng maalamat na si Santa Klaus, ang kaibigan niyang
taga-Bulacan, si Maximo Viola, ay dumating sa Berlin nang siya'y nasa rurok na ng
paghihirap, at pinautang siya ng kinakailangang pondo para maipalathala ang
kanyang nobela.
Ideya ng Pagsulat ng Isang Nobela tungkol sa Pilipinas. Dahil sa pagbasa
niya ng Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe, na naglalarawan sa kaawa-
awang kalagayan ng mga pinagmamalupitang alilang Negro, naisip ni Rizal na
maghanda ng isang nobelang maghahayag ng mga paghihirap ng mga kababayan
sa ilalim ng mga tiranong Espanyol. Noo'y isa pa siyang estudyante ng Universidad
Central de Madrid.
Sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa tahanan ng mga Paterno sa Madrid
noong Enero 2, 1884, ipinanukala ni Rizal sa isang grupo ng mga Pilipino ang
pagsulat ng isang nobela. Lahat ay sang-ayon sa ideya, gaya nina Pedro, Maximo,
at Antonio Paterno, Graciano Lopez Jaena, Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio
Lorente, Melecio Figueroa, at Valentin Ventura.
Sa kasamaang-palad, hindi naisakatuparan ang proyekto ni Rizal. Ang mga
kababayang dapat ay katulong niya sa nobelang ito ay walang naisulat. Ang nobela
ay binanghay para talakayin ang lahat ng aspekto ng buhay sa Pilipinas. Ngunit
halos lahat ay tungkol sa kababaihan ang nais isulat. Ikinainis ni Rizal ang ganitong
pag-uugali dahil sinasayang ng mga kasamahan niya ang kanilang panahon sa
pagsusugal at pambabae. Kaya ipinasya ni Rizal na siya na lamang ang magsusulat
ng nobela.
Ang Pagsulat ng Noli. Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng nobela sa
Madrid noong pagtatapos ng 1884, at natapos niya ang kalahati nito.
Nang magtungo siya sa Paris noong 1885, pagkaraang makapagtapos ng
kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid, ipinagpatuloy niya ang
pagsusulat ng nobela, at natapos niya ang kalahati ng pangalawang-hati. Natapos
niya ang huling sangkapat ng nobela sa Alemanya. Isinulat niya ang mga huling
kabanata ng Noli sa Wilhelmsfeld noong Abril-Hunyo 1886.
Sa Berlin noong mga araw ng taglamig ng Pebrero 1886, ginawa ni Rizal ang
huling rebisyon ng manuskrito ng Noli. May sakit at walang pera, nawalan na siya
ng pag-asang mailathala ito kaya sa kanyang desperasyon ay muntik na niyang
ihagis sa apoy ang manuskrito. Pagkaraan ng ilang taon, nasabi niya sa kanyang
kaibigan at dating kaklase, si Fernando Canon: "Hindi ako naniniwala noon na
maipalalathala ko pa ang Noli Me Tangere noong ako'y nasa Berlin. Pakiramdam
ko'y bigo na't nanghihina dahil sa gutom at paghihikahos. Nasa punto na akong
ihahagis sa apoy ang aking nagawa sa paniniwalang ito ang nararapat gawin."..

Si Viola, Tagapagligtas ng Noli. Sa gitna ng kanyang kalungkutan,


nakatanggap si Rizal ng telegrama mula kay Dr. Maximo Viola' na noo'y papunta sa
Berlin. Ang kaibigang ito ni Rizal ay nagmula sa mayamang pamilya ng San Miguel,
Bulacan. Nang dumating ito sa Berlin ilang araw bago mag-Pasko ng 1887,
ikinagulat niya ang paghihirap at pagkakasakit ni Rizal.
Nang malaman ang dahilan, si Viola, na may sapat na pondo: pumayag na
tustusan ang pagpapalimbag ng Noli. Pinahiram din niya si Rizal ng panggastos sa
pang-araw-araw. Kaya naging masaya ang Pasko nina Rizal at Viola noong 1886.
Pagkaraan ng Kapaskuhan, inayos ni Rizal ang kanyang nobela. Para
makapagtipid sa gastos ng pagpapalimbag, inalis ni Rizal ang ilang bahagi ng
manuskrito-kasama na ang buong kabanata ng "Elias at Salome."
Noong Pebrero 21, 1887, natapos na ni Rizal ang Noli at handa na ito para
mailathala. Kasama si Viola; nagsarbey sila ng mga limbagan para sa Noli.
Pagkaraan ng ilang araw ng pagtatanong, nakakita sila ng isang imprenta—ang
Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft, na may pinakamababang singil, 300
piso para sa 2,000 sipi ng nobela.
Pinagbintangang Espiyang Pranses Si Rizal. Habang nasa limbagan ang
Noli, isang kakaibang insidente ang naranasan ni Rizal. Isang umaga, binisita ng
hepe ng pulis ng Berlin si Rizal sa kanyang bahay na inuupahan at hininging makita
ang kanyang pasaporte. Sa kasamaang-palad, walang naipakitang pasaporte si
Rizal. Sinabihan siya ng hepe ng pulis na kumuha ng pasaporte sa loob ng apat na
araw, at kung hindi'y maipadedeport siya.
Kaagad na sinamahan ni Viola si Rizal sa embahada ng Espanya para
humingi ng tulong sa embahador na Espanyol, ang Konde ng Benomar, na
nangakong titingnan ang kasong ito. Ngunit hindi tinupad ng embahador ang
kanyang pangako dahil sa katotohanan, ay wala naman siyang kapangyarihan para
mag-isyu ng kinakailangang pasaporte.
Nang matapos ang apat na araw na ultimatum, nagpunta si sa Alemang hepe
ng pulis para magpaumanhin sa di niya pagkakakuha ng pasaporte, at magalang
niyang inalam kung bakit may utos ng deportasyon para sa kanya gayong wala
naman siyang nagagawa krimen. Sabi ng hepe, nakatanggap sila ng ulat na si Rizal
ay bumisita sa kabayanan at kanayunan kaya naghinala ang pamahalaang Aleman
na siya'y espiyang Pranses, lalo pa't pumasok siya sa Alemanya mula Paris kung
saan siya nanirahan ng ilang taon at siya'y totoong umibig sa wika at kulturang
Pranses. Nang panahong iyon, hindi maganda relasyong Pransiya at Alemanya
dahil sa Alsace-Lorraine.
Si Rizal na bihasa sa wikang Aleman ay nagpaliwanag sa hepe ng pulis na
siya'y hindi espiyang Pranses, bagkus ay isang siyentipiko at manggagamot na
Pilipino, isa ring etnolohista. Bilang etnolohista, dinadalaw niya ang kanayunan ng
mga bansang pinupuntahan niya para obserbahan ang kaugalian at pamumuhay
doon. Naniwala sa maliwanag ni Rizal ang hepe at humanga pa siya sa husay nito
sa pagsasalita ng Aleman kaya hinayaan niyang manatili ito sa Alemanya.
Natapos ang pagpapalimbag ng Noli. Pagkaraan ng naudlot na deportasyon
sa pag-aakalang siya'y espiyang Pranses, si Rizal, sa tulong ni Viola, ay
pinamahalaan ang pagpapalimbag sa Noli. Araw-araw ay nasa imprenta siya para
basahin at iwasto ang mga nailimbag na pahina.
Noong Marso 21, 1887, lumabas sa imprenta ang Noli Me Tangere. Kaagad
na ipinadala ni Rizal ang mga unang sipi nito sa malalapit niyang kaibigan, kasama
na rito sina Blumentritt, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez-Jaena, Mariano
Ponce, at Felix R. Hidalgo. Sa kanyang sulat kay Blumentritt noong Marso 21, 1887,
sinabi niya: "Ang ipinadala kong aklat ay aking unang aklat bagaman marami na
akong naisulat bago rito at nakatanggap na rin ako ng mga gantimpala para sa
pagsusulat. Ito ang unang aklat na Tagalog na walang kinikilingang pananaw.
Matatagpuan ng mga Pilipino rito ang kanilang kasaysayan nitong nakaraang
sampung taon. Umaasa akong mapupuna ninyo ang pagkakaiba ng estilo ng aking
paglalarawan sa ibang manunulat. Maaaring tuligsain ng pamahalaan at mga prayle
ang aking isinulat; pabulaanan ang aking mga argumento; ngunit nagtitiwala ako sa
Diyos ng Katotohanan at sa mga taong totoong nakaranas ng mga pagdurusang ito.
Umaasa akong masasagot ko ang lahat ng konseptong maaari nilang likhain para
mapabulaanan tayo."
Noong Marso 29, 1887, binigay ni Rizal ang galley proof ng Noli, panulat na
ginamit niya sa Noli, at komplimentaryong sipi kay Viola bilang tanda ng
pasasalamat. Sa komplimentaryong sipi; isinulat niya:
"Sa mahal kong kaibigang Maximo Viola, ang unang nakabasa at nagpahalaga sa
aking isinulat-Jose Rizal."
Ang Pamagat ng Nobela. Ang pamagat ng Noli Me Tongere ay isang
pariralang Latin na ang ibig sabihin ay "Huwag mo akong salingin." Hindi ito orihinal
na ideya ni Rizal at sinabi niyang nakuha niya ito sa Bibliya.
Sa sulat ni Rizal kay Felix R. Hidalgo noong Marso 5, 1887 sinabi niya: "Noli
Me Tangere, mga salitang nagmula sa Magandang Balita ni San Lucas, na
nagsasabing huwag mo akong salingin." Nagkamali dito si Rizal. Ang parirala ay
mula kay San Juan, ang Magandang Balitang nagsasalaysay tungkol sa unang
Pasko ng Pagkabuhay, nang dumalaw si Santa Maria Magdalena sa Banal na
Sepulkro, at ang Panginoong Hesus na noo'y muling nabuhay ay nagsabi:
"Huwag mo akong salingin; hindi pa ako nakapupunta sa Ama,
ngunit humayo ka't ibalita sa Aking mga kapatid na Ako'y aakyat sa
Aking Ama; at sa Aking Panginoon at inyong Panginoon."
Dedikasyon ng Awtor. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa bayang
Pilipinas— "Sa Aking Amang Bayan." Ito ang kanyang dedikasyon:
"Nakatala sa kasaysayan ng pagdurusa ng, sangkatauhan ang
isang kanser na malala na kung kaya't saglit lang na nahipo ay
maiirita ito at labis na napakasakit. Kaya, ilang ulit na, sa gitna ng
modemong sibilisasyon, ginusto kong tawagin ka sa aking harapan,
ngayon ay samahan ako sa alaala, ngayon ay ihahambing ka sa ibang
bansa, sakaling ang mahal mong imahen ay magpakita ng kanser ng
lipunan tulad ng sa iba!
Hangad ang iyong kapakanan, gaya na sa atin, at naghahanap
ng pinakamainarn na gamot, gagawin ko sa inyo ang ginawa ng mga
sinauna sa mga maysakit, ilalantad sila sa hagdan ng templo nang sa
gayo'y lahat ng humingi ng tulong sa Diyos ay makapag-alay ng lunas.
At hanggang sa wakas, magpapatuloy ako sa paglikha ng
kondisyong walang diskriminasyon; itataas ko ang bahagi ng belong
nagkukubli są kasamaan, isasakripisyo ang lahat para sa
katotohanan, kahit maging karangyaan dahil bilang kanyang anak,
batid kong ako ri'y nagdurusa sa mga kakulangan at kahinaang ito."
Buod ng Noli. May 63 kabanata at epilogo ang Noli Me Tangere. Nagsimula
ito sa salu-salong handog ni Kapitan Tiyago. (Santiago de los Santos) kay
Crisostomo Ibarra sa kanyang bahay sa Kalye Anloague (ngayon Kalye Juan Luna)
noong huling araw ng Oktubre. Si Ibarra ay nag-iisang anak ni Don Rafael Ibarra,
kaibigan ni Kapitan Tiyago, at kasintahan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tiyago.
Kararating lamang ni Ibarra mula sa pitong taong pag-aaral sa Europa.
Kabilang sa mga panauhin ni Kapitan Tiyago sina Padre Damaso, matabang
Pransiskong prayleng naging kura paroko ng San Diego (Calamba), bayan ni Ibarra;
Padre Sybila, isang batang Dominikong prayle ng Binondo; Señor Guevarra,
mabuting tenyente ng Guardia Civil, Don Tiburcio de Espadaña, pekeng Espanyol
na manggagamot, pilay, at sunud-sunurang asawa ni Doña Victorina; at ilang
kadalagahan.
Marami ang humanga kay Ibarra sapul nang dumating siya, liban kay Padre
Damaso na magaspang ang asal sa kanya. Sunod sa kaugaliang Aleman,
nagpakilala si Ibarra sa kadalagahan. Habang naghahapunan, naisentro ang
usapan sa pag-aaral at paglalakbay ni Ibarra sa ibang bansa. Si Padre Damaso ay
sumama ang loob dahil napunta sa kanya ang leeg at pakpak ng tinolang manok.
Sinikap nitong ipamukha kay Ibarra na walang kuwenta ang kanyang nagawa.
Pagkaraan ng hapunan, nagpaalam si Ibarra kay Kapitan Tiyago at nagbalik
sa kanyang otel. Habang naglalakad, kinausap Tinyente Guevarra at ikinuwento sa
kanya ang malungkot na kamatayan ng kanyang ama sa San Diego. Si Don Rafael,
na kanyang ama ay mayaman at matapang na lalaki. Ipinagtanggol niya ang isang
kawawang bata mula sa kalupitan ng isang mangmang na Espanyol na kolektor ng
buwis. Nang itulak ni Don Rafael ang kolektor sinasadyang nabagok ito at namatay.
Nakulong si Don Rafael at doon na siya namatay. Inilibing siya nang maayos ngunit
ayon sa mga kaaway niya, hindi ito nararapat para sa isang erehe kaya inalis ang
kanyang bangkay sa sementeryo.
Nagpasalamat si Ibarra sa narinig niyang kuwento at nangako sa sariling
aalamin niya ang buong katotohanan sa pagkakamatay ng kanyang ama.
Nang sumunod na umaga, dinalaw niya si Maria Clara, ang kasintahan niya
mula pagkabata. Biniro ni Maria Clara ang binata, na marahil ay nalimutan na siya
dahil sa naggagandahang kadalagahang Aleman. Hinding-hindi siya nalimutan,
sagot naman ni Ibarra.
Pagkaraan ng suyuan sa asotea, umuwi si Ibarra sa San Diego para dalawin
ang puntod ng ama. Todos los Santos noon. Sa sementeryo, ikinuwento ng
sepulturero na ang bangkay ni Don Rafael ay ipinahukay ng kura paroko para
mailipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit dahil mabigat ang bangkay at malakas
noon ang ulan, inihagis na lamang ang bangkay sa lawa.
Naghimagsik ang kalooban ni Ibarra sa kuwento ng sepulturero. Galit na galit
siyang lumabas sa sementeryo kaya nang masalubong si Padre Salvi, ang
Pransiskanong kura paroko ng San Diego, ay walang patumangga niya itong
sinuntok, at hiningan ng paliwanag ang pambabastos sa bangkay ng ama. Sinabi ni
Padre Salvi na wala siyang kinalaman sa nangyari, at si Padre Damaso, na siyang
paroko nang mamatay si Don Rafael, ang may kagagawan ng ng iyon. Naniwala
naman si Ibarra sa sinabi ni Padre Salvi.
Sa kanyang bayan, maraming interesanteng tao ang nakilala ni Ibarra, gaya
ng matalinong matandang Pilosopong Tasio, na ang kaisipan ay abante sa panahon
kung kaya't tinatawag siyang "Tasiong Baliw." ang progresibong guro na
nagreklamo kay Ibarra tungkol sa kakulangan ng maayos na paaralan para sa mga
bata nang sa gayo'y hindi mawala ang kanilang interes sa pag-aaral; ang walang
gulugod na gobernadorsilyo, na sunud-sunuran sa lahat ng kagustuhan ng kura
paroko; si Don Filipo Lino, ang tenyente mayor at pinuno ng pangkat na liberal ng
kanilang bayan; si Don Melchor, ang kapitan mga cuadrilleros (mga pulis ng bayan)
at mga dating gobernadorsilyo na iginagalang sa kanilang bayan—sina Don Basilio
at Don Valentin.
Isang trahedya sa nobela ang kuwento ni Sisa, na dati'y mayaman ngunit
naghirap dahil nakapangasawa ng isang sugarol. Nabaliw si Sisa dahil nawala ang
dalawang anak na lalaki, sina Basilio at Crispin. Ang mga bata ay sakristan sa
simbahan, nagtatrabaho para makatulong sa kanilang ina. Si Crispin, ang
nakababata, ay napagbintangan ng sakristan mayor na nagnakaw ng pera ng
kumbento. Bilang parusa, hinagupit siya nang hinagupit hanggang sa mamatay.
Samantala, nakatakas si Basilio na walang nagawa habang naririnig ang palahaw
ng kapatid na sinasaktan. Nang hindi umuwi ng tahanan ang mga anak, hinanap sila
ni Sisa sa lahat ng lugar at dala ng matinding pangungulila, nabaliw siya.
Sina. Kapitan Tiyago, Maria Clara, at Tiya Isabel (pinsan ni Kapitan Tiyago na
nag-alaga kay Maria Clara pagkaraang mamatay ang ina) ay dumating sa San
Diego. Nagbigay ng piknik sa may lawa si lbarra at kanyang mga kaibigan. Naroon
sa piknik sina Maria Clara at apat niyang kaibigan — "ang masayahing si Siñang,
ang supladang si Victoria, ang magandang si Iday, at ang maalalahaning si
Neneng," Tiya Isabel, na bantay ni Maria Clara; Kapitana Tika, nanay ni Siñang;
Andeng, kinakapatid ni Maria Clara; Albino, dating estudyante ng teolohiya na
umiibig kay Siñang; at si Ibarra at ang kanyang mga kaibigan. Ang bangkero ay
isang malakas at matipunong lalaking ang ngalan ay Elias.
Sa piknik na ito, iniligtas ni Ibarra ang buhay ni Elias. Matapang na
nakipaglaban si Elias sa buwayang nahuli sa pangisdaan. Ngunit nakipaglaban din
ang buwaya at di ito malupig ni Elias. Tumalon sa lawa si Ibarra at nailigtas niya si
Elias.
Sa piknik na ito, tumugtog ng alpa at umawit si Maria Clara bilang pagbibigay
sa kahilingan ng mga kaibigan.
Ang Awit ni Maria Clara
"Matamis ang mga oras sa lupang tinubuan,
Kung saan ang lahat ng minumutya'y pinagpala;
Hamog na nagbibigay-buhay ay laganap,
At ang kamataya'y pinalalambot ng haplos ng pag-ibig."

Mainit na halik mula sa mga labi ng ina,


Ginising kanyang mainit at masuyong dibdib;
Nang sa kanyang leeg, mumunting bisig ay yumakap,
Ngumiti ang mga mata sa pamamahagi ng pag-ibig.

"Matamis ang mamatay sa lupang tinubuan,


Kung saan ang lahat ng minumutya'y pinagpala;
Kamatayan ay hamog na malaganap
Kung walang ina, tahanan, o haplos ng pag-ibig."

Pagkaraan ng insidente sa buwaya at pag-awit ni Maria Clara, dumaong ang


mga nagpipiknik sa kakahuyan. Naroon din sina Padre Salvi, Kapitan Basilio (dating
gobernadorsilyo at ama ni Siñang), ang alperes (tenyente ng mga Guwardias
Civiles), at mga opisyal ng bayan. Nasiyahan silang lahat sa pananghalian:
Pagkatapos ng tanghalian, naglaro ng ahedres sina Ibarra at Kapitan Basilio
samantalang si Maria Clara at kanyang mga kaibigan ay naglaro ng "Gulong ng
Kapalaran," larong nakabatay sa isang aklat ng mga hula. Nang makita ito ni Padre
Salvi, kinuha niya ang aklat at sinira, sinabihan ang mga naglalaro na kasalanan
ang kanilang ginagawa. Di nagtagal, dumating ang isang sarhento at apat na
guwardya sibil at hinahanap si Elias dahil (1) sinuntok niya si Padre Damaso at (2)
inihagis niya ang alperes sa putikan. Mabuti't wala na roon si Elias kaya hindi siya
nadakip. Pagkaraa'y nakatanggap si Ibarra ng telegramang nagsasabing
inaprubahan ng mga awtoridad na Espanyol ang kanyang donasyon para sa isang
eskuwelahan para sa mga bata ng San Diego.
Kinabukasan, binisita ni Ibarra si Tandang Tasio para hingin ang payo nito
tungkol sa ipatatayong paaralan. Napuna niyang nagsusulat ang matanda sa
hiroglipiko at ipinaliwanag ni Tasio na sumusulat siya para sa susunod na salinlahi
nang sa gayo'y malaman nilang "Hindi lahat ay natutulog noong gabi ng ating mga
ninuno".
Hindi sang-ayon si Tasio sa proyekto ni Ibarra na magpatayo a paaralan na
gamit ay sariling puhunan. Ngunit itinuloy ang konstruksiyon sa ilalim ng
pamamahala ng arkitektong si Ñor Juan.
Samantala, abala ang San Diego sa paghahanda para sa pista ng patron ng
bayang si San Diego de Alcala, Nobyembre 11. Sa, bisperas ng pista, daan-daang
bisita mula sa mga kalapit bayan ang nagsidatingan, at mayroong tawanan, musika,
kuwitis, handaan, at moro-moro. Ang musika ay mula sa limang banda musiko
(kasama dito ang kilalang Banda Pagsanjan na pag-aari ng eskribanong si Miguel
Guevarra) at tatlong orkestra.
Isang misang-bayan ang pinamunuan ni Padre Salvi noong umaga ng pista.
Mahaba ang naging sermon ni Padre Damaso. Sa kanyang sermon, binalaan niya
ang taumbayan sa kasamaan ng ilang taong nakatikim lamang ng kaunting
edukasyon ay kung anu-anong ideya na ang ipinapasok sa isip ng ibang tao.
Pagkaraan ng sermon ni Padre Damaso, itinuloy ni Padre Salvi ang misa.
Nilapitan ni Elias si Ibarra, na nakaluhod at nagdarasal sa tabi ni Maria Clara, at
binalaan siyang maging maingat sa paglalagay panulukang bato ng paaralan.
Napag-alaman ni Elias na may gustong pumatay kay Ibarra.
Pinagsuspetsahan ni Elias ang lalaking dilaw na siyang binayaran ng mga
kaaway ni Ibarra. Tama ang kanyang suspetsa dahil sa gitna ng maraming tao ay
bumagsak ang panulukang bato. Mabilis pa sa kidlat, itinulak ni Elias nang palayo si
Ibarra at siyang nagligtas sa kanyang buhay. Ang dilaw na lalaki ang nadaganan ng
panulukang bato at namatay.
Isang malungkot na pangyayari ang naganap pagkatapos masaganang
hapunang handog ni Ibarra. Ang hambog na si Padre Damaso ay ininsulto ang
alaala ng ama ni Ibarra sa harap ng maraming panauhin. Hindi napigilan ni Ibarra
ang sarili, sinagpak niya si Padre Damaso, at sinuntok niya ito. Nang mabuwal ang
prayle ay inabot ni Ibarra ang isang kutsilyo at itatarak sana sa prayle kung di siya
naawat ni Maria Clara.
Dahil sa ginawa ni Ibarra, nasira ang kasunduang pakasal sila ni Maria Clara.
Naging excomunicado rin si Ibarra. Sa kabutihang-palad, ang gobernador-heneral
na bumisita sa San Diego at naging kaibigan ni Ibarra ay isang liberal. Nangako ito
na kakausapin niya ang Arsobispo ng Maynila nang sa gayo'y tanggalin na si Ibarra
sa pagiging excomunicado. Sinabi rin niya kay Kapitan Tiyago na tanggapin si
Ibarra na maging manugang.
Natapos ang pista, at nagkasakit si Maria Clara. Ginamot siya ni Tiburcio de
Espadaña, ang pekeng doktor na ang asawa ay isang mayabang at bulgar na
katutubong babaing may ilusyon na siya'y isang Espanyol kaya ganoon na lamang
kababa ang pagtingin niya sa kapwa Pilipino. Dinagdagan pa niya ng "de" ang
apelyido ng asawa nang sa gayo'y maging mas Espanyol ang tunog ng kanyang
ngalan-Doctora Doña Victorina de los Reyes de De Espadaña. Ipinakilala niya kay
Kapitan Tiyago ang isang binatang Espanyol, si Don Alfonso Linares de Espadaña,
pinsan ni Tiburcio at inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Walang trabaho ni isang
kusing si Linares, at naghahanap siya ng mayamang mapangangasawa. Botong-
boto sa kanya sina Doña Victorina at Padre Damaso para maging kasintahan ni
Maria Clara ngunit hindi ito pinapansin ng dalaga dahil ang mahal niya ay si Ibarra.
Naging katawa-tawang pangyayari sa nobela ang pag-aaway ng dalawang
eskandalosang señora- sina Doña Consolacion ang bulgar na asawa ng alperes, at
Doña Victorina, ang magarbong manamit na asawa ng sunud-sunurang pekeng
doktor. Nagbatuhan muna sila ng mga mapang-insultong salita bago
nagkasagupaan sa kalsada. Mabuti't naparaan si Padre Salvi at naawat sila, bagay
na ikinalungkot ng mga nanonood ng katawa-tawang away na ito.
Ang kuwento ni Elias ay tulad ng kay Sisa, malungkot at puno no trahedya.
Isinalaysay niya ito kay Ibarra. Animnapung taon na ang nakaraan, ang nuno ni
Elias, na noo'y isang tenedor-de-libro (bookkeeper) sa isang komersiyal na
tanggapan sa Maynila, ay napagbintangang nanunog ng kanilang bodega. Dahil
dito, hinagupit siya sa harap ng taumbayan, hinagupit siya nang hinagupit hanggang
sa malumpo't halos mamatay na. Ang kanyang asawa, na noo'y buntis, ay
nanlilimos na't nagbebenta ng katawan para lamang masuportahan ang maysakit na
asawa at kanilang anak. Pagkaraang magsilang sa pangalawang anak at mamatay
ang asawa, dinala ng babae ang kanyang mga anak sa kabundukan at doon na
nanirahan.
Pagkaraan ng ilang taon, ang panganay ay naging isang tulisan, ang
kinatatakutang si Balat. Nang mahuli ito ng mga awtoridad, pinugutan ito ng ulo, at
ang ulo'y isinabit sa isang puno sa gubat. Nang makita ito, namatay sa sama ng
loob ang kanyang ina (lola ni Elias).
Ang nakababatang kapatid ni Balat ay umalis sa kanilang tahanan sa
kabundukan at nagtrabaho para sa isang mayaman sa Tayabas. Umibig siya sa
anak ng amo. Nagalit ang ama ng babae nang malaman ang pag-iibigan kaya
ipinaimbestigahan niya ang lalaki (tatay ni Elias). Natuklasan ang nakaraan ng
binata at ipinakulong ng ama ang tatay ni Elias. Samantala, ang babae'y nanganak
ng kambal- isang lalaki (si Elias) at isang babae. Inalagaan sila ng kanilang lolo
ngunit mahigpit niyang iningatan ang lihim ng kanilang eskandalosong nakaraan
kaya lumaki sa yaman at ginhawa ang magkapatid. Nag-aral si Elias sa isang
Heswitang kolehiyo sa Maynila samantalang ang kapatid na babae ay sa Kolehiyo
ng La Concordia nag-aral. Naging masaya ang kanilang buhay hanggang
mabunyag ang kanilang lihim dahil sa usaping perang kinasasangkutan ng isang
malayong kamag-anak na siyang nagsabi katotohanan sa kambal. Isang matandang
katulong na lalaki- na kanila palang ama--ang siyang nagpatunay ng lahat ng ito.
Umalis ng Tayabas si Elias, kasama ang kapatid na babae. Isa araw, nawala
ang babae at nang matagpua'y patay na ito sa may dalampasigan ng San Diego.
Mula noon, naging lagalag si Elias, naglalakbay sa mga lalawigan-hanggang sa
makilala si Ibarra.
Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga kaaway ni Ibarra. Nagplano sila ng
pananalakay sa himpilan ng mga Guardias Civiles. At bago maganap ang
pananalakay, binalaan nila ang alperes. Nilinlang nila ang mga mananalakay at
sinabing ang utak sa likod nito ay si Ibarra. Kaya nang masugpo ang pananalakay at
mahuli ang mga tauhan dito, si Ibarra ang unang napagsuspetsahan at hinuli.
Nang malaman ni Elias ang pagkakadakip kay Ibarra, nagtungo ito sa bahay
ng huli at sinunog ang lahat ng papeles na magiging ebidensiya laban sa kanyang
kaibigan. Pagkaraan ay nagtungo siya sa kulungan at tinulungan si Ibarra na
makatakas. Sakay ng bangkang puno ng damong sakate, dumaan ang dalawa sa
bahay ni Kapitan Tiyago para magpaalam kay Maria Clara. Sinabi ni Ibarra na
pinatatawad niya si Maria Clara dahil ibinigay ng dalaga ang liham ng kasintahan sa
mga awtoridad na siya namang ginamit na ebidensiya laban kay Ibarra. Sinabi
naman ni Maria Clara, ginawa niya iyon dahil ayaw niyang yurakan ang alaala ng
ina. Kapalit ng liham ni Ibarra ay liham ng yumaong ina na ibinigay sa kanya ni
Padre Salvi. Nakasaad sa liham na ang tunay na ama ng dalaga ay si Padre
Damaso.
Pagkaraang magpaalam, nagpatuloy sina Elias at Ibarra sa pagbagtas sa Ilog
Pasig patungong Laguna de Bay. Isang bangka mga awtoridad ang tumutugis sa
kanila. Sinabihan ni Elias si Ibarra na magtago sa ilalim ng mga sakate. At nang
papalapit na ang tumutugis ay tumalon si Elias at mabilis na lumangoy papuntang
pampang. Sa ganitong paraan, iisipin ng mga awtoridad na si Ibarra ang siyang
tumatakas. Pinagbabaril ng mga awtoridad ang lumalangoy na si Elias. Tinamaan
ng isang punglo si Elias. Nang mamula ang tubig, inakala ng mga pulis na napatay
na nila ang tumatakas na si Ibarra.
Kahit malala ang sugat, narating din ni Elias ang pampang at nagtuloy siya sa
gubat. Doon niya nakita si Basilio, na tumatangis sa bangkay ng ina. Inutusan niya
si Basilio na mangalap ng mga tuyong sanga nang sa gayo'y masigaan ng bata ang
kanilang mga bangkay. Bisperas ng Pasko noon at maliwanag ang buwan.
Tumingin si Elias sa silangan at winika: "Mamamatay akong hindi nakikita ang
pagliwanag ng bukangliwayway sa aking lupang tinubuan. Kayong mga makasaksi
ay malugod ninyong tanggapin ito ngunit huwag ninyong kalimutan ang mga
nalugmok noong gabi!"
Ang nobela ay may epilogo na nagsasalaysay ng mga nangyari sa buhay ng
ibang tauhan. Si Maria Clara, dahil sa pagiging tapat sa alaala ni Ibarra, ang lalaking
tunay niyang minahal, ay pumasok sa Kumbento ng Santa Clara. Nilisan ni Padre
Salvi ang San Diego at naging kapelyan ng kumbento. Nalipat sa malayong
lalawigan si Padre Damaso ngunit kinaumagahan ay natagpuan siyang patay na sa
kanyang silid. Si Kapitan Tiyago, na dati'y mahusay sa pagtanggap ng mga
panauhin at mapagbigay na patron ng simbahan, ay nalulon sa apyan at
napabayaan na nang husto ang kanyang kalusugan. Si Doña Victorina na patuloy
pa rin sa pagtrato nang di-mahusay kay Don Tiburcio ay nagsasalamin na dahil
nanlalabo ang mga mata. Si Linares, na nabigo sa pag-ibig ni Maria Clara, ay
namatay sa sakit na disenterya at inilibing sa sementeryo ng Paco.
Ang alperes, na nagtagumpay sa pagsansala ng pananalakay sa kuta, ay
itinaas ang ranggo sa pagiging komandante. Nagbalik siya sa Espanya iniwan ang
kanyang kalaguyong şi Doña Consolacion.
Ang nobela ay nagwakas kay Maria Clara, na malungkot na madre ng
kumbento ng Santa Clara, tuluyan ng nawala sa mundo.
Batay sa Katotohanan ang Noli. Kaiba sa mga literaturang kathambuhay,
ang Noli Me Tangere ay isang totoong kuwento mga kalagayan sa Pilipinas noong
mga huling dekada kolonyalismong Espanyol, at ang mga sitwasyon dito ay totoong
naganap. "Totoo ang mga isinulat ko sa nobela," sabi ni Rizal "Mapatutunayan ko
iyan."
Ang mga tauhan sina Ibarra, Maria Clara, Elias, Tasio, Kapitan Tiyago, Padre
Damaso, Padre Salvi, atbp.—ay halaw sa mga taong nabuhay nang panahong iyon.
Si Maria Clara ay si Leonor Rivera, na bagaman sa totoong buhay ay hindi naging
tapat kay Rizal at nagpakasal sa isang Ingles. Sina Ibarra at Elias ay si Rizal mismo.
Si Pilosopong Tasio ay ang nakatatandang kapatid na si Paciano. Si Padre Salvi,
ayon sa mga Rizalista, ay si Padre Piernavieja, ang kinamumuhiang prayleng
Agustino ng Cavite na napatay ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng
himagsikan. Si Kapitan Tiyago ay si Kapitan Hilario Sunico ng San Nicolas. Si Doña
Victorina ay si Doña Agustina Medel. Ang magkapatid na Basilio at Crispin ay ang
magkapatid na Crisostomo ng Hagonoy. Si Padre Damaso ay tipikal na
dominanteng prayle -arogante, imoral, at laban na laban sa mga Pilipino noong
panahon ni Rizal.
Ang Nawawalang Kabanata ng Noli. Sa orihinal na manuskrito ng Noli Me
Tangere, may kabanatang pinamagatang "Elias at Salome" na kasunod ng
Kabanata XXIV—"Sa Kakahuyan." Ang partikular na kabanata ay tungkol kina Elias
at Salome na inalis ni Rizal kaya hindi naging bahagi ng nailathalang nobela. Ang
dahilan kung bakit niya ito inalis ay pagtitipid. Sa pagbawas ng pahina ng
manuskrito, ang halaga ng pagpapalimbag ay bumaba. Ito ang nawawalang
kabanata:
Sa kubo, sa may mapayapang lawa, tinatahi ni Salome, isang magandang
dalagita, ang makulay na kamisa. Hinihintay niya ang pagdating ni Elias. Maganda
siya, "gaya ng mga bulaklak na tumutubo sa kaparangan, hindi kaagad napapansin
ngunit gumaganda nang gumaganda habang pinagmamasdan." Nang makarinig ng
yabag, inilapag niya ang tinatahi, nagtungo sa may kawayang hagdan kung saan
nakatayo si Elias na may bitbit na panggatong at isang buwig ng saging. Inilapag ng
binata ang saging at inabot sa dalaga ng kunikislot pang dalag.
Napuna ni Salome na malungkot at tila may malalim na iniisip anyang
minamahal. Inaliw niya ito; tinanong ang kababaihan sa piknik na ginambala ng mga
Guardias Civiles na naghahanap sa kanya. Masaya namang sumagot si Elias,
marami ngang magagandang dalaga, kabilang na si Maria Clara, ang kasintahan ng
mayamang binatang kararating lamang mula Europa.
Pagkaraan, tumayo si Elias at nagpaalam, "Salome, kailangan ko nang
umalis. Papalubog na ang araw at di na magandang tingnan na tayo lamang dalawa
ang naririto sa pagsapit ng dilim: "Napuna niyang lumuluha ang babae: "Huwag
kang umiyak. Huwag mong ikubli ang iyong mga luha sa iyong ngiti. Umiiyak ka, di
ba?"
Lumuluha nga si Salome dahil kailangan na niyang iwan ang kubong
kinalakihan niya. Paliwanag niya: "Hindi marapat na ako'y nag-iisa rito. Pipisan ako
sa'king mga kamag-anak sa Mindoro. Mababayaran ko rin ang utang na ipinamana
ni Inang sa akin nang siya'y namatay. Ang isakripisyo ang bahay na ito na
sinilangan at kinalakihan ko ay labis pa sa pag-alay sa sarili. Darating ang unos at
lahat ay babalik sa lawa…”
Saglit na di nakaimik si Elias, at pagkaraa'y yinakap si Salome at nagtanong:
"Mayroon bang nagsalita nang masama laban sa iyo? Binigyan ba kita ng mga
alalahanin? O baka naman naaawa ka na sa'ting pagkapagkaibigan at gusto mong
hiwalayan na kita." Sumagot si Salome: "Huwag kang magsalita nang ganyan. Batid
ng Diyos na kuntento na ako sa mga nangyayari sa'kin ang nais ko lang ay
kalusugan nang ako'y makapagtrabaho. Hindi ako naiinggit sa mayayaman, sa
kanilang yaman, ngunit ..."
"Ngunit ano?"
"Wala. Hindi ako naiinggit sa kanila hanggang tayo'y magkaibigan."

"Salome," malungkot na sagot ng binata, "batid mo ang malupit na nakaraan


at mga kamalasang di ko naman gawa. Kanya nga't ayokong sapitin ng mga
magiging anak ko ang aking naranasan, ang naranasan ng aking kapatid na babae.
Kungdi napangasawa na kita sa mata ng Diyos. Ngunit dahil ibig, para sa
kapakanan ng magiging pamilya ko, sinumpa aking sarili na hindi ko ipamamana sa
aking magiging anak ang ipinamanang pait at dusa ng aking ama. Kaya mabuti na
ganito dahil alam kong di mo rin gugustuhing marinig ang pagdaing ng ating mga
anak. Makabubuti ngang pumaroon ka na sa'yong mga kamag-anak. Kalimutan mo
na ako, kalimutan mo na ang ating pagmamahalan at wala itong mararating.
Maaaring makatagpo ka roon ng lalaking makabubuti sa'yo."
"Elias," sabi ng dalaga.
"Hindi mo ako naiintindihan. Wala akong karaingan sa'yo. Sundin mo ang
aking payo, pumisan ka sa iyong mga kamag-anak ... Dito'y tanging ako lang ang
mayroon ka at darating ang araw na maaabutan din ako ng mga tumutugis sa akin,
at maiiwan kang nag-iisa. Maganda ka't bata pa kaya makatatagpo ka ng mabuting
mapapangasawa dahil di mo pa alam kung paano ang makisalo sa buhay ng lalaki."
"Iniisip kong baka gusto mong sumama sa'kin," mahinang sabi ni Salome.
"Ah," sagot ni Elias na umiling pa ang ulo, "huli na ang lahat. Hindi ko pa
natatagpuan ang hinahanap ko - imposible ito. Ngayon, isinanla ko na ang aking
kalayaan."
Ikinuwento ni Elias ang nangyari noong umaga ng piknik, kung paano siya
iniligtas ni Ibarra sa bunganga ng buwaya. Bilang pagtanaw ng utang na loob,
ipinangako niyang babayaran niya ang kabutihan ni Ibarra, maging katumbas nito'y
sariling buhay. Ipinaliwanag din niyang saan man siya magpunta, kahit sa Mindoro,
matutuklasa't matutuklasan ang kanyang kahapon.
Kung gayon," masuyong sabi ni Salome, "kapag ako'y wala dito ka na
manirahan. Sa gayo'y lagi mo akong maaalala, at iwawaglit ko sa aking isip na
dinagit at dinala ng bagyo sa lawa ang aking kubo. Kapag iniisip ko ang lawang ito,
maaalala kita at ang aking kubo. Matulog ka kung saan ako natutulog at
panaginipan mo para na rin akong nasa piling mo."
"Babae, huwag mong hayaang makalimot ako," malungkot na yinakap ni Elias
si Salome.
Mabigat sa pusong kumawala siya sa mga bisig ng dalaga, at tinahak niya ang
mapanglaw na landas na tinatanuran ng mga anino ng malulungkot na puno.
Sinundan siya ng tingin ni Salome, hanggang sa di na siya maaninag, hanggang sa
di na marinig ang kanyang mga yabag.
Pinuri ng mga Kaibigan ni Rizal ang Noli. Pinuri ng mga kaibigan ni Rizal
ang nobela. Tulad ng inaasahan, kinondena naman ito ng mga kaaway niya.
Inaasahan naman ito ni Rizal dahil ayaw ng mga kaaway niya ang maisawalat ang
katotohanan. Gaya ng sinabi niya kay Blumentritt: "Ang pamahalaan at mga prayle
ay malamang na atakihin ang aking isinulat, pabulaanan ang aking mga pahayag,
ngunit nagtitiwala ako sa Diyos ng Katotohanan at sa mga taong tunay na nakasaksi
sa aming pagdurusa."
Sa mga liham ng pagbating natanggap ni Rizal mula sa mga kaibigan tungkol
sa Noli, yaong mula kay Blumentritt ang pinakamahalaga: "Una sa lahat," isinulat ni
Blumentritt, "tanggapin mo ang aking malugod na pagbati para sa iyong magandang
nobela tungkol sa mga kaugaliang interesante ako. Ang iyong isinulat, gaya ng sabi
naming mga Aleman, ay gawa mula sa dugo ng puso, at kaya naman ang puso ang
nagsasalita. Ipagpapatuloy ko ang pagbasa nang may buong interes, at hinihiling ko
sa'yo na magbigay ng paliwanag sa ilang salitang filibuster na alam kong may
partikular na kahulugan sa Pilipinas na di ko makita sa mga Espanyol ng peninsula
ni sa mga Espanyol ng Amerika."
"Alam ko," pagpapatuloy ni Blumentritt," na ikaw ay biniyayaan ng kakaibang
talino (sinabi ko ito kay Pardo de Tavera, at naman ito sa maikling panahong
natutunan mo ang aming komplikado at mahirap na wika); at sa kabila nito, ginulat
mo pa rin ako sa iyong nobela at ikinararangal kong maging kaibigan mo. Di lamang
ako kundi pati ang mga kababayan mo ay masuwerte sa pagkakaroon ng matapat
na anak na tulad mo. Kung ipagpapatuloy mo ang iyong ginagawa, magiging isa ka
sa mga dakilang taong nagkaroon ng mahalagang impluwensiya sa pagbabagong
espiritwal ng iyong mo kababayan."
Sa London, nabasa ni Dr. Antonio Ma. Regidor ang Noli at totoong humanga
siya sa awtor nito. Si Antonio Ma. Regidor ay makabayang Pilipino at abogadong
ipinatapon dahil sa pagkakasangkot sa Pag-aalsa ng Cavite noong 1872. Noong
Mayo 3, 1887, binati at pinuri niya si Rizal: "Kung ang Quixote ang nagbigay ng
buhay sa awtor nito dahil inilahad nito sa buong mundo ang mga sakit ng Espanya,
ang iyong Noli Me Tangere ay magbibigay din sa iyo ng kaukulang kaluwalhatian.
Dahil sa iyong mababang-loob at angkop na pagsusuri, tinaga mo ang matandang
punong marungis at nabubulok na. Bawat Pilipinong makabayan ay babasahin nang
may buong interes ang iyong aklat, at kapag natuklasan sa bawat linya nito ang
ideyang makatotohanan at sa bawat salita, ang makabuluhang payo, magkakaroon
siya ng inspirasyon at tatanghalin niya ang iyong aklat na obra maestra ng isang
Pilipino at ang patunay na yaong nagtuturing sa atin na walang kakayahang
makalikha ng dakilang talino ay sasabihin nating nagkakamali o nagsisinungaling."
Kabanata 9
Paglalakbay ni Rizal sa Europa Kasama si Viola
(1887)
Pagkaraang mailathala ang Noli, nagbalak si Rizal na bisitahin ang
mahahalagang lugar sa Europa. Napapayag niyang sumama si Dr. Maximo Viola.
Natanggap ni Rizal ang padalang P1,000 ni Paciano, sa kagandahang-loob ni Juan
Luna na nasa Paris at siyang nakatanggap ng pera. Kaagad na binayaran ni Rizal
ang utang niyang P300 kay Viola na ginamit niya sa pagpapalimbag ng Noli.
Nabayaran na ang utang at may sapat pang perang natitira, handa na si Rizal na
makita ang ibang lugar sa Europa bago umuwi sa Calamba. Unang-una nilang
binisita ni Viola ang Potsdam, lungsod na malapit sa Berlin, na pinasikat ni Frederick
ang Dakila.
Nagsimula ang paglalakbay. Noong madaling-araw ng Mayo 11, 1887,
nilisan nina Rizal at Viola —dalawang kulay-kayumangging doktor na manlalakbay
ang Berlin, lulan ng tren. Ito ang mainam na panahon ng paglalakbay. Malapit na
ang tagsibol, at sa buong Europa nagsisimula na ang pamumulaklak, nagiging
luntian muli ang kaparangan, at nagiging abala na rin sa buong kapaligiran. Ayon
kay Viola, kasama sa bagahe ni Rizal ang lahat ng liham na natanggap niya Mula
sa kanyang pamilya at kaibigan. Ang kanilang destinasyon ay Dresden, isa sa
pinakamagandang lungsod sa Alemanya."
Dresden. Nagluwat sina Rizal at Viola ng ilang araw sa Dresden. ang
pagbisita nila ay nataon sa rehiyonal na eksposisyon ng mga bulaklak. Si Rizal, na
may interes sa botanika, ay nag-aral ng iba’t ibang uri ng mga halamang may
kakaibang ganda at laki. Dinalaw nila si Dr. Adolph B. Meyer, na masayang-
masayang makita sila. Sa Museo ng Sining, na binisita rin nila, humanga nang
husto si Rizal sa larawang Prometheus Bound at naalala niya ang representasyon
ng ganoong ideya sa galerya ng sining sa Paris.
Habang namamasyal sa pinagdarausan ng Eksposisyon ng Bulaklak, nakita
nila si Dr. Jagor. Nang malaman nito ang kanilang planong pumunta sa Leitmeritz
(ngayo'y Litomerice, Czechoslovakia) upang kitain si Blumentritt, pinayuhan silang
telegramahan muna si Blumentritt para di lubhang magulat ang matandang
propesor sa una nilang pagkikita.
Ang Teschen (ngayo'y Decin, Czechoslovakia) ang susunod nilang
pupuntahan pag-alis nila ng Dresden. Tumelegrama sina Rizal at Viola kay
Blumentritt sunod sa payo ni Dr. Jagor.
Unang Pagkikita nina Rizal at Blumentritt. Noong Mayo 13, 1887, ala una y
media ng hapon, narating ng tren ang estasyon ng Leitmeritz, Bohemia. Dahil
natanggap ang telegrama, nasa estasyon si Propesor Blumentritt para salubungin
sina Rizal at Viola. Dala ng propesor ang larawang-guhit ni Rizal sa sarili nang sa
gayo'y makilala ang kanyang Pilipinong kaibigan. Malugod niyang tinanggap sina
Rizal at Viola.
Sa unang pagkakataon, ang dalawang iskolar-sina Rizal at Blumentritt—na
nagkilala sa pamamagitan ng sulat ay nagkita ng personal. Nagbatian at
nagkumustahan sila sa wikang Aleman. Si Blumentritt ay isang mabuting
Austriyanong propesor. Itinuring ni Blumentritt na parang tunay na anak si Rizal sa
una pa lamang nilang pagkikita.
Mabuting maybahay, tinulungan ni Blumentritt sina Rizal at Viola na
makakuha ng kuwarto sa Hotel Krebs. Pagkaraan, dinala niya ang mga ito sa
kanyang bahay para makilala ng kanyang asawa pamilya. Nasiyahan ang dalawang
turistang Pilipino sa kanilang pagbisita kay Blumentritt. Tumigil sila sa Leitmeritz
mula Mayo 13 hanggang Mayo 16, 1887.
Magagandang Alaala ng Leitmeritz. Maraming magagandang alaala si Rizal
sa pagbisita sa Leitmeritz. Masaya siya sa malugod na pagtanggap sa kanila ng
mag-anak na Blumentritt. Ang asawang propesor na si Rosa ay mahusay magluto,
at naghanda siya ng masarap na lutuing Austriyano na gustong-gusto ni Rizal. Ang
kanyang mga anak ay sina Dolores (tinatawag na Dora o Dorita ni Rizal), Conrad, at
Fritz.
Pinatunayan ni Blumentritt na mahusay siyang mag-estima ng bisita. Ipinakita
niya sa kanyang mga bisita ang magaganda at makasaysayang tanawin. Isang
hapon, inanyayahan niya ang mga ito sa isang beer garden kung saan mayroon ng
pinakamasarap na beer sa Bohemia. Sa isang mesang malapit sa kinauupuan nila,
pinaguusapan ang pagkakaroon ng daang-bakal na daraan sa kalapit-bayan. Isa sa
mga naroon ay ang burgomaster (alkalde ng bayan) ng naturang bayan. Kilala ni
Blumentritt ang burgomaster kaya nilapitan niya ang mga nasa kalapit-mesa at
ipinakilala ang dalawang Pilipinong kaibigan. Nakipagusap si Rizal sa wikang
Aleman kaya napahanga, niya ang burgomaster at mga kaibigan nito. Tinanong ng
burgomaster kung gaano katagal niyang natutunan ang wikang Aleman: Sagot ni
Rizal."Labing-isang buwan, Ginoo." Lalo niyang napahanga ang burgomaster at
sinabi niya kay Rizal na bibihira ang may ganoong talento. Niyakap ni Blumentritt si
Rizal at sinabing iilan lamang Aleman ang nakapagsasalita ng sariling wika ng tulad
sa ginagawa ni Rizal.
Isang hapon, inanyayahan ng Samahang Turista ng Leitmeritz, na kung saan
si Blumentritt ang kalihim, sina Rizal at Viola. Bumigkas si Rizal ng talumpati sa
wikang Aleman. Pinuri niya ang magagandang tanawin ng Austria, pagiging magiliw
sa panauhin at mapagmahal ng mga Aleman sa kalikasan, at pagiging marangal ng
mga tao rito. Pinalakpakan ng mga nakikinig si Rizal dahil sa kanyang kagalingang
magsalita sa wikang Aleman.
Dahil gusto niyang maalala ang masasayang oras sa tahanan ni Blumentritt,
gumuhit si Rizal ng larawan ng propesor, at ibinigay ito rito. Tuwang-tuwa si
Blumentritt nang matanggap ang regalo ni Rizal.
Sa Leitmeritz, nakilala rin ni Rizal ang bantog na siyentipikong si Dr. Carlos
Czepelak. Dinala ni Blumentritt si Rizal sa tahan ni Czepelak, at doo'y nakausap
niya ang iskolar na Polano. Ipinakilala rin ni Blumentritt si Rizal kay Propesor Robert
Klutschak, banta naturalista.
Sa huling gabi sa Leitmeritz, bilang pagkilala at pasasalamat sa kabutihang-
loob ni Blumentritt, naghandog ng hapunan sina Rizal at Viola—isa na ring paraan
ng pamamaalam-sa kanilang otel.
Noong Mayo 16, 9:45 ng umaga, nilisan nina Rizal at Viola ang Leitmeritz
lulan ng tren. Nasa estasyon si Blumentritt, kasama ang kanyang asawa at mga
anak, para ihatid ang dalawa, at di nila mapigilang lumuha habang dahan-dahang
tumatakbo papalayo ang tren.
Kipkip ni Rizal hanggang kanyang libingan ang magagandang alaala ng
kanyang pagbisita sa Leitmeritz. Sa kanyang liham kay Blumentritt, na isinulat niya
sa Vienna noong Mayo 24, 1887, ipinahayag ni Rizal ang kanilang pag-aalala sa
karamdaman ni Dora, ang anak na babae ng propesor. "Nalulungkot kami ni Viola,"
sabi ni Rizal, "dahil ang aming munting kaibigang si Dora ay may sakit. Naaalala pa
namin ang kanyang maliliit na asul na mata; parang naririnig pa namin ang masaya
niyang halakhak, at nakikita namin ang maliliit niyang ngipin. Kawawang Dorita!
Nakita ko pa siyang humabol sa tren nang kami'y papaalis! Taos-puso kong
idinadalangin ang kanyang paggaling."

Sa isang liham mula Brunn, Austria noong Mayo 19, 1887: tatlong araw
pagkaraang lisanin ang Leitmeritz, isinulat ni Rizal say Blumentritt: "Kayong aking
mga kaibigan sa Leitmeritz ay laging nasa isip ko at sasabihin ko sa sarili; Hindi ka
nag-iisa, Rizal, sa isang sulok ng Bohemia ay may mabubuti, mararangal, at
palakaibigang kaluluwang tulad mo, isipin mo sila; ituring na sila'y kasama mo, na
kapag nakita ka nila'y natutuwa sila, at kasama mo rin silang luluha sa iyong mga
pagdurusa ... ihalik mo ako sa mga bata, batiin mo ang iyong asawa para sa akin, at
sa iyong butihing ama at mga kaibigan sa Leitmeritz. Sa aking puso, ako'y
naninirahan sa Leitmeritz na tulad mo'y para ring isang Pilipino sa mga
sentimiyento. Naniniwala akong mananatili sa aking puso ang Austria." Sa liham
ding ito, sinabi ni Rizal kay Blumentritt na nalimutan niya ang kanyang diyamanteng
alpiler sa kanyang kuwarto sa Otel Krebs.
Prague. Pagkaraan ng Leitmeritz, binisita nina Rizal at Viola ang
makasaysayang siyudad ng Prague. Dala nila ang mga liham ng rekomendasyon
mula kay Blumentritt para kay Dr. Willkomm, propesor ng likas na kasaysayan sa
Unibersidad ng Prague. Tinanggap sila ng mabuti ng propesor, kanyang asawa at
mga anak na babae. Ipinasyal nila ang dalawang Pilipino sa mga makasaysayang
lugar sa siyudad.
Binisita nina Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus, ang kilalang astronomo;
museo ng likas na kasaysayan; mga laboratoryong bakteriolohikal; bantog na
kuwebang pinagkulungan kay San Juan Nepomuceno; at tulay kung saan itinapon
ang santo.
Pagkaraang magpaalam kay Propesor Willkomm at sa pamilya nito, nagpunta
ang dalawang turista sa Brunn. Ayon kay Viola, "walang mahalagang nangyari" sa
lungsod na ito.
Vienna. Noong Mayo 20, narating nina Rizal at Viola ang magandang lungsod
ng Vienna, kabisera ng Austria-Hungary. Pinabantog ng awit at kuwento, binighani
ng lungsod na ito si Rizal dahil sa naggagandahang gusali rito, imaheng
panrelihiyon at kakaibang halina. Ang Vienna ay tunay na "Reyna ng Danube."
Sina Rizal at Viola, na may dalang liham ng rekomendasyon mula kay
Blumentritt, ay nakipagkita kay Norfenfals, isa sa pinakamahusay na nobelista sa
Europa nang panahong iyon. Ang dakilang nobelistang Austriyano ay napahanga rin
ni Rizal, at nasabi niya pagkaraan ng ilang taon na si Rizal ay "isang henyong
hinahangaan niya."
Sa Vienna, natanggap ni Rizal ang nawawala niyang diyamanteng alpiler,
Natagpuan ito ng isang katulong ng Otel - at ibinigay kay Blumentritt, na siya
namang nagpadala nito kay Rizal sa Vienna.
Tumuloy sina Rizal at Viola sa Otel Metropole. Binisita nila ang mga
interesanteng lugar ng siyudad, gaya ng mga simbahan, museo, galerya ng sining,
teatro, at liwasang pampubliko. Nakilaia nila ang dalawang mabuting kaibigan ni
Blumentritt --- sina Masner at Nordmann, mga Austriyanong iskolar.
Paglalakbay sa Danube Papuntang Lintz. Noong Mayo 24, nilisan nina
Rizal at Viola ang Vienna lulan ng bangka nang sa gayo'y makita nila ang
magagandang tanawin ng Ilog Danube. Habang naglalakbay sila sa bantog na ilog,
napuna ni Rizal ang kakaibang tanawin —mga gabarang punung-puno ng mga
produkto, mga bulaklak at halamang tumutubo sa may pampang ng ilog, mga
bangkang tahanan ng ilang pamilya, at mga kakatuwang bayan sa may pampang.
Napuna niyang ang mga pasahero ng bangka ay gumagamit ng papel na napkin
kapag kumakain, at ito ay bago sa kanya. Nasabi ni Viola na ang papel na napkin
ay "mas malinis at mas matipid na gamitin kaysa telang napkin."
Mula Lintz Patungong Rheinfall. Nagtapos ang paglalakbay sa ilog sa Lintz.
Nagbiyahe sila patungong Salzburg, at mula roo’y patungong Munich kung saa'y
sandali silang tumigil para tikman ang ipinagmamalaking Munich beer na sinasabing
pinakamasarap sa buong Alemanya.
Mula Munich, nagtungo sila sa Nuremberg, isa sa pinakamatandang lungsod
sa Alemanya. Nakita nila rito ang kakila-kilabot na makinang pananakit na ginamit
ng Inkisisyon. Pinag-aralan ni Rizal ang mga makinang ito. Namangha rin sila ni
Viola sa paggawa ng mga manyika na isa sa pinakamalaking industriya ng lungsod .
Pagkatapos sa Munich, nagtungo sila sa Ulm. Ang katedral ng lungsod na ito
ang "pinakamalaki at pinakamataas sa buong nya." Isinalaysay ni Viola na inakyat
nila ni Rizal ang daan-daang baitang nito. Bago makarating sa tore, makalawang
beses na naliyo at kailangang magpahinga ni Viola. Samantala, dire-diretsong
umakyat si Rizal hanggang sa makarating sa tuktok.
Mula Ulm, nagtungo sila sa Stuttgart, Baden, at pagkaraa'y Rheinfall (Talon ng
Rhine). Sa Rheinfall, nakita nila ang talon, "ang pinakamagandang talon sa Europa."
Pagtawid sa Hangganan Patungong Switzerland. Mula Rheinfall, tinawid
nila ang hangganan patungong Schaffhausen, Switzerland. Tumigil sila sa lungsod
na ito mula Hunyo 2 hanggang 3,1887. Ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay
at nagtungo sila sa Basel (Bale), Bern, at Lausanne.
Geneva. Pagkaraang pasyalan ang magagandang tanawin sa Lausanne,
sumakay ng bangka sina Rizal at Viola para tawirin ang maulap na Lawa ng Leman
sa Geneva. Ang Swisang lungsod na ito ay isa sa pinakamagandang lungsod sa
Europa na binibisita ng mga dayuhang turista taun-taon. Ang mga tag-Geneva ay
mga lingguwista, nagsasalita ng Pranses, Aleman, at Italyano. Nakikipagusap si
Rizal sa kanila sa mga wikang ito...
Bukod sa pamamasyal sa magagandang tanawin, namangka sin sina Rizal at
Viola. Naipakita ni Rizal ang kanyang husay sa paggaod ng bangka, isang bagay na
natutunan niya noon sa Calamba.
Noong Hunyo 19, 1887, niyaya ni Rizal si Viola sa isang magandang
tanghalian dahil ito ang kanyang ika-26 na kaarawan.
Sina Rizal at Viola ay tumigil ng labinlimang masasayang araw Geneva.
Noong Hunyo 23, naghiwalay na sila --- nagbalik si Viola sa Barcelona at
ipinagpatuloy ni Rizal ang paglalakbay sa Italya.
Ikinagalit ni Rizal ang Eksibisyon ng mga Igorot Eksposisyon sa Madrid
noong 1887. Habang nasa biyahe si Rizal kasama si Dr. Viola, nagkaroon ng
Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid, Espanya. Nang nasa Geneva (Switzerland),
nakarating kay Rizal ang balita—tungkol sa kalunus-lunos na kalagayan ng Igorot
na ginawang bahagi ng eksibisyon, ang ila'y nangamatay at ang kasuotang bahag
at krudong armas ay pinagtatawanan at nilait ng mga Espanyol at mamamahayag-
mula sa mga kaibigan sa Espanya.
Dahil kampeon ng dignidad ng sangkatauhan, ikinagalit ni Rizal ang ganitong
panlalait sa mga kababayang Igorot ng Hilagang Luzon. Sa kanyang liham sa
kaibigang si Blumentritt na isinulat niva sa Geneva noong Hunyo 6, 1887, sinabi
niya:
"Ang aking mga kawawang kababayan (ang mga Igorot — Z.) ay nakaeksibit
ngayon sa Madrid at nilalait-lait ng mga pahayagang Espanyol, maliban sa El
Liberal na nagsasabing hindi makatao, at pagyurak sa dignidad ng tao ang itanghal
nang parang mga hayop at halaman. Ginawa ko ang lahat ng maaaring gawin para
mapigil ang ganitong paghamak sa kalagayan ng aking mga kalahi, ngunit hindi ako
nagtagumpay. Ngayo'y isang babae ang namatay sa pulmonya. Ang mga Igorot ay
ibinahay sa isang barraca (bahay na yari sa kawayan, damo, at mga sanga ng puno
— Z.) At napagtatawanan pa ito ng El Resumen!"

Sa isa pang liham kay Blumentritt na isinulat sa Geneva noong Hunyo 19,
1887, sinabi ni Rizal na sang-ayon siya sa isang eksposisyon," ngunit hindi
eksibisyon ng kakaibang indibiduwal, na nagpapakita sa aking mga kababayan
bilang isang kuryusidad na may aaliw sa mga tamad na taga-Madrid." Idiin niya:
"Ang nais namin ay isang eksposisyong industriyal, hindi isang eksibisyon ng may
nilalang na pinilit na manirahan sa labas at mamatay sa lungkot at pulmonya o
tipus!"
Si Rizal sa Italya. Mula Geneva nagtungo si Rizal sa Italya. Binisita niya ang
Turin, Milan, Venice, at Florence. Noong Hunyo 21, 1887, narating niya ang Roma,
ang "Walang-hanggang Lungsod" at tinatawag ding "Lungsod ng mga Cesar."
Tuwang-tuwa siya sa magagandang tanawin at alaala ng Walang-hanggang
Lungsod. Inilarawan niya kay Blumentritt ang "karangyaan na siyang Roma," isinulat
niya noong Hunyo 27, 1887.
Narito na ako sa Roma! Lahat ng apakan ko'y may bahid ng alikabok ng mga
bayani. Nilalanghap ko ang hanging nilanghap din ng mga bayani. Sinasaluduhan
ko ang bawat estatwa nang buong paggalang, at para sa akin, abang katutubo ng
isang maliit na isla, para akong nasa santuwaryo. Nakita ko na ang Capitolium, ang
Bato ng Tarpeia, ang Palatinum, ang Forum Romanum, ang Ampiteatro, atbp. Lahat
ng narito ay marangal liban sa mga cafe at mga manganganta rito. Hindi ako
pumasok sa mga ito (cafe) dahil kinaiinisan kong marinig ang kanilang mga awiting
Pranses o makita ang mga modernong industriya. Ang mga paborito kong lugar ay
ang Ampiteatro at ang Forum Romanum; doo'y naupo ako ng ilang oras, pinagmuni-
munihan ang lahat at binuhay ang mga labi ... binisita ko rin ang ilang simbahan at
museo gaya ng Museo ng Capitoline at ang Simbahan ng Santa Maria Maggiore, na
talaga namang napakaringal.
Noong Hunyo 29, Pista ni San Pedro at San Pablo, binisita ni Rizal sa kauna-
unahang pagkakataon ang Vatican, ang "Lungsod ng mga Papa" at kabisera ng
Kakristiyanuhan. Hinangaan niya nang labis ang mga edipisyong maringal, lalo ang
Simbahan ng San Pedro, kakaibang gawang pansining, ang malawak na St. Peter's
Square, makukulay na guwardiya ng Vatican, at ang atmospera ng relihiyosong
debosyong nangingibabaw sa Vatican.
Tuwing gabi, pagkaraang mamasyal sa buong araw, pagod na bumabalik si
Rizal sa kanyang otel. "Pagod na pagod ako na tulad ng isang aso," isinulat niya
kay Blumentritt," ngunit matutulog ako na parang isang diyos."
Pagkaraan ng isang linggong pagbabakasyon sa Roma, handa nang umuwi si
Rizal sa Pilipinas. Isinulat niya sa kanyang ama na siya’y paparating na.
Kabanata 10
Unang Pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas
(1887-88)
Ang lahat ng kahali-halinang ganda ng ibang bansa at lahat ng magagandang
alaala ng kanyang pangingibang-bayan ay hindi makapagpapalimot kay Rizal sa
kanyang Inang bayan ni hindi ito sapat na dahilan para talikuran niya ang kanyang
sariling bayan. Nag-aral nga siya sa ibang bayan, natutunan niya ang mga gawi at
wika ng mga naturang bayan, at marami rin namang nakilala at naging kaibigang
mga dakilang tao ng kanluran; ngunit nanatili siyang tunay na Pilipino na may
walang pagmamaliw na pagmamahal para sa Pilipinas at may matatag na
determinasyong mamatay sa lupang sinilangan. Kaya, pagkaraan ng limang taon ng
di-malilimutang paglalakbay sa Europa, bumalik siya sa Pilipinas noong Agosto
1887 at siya'y naging manggagamot sa Calamba. Tahimik siyang namuhay bilang
doktor sa kanyang bayan. Ngunit ang kanyang mga kaaway, na kinamumuhian ang
kanyang Noli, ay patuloy ang pag-usig sa kaniya, at pinagbantaan pa siyang
papatayin siya.
Desisyong Umuwi sa Sariling Bayan. Dahil sa pagkakalathala ng kanyang
Noli Me Tangere at idinulot nitong kaguluhan sa mga prayle, binalaan si Rizal nina
Paciano (kanyang kapatid), Silvestre Ubaldo (kanyang bayaw), Chengoy (Jose M.
Cecilio), at ilang kaibigan na huwag na munang umuwi. Ngunit hindi nakinig si Rizal,
determinado siyang umuwi sa Pilipinas dahil ooperahan niya ang mga mata ng ina;
(2) mapagsilbihan ang mga kababayang malaon nang inaapi ng mga tiranong
Espanyol; (3) alamin kung gaano at paano naapektuhan ng Noli at niyang isinulat
ang mga Pilipino at Espanyol sa Pilipinas: (4) magtanong-tanong kung bakit wala
siyang nababalitaan tungkol Leonor Rivera.
Sa kanyang liham kay Blumentritt na isinulat sa Geneva noong Hunyo 19,
1887, sinabi ni Rizal: “Maganda ang iyong payo na manirahan ako sa Madrid at
doon na lamang magpatuloy sa pagsusulat ngunit hindi ko magagawa iyon. Hindi ko
matatagalan ang buhay sa Madrid kung saan ang lahat ay tinig sa ilang. Sabik na
ang aking mga magulang na makita ako, at gusto ko ring makita sila. Buong buhay
ko'y hinangad ko ang mabuhay sa aking bansa na kapiling ang aking pamilya.
Hanggang ngayo'y hindi naman ako naging Kanluranin gaya ng ilang Pilipino sa
Madrid; lagi kong gugustuhing bumalik sa bayang aking sinilangan.”.
Sa Roma, noong Hunyo 29,1887, sinulatan ni Rizal ang kanyang ama para
ipaalam ang kanyang pag-uwi. “Sa ika-15 ng Hulyo,” isinulat niya, “lululan ako ng
barko para sa ating bansa kaya mula sa a-kinse hanggang a-trenta ng Agosto ay
magkikita tayong muli.”
Magandang paglalakbay Patungong Maynila. Nilisan ni Rizal ang Roma
lulan ng tren patungong Marseilles, daungang Pranses, na maluwalhati niyang
narating. Noong Hulyo 3, 1887, sumakay siya sa Djemnah, ang barkong siya ring
nagdala sa kanya sa Europa limang taon nang nakaraan. Mga limampu ang
pasahero nito, kabilang na ang apat na Ingles, dalawang Aleman, tatlong Tsino,
dalawang Hapon, maraming Pranses, at isang Pilipino (Rizal). Si Rizal lamang ang
pasaherong nakapagsasalita ng 10 ibang wika kaya naging tagapagsalin siya para
sa mga kapwa pasahero.
Ang barko ay pabiyaheng Silangan at daraan sa Kanal Suez. Kaya nakita ni
Rizal sa ikalawang pagkakataon ang makasaysayang kanal, ang una'y noong
papunta siyang Europa, mula May noong 1882. Sa barko, nakipaglaro siya ng
ahedres sa mga kapwa pasahero o kaya'y masiglang nakipagkuwentuhan sa kanila.
Ang ilang pasahero ay umaawit; ang ila'y tumutugtog ng piyano at akordiyon.
Pagkaraang lisanin ang Aden, sumama ang lagay ng panahon at nabasa ang ilang
libro ni Rizal.
Sa Saigon, noong Hulyo 30, lumipat siya sa barkong Haiphong na patungong
Maynila. Noong Agosto 2, nilisan ng barko ang Saigon patungong Maynila.
Pagdating sa Maynila. Ang biyahe ni Rizal mula Saigon patungong Maynila
ay naging mainam. Noong Agosto 3, kabilugan ng buwan, nakatulog siya nang
mahimbing nang gabing iyon. Ang kalmanteng dagat na inilawan ng buwan ay
kamangha-manghang tanawin para sa kanya.
Papalapit ng hatinggabi ng Agosto 5, dumaong ang Haiphong sa Maynila.
Masayang-masaya si Rizal sa muling pagyapak niya sa lupang tinubuan. Sandali
siyang nanatili sa lungsod para bisitahin ang ilang kaibigan. Natuklasan niyang wala
pa ring ipinagbago ang Maynila sapul nang umalis siya rito limang taon nang
nakaraan. Naroon pa rin ang mga lumang simbahan at gusali, pati na ang mga
dating lubak sa kalsada, iyon pa rin ang mga bangka sa Ilog Pasig, at siyang-siya
pa rin ang pader na pumapalibot sa lungsod.
Maligayang Pag-uwi. Noong Agosto 8, nagbalik si Rizal sa Calamba. Masaya
siyang sinalubong ng kanyang pamilya, na ang ilang miyembro’y naiyak pa sa tuwa.
Sa kanyang sulat kay Blumentritt, sinabi niyang:"Maganda ang aking pagbibiyahe.
Nasa mabuting kalagayan ang aking pamilya at masayang-masaya akong makita
silang muli. Naiyak sila sa tuwa at kailangan kong sagutin ang libu-libo nilang
tanong sa akin.”
Sa kabila ng kaligayahang dulot ng pagbabalik ni Rizal, nangangamba pa rin
sila para sa kanyang kaligtasan. Sa mga unang araw, hindi siya iniiwan ng mag-isa
ni Paciano para maprotektahan sa mga kaaway nito. Hindi siya hinahayaan ng
kanyang ama na lumabas ng bahay ng nag-iisa sa takot na masamang mangyari sa
anak.
Sa Calamba, nagbukas si Rizal ng isang klinika. Ang una niyang pasyente'y
kanyang ina na halos bulag na. Ginamot ang mga mata nito ngunit hindi niya
maoperahan dahil hind hinog ang mga katarata. Kumakalat ang balitang
nagkiklinika ang isang doktor na nagmula pa sa Alemanya. Nagdagsaan sa
Calamba ang mga pasyente at nakilala siya sa tawag na “Doktor Uliman” dahil
galing siya sa Alemanya. Makatwiran si Rizal sa kanyang singil, ginagamot niya
nang walang bayad ang mahihirap na pasyente. Sa loob ng ilang buwan, kumita
siya ng P900 sa pagiging manggagamot. Pagsapit ng Pebrero 1888, kumita siya ng
P5,000
Di tulad ng ilang matagumpay na manggagamot, hindi inilaan ni Rizal ang
kanyang oras para lamang magpayaman. Nagbukas siya ng himnasyo para sa
kabataan. Dito siya nagturo ng mga natutunan sa Europa. Sinikap niyang makuha
ang interes ng mga kababayan sa gymnastics, pag-eeskrima, at pamamaril upang
iwasan na nila ang pagsasabong at pagsusugal."
Isa lamang ang di nagawa ni Rizal nang umuwi siya sa Calamba—hindi niya
nakita si Leonor Rivera. Sinubukan niyang magpunta sa Dagupan ngunit
pinagbawalan siyang mga magulang dahil ayaw ng ina ni Leonor na maging
manugang si Rizal. Mabigat man sa kanyang dibdib, sumunod si Rizal sa utos ng
mga magulang. Nabuhay siya sa panahong mahigpit na pinasusunod ang gawi sa
pagpapakasal na inaayos ng mga magulang ng babae at lalaki.

Kaguluhang Gawa ng Noli. Habang tahimik na namumuhay si Rizal sa


Calamba, nagbabalak naman ng masama ang kanyang mga kaaway. Bukod sa
pagpapraktis ng medisina, pag-aasikaso ng kanyang himnasyo, at pakikibahagi sa
mga gawaing sibiko, nagpipinta siya ng magagandang tanawin at nagsasalin sa
Tagalog ng mga tula ng Alemang si Von Wildernath.
Ilang linggo pagkaraan niyang dumating, nagkaroon ng kaguluhan dahil sa
isinulat niyang nobela. Isang araw, nakatanggap si Rizal ng liham mula kay
Gobernador Heneral Emilio Terrero (1888). Iniimbitahan siya nito sa Palasyo ng
Malacañang. May nagbulong kasi sa gobernador na ang Noli ay nagtataglay ng
mga subersibong ideya.
Nagtungo si Rizal sa Maynila at nagpakita sa Malacañang. Nang ipaalam sa
kanya ni Gobernador Heneral Terrero ang paratang sa kanya, kaagad niyang
pinabulaanan ito. Ipinaliwanag Rizal na inihayag lamang niya ang katotohanan
ngunit di siya nagtatagubilin ng mga subersibong ideya. Nagustuhan ang kanyang
paliwanag at nagkaroon ng interes sa kontrobersiyal na libro, humiling ng kopya ng
Noli kay Rizal ang gobernador-heneral nang mabasa niya ito. Wala noong kopya si
Rizal dahil ang tanging kopyang inuwi niya'y ibinigay niya sa kanyang kaibigan.
Gayunman, nangako siyang magbibigay ng kopya sa gobernadora heneral.
Binisita ni Rizal ang mga Heswita para humingi ng isang kopya mula sa mga
ipinadala niya ngunit ayaw naman nila itong mawalay sa kanila. Ang mga Heswita,
lalung-lalo ang mga dati niyang guro—sina Padre Francisco de Paula Sanchez,
Padre Jose Bech, at Padre Federico Faura—ay galak na galak na makita siya.
Pinagkuwentuhan nila ni Padre Faura ang kanyang aklat at sinabi ng pari na "lahat
ng naroo'y pawang katotohanan,” ngunit idinagdag niya: “Maaaring malagot ang
iyong ulo dahil sa sinulat mo."
Sa kabutihang palad, nakakuha si Rizal ng isang kopya ng Noli mula sa isa
niyang kaibigan. Ibinigay niya ito kay Gobernador Heneral Terrero. Dahil liberal ang
pag-iisip ng gobernadora heneral, alam niyang nanganganib ang buhay ni Rizal
dahil makapangyarihan ang mga prayle. Para sa kaligtasan ni Rizal, inatasan nya
ang batang Espanyol na tenyente, si Don Jose Taviel de Andrade, na maging
tagapagbantay ni Rizal. Ang tenyenteng ito kabilang sa isang marangal na pamilya.
Siya ay edukado at marunong magpinta, at nakapagsasalita ng Ingles, Pranses, at
Espanyol.
Binasa ni Gobernador Heneral Terrero ang Noli at wala siyang nakitang mali
roon. Ngunit ang mga kaaway ni Rizal ay makapangyarihan. Nagpadala ang
Arsobispo ng Maynila, si Pedro Payo (isang Dominiko), ng sipi ng Noli kay Padre Re
Gregorio Echavarria ng Unibersidad ng Santo Tomas para maeksamen ng isang
komite ng mga guro. Ang komite binubuo ng mga Dominikong propesor, ay
nagsumite ng ulat sa Padre Rektor, na siyang kaagad na nagpadala nito kay
Arsobispo Payo. Kaagad namang ipinadala ng arsobispo ang ulat na ito a
gobernador heneral. Sinasabi sa ulat ng komite ng mga guro Unibersidad ng Santo
Tomas na ang Noli ay "erehetikal, walang paggalang, at nakasisirang-puri sa
ordeng panrelihiyon, at di makabayan, subersibo sa kalagayang pampubliko,
mapaminsala sa pamahalaan ng Espanya at mga gawain nitong pampulitikal sa
Pilipinas."
Hindi nagustuhan ni Gobernador Heneral Terrero ang ulat ng mga Dominiko
dahil alam niyang galit ang mga ito kay Rizal. Ipinadala niya ang sipi ng nobela sa
Permanenteng Komisyon ng Sensura na binubuo ng mga pari at tao ng simbahan.
Ang ulat ng komisyong ito ay ginawa ng pinuno nito, si Padre Salvador Font,
Agustinong Kura ng Tondo, at isinumite ito sa gobernadora heneral noong
Disyembre 29. Ayon sa ulat, ang nobela ay nagtataglay ng mga subersibong ideya
laban sa Simbahan at Espanya, at inirekomenda nito na ang “importasyon,
reproduksyon, at sirkulasyon ng mapaminsalang aklat na ito sa mga isla ay
kailangang ipagbawal.”
Nang mailathala sa mga pahayagan ang isinulat na ulat ni Font para sa
komisyong sensura, hindi mapakali si Rizal at ang mga kaibigan. Ang mga kaaway
naman ni Rizal ay tuwang-tuwa sa nangyari. Ang pagbabawal sa Noli ay lalo
lamang nagpasikat sa nobela. Lahat ay gustong makabasa nito. Ang balita tungkol
sa dakilang aklat na ito ay kumalat sa taumbayan. Kung ano ang kinamumuhian ng
mga among Espanyol, siya namang nagustuhan ng inaaping masa. Sa kabila ng
pagbabawal at mahigpit pagbabantay ng malulupit na Guardias Civiles, maraming
Pilipino ang nakakuha ng kopya ng Noli na palihim nilang binabasa.
Salamat kay Gobernador Heneral Terrero, hindi nagkaroon malawakang
pagdakip o malawakang pagbitay sa mga Pilipino. Hindi niya pinayagan ang sarili
na takutin ng mga prayle na humingi ng malupit na parusa laban sa awtor nito at sa
mga taong mahuling nagbabasa nito.
Ang mga Umaatake sa Noli. Ang paglalabang sanhi ng Noli ay labanan
lamang ng mga salita. Ipinalathala ni Padre Font ang kanyang ulat at ipinamahagi
ang mga kopya nito nang sa gayo'y mapulaan ang kontrobersiyal na nobela. Isa
pang Agustino, si Padre Jose Rodriguez, na Superyor ng Guadalupe, ay naglathala
ng serye ng walong polyeto na pinamagatang Cuestiones de Sumo Interes
(Katanungan ng Dakilang Interes) para tuligsain ang Noli at iba pang mga sulating
kontra-Espanyol. Ang walong polyeto ay ang mga sumusunod:
1. Porque no los he de leer? (Bakit di ko dapat basahin ang mga iyon?)

2. Guardaos de ellos. Porque? (Mag-ingat sa mga ito. . Bakit?)

3. Y que me dice usted de la peste? (At ano ang masasabi mo sa akin tungkol
sa salot?)

4. Porque triunfan los impios? (Bakit nagtatagumpay ang mga walang galang?)

5. Cree usted que de veras no hay purgatorio? (Sa palagay mo ba'y wala
talagang purgatoryo?)

6. Hay o no hay infierno? (Mayroon ba o walang impiyerno?).

7. Que le parece a usted de esos libelos? (Ano ang iyong palagay sa mga
libelong ito?)

8. Confesion o condenacion? (Kumpisal o walang hanggang kapahamakan?).

Ang mga sipi ng mga polyetong laban kay Rizal na ni Padre Rodriguez ay
ibinebenta sa simbahan pagkatapos. Maraming Pilipino ang napipilitang bumili ng
mga ito gayo'y di sila mapagalitan ng mga prayle, ngunit di naman pinaniniwalaan
ang sinasabi ng awtor ng mga polyeto.
Ang alingawngaw na nilikha ng Noli ay nakarating Espanya. Sa bulwagan ng
Senado ng Cortes ng Espanya, tinuligsa ito ng mga senador, gaya nina Heneral
Jose de Salamanca Abril 1,1888: Heneral Luis M. de Pando noong Abril 12: at
Sr. Fernando Vida noong Hunyo 11. Ang akademiko ng Madrid na si Vicente
Barrantes, na dating may mataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas, ay
siniraan ang Noli sa isang artikulong inilathala sa La España Moderna (isang
pahayagan sa Madrid) noong Enero 1890.
Tagapagtanggol ng Noli. Bagamat marami ang sumisira sa Noli, marami rin
namang tagapagtanggol nito na di natatakot na patunayan ang mga merito ng
nobela o pabulaanan ang mga argumento ng mga tumutuligsa rito. Sina Marcelo H.
del Pilar, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, at iba
pang repormistang Pilipino sa dayuhang bayan ay di nangiming ipagtanggol ang
katotohanan sa Noli. Si Padre Sanchez, ang paboritong guro ni Rizal sa Ateneo, ay
nagtanggol at pumuri sa nobela sa publiko. Sina Don Segismundo Moret, dating
Ministro ng Korona; Dr. Miguel Morayta, mananalaysay at estadista; at Propesor
Blumentritt, propesor at edukador, ay nabasa nagustuhan ang nobela.
Isang matalinong depensa ng Noli ay nagmula sa isang inaasahang tao. Ito ay
mula kay Rev. Vicente Garcia, Pilipinong paring Katoliko at iskolar, isang
teolohiyano ng katedral ng Maynila, at tagapagsalin sa Tagalog ng bantog na
Imitation of Christ ni Thomas a Kempis. Sa ilalim ng sagisag na pangalan Justo
Desiderio Magalang, isinulat ni Padre Garcia ang pagtatanggol sa Noli na nailathala
sa Singapore bilang apendise sa isang polyetong isinulat noong Hulyo 18,1888.
Sinagot niya ang mga argumento ni Padre Rodriguez.
1. Hindi masasabing "ignoranteng tao” si Rizal, gaya ng sinasabi ni Padre
Rodriguez, dahil siya ay nagtapos sa mga unibersidad ng Espanya at nakatanggap
pa ng mga karangalang iskolastiko.
2. Hindi tinutuligsa ni Rizal ang Simbahan at Espanya, gaya ng sinabi ni Padre
Rodriguez, dahil ang pinupuna ni Rizal sa Noli ay yaong masasamang opisyal na
Espanyol at di ang Espanya, at ang masasama at tiwaling prayle, di ang Simbahan.
3. Sinabi ni Padre Rodriguez na yaong bumabasa ng Noli ay gumagawa ng
kasalanang mortal; kung gayo'y nakagawa siya (si Rodriguez) ng kasalanang mortal
dahil nabasa niya ang nobela.
Kinalaunan, nang malaman ni Rizal ang matalinong pagtatanggol ni Padre
Garcia sa kanyang nobela, napaiyak siya dahil ang kanyang pasasalamat ay labis-
labis. Si Rizal mismo ay nagtanggol sa kanyang nobela laban sa panunuligsa ni
Barrantes sa pamamagitan ng isang liham na isinulat sa Brussels, Belgium noong
Pebrero 1880. Sa liham na ito, inilantad niya ang pagiging ignorante ni Barrantes sa
mga kalakaran sa Pilipinas at pagsisinungaling nito na hindi karapat-dapat sa isang
akademiko. Natagpuan ni Barrantes kay Rizal ang isang dalubhasa sa satiriko at
polemiko.

Noong panahong ang Noli ay tampulan ng mainit na kontrobersiya ng mga


prayle (at kanilang mga galamay) at mga kaibigan ni Rizal, lahat ng kopya nito ay
nabili at ang presyo ng bawat sipi ay tumaas. Kaibigan man o kaaway ni Rizal ay
nahirapang makakuha ng sipi ng Noli. Ayon kay Rizal, liham niya kay Fernando
Canon sa Geneva noong Hunyo 13,1887, ang halagang ibinigay niya ay limang
pesetas (katumbas ng piso) bawat sipi, ngunit kinalaunan ay tumaas ito sa
singkuwenta pesos bawat sipi.
Sina Rizal at Taviel de Andrade. Habang lumilikha ng kaguluhan ang Noli,
wala namang nanggugulo kay Rizal sa Calamba, dahil na rin ito sa tulong ni
Gobernador He Terrero't binigyan siya ng isang tagapagbantay niya. Naging
mabuting magkaibigan sina Rizal at Tenyente Jose Taviel de Andrade.
Kapwa bata at edukado, madalas silang maglakad sa tabing-lawa, pinag-
uusapan ang mga bagay na kapwa nila interes at minsa'y nag-eeskrima sila,
namamaril, nangangaso, nagpipinta. Si Ten. Andrade ay naging tagahanga ng
lalaking inatasan siyang bantayan at protektahan. Kinalaunan, isinulat niya “Si Rizal
ay edukado at maginoo. Kinagigiliwan niyang gawin ang pangangaso, pag-
eeskrima, pamamaril, pagpipinta, at paglalakad... Lagi kong naaalala ang aming
ekskursiyon sa Bundok Makiling, di lamang dahil sa magandang tanawin nito ...
gaya ng mga usap-usapan at mapaminsalang epekto nito. May isang naniniwala at
nag-ulat sa Maynila na si Rizal at ako, sa tuktok ng bundok, ay nagtaas ng
bandilang Aleman at nagpahayag ng kapangyarihan nito sa Pilipinas. Inaakala kong
ang mga walang saysay na ito ay nagmula sa mga prayle ng Calamba, ngunit di ko
na pinag-aksayahan pa ng panahong alamin ito.”
Ang puminsala ng masasayang araw ni Rizal sa Calamba kasama si Ten.
Andrade ay (1) ang pagkamatay ng kanyang Ate Olimpia at (2) ang walang
basehang mga kuwentong ikinalat ng kanyang mga kaaway na isa raw siyang
"espiya ng Alemanya, alagad ni Bismarck, isang Protestante, isang Mason,
mangkukulam, isang kaluluwang wala ng pag-asang maligtas, atbp."
Problemang Agraryo ng Calamba. Naimpluwensiyahan ng ilang
katotohanan sa Noli Me Tangere, ipinag-utos, Gobernador Heneral Terrero na
imbestigahan ang mga lupaing prayle para maisaayos ang anumang di-
pagkakapantay-pantay na nangyayari na may kaugnayan sa mga buwis sa lupa at
sistemang kasama. Isa sa mga lupang prayleng naapektuhan ay ang Asyenda ng
Calamba na pag-aari ng Ordeng Dominiko mula 1883. Bilang pagsunod sa utos ng
gobernador heneral noong Disyembre 887, ipinag-utos ng Gobernador Sibil ng
Lalawigan ng Laguna sa mga awtoridad ng bayan ng Calamba na imbestigahan ang
mga kalagayang pang-agraryo ng kanilang lokalidad.
Nang malaman ang gagawing imbestigasyon, humingi ng tulong kay Rizal ang
kanyang mga kababayan sa paglikom ng impormasyon at paglista ng kanilang mga
sumbong laban sa mga mamamahala ng asyenda nang sa gayo'y ang
pamahalaang sentral ay makapagsunod ng mga pagbabagong pangagraryo.

Pagkaraan ng masusing pag-aaral sa mga kalagayan sa Calamba, ginawa ni


Rizal ang kasulatang sinang-ayunan at pinirmahan ng mga kasama at tatlong
opisyal ng asyenda noong Enero 8, 1888. Ang kasulatan, isinumite sa pamahalaan
para maaksiyunan, ay naglalaman ng mga sumusunod:
1. Ang asyenda ng Ordeng Dominiko ay binubuo di lamang ng mga lupa sa
paligid ng Calamba, kundi ang buong bayan ng Calamba.
2. Ang kita ng Ordeng Dominiko ay patuloy na tumataas dahil sa di
makatwirang pagtaas ng upa sa lupa na ibinabayad ng mga kasama.
3. Ang may-ari ng asyenda ay di nagbibigay ng kontribusyon para sa
selebrasyon ng pistang bayan, edukasyon ng kabataan, at pagpapaunlad ng
agrikultura.
4. Ang mga kasama na naghihirap sa paggawa sa bukid ay nawawalan ng lupa
dahil sa mga walang kakuwenta-kuwentang dahilan.
5. Mataas ang interes na ipinapataw sa mga kasamang nahuhuli sa pagbayad
ng renta sa lupa, at kapag hindi nakapagbayad ay kinukumpiska ang kanilang
kalabaw, kasangkapan, at tahanan.
Pamamaalam sa Calamba. Ang paglantad ni Rizal sa kalunus-lunos na
kalagayan ng sistemang kasama sa Calamba ay lalong ikinagalit ng kanyang mga
kaaway. Nagpursige ang mga prayle sa paghiling sa Malacañang na mapalayas si
Rizal. Hiniling nila ito kay Gobernador Heneral Terrero ngunit hindi pinakinggan
dahil wala namang lehitimong kaso laban kay Rizal. Nakatanggap ang mga
magulang ni Rizal ng mga pagbabanta buhay ni Rizal. Nangamba sila, ang kanilang
mga kamag-anak at kaibigan (kabilang na si Ten. Taviel de Andrade) at pinayuhan
nila si Rizal na mangibang-bayan dahil nanganganib ang kanyang buhay.
Isang araw, ipinatawag ni Gobernador Heneral Terrero si Rizal at "pinayuhan”
siyang mangibang-bayan para na rin sa kanyang kaligtasan. Binigyan niya si Rizal
ng pagkakataong makatakas sa matinding galit ng mga prayle.
Sa pagkakataong ito, kailangan nang sumunod ni Rizal dahil ang gobernador
heneral na ang nag-uutos. Ngunit hindi umaatras sa laban si Rizal na parang
duwag. Matapang siya, isa itong katotohanang hindi pasusubalian ng kanyang mga
kaaway. Isang magiting na bayani, hindi siya natatakot na mamatay. Napilitan
siyang lisanin ang Calamba dahil sa dalawang bagay:(1) ang pananatili niya sa
Calamba ay naglalagay sa kanyang pamilya at kaibigan sa panganib, at (2) mas
makalalaban siya sa mga kaaway at mas mapagsisilbihan ang sariling bansa kung
makapagsusulat siya sa ibang bansa.
Isang Tula para sa Lipa. Bago lisanin ni Rizal ang Calamba noong 1888,
isang kaibigang taga-Lipa ang humiling sa kanya ng isang tula para sa paggunita sa
pagiging villa (lungsod) ng bayan ng Lipa. Naging lungsod ito sa bisa ng Batas
Becerra noong 1888. Malugod na pinagbigyan ni Rizal ang kahilingan isinulat niya
ang tulang "Himno Al Trabajo" (Himno sa Paggawa) bilang parangal sa masisipag
na mamamayan ng Lipa. Nang matapos niya ito, ipinadala niya ito sa Lipa bago ang
kasyon pag-alis sa Calamba. Ito ang tula:
Himno sa Paggawa

Koro:

Para sa'ting bayang nasa digmaan.


Para sa'ting bayang nasa kapayapaan
Mga Pilipino'y magiging handa, Habang siya'y nabubuhay at kapag namatay.
Kalalakihan:

Kapag ang liwanag ay sumilay sa Silangan Paroon na sa bukid, lupa'y bungkalin !


Dahil ang paggawa'y siyang pagkabuhay ng tao,
Inang Bayan, kamag-anak, at tahanan.
Mahirap man ang magbungkal ng lupa,
Walang patawad man ang sikat ng araw,
Para sa Inang Bayan, ating mga asawa at anak,
Dahil sa pag-ibig, lahat ay magiging madali.

Kababaihan:

Buo ang loob, haharapin ang paggawa.


Ligtas ang tahanan sa 'yong tapat na asawa
Sa mga anak ipinupunla, binhi ng pag-ibig
Para sa dunong, lupa, at matwid na buhay,
Pagsapit ng gabi'y tayo'y mamamahinga,
Ngiti ng kapalaran, bantay sa 'ting pinto;
Sakaling sapitin ng malas ang kanyang asawa,
Itong babae, gaya ng dati, siyang aako ng gawain.

Mga batang babae:


Mabuhay! Bigyang-papuri ang paggawa!
Ang lakas at yaman ng bansa; Dahil sa paggawa'y naiangat 'yong dangal
Itong iyong dugo, iyong buhay, iyong kalusugan.
Sakaling ipagdamot ng kabataan kanilang pagmamahal
Kanyang paggawa'y magsasabing siya'y mahusay
Ang taong gumagawa't nagsisikap
Siyang may paraang mapakain kanyang mag-anak.

Mga batang lalaki:

Turuan n'yo kami, mahihirap na gawain


Dahil balang araw kami na ang tutugon
Sa tawag ng pinakamamahal na bayan Kanyang tunguhin ating isakatutuparan.
Pagmasdan! Sila'y karapat-dapat sa pinagmulan!
Kamanyang, di magbibigay-parangal sa nasawi
Nang tulad sa pangarap ng isang matapang na anak.
Kabanata 11
Sa Hong Kong at Macao
1888
Tinutugis ng mga makapangyarihang kaaway, napilitan si Rizal na umalis sa
bansa sa pangalawang pagkakataon noong Pebrero 1888. Noo'y isa na siyang
ganap na lalaki sa edad na 27, isa nang manggagamot at kinikilalang manunulat.
Nanguna siyang mangibangbayan noong Hunyo 1882, batam-bata siya sa edad na
21, isang estudyanteng naghahanap ng dunong sa Matandang Daigdig,
romantikong idealista na punung-puno ng magagandang pangarap na maiahon ang
mga kababayan mula sa pagkaalipin sa bisa ng kanyang makapangyarihang
panulat. Ngunit nagbago na ang panahon. Si Rizal, sa edad na 27, ay biktima na ng
di-pagkapantay-pantay, bigo sa inga pangarap, at di nagtagumpay sa mga
pagbabagong ninanais.
Ang Biyahe sa Hong Kong. Noong Pebrero 3, 1888, pagkaraan ng anim na
buwan sa pinakamamahal na Calamba, nilisan ni Rizal ang Maynila patungong
Hong Kong lulan ng Zafiro. May sakit siya noon at nalulungkot habang tinatawid ang
maalon na Dagat Tsina. Hindi siya nakababa sa barko nang sandaling tumigil ito sa
Amoy noong Pebrero 7. Dahil ito sa mga sumusunod: (1) hindi mabuti ang kanyang
pakiramdam, (2) malakas ang ulan noon, at (3) narinig niyang marumi ang lungsod.
Dumating siya sa Hong Kong noong Pebrero 8.
Habang nasa Hong Kong, na isang kolonya ng Britanya, sumulat si Rizal kay
Blumentritt noong Pebrero 16, 1888, para ipahayag ang kapaitang nararamdaman
niya sa buhay. Ito ang nilalaman ngkanyang liham:
Sa wakas ay malaya na akong makapagsusulat. Sa wakas ay maipapahayag
ko ang aking mga nasasaisip nang walang pangamba sa sensura ng pinuno! Pinilit
nila akong lisanin ang aking bansa. Kahit may karamdaman ay umalis ako ng
bahay.
Mahal na Blumentritt, wala kang ideya sa aking maliit na kinasapitan. Kung
hindi sa tulong ng aking kaibigang si Tenyente Taviel de Andrade, ano ang aking
kahihinatnan? Kung walang simpatiya ng Gobernador Heneral, ang mga direktor ng
administrasyong sibil at pamahalaang sibil, maaaring nasa kulungan na ako.
Lahat ng probinsiyal at ang arsobispo ay araw-araw na nagtutungo sa
Gobernador Heneral para ireklamo ako. Ang Syndic ng mga Dominiko ay sumulat
ng pagsasakdal sa alkalde na sa gabi'y nakikita nila akong lihim na nakikipagpulong
sa kalalakihan at kababaihan sa tuktok ng isang burol. Totoong naglalakad ako sa
may burol sa madaling-araw na kasama ang ilang lalaki, babae, at bata dahil nais
lamang naming madama ang lamig ng umaga, ngunit lagi naman naming kasama
ang tenyente ng Guardias Civiles na marunong ng Tagalog. Sino ang
makikipagsabwatan ng mga lihim na sesyon sa isang lugar na lantad at kasama pa
ang mga babae at bata? Hinayaan kong makarating sa Gobernador Heneral ang
mga akusasyon nang makita niya kung anong klaseng mga kaaway ang mayroon
ako.
Ang aking mga kababayan ay nagbigay sa akin ng pera para lisanin ang
bansa. Hiniling nilang gawin ko ito di lamang para sa sariling interes, kundi para na
rin sa kanila, dahil marami akong kaibigan at kakilala na maaaring makasama ko sa
deportasyon sa Balabag o Marianas Islands. Kaya kahit may sakit, biglaan akong
nagpaalam sa aking pamilya. Babalik ako sa Europa sa daang pa-Japan at Estados
Unidos. Magkikita tayong muli. Marami akong nais sabihin sa iyo.

Sa Hong Kong, tumuloy si Rizal sa Otel Victoria. Malugod siyang sinalubong


ng mga Pilipinong residente, kabilang na sina Jose Maria Basa, Balbino Mauricio, at
Manuel Yriarte (anak ni Francisco Yriarte, alkalde mayor ng Laguna).
Isang Espanyol, si Jose Sainz de Varanda, na dating kalihim ni Gobernador
Heneral Terrero, ay naniktik kay Rizal habang ito'y nasa Hong Kong.
Pinaniniwalaang kinomisyon siya ng mga awtoridad na Espanyol para subaybayan
si Rizal.
"Ang Hong Kong," isinulat ni Rizal kay Blumentritt noong Pebrero 16, 1888,
"ay maliit ngunit napakalinis na lungsod. Maraming Portuges, Hindu, Ingles, Tsino,
at Hudyong naninirahan dito. May mga Pilipino rito, na ang karamiha'y naipatapon
sa Marianas Islands noong 1872. Sila'y mahihirap, mababait, at mahiyain. Sila'y
dating mayayamang mekaniko, industriyalista, at namumuhunan."
Pagbisita sa Macao. Noong Pebrero 18, si Rizal, na sinamahan ni Basa, ay
lulan ng barkong Kiu-Kiang patungong Macao. Nagulat siya nang makita rito ang
isang pamilyar na lalaki — si Sainz de Varanda.
Ang Macao ay isang kolonyang Portuges na malapit sa Hong Kong. "Ang
lungsod ng Macao," isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan, "ay maliit, mababa, at
malungkot. Marami ritong junk, sampan, at kakaunting barko. Mukha itong
malungkot at tila patay na".
Sa Macao, sina Rizal at Basa ay tumuloy sa tahanan ni Don Juan Francisco
Lecaros, Pilipinong kasal sa isang Portuges. Mayaman siya at inilalaan niya ang
kanyang panahon sa pagtatanim ng iba't ibang halaman, kasama na ang mga
bulaklak, na karamiha’y mula pa sa Pilipinas.
Sa dalawang araw niya sa Macao, binisita ni Rizal ang teatro, kasino, katedral
simbahan, pagoda, harding botanikal, at basar. Nakita rin niya ang bantog na Groto
ni Camoens, pambansang makata ng Portugal. Noong gabi ng Pebrero 19, nakita
niya ang isang prusisyong Katoliko, kung saan ang mga deboto ay nakasuot ng
damit na asul at lila at may hawak-hawak na kandilang walang sindi.
Noong Pebrero 20, bumalik sina Rizal at Basa sa Hong Kong, muli'y lulan ng
Kiu Kiang.
Mga Karanasan sa Hong Kong. Sa dalawang linggong pagbisita sa Hong
Kong, pinag-aralan ni Rizal ang pamamaraan ng buhay, wika drama at kaugalian ng
mga Tsino. Isinulat niya ang mga sumusunod na karanasan sa kanyang talaarawan:

1. Maingay na selebrasyon ng Bagong Taon ng mga Tsino na nangyari mula ika-11


ng Pebrero (Sabado) hanggang ika-13 (Lunes). Walang tigil na pagpapaputok ng
mga kuwitis. Ang mga mas mayaman ay mas maraming ipinapuputok na kuwitis. Si
Rizal mismo'y maraming pinaputok na kuwitis mula sa bintana ng kanyang otel.
2 . Maingay na teatrong Tsino, na may maingay na manonood at maingay na
musika. Sa sining pandrama ng mga Tsino, natuklasan ni Rizal ang mga
sumusunod: (1) lalaking tila nakasakay sa isang patpat ay nangangahulugan ng
lalaking nangangabayo, (2) aktor na nagtataas ng binti ay nangangahulugang
pumapasok siya sa bahay, (3) ang pulang damit ay tanda ng kasal, (4) ang babaing
ikakasal ay nahihiyang nagtatakip ng abaniko sa kanyang mukha kahit sa harap ng
kanyang kasintahan, at (5) lalaking may hawak na panghagupit ay
nangangahulugang sasakay na siya ng kabayo.
3. Ang salu-salong lauriat, kung saan ang mga panauhin ay pinagsisilbihan ng
iba't ibang putahe ng pagkain, gaya ng pinatuyong prutas, gansa, hipon, century
egg, palikpik ng pating, pugad ng ibon, puting bibe, manok na nilagyan ng suka, ulo
ng isda, litson, tsaa, atbp. Ang pinakamahabang kainan sa buong mundo.
4. Ang Ordeng Dominiko ang pinakamayamang ordeng panrelihiyon sa Hong
Kong. Marami itong negosyo. Nagmamay-ari ito ng mahigit 700 bahay na paupahan
at marami itong sosyo sa mga dayuhang bangko. Mayroon itong milyun-milyong
dolyares na nakadeposito sa mga bangko at gumagana ito ng malaking interes.
5. Sa mga sementeryo sa Hong Kong na sa mga Protestante, Katoliko, at
Muslim, yaong sa mga Protestante ang pinakamaganda dahil maayos at inaalagaan
ang mga halaman dito at malinis ang mga daanan. Ang sementeryo ng mga
Katoliko ang pinakamagarbo dahil sa marangya at mamahaling musoleo at
marangyang pag-ukit ng mga sepulkio. Payak ang sementeryo ng mga Muslim, na
tanging maliit na moske at puntod na may nakasulat na inskripsiyong Arabe ang
makikita rito.
Paglisan sa Hong Kong. Noong Pebrero 22, 1888, nilisan ni bizal ang Hong
Kong lulan ng Oceanic, barko ng Estados Unidos. Ang kanyang destinasyon ay
Japan. Hindi niya nagustuhan ang pagkain sa barko ngunit nagustuhan niya ang
barko dahil malinis ito at mahusay ang pamamahala nito. Ang kanyang kasama sa
kamarote ay isang Ingles na Protestanteng misyonero na nanirahan sa Tsina ng 27
taon at marunong ng wikang Tsino. Tinawag siya ni Rizal na "mabuting tao “
Ang ilang pasaherong kinausap ni Rizal sa kani-kanilang wika ay dalawang
Portuges, dalawang Tsino, ilang Ingles, at isang Amerikanang Protestanteng
misyonero.
Kabanata 12
Romantikong Pagbisita sa Japan
1888

Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ni Rizal ang kanyang isa't kalahating


buwang (Pebrero 28-Abril 13,1888) pagbisita sa Land of Cherry Blossoms.
Nabighani siya ng likas na kagandahan ng Japan, kalugud-lugod na kaugalian ng
mga Hapon, at magagandang bantayog. Higit sa lahat, umibig siya sa isang
Haponesa, na ang ganda'y nagdulot ng ligaya at romansa sa nagdurugo niyang
puso. Ang tunay nitong pangalan ay Seiko Usui. Ang tawag sa kanya ni Rizal ay O-
Sei-San. Ngunit nakialam ang tadhana at pinutol nito ang masasayang araw ni Rizal
sa Japan. Kailangan niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para maipagpatuloy
ang gawain niya tungo sa katubusan ng mga inaaping kababayan.

Dumating si Rizal sa Yokohama. Maagang-maaga ng araw ng Martes,


Pebrero 28,1888, dumating si Rizal sa Yokohama. Tumigil siya sa Otel Grande.

Nang sumunod na araw, nagtungo siya sa Tokyo at kumuha ng silid sa Otel


Tokyo. Tumuloy siya rito mula Marso 2 hanggang Marso 7. Humanga siya sa
lungsod ng Tokyo. Isinulat niya kay Propesor Blumentritt: "Mas mataas ang antas
ng pamumuhay sa Tokyo, kaysa sa Paris. Malalapad at malalaki ang mga kalsada.

Si Rizal sa Tokyo. Pagdating na pagdating ni Rizal sa Tokyo, binisita siya sa


kanyang otel ni Juan Perez Caballero, kalihim ng Legasyong Espanyol.
Inanyayahan siya nito na doon na lamang tumuloy sa Legasyong Espanyol.

Dahil matalino, alam ni Rizal na ang Espanyol na diplomata ay naatasan ng


Maynila na subaybayan ang kanyang mga kinikilos sa Japan. Tinanggap niya ang
imbitasyon sa dalawang kadahilanan: makapagtitipid siya sa kanyang gastusin kung
tutuloy siya sa legasyon, at wala naman siyang dapat itago sa mga mapang-usig na
mata ng mga awtoridad na Espanyol.

Noong Marso 7, nilisan ni Rizal ang Otel Tokyo at tumuloy sa Legasyong


Espanyol. Naging mabuti silang magkaibigan ni Perez Caballero. Sa kanyang liham
kay Blumentritt, inilarawan niya ang diplomatang Espanyol bilang "bata, edukado, at
mahusay na manunulat" at " karapat-dapat na diplomatang marami nang narating
sa paglalakbay."
Sa unang araw sa Tokyo, nahihiya si Rizal dahil hindi siya marunong ng
wikang Hapon. Hawig siya sa mga Hapon ngunit hindi makapagsalita ng wika nila.
Nahirapan siya sa pamimili dahil hindi siya maunawaan at pinagtatawanan siya ng
mga batang Hapon. Kaya isinulat niya kay Blumentritt: "Narito ang iyong kaibigan na
kahawig ng mga Hapon ngunit hindi nakapagsasalita ng wika nito. Sa kalsada,
kapag namimili ako, iba ang tingin ng mga tao sa akin, at ang mga walang modong
bata'y pinagtatawanan ako dahil kakaiba ang aking wika. Sa Tokyo, iilan lamang
ang nakapagsasalita ng Ingles, ngunit sa Yokohama'y marami ang marunong ng
salitang ito. May mga naniniwalang ako'y isang Hapong nakapag-aral sa Europa na
ayaw namang mapagkamalang ganito." Para maiwasan ang ganitong kahihiyan,
nagpasya si Rizal na pag-aralan ang wikang Hapon. Dahil isinilang na lingguwista,
ilang araw lamang ay natuto na siyang magsalita ng wikang Hapon. Pinag-aralan
din niya ang dramang Hapon (kabuki), sining, musika, at judo (sining ng
pagtatanggol sa sarili). Binisita niya ang mga museo, aklatan, galerya ng sining, at
bantayog. Binisita niya ang Meguro, Nikko, Hakone, Miyanoshita, at ang mga
kahali-halinang bayan ng Japan.

Si Rizal at ang mga Musikero ng Tokyo. Isang hapon, Marso 1888,


naglalakad si Rizal sa isang kalye sa Tokyo na malapit sa parke. Maganda ang
hapong iyon ng tagsibol. Maraming tao sa parke.

Nang papalapit na siya sa parke, narinig ni Rizal ang banda ng Tokyo na


tumutugtog ng isang klasikal na musika ni Strauss. Hangang-hanga si Rizal sa
husay ng pagkakatugtog kaya napatigil siya sa paglalakad at nakinig nang walang
puknat. Naisip niya "Kahanga-hanga ang kanilang rendisyon. Paano kaya nalagom
ng mga Hapon ang ganitong modernong musikang Europeo at nakatutugtog pa sila
ng mga obra maestra ng mga dakilang kompositor na Europeo!"

Natapos ang banda sa pagtugtog. Bumaba ang mga musikero sa entablado


at ang ila'y naglakad-lakad. Nang marinig ni Rizal ang kanilang pag-uusap, laking
gulat niya nang malamang ang mga ito'y nagta-Tagalog. Nilapitan iya ang mga ito,
at nagtanong sa Tagalog: "Paisano, tagasaan po kayo?"

Laking gulat din ng mga musikero nang marinig si Rizal. Sinabi nilang sila'y
mga Pilipino, at ang mga prinsipal na instrumento ay tinutugtog ng mga Hapon,
ngunit sila ang tumutugtog ng mga sekundaryang instrumento.
Mga Impresyon ni Rizal sa Japan. Maganda ang impresyon ni Rizal sa
Japan. Masusing tagapagmasid, pinag-aralan niya ang buhay, kaugalian, at kultura
ng mga tao rito. Hindi siya basta bastang turista na tanging magagandang tanawin
lamang ang nais makita. Ito ang mga bagay na hinahangaan ni Rizal:
1. Ang kagandahan ng bansa- mga bulaklak. kabundukan, batis, at magagandang
tanawin nito.
2. Ang kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon.
3. Ang magagandang damit at simpleng halina ng mga Haponesa.
4. Kakaunti ang magnanakaw sa Japan kaya naiiwang bukas ang kanilang bahay
kahit umaga o gabi, at sa silid ng otel ay maaaring mag-iwan ng pera s ibabaw ng
mesa.
5. Bihira ang mga pulubi sa mga kalsada ng lungsod, di gaya sa Maynila at iba pang
lungsod.

Gayunman, may isang bagay na hindi niya nagustuhan sa Japan, at ito ay ang
popular na paraan ng transportasyon, ang rickshaw, na hinihila ng kalalakihan.
Hindi matanggap ng kanyang sensitibong kaluluwa ang ganitong uri ng pagtrato sa
tao na para bang inupahan tulad ng isang kabayo.

Pakikipagromansa kay O-Sei-San. Isang hapon ng tagsibol, ilang araw


pagkaraang tumuloy si Rizal sa Legasyong Espanyol sa distrito ng Azabu ng Tokyo,
nakita ni Rizal na naparaan ang isang magandang Haponesa. Marunong kumilala
ng kagandahan, naakit siya sa marangal na ganda at halina ng dalaga. Ngunit hindi
niya alam kung paano ito makikilala.

Nagtanung-tanong si Rizal sa mga empleyado ng Legasyon, at nalaman niya


mula sa isa, ang hardinerong Hapon, na ang dalaga ay si Seiko Usui, na nakatira sa
tahanan ng mga magulang at tuwing hapon ay napaparaan siya sa legasyon.

Nang sumunod na hapon, inaabangan ni Rizal at ng hardinerong Hapon ang


dalaga sa may tarangkahan ng legasyon. Nang papalapit ang dalaga, inalis ni Rizal
ang kanyang sumbrero at magalang na ipinakilala ang sarili, sunod sa kaugaliang
Aleman. Nang panahong iyon, hindi pa gaanong mahusay si Rizal sa wikang Hapon
kaya tinulungan siya ng hardinero na siyang nagpaliwanag sa dalaga na ang binata
ay isang manggagamot mula Maynila na panauhin ng Legasyong Espanyol.

Natuwa si Seiko-san sa galanteng Pilipinong hindi pa gaanong mahusay sa


pagsasalita ng Hapon. Kaya sinagot niya si Rizal sa wikang Ingles dahil alam niya
ang wikang ito at pati narin ang Pranses. Ang dalawa'y nag-usap sa Ingles at
Pranses kaya naihawan na ang sagabal sa wika.

Mula noon, araw-araw nang nagkikita sina Rizal at O-Sei-San (tawag ni Rizal
sa dalaga). Magkasama nilang binisita ang mga interesanteng tanawin ng lungsod-
ang Galerya ng Sining Imperyal, Aklatang Imperyal, mga unibersidad, ang
Shokubutsu-en (Harding Botanikal), mga parke sa lungsod (lalo na ang Liwasang
Hibiya), at magagandang bantayog.

Kapwa sila maligaya sa piling ng isa't isa. Si Rizal ay isang malungkot na


binatang 27 taong gulang, manggagamot na nadisilusyon sa kanyang pag-ibig kay
Leonor Rivera at biktima ng kawalan ng hustisya sa ilalim ng pamahalaang
Espanyol. Si O-Sei-San nama'y 23 taong gulang na anak ng isang samurai na di pa
nakararanas ng liga, ang dulot ng pag-ibig. Ang pagkakasundo nila sa mga interes
sa sining ang siyang naging daan para sa kanilang pag-iibigan.
Nakita ni Rizal sa magandang si O-Sei-San ang magagandang katangiang
hinahanap niya sa babae- ganda, bighani, kahinhinan, at talino. Hindi kataka-takang
umibig siya rito. Tinugunan din naman ni O-Sei-San ang nadarama ni Rizal. Sa
kauna-unahang pagkakataon, tumibok ang kanyang puso para sa isang lalaking
may dignidad, magalang, maraming angking talino.

Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan. Hindi lamang siya


kasintahan, siya'y naging gabay, tagasalin, at guro ni Rizal. Siya ang kasama sa
pag-oobserba ni Rizal sa mga bantayog at bayan sa paligid ng Tokyo. Tinulungan
niya si Rizal sa pag-unawa nito sa wikang Nipponggo at kasaysayan ng Japan. At
siya ang nagsalin para sa kasintahan ng pinanonood na dramang kabuki.
Ipinaunawa niya kay Rizal ang kakaibang kaugalian ng mga Hapon.
Ang ganda at pag-ibig ni O-Sei-San ay muntik nang magpabago ng pasya ni
Rizal. Sumagi sa isip niya na manirahan na sa Japan. Nang panahon ding iyon,
inalok siya ng trabaho sa Legasyong Espanyol. Kung siya ang mahinang klase ng
tao, mahina ang paninindigan, mangingibabaw ang tawag ng kanyang puso at
maninirahan na lamang siya sa Japan at masaya pa siya sa piling ni O-Sei-San.
Ngunit magiging malaking kawalan ito ng buong mundo, sa pangkalahatan, at ng
Pilipinas, sa partikular.
Si O-Sei-San para kay Rizal. Saksi ang kanyang talaarawan sa pag-ibig niya
kay O-Sei-San. Noong bisperas ng kanyang pag-alis sa Tokyo, isinulat ito ni Rizal
sa kanyang talaarawan:
Ito ang madamdamin at malungkot na nilalaman ng talaarawan ni Rizal,
nagpapaalam sa magandang si O-Sei San.
Sayonara, Japan. Noong Abril 13, 1888, sumakay si Rizal sa Belgic, barkong
Ingles, sa Yokohama, patungong Estados Unidos. Malungkot niyang nilisan ang
Japan dahil alam niyang di na niya muling makikita ang magandang Land of Cherry
Blossoms at ang minamahal niyang si O-Sei-San. Ang 45 na araw na pagbisita niya
sa Japan ay tunay na naging masayang bahagi ng kanyang buhay.

Si O-Sei-San Pagkaraan ng Pag-alis ni Rizal. Gaya ng pagwawakas ng


lahat ng bagay sa mundo, ang pag-iibigan nina Rizal at O-Sei-San ay kailangan
nang magwakas. Kailangang isakripisyo ni Rizal ang pansariling kaligayahan para
maisakatuparan niya sa Europa ang kanyang misyon para sa kasarinlan, kaya
ipinagpatuloy niya ang paglalakbay, at iniwan niya si O-Sei-San na tunay niyang
minamahal.

Nabigo dahil sa paglisan ni Rizal, ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang


puso, ipinagluksa niya ito sa matagal na panahon. Kinalaunan, tinanggap niya ang
kanyang kapalaran at ikinipkip na lamang sa puso ang masasayang araw ng pag-
iibigan nila ni Rizal,

Noong 1897, isang taon pagkaraan ng pagbitay kay Rizal, ikinasal si O-Sei-
San kay G. Alfred Charlton, isang Ingles na guro ng kimika sa Peers' School sa
Tokyo. Nagkaroon sila ng isang anak- anak na babaing pinangalanang Yuriko.
Pagkaraan ng mahabang panahon ng pagtuturo, pinarangalan si Charlton ng
pamahalaang Hapon ng dekorasyong imperyal- Orden ng Merito, Ika 5 Klase.
Namatay siya noong Nobyembre 2, 1915, at naiwan si O-Sei-San, na ang tunay na
ngalan ay Seiko Usui, at kanilang anak na si Yuriko. Ang kanilang anak ay
napangasawa ni Yoshiharu Takiguchi, anak ng isang senador na Hapon.

Si Gng. Charlton (O-Sei-San), na balo na, ay nairahan sa distrito ng Shinjuko


sa Tokyo. Nalampasan niya ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nawasak
ang kanyang bahay ng bombang pinasabog ng Estados Unidos sa Tokyo noong
1944. Namatay siya noong Mayo 1, 1947 sa edad na 80. Inilibing siya sa puntod ng
kanyang asawa sa Sementeryo ng Zoshigawa. Ito ang inskripsyong Hapong
nakasulat sa kanilang puntod:
Alfred Charlton, Ika-5 Klase, Orden ng Merito, at maybahay na si Seiko.

Pagtawid sa Pacific. Sa kabila ng pagdurugo ng kanyang puso, naging


maganda rin ang paglalakbay ni Rizal patungong Estados Unidos. Lulan ng barko,
nakilala niya ang isang mag anak- sina G. Reinaldo Turner, kanyang maybahay na
si Emma Jackson (anak ng isang Ingles), kanilang mga anak, at katulong nilang
tubong Pangasinan.

Isang araw, lumapit kay Rizal ang isa sa mga anak. Matalinong bata, tinanong
niya si Rizal: "Kilala po ba ninyo ang bantog na taga-Maynila, si Richal? Siya po ang
sumulat ng nobelang Noli Me Tangere."
"Oo, hijo, ako si Richal," sagot naman ni Rizal.

Tuwang-tuwa ang bata sa kanyang natuklasan, pinuntahan niya kaagad ang


kanyang nanay para ibalita ang bantog na pasahero ng barko. Tuwang-tuwa rin ang
ina dahil kasama nila sa pagbibiyahe ang isang bantog na manunulat.

Sina Rizal at Tetcho. Isang pasahero ng Belgic na kinaibigan ni Rizal ay si


Tetcho Suehiro, isang palabang Hapon na mamamahayag, nobelista, at kampeon
ng mga karapatang pantao, na pinalayas ng pamahalaang Hapon, tulad ni Rizal na
pinilit ding paalisin sa Pilipinas ng mga awtoridad na Espanyol. Mula Yokohama,
sinimulan ng kanilang paglalakbay, laging nag-iisa si Tetcho dahil Nipponggo
lamang ang wikang alam niya at di niya makausap ang ibang pasahero. Nang
malaman ni Rizal ang kasama na ang wikang Hapon, kinaibigan niya ito at naging
kanyang kalagayan at dahil maalam siya sa iba't ibang wika tagapagsalin sa
kabuuan ng kanilang mahabang paglalakbay mula Yokohama hanggang San
Francisco hanggang New York hanggang sa marating nila ang London, kung saan
sila naghiwalay.

Magkapatid sa diwa sina Rizal at Tetcho. Pareho silang makabayan,


mahigpit na kaaway ng kawalan ng katarungan at tiraniya. Pareho silang
nagmamahal sa kapayapaan at ginagamit ang kanilang panulat bilang armas sa
pakikipaglaban para sa kapakanan at kaligayahan ng kanilang kababayan.

Ikinuwento ni Rizal ang kanyang misyon para sa katubusan ng mga inaaping


kababayan at sa mga pag-uusig ng mga prayle at opisyal na Espanyol sa kanilang
pamilya, na siyang dahilan kaya nilisan niya ang bansa para malaya niyang
maisagawa ang mga pagkilos tungo sa katubusan ng mga kababayan. Sa pagiging
magkaibigan ng walong buwan (Abril 13-Disyembre 1,1888), naging tagahanga ni
Rizal si Tetcho. Humanga ang Hapon sa pagiging makabayan ni Rizal at maraming
angking talino na naging impluwensiya para patatagin ang krusada ng Hapon para
sa mga karapatang pantao sa sariling bayan.
Noong Disyembre 1, 1888, pagkaraan ng huli't mahigpit na kamayan,
nagpaalam sa isa't isa ang dalawa- upang di na muling magkita. Tumigil si Rizal sa
London para isagawa ang pangkasaysayang pananaliksik na may kinalaman sa
Mora sa Museo ng Britanya, at si Tetcho nama'y pabalik na ng Japan

Noong 1889, pagkabalik sa Japan, inilathala ni Tetcho ang kanyang


talaarawan tungkol sa biyahe niya. Ang talaarawan ay nagtataglay ng mga
impresyon niya kay Rizal:
"Si G. Rizal ay mamamayan ng Maynila sa Pilipinas. Mga 27 hanggang 29
taong gulang. Bata man siya. mahusay siyang magsalita ng pitong wika."
"Sa S/S Belgic kami nagkakilala. Nagpunta ako sa Inglatera sa rutang
Amerika nang kasama siya. Mula noo'y madalas na kaming mag-usap."
"Bukas ang puso ni Rizal para sa sinuman. Marami siyang angking talino.
Mahusay siya sa pagguhit at paghubog ng mga bagay-bagay sa waks.

"Dumating ako sa London noong huling bahagi ng Mayo 1888. Pansamantala


akong tumuloy sa King Henry's Road, pagkatapos ay lumipat ako sa silid 56 ng
Kalye Parliament Hill. Intensiyon kong manatili rito hanggang Pebrero o Marso
ngunit, sa kasamaang palad, Oktubre pa lamang ay nabalutan ng hamog ang
London. Nagkasakit ako, bagaman hindi grabe, naisip kong magiging mahirap para
sa akin ang darating na taglamig. Nagpasya akong umuwi at nakatakdang umalis sa
London sa unang araw ng Disyembre.

"Noong unang araw ng Disyembre, maaga akong nagising. Maganda at


maaraw ang araw na iyon, pagkaraan ng ilang araw ng hamog at ulan. Sumikat ang
araw na para bang binabati ako sa aking pag-uwi. Nagpaalam ako sa aking mga
kababayan at 9:30 n.u. habang naglalakad sa Kalye Parliament Hill nang makita ko
si G. Rizal na papunta sa aking otel. Tinawag ko siya para sumabay na sa aking
sinasakyan. Si G. Rizal ay nula sa Maynila. Mahusay siya sa pagsasalita ng pitong
iba't ibang wikang dayuhan sa edad na 27 lamang Prangka siya at mapangahas,
mahilig sa sining, madaling mapamahal sa kanya...

Pagkaraan ng pagkalimbag ng kanyang talaarawan, nagretiro si Tetcho bilang


patnugot ng Choya, pahayagan sa Tokyo, at puma sok sa larangan ng politika.
Noong 1890, nahalal siyang miyembro ng mababang kapulungan ng Unang
Imperyal na Diet (parlamentong Hapon), kung saan niya ipinaglaban ang mga
karapatang pantao. Nang sumunod na taon (1891), inilathala niya ang nobelang
politikal na Nankai-no-Daiharan (Sigwa sa Katimugang Dagat) na nahahawig sa
Noli Me Tangere ni Rizal. Pagkaraan ng tatlong taon (1894), nailathala niya ang isa
pang nobela, O-unabara (Malaking Dagat), na hawig din sa El Filibusterismo.

Habang nanunungkulan sa Imperyal na Diet, namatay si Tetcho sanhi ng


atake sa puso noong Pebrero 1896 (sampung buwan bago ang pagbitay kay Rizal)
sa Tokyo. Siya ay 49 taong gulang.
Kabanata 13
Pagbisita ni Rizal sa Estados Unidos
1888
Unang nakita ni Rizal ang Amerika noong Abri128, 1888. Ang pagdating niya
sa dakilang bansang ito ay nabahiran ng di-makatwirang pagtrato sa mga lahi dahil
nakita niya ang masamang pagtrato sa mga Tsino at Negro ng mga puting
Amerikano. Itinala niya ang lahat ng mga obserbasyon niya sa kanyang paglalakbay
mula San Francisco hanggang New York, kung saan siya sumakay ng barko
patungong Inglatera. Mula sa kanyang mga tala at sulat sa mga kabigan, makikita
ang mga impresyon niya sa Amerika, na karamiha’y di maganda ngunit
mgakatotohanan. Si Rizal ay matapat, at isinusulat niya lamang kung ano ang
nakita at naranasan niya.
Pagdating sa San Francisco. Dumaong ang barkong Belgic, na lulan si
Rizal, sa San Francisco noong Sabado ng umaga, Abril 28, 1888. Hindi pinayagang
bumaba ng barko ang lahat ng pasahero. Ikinuwarentenas ng mga Amerikanong
awtoridad, sa dahilang pangkalusugan, ang barko dahil nagmula ito sa Dulong
Silangan kung saan diumanoly may epidemya ng kolera. Nagulat si Rizal dahil batid
niyang wala namang epidemya ng kolera sa Dulong Silangan. Nakiisa siya sa
pagpoprotesta ng ibang pasahero laban sa di makatwirang utos ng mga awtoridad
sa kalusugan. Binigyan ng pahintulot ng Amerikanong konsul sa Japan ang barko;
gayundin, ang Ingles na Gobernador ng Hong Kong ay nagpatunay na walang
epidemya ng kolera sa Tsina.

Natuklasan niya na ang dahilan ng pagkukuwarentenas sa barko ay may


kinalaman sa politika. Lulan ng barko ang 643 Tsinong coolie. Nang panahong iyon,
tutol ang publiko sa murang halaga ng paggawa ng mga coolie dahil nawawalan ng
trabaho ang mga puting manggagawa sa konstruksiyon ng daang-bakal at ang
ipinapalit sa kanila’y mga Tsinong coolie. Para makuha ang mga boto ng mga puti
sa California (nalalapit na noon ang eleksiyon), ipinagpaliban ng administrasyon ang
pagpasok ng mga Tsinong coolie.
Ngunit napuna ni Rizal na hinayaan namang ibaba sa barko nang di
napauusukan ang paldo-paldo ng mamahaling sedang Tsino, nakababa rin ang
doktor ng barko ng walang nagpoprotestang opisyal ng kalusugan, at ang mga
empleyado ng adwana ay ilang beses na umaakyat sa barkong diumano’y may
dalang mikrobyong sanhi ng kolera.
Pagkaraan ng isang linggo ng pagkukuwarentenas, lahat ng pasahero sa
primera klase, kasama na si Rizal, ay pinayagang bumaba ng barko. Ngunit ang
mga pasaherong Hapon at Tsinong nasa akomodasyong segunda at tersera klase
ay inilagay sa kuwarentenas ng mas matagal na panahon.
Si Rizal sa San Francisco. Noong Biyernes ng hapon Mayo 4, 1888, ang
araw nang payagan siyang makababa ng barko, nagparehistro si Rizal sa Otel
Palace, na noong panahong iyo’y itinuturing na primera klaseng Otel sa lungsod. Sa
araw na ito, isinulat niya sakanyang talaarawan:
Tumuloy ako sa Otel Palace; $4 isang araw na may kasamang paliguan at
lahat-lahat na. Kalye Stockton, 312. Nakitako ang Golden Gate… Noong Linggo,
lahat ng tindahan ay sarado. Ang pinakamagandang kalye sa San Francisco ay ang
Kalye Market.
Nabanggit rin ni Rizal sa kanyang talaarawan si Leland Stanford isang
milyonaryong senador na siyang kinatawan ng California sa Senado ng Estados
Unidos. Ang senador ang tagapagtatag at tagapagtustos ng Unibersidad ng
Stanford sa Palo Alto California. Itinala rin niya sa kanyang talaarawan ang Kalye
Dupont sa China town na ngayo'y Abenida Grant.
Tumigil si Rizal nang dalawang araw sa San Francisco — mula Mayo 4
hanggang Mayo 6, 1888. Ang Pangulo ng Estados Unidos noo'y si Grover
Cleveland.
Sa Kontinenteng Amerika. Noong Mayo 6, 1888 —Linggo, 4:30 n.h. —
nilisan ni Rizal ang San Francisco patungong Oakland, siyam na milya sa ibayo ng
Look ng San Francisco, lulan ng bangkang pantawid.
Sa Oakland, sumakay siya ng tren para sa kanyang pagbibiyahe sa kabuuan
ng kontinente. Naghapunan sa Sacramento sa halagang 75 cents at natulog siya sa
kanyang kamarote.
Maagang-maaga kinabukasan (Mayo 7), nag-agahan siya sa Reno, Nevada,
na ngayo'y glamorosong tinaguriang "Ang Pinakamalaking Maliit na Lungsod sa
Buong Mundo. " Ang mga obserbasyon ni Rizal ay nakasulat sa kanyang
talaarawan:
Lunes, Mayo 7. Nakita ko ang isang Indian na nakadamit ng kasuotang
Europeo at Indian, na nakasandal sa isang pader. Malalawak na disyertong walang
halaman ni puno. Walang gaanong naninirahan. Malungkot na lugar. Hubad na
kabundukan. Mga buhangin. Malaking ekstensyon ng puting lupain, parang tisa.
Malayo sa disyertong ito ay makikita ang ilang bughaw na kabundukan. Magandang
araw. Mainit ngayon, ngunit mayroon pang niyebe sa tuktok ng ilang bundok.
Martes. Mayo 8. Maganda ang umaga ngayon. Tumigil kami sa iba’t ibang
lugar. Malapit na kami sa Ogden. Naniniwala akong mabubungkal ang lupa rito
kung may mainam na sistemang pang-irigasyon. Nasa estado na kami ng Utah, ang
ikatlong estadong dinaanan namin. Papalapit sa Ogden, makikita ang mga kabayo,
baka, at puno sa mga bukid. Makikita rin ang maliliit na bahay. Mula Ogden
patungong Denver. Ang orasan ay inaabante ng isang oras. Nakikita na namin sa
dinaraanan ang mga bulaklak na dilaw ang kulay. Ang tuktok ng mga bundok ay
nababalutan pa ng niyebe. Ang pampang ng Lawa ng Salt ay mas maganda kaysa
ibang bagay na nakita ko. Ang mga asno ay malalaki. May mga bundok sa gitna ng
lawa gaya ng nasa isla ng Talim sa Look ng Laguna. Nakakita kami ng tatlong
batang lalaking Mormon sa Farminton. May mga tupa, baka at kabayo sa
kaparangan. Hindi kalakihan ang populasyon ng rehiyon. May mga bibe sa lawa ...
Binati kami ng mga bata sa Lungsod ng Salt Lake. Sa Utah, ang mga babae ang
naghahanda sa mesa... Lumipat kami ng tren pagdating sa Ogden at di muna kami
maglilipat pa hanggang sa makarating sa Denver. Sa Provo, marami ang nakain ko
sa halagang 75 cents. Dumaan kami sa pagitan ng dalawang bundok pamamagitan
ng isang makitid na dagat-lagusan.
Miyerkules. Mayo 9. Dumaraan kami sa pagitan ng mga bundok at batuhan sa
may tabi ng ilog; ang ilog ay maingay at ang ingay nito ang nagbibigay-buhay sa tila
walang buhay na lugar. Nagising kami nang nasa Colorado na, ang ikalimang
estadong dinaanan namin. 10:30 n.u., umakyat kami kaya nakakita kami ng niyebe
sa dinaraanan. Maraming puno ng Pino. Dumaan kami sa mga lagusang gawa sa
kahoy para maprotektahan ang kalsada sa niyebe. Ang mga yelo (icicles) sa loob
nito ay makikintab kaya maringal. Ang portero, isang Amerikano, ng Pullman Car, ay
parang magnanakaw. Mas maraming puno sa Colorado kaysa estadong nadaanan
naming. Marami ring kabayo rito.
Huwebes. Mayo 10. Nagising kami nang nasa Nebraska na. Ang estadong ito
ay kapatagan. Narating namin ang malaking lungsod —pinakamalaki sa mga nakita
ko mula nang lumisan San Francisco. Ang Ilog ng Missouri ay dalawang beses na
mas malawak kaysa Ilog ng Pasig. Para itong latian… Ang tren ay dumaan sa tulay
ng Missouri sa tagal na 2 at 1/2 minuto; dahan-dahan ang takbo ng Ùen. Nafito na
kami Illinois.
Biyernes. Mayo 1. Nasa Chicago na kami nang magising. Nabungkal na ang
mga bukid dito. Malalaman mong papalapit na kami sa Chicago. Umalis kami ng
Chicago nang Biyernes ng gabi 8:14. Napuna ko sa bawat tindahan ng tabako sa
Chicago'y may isang piguring Indian at laging magkakaiba ito. (2775 Kalye
Washington, Boston, Miss C.G. Smith)

Sabado. Mayo 12. Magandang Wagner Car— maganda rin ang araw na ito.
Maganda ang lugar na ito at marami-rami rin ang naninirahan. Darating na kami
teritoryong Ingles (Canada—Z) mamayang at hapon at makikita na namin ang Talon
ng Niagara. Tumigil kami sa mga bahaging maganda ang tanawin; pinuntahan
naming ang gilid sa may gawing ibaba ng talon; naroon ako sa pagjtan ng dalawang
bato at masasabi kong napakaganda ng talong ito. Hindi nga lang kasing ganda ito
ng talon sa Los Baños (sic Pagsanjan-Z); ngunit mas malaki, mas maringal…
Binubuo ito ng maraming talon. Nilisan namin ang lugar na ito pagdating ng gabi.
May misteryoso itong tunog at alingawngaw.
Linggo. Mayo 13. Malapit na kami sa Albany- Ito’y malaking lungsod. Ang ilog
ng Hudson na umaagos dito ay maraming bangka. Tinawid naming ang tulay.
Maganda ang tanawin dito; at hindi naman ito pahuhuli sa Europa. Ang gaganda ng
mga tanawin sa may pampang ng Hudson bagaman para itong mapag-isa kaysa
yaong makikita sa Pasig… Ang Hudson ay malawak- Magagandang barko. Mga
batong granite sa may daang-bakal… Magagandang bahay sa pagitan ng mga
puno. Magandang araw- Ang aming grandeng biyaheng paibayong kontinente ay
magwawakas sa Linggo, Mayo 13, 11:10 n.u.
Si Rizal sa New York. NoongLinggo ngumaga, Mayo 13, narating ni Rizal
ang New York, at nagwakas na ang kanyang pagbibiyahe sa kontinenteng
Amerika. Tumigil siya nang tatlong araw sa lungsod na ito, na kung tawagin niya’y
malakingbayan. Binisita niya ang magaganda at makasaysayang tanawin.
Humanga siya sa laki at naging inspirasyon niya ang monumentong handog kay
Geprge Washington. Ukol sa dakilang Amerikano, isinulat niya kay Ponce: "Siya ay
isang dakilang tao, na sa palagay ko’y walang katulad sa bansang ito."
NoongMayo 16, 1888, nilisan niya ang New York patungong Liverpool lulan ng
City of Rome. Ayon kay Rizal, ang barkong ito ang pangalawang pinakamalaking
barko sa buong mundo, sunod lamang sa Great Eastern. Masayang-masaya siya
nang makita ang higanteng Statue of Liberty sa Isla ng Bedloe nang mapadaan ang
kanilang barko sa Daungan ng New York.
Mga Impresyon ni Rizal sa Amerika. May magaganda at pangit na
impresyon si Rizal sa Estados Unidos. Ang magaganda niyang impresyon ay: (1)
materyal na kaunlaran ng bansa na nakikita sa malalaking lungsod, lupaing
agrikultural, mga umuunlad na industriya, at abalang mga pagawaan; (2) ang
enerhiya at pagpupursige ng mga Amerikano; (3) likas na kagandahan ng bansa,
(4) mataas na antas ng pamumuhay; at (5) mga oportunidad para sa mabuting
buhay para sa mahihirap na imigrante.
Isang pangit na impresyon ni Rizal sa Amerika ay ang kawalan ng pantay-
pantay na pagtrato sa mga lahi. Ang ganitong pagtrato ay taliwas sa mga prinsipyo
ng demokrasya at kalayaang ipinagmamalaki ng mga Amerikano ngunit di naman
nila isinasagawa. Kaya isinulat niya kay Ponce: "Wala silang tunay na kalayaang
sibil. Sa ibang estado, hindi maaaring ikasal ang isang Negro sa isang Puti. Ang
pagkamuhi sa mga Tsino ang siyang dahilan kaya nahihirapan ang ibang Asyano
rito, tulad ng mga Hapon na madalas na mapagkamalang Tsino dahil na rin sa
pagiging ignorante ng mga Amerikano, kaya ang mga ito’y kinamumuhian din.
Noong 1890, dalawang taon pagkaraan ng pagbisita ni Rizal sa Estados
Unidos, Jose Alejandro, na noo’y nag-aaral ng inhenyeria sa Belhika ay nakasama
ni Rizal sa 38 Rue Philippe Champagne, Brussels. Si Alejandro, na di pa
nakararating sa Amerika ay nagtanong kay Rizal: "Ano ang impresyon mo sa
Amerika?
"Ang Amerika” sagot ni llay isang bansang may napakagaling na kalayaan ngunit
para laman g sa mga Puti.
Kabanata 14
Si Rizal sa London,
1888-1889
Pagkaraang bisitahin ang Estados Unidos, tumira si Rizal sa London mula Mayo
1888 hanggang Marso 1889. Pinili niya ang lungsod na ito na maging bagong tahanan
niya sa tatlong kadahilanan. (1) madagdagan ang kanyang kaalaman sa wikang
Ingles, (2) mapag-aralan at mabigyan ng anotasyon ang Sucesos de las Islas
Filipinas ni Morga, isang pambihirang sipi na narinig niyang makikita sa Museo ng
Britanya, at (3) ang London ay isang ligtas na lugar para maipagpatuloy niya ang
pakikipaglaban sa pagmamalupit ng mga Espanyol. Sa London, naglaan siya ng
panahon para mapag-aralan ang mga bagay-bagay na Filipiniana, natapos niya ang
anotasyon sa aklat ni Morga, sumulat ng mga artikulo para sa La Solidaridad para
maipagtanggol ang kanyang aklat, isinulat niya ang tanyag na liham para sa
kadalagahan ng Malolos, at ipinagpatuloy ang pagsulat kay Blumentritt at mga
kamag-anak, at nagkaroon ng romansa kay Gertrude Beckett.
Pagbiyahe Pa-Atlantik. Ang pagtawid ni Rizal sa ibayo ng Atlantik mula New
York patungong Liverpool ay naging maganda. Marami siyang nakilalang kaibigan
mula sa iba't-ibang bansa na tulad niyang pasahero sa mala-palasyong City of Rome
dahil palakaibigan siya at marami siyang alam na wika.
Naaliw ang mga pasaherong Amerikano at Europeo kay Rizal dahil sa husay
niya sa yo-yo bilang pananggalang. Ang yo-yo ay maliit na bilog na laruang gawa sa
kahoy at may nakaikot ditong tali na ang kabilang dulo’y ikinakabit sa daliri ginagamit
itong laruan ng mga Pilipino. Ngunit ipinakita ni Rizal ang gamit nito bilang
pananggalang na ikinagulat ng mga dayuhan.
Lulan din sa barko ang ilang Amerikanong mamamahayag na patungo ring
Europa. Tinalakay ni Rizal sa kanila ang mga suliraning panlipunan at pampolitika ng
sangkatauhan, at natuklasan niyang hindi gaanong maalam ang mga ito sa heo-
politika kaya nawalan siya ng ganang makipag-usap sa mga ito.
Narating ni Rizal ang Liverpool, Inglatera noong Mayo 24, 1888. Tumigil siya ng
isang araw sa lungsod na ito, sa Otel Adelphi “Ang Liverpool” isinulat niya sa kanyang
pamilya, "ay malaki at magandang lungsod, at ang ipinagmamalaking daungan nito
ay karapat-dapat sa kanyang katanyagan. Ang pasukan dito ay maringal, at ang
adwana ay mainam din naman.”
Buhay sa London. Noong Mayo 25, 1888, isang araw pagkaraang dumaong
sa Liverpool, nagtungo si Rizal sa London. Pansamantalang tumigil siya bilang
panauhin sa tabaoan ni Dr. Antonio Ma. Regidor, desterado ng 1872 at abogado sa
London. Bago magtapos ang buwanng Mayo, nakahanap siya ng paupahang lugar
sa Blg. 37 Charcot Crescent, Primrose Hill. Nangungupahan siya sa pamilyang
Beckett. Ang mga Beckett ay sina G. Beckett, organista sa Simbahan ng St. Paul,
Gng. Beckett (kanyang asawa), dalawang anak na laiaki, at apat na anak na babae.
Ang pinakamatanda sa magkakapatid na babae ay si Gertrude, tinatawag na
"Gertie" o "Tottie” ng kanyang mga kaibigan.
Maganda ang lokasyon ng tahanan ng mga Beckett para kay Rizal. Malapit ito
sa mga Liwasang bayan at malapit na lakarin papuntang Museong Britanya, kung
saan gagawin ni Rizal ang kanyang pananaliksik.
Nakilala ni Rizal si Dr. Reinhold Rost, bibliotekaryo ng Ministeryo ng Ugnayang
Panlabas at awtoridad sa mga wika at kaugaliang Malayo. Humanga si Dr. Rost sa
talino at ugali ni Rizal, at ikinalugod niya ang pagpapakilala rito sa mga nangangasiwa
ng Museo ng Britanya. Tinawag niya si Rizal na “una perla de hombre” (isang perlas
ng kalalakihan).
Naglagi si Rizal sa Museo ng Britanya. Binabasa at sinusuri ang mga pahina ng
Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga at iba pang pambihirang manuskritong pang
kasaysayan tungkol sa Pilipinas. Madalas din niyang dalawin si Dr. Regidor para
mapag-usapan nila ang mga suliraning may kinalaman sa mga nangyayari sa
Pilipinas.
Tuwing Linggo, nasa bahay siya ni Dr. Rost, at ang madalas nilang talakayin ay
ang lingguwistika. Nakikipaglaro siya ng cricket (popular na larong Ingles) at
nakikipagboksingan sa mga anak na lalaki ni Dr. Rost.
Mga Balita mula sa Bahay, Magaganda at Masasama. Magaganda at
Masasama ang mga balitang nakarating kay Rizal Sa London. Sa masasamang
balita'y kasama ang mga kawalang-katarungang pagtrato ng mga Espanyol sa mga
Pilipino, pati na sa mag-anak ni Rizal. Ito ang mga sumusunod:
1. Pag-uusig sa mga makabayang Pilipino na lumagda sa "Petisyong 1888 Laban
sa mga Prayle" na iniharap ni Doroteo Cortes, prominenteng Mason at
Abogado, kay Jose Centeno, Gobernador Sibil ng lalawigan ng Maynila, noong
Marso 1, 1888. Ang petisyong ito na nilagdaan ng mga 800 makabayan, ay
isinulat ni M.H.Del Pilar. Ipapaadaka niya ito sa Reyna Rehente ng Espanya
para hilingin ang pagpapatalsik sa mga Prayle, kasama na rito si Arsobispo
Padre Payo (Dominiko) ng Maynila.

2. Pag-uusig sa mga kasama sa Calamba, kabilang na ang pamilya at kamag-


anak ni Rizal, dahil sa matapang nilang paghiling ng repormang pang-agraryo
sa pamahalaan.

3. Panunuligsa kay Rizal nina Senador Salamanca at Vida sa Cortes ng Espanya


at ni Desegaños (Wenceslao E. Retana) at Quioquiap (Pablo Feced) sa mga
pahayagang Espanyol.

4. Di-makatwirang pagpapatapon ni Gobernador Heneral Weyler kay Manuel T.


Hidalgo (bayaw ni Rizal at asawa ni Saturnina) sa Bohol.
5. Pagdakip at pagkulong kay Laureano Viado (estudyante ng medisina sa
Unibersidad ng Santo Tomas, at kaibigan ni Rizal) sa Bilibid dahil nakita sa
tahanan nito ang isang sipi ng Noli.
Ngunit may magandang balitang natanggap si Rizal, at ito ang pagtatanggol ni
Rev. Vicente Garcia sa Noli laban sa panunuligsa ng mga prayle, Nalaman ni Rizal
ang magandang balitang ito mula kay Mariano Ponce. Lubos ang kanyang
pasasalamat sa katapangan ni Padre Garcia, iginagalang na Pilipinong pari sa
Katedral ng Maynila. Noong Enero 7.1891, sinulatan niya si Padre Garcia,
nagpapahayag ng kanyang pasasalamat. Sa bantog na sulat na ito, sinabi niya
Kaming kabataang Pilipino ay nagsusumikap na gumawa nang mabuti
para sa ating bayan at di marapat na pigilin ang aming pagsulong, gayunma’y
nililingon naming ang mga nakatatanda para sa kanilang mga payo. Gugustuhin
naming malaman kung sang-ayon sila sa aming mga ginagawa. Gustong-gusto
naming maalaman ang nakaraan ng Pilipinas nang sa gayo’y maunawaan
namin at makapagplano kami nang mabuti para sa hinaharap. Gusto naming
malaman ang mga nabatid ng ating mga ninuno, at idaragdag pa namin ang
mga napag-aralan namin. Sa gayo’y magiging mas mabilis ang pag-unlad dahil
alam natin kung saan magpapatuloy mula kung saan sila nahinto.
Paglalagay ng Anotasyon sa Aklat ni Morga. Ang kahanga-hangang nagawa
ni Rizal sa London ay ang paglalagay ng anotasyon sa aklat ni Morga, ang Sucesos
de las Islas Filipinas (Mga Makasaysayang Pangyayari sa mga Isla ng Pilipinas), na
nailathala sa Mexico noong 1609. llang araw din siya sa Museo ng Britanya, binabasa
at sinusuri ang librong ito at iba pang librong pangkasaysayan tungkol sa Pilipinas,
gaya ng sinulat ni Padre Chirino, Padre Colin, Padre Argensola, Padre Plasencia,
atbp. Sa mga kasaysayang naisulat noong mga unang taon ng rehimeng Espanyol,
itinuring ni Rizal na pinakamaganda ang sinulat ni Morga.
Ang liham niya kay Blmentritt noong Setyembre 17, 1888, sinabi ni Rizal: "Ang
gawa ni Morga ay mahusay at magandang aklat; masasabing si Morga ay isang
makabagong iskolar at manlalakbay. Wala siyang pagkukunwari at hindi paglalabis sa
katotohanan ang pag-uulat niya, isang bagay na karaniwang manakikita sa mga
isinulat ng mga Espanyol ngayon: payak ang pagkakasulat niya ngunit kailangang
basahin ng mabuti ..."
Sa loob ng sampung buwan (May 1888-Marso 1889), pinag-aralang mabuti ni
Rizal ang kanyang mga manuskritong pangkasaysayan sa London. Nang panahong
ito, nakikipaglaban ang mga kababayan niya sa Espanya para sa mga reporma para
sa Pilipinas. Minsan, hinikayat ni Mariano Ponce, na hindi pa niya nakikilala at
naninirahan noon sa Barcelona, si Rizal na pamatnugutan ang isang pahayagang
magtatanggol sa mga interes ng mga Pilipino laban sa mga pang-uusig ng mga
Espanyol. Tinanggihan niya ito dahil siya'y abalang-abala noon. "Ngayo’y," isinulat ni
Rizal kay Ponce noong Oktubre 12, 1888, "inilalaan ko ang aking araw at gabi sa pag-
aaral kaya hindi ko maaaring pamatnugutan ang anumang pahayagan.”
Maikling Pagbisita sa Paris at Espanya. Noong unang bahaging Setyembre
1888, binisita ni Rizal ang Paris nang isang linggo para makapaghanap ng iba pang
materyal na pangkasaysayan sa Bibliotheque Nationale. Malugod siyang tinanggap sa
masayang Pranses na metropolis ni Juan Lunaat kanyang asawang si Paz Pardo de
Tavera, na ipinagmamalaking ipinakita ang kanilang batang anak na lalaking
pinangalanan nilang Andres (palayaw ay Luling). Pagkaraang magbasa at magsuri ng
matatandang aklat at manuskrito sa Bibliotheque Nationale,nagbalik si Rizal sa
London.
Noong Disyembre 11, 1888, nagtungo siya sa Espanya, binisita niya ang Madrid
at Barcelona. Nakipag-ugnayan siya sa mga kababayan at siniyasat ang sitwasyong
politikal na may kinalaman sa pagtataguyod para sa mga reporma para sa Pilipinas.
Nakilala niya sina Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce, dalawang malaking kampeon
ng Kilusang Propaganda. Nakipagpalitan siya ng mga ideya
sa mga bagong kaibigan at nangakong makikiisa sa kanilang pakikipaglaban
para sa mga reporma.
Pasko sa London (1888). Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24 at
nag-Pasko at nag-Bagong taon kapiling ang mga Beckett. Naging masaya ang
kanyang Bisperas ng Pasko, ang una niya sa lupaing Ingles. Nang gabing iyon,
isinulat niya kay Blumentritt: "Ngayon ay Noche Buena (Bisperas ng Pasko); ito ang
pistang gustong-gusto ko. Naaalala ko ang masasayang araw di lamang ng aking
kabataan, kundi pati ng kasaysayan. Isinilang man o hindi si Kristo sa eksaktong araw
na ito, hindi ko masasabi; ngunit ang eksaktong kronolohiya ay hindi na mahalaga
kapag nasasaksihan ang saya ng gabing ito, Isang tunay na Henyo ang isinilang para
palaganapin ang katotohanan at pag-ibig. Nagdusa siya sa pagsasakatuparan niya
ng Kanyang Misyon sa lupa. At dahil sa kanyang pagdurusa'y napagbuti niya ang
daigdig kundi may nailigtas. Hindi ako makapaniwalang ginagamit ng ilang tao ang
Kanyang Ngalan sa paggawa ng kasalanan.
Para sa kanyang kaibigan, nagpadala si Rizal ng aginaldong Pamasko, ang
busto ni Emperador Augustus na nililok niya. Ang emperador na ito ay namuno sa
Imperyong Romano nang isilang si Hesukristo sa Bethlehem. Para kay Dr. Carlos
Czepelak (isang iskolar na taga-Poland), iniregalo niya ang busto ni Julius Caesar.
Alam ang hilig niya sa salamangka, niregaluban siya ng may-ari ng inuupahan niya,
si Gng. Beckett, ng aklat na The Life and Adventures of Valentine Vox, the
Ventriloquist. Tuwang-tuwa si Rizal nang matanggap ang aklat dahil malaki ang
kanyang paghanga sa mahikero at bentrilokwislang Ingles.
Naging Lider si Rizal ng mga Kababayan sa Europa. Habang abala sa pag-aaral
ng kasaysayan sa London, napag-alaman ni Rizal na ang mga Pilipino sa Barcelona
ay nagbabalak na magtatag ng isang samahan ng mga makabayang Pilipinong
naglalayong makiisa sa krusada para sa mga pambansang reporma Ang samahan,
tinawag na Asociacion La Solidaridad, ay pinasinayaan noong Disyembre 31, 1888.
Ang mga opisyal nito ay sina Galicano Apacible, pangulo, Graciano Lopez Jaena,
pangalawang pangulo; Manuel Santa Maria, kalihim; Mariano Ponce, ingat-yaman; at
Jose Ma. Panganiban, tagapagtuos.
Nagkaisa ang labat ng miyembro na gawing pangulong pandangal si Rizal bilang
pagkilala sa mahusay nitong pangunguna sa mga makabayang Pilipino sa Europa.
Bilang lider ng mga kababayan sa Europa, sumulat si Rizal sa miyembro ng Asociacion
La Solidaridad noong Enero 28, 1889. Sa liham na ito, ipinahayag ni Rizal ang
kanyang pasasalamat sa paggawad sakanya ng ganoong karangalan, at ipinayo niya
ang mga ito.
1. Sa isang katatatag na asosasyon, ang diwa ng toleransiya ay kailangang
mangibabaw lalo pa't may mga di-pagkakaunawaang makakaapekto sa
maha1agang simulain; sa mga talakayan, ang tendensiyang makipagkasundo
ay mas mahalaga kaysa tendensiyang sumalungat. Hindi dapat maghinanakit sa
pagkatalo. Kapag ang opinyon ay di tinanggap, ang awtor nito, sa halip na magalit
at di na umimik, ay dapat na maghintay ng ibang pagkakataon na siya naman ang
mapakikinggan. Ang indibidwal ay laging magbibigay-daan sa kagustuhan ng
nakararami.

2. Integridad at tapat na kalooban. Walang sinumang miyembro ang


maghahangad ng gantimpala at karangalan para sakanyang ginagawa. Siya na
gumaganap ng kanyang tungkulin dahil sa inaasahang gantimpala ay kadalasang
nabibigo dahil halos walang naniniwalang karapat-dapat siya sa karangalan. At
para walang miyembrong di makontento o di-karapat-dapat na mabigyan ng
karangalan, mainam gawin niya ang mga tungkulin niya nang taos-puso at mabuting
asahan na may pagkakataong tatratuhin siya ng di-maganda dahil sa tiwaling
bansa, ang kawalan ng katarungan ay premyo para sa mga gumaganap ag
kanilang tungkulin.

Magtipid. Magtipid. Magtipid.

Ang pagiging seryoso at pagkapantay-paatay para sa lahat.

Si Rizal at ang Pahayagang La Solidaridad. Noong 15, 1889, itinatag ni


Graciano Lopez Jaena ang makabayang pahayagang La Solidaridad sa Barcelona,
kung saan siya naninirahan. Ang pahayagan ay lumalabas tuwing makalawang linggo
at opisyal na pahayagan ito ng Kilusang Propaganda. Ang mga layunin nito ay: (1)
makapagtrabaho nang mapayapa para sa repormang panlipunan at pampolitikal; (2)
mailarawan ang mga kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipinas nang ang Espanya ay
makagawa ng remedyo ukol dito; (3) labanan ang masasamang puwersa ng
reaksyonaryo at pagkasinauna;; (4) magtaguyod ng mga ideyang liberal at kaunlaran; at
(5) maging kampeon ng mga lehitimong aspirasyon ng mga Pilipino sa buhay,
demokrasya, at kaligayahan.

Dalawang araw pagkaraan ng pagsilang ng La Solidaridad, si M. H. del Pilar ay


sumulat kay Rizal sa London: "Sa wakas ay isinilang na ang ating abang pahayagan. Ito
ay demokratiko sa kanyang opinyon, at mas lalo na sa organisasyon ng patnugutan nito.
Makikita kung paano magsulat ang patnugot na si Graciano, magwasto ng mga proofs,
magdirek sa pag-iimprenta, mamahagi ng mga sipi, at kalat dalhin ang mga ito sa koreo.
Si Naning (Mariano Ponce--Z.), ang tagapangasiwa, ay nangangalap ng mga
impormasyon,nag-eedit, nagwawasto ng mga proofs, sumusulat ng mga tudling,
naghahanda ng mga korespondensya, at namamahagi ng mga sipi. Ako ay isa lamang
tagapagmasid bagaman naging bahagi ako ng pahayagan mula sa pagbalak hanggang
sa pagsilang nito, at ito ang dahilan ng pagsulat ko sa iyo."

Binati ni Rizal si Lopez Jaena at kanyang mga kasama sa pagtatatag ng La


Solidaridad. Bilang tanda ng kanyang pagsangayon at kooperasyon, naghanda siya ng
mga artikulo para sa pahayagan na nailathal naman. Sa kanyang liham kay Lopez Jaena,
pinayuhan niya ang mga ito na maging maingat sa paglalathala. at tanging katotohanan
lamang ang ilalaman ng La Solidaridad." “Maging maingat,” payo niya, "huwag
maglathala ng labis sa katotohanan o kasinungalingan o panggagaya sa iba, na
gumagamit ng di-matuwid na pamamaraan, at ng kabulgaran at ng pangit na
lenggilwahe para makamit ang kanilang layunin. Siguraduhing ang pahayagan ay
makatwiran, tapat, at totoo nang ang mga opinion nito ay laging igagalang. Kailangang
maipakita natin sa ating mga kaaway na tayo ay karapat-dapat kaysa kanila, lalo pa’t
kung pagbabatayan aymoralidad at pagigingtao. Kapag katotohanan lamang ang ating
sinasabi, masasabing naipanalo na natin ang ating ipinaglalaban dahil ang katwiran at
katarungan ay nasa ating panig. Hindi na kailangan ng mga panloloko.”

Unang Artikulo sa La Solidaridad. Ang unang artikulo ni Rizal na nailathala sa


I.a Solidaridad ay pinamagatang "Los Agricultores Filipinos"(Mga Magsasakang Pilipino).
Nailathala ito noong Marso 25, 1889, anim na araw pagkaalis niya sa London patungong
Paris.
Sa unang artikulong ito, nailarawan niya ang kalunus-lunos na kalagayan sa Pilipinas
na siyang sanhing pagkaurong ng bansa. Isinulat niya.
Ang magsasakang Pilipino ay kailangang makihamok di lamang sa
maliliit na tirano at magnanakaw. Laban sa una, ang pagtatanggol ay
pinapagayan; laban sa huli, hindi palagi…

Pagkaraan ng baha, balang, sunog, masamang ani, at iba pa, ang


kapitalistang magsasaka ay kailnagan makisama sa konstable na nagtatanggal
ng mga manggagawa para siya'y mapagsilbihan o kaya’y gumawa samga
gawaing pampubliko, mag-ayos ng mga kalsada, tulay, at iba pa; kasama ang
mga guwardiya sibil na dumadakip sa kanila sa iba’t ibang sala, minsa'y dahil
hindi nila dala ang kanilang mga personal na sedula, dabil hindi maayos ang
pagsaludo sa kanila, dahil pinasususpetsahan nila ang tao, o kahit na walang
dahilan, at nilalagyan sila ng posas para maglinis ng mga kuwartel kaya
napipilitan ang kapitalistang mabuhay nang mas maayos kasama ang hepe, at
kung hindi, kukunin ang kanyang kalabaw, baka, sa kabila ng mga protesta…

Minsan, hindi ang konstable o guwardiya sibil ang tahas na lumalaban


sa ministro ng mga kolonya. Ang opisyal ng hukuman o ang pamahalaang
panlalawigan, kapag hindi nakontento sa magsasaka, ay ipinatatawag ganito
at ganoong manggagawa, kundi man dalawa o tatlo. Ang malas na tao ay
magbibiyahe nang dalawa o tatlong araw, hindi mapakali at walang
pagtitiwala, ay gagastusin ang kanyang ipon, darating, ihaharap ang sarili,
maghihintay, magbabalik kinabukasan at maghihintay, sa wakas ay
nakasimangot na tatanungin na parang isang huwes, ng masalimuot at di
nalalamang bagay-bagay. Masuwerte siya kung malalampasan ang
pagtatanong dahil malamang na lalabas siya ng kulungan na mas mangmang
kaysa noong una ..."

Mga Isinulat sa London. Habang abala sa pananaliksik Museo ng Britanya,


natanggap ni Rizal ang balita ukol sa walang tigil na panunuligsa ni Padre Rodriguez
sa kanyang Noli. Bilang pagtatanggol, isinulat niya ang polyetong La Vision del Fray
Rodriguez (Ang Pananaw ni Padre Rodriguez) na nailathala sa, Barcelona sa ilalim
ng kanyang sagisag-panulat na Dimasalang. Ito ay isang satirikang naglalarawan ng
masiglang dialogo sa pagitan nina San Agustino at Padre Rodriguez. Sinabi ni San
Agustino kay Padre Rodriguez na siya (si San Agustino) ay kinomisyon ng Diyos na
sabihin sa kanya (si Padre Rodriguez) ang kanyang pagiging mangmang at ipinaaalam
sa kanya na ang kanyang (si Padre Rodriguez) penitensiya sa lupa ay ang pagpapatuloy
ng pagsulat ng marami pang kamangmangan nang sa gayo’y mas marami ang
magtawa sa kanya.

Sa La Vision del Fray Rodriguez, ipinakita ni Rizal ang dalawang bagay: (1) ang
kanyang malalim at malawak na kaalaman sa relihiyon at (2) ang kanyang matalim na
satirika.

Sa London, isinulat niya ang bantog na "Liham sa mga Dalaga ng Malolos"


(Pebrero 22, 1889) sa Tagalog. Isinulat niya ito sa kahilingan ni M. H. del Pilar para
purihin ang kadalagahan ng Malolos. Sa kabila ng pagtutol ni Padre Felipe Garcia,
kura paroko ng Malolos, hiniling ng mga kadalagahang ito ang pagtatatag ng isang
paaralan kung saan nila mapag-aaralan ang wikang Espanyol.

Si Dr. Rost, patnugot ng Trubner's Record, peryodiko na naglalaman ng mga pag-


aaral sa mga bagay-bagay na Asyano, ay humiling kay Rizal na magbahagi ng ilang pag-
aaral. Bilang tugon sa kahilingan, inihanda ni Rizal ang dalawang artikulo— (1)
"Specimens of Tagal Folklore"(Mga Halimbawa ng Alamat ng mga Tagalog) na
nailathala noong Mayo 1889; at (2) "Two Eastern Fables" (Dalawang Pabula ng
Silangan) na nailathala noong Hunyo 1889.

Ang unang artikulo ay binubuo ng mga kasabihan at bugtong na Pilipino:


L Mga Kasabihan

Malakas ang bulong sa sigaw.


Ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad.
Hampas ng rnagulang ay nakatataba.
lbang hari, ibang ugali.
Nagpuputol ang kapus, ang labis ay nagdurugtong.
Ang nagsasabi ng tapos ay siyang kinakapus:
Nangangako habang napapako.
Ang naglalakad nang marahan, matinik ma'y mababaw.
(Nang panahong iyon, ang mga Tagalog ay laging nakayapak sa paglalakad.)
Ang maniwala sa sabi’y walang bait sa sarili.
Ang may isinuksok sa dingding ay may titingalain (Ang
dingding ng isang bahay na Tagalog ay gawa sa
sawali at kawayan kaya maaari itong gawing batalan.)
Walang mahirap gisingin na paris ng nagtutulug-tulugan.
Labis sa salita, kapus sa gawa.
Hipong tulog ay nadadala ng anod.
Sa bibig nahuhuli ang isda.

II. Mga Bugtong

Isang butil ng palay; Sikip sa buong bahay.


Sagot: ilaw

Matapang ako sa dalawa, duwag ako sa isa.


Sagot: tulay na kawayan

Dala ako niya; Dala ko siya.


Sagot: Sapatos

Isang balong malalim; puno ng patalim


Sagot: Bibig

Pakikipag-ibigan kay Gertrude Beckett. Nagkaroon ng romansa si Rizal sa


pinakamatanda sa magkakapatid na babaing Beckett — si Gertrude. Si Gettie, na siyang
palayaw niya, ay Ingles na dalagang may magandang pangangatawan, asul na mga
mata, mapupulang pisngi, at buhok na kulay-kayumanggi. Umibig siya kay Rizal. Sa
malalamig na umaga, mainit ang kanyang mga ngiti kay Rizal, masayang nakikipag-usap
na may tinig na tulad ng paghuni ng mga ibon. Kapag nagpipiknik ang kanilang mag-
anak, masayang-masaya si Gettie kapag sumasama si Rizal, at ang buong atensyon
niya'y para lamang sa binata. Sa mga araw ng tag-ulan, kapag nasa bahay lamang si
Rizal, tinutulungan siya ni Gettie sa paghahalo ng mga kulay para sa pagpinta o
paghahanda ng luwad para sa pag-eeskultura.

Si Rizal, dahil siya’y lalaking may normal na emosyon, ay nakatagpo ng ligaya sa


piling ni Gertrude. Ang kanilang pagiging magkaibigan ay nauwi sap ag-iibigan. “Gettie”
ang tawag ni Rizal sa dalaga, “Pettie” naman ang tawag ni Gettie kay Rizal. Ngunit bago
naging malalim ang kanilang pag-uunawaan, naisip ni Rizal na hindi pa oras para siya’y
magpakasal kay Gettie dahil may misyon pa siyang dapat maisakatuparan.

Buo ang loob, pinigil niya ang matinding bulong puso, at nagpasyang lumayo nang
malimutan nasiya ni Gettie. Bago lisanin ang London, tinapos ni Rizal ang apat niyang
eskultura: (1) Prometheus Bound, (2) The Triumph of Death over Life, (3) The Triumph
of Science over Death, at (4) busto ng magkakapatid na babaing Beckett. Ipinadala
niya ang The Triumph of Death over Life at The Triumph of Science over Death sa
kaibigan niyang si Propesor Blumentritt sa Leitmeritz.

Adios, London. Biglang-bigla, noong Marso 19, 1889, nagpaalam si Rizal sa


mga Beckett (lalo na kay Gertrude) at nilisan ang London patungong Paris. Malungkot
niyang tinawid ang English Channel dahil naalala niya ang masasayang araw sa London.
Kabanata 15
Pangalawang paglalakbay ni Rizal sa Paris at ang Eksposisyong
Unibersal ng 1889
Ang Paris noong tagsibol ng 1889 ay nag-uumapaw sa saya dahil sa
Eksposisyong Unibersal. Libu-libong bisita mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig ang
naipon sa bawat otel at paupahang bahay. Ang mga matutuluyang ito ay nagtaas ng
kanilang upa at si Rizal, na kagaling-galing sa London, ay nahigop ng masayang
buhay ng Paris. Sa kabila ng masasayang salu-salo at nakasisilaw na liwanag ng
lungsod, ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pagpupursige så makabagong sining,
panitikan, at makabayang gawain. Nailathala niya ang kanyang edisyong may
anotasyon sa Sucesos ni Morga; nagtatag ng tatlong samahan ng mga Pilipino, ang
Samahang Kidlat, Indios Bravos, at ang R.D.L.M.; at isinulat ang Por Telepono,
satirika laban kay Padre Salvador Font.
Hirap sa Paghahanap ng Matitirhan. Noong Marso 1889, naging mahirap
para sa isang bisita ang paghahanap ng matitirahan sa Paris. Ang nalalapit na
Eksposisyong Unibersal ng 1889 na nakatakdang magbukas sa Mayo 6, 1889 ay
nakahikaya maraming turista kaya lahat ng akomodasyon ng mga otel ayna na.
Ikinabahala ito ni Rizal dahil mataas ang halaga ng pamumuhay sa Paris, at batid
niyang mananamantala ang mga may-ari ng paupahang bahay at otel kaya
magtataas ng renta sa mga ito.
Pansamantalang tumuloy si Rizal sa bahay ng kanyang kaibigang si Valentin
Ventura sa Blg. 45 Rue Maubeuge, at dito niya inayos ang kanyang anotasyon sa
aklat ni Morga. Lumipat siya ng bahay at otel nang makailang beses.
Sa wakas, nakakuha siya ng maliit na silid at kasama niya rito ang dalawang
Pilipino—sina Kapitan Justo Trinidad, dating gobernadorsilyo ng Santa Ana, Maynila
at isang takas mula sa nagmamalupit ng mga Espanyol, at si Jose Albert, batang
estudyanteng taga-Maynila.
Buhay sa Paris. Bagaman masaya ang buhay sa Paris, mga makabuluhang
bagay pa rin ang pinagkaabalahan ni Rizal. Mahalaga sa kanya ang bawat oras at
ayaw niyang aksayahin ito. Ginamit niya ang bawat oras sa masinop at
makabuluhang paraan. Lagi siyang nasa Bibliotheque Nationale (Pambansang
Aklatan) para maitsek ang mga impormasyong gagamitin niya sa paglalagay ng
anotasyon sa aklat ni Morga. Kundi ma'y nasa bahay lamang siya, sinusulatan ang
kanyang pamilya at kaibigan, o nasa himnasyo para sa araw-araw niyang ehersisyo,
o kaya'y binibisita ang mga kaibigan.
Sa mga bakanteng oras, naroon siya sa tahanan ng mga kaibigan, gaya nina
Pardo de Tavera, Ventura, Boustead, Luna, atbp. Mabuti siyang kaibigan ng tatlong
Pardo de Tavera—sina Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, manggagamot ang
bokasyon at pagiging pilolohista ang interes; Dr. Felix Pardo de Tavera,
manggagamot din at artista at eskultor; at Paz Pardo de Tavera, asawa ni Juan Luna.
Ang mga Pardo de Tavera ay anak ni Don Joaquin Pardo de Tavera, desterado ng
1872 na tumakas sa Marianas at nanirahan sa Pransiya. -
Noong Hunyo 24, 1889, isang sanggol na babae ang isinilang kina Juan Luna
at Paz Pardo de Tavera. Ito ang kanilang pangalawang anak, ang una'y isang lalaking
pinangalanang Andres, na ang palayaw ay Luling. Ang ninong ng sanggol sa binyag
ay si Rizal, na yang nagbigay sa bata ng ngalang "Maria de la Paz, Blanca, Laureana,
Hermenegilda Juana Luna y Pardo de Tavera."
Sa liham niya sa kanyang pamilya sa Calamba, ikinuwent Rizal ang buhay niya
sa Paris. Ito ang kuwento niya sa liham na; niya noong Mayo 16, 1889:
Ganito ang naging buhay ko sa Paris sa araw-araw: isa o
dalawang oras sa himnasyo at pag-eeskrima, tatlo o apat na
oras sa aklatan, ang natitirang oras ay ginagamit ko sa
pagsusulat at pagbibisita sa mga kaibigan ... Tuwing makalawa
ng gabi, mula 8:00 hanggang 11:00, nagkikita-kita kami sa isang
cafe at naglalaro ng ahedres. Tuwing Sabado, naaanyayahan
akong kumain sa tahanan ng mga Luna, tuwing Linggo, kina
Gng. Juliana, at tuwing Biyernes binibisita ko ang mag-anak na
Boustead (isa ring Filipino) at doo'y nagtsatsaa ako."
Sa isang liham sa kanyang pamilya na isinulat noong Setyembre 21, 1889,
sinabi niya: "Kaming mga Pilipino ay nagkikita-kita apat na beses sa isang linggo, at
nagkakantahan kami ng kundiman, kumakain ng sotanghon, adobo, atbp. Tuwing
Miyerkules, nasa bahay kami ni Doña Tula; tuwing Huwebes, sa bahay ng mga
Hidalgo; tuwing Biyernes, sa mga Luna; tuwing Linggo, sa bahay ni Doña Juliana."
Si Rizal at ang 1889 Eksposisyon ng Paris. Tulad ng ordinaryong turista sa
dayuhang lupa, manghang-mangha si Rizal sa pagbubukas ng Eksposisyong
Unibersal ng Paris noong Mayo 6, 1889. Ang pinakamagandang pantawag-pansin ng
eksposisyong ito'y ang Eiffel Tower, na may taas na 984 piye at ginawa ni Alexander
Eiffel, bantog na inhinyerong Pranses.
Dinaluhan ni Rizal at kanyang mga kaibigan ang seremonyang pagbubukas, at
nasaksihan nila ang paggupit sa laso ni Pangulong Sadi Carnot ng Ikatlong
Republikang Pranses. Ang Paris ay punong puno ng libu-libong turista mula sa iba't
ibang bahagi ng daigos Araw-araw ay tinatayang mga 200 libo ang bisita rito.
Isa sa mga itinanghal sa Eksposisyo'y ang pandaigdigan paligsahan sa sining
na sinalihan nina Felix R. Hidalgo, Juan Luna, Felix Pardo de Tavera, at Rizal.
Nagwagi ng ikalawang gantimpala ang ipininta ni ipininta nina Juan Luna at F. Pardo
de Tavera, ngunit ang isinali ni Rizal (busto na iminodelo niya) ay walang
napanalunan," Mainam ang pagkakagawa ni Rizal ngunit mas marami ang mas
maganda na Karapat-dapat para sa pandaigdigang karangalan.
Samahang Kidlat. Noong Marso 19, 1889, ang araw nang dumating siya sa
Paris mula London, itinatag ni Rizal ang isang samahang tinawag na Samahang
Kidlat na binubuo ng kanyang mga kanabayan. Ang mga kasapi ay sina Antonio at
Juan Luna, Gregorio Aguilera, Fernando Canon, Lauro Dimayuga, Julio Llorente,
Guillermo Puatu, at Baldomero Roxas.
Ang Samahang Kidlat ay samahan lamang ng magkakaibigan at panandalian
lamang ang naging buhay. Itinatag ito ni Rizal para mapagsama-sama ang kabataang
Pilipinong nasa kabisera ng Pransiya nang sa gayo'y sama-sama silang magsasaya
sa pagbisita sa lungsod sa panahon ng Eksposisyong Unibersal. Sinabi nga niya kay
Blumentritt sa kanyang liham noong Marso 19, 1889: "Ngayo'y itinatag namin ang
Samahang Kidlat. Tinawag namin ang samahan sa ganitong ngalan dahil tulad ng
kidlat ay mabilis at panandalian ito, hanggang idinaraos lamang ang Eksposisyon.
Naisip lamang ito at dali-daling naitatag sa loob ng isang oras. Mawawala ito tulad ng
kidlat."
Indios Bravos. Sa pamamasyal nila sa pinagdarausan ng Eksposisyon, si Rizal
at ang mga miyembro ng Samahang Kidlat ay humanga sa palabas na Buffalo Bull,
kung saan itinanghal ang mga Indian na Amerikano. Buong pagmamalaki ang mga
Indian, na nakasakay sa matitikas na kabayo, sa kanilang maringal na katutubong
kasuotan na may balahibong pandigma at pintura.
Naging inspirasyon kay Rizal ang mga Indian na Amerikanong way
pagmamalaki sa kanilang sarili. Sinabi niya sa mga kaibigan: “Bakiit nga ba natin
ikagagalit na tayo'y tawaging Indio ng mga Espanyol? Tingnan ninyo ang mga Indio
mula Hilagang Amerika unila ikinahihiya ang kanilang ngalan. Tularan natin sila.
Ipagmalaki ang ngalang Indio nang baguhin ng mga kaaway nating Espanyol ang
kanilang konsepto sa terminolohiyang ito. Maging Indios Bravos tayo!"
Kaya isinilang ang isang bagong samahan ng mga makabavang Pilipino sa
Paris—ang Indios Bravos (Matatapang na Indian). Pinalitan nito ang Samahang
Kidlat. Nanumpa ang mga miyembro nito magsisikap tungo sa ikahuhusay ng pag-
iisip at pangangatawan na sa gayo'y makamit nito ang paghanga sa kanila ng mga
dayuhan lalung-lalo na ang mga Espanyol. Naging masigasig sila sa pagsasanay sa
paggamit ng espada at baril. Tinuruan sila ni Rizal ng judo, isano sining ng
pagtatanggol sa sarili ng mga Asyano na natutunan niya să Japan.
Samahang R.D.L.M. Isa pang samahang itinatag ni Rizal sa Paris noong
panahon ng Eksposisyong Unibersal ng 1889 ay ang mahiwagang Sociedad R.D.L.M.
Hindi ito nabanggit ng maraming mananalambuhay ni Rizal. Sa katunayan, ng
pagkakatatag at ang papel nito sa krusada para sa mga reporma ay tunay na
palaisipan. Sa napakaraming sulat ni Rizal at kanyang kapwa propagandista,
dalawang beses lamang nabanggit ang lihim na samahan na ito: (1) liham ni Rizal
kay Jose Maria Basa, Paris, Setyembre 21, 1889, at (2) liham ni Rizal kay Marcelo H.
del Pilar, Paris, Nobyembre 4, 1889.
Ayon kay Dr. Leoncio Lopez-Rizal, apo sa tuhod ng bayani, ang samahan ay
may simbolong kinakatawan ng isang bilog na hinati sa tatlong bahagi ng dalawang
halos bilog na hugis na sa bahaging gitna ay magkadikit na letrang "I" at "B" (para sa
Indios Bravos), at mga letrang "R," "D," "L," at "M" na nasa labas ng bilog, sa itaas,
ibaba, kaliwa, at kanang gilid ng bilog. Ang mga letrang "R, "D." "L," at "M" ay
pinaniniwalaang inisyal ng lihim na ngalan ng samahan - Redencion de los Malayos
(Para sa Katubusan ng mga Malayo).
Tunay na mahiwaga at palaisipan ang samahang RD.L.M.C. mahigpit na
binantayan ni Rizal ang lihim ng pagkakatatag Makikitang isinunod ang banghay ng
pagkakatatag nito mula sa Masonerya. Marami itong digri ng pagkakasapi, "na ang
mga miyembro ay hindi nagkakakila-kilala." Tanging ang mga tapat na kaibigan ni
Rizal ang naging kasapi ng R.D.L.M., gaya nina Gregorio Aguilera, Jose Ma. Basa,
Julio Llorente, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce. Baldomero Roxas, at Padre Jose
Maria Changco (paring Pilipino).
Ang layunin ng lihim na samahan, gaya ng pahayag ni Rizal, ay ang
"pagpapalaganap ng makabuluhang dunong-pang-agham, pansining, pampanitikan,
atbp.-—sa Pilipinas." Maliwanag na may isa pang layunin at ito nga ang katubusan
ng lahing Malayo. Matatandaang si Rizal ay nagkaroon ng inspirasyon sa kilalang
aklat na Max Havelaar (1860) na isinulat ni Multatuli (sagisag-panulat ni E.D. Dekker,
awtor na Olandes). Inilahad ng aklat ang mga kalunuslunos na kalagayan ng mga
inaaping Malayong naninirahan sa Netherlands East Indies sa ilalim ng pamamahala
ng mga Olandes.
Isang masusing pag-aaral sa mga dokumentong Rizaliana at buhay ni Rizal ay
nagpapakitang ang R.D.L.M. ay may kinalaman sa lahing Malayo. Gaya ng
ipinahayag ni Dr. Leoncio Lopez-Rizal, ang kolonisasyong proyekto ni Rizal sa
Borneo ay "hindi lamang para magkaroon ng isang lugar para may matirhan at
mapagtrabahuhan ang mga Pilipino nang may kalayaan, bukod sa pagiging malaya
nila sa mga mapanupil na kondisyon sa Pilipinas ... ngunit para sa mga bagay na mas
mahalaga, at ito'y ang magkaroon ng kalayaan sa pagkilos para makamit ang mga
layunin ng RD.L.M. na nangangahulugang ... ang Katubusan ng Lahing Malay."
Nang sulatan ni Rizal si Blumentritt mula Hong Kong noong Pebrero 23, 1892,
ipinahayag niya ang kanyang intensyong maging pinuno ng kalayaan, kundi man sa
Pilipinas ay sa ibang lupain. "Sa Bomeo," sabi niya kay Blumentritt, "hindi ako
magiging magsasaka kundi pinuno ng mga magsasakang nagbabalak na sumama sa
akin. Natutuwa ako kapag naiisip na napaglilingkuran ko ang aking bansa sa
pamamagitan ng aking panulat. Kilala mo ako, handa akong paglingkuran ang aking
Inang Bayan di lamang sa pamamagitan ng aking panulat kundi pati na ang aking
buhay ay iaalay sa Inang Bayan kung ito ang hihilingin niyang sakripisyo. Ngunit
makikita mong tumatanda na ako, ang aking mga mith pangarap ay naglalaho; kung
imposible para sa akin na iha kalayaan para sa aking bayan, maaari ko rin namang
ib aking mararangal na kabayayan sa ibang bayan."
Maidaragdag ding kasama sa kontrata niya n kolonisasyon ng Borneo ang mga
probisyong gaya ng karapatan ng mga kolonistang bumili ng lupa, walang bayad na
gamit sa bavbay dagat at kakaiba't mahabang pag-upa ng 999 na taon, "sapat
panahon para sa maraming henerasyon na makapagbuo ng isan nasyon at maitatag
ang kanyang estado" nang sa gayo't maisakatuparan ang pangarap ni Rizal para sa
katubusan ng labini Malayo.
Nailathala ang Edisyong may Anotasyon sa Aklat ni Morga. Ang
pinakatampok na ginawa ni Rizal sa Paris ay ang pagkakalimbag noong 1890 ng
Sucesos ni Morga na nilagyan niya ng anotasyon, na ginawa niya sa Museo ng
Britanya. Ito ay inilimbag ng Garnier Freres. Ang Paunang Salita ay isinulat ni
Propesor Blumentritt, sa kahilingan na rin ni Rizal.
Sa kanyang Paunang Salita, pinuri ni Blumentritt si Rizal para sa kanyang
masusing pangkasaysayang gawa. Ngunit tahasan din niyang pinuna ang dalawang
bagay na nagpapakita ng pagkakamali ni Rizal. (1) Ginawa ni Rizal ang pagkakamali
ng maraming historiador na kung saan sinuri niya ang nakaraan sa pamantayan ng
kasalukuyan, at (2) ang panunuligsa ni Rizal sa Simbahan ay di-makatwiran dahil ang
mga pang-aabuso ng mga prayle ay di dapat ipagkamali na ang Katolisismo ay
masama. Kaya sinabi ni Blumentritt:
Ang mataas na estimasyon ng iyong mga tala (mga
anotasyon ni Rizal-Z.) ay di pipigil sa'kin para sabihing mub na
napuna kong tulad ng maraming makabagong mananalaysay
ay naghusga ka sa mga pangyayari ng ilang siglo nang
nakararaan at ang pinagbatayan mo'y mga konsepto ng
kasalukuyan. Hindi dapat na ganito. Ang mananalaysay ay
dapat magparatang sa mga tao ng ika-16 na siglo ng malawak
na abot-tanaw ng mga ideyang umiiral noong ika-19 na
dantao.
Ang ikalawang punto na hindi ako sang-ayon ay may
kinalaman sa panunuligsa mo sa Katolisismo, Naniniwala
akong hindi ang relihiyon ngunit ang malupit na pamamaraan
at pang-aabuso ng mga prayle ang dapat punahin at suriin
para sa pinagmulan ng masasaklap na pangyayari para sa
relihiyon, para sa Espanya, at para sa mabuting ngalan ng
lahing Europeo.
Sa anu't anupaman, ang ginawa ni Rizal ay isang henyong materyal ng
histograpiya. Nilagyan ni Rizal ng anotasyon at inilathala niva ang Sucesos ni Morga
dahil ito ay isa sa pinakamagandang pagkakasulat ng kasaysayan ng Pilipinas noong
unang bahagi ng kanilang pananakop. Sa mga manunulat ng panahong iyon, si Morga
ang may tumpak na pagsasalaysay ng mga pangyayari, walang kinikilingan, at hindi
nababahiran ng mga pantasyang pambata.
Inihandog ni Rizal ang bagong edisyon ng Morga sa mga Pilipino nang sa
gayo'y malaman nila ang kanilang marangal na nakaraan. Ito ang kanyang
dedikasyon:
Para sa mga Pilipino:
Sa Noli Me Tangere, sinimulan kong banghayin ang
kasalukuyang estado ng ating Inang Bayan; dahil sa naging
epekto ng aking ginawa, napag-isip-isip ko, na bago
magpatuloy sa pagbuo ng larawan para sa inyo, naroon ang
pangangailangang maunawaan ang nakaraan nang sa gayo'y
mas mabuting mahusgahan ang kasalukuyan at mas maayos
na masuri ang nilandas nitong tatlong nagdaang siglo.
Isinilang at nagkamalay nang walang
kamuwangmuwang sa ating nakaraan, gaya ninyong lahat:
walang tinig ni karapatang magsalita ng tungkol sa di natin
nakita o napag-aralan, kaya minarapat ko na hingin ang
testimonya ng isang matalinong Espanyol na nagkontrol ng
kapalaran ng Pilipinas sa simula ng bagong panahon at
personal na naging saksi ng mga huling araw ng ating
sinaunang: nasyonalidad. Kaya ang anino ng sibilisasyon ng
ating mga ninuno' ung saan ang awtor ay nananawagan sa
inyo. laihahaud ko sa inyo nang buong katapatan ang kanyang
mga salita nang walang binago ni binaluktot, ibinabagay
hanggang sa kung saan pupuwede, sa makabagong
ortograpiya at nagpapakilala ng mas malinaw na pagsulat.
walang mali sa paggamit ng bantas gaya ng orihinal, nang sa
gayo'y maging madali ang pagbasa. Ang katungkulan
nasyonalidad, at mga pagpapahalaga ni Morga kasama na
ang petsa at testimonya ng kanyang mga kapanabay, na
karamihay mga Espanyol, ang siyang naghabilin ng gawa para
sa inyong masusing konsiderasyon.
Sakaling magtagumpay ang aklat sa pagmulat sa inyo,
ang pagiging mulat sa ating nakaraan ay kumakalat sa ating
memorya, at sa pagwasto sa mga mali, masasabing
nagkaroon ng kabuluhan ang aking paghihirap, at sa ganitong
pamantayan, bagaman bahagya, maaari tayong maglaan ng
panahon para pag-aralan ang hinaharap.
Sa kanyang pangkasaysayang manuskrito, pinatunayan ni Rizal na ang mga
Pilipino ay sibilisado na bago pa man dumating ang mga Espanyol. Mayroon na silang
kasuotan, pamahalaan, batas, pamaraan ng pagsulat, panitikan, relihiyon, sining,
agham, at kalakalan sa mga kalapit-bayan sa Asya. Pinawalang-saysay ni Rizal ang
mga kabulaanang pangkasaysayang pinalaganap ng mga manunulat na Espanyol na
nagsasabing ang mga Pilipino ay mga barbaro at walang nalalaman.
Puna sa Petsa ng Pagkakalathala ng Aklat ni Morga. Sa pahina ng pamagat
ng edisyong may anotasyon ni Rizal, mababasa ito: "Paris, Libreria de Garnier
Hermanos, 1890." Dahil dito, maraming mananalambuhay ni Rizal ang nagsasabing
ang kanyang edisyon ay nailathala noong 1890.
Ngunit may ebidensiyang nagpapakita na ang edisyon nl Rizal ng Morga ay
nailimbag noong 1889, hindi 1890. Noong Oktubre 12, 1889, isinulat ni Blumentritt
kay Rizal mu Leitmeritz, "Natanggap ko ang iyong magandang edisyon 18 Morga.
Ang edisyong ito na may lakip na mga tala mo ay magtalan sa iyong ngalan."
Sinabi mismo ni Rizal sa kanyang liham, mula Paris, kay Baldomero Roxas
noong Disyembre 28, 1889: "Ngayo'y ipinadala ko sa Lipa ang apat na kopya ng
Morga. Magpapadala ako ng marami sa darating na mga araw."
Mula Barcelona, isinulat ni Mariano Ponce kay Rizal noong Disyembre 31, 1889:
"Natanggap ko ang aklat na Sucesos. Maraming salamat. Nabasa ko pa lamang ang
Paunang Salita ni Blumentritt.. Totoong mahusay. Maaari bang padalhan mo ako
kaagad ng sampung kopyang maipadadala ko sa Pilipinas sa pamamagitan ng
primera klaseng koreo."
Ang tatlong liham na binanggit-mula kina Blumentritt, B. Roxas, at M. Ponce—
ay mahahalagang patunay na ang Morga ni Rizal ay lumabas na sa imprenta noong
1889. Kundi'y paanong mangyayaring nabasa ito ng tatlong kaibigan ni Rizal bago
1890?
Si Rizal bilang Historiador. Ang pananaliksik ni Rizal sa Museo ng Britanya
(London) at Bibliotheque Nationale (Paris) ay nagpayaman sa kanyang kaalamang
pangkasaysayan. Ang mahusay niyang paglalagay ng anotasyon sa aklat ni Morga
ay nagpakita ng kanyang pamilyaridad sa mga pamantayang sinusunod sa
historiograpiya. Gaya ng sinabi niya kay Isabelo de los Reyes: "Ang isang historiador
ay dapat na maging mabalasik sa pagsisiwalat ... Hindi ko pinipilit ang aking
awtoridad. Nagbabanggit lamang ako ng mga teksto at kapag ginawa ko, mayroon
talaga ako nito."
Ang kaalaman niya sa iba't ibang wika ay nakatulong kay Rizal sa pagbabasa
ng mga dokumento at aklat na pangkasaysayan na isinulat sa ibang wika. Halimbawa,
binasa niya ang isinulat sa Italyano ni Pigafetta, ang Unang Paglalakbay sa Palibot
ng Daigdig; mga pangkasaysayang isinulat sa Ingles nina Marsden, Raffles, Lord
Stanley, at Wallace; mga isinulat sa Aleman nina Blumentritt, Jagor, at Virchow; mga
aklat sa Pranses nina M. Jacquet, J. Mallat, at A. Marche; at mga isinulat sa Espanyol
nina T.H. Pardo de Tavera, Pedro A. Paterno, Miguel Morayta, at Pi y Margall. Dahil
sa pagbabasa nya ng maraming sangguniang pangkasaysayan at aklat sa mga
dayuhang bansa, lumawak ang kanyang kaalaman di lamang sa Kasaysayan ng
Pilipinas, kundi pati na rin ang kasaysayan ng kolonisasyon ng Europa sa Asya.
Bukod sa kanyang mahusay na anotasyon sa aklat ni Morga, sumulat si Rizal
ng mga sulating magbibigay sa kanya ng karangalang matawag na historiador. Ilan
dito'y ang dalawang pangkasaysay komentaryong isinulat niya sa London, ang Ma-yi
(Disyembro 6,1888) at Tawalisi ni Ibn Batuta (Enero 7, 1889); Filipinas den de Cien
Años (Ang Pilipinas sa Darating na Sandaang Taon) inilathala sa La Solidaridad sa
apat na isyu nito, noong Setyembre 20. Oktubre 31, at Disyembre 15, 1889, at
Pebrero 15, 1890; Sobre la Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga
Pilipino), na nailathala sa La Solidaridad sa limang magkakasunod na isyu noong
Hulyo 15, Hulyo 31, Agosto 1, Agosto 31, at Setyembre 1, 1890; La Politica Colonial
on Filipinas (Mga Patakarang Kolonyalismo sa Pilipinas), walang petsa; Manila-en el
mes de Diciembre, 1872 (Ang Maynila noong Buwan ng Disyembre 1872), walang
petsa: Historia de la Familia Rizal de Calamba (Kasaysayan ng Maganak na Rizal ng
Calamba), walang petsa; at Los Pueblos del Archipielago Indico (Ang mga Tao ng
Kapuluang Indian), walang petsa.
Ang Pilipinas sa Darating na Siglo. Sa artikulong ito, ipinahayag ni Rizal ang
kanyang mga pananaw sa kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas, at hinulaan niya
ang matrahedyang pagwawakas ng kapangyarihan ng Espanya sa Asya. Inilarawan
niya sa simula ng kanyang artikulo ang maluwalhating nakaraan ng mga Pilipino,
pagkaraa'y inilarawan niya ang kanilang kawalan ng pagunlad na pang-ekonomiya at
kalungkutan sa ilalim ng malupit na pananakop ng Espanya. Sa pagwawakas ng
artikulo, sinilip ang kinabukasan at binalaan ang Espanya tungkol sa mangyayari sa
kanyang imperyo sa Asya sakaling hindi ito magpatibay ng libera malinaw nia
patakaran sa Pilipinas.

Ito ang mahahalagang bahagi ng pangkasaysayang sanaysay:


Sa pagtatapos ang Pilipinas ay mananatiling Espanyol
sakaling pumasok ang buhay ng batas al sibilisasyon, kung
ang kanilang karapatan bilang mamamayan ay igagalang,
kung ang ibang karapatan ay maibibigay sa kanila, kung ang
patakarang liberal ng' mamahalaan ay maisakatutuparan nang
walang panlilinlang kalupitan, walang pagkukunwari o maling
interpretasyon.
Kundima'y ang isang hakbang ay ginawa para wakitang
ang mga Isla ay minang sasamantalahin, isang bagay para
maisakatuparan ang mga ambisyon ... ginagawang bingi ang
sarili sa mga hinaing ng katwiran, kaya gaano man kadakila
ang katapatan ng mga Pilipino, magiging imposibleng mapigil
ang mga operasyon ng di nagbabagong batas ng kasaysayan.
Ang mga kolonyang itinatag para manilbihan para sa mga
patakaran at komersiyo ng namamanginoong bansa ay
magiging independiyente...
Kung ang Pilipinas ay magkaroon ng kasarinlan
pagkaraan ng kabayanihan at di-mababaling tunggalian,
makaaasa sila na kahit ang Inglatera ni ang Alemanya o
Pransiya, at kahit ang Olanda ay di-mangangahas na saluhin
ang di-makaya ng Espanya.
Marahil ang dakilang Republikang Amerikano, na ang
mga interes ay nasa Pacific, at wala namang kamay sa
pananamantala sa Aprika, ay mangangarap ng dayuhang pag-
aari. Hindi ito imposible dahil ang naging halimbawa ay
nakahahawa, sakim; at ambisyoso ...
Kaya maaaring magiting na ipagtanggol ng Pilipinas ang
kalayaan ngunit kapalit nito'y lipos ng dugo at pagdurusa. Sa
pamamagitan ng mga bagong taong sisibol sa kanilang lupain
at sa pag-alala sa kanilang nakaraan, maaari silang magsikap
sa pagtahak sa landas ng kaunlaran, at lahat ay magsisikap
para mapalakas ang Inang Bayan .... Pagkaraan, ang mga
minahan ay ipagpapalit ang kanilang ginto para maibsan ang
kanyang pagkabalisa, ang bakal para sa mga armas, tingga,
lead, at uling. Marahil, muling bubuhayin ng bansa ang buhay
ng paglalayag na siya namang angkop sa mga taga-isla dahil
sa kanilang kalikasan, abilidad, at kutob, at.muli'y maging
malaya, gaya ng ibong nakatakas sa kanyang hawla, gaya ng
bulaklak na namukadkad, ay muling maibabalik ang mga
dalisay na pagpapahalagang unti-unting namatay at muli'y
magiging mapagmahal sa kapayapaan-masayahin, maligaya,
mapagpatuloy at maglalakas loob.
Ang Katamaran ng mga Pilipino. Ang isa pang sanay ito ni Rizal ay isang
prestihiyosong gawang pangkasaysayan. Ito maayos na pagtatanggol sa sinasabing
katamaran ng mga Pilipino diwa ng isang tunay na iskolar, gumawa si Rizal ng
masusing aaral sa mga dahilan kung bakit ang mga kababayan ay di nagtatrab nang
maigi sa ilalim ng rehimeng Espanyol. Naniniwala si Rizal na, mga Pilipino ay hindi
likas na tamad.
Bago pa dumating ang mga Espanyol, binigyang-diin niya na ang mga Pilipino
ay masikap at masipag: Sila at masipag sa agrikultura, mga industriya, at komersiyo.
Ang pananakop ng Espanya sa bansa ay nagdulot ng pagbaba ng mga gawaing
pangekonomiya dahil inabandona ng mga Pilipino ang kanilang sinaunang industriya
at di na masyadong gumawa tulad ng sa kanyang mga ninuno. Ang pagbabang ito sa
buhay pang-ekonomiya ay dahil sa mga sumusunod: (1)mga pag-aalsa ng mga
katutubo at panloob na kaguluhang dulot ng pananakop ng Espanya; (2) mga
digmaan kung saan ang mga Pilipino ay nakipaglaban para sa Espanya laban sa mga
Olandes, Portuges, Ingles, at iba pang kaaway; (3) mga nakatatakot na pananalakay
ng mga piratang Muslim ng Mindanao at Sulu sa mga Kristiyanong bayan sa may
baybay-dagat; (4) patakaran ng sapilitang paggawa sa pagawaan ng mga barko,
kalsada, tulay, at iba pang gawaing pampubliko; (5) kakulangan ng gana para
guinawa dahil wala namang nahihita ang Pilipino sa kanilang pinagpaguran; (6)
pagpapabaya at walang pakialam ng pamahalaan sa agrikultura, industriya, at
komersiyo; (7) masasamang halimbawa sa paggawa na ipinakita ng mga
misyonerong Espanyol; (8) turo ng mga misyonerong Espanyol na nagsasabing mas
madali para sa mahihirap ang pumasok sa langit kaya mas ginusto ng mga Pilipino
ang di na magtrabaho at manatiling mahirap nang sa gayoy makarating sa langit
kapag namatay sila; (9) paghihikayat pagpapalaganap ng mga Espanyol sa ugaling
pagsusugal; at (10) sistemang pang-edukasyon ng mga Espanyol na hindi
nagtataguyo, ng mga gawaing pang-ekonomiya dahil, gaya nga ng sabi ni Rizai, ang
edukasyon ng katutubo "mula sa kanyang pagsilang hanggang sa mabaon na sa
kanyang libingan ... ay malupit at di-makatao" : "nagtatanggal sa kanya ng sariling
dignidad."
Totoo, inaamin ni Rizal, na ang mga Pilipino ay masiyahin at magaan kung
magtrabaho dahil batid nilang kailangang bagayan ang nit at tropikal na klima. Hindi
nila kailangang patayin ang sarili sa jawa dahil naging mabuti sa kanila ang kalikasan
at biniyayaan ng masaganang ani kahit hindi masyadong gumawa di tulad ng mga
naninirahan sa malamig at tuyong mga bansa. "Ang katotohanan," paliwanag ni Rizal,
"ay ang sobrang paggawa ay hindi mabuti sa mga bansang tropikal dahil katumbas
nito'y kamatayan at pagkawasak. Batid ito ng kalikasan at gaya ng isang
makatarungang ina, ginawa niyang mas mataba ang lupa rito, at mas produktibo,
bilang kabayaran. Ang isang oras ng paggawa sa ilalim ng nakasusunog na araw, sa
gitna ng malulupit na impluwensiyang sumisibol mula sa kalikasan, ay katumbas ng
isang araw ng paggawa sa isang malamig na klima; kung gayo'y makatarungang ang
lupa ay umani nang makailang ulit!" :
Pandaigdigang Asosasyon ng mga Filipinohista. Sinamantala ni Rizal ang
pandaigdigang atensyong nakapokus sa Eksposisyong Unibersal ng 1889 sa Paris
kaya ipinanukala niya ang pagtatag ng isang Pandaigdigang Asosasyon ng mga
Filipinohista at magkaroon ito ng pampasinayang kumbensiyon sa kabisera ng
Pranses. Isinumite niya ang ideyang ito kay Blumentritt sa isang liharn na isinulat niya
noong Enero 14, 1889, at malugod naman itong sinuportahan ng huli. Isinulat niya
ang banghay ng pandaigdigang asosasyon. Ayon dito, ang layunin ng asosasyon ay
"mapag-aralan ang Pilipinas mula sa siyentipiko at pangkasaysayang pananaw." Ito
ang mga opisyal nito: 2
Pangulo ........................................ Dr. Ferdinand Blumentritt (Austriyano)
Pangalawang Pangulo ……………….. G. Edmund Plauchut (Pranses)
Tagapagpayo ................................ Dr. Reinhold Rost (Anglo-Aleman)
Tagapagpayo................................. Dr. Antonio Ma. Regidor (Pilipino-
Espanyol)
Kalihim ………………………………….….. Dr. Jose Rizal (Pilipino)
Itinakda ni Rizal ang pampasinayang kumbensivo Pandaigdigang Asosasyon
ng Filipinohista sa Paris noong An 1889. Inihanda niya ang agenda at nag-imbita ng
mga kilalang isko na Europeo, gaya nina Dr. Reinhold Rost, Sir Henry Yule, Dr.
Feodor Jagor, Dr. A.B. Meyer, Dr. H. Kern, at Dr. Czepelak, para makibahagi sa
pagtitipon. 19 Sa kasamaang palad, hindi natuloy ang kanilano pampasinayang
kumbensiyon dahil hindi pinayagan ng pamahalaa, Pranses ang pagtataguyod ng
mga komperensiya ng mga pribadon organisasyon noong panahon ng pandaigdigang
eksposisyon:
Proyekto ng Kolehiyo para sa mga Pilipino sa Hong Kong. Isa pang
magandang proyekto ni Rizal sa Paris na hindi rin nagkaroon ng katuparan ay ang
plano niyang magtatag ng makabagong kolehiyo sa Hong Kong. Sinulatan niya ang
kaibigang si Jose Maria Basa turgkol sa bagay na ito. Ayon kay Rizal, layunin ng
kolehiyo na "sanayin at.turuan ang kalalakihan buhat sa mabubuti at may kayang
pamilya ayon sa pangangailangan ng makabagong panahon at kalagayan." Isang
mayamang Pilipinong naninirahan sa Paris, si G. Mariano Cunanan, mula Mexico,
Pampanga, ang nangakong tutulong sa paglikom ng P40,000 bilang paunang kapital
para sa kolehiyo.

Ang kurikulum ay binubuo ng mga sumusunod na asignatura:


Etika-Pag-aaral ng Relihiyon-Likas na BatasBatas Sibil—
Kabutihang Asal-Kalinisan
Matematika-Pisika at Kimika-Likas na Kasaysayan—Heograpiya-
Ekonomiyang Politikal
Kasaysayan ng Daigdig-Kasaysayan ng Pilipinas-Lohika-Retorika
at Pagtula
Wikang Espanyol--Wikang Ingles--Wikang Pranses-Wikang
Aleman-Wikang Tsino-Wikang Tagalog
Gymnastics-Pangangabayo-Pag-eeskrimaPaglangoy-Musika---
Pagguhit---Pagsayaw

Sa kasamaang palad, hindi rin natuloy ang proyekto ni Riza, magtatag ng isang
makabagong kolehiyo sa Hong Kong. Gayunma ilang taon pagkaraan, habang
desterado sa Dapitan, nakapa siya ng paaralan para sa mga batang lalaki, at dito niya
ginamit ang ilan sa kanyang matatalinong konsepto sa edukasyon.
” Por Telepono." Nabanggit natin na ipinagtanggol ni Rizal convang Noli sa
panunuligsa ni Padre Jose Rodriguez sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
satirikang polyetong pinamagatang “La Vision del Fray Rodriguez." Noong taglagas
ng 1889, sumulat ng isa pang satirikang pinamagatang "Por Telepono" bilang tugon
sa isa pang manunuligsa, si Padre Salvador Font, na siyang pasimuno sa pagbabawal
ng Noli.
Ang "Por Telepono" ay nailathala bilang polyeto sa Barcelona noong 1889.
Natanggap ni Rizal ang mga nailimbag na kopya mula kay Mariano Ponce, gaya ng
ipinahayag sa kanyang liham sa huli na isinulat noong Agosto 13, 1889 sa Paris.
Ang polyeto na isinulat sa ilalim ng sagisag-panulat na Dimas Alang (isa sa mga
sagisag ni Rizal) ay isang mahusay na satirika patungkol kay Padre Font. Inilalarawan
nito sa paraang nakatatawa ang pag-uusap sa telepono nina Padre Font, na nasa
Madrid, at ng padre probinsiyal ng Kumbento ng San Agustin sa Maynila.
Ipinakita sa "Por Telepono" di lamang ang husay ni Rizal sa pagsulat kundi pati
rin ang kanyang pang-unawa sa hinaharap. Mababasa ito sa panimulang talata nito:
20
Sa taong 1900, ang Pilipinas, sa kauna-unahang
pagkakataon, ay mauugnay sa Metropolis (Madrid-Z.) sa
pamamagitan ng teleponong inilatag ng isang kompanyang
Anglo-Catalan na tinawag na Kompanyang panteleponong
Trans-Oceanic, na kilalang-kilala sa kanyang panahon dahil
sa mga mapangahas na ideya nito.
Sa panimulang talatang ito, tila nakita ni Rizal ang hinaharap, na batid niyang
darating ang araw na makapag-uusap ang mga tao od magkaibayong lupain sa
pamamagitan ng telepono. Nakamamanghang isipin na nahulaan niya ang ganitong
pangyayari, na siyang pang-araw-araw na gamit na natin ngayon. Ipinakita ng
kasaysayan na ang unang signal ng radyo-teleponong natanggap ni Marconi sa ibayo
ng Atlantik ay noong 1901-labindalawan pagkaraan ng pagkakalathala ng "Por
Telepono" ni Rizal.
Pasko sa Paris. Malamig na malamig ang Disyembre 25,1889 sa Paris. Sina
Rizal at Jose Albert, na masinop ang pamumuhay sa isang maliit na silid na okupado
ni Kapitan Justo Trinidad, ay nagplano ng masaganang hapunan sa Pasko.
Pinagkagastusan nila ang kanilang selebrasyong Pamasko. Naghanda sila ng pritong
manok, kanin, at mga gulay. Ang hapunang ito ang huling hapunang Pamasko ni Rizal
sa Paris.
Pagkaraan ng Bagong Taon, binisita ni Rizal ang London. Hindi batid ng
kanyang mga mananalambuhay ang dahilan ng kanyang pagbisita. Ngunit may
dalawang hinuha: (1) suriin ang kanyang edisyong may anotasyon sa orihinal na
Sucesos ni Morga na ang kopya ay nasa Museo ng Britanya, at (2) makita sa huling
pagkakataon si Getrude Beckett.
Kalagitnaan ng Enero 1890, nagbalik siya sa Paris. Inireklamo niya ang
pananakit ng kanyang ulo. Nang panahong iyon, may epidemya ng trangkaso sa
Europa. Mabuti't hindi nahawaan si Rizal ng trangkaso.
Kabanata 16
Sa Brussels, Belhika (1890)
Noong Enero 28, 1890, nilisan ni Rizal ang Paris patungong Brussels,
kabisera ng Belhika. Dalawang dahilan ang nagbunsod kay Rizal para lisanin ang
Paris: (1) napakataas ng halaga ng pamumuhay sa Paris, at (2) ang kasiyahan sa
lungsod ay nagiging balakid sa kanyang pagsusulat, lalo na sa pagsulat ng kanyang
ikalawang nobela, ang El Filibusterismo. Naniniwala naman ang mga kaibigan niya,
pati na sina M. H. del Pilar at Valentin Ventura, na ang dahilan ay ang paglayo niya
mula sa isang dalagang iniwan niya sa London. Nang sabihin niyang ang dahilan
ay pagtitipid dahil papaubos na ang kanyang pera, inanyayahan siya ni Ventura na
doon na muna sa bahay nito sa Paris tumira nang walang bayad. Ngunit
tinanggihan niya ang paanyaya ni Ventura dahil may mataas siyang pagpapahalaga
sa kanyang dignidad at di siya makatatanggap ng kawanggawa.
Buhay sa Brussels. Kasama ni Rizal si Jose Albert nang lumipat siya sa
Brussels. Tumira siya sa isang maliit na bahay paupahan sa 38 Rue Philippe
Champagne, na pinamamahalaan ng magkapatid na Suzanne at Marie Jacoby.
Kinalaunan, nilisan ni Albert ang lungsod, at lumipat sa bahay paupahan si Jose
Alejandro, isang estudyante ng inhenyeria.
Sa Brussels, naging abala si Rizal sa pagsusulat ng kanyang pangalawang
nobela na karugtong ng Noli. Hindi siya nag-aksaya kahit na isang oras. Bukod sa
pagsusulat ng mga kabanata ng nobela, sumulat din siya ng mga artikulo para sa
La Solidaridad at mga liham para sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Dahil
manggagamot, nagtrabaho siya sa isang klinika. Para sa kanyang libangan,
nagpupunta siya sa himnasyo para sa kanyang pamamaril at pag-eeskrima. Kaya
isinulat niya kay Antonio Luna: “Nagpupunta ako sa klinika, nagbabasa ako,
nagsusulat, nagpupunta ako sa himnasyo at sa armori. Tungkol sa pamamaril
ipapadala ko sa iyo ang isang target na may sampung butas ng bala; ito ay pito at
kalahating metro mula sa akin. Kaya kong patamain ang lahat ng aking bala sa
layong dalawampu't limang metro."
Tungkol sa pagiging matipid ni Rizal, sinabing kanyang kasama sa kuwarto na
si Jose Alejandro: "Sa Brussels, kumakain kami sa bahay, at minsa'y minungkahi ni
Rizal na kumain kami ng pansit. Malaki ang gastos namin sa bawat araw kung
kaya't inubos namin ang isang buong araw na panggastos sa pagbili ng mga
kinakailangang sangkap. Ngunit tila nagkamali ng pagkukuwenta si Rizal kaya ang
pangdalawang araw na panggastos ang naubos namin at ang naluto naming pansit
ay sobra-sobra. Para di masayang, dalawang araw na pansit ang kinain namin para
sa tanghalian at hapunan."
Mga Artikulong Nailathala sa La Solidaridad. Habang nasa Brussels, sumulat
si Rizal ng mga artikulo para sa La Solidaridad para maipagtanggol ang mga
inaaping kababayan at maipakita ang kasamaang dulot ng pananakop ng Espanya
sa Pilipinas. Ilan sa mga artikulong ito ay:
1. "A La Defensa" (Para sa La Defensa), Abril 30, 1889: Ito ay ng tugon
isang sa Espanyol, isang sulating Pilipino na isinulat ng isang Esanyol, si Patricio de
la Escosura, na nailathala sa La Defensa noong Marso 30, 1889.
2. "La Verdad Para Todos" (Ang Katotohanan para sa Lahat), Mayo 31,
1889. Ang pagtatanggol ni Rizal sa panunuligsa ng mga Espanyol na ang mga
katutubong lokal na opsiyal ay ignorante at napakasama.
3. "Vicente Barrantes’ Teatro Tagalo," Hunyo 15, 1889. Sa artikulong ito,
ibinunyag ni Rizal ang pagiging ignorante ni Barrantes tungkol sa sining panteatro
ng mga Tagalog.
4. "Una Profanacion" (Isang Paglalapastangan), Hulyo 31, 1889. Mapait
na pagpuna sa mga prayle dahil sa pagtanggi nila ng Kristiyanong paglibing kay
Mariano Herbosa sa Calamba dahil ito ay bayaw ni Rizal, asawa ni Lucia, na
namatay sa kolera noong Mayo 23, 1889.
5. "Verdades Nuevas" (Mga Bagong Katotohanan), Hulyo 31, 1889. Sagot
sa liham ni
Vicente Belloc Sanchez na nailathala sa La Patria, pahayagan sa Madrid,
noong Hulyo 4, 1889, na naninindigan na ang pagbibigay ng mga reporma sa
Pilipinas ay bubuwag sa "mapayapa at mapagkalingang pamamahala" ng mga
prayle.
6. "Crueldad" (Mga Kalupitan), Agosto 15, 1889. Mahusay na pagtatanggol
kay Blumentritt sa panunuligsa ng kanyang mga kaaway.
7. "Diferencias" (Mga Di-Pagkakasundo), Setyembre 15, 1889. Tugon sa
artikulong "Matatandang Katotohanan" na nailathala sa La Patria noong Agosto 14,
1889, na kinukutya ang mga Pilipinong nanghihingi ng mga reporma.
8. "Inconsequencias" (Mga Walang Halaga), Nobyembre 30, 1889.
Pagtatanggol kay Antonio Luna laban sa panunuligsa ni Pablo Mir Deas sa
pahayagang El Pueblo Soberano.
9. "Llanto y Risas" (Mga Luha at Katatawanan), Nobyembre 30, 1889.
Pagtutol sa dipantay-pantay na pagtrato ng mga Espanyol sa mga lahi at mababang
pagtingin sa mga Pilipino.
Binanggit ni Rizal sa kanyang artikulo kung paano ang mga manonood,
nakaramiha'y binubuo ng mga Espanyol at mestiso, ay tumigil sa pagpalakpak nang
manalo siya ng unang gantimpala sa isang timpalak pampanitikan noong 1880 dahil
sa kanyang kulaykayumangging balat.
10. "Ingratitudes" (Kawalan ng Utang na Loob), Enero 15, 1890. Tugon kay
Gobernador Heneral Valeriano Weyler na, habang bumibisita sa Calamba, ay
sinabihan ang taumbayan na "di nila dapat payagan ang sarili na malinlang ng mga
hungkag na pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak."
Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog. Sa kabila ng kanyang Europeong
edukasyon at kanyang kaalaman sa dayuhang wika, minahal pa rin ni Rizal ang
kanyang katutubong wika. Una siya sa pagtataguyod ng Filipinisasyon ng
ortograpiya nito. Halimbawa, ang letrang"k” at "w" sa Tagalog ang dapat gamitin
para sa Espanyol na "c" at "o." Kaya ang
Tagalog na salitang "salacot" ay dapat isulat na "salakot" at ang "arao" ay
dapat palitan ng "araw."
Noon pa mang Setyembre 1886, nang siya'y nasa Leipzig, ibinagay ni Rizal
ang kanyang
Tagalog na ortograpiya sa mga kuwentong isinalin niya sa Tagalog, ang
Wilhelm Tell ni Schiller at Fairy Tales ni Andersen, at muli'y ginamit niya ito sa
kanyang unang nobelang Noli Me Tangere (Berlin, 1887).
Habang nasa Brussels, ang kanyang artikulong "Sobre la Nueva Ortografia de
la Lengua
Tagala" (Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog) ay nailathala sa La
Solidaridad noong Abril 15, 1890. Sa artikulong ito, inilatag niya ang mga
panuntunan ng bagong ortograpiyang Tagalog, at buong katapatan at mababang
loob, ibinigay niya ang karangalan sa pagbabagay sa bagong ortograpiyang ito kay
Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, awtor ng kilalang El Sanscrito en la Lengua Tagala
(Ang Sanskrit sa Wikang Tagalog) na nailathala sa Paris noong 1884.
"Gusto kong malaman ng lahat," isinulat ni Rizal, "na kapag ang kasaysayan
ng ortograpiyang ito ay nabakas, na ngayoy ibinabagay na ng mga mulat na
Tagalista, na anuman ang kay Caesar ay dapat ibigay kay Caesar. Ang
pagbabagong ito ay dahil lamang sa pag-aaral ni Dr. Pardo de Tavera sa
Tagalismo. Isa ako sa mga masigasig na propagandista nito."
Binatikos ni Rizal ang Pagsusugal ng mga Pilipinong nasa Madrid. Sa
Brussels, natanggap ni Rizal ang balita mula kina Juan Luna at Valentin Ventura na
ang mga Pilipino sa Espanya ay sinisira ang magandang ngalan ng kanilang nasyon
dahil sa labis na pagsusugal. Hiniling ng kanyang dalawang kababayan na gumawa
siya ng hakbang dito.
Kaya sumulat si Rizal kay M. H. del Pilar noong Mayo 28, 1890 para
paalalahanan ang mga Pilipino sa Madrid na hindi sila pumunta sa Europa para
magsugal, kundi para maipaglaban ang kalayaan ng Inang Bayan. Ito ang kanyang
liham:
Inireklamo ni Luna na nasa Paris ang pagsusugal ng mga Pilipino, gayundin
ang sinabi ni Ventura. Sabi nila, ayon sa balita mula sa Pilipinas, nababahala ang
mga magulang ... Nangangamba akong nahuhulog tayo sa bitag ng mga prayle.
Walang anuman sa ating bayan na magpapaalala sa mga Pilipino na hindi sila
nagtungo sa Europa para magsugal at aliwin ang sarili, kundi para kumilos para sa
kasarinlan at dignidad ng kanyang lahi. Hindi na kailangang iwanan pa ang Pilipinas
para lamang magsugal dahil doo'y makapagsusugal sila nang labis. Kung tayo na
siyang ipinatawag para kumilos, kung tayo na inaasahan ng mahihirap nating
kababayan, ay ilalaan lamang ang ating panahon sa mga ganitong bagay habang
ang panahon ng ating kabataan ay dapat na ilaan sa bagay na mas dakila dahil ang
tanging layunin ng kabataan ay dakila, nangangamba akong ang ating ipinaglalaban
ay mauuwi sa wala, at sa halip na maging karapat-dapat sa kasarinlan, magiging
karapat-dapat lamang tayo sa pagkaalipin.
Nananawagan ako sa pagiging makabayan ng lahat ng Pilipino na bigyan ang
mga Espanyol ng katibayan na tayo’y makaaangat sa ating masamang kapalaran,
at hindi tayo maaaring maging tiwali ni hindi magiging bingi ang ating mga
sentimiyento sa katiwalian ng ating kaugalian.
Ang mga Pilipinong sugarol sa Madrid ay nagalit nang malaman ang mga
pangaral ni
Rizal. Kinutya nila si Rizal at tinawag na "Papa" (Papa ng Roma) sa halip na
"Pepe."
Masamang Balita mula sa Bayan. Habang nasa Brussels, nabahala si Rizal sa
mga sulat na natatanggap niya mula sa Pilipinas. Ang suliraning pang-agraryo ng
Calamba ay lumalala. Tinaasan ng mga namamahala ng asyendang Dominiko ang
upa hanggang sa ayaw nang bayaran ng kanyang ama ang di-makatwirang upa.
Dahil sa katapangang ipinakita ni Don Francisco, nagsunuran ang ibang kasama at
ayaw na rin nilang magbayad ng upa.
Nagsampa ng kaso ang Ordeng Dominiko para mabawi sa pamilyang Rizal
ang kanilang lupa sa Calamba. Samantala, inusig naman ang mga kasama, pati na
ang pamilyang Rizal. Si Paciano at ang mga bayaw na sina Antonio Lopez (asawa
ni Narcisa) at Silvestre Ubaldo (asawa ni Olympia) ay pinatapon sa Mindoro. Isa
pang bayaw, si Manuel T. Hidalgo (asawa ni Saturnina) ang ipinatapon naman sa
ikalawang pagkakataon sa Bohol.
Ikinalungkot ni Rizal ang mga balitang ito. Nagdugo ang kanyang puso nang
malaman ang mapait na kinasapitan ng kanyang mga magulang, kapatid na lalaki,
at bayaw. Mula sa Brussels, sinulatan niya ang kapatid na si Soledad noong Hunyo
6, 1890:
Naging dahilan ako ng pananakit sa aking pamilya, ngunit malaking
konsolasyon na ang dahilan na ito ay hindi nakahihiya kaninuman. Sa kabilang
dako, inaangat tayong lahat at mas lalo tayong binibigyan ng dignidad sa mata ng
ating mga kaaway, ang magupo tayo nang nakataas ang noo ay hindi masasabing
paggupo, ito ay tagumpay. Ang malungkot na bagay ay ang magupo nang may
bahid ang karangalan. Higit sa lahat, maaaring ako nga ang sinasabi ng aking mga
kaaway, ngunit anumang bintang nila sa akin ay di pa rin makabababa sa aking
katauhan, at umaasa akong ang Diyos ay magiging maawain para di ko magawa
ang anumang pagkakasalang masasangkot ang aking pamilya.
Pangitain ng Kamatayan. Sa panahon ng kalungkutan, nanaginip nang
masama si Rizal, dulot ng madalas niyang pag-aalala sa naghihirap niyang
pamilyang nasa Calamba.
Bagaman hindi mapamahiin, nararamdaman niyang hindi magtatagal ang
kanyang buhay. Hindi sa siya ay natatakot na mamatay ngunit gusto niyang
matapos muna ang kanyang pangalawang nobela bago niya puntahan ang kanyang
libingan.
Ang pangitain ng maagang kamatayan ay ipinaalam niya kay M. H. del Pilar
sa isang liham na isinulat niya sa Brussels noong Hunyo 11, 1890: "Malulungkot na
alaala ang laging nasa isip bagaman hindi ko ito binibigyan ng ganoong pansin.
Noong ako’y bata, naniniwala akong hindi ako aabot ng tatlumpung taong gulang.
Hindi ko alam kung bakit ko ito naisip. Dalawang buwan din noon na lagi kong
napapanaginipan ang mga namayapa kong kaibigan at kamag-anak. Minsa'y
napanaginipan kong naglalakad ako sa isang landas na sa magkabilang gilid ay
mga taong nakasuot ng puti, mapuputi ang mga mukha, at nababalutan ng puting
liwanag. Doo'y nakita ko ang aking dalawang kamag-anak, ang isa'y yumao na't ang
isa'y buhay pa. Bagaman hindi ako naniniwala sa mga bagay na ito, at bagaman
malakas ang aking pangangatawan, at wala akong sakit, mabuti nang handa ako sa
aking kamatayan. "Laong Laan" (Laging Handa) ang tunay kong ngalan. Sa
dahilang ito, gusto kong matapos na, anuman ang mangyari, ang pangalawang
tomo ng Noli, at kung maaari'y ayokong iwan ko nang di tapos ang isang bagay na
hindi kayang ipagpatuloy ng iba ... Huwag kang maniwalang ako' y nalulungkot;
tuwing makalawang araw, nagpupunta ako sa himnasyo at nagsasanay ng pag-
eeskrima at pamamaril, ngunit sino ang makapagsasabi ng kamalasang maaaring
sumapit?"
Paghahanda para sa Pag-uwi. Sa gitna ng mga pagdurusa ng kanyang
pamilya, nagbalak na umuwi si Rizal. Ayaw niyang manatili sa Brussels at
nagsusulat ng aklat habang ang kanyang magulang, kamag-anak, at kaibigan ay
inuusig sa Pilipinas.
Nang malamang si Graciano Lopez Jaena ay nagpaplanong magtungo sa
Cuba, sinulatan niya si Ponce noong Hulyo 9, 1890 para ipahayag ang pagtutol niya
sa plano ni Graciano. Sinabi niyang hindi dapat magtungo sa Cuba si Graciano para
lamang mamatay sa yellow fever, sa halip ay "magtungo siya sa Pilipinas at doo'y
mamatay nang ipinagtatanggol ang kanyang mga mithiin." Idinagdag pa ni Rizal,
"Minsan lamang tayo mamamatay, at kung hindi pa tayo mamamatay nang maayos,
patatakasin natin ang isang pagkakataon na hindi muling mapapasaatin.
Sa isa pang liham kay Ponce noong Hulyo18, 1890, ipinahayag niya ang
kanyang determinasyong umuwi:
Gusto kong umuwi sa Pilipinas, at bagaman alam kong magiging mapangahas
ako sa gagawing ito, hindi na ito mahalaga sa akin. Ang mga Pilipino ay maingat at
may hunusdili, at iyan ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang ating bayan.
Gaya ng nakikita ko, hindi tayo umuunlad dahil tayo ay maingat at may hunusdili, at
ako na ang tatahak ng ibang landas! Ang tanging balakid lamang ay kung sasang-
ayunan ako ng aking mga magulang. Ayoko nang bigyan pa sila ng alalahanin
ngayong matatanda na sila. Sakaling tumutol sila sa aking pag-uwi, magtatrabaho
na lamang ako sa ibang bahagi ng daigdig.
Lahat ng kanyang kaibigan, kasama na sina Blumentritt, Jose Ma. Basa, at
Ponce, ay natakot sa plano ni Rizal na bumalik sa Pilipinas. Binalaan nila si Rizal sa
panganib na naghihintay sa kanya sa sariling bayan.
Desisyong Magtungo sa Madrid. Pinagwalang bahala ni Rizal ang babala ng
mga kaibigan. Walang banta ng kapahamakan ang makapagpapabago sa kanyang
plano.
Gayunman, isang pangyayari ang nagpabago ng kanyang isip. Isang liham
mula kay Paciano ang nagkukuwento ng pagkatalo ng kanilang kaso laban sa mga
Dominiko. Bagaman ganito ang nangyari sa Maynila, inapela nila ang kaso sa Korte
Suprema sa Espanya kaya nangangailangan ng isang abogadong hahawak nito sa
Madrid. Kaya sinulatan ni Rizal si M. H. del Pilar noong Hulyo20, 1890 para kuning
abogado. Ipinaalam din niya kay Del Pilar na pupunta siya sa Madrid para personal
na pangasiwaan ang kaso.
Sa isang liham kay Ponce, na isinulat sa Brussels noong Hulyo 29, 1890,
ipinahayag ni Rizal na lilisanin na niya ang Brussels pagpasok ng susunod na
buwan at darating siya sa Madrid ng a-tres o a-kuwatro (ng Agosto).
Sa Aking Musa. Bunga ng pag-iisip sa kinasapitan ng kanyang mag-anak,
isinulat ni Rizal ang kahambal-hambal na tulang "A Mi ... " (Sa Aking Musa). Hindi
makikita sa tulang ito ang kariktan ng "Sa mga Bulaklak ng Heidelberg" at hindi
kasing husay ng"Para sa Kabataang Pilipino, " ngunit maramdamin ang tono ng
tula. Narito ang tula:
Sa Aking Musa

Huwag nang tawagin ang Musa


Ang lira'y di na tumutugtog:
Wala nang silbi ang mga makata, At ang kabataan, inspirasyon nila'y puspos
Sa ibang hubog at hugis.

Kung ngayo'y ating kapritsoly lumawak


Mga berso’y mangangailangan pa rin,
Burol ng Helicon tatalikuran pa rin; At walang panawagan ngunit tayo'y
magtatanong
Bakit ang kape’y di pa dinadala.

Sa lugar na ang kaisipa’y tapat


Sa gayo’y ating mga puso’y dumama,
Kunin ang panulat na bakal,
At sa berso at linyang matalas
Ihasik ang biro't panunukso.

Musa, na noo'y aking inspirasyon,


At sa mga awit ng pag-ibig ay binuhay ako;
Humayo na't magpahinga,
Dahil ngayo'y sa maruming prosa
Kikitain ang gintong umupa sa ’kin.

Ngayo’y pag-iisipang mabuti, Magninilay-nilay, magpunyagi;


Kahit minsa'y gustong lumuha;
Dahil siyang nagmamahal ay naglalakip
Matitinding sakit ay dinanas.

Wala na ang mga araw ng saya, Mga araw ng giliw ng Pag-ibig;


Nang ang mga bulaklak ay kasiya-siya At nagbibigay sa nagdurusang
kaluluwa
Ng wakas sa sakit at kalungkutan.

Isa-isa silang daraa't lilipas,


Lahat ng aking minahal ay mawawala;
Buhay man o kasal–sa aki'y wala na,
Dahil tanging nasa puso ko
Sinaktan ng mapait na kapalaran.

Humayo ka, O Musa, lumayo ka,


Ibang rehiyong mainam ang hanapin;
Para sa aking lupa mag-alay di ng sining Para sa lawrel, kadenang
nagkadugsong,
Para sa templo, mga bulag na bihag.

Ngunit bago ka lumayo, ako'y kausapin:


Sabihin sa akin sa tinig na malamyos,
Na ikaw ay sa akin naghahanap
Ng awit ng lungkot para sa mahihina,
Pagtutol sa krimen ng mananamantala.
Pakikipagkaibigan kay Petite Jacoby. Dalawang bagay ang nagbigay-saya kay
Rizal habang naghahanda siya papuntang Madrid. Una, tag-araw noon sa Belhika
at maraming kasiyahan dito, na kung ipagdiwang ay tila sa isang karnabal–may
makukulay na kasuotan, naggagandahang karosa, at maraming araw ng
pagsasaya. Pangalawa'y kanyang pakikipagkaibigan kay Petite Jacoby, ang
magandang pamangkin ng kanyang kasera.
Larawan ng isang maginoo si Rizal kaya nabighani sa kanya si Petite
Suzanne. Nalulumbay siya sa dayuhang lupa at napakalayo ni Leonor Rivera. Hindi
kataka-taka para sa isang normal na binata ang maghanap at makatagpo ng ligaya
sa piling ng isang magandang dilag. Maaaring umibig siya kay Petite Suzanne
ngunit hindi siya nagpakababa't pumasok sa isang pag-iibigang may bahid ng
panlilinlang.
Gaya ng ibang babae–sina Segunda Katigbak, Orang Valenzuela,
LeonorRivera, OSei-San, Gettie Beckett, Consuelo Ortiga y Perez, at Nellie
Boustead–si Suzanne ay umibig kay Rizal. Lumuha siya nang lisanin ng binate ang
Brussels noong mga huling araw ng Hulyo 1890 patungong Madrid, tumigil lamang
ng ilang araw sa Paris.
Bagaman nasa Madrid si Rizal, hindi siya nalimutan ni Suzanne. Sumulat siya
sa binata sa wikang Pranses:
Nasaan ka na ngayon? Naaalala mo ba ako paminsan-minsan? Naalala ko
ang matatamis nating pag-uusap, pagbabasa ng iyong liham, bagaman ito ay
malamig at naiiba. Sa iyong liham, nagkaroon ako ng isang bagay para maibsan
ang lungkot na dulot ng iyong pagkawala. Ikaliligaya kong sumunod sa iyo,
maglakbay na kasama ka, ikaw na laging laman ng aking isip.
Ipinagdasal mo ang mabubuting bagay na nawa'y dumating sa akin, ngunit
kinalimutan na sa pagkawala ng isang minamahal, ang puso'y di magiging
maligaya.
Sanlibo't isang bagay ang maaari mong isipin, aking kaibigan; ngunit sa aking
kaso, ako'y nalulungkot, laging nag-iisa, kapiling lamang ay mga alaala–wala,
walang anumang bagay ang makapagpapaligaya sa akin. Babalik ka ba? Iyan
lamang ang tangi kong inaasam-asam–hindi mo ako matatanggihan.
Hindi ako nawawalan ng pag-asa ngunit ibinubulong ko sa panahong kay
tuling lumipas at siyang naghiwalay sa atin, na nawa'y papagkitain tayong muli.
Nalulungkot akong isipin na baka hindi na kita makitang muli.
Paalam! Batid mo ang isang salitang makapagpapaligaya sa akin. Susulatan
mo ba ako?
Kabanata 17
Mga Kasawian sa Madrid (1890-91)

Dumating si Rizal sa Madrid noong unang bahagi ng Agosto, 1890. Sinikap


niyang gamitin ang lahat ng legal na pamamaraan para makamtan ang katarungan
para sa kanyang pamilya at mga magsasaka ng Calamba, ngunit siya’y nabigo.
Sunud-sunod ang kanyang kabiguan at kasawian hanggang sa naramdaman niyang
kay bigat na ng krus na kanyang pinapasan. Hinamon niya sina Antonio Luna at
Wenceslao E. Retana sa duelo ngunit hindi natuloy ang mga ito. Ikinasal si Leonor
Rivera sa isang inhinyerong Ingles. Ang pagtataksil ng dalagang minahal niya ng
labing-isang taon ay nagwasak sa kanyang puso. Ngunit dahil marunong makibagay
sa mga sitwasyon, nalampasan ni Rizal ang mapapait na karanasang dulot ng pag-
ibig, at ipinagpatuloy niya ang misyong matubos ang mga inaaping kababayan.

Di Pagkakamit ng Hustisya para sa Pamilya. Pagdating sa Madrid, kaagad na


humingi ng tulong si Rizal sa mga grupo ng Pilipino roon, ang Asociacion Hispano-
Filipina, at mga pahayagang liberal sa Espanya (La Justicia, El Globo, La
Republica, El Resumen, atbp.) para makamtan ang katarungan ng mga inaaping
taga-Calamba, pati na ang kanyang pamilya. Kasama si M.H. del Pilar (na siyang
abogado niya) at Dr. Dominador Gomez (kalihim ng Asociacion Hispano-Filipina),
pinuntahan nila ang Ministro ng mga Kolonya (si Señor Fabie) para ipahayag ang
kanyang protesta tungkol sa mga kawalang katarungang ginawa ni Gobernador
Heneral Valerio Weyler at ng mga Dominiko sa mga taga-Calamba.

Walang nangyari sa panayam ni Rizal kay Ministro Fabie. Gaya ng pahayag


ng El Resumen, pahayagang nakikisimpatiya sa mga Pilipino: “Para magbingi-
bingihan, buksan ang portamoneda at maghalukipkip – iyan ang patakarang
kolonyal ng Espanya.”

Marami pang masasamang balita ang nakarating kay Rizal sa Madrid habang
ipinaglalaban niya ang hustisiya. Balita ng kanyang bayaw na si Silvestre Ubaldo,
nakatanggap siya ng kopya ng kasulatang pagpatalsik na ipinag-utos ng mga
Dominiko para kay Francisco Rizal at iba pang kasama. Balita naman ng kanyang
kapatid na si Saturnina na ipinapatapon sina Paciano (Rizal), Antonio (Lopez),
Silvestre (Ubaldo), Teong (Mateo Elejorde), at Dandoy (kamag-anak ng mga Rizal)
sa Mindoro; sila’y dinakip sa Calamba at pinaalis ng Maynila noong Setyembre 6,
1890. Nalaman pa niya mula sa liham ni Saturnina na ang kanilang mga magulang
ay sapilitang pinaalis sa kanilang tahanan at naninirahan na sa bahay ni Narcisa
(asawa ni Antonino).
Sa kanyang kawalan ng pag-asa, humingi ng tulong si Rizal sa mga liberal na
Espanyol na dating miyembro ng Ministeryo, kasama na sina Becerra at Maura.
Muli, nabigo siya dahil ang tanging maibibigay lamang sa kanya ng mga ito ay
kanilang simpatiya.

Nang malaman ni Blumentritt, na nasa Leitmeritz, ang suliranin ng kaibigan,


pinayuhan niya ito na makipagkita sa Reyna Rehente Maria Cristina (noo’y
namumuno sa Espanya habang menor de edad pa si Alfonso XIII). Ngunit paano
siya makikipagkita sa Reyna? Wala siyang makapangyarihang kaibigan ni salaping
maipanggagrasa sa mga maiimpluwensiyang tao sa korte.

Parangal ni Rizal kay Panganiban. Isa pang kalungkutan ang naranasan ni


Rizal nang dumating siya sa Madrid. Ang kanyang kaibigang si Jose Ma.
Panganiban, na kasama niya sa Kilusang Propaganda, ay namatay sa Barcelona
noong Agosto 19, 1890, dahil sa matagal nang sakit. Dinamdam niya nang malalim
ang pagpanaw ng bayaning Bikolano.

Malungkot na malungkot, sumulat si Rizal ng napakagandang parangal para


kay Panganiban:

Si Panganiban, mahusay na kasama sa paggawa at hirap, mabuting kaibigan


at minamahal na kababayan, ay sumakabilang-buhay sa batang edad na 27.
Naroon kami nang hugutin niya ang huling hininga, nakita namin siyang namatay sa
aming mga bisig, at tila pinakikinggan namin ang kanyang mga katagang puspos ng
pagmamahal sa bayan…

Sa kanya’y pagnanais na mamatay nang pagkalayo-layo sa lupang tinubuan,


malayo sa kanyang pamilya, sa kanilang pagmamahal, at sa pamumukadkad ng
kanyang kabataan, sa kanyang malarosang ilusyon at pag-asa, noong natatanaw
ang magandang hinaharap…

Kaya nga ang kanyang mga huling salita, na pawang pagmamahal sa Inang
Bayan, ay madamdaming pamamaalam sa Pilipinas. At kung isasaalang-alang natin
ang mga pangyayari sa kanyang buhay na inilaan sa pagmamahal sa kanyang
bayang tinubuan, mauunawaan natin ang lungkot sa kanyang puso at kasama
niyang ililibing ang kanyang mga lehitimong pag-asa, marubdob na pangarap, at
makatarungang aspirasyon.
Agosto 19 (1890) ay araw ng pagluluksa ng maraming Pilipino sa Europa. At
anong pagkakataon na sa araw at buwan ding ito ay ipinagluluksa rin natin ang
pagkamatay ng isa pang kaibigan at kababayan, si Feliciano GonzalesTimbang.

Malungkot na kapalaran! Si Panganiban, na biniyayaan ng di-pangkaraniwang


talino at di-masusukat na kasipagan, ay isa sa mga sagrado at lehitimong pag-asa
ng kanyang kawawang bayan. Ang ulong iyon ay inilibing na sa alabok, ang
mabisang talino ay maagang nagwakas. Pilipinas, anong kamalasan ang sinapit
mo!

Naudlot na Duelo kay Antonio Luna. Sa pagtatapos ng Agosto 1890, dumalo


si Rizal ng isang salu-salo ng mga Pilipino sa Madrid. Gaya ng nakagawian,
nagkainuman ang mga paisano. Pagkaraan ng maraming nainom, naging matabil
ang mga panauhin at kung anu-ano na ang pinagkukuwentuhan. Isa sa mga
nalasing ay si Antonio Luna.

Nang panahong iyon, masama ang loob ni Luna dahil bigo siya sa kanyang
pag-ibig kay Nellie Boustead. Sa loob-loob niya, sinisisi niya si Rizal sa kanyang
kabiguan, kahit na naipaliwanag sa kanya ni Rizal na wala siyang kinalaman dito.
Dala ng selos at kalasingan, kung anu-anong masasamang bagay ang nasabi niya
tungkol kay Nellie.

Narinig siya ni Rizal. Maginoo, hindi mapapayagan ni Rizal ang ganoong


pambabastos sa sinumang babae. Galit na galit sa kaibigan, hinamon niya si Luna
sa isang duelo.

Mas mahusay sa pamamaril si Rizal kaysa kay Luna. Ngunit ang huli’y
magaling sa eskrimahan. Dahil si Luna ang hinamon, siya ang may karapatang
pumili ng armas. Makatwirang piliin ni Luna ang espada kaya nanganganib ang
buhay ni Rizal.

Natakot ang mga Pilipino sa insidenteng ito. Sinikap nilang gawing mahinahon
sina Rizal at Luna, sinasabing ang kanilang duelo’y magiging kasiraan lamang sa
ipinaglalaban nila.
Sa kabutihang palad, si Luna, nang mahimasmasan, ay nabatid ang
kalokohang ginawa niya. Nagpaumanhin siya sa masasamang nasabi niya sa
dalaga. Tinanggap ni Rizal ang kanyang paumanhin, at muli’y naging mabuting
magkaibigan sila.

Hinamon ni Rizal si Retana sa Duelo. Si Rizal ay hindi likas na mainitin ang


ulo at palaaway. Ngunit kapag nasaling ang karangalan ng kanyang kababayan,
pamilya, kababaihan, o kaibigan, hindi siya nangingiming makipag-away kahit na
buhay niya ang itaya. Sa isang okasyon, hinamon ni Rizal ang isa pang lalaki sa
isang duelo – si Wenceslao E. Retana, ang karibal niya sa panulat.

Si Retana, isang matalinong iskolar na Espanyol, ay isang ahente sa


pahayagan ng mga prayle sa Espanya. Noo’y tinutuligsa niya ang mga Pilipino,
kasama na si Rizal, sa iba’t ibang pahayagan sa Madrid at iba pang lungsod sa
Espanya. Isang araw, sumulat siya sa artikulo sa La Epoca, pahayagang laban sa
mga Pilipino. Isinulat niyang hindi nakababayad ng upa ang pamilya at mga
kaibigan ni Rizal kaya sila pinatalsik sa mga lupa ng mga Dominiko sa Calamba.

Nainsulto rito si Rizal kaya kaagad siyang kumilos. Nagpadala siya ng


mensahe kay Retana na hinahamon niya ito sa isang duelo. Tanging dugo ni
Retana o kanyang paumanhin ang maghuhugas sa dinungisang ngalan ng
pamilyang Rizal at mga kaibigan nito.

Dahil naniniwalang ang mabuting pagpapasya ay mas mabuting bahagi ng


kagitingan at sa kagustuhan na ring mailigtas ang sarili, kaagad na ipinalathala ni
Retana ang kanyang pagbawi sa kanyang isinulat at pagpapaumanhin sa mga
pahayagan. Binalaan kasi siya na wala siyang kalaban-laban kay Rizal dahil
mahusay ang huli sa baril at espada.

Ang insidente ay nagpatahimik sa panulat ni Retana laban kay Rizal. Nabuo


ang malaking paghanga niya kay Rizal, at pagkaraa’y sinulat niya ang unang aklat
ng talambuhay ng pinakadakilang bayaning Pilipino, na ang mga talino ay
hinangaan niya at ang pagmamartir ay kanyang dinakila.

Pagtataksil ni Leonor Rivera. Noong taglagas ng 1890, malungkot na


malungkot si Rizal sa kabiguan niya sa Madrid. Isang gabi, nanood silang
magkakaibigan ng isang dula sa Teatro Apolo, at nawala roon ang kanyang gintong
relos na may laket na kinalalagyan ng larawan ni Leonor Rivera, kayang minamahal
na kasintahan.
Ang pagkawala ng laket ay tila masamang palantandaan. Pagsapit ng
Disyembre 1890, habang ang malamig na hangin ay umiihip sa lungsod, natanggap
ni Rizal ang liham ni Leonor, na nagsasabing ikakasal na siya sa isang Ingles (na
siyang pinili ng kanyang ina) kaya humihingi siya ng tawad kay Rizal. Malaking
dagok kay Rizal ang liham na ito. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata dahil sa
pagdurugo ng puso.

Ilang linggo ang lumipas bago nagawa ni Rizal na ikuwento ang kanyang
kasawian sa matalik niyang kaibigang si Blumentritt. Sinagot ng huli ang liham ni
Rizal noong Pebrero 15, 1891. Nakikiramay, sinabi ni Blumentritt: “Ang huli mong
liham ay ikinalungkot naming lahat; pagkatapos ng mga kasawian mo’y ito namang
iyong pinakamamahal ay iniwan ka. Hindi maunawaan ng aking maybahay kung
paano nagawa ng isang babaing minahal ng isang Rizal ang iwanan siya; nagagalit
siya rito. Ako ma’y nalulungkot para sa iyo dahil alam ko ang sakit sa kaloobang
dinaranas mo; ngunit isa ka sa mga bayaning makasusupil sa sakit na dulot ng
isang babae dahil mas marangal ang iyong nilalayon sa buhay. Matapang ka, at
ikaw ay nagmamahal sa mas marangal na babae, ang iyong Inang Bayan. Ang
Pilipinas ay tulad ng isang mahiwagang prinsesa sa mga alamat na Aleman, na
bihag ng isang kasindak-sindak na dragon, hanggang sa siya’y iligtas ng isang
matapang na kabalyero.”

Pagkaraan ng tatlong buwan, sumulat muli si Blumentritt at sinabi: “Tunay na


nakikiramay ako sa iyo sa pagkawala ng babaing nais mong pakasalan,ngunit kung
kaya niyang pakawalan ang isang Rizal, hindi siya karapat-dapat sa iyong marangal
na diwa. Para siyang isang bata na nagtapon ng diyamante para makuha ang isang
bato…Sa madaling salita, hindi siya ang babaeng para kay Rizal.”

Hidwaan nina Rizal at Del Pilar. Noong pagtatapos ng 1890, nagkaroon ng


hidwaan para sa pamumuno sina Rizal at M.H. del Pilar. Walang kaduda-duda ang
pagiging pinuno ni Rizal ng mga Pilipino sa Europa dahil siya ang pinakatalentong
Pilipino ng kanyang panahon. Sa kabilang banda, si Del Pilar ay matapang na
abogado at mamamahayag, at nakikilala sa Madrid dahil sa kanyang matatapang
na editorial sa La Solidaridad, na naging pag-aari na niya. Binili niya ang
pahayagang ito mula kay Pablo Rianzares, ang unang may-ari, at pinalitan si
Graciano Lopez Jaena bilang patnugot.

Bilang pinuno, sinikap ni Rizal na mapuspos sa mga kababayan ang kanyang


sariling idealismo dahil naniniwala siyang para magkaroon ng prestihiyo ang
Kilusang Propaganda at para makuha ang paggalang ng mga Espanyol, kailangang
maging mataas ang kanilang panuntunan sa moralidad, dignidad, at diwa ng
pagdurusa. Sa kasamaang palad, hindi sang-ayon ang ilang kababayan sa kanyang
idealismo dahil ang mahalaga sa kanila’y alak, babae, at sugal. Kaya tinanggihan
nila ang pamumuno ni Rizal. Ilan sa mga dating tagapagtaguyod niya’y tinalikuran
din siya dahil hindi rin sila sang-ayon sa panghihimasok ni Rizal sa kanilang
pribadong buhay. Sinuportahan nila si Del Pilar.

Ang patakarang editoryal ng La Solidaridad sa ilalim ng pangangasiwa ni Del


Pilar ay lalong nagpalawak ng hidwaan nina Rizal at Del Pilar. Hindi sinang-ayunan
ni Rizal at ilang malapit niyang kaibigan ang patakarang editoryal ng pahayagan
dahil sa taliwas ito sa mga pananaw na politikal ni Rizal.

Para maiwasan ang pagkakasira nina Rizal at M.H. del Pilar, ang mga Pilipino
sa Madrid, na mga siyampu ang bilang, ay nagtipon noong Enero 1, 1891, Araw ng
Bagong Taon, para mapagkasundo sila nang sa gayo’y mapaigting ang kanilang
kampanya para sa reporma. Napagkasunduan nila sa pulong na ito na ang pinuno
ay tatawaging Reponsable, na pipiliin para siyang mangasiwa ng mga kalakaran sa
komunidad na Pilipino at siya ring magsasaayos ng patakarang editoryal ng La
Solidaridad. Tinutulan ni Del Pilar ang proposisyon na ang pangangasiwa’y
mapunta sa Responsable dahil ang pahayagan ay isang pribadong gawain;
gayunpaman, pumapayag siyang maglathala ng mga artikulong nagpapahayag ng
mga aspirasyon at kahilingan ng mga Pilipino.

Dahil sa pagtutol ni Del Pilar, ang proposiyon na ibigay sa Responsable ang


pangangasiwa ng La Solidaridad ay inabandona. Ang pulong ay nagpatuloy sa
paghalal ng Responsible. Napagkasunduan na ang Responsable ay ihahalal ng
dalawa-katlong boto ng komunidad ng mga Pilipino.

Binitawan ni Rizal ang Pamumuno. Ang eleksiyon ay itinakda noong unang


linggo ng Pebrero 1891. Ang mga Pilipino ay nahati sa dalawang magkasalungat na
pangkat – ang mga Rizalista at ang mga Pilarista. Naging mainit ang eleksiyon at
hindi nagkasundo ang magkababayan. Mula sa simula, noong unang araw ng
botohan, si Rizal ang nananalo, ngunit hindi niya makamit ang dalawa-katlong boto
para maiproklama siyang Responsable. Sa ikalawang araw ng botohan, ang resulta
ay di na naman makapagbigay ng pasya – nanalo si Rizal ngunit hindi pa rin niya
makamit ang dalawa-katlong boto.

Ang sitwasyon ay naging mainit at kritikal. Noong ikatlong araw, buong pusong
nakiusap si Mariano Ponce sa mga kababayan na ihalal si Rizal. Ang ilang Pilarista
ay pinakinggan ang kanyang panawagan. Kaya nanalo si Rizal sa araw na iyon ng
botohan. Dahil nakamit ang dalawa-katlong boto, siya ang naging Responsable.

Ngunit maginoong tinanggihan ni Rizal ang inaasam-asam na posisyon. Siya


ay may karangalan at dignidad at mataas ang kanyang delikadesa, isang bagay na
wala ang maraming politiko ng mga bayan sa lahat ng panahon. Kaya minabuti
niyang hindi maging pinuno ng isang hating kababayan. Batid niya na ilan sa mga
kababayang suporta kay Del Pilar ay kinaiinisan siya. Kaya minabuti niyang
tanggihan ang pamumuno kaysa maging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay at
kapaitan sa mga kababayan.

Adios, Madrid. Sumulat si Rizal ng maikling liham ng pasasalamat sa mga


kababayang bumoto sa kanya bilang Responsable. Malungkot siyang nag-empake,
binayaran ang mga pagkakautang, at lumulan sa tren patungong Biarritz.

Habang papaalis ang tren, pinagmasdan niya mula sa kanyang bintana ang
lungsod ng Madrid, kung saan naging masaya siya noong una niyang pagbisita
(1882-1885) ngunit naging malungkot sa ikalawang pagpunta (1890-1891). Ito ang
huling pagkakataong makikita niya ang Madrid. Nagdurugo ang kanyang puso
habang namamaalam sa metropolis, na patungkol dito’y isinulat niya ilang taon
nang nakararaan:

Ang Madrid ay isa sa pinakamasayang lungsod sa buong mundo, lungsod na


nagtataglay ng diwa ng Europa at Silangan, na bumagay sa kaayusan,
kaginhawaan, ng sibilisadong Europa nang walang pagkamuhi, walang pagtanggi,
sa makikinang na kulay, maiinit na pasyon, sinaunang kaugalian ng mga tribung
Aprikano, pagiging maginoo ng mga Arabe na ang mga batas ay nakikita pa rin sa
lahat ng lugar dito, sa kaanyuhan, damdamin, at di-matuwid na palagay ng mga tao,
at kahit na sa kanilang mga batas.
Kabanata 18 Bakasyon sa Biarritz at Pakikipag-ibigan kay Nelly
Boustead (1891)

Para maibsan ang sama ng loob na dulot ng kanyang mga kabiguan sa


Madrid, nagpasyang magpunta si Rizal sa Biarritz, isang bakasyunang lungsod sa
napakagandang French Riviera. Siya ay naging panauhin ng mayamang mag-anak
na Boustead sa kanilang tahanan—ang Villa Eliada. Naging kaibigan niya si
Eduardo Boustead at maybahay nito at dalawang kaakit-akit na anak na babae
(Adelina at Nellie) sa Paris noong 1889-90. Noo'y nakikipag-eskrimahan siya sa
magkapatid na Boustead sa estudyo ni Juan Luna, at nakadalo na rin siya ng mga
salusalo sa bahay ng mga Boustead sa Paris. Dito sa Biarritz sila nagkaroon ng
pagkakaunawaan ni Nellie. Sa lugar ding ito niya natapos ang huling kabanata ng
pangalawa niyang nobela, ang El Filibusterismo.
Sa Piling ng mga Boustead sa Biarritz. Nang dumating si Rizal sa Biarritz
noong pagpasok ng Pebrero, 1891, mainit siyang sinalubong ng mga Boustead,
lalung-lalo na ni G. Boustead na tunay na malaki ang paghanga sa kanya dahil sa
mga angkin niyang talino. Bilang panauhin ng mag-anak, maayos siyang tinanggap
nina Gng. Boustead, Adelina, Nellie, at Tiya Isabel (kapatid ni Gng. Boustead).
Maganda ang naidulot kay Rizal ng isang buwan niyang bakasyon sa Biarritz.
Nalimutan niya ang mapapait na karanasan, sa Madrid dahil sa naggagandahang
dalampasigan na dinadayo ng mga turista mula sa iba't ibang panig ng daigdig.
Naaliw siya ng masasayang tanawin ng lungsod, at nahalina siya sa preskong
hanging dala ng Karagatang Atlantiko. Unti-unti, nanumbalik ang sigla sa kanyang
puso, at bumuti ang kanyang kalusugan. Aniya sa kanyang liham noong Pebrero
11, 1891 kay Mariano Ponce, na noo'y nasa Madrid, "Naragdagan ang aking
timbang mula nang dumating ako rito sa Biarritz; hindi na humpak ang aking mga
pisngi, gaya ng dati dahil maaga na akong nakatutulog at wala na akong mga
alalahanin.
Pakikipag-ibigan kay Nellie Boustead. Romantikong lugar ang Biarritz—mga
kaibig-ibig na hardin, kaaya-ayang villa at kahali-halinang kagandahan.
Naghahanap ng lugod para sa pusong nasugatan—nabigo si Rizal sa pag-ibig niya
kay Leonor—isinaalang-alang niya ang pagsinta para kay Nellie, ang mas maganda
at nakababatang anak na dalaga ng kanyang maybisita. Natuklasan niyang tunay
na dalagang Pilipina si Nellie, matalino, masayahin, at matwid. Sinulat niya sa
matatalik niyang kaibigan, liban kay Propesor Blumentritt, ang kanyang pag-ibig
para kay Nellie, tinatawag ding Nelly, at ang intensiyon niyang pakasalan ito.

Noon pang Pebrero 4, 1891, biniro na siya ni M.H. del Pilar tungkol sa
pagpapalit ng "o" sa Noli, at gawin itong "e" na nangangahulugang naging Nelly ang
Noli. Pagkaraan ng limang araw, sinabihan ni Tomas Arejola si Rizal:
Sa iyong liham, paulit-ulit mong ikinuwento si Boustead na
maaaring isang ginang o binibini. llang ulit na rin dito noong nakaraang taon na
nasabihan ako tungkol sa babaing ito, na ayon sa liham mo ay isa ring Pilipino.
Nabanggit nila sa akin na talaga namang karapat-dapat siya dahil sa kanyang
mataas na pinag-aralan, magaganda ang katangiang panlabas at panloob, at
karagdagan pa nga ang kaniyang pagiging Pilipino. Sa pagkakataong ito at sa
buong panahong inilagi mo sa pamilyang iyan ay naging saksi ka sa mainit nilang
pagtanggap sa iyo. Nais ko sanang bigyan ang aking sarili ng kalayaan para sabihin
sa iyo ang mga pagmumuni ko. Dahil na rin sa iyo mismo, napagtanto kong malaya
ka na sa pananagutan mo sa Pilipinas. Sa kabilang banda, bagaman hindi pa rin
nagbabago ang mga kondisyon doon, ang pananatili mo sa ating bansa ay hindi
nararapat; at kahit magkaganoon man, hindi ka tatantanan ng gulo sa sarili mong
tahanan. Kung kaya sa pag-aasawa mo doon, nangangamba akong hindi
kaligayahan kundi kapaitan at gulo lamang ang matatagpuan mo.
At ano ang mainam na solusyon? Tingnan mo kung nararapat sa
iyo si Binibining Boustead, ligawan mo siya, at pakasalan mo siya, at kami rito ay
tunay na magbubunyi sa mabuti mong ginawa.
Noo'y nagmahal ngunit nabigo si Antonio Luna sa kanyang pag-ibig kay Nelly.
Gayunman, sinulatan niya si Rizal para hikayating ligawan, pagkaraa'y pakasalan
ang dalaga. Ito ang bahagi ng liham ni Luna kay Rizal mula Madrid:
Tungkol kay Nelly, tapatan kong sasabihin sa iyo na walang
namagitan sa amin liban sa pakikipagkaibigang pinasigla ng pagiging
magkakababayan. Sa palagay ko, wala nang iba pa, paniwalaan mo ako. Naging
mangingibig niya ako, nagsulatan kami. Gusto ko siya dahil alam kong karapat-
dapat siya, ngunit ang mga pangyayaring labas sa aming kontrol ang naging
hadlang sa kaligayahang itinatangi. Mabait siya, nasa kanya na ang mga kahanga-
hangang katangiang dapat ay mayroon ang isang dalaga, at naniniwala akong
magdudulot siya ng kaligayahan di lamang sa iyo kundi sinumang lalaking karapat-
dapat sa kanya...Binabati kita, gaya ng pagbati ng isang kaibigan sa kanyang
kaibigan. Maligayang bati!
Bunga ng pampalakas-loob mula sa malalapit na kaibigan, niligawan ni Rizal
si Nelly na nagpakita rin ng pagkagiliw sa kanya. Sa kasamaang-palad, hindi naging
masaya ang wakas ng kanilang pag-iibigan. Hindi tinanggap ang alok na kasal ni
Rizal dahil sa dalawang bagay: (1) hindi pumayag si Rizal na tumiwalag sa
Katolisismo para yumakap sa pananampalatayang Protestantismo, gaya ng hiniling
ni Nelly, at (2) ayaw ng ina ni Nelly na maging manugang si Rizal.
Dahil mabuting Protestante, nais talaga ni Nelly Boustead na maging
Protestante si Rizal bago sila magpakasal. Si Rizal na may matatag na paninindigan
ay hindi naman sang-ayon dito. Oo nga't naging Mason siya ngunit nanatili pa rin
siyang tapat sa Katolisismo, ang relihiyon ng kanyang angkan. Pagkaraan ng ilang
taon, habang naninirahan sa Dapitan, bilang desterado, pinatunayan niyang mali
ang paratang ni Padre Pablo Pastell hinggil sa pagiging Protestante niya: "Tungkol
sa pagiging Protestante... Kung alam, lamang ng inyong Reverencia ang pinawalan
ko dahil sa di ko pagyakap sa Protestantismo, hindi ninyo sasabihin ang ganyang
bagay. Kung wala akong paggalang sa ideyang relihiyoso, kung ang pagtanaw ko
sa relihiyon ay isang bagay na magpapadali ng buhay o isang sining na bahagi
lamang ng buhay na ito, sa halip na maging mahirap na desterado, ako ngayo'y
mayaman, malaya, at pinagpipitaganan".
Hindi hangad ng ina ni Nelly, tulad din ng ina ni Leonor Rivera, na itaya ang
kaligayahan ng anak sa isang lalaking salat sa mga materyal na bagay, isang
manggagamot na walang pasyenteng nagbabayad, isang manunulat na di naman
kumikita sa kanyang panulat, at isang repormistang tinutugis ng mga prayle at
opisyal ng pamahalaan ng sariling bayan.
Bagaman hindi sila ikinasal, nanatiling mabuting magkaibigan sina Rizal at
Nellie. Nang malaman niyang lilisanin na ni Rizal ang Europa, nagpadala siya ng
liham ng pamamaalam na nagsasabing: "Ngayong lilisan ka na, hinahangad ko ang
masaya mong paglalakbay, at nawa'y magtagumpay ka sa iyong mga ginagawa, at
higit sa lahat,nawa'y patnubayan ka ng Diyos at gabayan Niya ang iyong daraanan
ng mga biyaya, at nawa'y matuto kang magsaya sa buhay. Ang tanging pabaon ko
sa iyo ay aking mga dalangin."
Natapos ang El Filibusterismo sa Biarritz. Bigo sa Pag-ibig, pinagtuunan ni
Rizal ang pagsusulat. Bagaman nililigawan si Nellie at nagpapakaligaya "sa mga
gabing sinilayan ng buwan," patuloy ang kanyang pagsulat ng ikalawang nobela na
sinimulan niya sa Calamba noong 1887.
Noong Marso 29, 1891, sa bisperas ng paglisan niya sa Biarritz papuntang
Paris, natapos niya ang manuskrito ng El Filibusterismo. Sa sulat niya kay
Blumentritt nang araw ding iyon, sinabi niya ito.
Natapos ko rin ang aking aklat! Naku, hindi ko isinulat dito ang mga
idea ko ng paghihiganti sa aking mga kaaway kundi iyon lamang makabubuti sa
mga nagdurusa, para sa mga karapatan ng lahing Tagalog, bagaman kayumanggi
ang kulay at maaaring di-kagandahan.
Bukas na bukas ay pupunta ng Paris, at mula roo'y di ko na alam
kung saan ako patutungo.
Sa Paris at Pabalik sa Brussels. Gaya ng isinulat niya kay Blumentritt,
nagpaalam si Rizal sa mabubuting Boustead (magulang at mga anak na dalaga)
noong Marso 30, 1891, at nagtuloy siya sa Paris sakay ng tren. Tumuloy siya sa
tahanan ng kaibigang si Valentin Ventura sa 4 Rue de Chateaudum.
Mula Paris, sinulatan niya ang kaibigang si Jose Ma. Basa sa Hong Kong
noong Abril 4, at ipinahayag ang kanyang pagnanais na magpunta sa kolonyang ito
ng Britanya para doon na magpatuloy ng panggagamot sa mata (ophthalmology) na
siyang ikabubuhay niya. Sa sulat ding ito, hiniling niya kay Basa na padalhan siya
ng pambili ng tiket sa barkong magmumulang Europa hanggang Hong Kong.
Sa kalagitnaan ng Abril, 1891, nagbalik si Rizal sa Brussels, at malugod
siyang tinanggap nina Marie at Suzanne Jacoby (Na may-ari ng tinutuluyan niya) at
higit sa lahat, ni Petite Suzanne (ang dalagang Belga na umibig sa kanya.)
Pagbitiw sa Kilusang Propaganda. Mula nang magbitiw sa pamumuno sa
Madrid noong Enero 1891, dahil na rin sa mga pang-iintriga ng mga naiinggit na
kababayan, nagbitiw sa Kilusang Propaganda, o krusada para sa mga reporma.
Ninais na niyang ipalathala ang pangalawa niyang nobela, maging manggagamot,
at kalaunan, kapag kumikita na siya, umaasa siyang maging masigasig sa
pangangampanya para sa katubusan ng sariling bayan.
Mula Brussels, noong Mayo 1, 1891, ipinaalam niya sa mga awtoridad ng
Propaganda sa Maynila na ikansela ang buwanan niyang panustos at ilaan ang
salapi sa mas mainam na gawain, gaya ng pagpapaaral ng estudyanteng Pilipino sa
Europa. Ang notipikasyon ay kalakip ng kanyang sulat kay G. A.L. Lorena (sagisag-
panulat ni DeodatoArellano):
Sa kagandahang-loob ni J. A.; natanggap ko ang iyong liham ng
Pebrero 13 na may kalakip na sandaang pisong papel (P100) na ipinadala sa akin
ng Propaganda para sa mga buwan ng Enero at Pebrero, at nagpapasalamat ako
sa inyo.
Nang sa gayon ay maiwasan ang pagpuna sa ganitong bagay,
minabuti ko nang magbitiw. Itataguyod ko ang aking sarili at maghahanapbuhay.
Ang napili kong lugar ay maaaring Pilipinas, Hong Kong, o Japan, dahil ang Europa,
para sa akin, ay tila lugar ng mga desterado, at ipinaaalam ko sa Propaganda ang
aking intensiyon nang ,makagawa sila ng kaukulang aksiyon.
Ang halagang P50 na ipinadadala sa akin buwan-buwan ay
makatutulong nang malaki sa pagtustos sa pagpapaaral ng isang lalaking wala sa
sitwasyong tulad ko. Bagaman ang gayong halaga ay sapat na para mabuhay sa
isang Iugar, gaya ng Europa, hindi ito sapat para sa isang nagnanais na
makagampan ng isang gawain at maisagawa ang mga plano niya sa buhay.
Kaya nga hiniling ko sa, aking kaibigan na si Basa na padalhan ako
ng pondo para sa aking pagbabalik, nang sa gayon ay kumita naman ako nung
kaunti. At kung sa wakas, pagkaraan ng ilang taon ay maging matatag na ang aking
katayuang pinansiyal magiging mas masigasig ako sa pangangampanya, higit pa sa
aking ginagawa ngayon.

Huminto si Rizal sa Pagsusulat para sa La Solidaridad. Kasabay ng pagbibitiw


sa Kilusang Propaganda, itinigil na rin ni Rizal ang pagsusulat ng mga artikulo para
sa La Solidaridad. Hinihikayat siya ng karamihan ng kanyang mga kaibigan sa
Espanya na ipagpatuloy ang pagsusulat para sa makabayang pahayagan dahil
napupukaw nito ang atensyon ng maraming bansang Europeo.
Batid ni M.H. del Pilar ang pangangailangan para sa pakikipagkolaborasyon ni
Rizal sa Kilusang Propaganda at pahayagang La Solidaridad dahil sa pananamlay
ng krusada para sa mga reporma. Noong Agosto 7, 1891, sinulatan niya si Rizal,
humingi ng kapatawaran sa anumang ipinanghihinanakit sa kanya ni Rizal, at
hinihiling na muli siyang sumulat para sa La Solidaridad. "Sa madaling salita," sabi
niya sa sulat, "kung anumang hinanakit ang mayroon ka, hinihingi kong ipag-
isantabi na natin iyon; kung inaakala mong ako ang may kasalanan, at ang
kasalanang ito ay di mapapatawad, humihingi pa rin ako ng kapatawaran....Nais
naming muli kang sumulat para rito; di lamang natin patatatagin ang La Solidoridad,
bagkus ay tatalunin natin ang mga pang-iintriga ng mga prayle sa Pilipinas.
Sa kanya namang sagot sa liham ni Del Pilar, pinabulaanan ni Rizal ang
anumang hinanakit niya, at ipinaliwanag niya kung bakit tumigil siya sa pagsusulat
para sa La Solidaridad:
Ako'y sadyang nagulat sa iyong liham, sa sinasabi mong mga
hinanakit, di pagkakaunawaan, pagkakasundo, atbp. Naniniwala akong walang
saysay na pag-usapan natin ang isang bagay na hindi naman nangyayari, at kung
nagaganap man, dapat sana'y naglaho na ito sa nakaraan. Magkatulad tayo kung
mag-isip, na kung wala namang kabagay-bagay ay di na dapat nating, pag-
aksayahan ng panahon. Sakali mang tumigil na ako ng pagsusulat para sa La
Solidaridad, dahil ito sa maraming dahilan. Una, kailangan ko ng panahon para
gawin ang aking aklat; pangalawa, gusto ko rin namang makapagtrabaho ang ibang
Pilipino; pangatlo, naniniwala akong mahalaga para sa mga partido ang pagkakaisa
sa gawain; at ikaw ang siya nang namumuno at may iba rin naman akong ideya,
kaya mabuti pang iwan ko na sa iyo ang pangangasiwa sa patakaran kung paanong
nauunawaan mo ito, at ayoko namang makialam. May dalawang kabutihang
maidudulot ito; magiging kapwa malaya tayo, at mapaiigting ang iyong prestihiyo,
ang kailangang-kailangan, yaman din lamang na prestihiyo ang kailangan ng ating
bansa. Hindi naman ito nangangahulugang di na ako gagawa at susunod sa
kalakaran ng iyong gawain. Tulad ko'y isang sundalo, na sa panahon ng
pangangailangan, makikita mong una pang lumusob sa hanay ng mga kaaway.
Ngunit hinihingi ko sa Diyos na bigyan ako ng pamamaraan na gawin ito.....
nakikipaglaban ako para sa bansa, ang Pilipinas.

Mga Rebisyon sa Fili para Mailathala. Sa Brussels, araw-araw na inayos at


binago ni Rizal ang mga natapos na manuskrito ng El Filibusterismo ng maihanda
na ito para sa pagpapalathala. Karamihan sa mga rebisyon ay natapos noong Mayo
30,1891. Sa araw na ito, sinulatan niya si Jose Ma. Basa: "Malapit nang mailimbag
ang aking aklat; ang unang dalawampung kabanata ay naiwasto at maililimbag na,
at ginagawan ko na lamang ng bagong kopya ang iba. Sakaling makatanggap ako
mula sa iyo ng kahit magkanong halaga, matatanggap mo ito sa Hulyo. Mas
masigasig ang pagsusulat ko rito kaysa Noli at bagaman hindi kaaya-aya, mas
malalim ang kaisipan nito at mas tumpak...Sakali namang wala akong matanggap
na salapi, maaari bang ikaw na ang humingi sa kanila ng pera para mailathala ang
aking aklat? Kungdi ay lilisanin ko na ang pook na ito at diyan na sa inyo tutuloy."
Pagkaraan ng dalawang linggo, noong Hunyo 13, ipinaalam ni Rizal kay Basa:
"Nakikipag-usap na ako sa isang imprenta at dahil hindi ko alam kung dito (Belhika)
o sa Espanya maililimbag ang aklat hindi ko muna ito maipadadala sa iyo.
Sakaling hindi ito dito maililimbag, ipadadala ko ito sa iyo sa susunod kong
pagsulat. Tatlo na lamang kabanata ang aayusin. Mas mahaba ito kaysa Noli, ang
unang bahagi. Matatapos ito bago maglabing-anim ng buwang ito. Sakaling may
mangyari sa akin, ihahabilin ko ang paglalathala nito kay Antonio Luna, kasama na
rito ang mga koreksiyon... Kung ang aking Noli ay hindi mailathala, sasakay ako ng
tren sa susunod na araw na matanggap, ko ang iyong liham na may kalakip na
salapi; ngunit kung mailathala ang aking aklat, maghihintay muna akong matapos
itong malimbag."
Kabanata 19
El Filibusterismo Nailathala sa Ghent (1891)

Tulad ng lumilipad na palaso, mabilis na lumipas ang mga araw sa Brussels


para kay Rizal. Araw-araw ay abala siya sa pagrerebisa at pagpapaganda sa
manuskrito ng El Filibusterismo para maihanda na ito sa pagpapalimbag. Sinimulan
niya ang pagsusulat nito noong Oktubre 1887 habang nagsasanay ng medisina sa
Calamba! Nang sumunod na taon (1888), sa London, gumawa siya ng ilang
pagbabago sa banghay (plot) at iniwasto ang ilang kabanatang naisulat na. Sumulat
pa siya ng karagdagang kabanata sa Paris at Madrid, at tinapos ang manuskrito sa
Biarritz noong Marso 29, 1891. Sa kabuuan, inabot siya ng tatlong taon sa pagsulat
ng kanyang ikalawang nobela.

Kasalatan sa Ghent. Noong Hulyo 5, 1891, nilisan ni Rizal ang Brussels para
magtungo sa Ghent, isang kilalang siyudad unibersidad sa Belhika. Ang mga
dahilan niya sa paglipat sa Ghent ay (1) ang halaga ng pagpapalimbag sa Ghent ay
mas mababa kaysa Brussels, at (2) makaiwas sa panghahalina ni Petite Suzanne.
Sa Ghent, nakatagpo siya ng dalawang kababayan, sina Jose Alejandro (mula
Pampanga) at Edilberto Evangelista (mula Maynila), na kapwa nag-aaral ng
inhenyeria sa kilala sa buong mundona Unibersidad ng Ghent.

Dahil na rin sa limitadong pondo, nanirahan si Rizal sa bahay na may


mababang paupa, at si Jose Alejandro ang kasama niya sa kuwarto. Naging matipid
at masinop sila sa pamumuhay, yaon lamang mga pangunahing pangangailangan
ang natutugunan nila. Para lalo pang makatipid, sila na mismo ang naghahanda ng
kanilang agahan sa loob ng kanilang kuwarto.

Pagkaraan ng ilang taon, isinama ni Alejandro, na naging heneral noong


Digmaang Amerikano-Pilipino noong 1899-1902 at isang inhinyero, sa kanyang
talambuhay ang kanilang buhay sa. Ghent.

Sa Ghent, nanirahan kami sa isang kuwarto na sapat lamang ang pambayad


para sa panunuluyan at agahan. Tinanong ako ni Rizal: "Magkano ang magiging
upa sa kuwarto kung walangagahan?"

Kinausap ko ang babaing nagpapaupa at sinabi niya sa akin na babawasan


niya ang upa kung hindi siya maghahanda ng agahan. Nagkuwenta si Rizal at
naisip niyang mainam kung kami na ang maghahanda ng agahan nang sa gayon ay
makatipid kami. Bumili siya ng tsaa, asukal, alkohol , at isang lata ng biskuwit.
Pagdating sa bahay, binuksan niya ang lata, binilang ang mga biskuwit, at sa
pamamagitan ng paghati rito para sa tatlumpung araw ay mayroon na kaming
biskuwit para sa bawat agahan. Sa unang araw, dahil na rin sa pagpapahalaga ko
sa sarili, nakontento ako sa aking rasyon. Ganoon dinnoong ikalawang araw. Ngunit
noong ikatlong araw, sinabi ko sa kanya na hindi sapat ang aking rasyon. Sinagot
niya ako: "Maaari kang humiram sa rasyon mo para bukas." Kaya sa kahihiram ko,
naubos ko ang aking rasyon sa loob lamang ng labinlimang araw habang siya ay
talagang nagkasya sa kanyang arawang rasyon.

Ang Pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Pagdating niya sa Ghent, naghanap


kaagad si Rizal ng isang imprentang makapagbibigay sa kaniya ng mababang
halaga para sa pagpapalimbag ng kaniyang nobela. Sa wakas, nakakita rin siya ng
isang tagapaglathala. - F MEYER-VAN LOO PRESS, Blg. 66 Kalye Vianderen-na
payag na ilimbag ang kaniyang aklat ng patingi tingi ang bayad. Isinanla niya ang
kaniyang mga alahas nang sa gayon ay maibigay niya ang mga pa unang bayad
habang inililimbag ang kanyang nobela.

Samantala, habang nasa imprenta ang aklat,nagingdesperado si Rizal dahil


papaubos na ang kanyang pondo at ang hinihintay niyang pera mula sa mga
kaibigan ayhindipadumarating. Nakatanggap na siya ng salapi mula kay Basa at
P200 mula kay Rodriguez Arias mula sa mga sipi ng Sucesos ni Morga na ibinenta
sa Maynila. Ngunit naubos na rin ang pondong ito, at kailangan pa niya ng malaki-
laking halaga para may maipambayad sa limbagan.

Sumulat siya kay Basa mula Ghent noong Hulyo 1891. Sabi ni Rizal:
“Naisanla ko na ang lahat ng aking alahas,naninirahan ako sa mumurahing kuwarto,
kumakain lamang ako sa mumurahing restawran, para lamang makapagtipid nang
mailathala ko ang aking aklat; malapit nang mahinto ang paglalathala nito kapag
walang perang dumating ... “

Noong Agosto 6, itinigil ang paglilimbag, gaya ng pangamba ni Rizal, dahil


wala na siyang maibayad sa imprenta. Sa araw na ito, sumulat siya kay Basa sa
Hong Kong: “Gaya ng makikita mo sa kalakip na sipi, ang paglilimbag ng ikalawang
bahagi (karugtong ng Noli -Z.) ay mabilis naman, at ako ngayon ay nasa pahina
112. Dahil walang perang dumarating at inutangan ko na ang lahat at baon na ako
sa utang, ipinatigil ko na ang pagpapalimbag at hinayaang kalahati lamang ng aklat
ang natapos.”
Ventura, Tagapagligtas ng Fili. Ang kalbaryo ni Rizal sa pagpapalimbag ng
Noli ay naulit sa pagpapalimbag ng Fili. Naubos ang kanyang pondo sa Ghent, at
ganitong-ganito ang naranasan niya sa Berlin noong taglamig ng 1886. Sa panahon
ng mapait na karanasang ito, muntik niyang ipalamon sa apoy ang manuskrito ng
Fili, gaya ng muntik na niyang gawin sa Noli noong nasa Berlin siya.

“Hindi ko na alam,” sabi ni Rizal kay Basa na may himig ng panghihinayang,


“kung hindi darating ang inaasahan kong pera sa susunod na koreo, wala na akong
magagawa para sa aklat, at magtatrabaho na lamang ako para mabuhay ang sarili
... May mga panahong gusto kong sunugin ang manuskrito. Ngunit naiisip kita, at
alam kong maraming mabubuting taong tulad mo, mabubuting taong tunay na
nagmamahal sa kanilang bayan.”

Nang mukhang wala nang pag-asa ang lahat, dumating ang tulongmula
saisang di-inaasahan. Nalaman ni Valentin Ventura ang suliranin ni Rizal at kaagad
siyang nagpadalang kinakailangan nitong pondo. Dahil sa tulong na pinansiyal na
ito, naipagpatuloy ang pagpapalimbag ng Fili.

Nailabas na rin sa Imprenta ang Fili. Sa wakas, noong Setyembre18,1891,


nailabas na sa imprenta ang El Filibusterismo. Si Rizal, na ngayo’y masayang-
masaya, ay kaagad na nagpadala sa araw na ito ng dalawang kopya sa Hong Kong
– isa para kay Basa at ang isa ay para kay Sixto Lopez.

Sa kanyang kaibigan sa Paris, kay Valentin Ventura, na nagbigay sa kanya ng


kakailanganing pondo para matapos ang pagpapalimbag sa nobela, ang ibinigay
niya ay ang orihinal na manuskrito at isang kopyang nilagdaan niya. Ipinadala niya
ang ilang komplimentaryong kopya kina Blumentritt, Mariano Ponce, G. Lopez
Jaena, T. H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna, at ibang kaibigan.

Abot-langit ang papuring tinanggap ng nobela mula sa mga Pilipinong nasa


ibang bansa at gayundin sa mga nasa Pilipinas. Ang mga kasapi ng kolonyang
Pilipino sa Barcelona ay naglathala pa ng isang papuri sa La Publicidad, isang
pahayagan sa Barcelona, na nagsasabingang estilongorihinalngnobela ay
“maitutulad lamang kay Alexander Dumas” at maaaring maging “modelo at
mahalagang yaman sa mga kasalukuyang dekadenteng literatura ng Espanya.”

Isinerye naman ng El Nuevo Regimen, isang pahayagan sa Madrid, ang


nobela sa mga isyu nito noong Oktubre, 1891.
Halos lahat ng sipi ng unang edisyon (edisyongGhent)ng El Filibusterismo ay
inilulan sa malalaking kahong dadalhin sa Hong Kong, ngunit halos lahat ng mga
kahon ay nakompiska at nawala na ang mga aklat. Kaya iilan na lamangangnatira,at
naging napakataas ng presyo ng mga siping Ghent, at umabot ito ng 400 pesetas
bawat kopya.

Inihandog sa Gom-Bur-Za. Malinaw na sa mahabang panahon ng pag-aaral,


paglalakbay, at pagtatrabaho ni Rizal sa mga dayuhang lupain ay hindi niya
nalimutan ang kabayanihan nina Padre Gomez, Burgos, at Zamora, na naikuwento
sa kanya ni Paciano noong musmos pa lamang siya. Inihandog niyasa. Kanila ang
El Filibusterismo. Ito ang nasa kanyang dedikasyon:

Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (85 taong gulang), Don
Jose Burgos (30 taong gulang), at Don Jacinto Zamora (35 taong gulang). Binitay
sa Bagumbayan noong ika-28 ng Pebrero, 1872.

Ang Simbahan, sa pagtangging pawalan kayo ng dangal, ay nagpasubali ng


krimeng ipinaratang sa inyo;ang Pamahalaan, sa paglalambong ng hiwaga at
karimlan sa inyong paglilitis, ay nagbigay dahilan sa paniniwalang may pagkakamali
sila sa maselang pagkakataong ito; at ang buong Pilipinas, sa pagdakila sa inyong
alaala at pagkilala sa inyo bilang mga martir, ay hindi kumilala sa inyong
pagkakasala. Kung kaya samakatuwid, ang inyong pagkakasangkot sa Pag-aalsa
sa Cavite ay hindi malinaw na napatunayan, at dahil maaaring makabayan kayo o
hindi, at maaaring minimithi rin ninyo o hindi ang katarungan at kalayaan, nasa akin
ang karapatang ihandog ang aking gawa sa inyo na naging biktima ng kasamaang
aking binabaka. At habang hinihintay natin na maibalik ng Espanya ang mabuti
ninyong pangalan, at di na maging pananagutan ang inyong kamatayan, hayaang
ang mga pahinang ito ay magsilbing naantalang korona ng mga tuyong dahon sa
inyong dikilalang puntod, at unawain na ang bawat isa na walang malinaw na
patunay ngunit nakukuhang dungisan ang inyong alaala ay naghuhugas ng kamay
mula sa inyong dugo!

Sa mga kasulatan ng sangkatauhan, liban kay Rizal, wala pang bayani ang
nakapagsulat ng ganitong kadakilang pagkilala sa kapwa bayani.

Gayunman, para maituwid ang mga pangkasaysayang ulat, kailangang


maiwasto ang mga pagkakamali ni Rizal sa kanyang dedikasyon. Unang-una, ang
pagkamartir nina Gomez, Burgos, at Zamora ay naganap noong Pebrero 17, 1872-
hindi noong ika-28. Pangalawa, si Padre Gomez ay 73 taong gulang-hindi 85, si
Padre Burgos ay 35 taong gulang-hindi 30, at si Padre Zamora ay 37 taong gulang-
hindi 35.

Ang Manuskrito at ang Aklat. Ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo


na nasa sulat-kamay ni Rizal ay iniingatan sa Filipiniana Division ng Bureau of
Public Libraries sa Maynila. Binili ito ng Pamahalaang Pilipino kay Valentin Ventura
sa halagang P10,000.00. Binubuo ito ng 279 pahina ng mahabang pirasong papel.

Ang mga pagwawasto ng awtor ay makikita sa kabuuan ng manuskrito. Iilang


pahina lamang ang hindi binago ni Rizal.

May dalawang bahagi sa manuskrito na hindi makikita sa inilimbag na aklat.


Ito ang PAUNANG SALITA at ang BABALA. Hindi ito isinama marahil ay para
makabawas sa halaga ng pagpapalimbag.

Ang PAUNANG SALITA ay matatagpuan bago ang pahina ng dedikasyon. Ito


ang nakasulat dito:

Lagi na lamang tayong natatakot sa multo ng pilibusterismo na dahil lamang


sa pagsasalaysay ng isang tagapag-alaga ay naging positibo at totoong nilalang, na
sa ngalan pa lamang (sa pagkakait nito ng ating katahimikan) ay gumagawa na tayo
ng napakalaking kathang kuwento nang sa gayon ay hindi makatagpo ang
kinakatakutan. Sa halip na lumisan, harapin natin ito, at nang may kamay na may
determinasyon, kahit walang kasanayan, ay tatanggalin natin ang belo nito sa harap
ng sangkatauhan nang mailantad ang kabuuan ng kalansay nito.

Sakaling makita ito at pagmuni-munihin ng ating bansa at pamahalaan, maaari


nating ituring natayo’y maligaya, pigilin man nila ang ating kapangahasan, kahit pa
pagbayarin natin ito tulad ng isang mag-aaral ng Sais na nagnanais na tuklasin ang
lihim ng isang pari. (Sa kabilang banda, kung sa harap ng katotohanan, sa halip na
maging mahinahon ay maragdagan pa ang takot at ang pangamba ng isa ay lalo
lamang umigting, kung gayon kailangan na silang ipaubaya sa panahong
nagtuturong mabuhay, sa kamay ng kamatayan na humahabi ng kapalaran ng mga
tao at kanilang pamahalaan sa pamamagitan ng mga pagkakamaling nagagawa nila
araw-araw.)

Europa, 1891
Ang May-akda

Ang BABALA ay matatagpuan sa kabila ng dedikasyon. Ito ang sinasabi nito:

Sasayangin nila ang kanilang panahon sa pagtuligsa sa aklat na ito sa


pamamagitan ng paghawak sa mga walang kuwentang bagay, o silang may ibang
kadahilanan, ay magsisikap na tuklasin dito ang mga humigit-kumulang na hayag
na katauhan. Totoo sa kanyang tunguhing ilantad ang sakit, ng pasyente, at sa
gayon ay di niya mailihis ang sarili o mailihis ang mambabasa, habang isinasalays
ay niya ay pawang katotohanan lamang na kamakailan lamang nangyari at totoong
may katuturan, kailangan niyang ibahin ang mga tauhan niya nang hindi naman
maging karaniwang larawang matatagpuan ng ilang mambabasa sa unang aklat.
Nagdaraan lamang ang tao sa mundo ngunit ang kanyang mga bisyo ay nananatili,
para mapatingkad o maipakita ang mga epekto nito, nagsusumikapang panulat ng
may akda.

Inskripsiyon sa Pahina ng Pamagat. Ang pahina ng pamagat ng El


Filibusterismo ay nagtataglay ng inskripsiyong isinulat ni Ferdinand Blumentritt. Ang
inskripsiyongthe ito, na hindi matatagpuan sa maraming edisyong salin sa Ingles, ay
nagsasaad ng mga sumusunod:

Madaling ipagpalagay na ang isang rebelde (pilibustero) ay lihim na umaakit


sa liga ng mga panatiko ng mga prayle at mga paurong nang sa gayon, wala man
sa loob na sumunod sa mga panunulsol, ay dapat nilang panigan at paigtingin ang
patakarang sumusunod lamang sa iisang layunin; ang maipalaganap ang mga
kaisipan ngrebelyon sa kabuuang haba at lawak ng lupain, at mahikayat ang bawat
Pilipino sa paniniwalang walang katubusan liban sa separasyon mula sa Inang
Bayan.

Ferdinand Blumentritt

Buod ng El Filibusterismo. Ang nobela ay karugtong ng Noli. Mas kakaunti ang


katatawanan dito, di gaanong idealismo, at di masyadong romantiko, gaya ng Noli
Me Tangere. Mas rebolusyonaryo, at kalunos-lunos ito kaysa unang nobela.

Ang pangunahing tauhan ng El Filibusterismo ay isang mayamang alaherong


nagngangalang Simoun. Siya si Crisostomo Ibarra ng Noli, na sa tulong ni Elias ay
nakatakas sa mga tumutugis na sundalo sa Laguna de Bay, na nahukay ang
ibinaon niyang yaman, at nagtungo sa Cuba kung saan siya yumaman, at
nakipagkaibigan sa maraming opisyal na Espanyol. Pagkaraan ng maraming taon,
bumalik siya sa Pilipinas, at ngayo’y malayang nakakikilos. Siya ay isang
makapangyarihang tao, di dahil sa siya ay mayamang alahero, kundi dahil sa
mabuti siyang kaibigan at tagapagpayo ng gobernador-heneral.

Sa kanyang panlabas na katauhan, si Simoun ay masasabing kaibigan ng


Espanya. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, may lihim siyang pagnanais na
maghiganti sa mga awtoridad na Espanyol. Ang dalawa niyang dakilang mithiin ay
(1) maitakas si Maria Clara sa kumbento ng Santa Clara, at (2) mapasimulan ang
isang rebolusyon laban sa kinamumuhiang among Espanyol.

Ang kuwento ng El Filibusterismo ay nagsimula sa luma mabilogna barkong


Tabo. Ang barkong itoaynaglalayagnang pasalungat sa agos ng Pasig mula Maynila
patungong Lagunade Bay.Kabilang sa mga pasahero ay sina Simoun, ang
mayamang alahero; Do?a Victorina, angkatawa-tawangkatutubongbabaing maka-
Espanyol na papunta ng Laguna para hanapin ang sunud. Sunurang asawang si
Tiburciode de Espadanana nilayasan siya; Paulita Gomez, ang maganda niyang
pamangkin;Ben-Zayb(ngalan ni Ibanez), isang mamamahayag na Espanyol na
sumusulat ne katawa-tawang artikulo tungkol sa mga Pilipino;PadreSibyla,
pangalawang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas; Padre Camorra, kura
parokong bayan ng Tiani; Dor Custodio, Pilipinong maka-Espanyol na may mataas
na posisyon sa pamahalaan;Padre Salvi, payat na Pransiskanong prayle at dating
kura paroko ng San Diego; Padre Irene, mabuting prayleng kaibigan ng mga
estudyanteng Pilipino; Padre Florentino, retiradongiskolarat makabayang paring
Pilipino; Isagani, makaitang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita;
at s’ Basilio, anak ni Sisa na isang estudyante ng medisina, na ang pag- saral ng
medisina ay tinutustusanngkanyang patrong si Kapitan Tiyago.

Si Simoun, na mayaman at misteryoso, ay malapit nakaibigan atkatapatang-


loobngEspanyol na gobernador-heneral. Dahil sa kanyang malaking
impluwensiyasa Malacanang,tinatawagsiyang “Kayumangging Kardinal” o “Maitim
na Kadakilaan.” Sa paggamit niya ng kanyang yaman at impluwensiyang politikal,
nahikayat niya ang katiwalian sa pamahalaan, naisulong ang panunupil sa
taumbayan, atnapabilisang pagkakalugmok ng bansa kungkayat ang taumbayan ay
naging desperado at natutong lumaban. Nagpupuslit siya ng mga armas sa bansa
sa tulong ng mayamang Tsinong mangangalakal, si Quiroga, na nag-aambisyong
maging konsul ng Tsina sa Maynila. Ang una niyang pagtatangkang pasimulan ang
pag-aalsa ay di natuloy dahil sa huling sandali ay nabalitaan niya ang pagkamatay
ni Maria Clara sa kumbento. Sa kanyang pagdadalamhati,hindiniya naibigayang
kaukulanghudysf sa pagsisimula ngrebelyon.
Pagkaraan ng mahabang panahon ng pagkakasakit na dulot ne masaklap na
pagkawala ni Maria Clara, naitumpak din ni Simoun ang kanyang balak na
pabagsakin ang pamahalaan. Sa araw ng kasal nina Paulita Gomez at Juanito
Pelaez, nag-alay siya ng magandang lampara bilang aginaldo. Siya lamang at ang
katapatang-loob na si Basilio (anak ni Sisa na sumapi na rin sa powersang
rebolusyonaryo) ang nakakaalam na kapag umiksi ang mitsa ng lampara ay
sasabog ang nitrogliserina, na nakatago sa isang lihim na lalagyan, wawasakin ang
buong kabahayang pinagdarausan ng kasal at papatayin ang lahat ng panauhin,
kasama naanggobernador-heneral, mga prayle, at opisyal ng pamahalaan. Habang
nangyayari ito, pasasabugin din ng mga kapanalig ni Simoun ang mga gusali ng
pamahalaan sa Maynila.

Nang nagsisimula ang kasalan, ang makatang si Isagani, na nabigo kay


Paulita dahil sa kanyang mga liberal na kaisipan, ay nakatayo sa labas ng bahay,
malungkot na pinanonood ang kasiyahan sa loob. Sinabihan siya ni Basilio,
kanyang kaibigan, na lumayo dahil sassbog na ang inilawang lampara.

Nang marinig ang kahila-hilakbot na lihim ng lampara, kaagad na naisip ni


Isagani na nasa panganib ang pinakamamahal niyang si Paulita. Para mailigtas ang
buhay nito, pumasok siya sa loob ng bahay, kinuha ang lampara, at mabilis na
inihagis sa ilog, at doon ito sumabog.

Natuklasan ang planong pag-aalsa. Si Simoun ay nahuli ng mga sundalo


ngunit nakatakas ito. Malubhang sugatan, at dala-dala ang kanyang kayamanan,
nagtungo siya sa bahay ni Padre Florentino na nasa may dalampasigan.

Nalaman ng mga mga awtoridad pamamagitan kanyang pagtatago sa bahay


ni padre Florentino. Sa pamamagitan ng isang lihim, ipinaalam ni Tenyente Perez
bg mga Guardia Civiles na darating sila ng alast otso ng gabi para dakpin si
Simoun.

Hindi nadakip si Simoun dahil uminom siyang lason. Nang naghihingalo,


nangumpisal siya kay Padre Florentino, sinabi niya ang kanyang totoong katauhan,
ang paggamit niya sa kanyang yaman para maipaghiganti ang sarili, at ang
masama niyang balak na wasakin ang buhay ng kanyang mga kaibigan at kaaway.
Mahaba at masakit ang kumpisal ng naghihingalong si Simoun. Gabi na nang
si Padre Florentino, na nagpupunas ng pawis sa kanyang napakunot na kilay, ay
tumayo at nagsimulang magmuni-muni. Kinausap niyang mahinahon ang
naghihingalong lalaki: “Papatawarin ka ng Diyos, Se?or Simoun. Batid Niya na
tayong lahat ay nagkakasala. Nakita Niyang ikaw ay nagdurusa, at sa pagtatalaga
Niya ng parusa-kamatayan ng mga minamahal mo sa buhay na gawa mo rin ang
dahilan-para sa iyong mga kasalanan, makikita mo ang walang hanggan Niyang
awa. Isa-isa Niyang binigo ang iyong mga plano, ang pinakamagandang plano, una
sa pamamagitan ng pagkamatay ni Maria Clara, sumunod ang kakulangan ng
paghahanda, pagkaraan sa mga mahiwagang paraan. Tanggapin natin ang
Kanyang kaloob at pasalamatan natin Siya!”

Habang pinagmamasdan niya si Simoun na payapang namatay dahil sa


malinis na konsiyensiya at pagkikipag-ayos sa Diyos, ibinulong ito ni Padre
Florentino:

“Nasaan ang kabataan na maghahandog ng kanilang ginintuang panahon,


kanilang pangarap, kanilang siglaparasakapakananngkanilangkatutubong lupain?
Nasaan ang kabataan na buong pusong mag-aalay ng dugo para mahugasan ang
labis-labis na kahihiyan, labis-labis na pagkakasala, labis-labis na kasuklam-suklam
na gawain? Kailangang walang kapintasan ang biktima nang ang sakripisyo ay
tanggapin! Nasaan kayo, kabataan, na kakatawan sa sigla ng buhay na natitira pa
saaming ugat, ang kadalisayan ng kaisipan na dumumi na ng aming isipan, ang
apoy ng sigla na naapula sa aming mga puso! Hinihintay namin namin kayo!”kayo, o
kabataan ! Halina, dahil hinihintay namin kayo!”

Lumuhod si padre Florentino at ipinagdasal ang namatay na alahero. Kinuha


niya ang kaban yaman at itinapon ito sa dagat. Habang nilalamon ng mga alon
angvpaaplubog na kaban yaman, muling nagsalita ang pari:

“Nawaly bantayan ka ng kalikasan na kailaliman, kasama ang mga perlas at


korales ng kanyang walang kamatayang dagat. Nang kapag may banal at dakilang
layunin ay kailanganin ka ng tao, ang Diyos na ubod ng talino ang Siya nang
kukuha sa iyo sa pusod ng mga alon. Samantala, diyan ay di mo magagawa ang
pighati, di mo mababaluktot ang katarungan, di mo mapapaigting ang kaimbutan!”

May iba pang tauhan sa El Filibusterismo. Nariyan si Kabesang Tales, na


inalisan ng mga prayle ng kanyang lupa sa Tiani gaya ng nangyari sa ama ni Rizal.
Dahil sa kawalan ng pag-asa, siya’y naging pinuno ng mga bandido at tinawag na
Matanglawin. Huwag lang masaling ni Padre Camorra, nagpakamatay ang anak n.1
babae ni Kabesang Tales, si Huli na kasintahan ni Basilio (anak ni Sisa). Nariyan
din si Macaraig, mayamang estudyante at lider ng mga estudyantengPilipinosa
kanilang pagkilos tungo sa pagkakaroon ng isang akademyang makapagtuturo sa
kanila ng Espanyol. Nariyan din ang panatikong prayle at propesor na Dominiko, si
Padre Millon, na nagtuturo ng pisika sa Unibersidad ng Santo Tomas kahit na
walang mga siyentipikong eksperimento. Isa sa kanyang mga estudyante, si Placido
Penitente ng Batangas, ay hindi nasiyahan sa di-mainam na paraan ng pagtuturo sa
unibersidad. At nariyan si Se?or Pasta, ang matandang abogadong Pilipino, na
tumangging tulungan ang mga estudyanteng Pilipino sa kanilang petisyon sa
pamahalaan para sa mga reporma sa edukasyon.

Ang iba pang tauhan sa El Filibusterismo ay sina Tandang Selo, lolo ni Huli at
ama ni Kabesang Tales; G. Amerikanong impresaryo na may-ari ng palabas sa
perya sa Quiapo na nagpapalabas ng isang Ehiptong mummy; Sandoval, isang
Espanyol na estudyante na sumusuporta sa tunguhin ng mga Pecson,
estudyanteng isa Pilipino sa mga na estudyanteng mapalaganap Pilipinong ang
mga araling masigasig Espanyol;na kumikilos para sa pagtuturo ng Espanyol;
Kabesanang Andang, ang ina ni Placido ni Don Penitunte; Pepay, magandang
mabuting mananayaw at kalaguyo ni Don Custodio : padre Fernandez

Gaya ng sa Noli, ang mga tauhan sa El Filibusterismo ay hinango ni Rizal


mula sa totoong buhay. Halimbawa,siPadre Florentino ay si Padre Leoncio Lopez,
kaibigan ni Rizal at kura ng Calamba; Isagani, ang makatang si Vicente Ilustre,
Batanguenone kaibigan ni Rizal sa Madrid, at Paulita Gomez na nagmamahal kay
Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez ay si Leonor Rivera.

“Noli” at “Fili” Ipinaghambing. Ang dalawang nobela ni Rizal ay nagkakaiba sa


maraming aspeto, bagaman isinulat ng iisang awtor at ipinapalagay na tumutukoy
sa iisang kuwento, at mayroong magkakaparehong tauhan. Ang Noli ay isang
romantikong nobela; ito ay. “gawa mula sa puso”,isang “aklatnamaydamdamin”;may
kasariwaan, kulay, katatawanan, kagaanan, at kislap ng talino.

Sa kabilang banda, ang Fili ay isang nobelang politikal; isang “gawa mula sa
isip” isang “aklat ng kaisipan”;nagtataglay ng kapaitan, pagkakasuklam, sakit,
karahasan, at kalungkutan.
Ang orihinal na intensiyon ni Rizal ay gawing mas mahaba ang Fili kaysa Noli.
Ngunit nang maimprenta, naging mas maiksi ito kaysa Noli. Mayroon lamang itong
38 kabanata, kumpara sa 64 ng Noli. Kinakailangang iksian ni Rizal ang Fili dahil sa
kakulangan ng pondo.

Ang mga kaibigan ni Rizal at mga Rizalista ngayon ay nagkakaiba ng opinyon


tungkol sa alin ang mas mahusay na nobela-ang Noli o ang Fili. Ipinapalagay mismo
ni Rizal na mas magandang nobela ang Noli kaysa Fili, na umaayon kay M. H. Del
Pilar na ganito rin atng opinyon. 12 Si Retana, unang Espanyol na sumulet ng
talambuhay ni Rizal, ay naniniwala ring mas mahusay ang Noli sa Fili.

Lopez Jaena ,at Dr.Rafael Palma 14 ay may opinyon na superyor neFili kaysa
Noli. Saisang sulat niya kay Rizal noong Oktubre ,1891,sinabing Lopez Jaena na
”AngEl Filibusterismo ay isang superior na nobela kaysa sa iyong Noli Me Tangere,
lalo na sa marikitnitong istilong pampanitikan, ang magaan at tumpak nitong
dialogo,angklaro nitong gamit ng mga parirala, masigla at elegante,mga malalim na
ideya at dakilang kaisipan.15Gayunman,hindisiya sang-ayon na ang Fili ay isang
nobelang politikal ishil ang “wakas nito ay hindi karapat-dapat na kasukdulan (cli-
max) sa isang napakagandang akda.” Kaya pinayuhan niya si Rizal na sumulat ng
isa pang nobela ng magbibigay ng tumpak na solusyon sa suliranin ng bansa nang
sa gayon ang “pagdating ng magandang araw ng ating katubusan” ay mapadali.

Ang isyu kung alin ang mas superyor na nobela-ang Noli o ang Fill- ay pang
akademiko lamang. Pareho itong mainam na nobela mula sa punto-de-vista ng
kasaysayan. Parcho nitong mahusay na inilalarawan ang totoong kondisyon ng
Pilipinas at mga Pilipino noong mapanupil na Panahon ng Espanyol; parehong
instrumento ito sa pagmulat ng diwa ng nasyonalismo ng mga Pilipino; at parehong
responsable ito sa paghawan ng daan tungo sa Rebolusyong Pilipino na
nagpabagsak sa Espanya. Alinman sa Fili o ang Noli ay di masasabing mas
superyor sa bawat isa. Gaya ng sinabi ni Mariano Ponce kay Rizal, pagkaraang
mabasa ang Fili: “Totoong napakahusay, wala na akong masasabi pa sa iyong aklat
liban dito: Totoong maganda ito gaya ng iba mong gawang henyo. Totoong
kakambal ito ng Noli.” 16

Ang Di-Natapos na Ikatlong Nebela ni Rizal. Bago pa imungkahi ni Lopez


Jaena ang pagsulat ng isa pang nobela, mayroon nang naisip si Rizal na magiging
ikatlong nobela. Noong Setyembre 22, 1891, apat na araw pagkaraang lumabas sa
imprenta ang Fili, sumulat ito kay Blumentritt: “Iniisip ko ang pagsulat ng ikatlong
nobela ko, isang nobelang makabago, ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito
magiging politikal kundi etika ang magiging pangunahing diwa. Mas pagtutuunan ko
nig pansin ang mga kaugalian ng mga Pilipino, at dalawa lamang Espanyol, ang
kuraparokoatang teny’entengGuardias Civiles ang makikita roon. Inansahan kong
ito’y at magiging tumawa sa katawa-tawa, mapanudyoluha, at matalino, ang lumuha
at tumawa kung gayo’y umiyak ng mapait.

Noong Oktubre 18,1891, sumakaysiRizalngbarkong Melbourne sa Marseilles


patungongHongKong.Habang naglalayag ay sinimulan
naniyaangikatlongnobelangisusulat niya sa Tagalog dahil inilalaan niya ito
parasamgamambabasanp Tagalog. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat
nitohanggangHong Kong, ngunit sa ilang kadahilanan ayhindiniya itonatapos.

Ang di-natapos na ikatlong nobela ay wala pang pamagat. Mayroon itong 44


pahina (33 sentimetro x 21 sentimetro) na nasa sulat-kamay ni Rizal. Nasa
manuskritopa lamang ito,atngayo’y pinag-iingatan ng Aklatang Pambansa sa
Maynila.

Ang kuwento ng di-natapos na nobela ay nagsimula sa libing ni Prinsipe


Tagulima, anak ni Sultan ZaidengTernate, sa Malapad-na-Bato, isang malaking
bato sa pampang ng Ilog Pasig. Noong digmaan sa Moluccas, dinakip ng mga
Espanyol at dinala sa Maynila si Sultan Zaide, kasama na ang kanyang mag-anak
at kaibigan. Ang matandang sultan, kasama na ang mga anak niya’t kapanalig, ay
pinangakuan ng mabuting trato, ngunit di naman tinupad ng mga Espanyol na
hinayaan pa silang isa-isang mamatay.

Ang pangunahing tauhan ng nobela ay si Kamandagan, inapo ni Lakandula,


ang huling hari ng Tondo. Lihim siyang nagplano para maibalik ang nawalang
kalayaan ng kanyang mga ninuno. Isang araw, iniligtas niya ang dalawa niyang
magandang apongbabae, sina Maligaya at Sinagtala, mula sa mapagsamantalang
Espanyol-ang kura at ang encomendero ng Bay, Laguna.

Sinabing si Rizal ay masuwerte’t di niya natapos ang nobelang ito dahil


magiging sanhi ito ng malaking iskandalo at paghiniganti ng mga Espanyol. 18

Iba pang Di- Natapos na Nobela ni Rizal. Marami pang nobelasi Rizal na
diniya natapos.Isarito ay pinamagatang
Makamisa,nobelangTagalog. Isinulat ito saistilong mapanudyo, at dadalawang
kabanata lamang ang natapos. Ang manuskrito ay binubuong 20pahina,34.2
sentimetro x 22 sentimetro.

Isa pang nobelang sinimulangisulatniRizal ay pinamagatang Dapitan. Hindi rin


ito natapos,at nakasulat ito sa Espanyol. Isinulat ito habang desterado siya sa
Dapitan, at inilarawan niya ritoangbuhayatkaugalianngbayan. Ang manuskrito ay
binubuo ngwalongpahina,23 sentinetro x 16 sentimetro.

Ang nobela sa Espanyol tungkol sa buhay sa Pili, isang hayan sa Laguna, ay


hindi rin natapos. Ang manuskrito ay binubuo ng147pahina,
8”x6.5”,atwalapangtitulo.Kabilang sa mga
tauhanditoayangmgasumusunod:PadreAgaton, isang prayleng Espanyol; Kapitan
Panchong at Kapitana Barang; Cecilia, ang magandanilanganak;Isagani,kasintahan
niCecilia; Kapitan Crispin, kalabansa politika ni Panchong; at Dr. Lopez, isang
malayang mag-isip.

Isa pang di natapos na nobela ni Rizal, wala ring pamagat,


aytungkolkayCristobal, isangestudyanteng Pilipinong kababalik lamang mula
Europa. Ang manuskrito ay binubuo ng 34 pahina, 81/2” x 6 ¼”. Ang miga tauhan ay
si Cristobal, na nag-aral ng 12 taon saEuropa;Amelia,kanyang kasintahan; Kapitan
Ramon, amaniCristobal; isang prayleng Dominiko; isang prayleng Pransiskano; at
isang tenyenteng Espanyol ng mga Guardias Civiles.

Ang simula ng isa pang nobela ay natagpuan sa dalawang kuwaderno-ang


unang kuwaderno ay may 31pahina, 35.5 sentimetro x 22 sentimetro, at ang
ikalawang kuwaderno ay may 12 pahina, 22 sentimetro x 17 sentimetro. Sa
pamamagitan ng paggamitsa pagkukuwentongmga tauhang nasa langit, Iiilarawan
ng awtor ang kalumo-lumong kondisyon ng Pilipinas. Angdi- natapos na nobela ay
nakasulat sa Espanyol, at ang istilong ginamit ay ironiya.
Kabanata 20
Siruhano sa Mata sa
Hong Kong (1891-1892)
Pagkaraan ng pagkakalathala ng El Filibusterismo, nilisan ni Rizal ang Europa para
magtungo sa Hong Kong, kung saan siya nanirahan mula Nobyembre 1891 hanggang Hunyo
1892, Ang dahilan niya sa paglisan sa Europa ay (1) napakahirap na ng buhay sa Europa dahil sa
pagkakaiba nila ng pananaw-politikal nina M.H. del Pilar at iba pang Pilipin sa Espanya, at (2)
mapalapit sa minamahal niyang Pilipinas at kanyang pamilya. Bago siya pumunta sa Hong Kong,
ipinaalam niya kay Del Pilar na magreretiro na siya sa arenang politikal sa Espanyol nang sa
gayon ay mapangalagaan ang pagkakaisa ng mga kababayan, at kahit na magkahiwa-hiwalay sila
ng landas, mataas pa rin ang kanyang pagtingin sa kanya.

Pamamamaalam sa Europa. Noong Oktubre 3, 1891 dalawang lingo pagkaraang


mailathala ang Fili, nilisan ni Rizal ang Ghent at nagtungo sa Paris, kung saan siya nanatili ng
ilang araw para makapagpaalam sa mga Luna, Pardo de Tavera, Ventura, at iba pang kaibigan.
Sumakay siya ng tren patugong Marseilles, at noong Oktubre 18, sumakay siya sa barkong
Melbourne patungong Hon Kong. Dala niya noon ang sulat ng rekomendasyon ni Juan Luna para
kay Manuel Camus, isang makabayang naninirahan sa Singapire, at 600 sipi ng Fili.
Napakaganda ng kanyang biyahe, “parang nasa langit” sa opinion ni Rizal. Sa sulat niya
kay Blumentritt noong Oktubre 22, 1891 sinabi niya: “Mula nang lumisan kami sa Marseilles,
nagkaroon na kami ng… napakagandang panahon. Ang dagat ay kalmante, mapayapang tulad ng
k ristal, ang kalangitan ay bughaw, ang hangin ay sariwa at nakapagpapalakas. Totoong isa itong
biyaheng parang nasa langit.
Mayroon mahigit 80 pasaherong nasa primera klase – karamihan ay Europeo, kasama na
ang dalawang Espanyol na patungong Amoy. Si Rizal ang nag-iisang Asyano sa mga ito. Gaya ng
dati, pinahanga niya ang mga kasamahang pasahero dahil sa kanyang kaalaman sa maraming
wika at talino sa pagguhit. Nakipagkaibigan siya sa maraming misyonero- Italyankng Pransiskano,
Huswitang Pranses, at isang Obispo, si Msgr. Valenteri- na lahat ay papuntang tsina. Sa isa sa
kanila, si Padre Fuchs, isang Tyrolese, nakipaglaro siya ng ahedres. Ukol sa pari, sinabi ni Rizal
sa kanyang sulat kay Blumentritt: “Mabuti siyang tao, isang padre Damaso na walang
pagyayabang at malisya”.’
Si Rizal at ang kadalagahang Aleman. Isang insidente ang nangyari kay Rizal habang
sakay ng Melbourne sa kanyang biyahe patungong Hong Kong. Isang gabi, ang mga pasahero ay
nasa silid-kainan at naghahapunan. Si Rizal, dahil nag-iisang Asyano, ay mag-isa sa kanyang
mesa. Sa tabi niya ay may malaking mesang kinauupuan ng ilang dalagang Aleman na masayang
kumakain at pinagkukwentuhan ang nag-iisang lalakeng Asyanong tahimik na kumakain. Si Rizal,
na bihasa sa wikang Aleman, ay naiintindihang siya ang pinag-uusapan ng mga dalagang
Aleman, ngunit nanahimik lamang siya, hinayaan na lamang ang mga dalaga sa kanilang
kwentuhan.
Bigla-biglang umihip ang malakas na hangin at nabuksan ang pinto ng silid-kainan. Ni isa
sa mga kumakain ay walang tumayo para sahan ang pinto. Sabi ng isang dalaga sa kanyang mga
kasama "kung ang lalaking ito ay na nasa ating harapan ay isang maginoo, tatayo siya't sasarhan
ang pinto."
Nang marinig ito ni Rizal, tahimik siyang turnayo at sinarhan ang pinto, at pagkaraa'y
bumalik sa kanyang upuan, Nakipag-usap siya sa mga dalagang Aleman sa wikang Aleman.
Siyempre, napahiya ang mga dalagang Aleman, at pagkaraaty itinuring nila si Rizal na may
paghanga at paggalang dahil kahit na kayumanggi ang kanyang balat ay isa siyang may pinag-
aralang maginoo.
Pagdating sa Hong Kong. Dumating si Rizal sa Hong Kong noong Nobyembre 20, 1891.
Sinalubong siya ng mga Pilipinong residente, lalo na ng kanyang kaibigang si Jose Ma. Basa.
Nanirahan siya sa Blg. 5 Kalye D' Aguilar, Blg. 2 Rednaxola Terrace, kung saan siya nagbukas ng
kanyang klinika.
Noong Disyembre 1, 1891, sinulatan niya ang kanyang mga magulang para humingi ng
permisong makauwi. Nang araw ding iyon, sinulatan siya ng kanyang bayaw, si Manuel T.
Hidalgo, at ibinalita ang "deportasyon ng 25 katao sa Calamba, kasama pa ang kanyang ama,
sina Neneng, Sisa, Lucia, Paciano, at lahat kami." Sinabi rin ni Hidalgo na inihahanda niya ang
isang Iiham para sa Reyna Rehente ng Espanya na nagpapaliwanag ng sitwasyon sa Calamba
nang sa gayon ay makahingi ng katarungan. "Kung hindi makikinig ang Reyna," sabi niya,
"susulatan namin ang Reyna Victoria ng Inglatera para humingi ng proteksiyon sa ngalan ng
sangkatauhan ..."
Inilarawan ng Iiham ni Hidalgo ang kawalan ng pag-asa at kalungkutan ng pamilya ni Rizal.
Si Rizal na nasa Hong Kong napakalapit sa Maynila, ay lungkot na lungkot, dahil hindi niya
matulungan ang kanyang pamilya at mga kamag-anak.
Pagkikitang Muli ng Pamilya sa Hong Kong. Bago ang Pasko ng 1891, Iaking tuwa ni
Rizal nang dumating sa Hong Kong ang kanyang ama, kapatid na lalaki, at bayaw na si Silvestre
Ubaldo. Di nagtagal, dumating din ang kanyang ina at mga kapatid na babaing sina Lucia, Josefa,
at Trinidad. Ang kanyang ina ay 65 taong gulang na at halos di na makakita. Nagdusa siya nang
labis kalupitan at kawalan ng katarungan ng mga Espanyol. Nang nakaraang taon (1890), dinakip
siya sa walang kakuwenta-kwewentang bintang—ang hindi paggamit ng kanyang apelyidong
"Realonda," at kahit na matanda at halos bulag na, sapilitan siyang pinalakad ng isang malupit na
Espanyol na opisyal ng Guardias Civiles mula Calamba hanggang Santa Cruz(kabisera ng
Laguna). Sa kabutihang palad ang Espanyol na gobernador ng Laguna, na isang magiting na
kabalyero, ay naawa sa kanya at pinalaya siya.
Ang Pasko ng 1891 sa Hong Kong ay isa sa pinakamasayang pagdiriwang ng Pasko sa
buhay ni Rizal. Sa muling pagkakataon ay masaya silang nagkasama-sama ng kanilang pamilya.
Noong Enero 31, 1892, sinulatanniya si Blumentritt, inaalala ang masayang buhay sa Hong
Kong: "Narito kaming Iahat, ang aking mga magulang, mga kapatid, namumuhay nang mapayapa
at malayo sa pag-uusig na pinagdurusahan nila sa Pilipinas. Labis silang nasisiyahan sa
pamahalaang Ingles."
Siruhano sa Mata (Ophthalmic Surgeon) sa Hong Kong. Upang kumita para sa sarili at
pamilya, nagsanay ng medisina si Rizal. Isang Portuges na doktor, si Dr. Lorenzo P. Marques,
ang naging kaibigan at tagahanga ni Rizal, ang tumulong sa kanya para magkaroon ng mga
kliyente. Sa pagkilala sa husay ni Rizal bilang siruhano sa mata, ibinigay niya rito ang ilan niyang
kaso sa mata.
Naging tagumpay at kilalang manggagamot si Rizal sa kolonyang Britanya. Marami siyang
naging pasyente, kabilang na ang mga Ingles, Tsino, Portuges, at Amerikano. Matagumpay
niiyang naoperahan ang kaliwang mata ng kanyang ina kaya muli itong nakapagbasa at
nakapagsulat. Bukod sa pagiging espesyalista sa mata, gumagamot din siya ng ibang
karamdaman. Sa kanyang sulat kay Blumentritt noong Enero 31, 1892, sinabi niya: "Narito akot
nanggagamot at marami akong ... dito'y maraming may sakit ng trangkaso dahil sa epidemya. Sa
pagbabasa ng pahayagan, nabatid kong ang sakit na ito ay isa na ring epidemya sa Europa.
Idinadalangin kong ikaw at ang iyong pamilya ay hindi mahawa. Sa aming tahanan, ang aking ina,
bayaw, at isa sa mga kapatid na babae ay may sakit. Salamat sa Diyos, Iigtas na sila."
Ilan sa mga kaibigan ni Rizal na nasa Europa ay nagbigay sa kanya ng suportang moral at
materyal sa kanyang panggagamot sa Hong Kong. Mula sa Biarritz, sinulatan siya ni G. Boustead
ni Nellie, noong Marso 21, 1892. Pinupuri siya sa kanyang propesyon sa medisina. Mula naman
Paris, Nagpadala ng pagbati si Dr. Ariston Bautista Lin, kalakip ang isang aklat, ang Diagnostic
Pathology ni Dr. H. Virchow, at isa pang aklat, ang Traite Diagnostique ni Mesnichock. Nag-alay
din ng tulong si Don Antonio Vergel de Dios, mula rin Paris, sa pagbili ng mga aklat sa medisina at
instrumento sa panggagamot na maaaring kailanganin ni Rizal.
Taglay ni Rizal ang magagandang katangian ng isang dakiIaang siruhano sa mata. Kung
inilaan niya ang kanyang buhay sa larangang ito, maaari siyang maging isa sa mga kilalang
optalmolohista ng Asya. 'Ika nga ni Dr. Geminiano de Ocampo, kilalang optalmoIohistang Pilipino.
Nasa kanya (kay Rizal) ang Iahat ng katangian ng isang ideal na siruhano sa
mata — matalas at mapanuring pag-iisip, magaan at malikhaing kamay ng isang pintor,
katapangan at pagiging kalmante, malawak at malalim na kaalaman sa inedisina at
optalmolohiya, at siya'y nagsanay mula sa mahuhusay na siruhano sa mata.

Proyekto sa Kolonisasyon ng Borneo. Dahil malabo ang hinaharap ng mga taga-


CaIamba sa ilalim ng mapanupil na pamumuno ni Gobemador Valeriano Weyler, naisip ni Rizal
na magtatag ng isang kolonyang Pilipino sa North Borneo (Sabah). Balak niyang patirahan sa
mayamang kolonyang ito ng Britanya ang mga pamilyang Pilipinong inalisan ng lupa. Dito sila
magbabagong buhay at magtatatag ng "Bagong Calamba."
Noong Marso 7, 1892, nagtungo siya sa Sandakan lulanng barkong Menon para makipag-
usap sa mga awtoridad na Ingles hinggil sa pagtatatag ng isang kolonyang PiIipino. Tiningnan
niya ang lupain sa Ilog Bengkoka sa Lawa ng Maraduna siyang inaglok ng British North Borneo
Company. Tagumpay naman ang kanyang misyon. Pumayag ang mga awtoridad na Ingles sa
Borneo na bigyan ang mga Pilipino ng 100,000 ektaryang lupa, isang magandang daungan, at
mabuting pamahalaan sa loob ng 999 taon—lahat ng ito'y walang kapalit na upa. Noong Abril 20,
nakabalik na si Rizal sa Hong Kong.
Ang proyekto sa kolonisasyon ng Borneo ay sinang-ayunan naman ng mga kaibigan ni
Rizal sa Europa—sina Juan at Antonio Luna, Lopez Jaena, B lumentritt, Dr. Bautista Lin, atbp.
Ipinahayag ni Lopez Jaena ang kanyang pagnanais na sumama sa kolonya. Sa sulat niya kay
Rizal noong Mayo 26, 1892, sinabi niya: "Labis ang aking pagnanais na sumama sa inyo.
Ipaglaan mo ako ng kapirasong lupa riyan (sa Borneo) nang makapagtanim naman ako ng tubo.
Pupunta ako riyan ... ilalaan ko ang aking panahon sa pagtatanim ng tubo at paggawa ng asukal.
Padalhan mo ako ng iba pang detalye."
Isa sa mga bayaw ni Rizal, si Hidalgo, ang matapang na Batangueńo, ang tumutol sa
proyektong kolonisasyon. "Ang ideyang ito tungkol sa Borneo," sabi niya kay Rizal," ay hindi
mabuti. Bakit natin lilisanin ang Pilipinas, ang maganda nating bansa? Bukod dito, ano ang
sasabihin ng mga kababayan natin? Bakit pa tayo nagsasakripisyo? Bakit tayo maninirahan sa
dayuhang lupain nang hindi natin nauubos ang lahat ng paraan para mapabuti ang kapakanan ng
bansang nag-aruga saatin mula pagkasilang? Sabihin mo nga sa akin!"
May mga bagong kalakaran ng mga pangyayari sa Pilipinas ang nagbigay kay Rizal ng
ibayong pag-asa para matupad ang kanyang proyekto sa Borneo. Ang kinaiinisang si Weyler na
tinaguriang "Mangangatay" ng mga Cubano ay ipinaalis na sa kanyang panunungkulan bilang
gobemador. Ipinahayag ng bagong Iuklok na gobemador-heneral, si Eulogio Despujol, ang Conde
ng Caspe, ang isang mainam na programang pampamahalaan.
Sa paniniwalang si Gobernador Despujol ay tapat sa mga magaganda niyang pangako,
nagpadala si Rizal ng isang liham ng pagbati at ipinaalam niya rito ang kanyang
kooperasyon.16Ang gobemador heneral, na lumabag sa payak na batas ng kagandahang asal,ay
di man lamang ipinaalam kay Rizal na natanggap niya ang liham nito.
Pagkaraang maghintay ng tatlong buwan para sa sagot sa una niyang Iiham (Disyembre
23, 1891 ), muling sumulat si Rizal noong Marso 21, 1892, at ibinigay ito sa kapitan ng barko para
makasigurong makararating ito kay Gobernador Despujol. Sa kanyang ikalawang liham, hiniling
niya sa gobenador-heneral na payagan ang mga walang-lupang Pilipino ng maitatag ang kanilang
pamumuhay sa Borneo.
Muli'y di man lamang sinagot ni Despujol ang Iiham ni Rizal. Sa halip, ipinaalam niya sa
Espanyol na konsul-heneral sa Hong Kong na sabihin kay Rizal na hindi siya sang-ayon sa
imigrasyon ng mga Pilipino sa Borneo, sinasabi pa niyang "kulang sa mga manggagawa ang
Pilipinas" at "hindi makabayang gawi ang magtungo sa dayuhang lupain para doon mag bungkal.
"
Pagsusulat sa Hong Kong. Sa kabila ng mga gawain niya bilang manggagamot at sa
proyektong kolonisasyon sa Borneo, nagpatuloy pa rin si Rizal sa kanyang pagsusulat.
Isinulat niya ang "Ang Mga Karapatan Nang Tao," na salin sa Tagalog ng "The Rights of
Man" na ipiniroklama sa ReboIusyong Pranses noong 1789. Nang panahon ding iyon
(1891)'isinulat niya ang "A la Nacion Espanola" (Para sa Nasyong Espanyol), na isang pagsamo
sa Espanya na iwasto ang kamaliang ginawa sa mga kasama (nangungupahan ng lupa) sa
Calamba. Isa pang proklamasyon, pinamagatang “Sa Mga Kababayan” ay isinulat noong
Disyembre, 1891 na nagpapaliwanag ng kalagayang agraryo sa Calamba.
Nagpadala rin si Rizal ng mga artikulo niya sa arawang pahayagang The Hong Kong
Telegraph, na ang pat.nugot, si G.Frazier Smith, ay kanyang kaibigan. Mga sipi ng pahayagang
ay nakararating din sa Pilipinas kaya nababasa rin ng mga Pilipino isinulat ni Rizal. Natuklasan ng
mga Espanyol ang pagkalat na ito ng mga ideya ni Rizal kaya kaagad nilang ipinagbawal ang
pahayagan ng Hong Kong.
Noong Marso 2, 1892, sinulat ni Rizal ang "Una Visita a la Victoria Gaol" (Isang Pagbisita
sa Kulungang Victoria), isang paglalahad tungkol sa una niyang pagdalaw sa kolonyal na
bilangguan ng Hong Kong. Sa artikulong ito, naipakita niya ang kalupitan ng sistemang
pambilangguan ng Espanya sa makabago at makataong sistemang pambilangguan ng mga Ingles
Para naman maipaliwanag ang kanyang proyektong kolonisasyon sa Borneo, isinulat
niya sa Pranses ang artikulong "Colonisation du British North Borneo, par de Familles delles
Philippines " (Kolonisasyon ng British North Borneo ng mga pamilya mula sa mga Isla ng
Pilipinas). Mas naipaliwanag niya ang ideyang ito sa isa pang artikulong sa Espanyol,
"Proyecto de Colonizacion del British North Borneo por los Filipinos"(Proyekto ng
Kolonisasyon ng British North Borneo ng mga Pilipino.)

Noong Hunyo, 1892, sinulat niya ang "La Mano Roja" (Ang Pulang Kamay) na nailathala sa
malapad na papel sa Hong Kong. Itinakwil niya rito ang madalas na pagsasadya ng sunog sa
Maynila.
Ang pinakamahalagang naisulat ni Rizal sa Hong Kong ay ang Konstitusyon ng La
Liga Filipina, na nailathala sa Hong Kong noong 1892. Para malinlang ang mga awtoridad
na Espanyol, naglagay ng maling impormasyon sa mga sipi. Sinabi ritong ang mga ito ay
inilimbag ng LONDON PRINTING PRESS, No. 25, Kalye Khulug, London. Ang ideya ng
pagtatatag ng La Liga Filipina, isang asosasyon ng mga makabayang Pilipino para sa mga
layuning pansibiko, ay orihinal na konsepto ni Jose Ma. Basa,ngunit si Rizal ang sumulat
ng konstitusyon nito at nagtatag nito. Ang mga sipi ng inilathalang konstitusyon ng La Liga
ay ipinadala ni Rizal kay Domino Franco, ang kaibigan niya sa Maynila.

Desisyong Bumalik sa Maynila. Noong Mayo 1892 nakapagpasya si Rizal na bumalik


sa Maynila. Ang desisyong ito ay nangyari dahil sa mga sumusunod: (1) makipag-usap kay
Gobernador Despujol tungkol sa kanyang proyektong kolonisasyon ng Borneo; (2) maitatag ang La
Liga Filipina sa Maynila; at(3) mapatunayang nagkakamali si Eduardo de Lete na nasa Madrid na
tumuligsa sa kanya at sinabing siya (si Rizal), na komportable ligtas na naninirahan sa Hong Kong,
ay nag-abandona na ng kanyang ipinaglalaban para sa bayan. Inilarawan ng pagtuligsa ni Lete, na
nailathala sa La Solidaridad noong Abril 15, 1892, na si Rizal ay isang duwag, makasarili, at
oportunista — isang makabayan lamang sa salita. Matigas na itinanggi ito ni Rizal kay Del Pilar,
patnugot ng La Solidaridad, at sinabi niya: "Naniniwala ako na nagging padalus-dalos si Lete sa
pagsulat ng artikulo, at ikaw ma'y gayundin sa paglathala ng naturang artikulo. Kaibigan o kaaway,
sakaling nasaktan ako ng artikulo, mas naapektuhan nito ang interes ng Pilipinas. Sinong
makapagsasabi kung iyon nga ay para sa ikabubuti ng mas marami? Nagising na ako, at pagkaraan
ng matagal na pananahimik, babalik muli ako sa larangan…pasisiglahin kong muli ang Propaganda
at patatatagin ang Liga. “4
Kay Ponce, sinabi ni Rizal noong Mayo 23, 1892: "Nalulungkot ako na pinayagan ni Del
Pilar na mailathala ang artikulo dahil maaari lamang itong maging dahilan ng pagkakaroon ng
pagkakahiwa-hiwalay ng marami sa atin. Naniniwala akong maaari tayong magkaroon ng di-
pagkakaunawaan at personal na pagkakaiba sa ating sarili, nang hindi natin ito naipapakita sa
publiko.., Sa ganang akin... Iagi naman akong bukas sa pagtanggap ng mga pagpuna nang
mapabuti ang mga bagay na kailangan pang mapagbuti."
Mga Huling Liham sa Hong Kong. Hindi sang-ayon ang mga kamag-anak at kaibigan ni
Rizal sa kanyang pasyang umuwi dahil tulad nito'y pag-aakit sa leon sa loob ng kulungan nito.
Lumuluhang binalaan siya ng kanyang kapatid na babaing si dad "dito'y papatayin ka nila."

Ngunit kahit kamatayan ay hindi naging hadlang sa pasya ni Rizal. Noong Hunyo 19, 1892,
idinaos niya ang kanyang ika-31 na kaarawan sa Hong Kong. Noo'y may pangitain na siya ng
kanyang kamatayan dahil nang sumunod na araw, Hunyo 20, sumulat siya ng dalawang liham at
mahigpit niyang ipinagbilin na "bubuksan lamang ito pagkaraan niyang mamatay. Ang mga ito'y
ibinigay niya sa kanyang kaibigang si Dr. Marques para ingatan. Sa mga pahina ng
kasaysayan, wala pang Iiham na halos pumantay sa pagkakasulat gaya ng mga liham na
ito ni Rizal, na masasabing testamentong politikal niya.

Ang unang liham ay para SA AKING MGA MAGULANG, MGAKAPATID, AT MGA


KAIBIGAN:

Ang pagmamahal kong ipinahahayag sa inyo ang nagmungkahi ng


hakbang na ito, at tanging panahon lamang ang makapagsasabi kung ito ay
makatwiran o hindi. Ang magiging resulta nito ang maghuhusga ng mga bagay-
bagay ayon sa mga kahihinatnan nito; ngunit maging pabor o hindi pabor ang
maging resulta, kailangang malaman na ang tungkulin ang nag-udyok sa akin,
kaya kung ako'y mamamatay dahil dito ay walang bagay sa akin.

Napagtanto ko ang mga pagdurusang naidulot ko sa inyo ngunit hindi


ko ito pinagsisisihan. At kung kailangang magsimula akong muli ay muli ko ring
gagawin ito dahil ang mga ginawa ko ay pagtupad lamang sa aking tungkulin.
Masaya kong haharapin ang panganib, di dahil pagtubos sa aking mga maling
gawi na sa palagay ko’y wala naman, ngunit gagawin ko ito bilang pagtupad sa
aking gawain, at sa gayon, ako mismo ay maging ehemplo ng mga itinuturo ko.

Ang isang tao ay kailangang mamatay para sa kanyang tungkulin at


mga prinsipyo. Pinaninindigan ko ang bawat kaisipan na itinataguyod ko para sa
kalagayan at kinabukasan ng ating bansa, at kusang-loob akong mamamatay
para rito, at mas mamatamisin kong magsakripisyo para makamtan ang
katarungan at kapayapaan para sa inyo.
Malugod kong itataya ang aking buhay para iligtas ang maraming
walang-sala—mararmng pamangkin, maraming anak ng mga kaibigan, at mga
anak ng mga di ko kaibigan — na nagdurusa dahil sa akin. Ano nga ba ako? Isang
binata, walang pamilya at masasabing walang alam sa buhay. Marami na akong
kabiguan at ang aking hinaharap ay madilim, at magiging madilim kung ang ilaw
ay di magsisindi sa bukangliwayway ng aking lupang tinunubuan. Sa kabilang
dako, maraming tao, na puno ng pag-asa at ambisyon, ang maaaring lumigaya
kung ako ay mamamatay, at inaasahan kong ang aking mga kaaway ay titigil na
sa pag-usig sa maraming walang -sala. Sa isang punto, may katwiran ang
kanilang pagkasuklam sa akin, at sa aking mga magulang at kamag-anak.

Sakaling hindi ako kasihan ng kapalaran, unawain ninyong mamamatay ako nang
maligaya dahil ang aking kamatayan ay magiging wakas ng lahat ng inyong suliranin.
Bumalik kayo sa ating bansa at nawa'y maging maligaya kayo roon.

Hanggang sa huling sandali ng aking buhay ay nasa isip ko kayo at idinadalangin ko


ang inyong magandang kinabukasan at kaligayahan.

Ang ikalawang sulat ay PARA SA MGA PILIPINO:

Ang hakbang na aking gagawin ay walang pag-aalinlangang mapanganib, at


hindi na kailangan pang sabihing pinag- isipan ko ito ng matagal. Nauunawaan ko
halos bawat isa ay tutol dito; ngunit alam kong wala sa inyo ang nakauunawa sa kung ano
ang nasa puso ko. Hindi ako maaaring mabuhay nang nakikita ang napakaraming nagdurusa
sanhi ng pag-uusig nila sa akin; hindi ko matiis na makita ang aking mga kapatid na babae at
kanilang mga kamag-anak na inuusig na parang mga salarin. Gugustuhin ko pa ang kamatayan
at maligayang ipauubaya ang buhay para mapalaya ang maraming walang-sala mula sa di
makatwirang pag-uusig.
Kinikilala ko ang katotohanang ang hinaharap ng ating bansa ay umiinog kahit
paano saakin, na sa oras ng aking kamatayan, marami ang magbubunyi, kaya nga
ngayon pa lamang ay marami na ang naghahangad ng aking pagbagsak. Ngunit ano
ngayon ito? Higit sa lahat ay nangingibabaw ang aking tungkulin. May mga obligasyon ako
sa mga pamilyang nagdurusa, sa aking mga magulang na sa tuwing pagmamasdan ko'y
nagdurugo ang aking puso; alam kong ako lamang, sa pamamagitan ng aking kamatayan,
ang magpapaligaya sa kanila, makapagbabalik sa kanila sa tinubuang lupa para mapayapang
mabuhay doon. Ako na lamang ang sa aking mga magulang, ngunit ang ating bansa ay
maraming anak na maaaring pumalit sa akin at maaaring may mahusay gumawa kaysa sa
akin.

Bukod dito, nais kong ipakita sa mga nagdaramot ng pagmamahal sa bayan na alam
natin kung paano ang mamatay para sa tungkulin at mga prinsipyo. Anong halaga ng
kamatayan, kung mamamatay para sa minamahal, para sa lupang tinubuan at mga minamahal na
mamamayan?

Kung iisipin kong ako ang tanging mapagkukunan ng katuparan ng isang patakaran
ng pag-unlad sa Pilipinas at kumbinsido akong ang aking mga kababayan ay makikinabang
sa aking mga serbisyo, hindi ako magaalinlangan sa hakbang na ito; ngunit marami ang maaaring
pumalit sa akin, na makapagbibigay ng aking mga serbisyong hindi magagamit, at ako'y
maiwang wala ng gawain.

Lagi kong minamahal ang ating malungkot na bayan, at nasisiguro kong


magpapatuloy ang aking pagrnamahal hanggang sa aking huling sandali, sakaling
may mga taong mapatunayang di-makatwiran saakin. Ang aking karera, aking buhay,
aking kaligayahan—lahat ng ito ay isinakripisyo ko para sa pagmamahal dito. Anuman ang aking
kapalaran, mamamatay ako nang binabasbasan ito at naghahangad ng bukangliwayway ng
katubusan nito.

Noong Hunyo 21, 1892, sa Hong Kong, muling sumulat si Rizal kay Gobernador
Despujol, na ikatlo na niyang Iiham sa Walang pitagang punong tagapagpaganap na
Espanyol. Sa sulat na ito, ipinaalam niya sa gobernador-heneral ang pagbabalik niya sa
Maynila at pagpapailalim niya sa proteksiyon ng pamahalaang Espanyol.

Nang araw ding iyon (Hunyo 21), Herbosa, nilisan ang ni Rizal Hong at ang kanyang
kapatid na si Lucia, balo ni Herbosa. Ang Hong Kong para Maynila. Dala nila ang isang
espesyal na pasaporte o "permiso" na ibinigay ng Espanyol na konsul-heneral sa Hong Kong.

Bumagsak si Rizal sa Bitag ng mga Espanyol. Pagkaraang-pagkaraan ng paglisan


ni Rizal sa Hong Kong, ang konsul-heneral, ang nagbigay ng garantiya ng pamahalaan ng kanyang
kaligtasan, ay nagpadala ng kable kay Gobemador Despujol na ang biktima ay "nasa bitag na.”
Nang araw ding iyon (Hunyo 21, 1892 isang lihim na kasong "laban sa relihiyon at laban sa bayan"
ang inihabla sa Maynila laban kay Rizal at kanyang mga kapanalig.

Ipinag-utos din ng mapanlinlang na si Despujol sa kanyang kalihim, si Luis de la Torre,


na alamin kung si Rizal ay isa nang naturalisadong mamamayang Aleman, gayang bali-balita, ng
sa gayon ay makagawa sila ng mabigat na hakbang laban sa isang tao "na nasa ilalim ng
proteksiyon ng isang malakas na bansa."

Samantala, mapayapang tinatawid ni Rizal at kanyang kapatid ang dagat Tsina. Wala
silang kaalam-alam sa panlilinlang ng mga Espanyol.
Kabanata 21 Ang Pangalawang Pag-uwi at ang La Liga Filipina

Ang matapang na pagbabalik ni Rizal sa Maynila noong Hunyo 1892 ay ang pangalawa niyang pag-
uwi, ang una niyang pag-uwi mula sa pangingibang-bayan ay noong Agosto 1887. Ito ang nagmarka ng
muli niyang mapanganib na kampanya para sa mga reporma. Matatag ang kanyang paniniwalang ang
pakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas ay pumasok sa bagong antas; kailangan na itong ipaglaban
mismo sa Pilipinas, hindi sa Espanya. “Ang labanan ay nasa Pilipinas,” sabi niya sa mga kababayang nasa
Europa, “Doon tayo dapat na magtagpo … Doon tayo magtutulungan, doon tayo sama-samang magdurusa
o magtatagumpay.” Pagkaraan ng dalawang buwan, noong Disyembre 31, 1891, ipinagdiinan niya ang
ganitong paniniwala sa isang liham kay Blumentritt, “Ako’y naniniwalang ang La Solidaridad ay hindi na ang
lugar na siyang labanan; ngayon ay isa na itong bagong pakikipaglaban … ang labanan ay wala na sa
Madrid.”2 Sa kanyang pag-uwi upang magbigay-daan sa isang kilusang repormista, tulad niya ay si Daniel
ng Bibliya na makikipagsagupaan sa leong Espanyol sa sarili nitong kulungan.

Pagdating sa Pilipinas, Kasama ang Kanyang Kapatid na Babae. Noong tanghali ng Hunyo 26,
1892, dumating sa Maynila si Rizal, kasama ang kanyang balong kapatid na si Lucia (maybahay ng
yumaong Mariano Herbosa). Metikuloso sa pagtatala sa kanyang talaarawan, inilarawan ni Rizal ang
pangalawa niyang pag-uwi sa Pilipinas: 3

Dumating ako sa Maynila noong Hunyo 26, 1892, Linggo, ika-12 ng tanghali. Sinalubong kami ng
maraming karabino na pinamumunuan ng isang komandante. Mayroon ding isang kapitan at isang
sarhento ng Veteranos Guardias Civiles. Bumaba akong dala ang aking mga bagahe at siniyasat nila ako
sa bahay-adwana. Mula doon, nagtungo ako sa Hotel de Oriente kung saan ako umupa ng isang kuwarto,
Blg. 22, na nakaharap sa simbahan ng Binondo.”

Nang hapong iyon, mga alas kuwatro, nagtungo siya sa Malacañang para kausapin ang Espanyol
na gobernador-heneral na si Eulogio Despujol, Konde ng Caspe. 4 Sinabihan siyang bumalik sa gabi ring
iyon, mga alas siyete. Sa ganap na alas siyete ng gabi ay nagbalik si Rizal sa Malacañang at nagkaroon
siya ng pagkakataong makausap si Gobernador Heneral Despujol, na pumayag na patawarin ang kanyang
ama ngunit hindi ang ibang miyembro ng kanyang pamilya, at sinabihan siyang magbalik sa Miyerkules
(Hunyo 29). 5

Pagkaraan ng maikli niyang pakikipanayam sa gobernador heneral, binisita niya ang mga kapatid
na babaeng nasa lungsod -una si Narcisa (Sisa, asawa ni Antonio Lopez) at pagkaraa’y si Neneng
(Saturnina, asawa ni Manuel T. Hidalgo).

Pagbibisita sa mga Kaibigan sa Gitnang Luzon. Alas sais ng gabi ng sumunod na araw (Hunyo 27),
lumulan si Rizal sa isang tren sa Estasyon ng Tutuban at binisita niya ang mga kaibigan sa Malolos
(Bulacan), San Fernando (Pampanga), Tarlac (Tarlac), at Bacolor (Pampanga). Mainit siyang sinalubong at
inasikaso sa mga tahanan ng kanyang mga kaibigan. Ang mga kaibigang ito ay mabubuting makabayan,
na nakikiisa at nakikisimpatiya sa krusadang repormista, at kinuha niya ang oportunidad na batiin sila nang
personal at matalakay sa kanila ang mga suliraning bumabagabag sa mga kababayan.

Sakay pa rin ng tren ay bumalik si Rizal sa Maynila nang sumunod na araw, Hunyo 28, alas singko
ng hapon. Alam man niya o hindi, sinusubaybayan na ng mga espiya ng pamahalaan ang bawat ikinikilos
niya. Ang mga bahay na binisita niya ay sinalakay ng mga Guardias Civiles at sinamsam ang mga sipi ng
Noli at Fili at iba pang “subersibong” babasahin.

Iba pang Pakikipanayam kay Despujol. Pagkaraang bisitahin ang mga kaibigan sa Gitnang Luzon,
nagkaroon pa ng ibang pakikipanayam si Rizal kay Gobernador Heneral Despujol. Ang mga panayam na
ito ay naitala sa kanyang talaarawan.

Noong Miyerkules (Hunyo 29- Z), 7:30, nakipagkita ako sa Kanyang Kataas-taasan. Hindi ako
nagtagumpay sa pakiusap na alisin na ang kaparusahang pagpapatapon, ngunit binigyan niya ako ng pag-
asa kaugnay sa kalagayan ng aking mga kapatid na babae. Dahil pista ni San Pedro at San Pablo, ang
aming panayam ay natapos ng 9:15. Babalik ako kinabukasan ng 7:30.

Nang sumunod na araw, Huwebes (Hunyo 30), pinag-usapan namin ang tungkol sa Borneo. Hindi
sang ayon dito ang heneral, matigas ang kanyang pagtutol. Sinabihan niya akong bumalik sa Linggo.

Noong Linggo (Hulyo 3-Z.) bumalik ako. Pinag usapan namin ang iba’t-ibang bagay at
pinasalamatan ko siya sa pag-aalis ng kaparusahang pagpapatapon sa aking mga kapatid na babae.
Sinabi ko rin sa kanya na ang aking ama at kapatid na lalaki ay darating lulan ng unang barko. Tinanong
niya ako kung gusto kong magpunta sa Hong Kong. Sinabi ko, “oo”. Pinabalik niya ako sa Miyerkules.

Pagtatatag ng La Liga Filipina. Noong gabi ng Linggo, Hulyo 3, 1892, pagkaraan ng pakikipanayam
niya noong umaga kay Gobernador Heneral Despujol, dumalo si Rizal sa isang pulong ng mga makabayan
sa tahanan ng mestisong Tsino-Pilipinong si Doroteo Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila. Naroon
din sa pulong na iyon sina Pedro Serrano Laktaw (Panday Pira), isang Mason at guro; Domingo Franco
(Felipe Leal), isang Ma son at tagapagbantay ng isang tindahan ng tabako; Jose A. Ramos(Socorro),
engrabador, tagapaglimbag, at may-ari ng Bazar Gran Britaña, at unang Worshipful Master ng Nilad, ang
unang sangay ng Mason sa Pilipinas; Ambrosio Salvador, gobernador silyo ng Quiapo at isa ring Mason;
Bonifacio Arevalo (Harem), dentista at Mason; Deodato Arellano, bayaw ni M.H. del Pilar at sibilyang
empleyado ng sandatahang-lakas; Ambrosio Flores (Musa), retiradong tenyente ng impanteriya; Agustin de
la Rosa, tenedor-de-libro at Mason; Moises Salvador (Araw), kontratista at Mason; Luis Villareal, sastre at
Mason; Faustino Villaruel (Ilaw), parmasiyutiko at Mason; Mariano Crisostomo, maylupa; Numeriano
Adriano (Ipil), notaryo at Mason; Estanislao Legaspi, artisano at Mason; Teodoro Plata, eskribano at
Mason; Andres Bonifacio, bodegero; Apolinario Mabini (Katabay), abogado at Mason; at Juan Zulueta,
mandudula, makata, at empleyado gobyerno. Ng

Ipinaliwanag ni Rizal ang mga layunin ng La Liga Filipina, isang ligang sibiko ng mga Pilipino, na
nilalayon niyang itatag at ang mga papel na gagampanan nito sa panlipunan at pang ekonomiyang buhay
ng taumbayan. Ipinakita niya ang Konstitusyon ng Liga na isinulat niya sa Hong Kong at tinalakay niya ang
mga probisyon nito. Lubos na napahanga rito ang mga makabayan at sinang-ayunan nila ang pagtatatag
ng Liga.

Ang inihalal na pamunuan ng bagong liga ay binubuo ng mga sumusunod: Ambrosio Salvador,
pangulo; Deodato Arellano, kalihim; Bonifacio Arevalo, ingat-yaman; at Agustin de la Rosa, piskal.

Ang Konstitusyon ng La Liga Filipina. Ang mga layunin ng La Liga Filipina, gaya ng isinasaad ng
Konstitusyon nito, ay 8 ang mga sumusunod:
1.Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri.

2. Proteksiyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat isa.

3. Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan.


4. Pagpapaunlad sa edukasyon, agrikultura, at pangangalakal.

5.Pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago.

Ang motto ng La Liga Filipina ay: Unus Instar Omnium (Bawat isa’y katulad ng lahat.)

Ang lupong tagapangasiwa ng liga ay ang Kataas-taasang Konseho na may kapangyarihan sa


buong bansa. Binubuo ito ng pangulo, kalihim, ingat-yaman, at piskal. Mayroong isang Konsehong
Panlalawigan sa bawat probinsiya at isang Konsehong Popular sa bawat bayan.

Lahat ng Pilipinong may pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan ay maaaring maging miyembro.


Bawat miyembro ay magbibigay ng paunang bayad na dalawang piso at buwanang kontribusyong 10
sentimos.

Ang mga tungkulin ng mga miyembro ng Liga ay ang mga sumusunod: sundin ang mga utos ng
Kataas-taasang Konseho; 2) tumulong sa pangangalap ng mga bagong miyembro; 3) mahigpit na
panatilihing lihim ang mga desisyon ng mga awtoridad ng Liga; 4) magkaroon ng ngalang-sagisag na di
maaaring palitan hanggang di nagiging pangulo ng kanyang konseho;-5) iulat sa piskal ang anumang
maririnig na makaaapekto sa Liga; 6) kumilos na matwid na siyang dapat dahil siya’y mabuting Pilipino, at
tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras.

Dinakip at Ikinulong si Rizal sa Fuerza Santiago. Noong Miyerkules, Hulyo 6, nagtungo si Rizal sa
Palasyo ng Malacañang

Para ipagpatuloy ang serye ng kanyang pakikipanayam sa gobernador-heneral. Sa panayam na ito,


nagpakita si Gobernador Heneral Despujol ng ilang nailimbag na babasahin na diumano ay natagpuan sa
loob ng punda ng unan ni Lucia. Ang mga subersibong babasahin ay pinamagatang “Pobres Frailes “(Mga
Kawawang Prayle) na isinulat ni Padre Jacinto at inilimbag ng Imprenta de los Amigos del Pais, Maynila.
Ang mga ito ay satiriko laban sa mayayamang prayleng Dominikong kumamkam ng yaman, kabaligtaran
ng kanilang panata ng kahirapan.

Mahigpit na itinanggi ni Rizal na ang mga babasahing iyon ay nasa kanya o nasa bagahe ni Lucia,
na tiningnan naman ng mga awtoridad ng adwana nang dumating sila mula Hong Kong. Kahit na itinanggi
niya at humingi siya ng imbestigasyon ayon na rin naman sa batas,dinakip pa rin siya,dinala at sinamahan
sa Fuerza Santiago ni Ramon Despujol, pamangkin at ayudante ni Gobernador Heneral Despujol. Sa
Fuerza Santiago, naging inkomunikado siya, gaya ng isinulat niya sa kanyang talaa 10 rawan:
Inilagay nila ako sa isang may kaayusang kuwartong may kama, sandosenang silya, isang mesa,
isang palanggana, at isang salamin. Ang kuwarto ay may tatlong bintana; isang walang rehas na
nakatanaw sa patio, ang isa’y may rehas na nakatanaw naman sa mga pader ng lungsod at dalampasigan,
at ang isa’y pintong nakakandado. Dalawang armadong lalaki ang nagtatanod dito. Pinag utusan silang
barilin ang sinumang magbigay ng senyal mula sa dalampasigan. Hindi ako makapagsulat ni
makapagsalita rito liban na lamang sa opisyal na nagbabantay dito..

Nang sumunod na araw, Hulyo 7, inilathala ng Gaceta de Manila ang pagkakadakip kay Rizal, na
nagdulot ng kaguluhan at pagkagalit sa maraming Pilipino, lalo na sa mga kasapi ng bagong tatag na La
Liga Filipina.

L Pagpapatapon sa Dapitan. Sa isyu ring ito ng Gaceta (Hulyo 7, 1892) nakasulat ang dekreto ni
Gobernador Heneral Despujol na nagpapatapon kay Rizal sa “isa sa mga isla sa Katimugan.” Ayon sa
dekreto ng gobernador, ito ang mga dahilan ng pagpapatapon kay Rizal:

1. Naglathala si Rizal ng mga aklat at babasahin sa ibang bansa, na nagpapakita ng kanyang


pagtataksil sa Espanya at hayag na nagpapakita ng “pagiging anti Katoliko” at “anti-prayle.”
2. Ilang oras pagkaraang dumating sa Maynila, natagpuan sa isa sa mga bagahe …. Ang isang bulto
ng babasahing pinamagatang Pobres Frailes kung saan nilibak ang mapagtimpi at
mapagkumbabang pagbibigay ng mga Pilipino, at kung saan ang akusasyon laban sa kaugalian ng
mga ordeng relihiyoso ay nailathala.

3. Ang kanyang nobelang El Filibusterismo ay inihandog sa alaala ng tatlong “traydor” (Burgos,


Gomez, at Zamora), at sa pamagat na pahina, isinulat niya ang mga bisyo at pagkakamali ng
administrasyong Espanyol, “ang tanging katubusan ng Pilipinas ay separasyon sa inang bayan.”

4. “Ang tunguhin ng kanyang mga pagsisikap at pagsusulat ay mawasak sa mga tapat na Pilipino ang
mga yaman ng ating banal na pananampalatayang Katoliko.”

Pagkaraang-pagkaraan ng hatinggabi ng Hulyo 14 (12:30 ng umaga ng Hulyo 15, 1892), dinala si


Rizal, na may mahihigpit na tanod, sa barkong Cebu na papuntang Dapitan. Ang barkong ito, na nasa
pamamahala ni Kapitan Delgras, ay pumalaot noong ala una ng umaga, Hulyo 15, pa-timog, dumaan ng
Mindoro at Panay, at dumating sa Dapitan ng Linggo, ika-17 ng Hulyo, ika-7 ng gabi.

Si Kapitan Delgras ay bumaba ng barko at inihabilin si Rizal kay Kapitan Ricardo Carnicero,
Espanyol na komandante ng Dapitan. Nang gabing iyon, sinimulan ni Rizal ang buhay-desterado sa
malungkot na Dapitan na magtatagal hanggang Hulyo 31, 1896, sa haba ng apat na taon.
Kabanata 22
Ang Pagkakapatapon sa Dapitan, 1892-
96
Nanirahan si Rizal bilang desterado sa malayong Dapitan, isang liblib na bayan sa Mindanao na
nasa pangangasiwa ng mga misyonerong Heswita, mula 1892 hanggang 1896. Ang apat na taong ito sa
kanyang buhay ay hindi kasingkulay, ngunit mas maraming ibinungang magagandang gawa. Nagsanay
siya rito ng medisina, nagsagawa ng mga siyentipikong eksperimento, nagpatuloy ng kanyang gawaing
pansining at pampanitikan, nagpalawak ng kaalaman sa mga wika, nagtatag ng isang paaralang panlalaki,
nagtaguyod ng kaunlarang panlipunan, nag-imbento ng isang makinang kahoy na gumagawa ng mga
ladrilyo, at naging magsasaka at mangangalakal. Sa kabila ng marami niyang gawain, hindi niya
nalimutang makipagsulatan sa kanyang pamilya, kaanak, kapwa repormista, at kilalang siyentipiko at
iskolar ng Europa, kabilang na sina Reinhold Rost, A. B. Meyer, W. Joest ng Berlin, S. Knuttle ng Stuttgart,
at N.M. Keihl ng Prague.

Simula ng Destiyero sa Dapitan. Ang barkong Cebu na nagdala kay Rizal sa


Dapitan ay may sulat ding dala mula kay Padre Pablo Pastells, Superyor ng Lipunang Heswita sa
Pilipinas para kay Padre Antonio Obach, Heswitang kura paroko ng Dapitan. Sa liham na ito, ipinaalam ni
Padre Superyor Pastells kay Padre Obach na si Rizal ay maaaring tumira sa kumbento ng simbahang
paroko sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:

1. “Na ipahahayag ni Rizal sa madla ang kanyang mga pagkakamaling may kinalaman
sa relihiyon, at gagawa siya ng pahayag na magpapakitang siya ay isang maka-
Espanyol at laban sa rebolusyon.”

2. “Na makikibahagi siya sa mga ritwal at seremonya ng simbahan at mangungumpisal


ng kanyang nakalipas.”

3. “Na mula ngayon ay kikilos siya bilang huwarang sakop ng Espanya at isang lalaki ng
relihiyon.”

Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mga kondisyong ito. Kaya doon siya nanirahan sa bahay ng
komandante, si Kapitan Carnicero. Naging magkaibigan at maganda ang relasyon nina Carnicero (bantay)
at Rizal (preso).
Humanga si Carnicero sa magagandang katangian at personalidad ni Rizal. Madalas silang
magsalo sa pagkain at masaya silang nagkakausap. Nalaman ni Carnicero na si Rizal ay hindi basta-
bastang preso, lalo namang hindi siya pilibustero. Naging maganda ang mga ulat niya kay Gobernador
Despujol hinggil sa kanyang preso. Binigyan niya ng kalayaan si Rizal na magpunta sa kahit saan at
minsan lamang sa isang linggo kung mag-ulat sa kanyang tanggapan. Pinayagan niya si Rizal, na
mahusay mangabayo, na sumakay sa kanyang kabayo.

Sa bahagi naman ni Rizal, hinangaan niya at iginalang ang mabait at mapagbigay na kapitang
Espanyol. Bilang tanda ng kanyang paghanga, sumulat siya ng isang tula, ang A Don Ricardo Carnicero,
noong Agosto 26, 1892, sa okasyon ng kaarawan nito.
Nanalo sa Loterya sa Maynila. Noong Setyembre 21, 1892, nabulabog ang tahimik na
bayan ng Dapitan. Dumating ang barkong koreong Butuan, na may makukulay na banderitas na nililipad-
lipad ng hangin. Naisip ni Kapitan Carnicero na isang Espanyol na may mataas na tungkulin ang parating
kaya isinuot nuiya ang magara niyang uniporme, inutos sa taumbayan na magpunta sa dalampasigan, at
siya mismo ay nagtungo roon na may kasama pang banda musiko.

Walang sakay na opisyal na Espanyol ang barkong Butuan ngunit dala nito'y magandang balita.
Ang Tiket sa Loterya blg. 9736 na pag-aari nina Kapitan Carnicero, Dr. Rizal, at Francisco Equilor
(Espanyol na residente ng Dipolog, kalapit bayan ng Dapitan) ay nanalo ng pangalawang gantimpalang
P20,000 sa Loterya ng Maynila na pag-aari ng pamahalaan.

Ang bahagi ni Rizal sa premyo ay nagkakahalaga ng P6,200. Nang matanggap niya ang salapi,
ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 sa kaibigang si Basa na nasa Hong Kong, at ang natira
ay ibinili niya ng lupang sakahan sa may baybay-dagat ng Talisay, isang kilometro mula Dapitan.

Ang pagkakapanalong ito ni Rizal sa loterya ay nagpakita ng isang aspeto sa kanyang buhay. Hindi
siya umiinom ng alak ni naninigarilyo ngunit mahilig siyang tumaya sa loterya. Noong unang biyahe niya sa
Madrid mula 1882 hanggang 1885, lagi siyang naglalaan ng kahit tatlong pesetas buwan-buwan para sa
tiket ng loterya. “Ito lamang ang kanyang bisyo,” puna ni Wenceslao E. Retana, ang una niyang
mananalambuhay na Espanyol at dating kaaway.

Ang Debate nina Rizal at Pastells hinggil sa Relihiyon. Noong kanyang


destiyero sa Dapitan, nagkaroon ng mahaba at matalinong debate si Rizal kay Padre Pastells hinggil sa
relihiyon. Nagsimula ito nang magpadala si Padre Pastells ng isang aklat na isinulat ni Sarda, na may
kalakip na payo na si Rizal ay tumigil na sa kanyang kalokohan hinggil sa pananaw sa relihiyon.

Ang interesanteng debate ay mababasa sa apat na liham na isinulat ni Rizal: (1) Setyembre l, 1892;
(2) Nobyembre 11, 1892; (3) Enero 9, 1893, at (4) Abril 4, 1893; at sa mga sagot ni Padre Pastells: (1)
Oktubre 12, 1892, (2) Disyembre 8, 1892, (3) Pebrero 2, 1893, at (4) Abril (walang eksaktong petsa), 1893.

Sa lahat ng kanyang liham kay Padre Pastells, ipinakita ni Rizal ang kanyang mga antiKatolikong
ideya na nakuha niya sa Europa at mapait na karanasang bunga ng pag-uusig ng masasamang prayle.
Mauunawaan kung bakit masama ang kanyang loob sa mga prayleng umaabuso. Gaya ng isinulat niya kay
Blumentritt mula Paris noong Enero 20, 1890: "Gusto kong saktan ang mga prayle, ngunit ang mga
prayleng gumagamit sa relihiyon hindi lamang bilang pananggalang ngunit bilang sandata, kastilyo, kuta,
baluti, atbp. napilitan akong atakihin ang kanilang mali at mapamahiing relihiyon nang sa gayon malabanan
ang kaaway na nagtatago sa likod nito."

Ayon kay Rizal, ang pansariling paghuhusga ay biyaya mula sa Diyos, at lahat ay kailangang
gumamit nito ng tulad sa lamparang gumagabay sa daan, at ang pagpapahalaga sa sarili, kung hindi
lalabis dahil sa paghuhusga, ay magliligtas sa tao sa mga walang kabuluhang gawain. Ipinangatwiran din
niyang ang paghahanap sa katotohanan ay maaaring makita sa iba’t ibang landas, kaya "ang mga relihiyon
ay maaaring magkaiba-iba, ngunit iisang landas lamang ang patutunguhan sa liwanag."

Sinubukan ni Padre Pastells ang kanyang magagawa para maibalik si Rizal sa Katolisismo. Ang
paniniwala sa Diyos, sabi niya kay Rizal, ay higit pa kaysa anumang bagay, kasama na ang katwiran,
pagpapahalaga sa sarili, at sariling paghuhusga. Gaano man katalino ang tao, katwiran niya, ang kanyang
talino ay may hangganan, kaya kailangan pa rin ang patnubay ng Panginoon. Pinabulaanan niya ang
panunuligsa ni Rizal sa mga aral ng Katolisismo bilang maling konsepto ng pangangatwiran at naturalismo,
mga pagkakamali ng kaluluwang naliligaw.
Ang interesanteng debateng ito ng dalawang matalinong polemista ay nagwakas ng walang
makapagsasabi kung sino ang mas may katwiran. Hindi makumbinsi si Rizal ng mga argumento ni Pastells
kaya nanirahan siya sa Dapitan ng walang gaanong patnubay ng Inang Simbahan.

Magkaiba man ang kanilang pananaw sa relihiyon, nanatiling mabuting magkaibigan sina Rizal at
Pastells. Binigyan ni Padre Pastells si Rizal ng sipi ng Imitacion de Cristo (Pagtulad kay Kristo), isang
kilalang Katolikong aklat na isinulat ni Padre Tomas á Kempis. At si Rizal, bilang pasasalamat, ay
nagregalo sa kanyang Heswitang kalaban sa debate ng isang rebulto ni San Pablo na siya mismo ang
umukit.

Bagaman hindi sang-ayon si Rizal sa mga interpretasyon ni Pastells hinggil sa mga aral ng
Katolisismo, nanatili pa rin siyang Katoliko. Patuloy siya sa pakikinig ng Misa sa simbahang Katoliko ng
Dapitan at ipinagdiwang niya ang Pasko at iba pang pistang panrelihiyon sa pamamaraang Katoliko. Ngunit
ang pagiging Katoliko niya ay kinakitaan ng pagsusuri at pagpapaliwanag, ang "Katolisismo ni Renan at
Teilhard de Chardin.”

Hinamon ni Rizal sa isang Duelo ang isang Pranses. Habang


nakikipagdebate si Rizal kay Padre Pastells sa pamamagitan ng palitan ng sulat, nagkaroon siya ng
away sa isang Pranses na nasa Dapitan, si G. Juan Lardet, isang negosyante. Ang lalaking ito ay bumili ng
troso mula sa lupa ni Rizal. Ilan sa mga trosong ito ay mababa ang kalidad.

Ipinahayag ni Lardet sa liham niya kay Antonio Miranda, isang mangangalakal sa Dapitan at
kaibigan ni Rizal, ang kanyang pagkainis sa pakikipagnegosyo at sinabi na "kung siya (si Rizal —Z.) ay
isang tapat na tao, hindi na niya sana isinama sa kuwentahan ang mga trosong mababa ang kalidad.”
Lingid kay Lardet, ipinakita ni Miranda ang liham nito kay Rizal. Isa sa mga kahinaan ng bayani ay
yaong pagiging maramdamin. Nang mabasa niya ang liham ni Lardet ay kaagad na nag-init ang kanyang
ulo dahil para sa kanya ay isa itong paghamak sa kanyang integridad. Kaagad niyang hinarap si Lardet at
hinamon sa isang duelo.

Nang malaman ng komandante ang insidente, kinausap ni Carnicero ang Pranses at hininging
magpaumanhin ito kay Rizal kaysa tanggapin, ang hamon nito. "Kaibigan, wala kang kalabanlaban kay
Rizal sa larangang ito. Si Rizal ay eksperto sa sining ng pakikipaglaban, lalo na sa pag-eeskrima at
pagbaril.”

Nakinig naman si Lardet sa komandante, at sinulatan niya si Rizal, sa wikang Pranses, noong
Marso 30, 1893. Humingi siya ng paumanhin sa nagawa niyang pang-iinsulto. Tinanggap ni Rizal ang
pagpapaumanhin dahil isa siyang maginoo at bihasa sa pundonor (batas ng kabalyero), at nanumbalik ang
mabuting relasyon nila ni Lardet.

Maaalalang dalawang ulit nang nangyari na dahil sa pagiging maramdamin ni Rizal ay may
hinamon siya sa duelo—sina Antonio Luna noong 1890 at W.E. Retana nang taon ding iyon.

Si Rizal at si Padre Sanchez. Bukod sa sarili, may kinausap si Padre Pastells na


tumulong sa kanya sa paghikayat kay Rizal na “maiwaksi ang mga pagkakamali niya sa relihiyon." Ang
mga ito ay Sina Padre Obach, kura ng Dapitan, at Padre Jose Vilaclara, kura ng Dipolog. Sinikap nilang
maibalik si Rizal sa Katolisismo. Higit pa roon, ipinadala ni Padre Pastells sa Dapitan si Padre Francisco de
Paula Sanchez, paboritong guro ni Rizal sa Ateneo de Manila.
Si Padre Sanchez, mula noong nag-aral si Rizal sa Ateneo, ay tumigil ng tatlong taon sa Europa at
nagbalik sa Maynila noong 1881 para muling magturo sa Ateneo at pangasiwaan ang museo nito. Siya
lamang ang paring Espanyol na nagtanggol sa Noli Me Tangere ni Rizal.

Pagdating na pagdating sa Dapitan, nakipagkita kaagad si Padre Sanchez sa dati niyang


estudyante. Sa lahat ng Heswita, siya ang itinatangi at binibigyang-halaga ni Rizal. Halos araw-araw ay
nag-uusap at nagtatalo sila tungkol sa teolohiya. Ngunit wala ring nagawa si Sanchez. Sa kauna-unahang
pagkakataon, hindi nakumbinsi ng kanyang mga argumento si Rizal.

Kahit na hindi niya nakumbinsi si Rizal na iwaksi ang taliwas nitong pananaw sa relihiyong Katoliko,
hindi naman nagbago ang pagtingin ni Sanchez sa kanyang estudyante. Tinulungan niya si Rizal sa
proyekto nitong pagandahin ang Dapitan. Noong kaarawan niya, niregaluhan siya ni Rizal ng isang
napakagandang aginaldo—isang manuskritong may pamagat na Estudios sobre Ia lengua tagala (Mga
Pag-aaral hinggil sa Wikang Tagalog)— gramatikong Tagalog na sinulat ni Rizal at inihandog niya sa
kanyang dating guro.

Magandang Buhay sa Dapitan. Sa Dapitan, naging maganda, tahimik, at kaaya-


aya ang buhay ni Rizal. Mula Agosto 1893, salit-salitang dinalaw si Rizal ng kanyang pamilya nang
maibsan ang kalungkutan nito sa kanyang pag-iisa sa kuta ng mga Espanyol sa lupain ng mga Moro. Ang
mga dumalaw sa kanya ay ang kanyang ina, mga kapatid na sina Trinidad,

Maria, at Narcisa; at mga pamangkin na sina Teodisio, Estanislao, Mauricio, at Prudencio.


Nagpatayo siya ng bahay sa baybay-dagat ng Talisay, na pinaliligiran ng mga punong namumunga ng
prutas. Nagpatayo rin siya ng isang paaralang panlalaki at isang ospital para sa kanyang mga pasyente.

Sa sulat niya kay Blumentritt noong Disyembre 19, 1893, inilarawan ni Rizal ang kanyang buhay sa
Dapitan:

Ikukuwento ko sa iyo kung paano kami nabubuhay dito. Tatlo ang aking
bahay dito: isang parisukat, isang hexagonal, at ang pangatlo, octagonal—at lahat
ay yari sa kawayan, kahoy, at nipa. Nakatira kami sa parisukat na bahay, kami ng
aking ina, kapatid na si Trinidad, at pamangkin. Doon sa octagonal ang mga batang
lalaki at ibang mabubuting kabataang tinuturuan ko ng aritmetika, wikang Espanyol
at Ingles; at sa hexagonal na bahay naman ang aking mga alagang manok. Mula sa
aking bahay ay maririnig mo ang bulong ng malinaw na sapang dumadaloy mula sa
matataas na bato; nakikita ko ang dalampasigan, ang dagat kung saan mayroon
akong maliliit na bangka at dalawang baroto, gaya na rin ng tawag nila rito. Marami
akong puno rito, mangga, lansones, guyabano, baluno, langka, atbp. May alaga
akong kuneho, aso, pusa, atbp. Maaga akong magising — mga alas singko — para
diligan ang aking mga tanim, pakainin ang mga manok, gisingin ang mga tao rito
nang sila ma’y kumilos na rin. Pagsapit ng alas siete y media, nag-aagahan kami ng
tsaa, tinapay, keso, matamis, atbp. Maya-maya, titingnan ko na ang aking mga
pasyenteng dumayo pa rito sa aking lugar; magbibihis at pupunta sa bayan sakay
ng aking baroto, manggagamot ng mga tagaroon, babalik dito ng alas dose, na
handa na ang aking tanghalian. Pagkatapos ay tuturuan ko na ang mga batang
lalaki hanggang alas kuwatro ng hapon, at ang natitirang oras ay ilalaan ko na sa
pagtatanim. Sa gabi, nagbabasa at nag-aaral ako.
Ang Pagtatagpo ni Rizal sa Espiya ng Prayle. Noong mga unang araw ng
Nobyembre 1893, masaya at payapang naninirahan si Rizal sa kanyang bahay sa Talisay, isang
kilometro ang layo mula Dapitan. Kasama niya roon ang kanyang ina, mga kapatid na sina Narcisa at
Trinidad, at ilang pamangkin. Ang masaya nilang pamumuhay ay ginambala ng isang kakatwang
insidenteng kinasangkutan ng isang espiya ng mga prayle. Ang espiyang ito ay sinasabing nagngangalang
"Pablo Mercado" at diumano ay kamag-anak siya kaya dinalaw niya si Rizal sa bahay nito noong gabi ng
Nobyembre 3, 1893. Ipinakilala niya ang sarili bilang kaibigan at kamag-anak, nagpakita pa siya ng isang
larawan ni Rizal, at isang pares ng butones na may inisyal na "P. M." (Pablo Mercado) bilang tanda ng
kanyang pagiging kaanak ng mga Rizal.

Sa kanilang pagkukuwentuhan, inalok ng bisita ang kanyang serbisyo bilang tagapagdala ng mga
liham ni Rizal sa mga makabayang nasa Maynila. Si Rizal na may matalas na pandamdam ay kaagad na
nagduda. Gusto sanang palayasin ni Rizal ang impostor ngunit alam niya ang kanyang tungkulin bilang
maybahay at isinasa-alang-alang din niya ang pagkalalim ng gabi at malakas na ulan kaya inanyayahan pa
niya ito na tumigil na muna sa kanyang bahay ng gabing iyon. At maagang-maaga kinabukasan, pinaalis
na niya ito.

Pagkaalis ng kanyang impostor na kamag-anak ay pinagtuunan ng pansin ni Rizal ang mga gawain
niya sa araw-araw, kinalimutan ang insidente ng nakaraang gabi. Ngunit napagalaman niyang ang
impostor ay nasa Dapitan pa, ipinamamalita sa Iahat na siya'y kamaganak ni Dr. Rizal. Nagalit si Rizal at
nagtungo siya sa comandancia at ipinaalam ang pangyayari kay Kapitan Juan Sitges (na humalili kay
Kapitan Carnicero noong Mayo 4, 1893, bilang komandante ng Dapitan). Kaagad na ipinag-utos ni Sitges
na dakpin si "Pablo Mercado" at inutusan si Anastacio Adriatico na imbestigahan ito.

Nalaman ang katotohanan sa imbestigasyon. Ang totoong ngalan ni "Pablo Mercado" ay Florencio
Namanan. Siya ay katutubo ng Cagayan de Misamis, binata, at mga 30 taong gulang. Inupahan siya ng
mga prayleng Rekoleto para isagawa ang isang lihim na misyon sa Dapitan—ang ipakilala ang sarili kay
Rizal bilang kaibigan at kamag-anak nang sa gayon ay matiktikan nila ang mga ginagawa ni Rizal, at
makakuha ng mga liham at sulatin ni Rizal na mag-uugnay sa kanya sa kilusang rebolusyonaryo.
Nakapagtatakang biglang ipinatigil ni Sitges ang imbestigasyon at pinawalan ang espiya. Kaagad din
niyang ipinadala ang kanyang opisyal na ulat kay Gobernador Heneral Blanco, na mahigpit na nagtago sa
mga dokumentong ito. Si Rizal, na nagulat sa takbo ng mga pangyayari, ay humiling ng kopya ng ulat
hinggil sa imbestigasyon, ngunit hindi pinaunlakan ni Sitges ang kanyang kahilingan. Ang mga
dokumentong ito ay nakatago at iniingatan ngayon sa Biblioteca Nacional sa Madrid at masasabing
nagtataglay ito ng ilang misteryosong ulat.

Ang mga dokumento hinggil sa nabigong misyon ng espiya ng mga prayle ay nabanggit ng tatlong
mananalambuhay ni Rizal—sina Retana (1907), Palma (1949), at Jose Baron Fernandez (1982). Ngunit
wala sa kanila ang tunay na sumipi sa isa pang dokumentong masasabing mas mapagkakatiwalaan hinggil
sa paglalahad ng tunay at buong pangyayari. Ito ang liham ni Rizal sa kanyang bayaw na si Manuel T.
Hidalgo, isinulat sa Dapitan, noong Disyembre 20, 1893:

Sa mahal kong bayaw na si Maneng;

Hindi ako nakasulat sa iyo dahil sa kakulangan ng panahon, ang


bangka ay kaagad na pumalaot nang hindi namin inaasahan.

Hinggil kay Pablo Mercado, nagpunta siya rito at ipinakilala ang


sarili na isang magalang na kaibigan nang sa gayon ay mapasakamay
niya ang aking mga liham, sulatin, atbp. ngunit natuklasan ko agad ang
kanyang panloloko. Kungdi ko man siya binastos at pinalayas, ito ay
dahil gusto kong maging mabuti at magalang kaninuman. Isa pa,
umuulan nang malakas noon kaya nga pinatulog ko pa siya rito, at
pinaalis na lamang kinabukasan nang umaga. Hahayaan ko na lamang
sana siya ngunit ang damuho ay palihim na ipinamamalita na siya raw ay
aking pinsan o bayaw kaya isinumbong ko siya sa Komandante na
nagpaaresto sa kanya.

Natuklasan sa kanyang pahayag na siya ay ipinadala ng mga


Rekoletos na nagbigay sa kanya ng P72, at nangakong dadagdagan pa
ito kapag nagtagumpay siya sa pagkuha sa akin ng aking liham para sa
ilang tagariyan sa Maynila. Sinabi pa ng damuho na siya ay pinsan ng
isang G. Litonjua, anak ni Luis Chiquito, na ayon sa kanya, ay bayaw ni
Marciano Ramirez. Gusto niyang sulatan ko ang mga ginoong ito.
Nagdala pa siya ng aking larawan, at sabi niya ay ibinigay ito ng isang G.
Legaspi ng Tondo o San Nicolas, hindi ko na matandaan. Mukhang
galing siya sa isang mabuting pamilya ng Cagayan de Misamis. Mag-
ingat ka sa kanya, matangkad siya, medyo matipuno ang
pangangatawan, medyo singkit, maitim, balingkinitan, malapad ang mga
balikat, at magaspang kumilos. Malakas siyang manigarilyo, mahilig
dumura, at may manipis na labi.

……………………………

Maligayang Pasko at Masayang Bagong Taon.

Ang iyong bayaw na nagmamahal sa iyo,

(Lagda) Jose Rizal

Batay sa mga ulat na ito, ang insidente ng lihim na misyon ni “Pablo Mercado" sa Dapitan ay hindi
isang “Pagtatangkang Pagpaslang kay Rizal." Ito ay isa lamang pangeespiyang pakana ng mga prayle.

Bilang Manggagamot sa Dapitan. Nanggamot din si Rizal sa Dapitan. Marami siyang


naging pasyente, ngunit karamihan ay dukha kaya binibigyan na lamang niya ang mga ito ng libreng
gamot. Sa kanyang kaibigan sa Hong Kong, si Dr. Marquez, isinulat niya: "Narito ang pagkahirap-hirap na
mga pasyente kaya kailangang walang bayad pati na ang mga gamot nila." Gayunman, may pasyente
siyang maykaya kaya nakatatanggap din siya ng mainam na bayad para sa panggagamot niya.

Noong Agosto 1893, dumating sa Dapitan ang kanyang ina at kapatid na si Maria at doon nanirahan
sa kanya ng isang taon at kalahati. Inoperahan niya ang kanang mata ng kanyang ina. Naging
matagumpay ang operasyon, ngunit sa kabila ng mga paalala ng anak, tinanggal ni Doña Teodora ang
benda sa kanyang mata kaya naimpeksiyon ito. Kaya nasabi ni Rizal kay Hidalgo, ang kanyang bayaw:
"Ngayo'y nauunawaan ko na kung bakit di dapat gamutin ng isang doktor ang sarili niyang pamilya.” Sa
kabutihang palad, nagamot ang impeksiyon sa mata ni Doña Teodora, salamat sa husay ng kanyang anak
bilang manggagamot sa mata, at muli siyang nakakita.

Ang husay ni Rizal bilang manggagamot, lalo na sa mata, ay kumalat sa maraming lugar. Marami
siyang pasyenteng nagmula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas—mula Luzon, Bohol, Cebu, Panay, Negros,
at Mindanao—at kahit pa sa Hong Kong. Isang mayamang Pilipinong pasyente, si Don Ignacio Tumarong,
ay muling nakakita dahil sa panggagamot ni Rizal; at bilang pasasalamat ay binayaran siya ng P3,000. Isa
pang mayamang pasyente, isang Ingles, ang nagbayad ng P500. Si Don Florencio Azacarraga, mayamang
asyendero mula Aklan, ang nagamot rin, at binayaran niya si Rizal ng isang kargada ng asukal.
Bilang manggagamot, naging interesado si Rizal sa katutubong medisina at sa gamit ng mga
halamang-gamot. Pinag-aralan niya ang mga halamang-gamot sa Pilipinas at mga gamit nito. Sa mahihirap
na pasyente na hindi kayang bumili ng gamot, ito ang kanyang inirereseta.

Sistemang Patubig sa Dapitan. Si Rizal ay may titulong pagka-agrimensor na nakuha


niya mula sa Ateneo. Dinagdagan pa niya ang kanyang kaalaman dito sa pamamagitan ng pagbabasa ng
mga aklat tungkol sa inhenyeriya. Sa Dapitan, nagamit niya ang kaalaman sa inhenyera nang magpatayo
siya ng isang sistemang patubig na magbibigay ng malinis na inumin sa taumbayan.

Ang mga inhinyero nga ngayon ay humahanga sa pagkakagawa ni Rizal ng ganoong sistema ng
patubig dahil alam nila ang kakulangan nito sa kagamitan at pondong pinansiyal. Kahit na walang tulong
mula sa pamahalaan, nagtagumpay si Rizal sa pagbibigay ng isang magandang sistemang patubig sa
Dapitan.

Isang Amerikanong inhinyero, si Ginoong H.F. Cameron, ang pumuri sa talinong ito ni Rizal:

Isa pang bantog at kilalang sistemang patubig ay yaong nasa Dapitan,


Mindanao, na ginawa ni Dr. Rizal habang siya’y desterado ng mga awtoridad na
Espanyol sa bayang iyon ... Ang patubig ay nagmumula sa batis sa kabundukang
nasa kabila ng ilog mula Dapitan at nilalandas ang bayan. Kung isasa-alang-alang
na hindi gumamit si Dr. Rizal ng dinamita para pasabugin ang batuhang bundok,
wala rin naman siyang iba pang kagamitan, liban na lamang sa kanyang angking
talino, talaga namang mapapahanga ka sa taong ito, na kahit na hindi umaayon ang
mga kondisyon, ay may tapang at lakas na loob sa pagpagawa ng isang patubig na
ang pansahig ay mga baldosang pambubong, na tinakpan ng kongkretong gawa sa
apog mula sa sinunog na korales. Ang haba ng tubigan ay ilang kilometro rin, at
paikotikot ito sa malalaking bato, sa pamamagitan ng mga tubong kawayan na
tinutungkuran ng mga bato o ladriyong pantalan, patungo sa mga deposito.

Mga Proyektong Panlipunan para sa Dapitan. Nang dumating si Rizal sa


Dapitan, nagpasiya siyang pauunlarin ito, sa tulong ng mga talinong biyaya sa kanya ng Diyos, at
gigisingin ang kamulatang pansibika ng taumbayan nito. Isinulat niya kay Padre Pastells: "Gusto kong
magawa ang Iahat ng kaya kong gawin para sa bayang ito.”

Bukod sa pagpapatayo ng unang sistemang patubigan dito, gumugol din siya ng ilang buwan para
alisin ang mga latiang nagiging sanhi ng malaria sa Dapitan. Bilang isang manggagamot na nagsanay sa
Europa, alam niyang kumakalat ang malaria dahil sa mga lamok na naninirahan sa mga basang lugar.

Ang P500 ibinayad sa kanya ng pasyente niyang Ingles ay ginamit niya para magkaroon ng
sistemang pang-ilaw ang Dapitan. Ang sistemang pang-ilaw noon ay binubuo ng mga lamparang langis ng
niyog na inilalagay sa madidilim na lugar ng Dapitan. Ang elektrisidad ay hindi pa nakararating sa Pilipinas.
Noon lamang 1894 nang magkaroon ng elektrisidad ang Maynila.

Isa pang proyektong pangkomunidad ni Rizal ay ang pagpapaganda ng Dapitan. Sa tulong ng


kanyang kaibigan at dating guro, si Padre Sanchez, naipaayos niya ang plasa ng bayan nang lalo itong
mapaganda. Biro pa nga niya na mas mainam kung kaya nitong "karibalin ang pinakamaganda sa Europa."
Sa harap ng simbahan, gumawa sina Rizal at Padre Sanchez ng isang malaking mapa ng Mindanao. Ang
mapang ito ay makikita pa rin sa plasa ng Dapitan.
Si Rizal bilang Guro. Mula pagkabata, batid ni Rizal ang kahalagahan ng mabuting
edukasyon. Sa kanyang mga paglalakbay, pinag-aralan niya ang sistemang pang-edukasyon ng mga
makabagong bansa. Siya mismo ay nagplanong magtatag ng isang modernong kolehiyo sa Hong Kong
para sa Pilipinong kalalakihan nang sa gayon ay maisanay niya ang mga ito sa mga modernong konsepto,
na noo’y hindi pa kilala sa Pilipinas.

Nagkaroon siya ng pagkakataong magamit ang mga ideya niya sa edukasyon nang mapatapon
siya sa Dapitan. Noong 1893, itinatag niya ang isang paaralan na tumagal hanggang sa matapos ang
kanyang destiyero noong Hulyo, 1896. Nagsimula siya sa tatlong mag-aaral, at habang tumatagal, naging
16, at kinalaunan, 21 ang kanyang mga estudyante. Sa kanyang liham kay Blumentritt noong Marso 13,
sinabi ni Rizal na mayroon siyang 16 na mag-aaral at ang mga ito ay walang matrikula. Sa halip, sila ang
nagtatrabaho sa kanyang halamanan, bukid, at mga proyektong pangkomunidad.

Tinuruan ni Rizal ang mga batang lalaki ng pagbasa, pagsulat, mga wika (Espanyol at Ingles),
heograpiya, kasaysayan, matematika (aritmetika at heometriya), gawaing industriyal, pag-aaral sa
kalikasan, mga moral, at gymnastics. Sinanay niya ang mga ito sa pangongolekta ng mga ispesimen ng
mga halaman at hayop, magmahal sa anumang gawain, at kung paano "kumilos na tulad ng lalaki."

Ang klase ay ginaganap mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon. Si Rizal, na siyang guro, ay
nakaupo sa duyan habang ang mag-aaral niya ay nakaupo sa isang mahabang bangko. Sa isang araw,
ang mga aralin ay tinatalakay sa Espanyol; sa susunod na araw, sa Ingles. Tulad sa Ateneo, ang
pinakamahusay na mag-aaral ay tinatawag na “emperador" at nakaupo siya sa puno ng bangko; ang
pinakamahina naman ay nasa kabilang dulo ng bangko.

Kapag rises, nagsisiga ang mga mag-aaral para maitaboy ang mga insekto, nagtatabas ng mga
puno, at naglalagay ng pataba sa lupa.

Kapag walang klase, hinikayat ni Rizal ang mga bata na maglaro para mapalakas ang kanilang
katawan. May gymnastics, wrestling, boksing, paglangoy, arnis, at pamamangka.

"Himno para sa Talisay.” Nagturo si Rizal sa kanyang paaralan sa kanyang tahanan sa


Talisay, malapit sa Dapitan, kung saan naroon din ang kanyang bukid at ospital. Ang paborito niyang lugar
doon, na kasama ang mga estudyante niyang lalaki, ay sa ilalim ng puno ng talisay na siyang pinagmulan
ng ngalan ng lugar. Bilang parangal sa Talisay, sinulat niya ang isang tulang may pamagat na "Himno para
sa Talisay" na inaawit ng kanyang mga mag-aaral.

“Himno para sa Talisay”

Sa Dapitan, mabuhanging dalampasigan


At mga batong nasa kabundukan
Iyon ang trono mong tahanang matatag,
Kabataan nati'y doon nagdaan
Sa mga parang mong puno ng bulaklak,
At iyong halamang silbing lilim sa’min,
Itong aming diwa'y napapatalas, Habang
kaluluwa’t katawa'y gumaganap.

Kami ang kabataang di pa nagtatagal sa daigdig


Ngunit mga kaluluwa'y malaya na sa dusa;
Maging matatag, malalakas na lalaki tayo kinabukasan, Na
magbabantay sa mga karapatan ng ating pamilya.
Mga batang lalaking walang kinatatakutan,
Kulog man, daluyong, o ulan
Mabilis ang kamay, matatag ang kalooban Sa
panganib, kami’y lalaban.

Sa mga laro, buhangi’y hahalu-haluin


Mga kuweba at kabutuhan, lilibutin
Sa batuhan, gagawa ng tahanan,
Lahat ng lugar kayang abutin
Kadiliman man o gabi
Di kayang manakot, ni manindak
Si Satanas ma’y di makaiimbento Buhay
o kamatayan? Harapin natin ito!

"Talisayan," tawag nila sa atin!


Malalakas na kaluluwa sa mumunting katawan
Dito sa Dapitan at iba pang bayan
Walang talisay na tulad nito'y kung tumaas
Di maihahambing sa'ting imbakan. Ating lusungan,
dagat na malalim! Walang bangka sa mundo'y iikot
Para sa sandaling ating-atin lamang.

Mga agham, ating pinag-aaralan;


Kasaysayan ng ating Inang Bayan;
Sa tatlong wika o apat ma'y bihasa; Dulot
ay katwiran at pananampalataya.
Ating mga kamay, minsa’y nakagagawa
Ang layag at gawain ng espada at panulat,
Ang maso ng mason sa lalaking malakas Mga
kasama at mga baril at espada.

Mabuhay, mabuhay, O madahong Talisay! Sama-


sama kaming sa’yo nagpupugay
Makinang na bituin, at tanging yaman namin.
Diwa ng ating kabataan at pang-alo nito
Ang labanan, bawat isa’y hinihintay
Sa pagdurusa at kagipitan,
Iyong alaala ay kahali-halina,
At sa puntod, iyong ngalan, iyong katahimikan.

KORO

Mabuhay, O Talisay! Matatag


at matibay
Laging inspirasyon, Lakad
na maginoo.
Mga bagay, sa lahat ng lugar Sa
dagat, lupa, at hangin
Ikaw ang mangingibabaw.

Mga Kontribusyon sa Agham. Sa Mindanao, nakakita si Rizal ng mayaman na lupain


para sa pangangalap ng mga ispesimen. Sakay ng kanyang baroto at kasama ang ilang estudyante,
ginalugad nila ang gubat at baybay-dagat, naghahanap ng mga ispesimen ng mga insekto, ibon, ahas,
butiki, palaka, kabibi, at halaman. Ipinadala niya ang mga ispesimen sa museo ng Europa, lalo na sa
Museo ng Dresden. Bilang kabayaran sa mahahalagang ispesimen na ito, pinadalhan siya ng mga
siyentipikong Europeo ng mga aklat pang-agham at instrumento sa pag-oopera.
Sa apat na taon ng pagkakapatapon sa kanya sa Dapitan, nakalikom si Rizal ng mayaman na
koleksiyon ng konkolohiya na binubuo ng 346 na kabibi na kumakatawan sa 203 species.

Nakatuklas siya ng ilang pambihirang ispesimen na ang ngalan ay isinunod sa kanya ng mga
siyentipiko. Kabilang dito ang Draco rizali (lumilipad na butiki), Apogonia rizali (maliit na uwang), at
Rhacophorus rizali (kakaibang palaka).

Nagsagawa rin si Rizal ng mga pag-aaral sa antropolohiya, etnograpiya, arkeolohiya, heolohiya, at


heograpiya, gaya ng ipinakikita ng kanyang napakaraming liham sa mga kaibigang siyentipiko sa Europa.
Talagang walang hangganan ang kanyang talino sa siyensiya.

Pag-aaral sa Wika. Isinilang na linggwista, ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pag-aaral sa


mga wika. Sa Dapitan, natuto siya ng Bisaya, Subanum, at mga wikang Malay. Sumulat siya ng isang
gramatikong Tagalog, gumawa ng paghahambing sa mga wikang Bisaya at Malayo, at pinag-aralan ang
mga wikang Bisaya (Cebuan) at Subanum.

Noong Abril 5, 1896, huling taon ng kanyang destiyero sa Dapitan, sumulat siya kay Blumentritt:
"Alam ko nang magsalita ng Bisaya at maayos naman ako sa wikang ito; gayunman, kailangan ko pa ring
matutunan ang iba pang diyalekto ng Pilipinas.” Sa panahong ito, maihahanay na si Rizal sa mahuhusay
na linggwista sa buong daigdig. Marunong siya ng 22 wika: Tagalog, Ilokano, Bisaya, Subanum, Espanyol,
Latin, Griyego, Ingles, Pranses, Aleman, Arabiko, Malay, Hebreo, Sanskrit, Olandes, Catalan, Italyano,
Tsino, Nipponggo, Portuges, Swisa, at Ruso.

Mga Gawaing Masining. Ipinagpatuloy din ni Rizal ang kanyang mga masining na gawain.
Sa pamamagitan ng kanyang talino sa pagpinta, natulungan niya ang mga Madre ng Kawanggawa sa
paghahanda ng altar ng Mahal na Birhen sa kanilang kapilya. Para makatipid, ang ulo ng imahen ay "binili
mula sa ibang bayan." Ang damit, na nagkukubli sa buong katawan ng imahen, liban sa paa, na nakatayo
sa isang globo na pinalilibutan ng ahas na may mansanas sa bibig, ay ginawa ng mga madre. Si Rizal ang
gumawa ng kanang paa ng imahen, mansanas, at ulo ng ahas. Siya rin ang nagdisenyo ng magarang
kurtina, na sa ilalim ng kanyang pangangasiwa ay ipininta ng isang pintor na madre.

Iginuhit din ni Rizal ang ilang tao at bagay sa Dapitan na nakaakit sa kanya. Iginuhit niya,
halimbawa, ang tatlong kakaibang nakaakit sa kanya. Iginuhit niya, halimbawa, ang tatlong kakaibang uri
ng hayop—ang butiki, palaka, at uwang—na natuklasan niya. Gumuhit din siya ng maraming isdang
nahuhuli sa katubigan ng Dapitan.

Isang araw noong 1894, ilan sa mga mag-aaral niya ang lihim na nagtungo sa Dapitan sakay ng
isang bangka mula Talisay; isang tuta ng Syria (aso ni Rizal) ang nagtangkang sumunod sa kanila at
nakain ito ng buwaya. Pinagalitan sila ni Rizal dahil hindi nila sinunod ang kanyang biling huwag pupunta
sa bayan nang wala siyang pahintulot. At kung di rin dahil sa ginawa nila, di-namatay ang tuta at di-
nagdadalamhati ang ina nito. Para bigyang-diin ang aral ng karanasang ito, gumawa si Rizal ng isang
istatwa ng isang buwayang pinapatay ng isang aso bilang paghihiganti sa tutang namatay, at tinawag niya
itong "Paghihiganti ng Ina."

Ilan pang nililok ni Rizal ay ang rebulto ni Padre Guerrico (isa sa mga guro niya sa Ateneo), istatwa
ng isang batang babaing pinamagatan niyang "Ang Batang Babae ng Dapitan," kahoy na lilok ni Josephine
Bracken (kanyang asawa), at ang rebulto ni San Pablo na ibinigay niya kay Padre Pastells.

Si Rizal bilang Magsasaka. Sa Dapitan, naglaan si Rizal ng malaking panahon sa


agrikultura. Bumili siya ng 16 na ektarya ng lupa sa Talisay, kung saan niya itinayo ang kanyang bahay,
paaralan, at ospital. Nagtanim siya rito ng kakaw, kape, tubo, niyog, at punong namumunga. "Ang lupa ko,"
isinulat niya sa kapatid na si Trinidad," ay kalahating oras ang layo mula sa dagat. Napakaganda rito.
Kung ikaw at ating mga magulang ay maninirahan dito, magpapatayo ako ng malaking bahay na matitirhan
nating lahat.” Kinalaunan, bumili pa siya ng lupain hanggang sa umabot sa 70 ektarya ang pag-aari niyang
tinamnan ng 6,000 puno ng abaka, 1,000 puno ng niyog, at maraming punong namumunga, tubo, mais,
kape, at kakaw.

Sa kanyang bukirin, ipinakilala ni Rizal ang mga modernong paraan ng agrikultura na natutunan
niya sa Europa at Amerika. Tinutulungan siya ng kanyang mag-aaral sa mga gawain sa araw-araw.
Hinikayat niya ang mga magsasaka sa Dapitan na iwaksi na ang sinaunang paraan ng pagsasaka at
gamitin ang modernong paraan ng agrikultura. Nagangkat siya ng mga makinarya mula sa Estados Unidos.

Pinangarap ni Rizal na magtatag ng isang kolonyang agrikultural sa sitio ng Ponot, malapit sa


Lawang Sindagan, kung saan malakas ang daloy ng tubig at mainam ang pasilidad na pantalan.
Naniniwala siyang magandang lugar ito para tamnan ng kape, kakaw, niyog, at mag-alaga ng mga baka.
Inanyayahan niya rito ang mga kamag-anak at kaibigan niya, lalo na yaong mga taga-Calamba, na
magtungo sa pinaplano niyang kolonyang agrikultural. "Magtatatag tayo ng bagong Calamba,” isinulat niya
kay Hidalgo, ang kanyang bayaw. Sa kasamaang palad, hindi natupad ang pangarap na ito dahil hindi ito
itinaguyod ng pamahalaan.

Si Rizal bilang Negosyante. Bukod sa pagsasaka, naging negosyante rin si Rizal. Sa


pakikipagsosyo kay Ramon Carreon, isang negosyante sa Dapitan, naging matagumpay sila sa mga
industriya ng pangingisda, kopra, at abaka. Inanyayahan niya ang kanyang mga kamag-anak na magpunta
sa Mindanao, dahil "mayroong malawak at tamang-tamang
larangan sa pagnenegosyo" sa isla. Sinabi niya kay Saturnina na sa Dapitan ay maaari siyang
magnegosyo ng mga tela, alahas, at abaka.

Sa liham niya kay Hidalgo noong Enero 19, 1893, ipinahayag niya ang kanyang plano na
mapaunlad ang industriya ng pangingisda ng Dapitan. Sinabi niya na ang bayan ay may magandang
dalampasigan tulad ng sa Calamba, at sagana sa isda ang dagat; gayunman, ang mga mangingisda, na
sinauna pa ang paran ng pangingisda, ay kaunti lamang ang huli. Kaya inatasan niya si Hidalgo na
hanapan siya ng mabibiling malaking lambat para sa pangingisda at padalhan siya ng dalawang
mahuhusay na mangingisdang taga-Calamba na magtuturo sa mga taga-Dapitan ng mas mainam na
paraan ng pangingisda.

Ang pinakamatagumpay na negosyo ni Rizal sa Dapitan ay sa industriya ng abaka. Sa isang


pagkakataon, nakapagluwas siya ng 150 paldo ng abaka sa dayuhang kompanya sa Maynila, at tumubo
siya at kanyang kasosyo nang malaki. Bumili siya ng abaka sa Dapitan sa halagang P7 at 4 na reales para
sa isang pikul, at ibinenta niya ito sa Maynila ng P10 at 4 na reales, kaya tumubo siya ng P3 bawat pikul.
Sa kanyang liham kay Blumentritt noong Hulyo 31, 1894, sinabi niya: "Upang magpalipas ng oras at
matulungan ang mga tagarito, naging mangangalakal na ako. Bumili ako ng abaka at ipinaluwas ito sa
Maynila. Kinasihan ako ng kapalaran ngayong buwan. Tumubo ako ng P200 sa isang iglap.”

Noong Mayo 14, 1893, itinatag ni Rizal ang negosyo nila ni Ramon Carreon (negosyante sa
Dapitan) sa paggawa ng apog. Ang kanilang pagawaan ng apog ay nakagagawa ng mahigit na 400 bag ng
apog buwan-buwan.

Para mabali ang monopolyo ng mga Tsino sa pagnenegosyo sa Dapitan, itinatag ni Rizal noong
Enero 1, 1895 ang Asosasyong Kooperatiba ng mga Magsasaka ng Dapitan. Ayon sa konstitusyon nito, na
siya rin ang sumulat, ang mga layunin ng kooperatiba ay “mapaunlad ang mga produktong agrikultural,
makakuha ng mas magandang pamilihan para sa mga produkto, mangolekta ng pondo para sa pamimili, at
matulungan ang mga prodyuser at manggagawa sa pagtatatag ng isang tindahan kung saan makabibili ng
mga pangunahing bilihin sa mababang presyo.”

Si Rizal bilang Imbentor. Isang bagay na di alam ng marami ay ang katotohanang si Rizal
ay isa ring imbentor. Maaalalang noong 1887, habang nagsasanay ng medisina sa Calamba, naimbento
niya ang lighter ng sigarilyo na iniregalo niya kay Blumentritt. Tinawag niya itong "sulpukan." Ang
kakaibang lighter na ito ay gawa sa kahoy. "Ang mekanismo," sabi ni Rizal, "ay batay sa prinsipyo ng
hanging may presyon."

Sa Dapitan, naimbento niya ang isang makinaryang gawaan ng ladrilyo. Ang makinang ito ay
kayang gumawa ng 6,000 ladrilyo araw-araw. Kaya isinulat ni Rizal kay Blumentritt noong Nobyembre 20,
1895: "Bumuo ako ng isang kahoy na makinang gawaan ng mga ladrilyo, at naniniwala akong
makagagawa ito ng humigit-kumulang 6,000 ladrilyo sa isang araw ... Noong ako ay nasa Belhika, nakita
ko ang paggawa ng ladrilyo nang walang hurno, at sa pagbisita ko sa Baden, nakita ko ang pagpaparami
ng ladrilyo. Sa palagay ko, sa Bohemya, gumagawa sila ng ladrilyo na ibang pamamaraan; kung gayon
man, maaari bang ipaalam mo sa akin kung paano hinuhurno ang mga ladrilyo nang walang gaanong
aksaya.”

"Mi Retiro," Noong Pebrero 1895, nagbalik sa Maynila si Doña Teodora, na muli nang
nakakakita. Sa matagal niyang paninirahan sa Dapitan, nakita niya kung gaano kaabala ang kanyang
matalinong anak at nanghihinayang siya na napabayaan nito ang pagsulat. Kaya hinilingan ng ina ang
anak na sumulat muli ng tula.

Bilang pagbibigay sa ina, sinulat ni Rizal ang napakagandang tula tungkol sa payapa niyang buhay
bilang desterado at ipinadala niya ito sa kanyang ina noong Oktubre 22, 1895. Ang tulang ito ay "Mi Retiro"
na sinasabi ng mga kritiko na isa sa pinakamahusay na isinulat ni Rizal. Ito ang kanyang tula.

Ang Aking Pamamahinga

Sa dalampasigan kung saan pino ang buhangin


Sa paanan ng bundok, na nilatagan ng lunti
Doo'y itinayo ang munti kong bahay sa saganang lilim; Mula
sa gubat, naghahanap ng kapayapaa't katahimikan.
Pahinga sa pagal na utak at katahimikan sa puso’t damdamin.

Ang atip ng bubong ay abang pawid, sahig ay kawayan.


Mga haligi't poste'y mula sa kahoy na magaspang;
Sa kubo kong ito lahat ay walang kahalagahan, Mas mabuti
pang humimlay sa kandungan ng kabundukan Na abot ng bulong
at awit ng dagat sa dalampasigan.

Mula sa gubat may batis na umaawit


Nakikipaglaro sa batuhan, at sa pag-ikit,
Bagong batis, susungaw mula sa kawayan; Sa
katahimikan ng dilim, bubulung-bulong, Sa init ng araw,
kristal na bukal mapalulundag.

Langit ay payapa, banayad ang agos,


Taginting ng kanyang gitara, di matatapos;
Agos di papipigil, sa ulang todo ang buhos Sa
nakahambalang na bato, bumubula, kumukulo Umuungol
walang kawawaan, sa dagat patakbo.
Sa ungol ng aso, sa awit ng ibon,
At sa kalaw na paos ang tinig;
Ni boses ng palalo ay di marinig; Aking
isip at pagkilos ay guguluhin; Tanging ang gubat
ang aking kapiling.

Ang dagat, o, ang dagat, para nga sa'kin,


Ngunit pag dumaluhong, mundo’y hahatiin;
Ngiti niya sa umaga, siya ang dulot sa'kin, Kung
sa dilim, pananalig ay manimdim, Kanyang bulong ay
ihahatid sa'kin.

Sa gabi, dakilang palabas ng kahiwagaan,


Libu-libong liwanag, ihahasik sa kawalan,
Mula sa makinang na langit, may sasabog,
Habang ang agos ay mapabubuntong-hininga-- Alamat
na naglaho sa kanilang paglalakbay.

Kwento'y tungkol sa unang dating na silahis,


At sa mundo ang liwanag ay nagsipaglaro;
Mula sa wala, ang kinapal ay dumami
Sa kalaliman, sa kapatagan, maging sa gubat Basta’t
maabot ng halik na nagbibigay-buhay.

Ngunit kung sa gabi’y hanging mailap ay magising,


At ang alon sa kanyang galit ay lulundag,
Mula sa hangi'y may sigaw sa isip ko’y maninindak;
Mga tinig na nagdarasal sa salit ng awit at ungol Ng
pananaghoy ng kaluluwang naipit sa ilalim.

Mula sa taghoy ng kabundukan,


Mga puno'y nanginig, halama’y nangatog,
Lahat doo'y sa pagkabalisa’y umungol, Sa
paanyaya ng mga ulilang kaluluwa Na sila’y
saluhan sa pista ng kamatayan.

Sa ligalig, takot, sa gabi'y may bumulong,


Sa dagat, bughaw, lunting apoy ang sumulong;
Ngunit sa umaga’y kapayapaan umusbong,
Matatapang na mangingisda'y sinalubong Nanahimik ang
lunday, pati na ang alon.

Ganyan nga ang takbo ng buhay kong nag-iisa;


Mula nang maitaboy sa mundong dati'y kakilala,
Kapalaran ko'y aking binubulay-bulay;
Bahaging limot na, ang lumot na ang papawi,
Nang maikubli sa sangkatauhan, ‘tong mundong akin.

Nabubuhay ako sa pagmamahal ng mga iniwan


At di malilimot ang kanilang mga ngalan;
May mga nagsipaglayo; may nagsipagpanaw;
Ngayo’y magkakaisa kung aking babalikan Ang ating
nakaraang di kayang lagutin.
Dahil sa isang kaibigang laging kapiling,
Sa gitna ng lungkot, sigla siya sa'king damdamin;
Habang sa lalim ng gabi, nagdarasal, nagbabantay, Kasa-
kasama ko sa pagkakatapong malungkot isipin Aking pananalig
kanyang pasisiglahin.

Sa aking pananalig, inaasahang kuminang Sa


araw na maghahari sa lakas yaring isipan; Kung
lumipas din itong kamataya’t karahasan. May ilang tinig
na sisigaw, dala ng kaligayahan Sa tagumpay ng
matwid nating awitan.

Nakikita ko ang langit, makinang, maaliwalas


Gaya noong aking bukuin sa hagap ng aking pagmalas;
Dama ko ang hanging itong humalik sa noo’y nananakit
Dama ko rin ang apoy, nag-aalab, nagpapainit Sa dugong
gulung-gulo’y ito’y pampagising.

Nilalanghap ko ang simoy ng hangin dito'y marahil nagdaan


Sa mga ilog, mga bukirin nitong bayang sinilangan;
At nawa’y sa pagbalik ay kanilang hatid sa akin Buntong-hininga
ng mahal kong malayo sa’king piling-- Matatamis na bulong mula sa
pag-ibig na unang akin.

Makita ang buwang marilag sa langit na abuhin


Malungkot na kaisipan, sa puso ko’y dadamhin; Naaalala ang
tapat nating sumpaan.
Sa bukid, sa dalampasigan, sa harding bulaklakin Pasulpot-
sulpot na tuwa, nanahimik, buntong-hininga.

Paruparong naghahanap ng bulaklak at liwanag,


Malalawak na lupain, laman ng kanyang isip;
Musmos pa'y tahanan at pag-ibig nilisan na,
Naglalayag nang lumaya’t walang bumabagabag— Kaya
pinili'y dayuhang lupa at doo'y nagsaya.

Tulad ng ibong nangungulila't nanghihina


Sa tahanan ng ama, mga minamahal ay binalikan,
Ngunit may sigwang malakas, ugong animo'y halimaw Kaya
aking bagwis ay nasugatan, sa tahana’y di na nakabalik Pagtitiwala’y
ibinenta ko at ang guho’y sinunog ko.

Pinalayas sa lupang sadya kong sinasamba.


Kapalaran ko'y madilim, ni kanlungan ay wala; Na
muling susungaw sa aking panaginip,
Tanging yaman ng buhay kong puno ng hapis.
Pananalig ng kabataa’y tapat at malinis.

Ngunit di sintanda, puno pa ng buhay at sigla,


Aasa ka pa ba sa walang kamatayang gantimpala;
Mas malungkot ka ngayon; bakas sa mukha mong nagmamahal,
Gayong nananatiling tapat ang mapupusyaw na gatla Na tanda ng
katapatan kailangan mong bantayan.

Alay mo ngayo’y panaginip nang lungkot ay mapawi


Panahon ng kabataan ko'y sa’yo muling pasisilip;
Kaya salamat, o sigwang biyaya ng langit sa akin, Batid
mong kailangang magwakas na yaring kabaliwan At ako’y
magbalik na sa mahal na lupang sinilangan.

Sa dalampasigan kung saan pino ang buhangin


Sa paanan ng bundok, na nilatagan ng lunti
Doo’y itinayo ang munti kong bahay sa saganang lilim;
Mula sa gubat, naghahanap ng kapayapaa’t katahimikan.
Pahinga sa pagal na utak at katahimikan sa puso’t damdamin.

Si Rizal at si Josephine Bracken. Sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng kabigatan ng


gawain sa araw, madalas ding nalulungkot si Rizal. Hinahanap-hanap niya ang kanyang pamilya at iba
pang kamag-anak, mga kaibigan sa dayuhang lupa, ang kahali-halinang buhay sa mga lungsod sa Europa,
at masasayang araw sa Calamba. Ang pagkamatay ni Leonora Rivera noong Agosto 28, 1893 ay nag-iwan
ng malaking puwang sa kanyang puso. Kailangan niya ng isang taong makapagpapasaya sa kanya sa
pagiging malungkot na desterado.
Sa awa ng Diyos, ang "taong ito" ay dumating sa Dapitan, na parang silahis ng araw na humawi sa
kanyang malungkot na diwa. Siya si Josephine Bracken, isang Irlandes na 18 taong gulang, "balingkinitan,
may buhok na kulay kastanyas, asul ang mga mata, simpleng manamit, at masayahin." Siya ay isinilang sa
Hong Kong noong Oktubre 3, 1876 kina James Bracken, korporal sa himpilan ng mga Ingles, at Elizabeth
Jane MacBride. Namatay ang kanyang ina sa panganganak, at inampon siya ni G. George Taufer, na
kinalaunan ay nabulag.

Walang espesyalista sa mata sa Hong Kong na makapagpagaling kay G. Taufer kaya nagtungo
siya sa Maynila, kasama ang kanyang ampong si Josephine, para hanapin ang kilalang siruhano sa mata,
si Dr. Rizal. Napag-alaman nilang nasa Dapitan si Rizal kaya nagtuloy sila doon—kasama ang Pilipinang si
Manuela Orlac. Ipinakita nila kay Rizal ang kard ng pagpapakilala ni Julio Llorente, kaibigan at kaeskuwela
niya.

Nagkaibigan sina Rizal at Josephine sa unang pagkikita pa lamang. Pagkaraan ng isang buwang
ligawan, nagkasundo silang magpakasal. Ngunit si Padre Obach, ang pari ng Dapitan, ay tumangging
ikasal sila kung wala silang permiso mula sa Obispo ng Cebu.

Nang malaman ni G. Taufer ang plano nilang pagpapakasal, nagalit siya. Hindi niya makayanan
ang mawala sa piling niya si Josephine kaya nagtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng paggilit
ng lalamunan. Ngunit napigilan siya ni Rizal. Para maiwasan ang ganitong trahedya, sinamahan ni
Josephine si Taufer sa Maynila. Ang bulag na lalaki ay hindi mapagaling dahil ang pagkabulag niya ay
sanhi ng sakit sa babae kaya wala nang lunas.

Nagbalik sa Hong Kong nang mag-isa si G. Taufer. Naiwan sa Maynila si Josephine at


pansamantala siyang nanirahan sa pamilya ni Rizal. Kinalaunan ay nagbalik siya sa Dapitan. Dahil walang
paring magkakasal sa kanila, naghawak-kamay sina Rizal at Josephine, at sa harap ng Diyos ay
ipinahayag nila ang pagiging mag-asawa. Nabuhay sila bilang mag-asawa. Siyempre, naiskandalo si Padre
Obach, at pinagpistahan sila ng tsismis sa Dapitan.

Masayang namuhay sina Rizal at Josephine sa Dapitan. Sa ilang liham niya sa kanyang pamilya,
pinuri ni Rizal si Josephine at sinabing napakasaya niya sa piling nito. Hindi na siya nalulumbay. Ang
Dapitan, para sa kanya, ay isa nang langit.

At minsan, sumulat ng isang tula si Rizal para kay Josephine:


Josephine, Josephine

Ikaw na siyang napadpad sa baybaying ito


Naghahanap ng pugad, bagong tahanan,
Tulad ng isang naglalayag na ibon
Sakaling kapalara'y ikaw dalhin
Sa Japan, Tsina, o Shanghai, Huwag
kalilimutang sa baybaying ito May pusong
tumitibok para sa iyo.

Sa unang bahagi ng 1896, naging napakasaya ni Rizal dahil nabuntis si Josephine. Sa kasamaang
palad, sa pagbibiro ni Rizal, natakot si Josephine at nalaglag ang walong buwan na sanggol sa kanyang
sinapupunan. Ang sanggol na lalaki ay nabuhay lamang ng tatlong oras. Ang namatay na anak ay
pinangalanang "Francisco" ni Rizal, bilang parangal kay Don Francisco (kanyang ama), at inilibing sa
Dapitan.

Si Rizal at ang Katipunan. Habang ipinagluluksa ni Rizal ang kanyang anak, unti-unti ring
dumidilim ang kalangitan sa bansa. Si Andres Bonifacio, ang "Dakilang Anakpawis, " ay nagpupursige para
sa isang rebolusyon. Ang lihim na samahang itinatag niya noong Hulyo 7, 1892 ay tinawag na Katipunan at
parami na ng parami ang mga kasapi nito.

Sa isang lihim na pulong ng Katipunan sa isang maliit na ilog na kung tawagin ay Bitukang Manok,
malapit sa bayan ng Pasig, noong Mayo 2, 1896, napagkasunduang si Dr. Pio Valenzuela ang magiging
sugo sa Dapitan nang sa gayon ay maipaalam kay Rizal ang balak ng Katipunan na maglunsad ng
rebolusyon alang-alang sa kalayaan.

Noong Hunyo 15, umalis ng Maynila si Dr. Valenzuela sakay ng barkong Venus. Para maitago ang
kanyang misyon ay nagsama siya ng isang bulag, na ang ngalan ay Raymundo Mata, at isang gabay. Sa
ganitong paraan, iisiping hihingi lamang siya ng payo ukol sa panggagamot mula sa dalubhasang si Rizal.

Dumating si Dr. Valenzuela sa Dapitan noong gabi ng Hunyo 21, 1896. Si Rizal, na talagang
mabuting maybahay, ay malugod na tinanggap si Dr. Valenzuela. Pagkatapos ng hapunan, ang dalawa ay
masinsinang nag-usap sa hardin. Sinabi ni Valenzuela kay Rizal ang plano ng Katipunan at ang
pangangailangan ng kanyang suporta.

Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mapangahas na balak ni Bonifacio na isulong ang bansa sa isang
madugong rebolusyon. Naniniwala siyang hindi pa lubusang handa ang kilusan dahil sa dalawang bagay;
(1) hindi pa handa ang taumbayan, at (2) kailangan pang mangalap ng pondo at armas bago maging handa
sa isang rebolusyon. Hindi rin niya sinangayunan ang isa pang plano ng Katipunan hinggil sa pagliligtas sa
kanya dahil nagbitiw na siya ng pangako sa mga awtoridad na Espanyol at wala siyang balak na sirain ito.

Nagprisintang Doktor ng Militar sa Cuba. Ilang buwan bago makipagugnayan ang


Katipunan sa kanya, inialay na ni Rizal ang kanyang serbisyo bilang isang doktor-militar sa Cuba, na noo’y
nasa gitna ng digmaan at papalawak na epidemya ng yellow fever. Mayroon noong kakulangan sa mga
manggagamot na tutulong sa pangangailangang medikal ng mga tropang Espanyol at mga mamamayan
ng Cuba. Si Blumentritt ang nagsabi sa kanya tungkol sa kalunus-lunos na kalagayan sa Cuba at
pinayuhan siyang maghandog ng tulong-medikal doon.
Bilang pagtalima sa payo ni Blumentritt, sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Ramon Blanco,
ang humalili kay Despujol, noong Disyembre 17, 1895, at naghandog ng kanyang serbisyo bilang doktor
ng militar na ipadadala sa Cuba. Ilang buwan ang lumipas ngunit wala siyang natatanggap na sagot mula
sa Malacañang. Nawalan na siya ng pag-asa na matanggap ang kanyang inaalok sa pamahalaan.

Kung kailan hindi niya inaasahan, isang liham mula kay Gobernador Blanco, na may petsang Hulyo
1, 1896, ang dumating sa Dapitan, at nagpapaalam na tinatanggap ng pamahalaan ang kanyang alok. Ang
liham, na dumating noong Hulyo 30, ay nagsasaad na isang Komandante Politiko Militar ng Dapitan ang
magbibigay sa kanya ng isang permiso para makabalik siya sa Maynila, kung saan siya bibigyan ng
pasaporte para makapunta sa
Espanya, “at doon nama'y aatasan siya ng Ministro ng Digmaan sa Mga Operasyong Sandatahan
sa Cuba, na maitalaga sa pangkat mediko.”

"Ang Awit ng Manlalakbay.” Ganoon na lamang ang tuwa ni Rizal sa pagtanggap sa


masayang balita mula Malacañang. Sa wakas, malaya na siya! Muli ay makapaglalakbay siya sa Europa at
pagkaraan sa Cuba. Sa kanyang galak ay naisulat niya ang makabagbag-damdaming tulang "El Canto del
Viajero" (Ang Awit ng Manlalakbay):

Ang Awit ng Manlalakbay

Tulad ng dahong nalanta’t nalagas,


Poste’t sa poste, inihagis nang marahas;
Isang manlalakbay na wala nang layon Wala nang
pag-ibig, kaluluwa, ni nayon.

Hinahabul-habol yaong kapalaran;


Na naging mailap, mahirap hawakan,
Bigo man ang hinahanap niyang pag-asa Tawirin
man ang dagat, gagawin niya.

Sa udyok ng di-nakikitang lakas,


Silangan pa-kanluran, kanyang ginalugad; Mga
minamahal ay hinahanap-hanap, Pinapangarap ang
araw ng pamamahinga.

Kapalara'y dalhin siya sa disyertong mapanglaw,


Kanlungan ng kapayapaa'y sa kanya'y ipataw;
Kalauna'y malilimot ng mundo, maging bayan niya,
Hihinto sa paglalakbay, kaawaan ng Diyos kanyang kaluluwa!

Sa manlalakbay, maraming inggit sa kanya,


Tulad niya raw ay ibong may laya;
Hindi lamang nila batid ang lungkot Na
sa kanyang puso ay bumabalot.

Sa mga minamahal sa buhay


Siya'y magbabalik balang araw, Sasalubong sa
kanya'y mga guho lamang At puntod ng kanyang
mga kaibigan.

Hala, manlalakbay! Huwag nang magbalik,


Estranghero na sa bayang sinilangan; Hayaang
ibang puso ay magsiawit, Magpatuloy ka sa'yong
paglalakbay.

Hala, manlalakbay! Huwag nang magbalik


Tuyuin ang luhang kanina'y umagos;
Hala, manlalakbay! Kalimutan ang ‘yong dusa, Masayang
tinatawanan ng mundo ang lungkot ng tao.

Paalam, Dapitan. Noong Hulyo 31, 1896, nagwakas ang apat na taong pagkakapatapon kay
Rizal sa Dapitan. Nang hatinggabi ng petsang iyon, sumakay siya sa barkong España. Kasama niya si
Josephine, Narcisa, Angelica (anak ni Narcisa), tatlong pamangkin na lalake, at anim na estudyante. Halos
lahat ng taga-Dapitan, bata man o matanda, ay nasa pantalan para ihatid siya. Marami ang lumuha nang
pumalaot na ang barko—lalo na ang ibang mag-aaral na may kahirapan kaya hindi sila nakasama sa
mahal nilang guro sa Maynila. Bilang musika ng pamamaalam, tinugtog ng banda ang makapanindig-
balahibong Funeral March ni Chopin. Habang inihahatid ng hangin ang napakalungkot na melodiya,
nararamdaman marahil ni Rizal ang nalalapit niyang kamatayan.

Habang pumapalaot ang barko, tinapunan ni Rizal ng huling tanaw ang Dapitan at kumaway sa
mababait na tagaroon, dala-dala sa kanyang puso ang magagandang alaala ng pagkakatira niya roon.
Nang hindi na niya maaninag ang dalampasigan ng Dapitan, malungkot siyang nagtungo sa kanyang silid
at nagsulat sa kanyang talaarawan: “Nanirahan ako sa distrito ng apat na taon, labintatlong araw, at ilang
oras."

*****
KABANATA 23
HULING PANGINGIBANG-BAYAN
(1896)
Hindi na desterado, naging maganda ang paglalakbay ni Rizal mula Dapitan
pa-Maynila, na may pagtigil sa Dumaguete, Cebu, Iloilo, Capiz, at Romblon. Hindi
niya naabutan ang barkong Isla de Luzon, na pumalaot papuntang Espanya isang
araw bago siya lumapag sa Maynila. Habang naghihintay sa susunod na barko pa-
Espanya, naging "panauhin" siya sa barkong Espanyol na Castilla. Samantala,
noong Agosto 26, 1896, naganap ang Sigaw sa Balintawak na naghudyat ng
paglunsad ng rebolusyong pinamunuan ni Andres Bonifacio at ng Katipunan. Si
Rizal, na nangangamba sa lumalalang pag-aalsa, ay umalis patungong Espanya
sakay ng Isla de Panay noong Setyembre 3, 1896. Ito na ang huli niyang
pangingibang-bayan.
Mula Dapitan pa-Maynila. Umalis ng Dapitan noong hatinggabi ng Hulyo 31,
1896, ang España, sakay si Rizal at mga kasama niya, ay pumalaot pa-hilaga.
Nang madaling-araw kinabukasan (Sabado, Agosto 1), dumaong ito sa Dumaguete,
kabisera ng Negros Oriental. "Ang Dumaguete," isinulat ni Rizal sa kanyang
talaarawan, "ay nakalatag sa dalampasigan. Malalaki ang bahay dito, ang ilan ay
may bubong na yero. Pinakamaganda ang bahay ng isang babae na ang ngalan ay
nalimutan ko na na inookupa ng pamahalaan at isa pang katatayo lamang at may
mga haliging ipil."
Sa Dumaguete, binisita ni Rizal ang isang kaibigan at dating kaklase, si
Herrero Regidor, na naging huwes ng lalawigan. Binisita rin niya ang iba pang
kaibigan, kabilang na rito ang mga pamilyang Periquet at Rufina. Kinahapunan,
inoperahan niya ang isang kapitang Espanyol ng Guardias Civiles.
Umalis ang España sa Dumaguete nang ala una ng hapon at nakarating sa
Cebu ng sumunod na umaga. Nabighani si Rizal sa pagpasok pa lamang ng Cebu
na itinuturing niyang "maganda." Sa bahay ng abogadong si Mateos, nakilala niya
ang matandang mag-asawang nakilala niya sa Madrid. "Sa Cebu," isinulat niya sa
kanyang talaarawan, "dalawang operasyon ng strabotomiya ang ginawa ko, isang
operasyon sa tainga, at isa sa isang tumor."
Noong umaga ng Lunes, Agosto 3, nilisan ni Rizal ang Cebu papuntang Iloilo.
"Mainam ang aming biyahe," isinulat niya, "at sa gawing kanan, natanaw namin ang
Mactan, islang nakilala sa kinasapitan ni Magellan. Ang maghapon ay naging
maganda ... Maraming isla ang aming nakita ... Nang sumunod na araw, noong
umaga, narating namin ang Iloilo ..."
Lumapag si Rizal sa Iloilo, namili sa lungsod, at dumalaw sa Molo. Sa
simbahan ng Molo, sinabi niya: "Ang simbahan ay maganda kahit sa labas pa
lamang, ang loob nito'y di rin naman kapangitan, lalo pa't ito'y pinintahan lamang ng
isang binatilyo. Ang mga larawan ay karaniwang kopya lamang ng mga eksenang
iginuhit ni Gustave Dore."
Mula Iloilo, ang barko ni Rizal ay pumalaot papuntang Capiz. Sandaling
tumigil ito rito bago nagtuloy sa Maynila sa pamamagitan ng pagdaan sa Romblon.
Hindi Naabutan ni Rizal ang Barkong Pa-Espanya. Ang España ay
dumaong sa Lawa ng Maynila noong umaga ng Huwebes, Agosto 6, 1896. Sa
kasamaang palad, hindi naabutan ni Rizal ang barkong Isla de Luzon na papuntang
Espanya dahil pumalaot na ito ng alas singko ng hapon ng nakaraang araw. Lubos
siyang nalungkot ngunit tinanggap niya ang kamalasang ito.
Sa sulat niya kay Blumentritt, binanggit ni Rizal ang kabanatang ito, "Sa
kasamaang-palad, hindi ko naabutan ang barkong pa-Espanya, at nangangambang
ang pagtigil ko sa Maynila sa loob ng isang buwan ay magdulot lamang sa akin ng
kaguluhang nasabi ko na sa gobernador-heneral, habang nandito sa barko
(España-z). Ang aking hangaring mapag-isa, liban sa makapiling ang aking
pamilya."
Nang maghahatinggabi ng araw na iyon, Agosto 6, inilipat si Rizal sa barkong
Espanyol na Castilla, sunod sa utos ni Gobernador Heneral Ramon Blanco.
Binigyan siya ng magandang akomodasyon ng kapitan, si Enrique Santalo, na
nagsabi sa kanya na hindi siya isang preso, kundi isang panauhing tumitigil lamang
sa barko "nang sa gayon ay maiwasan ang kaguluhan ng mga kaibigan at kaaway."
Tumigil si Rizal sa barkong ito ng mga isang buwan, mula Agosto 6 hanggang
Setyembre 2, 1896, habang hinihintay ang barkong pupuntang Espanya.
Ang Pagsiklab ng Rebolusyong Pilipino. Habang matiyagang naghihintay
si Rizal sa barkong Castilla ng isa pang barkong magdadala sa kanya sa Espanya,
naganap ang isang pangyayaring magbabadya ng pagbagsak ng kapangyarihang
Espanyol sa Asya.
Noong gabi ng Agosto 19, 1896, ang plano ng Katipunan na pabagsakin ang
pananakop ng Espanya sa pamamagitan ng rebolusyon ay natuklasan ni Padre
Mariano Gil, kurang Agustino ng Tondo. Ang nakasisindak na insidenteng ito ay
naghasik ng takot sa puso ng mga opisyal at residenteng Espanyol, na naging sanhi
ng histirya ng paghihiganti sa mga makabayang Pilipino.
Ang kaguluhang sanhi ng pagkakatuklas sa plano ng Katipunan ay napalala
pa ng "Sigaw ng Balintawak" na pinamunuan ni Bonifacio at kanyang magigiting na
Katipunero noong Agosto 26, 1896. Noong bukangliwayway ng Agosto 30, nilusob
ng mga rebolusyonaryo, sa pamumuno ni Bonifacio at Jacinto, ang San Juan
malapit sa lungsod ng Maynila, ngunit natalo sila sa sagupaang ito. Noong hapon,
pagkaraan ng Labanan sa San Juan, idineklara ni Gobernador Heneral Blanco na
nasa estado ng giyera walong lalawigang nag-alsa sa Espanya- ang Maynila (bilang
lalawigan), Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija, at Tarlac.
Mula sa mga pahayagang nababasa niya sa Castilla, napag-alaman ni Rizal ang
pagsiklab ng rebolusyon at ang paglaganap ng mga labanan sa palibot ng Maynila.
Nangamba siya dahil:
(1) naniniwala siyang hindi pa handa ang bayan sa isang madugong rebolusyon
at magdudulot lamang ito ng labis na pagdurusa, pagbubuwis ng buhay at
pagkasira ng mga pag-aari, at
(2) magiging sanhi lamang ito ng paghihiganti ng mga Espanyol sa lahat ng mga
makabayang Pilipino.
Paglisan Papuntang Espanya. Noong Agosto 30, 1896, ang araw kung kailan
idineklarang nasa estado ng giyera ang walong lalawigan, nakatanggap si Rizal
mula kay Gobernador Heneral Blanco ng dalawang sulat ng pagpapakilala para sa
Ministro ng Digmaan at Ministro ng mga Kolonya, na may kalakip na liham na nag-
aalis ng pagkadawit niya sa nagaganap na rebolusyon. Ito ang nilalaman ng liham:
G. Jose Rizal
Iginagalang na Ginoo:
Kalakip nito ay dalawang liham para sa mga Ministro ng Digmaan at Mga
Kolonya na sa aking palagay ay magiging maganda ang pagtanggap.
Wala akong pag-aalinlangan na mabibigyan mo ako ng katwiran sa harap ng
Pamahalaan sa pamamagitan ng ipakikita mong magandang ugali, di lamang dahil
isa kang taong may paninindigan sa sariling salita, kundi dahil na rin sa
kasalukuyang nagaganap na nagpapakita ng walang kaduda-duda na ang pagkilos
na produkto ng mga kalokohang ideya, ay magdudulot lamang ng pagkasuklam,
pagkawasak, mga luha, at dugo. Na nawa’y maging maligaya ka ay hangarin ng
iyong abang lingkod na humahalik sa iyong kamay,
Ramon Blanco

Magkatulad naman ang dalawang liham ng pagpapakilala. Ang isa ay para


kay Heneral Marcelo de Azcarraga, Ministro ng Digmaan, at ito ang nilalaman ng
liham:

Ang Kanyang Kamahalan Marcelo de Azcarraga


Aking pinagpipitagang Heneral at iginagalang na kaibigan,
Inirerekomenda ko sa iyo nang may tapat na interes si Dr. Jose Rizal, na
papaalis sa Pilipinas papuntang Tangway para maglingkod sa Pamahalaan, at nag-
aalok ng kanyang serbisyo bilang manggagamot ng Sandatahang nasa Cuba.
Ang kanyang pamumuhay nitong nakaraang apat na taon, bilang desterado sa
Dapitan, ay tulad ng sa isang huwarang mamamayan, at siya, sa aking palagay, ay
karapat-dapat sa pagpapatawad at kabaitan dahil siya ay hindi nasangkot sa
anumang krimen na nagaganap nitong mga nakaraang araw.
Sa bagay na ito ay ikinalulugod ko,
Ang iyong mahal na kaibigan at panyero na humahalik sa iyong kamay,
Ramon Blanco

Noong Setyembre 2, 1896, isang araw bago umalis pa-Espanya, sinulatan ni


Rizal, na sakay ng Castilla, ang kanyang ina:

Pinakamamahal kong ina,


Gaya ng aking ipinangako, susulatan ko kayo bago ako umalis nang malaman
niyo ang kalagayan ng aking kalusugan.
Nasa mabuting kalagayan ako, Salamat sa Diyos; nag-aalala lamang ako sa
mangyayari o maaaring mangyari sa inyo sa mga araw na ito ng pag-aaklas at
kaguluhan. Ipasasa-Diyos ko na lamang na sana’y di magkasakit ang aking
matandang ama.
Susulatan ko kayo mula sa mga pinagdadaungan ng barko, inaasahan kong
makararating kami sa Madrid o kaya’y sa Barcelona bago magtapos ang buwang
ito.
Huwag ninyong alalahanin ang anumang bagay; nasa mabuting kamay kami
ng Maykapal. Hindi lahat ng nagpupunta sa Cuba ay namamatay, at sa bandang
huli, ang lahat ay namamatay; kaya Mabuti nang mamatay na may ginagawang
mabuti.
Alagaan ninyong Mabuti ang inyong mga sarili, at alagaan din ninyo ang aking
ama nang sa gayon ay magkita pa tayong muli. Iparating ninyo ang aking
pangungumusta sa aking mga kapatid, pamangkin, tiyahin at iba pa. Aalis ako nang
kontento, may kompiyansang habang nabubuhay kayo ay mananatiling nagkakaisa
ang ating pamilya at ang pagiging malapit sa isa’t isa ay maghari. Kayong dalawa
ang nag-uugnay sa ating lahat.
Wala na akong masasabi pa, mahal kong Ina, kaya hahalikan ko na ang iyong
kamay at kamay ni ama ng may lubos na pagmamahal na maaaring ibigay ng aking
puso; ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong pagbasbas na kailangang-kailangan ko.
Iyakap ninyo ako sa aking mga kapatid; nawa’y mahalin nila ang isa’t isa gaya
ng pagmamahal ko sa kanilang lahat.
Ang inyong anak,
Jose
Alas sais ng gabi, Setyembre 2, inilipat si Rizal sa barkong Isla de Panay na
papuntang Barcelona, Espanya. Nang sumunod na umaga, Setyembre 3, pumalaot
sa Lawa ng Maynila ang barko. Sa wakas, nagsimula na rin ang huling paglalakbay
ni Rizal patungong Espanya. Kasama niyang pasahero rito sina Don Pedro Roxas
(mayamang creole ng Maynila, industriyalista, at kaibigan) at ang anak nitong si
Periquin.
Si Rizal sa Singapore. Ang Isla de Panay ay nakarating sa Singapore noong
gabi ng Setyembre 7. Kinaumagahan, si Rizal at ilang pasahero ay bumaba ng
barko para mamili at mamasyal. Isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan: "Napuna
ko ang ilang pagbabago: Mas marami na ang mga Tsinong mangangalakal at
kakaunti ang mga Indian ... Bumili ako ng isang bestidong Tsino ... Malaki na ang
ipinagbago ng Singapore mula nang una ko itong makita noong 1882."
Bumaba sa Singapore si Don Pedro at kanyang anak. Pinayuhan niya si Rizal
na magpaiwan na rin at makinabang sa proteksiyon ng batas Ingles. Hindi sinunod
ni Rizal ang kanyang payo. Maraming Pilipinong residente ng Singapore, sa
pamumuno ni Don Manuel Camus, ang sumakay sa barko at naghikayat sa kanya
na manatili na lamang sa Singapore para mailigtas ang kanyang buhay. Muli ay
isinawalang-bahala niya ang kanilang pakiusap dahil ayaw niyang sirain ang
pangako niya kay Gobernador Heneral Blanco.
Biktima ng Panloloko ng mga Espanyol. Sa pagtangging sirain ang
kanyang pangako nang nasa Singapore siya, sinelyuhan na ni Rizal ang kanyang
pagkamatay. Lingid sa kanyang kaalaman, nakikipagsabwatan si Gobernador
Heneral Blanco sa mga Ministro ng Digmaan at Mga Kolonya (ultramar) para sa
kanyang kapahamakan.
Dakilang bayani at henyo man siya, ipinakita ni Rizal na -lubos siyang
magtiwala tulad ni Sultan Zaide, isa pang biktima ng pang-iintriga ng mga Espanyol!
Sa kabila ng marami niyang talino, mortal pa rin si Rizal na maaaring magkamali. At
isa sa kanyang malaking pagkakamali ay ang paniwalaang si Gobernador Blanco ay
kanyang kaibigan at isang lalaking may dignidad dahil pinahintulutan siyang
pumunta sa Espanya bilang isang malayang tao para maging mediko at siruhano ng
sandatahan ng Espanya sa Cuba, kung saan nagaganap ang isang madugong
rebolusyon, at binigyan pa siya ng dalawang magandang liham ng pagpapakilala
para sa mga Espanyol na Ministro ng Digmaan at Mga Kolonya. Ang katotohanan,
na ngayon ay pinatunayan ng mga dokumento sa mga Ministeryo ng Digmaan at
Mga Kolonya, ay malupit na kaaway si Blanco, na ang turing kay Rizal ay isang
mapanganib na Pilipino" na responsable sa nagaganap na Rebolusyong Pilipino, at
samakatuwid nagbalak ng kanyang kamatayan."
Walang kaalam-alam si Rizal na nang umalis siya sa Maynila papuntang
Espanya, nagpapalitan na si Blanco at mga Ministro ng Digmaan at Mga Kolonya ng
mga de-kodigong telegrama tungkol sa pagdakip sa kanya pagdating sa Barcelona,
at siya ay lihim na sinusubaybayan.
Inaresto si Rizal Pagdating sa Barcelona. Umalis ng Singapore ang Isla de
Panay, na sakay si Rizal, ng ala una ng hapon ng Setyembre 8. Walang kaalam-
alam sa panlilinlang ng mga Espanyol, lalo na ni Gobernador Heneral Blanco,
masayang ipinagpatuloy ni Rizal ang pagbibiyahe sa Barcelona.
Noong Setyembre 25, nang papaalis na sila sa Kanal Suez, napuna ni Rizal
na maraming sundalong Espanyol sa Isla de Luzon. Pagkaraan ng dalawang araw
(Linggo, Setyembre 27), narinig niya mula sa mga pasahero na may telegramang
dumating mula Maynila na nagbabalita ng pagbitay kina Francisco Roxas, Genato,
at Osorio.
Noong Setyembre 28, isang araw pagkaraang lisanin ng barko ang Daungan
ng Said (pantalan ng Mediterranean sa Kanal Suez), isang pasahero ang nagdala
kay Rizal ng masamang balitang aarestuhin siya, sunod sa utos ni Gobernador
Heneral Blanco, at ipakukulong sa Ceuta (Espanyol na Morocco), sa kabila ng
Gibraltar.
Nagulat sa balitang ito, noon lamang napagtanto ni Rizal na nilinlang siya ng
mga opisyal na Espanyol, lalo na ni Gobernador Heneral Blanco. Nagdurugo ang
puso, kaagad niyang sinulatan ang matalik niyang kaibigang si Blumentritt para
maibuhos ang mga sama ng loob niya. Ito ang nilalaman ng liham:

12 S.S. Isla de Panay, Mediterranean


Setyembre 28, 1896
Mahal kong Kaibigan.
Isang pasahero ang nagkuwento sa akin ng isang balitang hindi ko
mapaniwalaan, at kung magkatotoo ay magwawakas sa prestihiyo ng mga
awtoridad sa Pilipinas.
Hindi ako makapaniwala pagkat ito ay napakalaking kawalan ng katarungan at
kabuktutan, na hindi nararapat sa isang opisyal militar, kundi sa pinakahuling
bandido. Inalok ko ang aking serbisyo bilang manggagamot, itinaya ang aking
buhay sa panganib ng giyera, at inabandona ang lahat ng aking kabuhayan. Wala
akong kasalanan at ngayon, bilang pabuya, ay ipakukulong nila ako!
Hindi ko talaga mapaniwalaan! Kabulaanan ito, at sakaling katotohanan man,
gaya rin ng sabi ng nakararami, ikinukuwento ko na sa iyo ang balitang ito nang
mapagpasyahan mo ang nangyari sa akin.
Iyong-iyo,
(Lagda) Jose Rizal
Wala pang opisyal na utos para sa pag-aresto kay Rizal, puro tsismis lamang
ang kumakalat. Noong Setyembre 29, sumulat muli si Rizal sa kanyang talaarawan:
"May mga tao rito na walang naisip gawin kundi ang siraan ako at mag-imbento ng
kakatwang kuwento tungkol sa akin. Magiging isang kilalang tao ako rito."
Nang sumunod na araw (Setyembre 30), mga alas kuwatro ng hapon, opisyal
na ipinaalam sa kanya ni Kapitan Alemany na doon na lamang siya tumigil sa
kanyang kuwarto hangga't wala pang ibang kautusang nagmumula sa Maynila.
Malugod na sinunod ni Rizal ang utos ng kapitan.
Pagdating sa Barcelona bilang Isang Preso. Setyembre 20. 6:25 n.g.
dumaong ang barko sa Malta. Dahil nakapiit si Rizal sa kanyang kuwarto, hindi niya
nabisita ang kilalang islang-kuta ng mga tagapagtaguyod ng Krusada ng mga
Kristiyano. "Nakita ko mula sa maliit kong bintana," isinulat niya sa kanyang
talaarawan, "ang magandang tanawin ng kuta (Malta-Ziade), kasama na ang
nagtataasang kastilyo nitong may tatlong palapag ... na lalong humanda dahil
iniilawan ng mga lampara."
Noong Oktubre 3, alas diyes ng umaga, ang Isla de Panay ay dumating sa
Barcelona, kasama si Rizal bilang isang preso. Ang paglalakbay mula Maynila pa-
Barcelona ay umabot ng 30 araw. Ang tanod niya ay hindi na ang kapitan ng barko
kundi ang Komander ng Militar ng Barcelona, na walang iba kundi si Heneral
Eulogio Despujol, na siyang nag-utos ng kanyang destiyero sa Dapitan noong 1892.
Isa ito sa mga pangyayari sa buhay ng mga dakilang tao na masasabing "halos di
na kapani-paniwala."
Sa kanyang pangalawang araw sa Barcelona, napuna ni Rizal, bagaman
siya'y inkomunikado, na ipinagdiriwang ng lungsod ang pista ni San Francisco de
Assisi. Isinulat niya ito sa kanyang talaarawan: "Alas sais ng umaga nang gisingin
ako ng putok ng kanyon. Tila ito'y kaugnay ng pagdiriwang ng pista ni San
Francisco de Assisi ... Pagsapit ng alas dose, mga 31 putok na ng kanyon ang
narinig ko, at ganoon din karami pagsapit ng alas sais ng hapon, Sa gabi ay
nagkaroon ng konsiyerto sa silid-kainan na maririnig hanggang dito sa aking silid.
Alas tres nang madaling araw ng Oktubre 6, ginising si Rizal ng mga
guwardiya at dinala sa nakapanlulumong bilangguan Monjuich. Doon na siya sa
kanyang selda inabot ng umaga. Mga alas dos ng hapon, inilabas siya sa
bilangguan at dinala sa tanggapan ni Heneral Despujol. Sa panayam na inabot ng
labinlimang minuto, sinabi ng bruskong heneral na ibabalik si Rizal sa Maynila
sakay ng barkong Colon na papalaot ng gabing iyon.
Pagkaraan ng panayam, dinala si Rizal sa Colon, na "punung puno ng mga
sundalo, mga opisyal, at kanilang mga pamilya. Alas otso ng gabi, Oktubre 6, nilisan
ng barko ang Barcelona, sakay si Rizal.
Kabanata 24
Huling Pagbabalik sa Bayan at Paglilitis
Ang pagbabalik ni Rizal sa bansa noong 1896, ang kahulihulihan sa kanyang buhay, ay ang
pinakamalungkot niyang paguwi. Alam niyang haharapin niya ang pinakamahirap na pagsubok, na
nangangahulugan ng pagbuwis ng kanyang buhay, ngunit hindi siya natatakot. Sa katunayan, buong puso
niyang hinarap ito. Maluwag sa kanyang loob na harapin ang mga kaaway at ialay ang sarili bilang
sakripisyo sa kanilang dimakataong hangarin dahil batid niyang ang kanyang dugo ang siyang magdidilig
sa binhi ng kalayaan ng mga Pilipino. Ang maiksing paglilitis sa kanyang kaso ay isa sa malaking
katatawanan sa kasaysayan ng pagbibigay ng hustisya. Ang mga kaaway niya ay umalulong na parang
asong 11101 na nauuhaw sa kanyang dugo, at nakuha nga nila ito, nang walang benepisyo ng tunay na
hustisya.

Huling Pagbabalik-bayan ng Isang Martir. Araw-araw, mula nang lisanin ang Barcelona noong
Martes, Oktubre 6, 1896, matiyagang isinusulat ni Rizal ang mga nangyayari sa kanyang talaarawan.
Binigyan siya ng magandang silid sa segunda klase, at kahit na mahigpit ang pagbabantay sa kanya,
naging magalang pa rin ang pagtrato sa kanya ng mga opisyal. "Ang opsyal na nakatalaga," isinulat niya
sa kanyang talaarawan, “ay mukhang mabait, pinong kumilos, magalang, at tapat sa kanyang tungkulin.”

Noong Oktubre 8, isang opisyal ang nagbalita kay Rizal na ang mgapahayagan sa Madrid
ay puno ng ulat tungkol sa madugong rebolusyon sa Pilipinas at sinisisi siya dahil dito.
Naunawaan niya ang di-maganda at walang katarungang opinyong pampubliko kaya
nagpasalamat siya sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makabalik sa bansa nang
sa gayon ay maituwid niya ang kanyang pangalan. Isinulat niya sa kanyang
talaarawan nang araw na iyon (Oktubre 8):

Naniniwala ako na ang ginagawang ito ng Diyos ay isang


biyaya, ang pabalikin Niya ako sa Pilipinas nang sa gayon ay
maiwasto ko ang mga ibinibintang sa akin. Dahil maaari nila
akong bigyan ng katarungan at kilalanin ang pagiging inosente ko
nang maituwid naman ang ngalan ko, o maaari nila akong
hatulan ng kamatayan kaya sa pagtingin ng lipunan ay
pinagbabayaran ko ang sinasabi nilang krimeng nagawa ko.
Patatawarin ako ng lipunan sa malao't madali. At sa kinalaunan,
walang pagdududang mabibigyan ako ng hustisya at magiging
isa akong martir. Sa anu't anuman, sa halip na mamatay sa.
ibang bayan o sa Manigua (sa kagubatan ng Cuba), mabuti nang
dito sa ating bansa akO mamatay. Naniniwala akong anuman
itong nangyayari sa akin ay siyang pinakamainam para sa akin.
Laging sundin ang loob ng Diyos! Mapayapa na ang aking
damdamin para sa aking kinabukasan ... Nararamdaman kong
nilulukob ako ng kapayapaan, salamat po Diyos! Ikawang aking
pag-asa at konsolasyon! Ang lyong loob ay siyang susundin; at
nakahanda akong sundin Ka. Aluman ang maging hatol sa akin,
maligaya ako't nakahanda.

Ang Pagkompiska ng Talaarawan ni Rizal. Nalaman ng mga awtoridad na Espanyol na


lulan ng Colon na may talaarawan si Rizal na araw-araw niyang sinusulatan. Natural lamang na
gusto nilang malaman ang nilalaman ng talaarawan. Di lamang iyan, umigting ang mga
pagsususpetsa nila kay Rizal at naisip na maaaring nagbabalak ito ng sedisyon o pagtataksil.

Noong Oktubre 11 bago marating ang daungan ng Said, kinumpiska ang talaarawan ni Rizal
at masusing pinag-aralan ng rnga awtoridad ang nilalaman nito. Wala silang nakitang anumang
bagay sa nilalarnan nito na masasabing mapanganib. Hinalughog ang kanyang silid ngunit wala ring
nakitang anuman na magsasangkot kay Rizal sa ibinibintang sa kanya. Noong Nobyembre 2,
isinauli sa kanya ang talaarawan. Dahil dito, hindi naitala ni Rizal ang mga nangyari mula Lunes,
Oktubre 12 hanggang Linggo, Nobyembre 1. Ito ang nasabi ni Rizal sa nangyari, at isinulat niya ito
sa kanyang talaarawan.

Lunes, Nobyembre 2—Ngayong araw,


isinauli nila sa akin ang kuwadernong kinuha nila
noong ika-ll ng nakaraang buwan bago namin
marating ang Daungan ng Said. Dahil dito ay natigil
ang pagsusulat ko sa aking talaarawan. Siniyasat
nila ako at hinalughog nila ang mga bagahe ko.
Kinuha nila ang lahat ng papeles ko, at pagkaraan
ay ipiniit nila ako hanggatt di namin nararating ang
Red Sea. Iyan ang ginawa nila sa akin 16 na oras
bago ang aming pagdaong. Bago nito, dalawang
beses din nila akong ipiniit nang apat o anim na
oras at inilalabas lamang ako kapag nasa gitna na
kami ng karagatan. Gayunman, sa Singapore, ipiniit
nila ako ng 16 na oras bago dumaong.
Dalawang beses nila akong nilagyan ng posas.

Nabigong Pagligtas sa Singapore. Ang balita ng kinasapitan ni Rizal ay


nakarating sa mga kaibigan niya sa Europa at Singapore. Mula London, nagtelegrama
sina Dr. Antonio Ma. Regidor at Sixto
Lopez sa isang abogado sa Singapore, si Hugh Fort, para iligtas si Rizal sa barko
pagdaong nito sa Singapore sa pamamagitan ng kasulatang habeas corpus.

Nang dumaong ang Colon sa Singapore, sinimulan ni Fort ang paghahabla sa


Hukuman ng Singapore para mailabas si Rizal sa barko. Ang ipinaglalaban ni G. Fort ay
ang katotohanang si Rizal ay "ilegal na ikinulong" sa barko.

Sa kasamaang palad, hindi sinang-ayunan ng Punong Mahistrado Loinel Cox ang kasulatan
dahil ang Colon ay may mga lulang hukbong Espanyol sa Pilipinas. At ang barkong pandigma ng
isang dayuhang puwersa, ayon sa batas pandaigdigan, ay hindi saklaw ng kapangyarihan ng
Singapore.
Walang kamalay-malay si Rizal sa pagtatangka ng kanyang mga kaibigan na iligtas siya
pagdating sa Singapore dahil ipiniit siya sa loob ng barko.

Pagdating sa Maynila. Noong Nobvembre 3, dumaong ang Colon sa Maynila, kung


saan masaya itong sinalubong ng rnga Espanyol at prayle dahil sa dala nitong dagdag na
puwersang militar at armas. Habang nagsasaya ang komunidad na Espanyol, si Rizal ay
tahimik na inilipat mula sa barko patungong Fuerza Santiago.

Samantala, patuloy na nangangalap ang mga awtoridad na Epanyol ng ebidensiya laban


kay Rizal. Maraming makabayang Pilipino, kabilang na sina Deodato Arellano, Dr. Pio
Valenzuela, Moises Salvador, Jose Dizon, Domingo Franco, Timoteo Paez, at Pedro Serrano
Laktaw, ang pinagmalupitan para maisangkot si Rizal. Ang sariling kapatid ni Rizal, si Paciano,
ay inaresto at pinagmalupitan din. Lahat na yata ng pagpapahirap ay ginawa sa kanya ngunit
wala siyang nilagdaan na anumang pahayag na magsasangkot sa kanyang kapatid sa salang
ibinibintang dito, Bagaman halos mawasak ang kanyang katawan at ang kanyang kaliwang
kamay ay nadurog, nanatili siyang matatag.

Paunang lmbestigasyon. NoongNobyembre 20, sinimulan ang paunang imbestigasyon. Si


Rizal, ang akusado, ay humarap sa Huwes, si
Koronel Francisco Olive. Limang araw siyang inimbestigahan. Ipinaalam
sa kanya ang mga salang ibinibintang sa kanya. Sinagot niya ang mga tanong ng Huwes ngunit
hindi siya pinahintulutang harapin ang mga taong tumetestigo laban sa kanya.

Dalawang klase ng ebidensiya ang iniharap laban kay Rizal ang mga dokumento at
testimonya. Ang mga ebidensiyang dokumento ay binubuo ng labinlimang eksibit. Ito ang mga
sumusunod.

1. Sulat ni Antonio Luna kay Mariano Ponce (Madrid,


Oktubre16, 1888) na nagpapakita ng koneksiyon ni Rizal,
habarag nasa Espanya, sa kampanya para sa mga
pagbabago sa bansa.

2. Sulat ni Rizal sa kanyang pamilya (Madrid, Agosto


20,1890) na nagpapahayag na ang deportasyon ay
mainam dallil mahihikayat nito ang taumbayan na
kasuklaman ang panunupil.

3. Sulat mula kay Marcelo H. del Pilar kay Deodato Arellano


(Madrid, Enero 7, 1889) na nagsasangkot kay Rizal sa
Kilusang Propaganda sa Espanya.

4. Isang tulang pinamagatang "Kundiman," na diumano ay


sinulat ni Rizal sa Maynila noong Setyembre 12,1891.
Narito ang tula:

Kundiman

Sa magandang Silangan
Ang araw ay sumilang,
Sa lupang kay ganda
Puno ng hiwaga
Ngunit nakakadena.
Kaguluha'y di nasasawata
Mahal sa aking tunay, itong ating lupa.
A! ito ang aking bansa,
Manunupil na siyang umaalila
Sa kapit ng tirano, lumuluha
Kasihan siya ng tadhana na
magbibigay sa kanya ng
laya!

5. Sulat ni Carlos Oliver sa isang di-kilalang tao


(Barcelona, Setyembre 18, 1891) na naglalarawan
kay Rizal bilang tagapagligtas ng Pilipinas mula sa
panunupil ng mga Espanyol,

6. Isang dokumento ng mga Mason (Manila, Pebrero 9,


1992) na kumikilala kay Riml para sa kanyang
serbisyong makabayan,

7. Isang liham (Hong Kong,Mayo 24, 1892) na may


lagdang Dimasalang (sagisag ni Rizal) para kay
Tenluz (sagsag ni Juan Zulueta) na nagpapahayag
na naghahanda siya ng isang mapaglilikasan ng mga
Pilipinong inuusig ng mga Espanyol.

8. Liham ni Dimasalang sa isang di-kilalang komite


(Hong Kong, Hunyo 1 , 1892) na nanghihingi ng
tulong para sa "makabayang simulain. t'

9. Sulat mula sa di-kilalang tao (walang petsa) sa


Patnugot ng Hong Kong Telegraph na kinokondena
ang pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan.

10. Sulat ni Ildefonso Laurel kay Rizal ( Maynila,


Setyembre 3, 1892) na nagsasabing tinitingala siya
(Rizal) ng mga Pilipino bilang kanilang tagapagligtas.

11. Sulat ni Ildefonso Laurel kay Rizal (Maynila,


Setyembre17, 1893) na nagpapaalam sa isang di-
kilalang sinulatan tungkol sa pagkaaresto at
pagkapatapon kina Doroteo Cortes at Ambrosio
Salvador.

12. Isang sulat ni Marcelo H. del Pilar kay Don Juan A,


Tenluz (Madrid, Hunyo 1, 1893) na nagrerekomenda
sa pagtatag ng isang espesyal na organisasyon,
hiwalaý sa Masonerya, para matulungan ang
simulain ng mga Pilipino.

13. Sipi ng talumpati ni Pingkian (Emilio Jacinto) para sa


isang pagtitipon ng Katipunan noong Hulyo 23, 1893,
kung saan isinigaw ang "Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!
Magkaisa!

14. Sipi ng talumpaü ni Tik-Tik (Jose


Turiano Santiago) sa pagtiüpon ding ito ng
Katipunan, kung saan ang mga Katipunerong naroroon
ay sumigaw ng "Mabuhay ang iginagalang na Doktor
Rizal! Kamatayan sa bayang manunupil!"

15. Tula ni Laong Laan (Rizal) pinamagatang "Talisay,”


kung saan ang awtor ay pinakakanta ang
kalalakihang mag-aaral ng Dapitan ng isang awit sa
pakikipaglaban para sa kanilang karapatan,

Ang mga testimonya ay binuo ng pasalaysay na testimonya nina Martin Constantino,


Aguedo del Rosario, Jose Reyes, Moises Salvador, Jose Dizon, Domingo Franco, Deodato
Arellano, Ambrosio Salvador, Pedro Serrano Laktaw, Dr. Pio Valenzuela, Antonio Salazar,
Francisco Quison, at Timoteo Paez.

Noong Nobyembre 26, pagkaraan ng paunang imbestigasyon, ipinadala ni Koronel Olive


ang mga ulat ng kaso kay Gobernador
Heneral Ramon Blanco, at ang sulat ay nag-aatas kay Kapitan Rafael Dominguez bilang espesyal
na Huwes na hahawak ng kaukulang aksiyon laban kay Rizal.

Kaagad, gumawa si Dominguez ng maikling buod ng mga kaso at isinauli ang mga
papeles kay Gobernador Heneral Blanco na karakaraka'y ipinadala ang mga ito kay Huwes
Tagapagtanggol Heneral Don Nicolas de la Peña para mahingi ang kanyang opinyon.

Pagkaraang mapag-aralan ang mga papeles, isinumite ni Peña ang mga


sumusunod na rekomendasyon: (l) ang akusado ay kaagad na litisin; (2) kailangang
ikulong siya; (3) isang kautusan ng pagsamsam ang ipinagtibay sa kanyang mga
pagaaring nagkakahalaga ng isang milyong piso bilang bayad-pinsala; at (4)
kailangan siyang ipagtanggol sa hukuman ng isang opisyal ng sandatahan, hindi ng
isang abogadong sibilyan.

Pinili ni Rizal ang Kanyang Manananggol. Ang tanging karapatang


ibinigay kay Rizal ng mga awtoridad na Espanyol ay ang piliin ang abogadong
magtatanggol sa kanya. At kahit na ito ay limitado dahil binigyan siya ng listahang
mapagpipilian niya.

Noong Disyembre 8, Pista ng Inmaculada Concepcion, isang listahan ng


100 na una at ikalawang tenyente ng Sandatahang Espanyol ang ipinakita kay
Rizal. Tiningnan ni Rizal ang listahan. Isang pangalan lamang ang tumawag ng
kanyang Pansin. Ito ay si Don Luis Taviel de Andrade, Unang Tenyente ng
Sandatahang Lakas. Ang ngalan ay pamilyar kay Rizal kaya Pinili niya ang
tenyente na maging tagapagtanggol niya sa hukuman.

Si Ten. Luis Taviel de Andrade ay kapatid pala ni Ten. Jose Taviel de


Andrade, ang "bantay" ni Rizal sa Calamba noong 1887. Ñang malaman mula sa
mga awtoridad na pinili siyang magtanggol sa akusado, maluwag sa loob na
tinanggap ito ni Ten. Luis Taviel de Andrade. Narinig na niya mula sa kanyang
kapatid ang tungkol kay Dr. Rizal ng Calamba.
Pagbabasa sa Akusado ng rnga Impormasyon Hinggil sa mga Kaso. Noong
Disyembrc 11, ang mga impormasyon hinggil sa kaso ay pormal na binasa kay Rizal sa loob
ng kanyang selda kasama ang kanyang tagapagtanggol. Inakusahan siyang "pangunahing
tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksiyong Pilipino, ang tagapagtatag ng mga
samahan, pahayagan, at librong nag-papaapoy at nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa
rebolusyon." Bilang akusado, hindi nagpahayag ng pagtutol si Rizal sa awtoridad ng
hukuman, ngunit ipinagtanggol niyang wala siyang sala sa kasong rebelyon. Gayunman,
inako niyang sumulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina, na isa lamang asosasyong pansi
bika. Iniurong niya ang kanyang karapatan magbago o magdagdag ng mga pahayag, liban sa
katotohanang hindi siya naging aktibo sa politika sapul ng mapatapon sa Dapitan.

Ipinadala ni Dominguez ang mga papeles ng kaso ni Rizal sa Malacañang noong


Disyembre 13, sa araw nang si Gobernador Camilo G. de Polavieja, sa tulong ng mga
makapangyarihang Dominikong prayle, ay naging Gobernador Heneral ng Pilipinas,
hinalinhan si Gobernador Blanco. Ang pagkawala ni Blanco sa panunungkulan ang nagselyo
sa kapalaran ni Rizal dahil mas makatao si Blanco kaysa kay Polavieja, at isa pa'y naniniwala
ang una na si Rizal ay hindi traydor sa Espanya. Kung nagtagal pa siya sa panunungkulan,
hindi marahil nabitay si Rizal, Ngunit isa lamang ito sa mga palaisipang "kung" sa
kasaysayan, na kung saan ang sinuman ay walang kontrol dahil ang kapalaran ng tao at
bansa ay naaayon sa plano ng Diyos.

Ang Manipesto ni Rizal sa Taumbayan, Noong Disyembre 15, sumulat si Rizal ng isang
manipesto sa taumbayan na nakikipag-usap na tigilan na ang di-kailangang pagdanak ng dugo at
makipaglaban para sa mga kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap. Ito ang
manipestong isinulat niya sa kanyang selda sa Fuerza Santiago.
Sa aking mga kababayan:

Sa aking pagbalik mula sa Espanya, nalaman kong ang


aking ngalan ay naging pamansag ng ilang mga rebolusyonaryo.
Ang balitang ito ay talageng ikinagulat ko, ngunit sa paniniwalang
tapos na iyon, nanahimik na lamang akro sa pangyayaring
ipinagpalagay kong maitutuwid pa. Ngayon ay nakaririnig na
naman ako ng mga bali-balita na patuloy pa rin ang kaguluhan, at
sakaling may mga gagamit pa sa aking ngalan sa mabuti man o
masamang paraan, para maituwid ang ganitong pang-aabuso at
nang di na maloko pa ang iba, para sa inyo ang isusulat ko nang
malaman ninyo ang katotohanan.
Mula pa sa simula, nang mabalitaan ko ang binabalak,
tinutulan ko na ito, nilabanan ko ito, at sinabing imposible itong
maisakatuparan. Ito ang katotohanan, at ang mga saksi sa mga
sinabi ko aybuhay pa. Naniniwala akong ang ideya ay totoong
kahibangan, at higit pa rito, magdudulot ito ng mga pagdurusa. Higit
pa rito ang ginawa ko. Kinalaunan, taliwas sa aking ipinayo, nang
maging masigasig ang kilusan, inialay ko di lamang ang aking
serbisyo, kundi pati na ang aking buhay, at kahit ngalan Iso nang
magamit nila ayon sa inaakala nila paramasupil ang rebelyon, dahil
ipinagpapalagay ko pa ring
masuwerte ako kung ikukumpara sa masasamang pangyayaring
mararanasan nila. At sa mumunting salaipisyong ito, naniniwala
akong mapipigil ang mga di-mawawaang kapalaran. Ito ang ulat ng
pagkakapantay-pantay.

Aking mga kababayan: Mayroon na akong patunay, higit


kaninoman, sa paghahangad ng mga kalayaan para sa ating bansa, at
hanggang ngayon ay ito pa rin ang aking hangarin. Ngunit
naniniwala akong ang edukasyon ng taumbayan ang dapat maging
batayan nang sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap ay
magkaroon ng sariling personalidad at maging karapat-dapat sa
mga kalayaan. Sa aking mga isinulat,
inererekomenda ko ang katubusan. Isinulat ko rin (at ilang ulit rin
akong sinipi) na ang mga pagbabago, para maging mabunga, ay
kailangang magmula sa itaas, na yaong nagmumula sa ibaba ay
iregular at di matatag, Puspos sa mga ideyang ito, kinokondena ko
ang kahibangang ito, ang madugong pag-aalsang irflihim sa ang
pagpaplano, na durnurungis sa dangal na(ing mgti Filipino,
nagbibiktay-alinlangatl sa Inga mtllturing nngttltaguyod ng ating
simulain, Kinapopootan ko ang mgo kriminal na pamamaraan at
itinatakwil ung anumang partisipasyon dito, kinaaawnan mula sa
kaibuturan ng aking puso silang pumapayag na malinlang. Umuwi na
kayo sa inyong mga tahanan, at nawa’y patawarin ng Diyos ang mga
nagkasa.

Sa kabutihangpalad, inerekornenda ni Huwes Tagapagtanggol Heneral Nicolas de la


Peña kay Gobemador Heneral Polavieja na huwag ipalabas ang manipesto ni Rizal. Pinakinggan
naman ng huli ang rekomendasyon kaya ang manipesto ni Rizal ay hindi naipamahagi sa
taumbayan. Si Rizal ay "nailigtas sa kahihiyang maidudulot ng kanyang manipesto sakaling
magkamali ang taumbayan sa interpretasyon at di ito sundin ng mga nag-aalsang Pilipino.”

Pinakamalungkot na Pasko ni Rizal. Pasko na ng Disyembre 25, 1896. Sa araw na ito'y


nagsasaya ang buong Kakristiyanuhan sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo na Siyang
katubusan ng sangkatauhan at nagdala ng kapayapaan at kapatiran sa lahat.

Ngunit malungkot at madilim ang Paskong ito ni Rizal. Siya, na nasanay sa masasayang
pagdiriwang ng Pasko sa piling ng pamilya at mga kaibigan, ay nag-iisa at nalulumbay sa
kanyang selda!
Ang Pasko ng 1896, kanyang huli dito sa lupa, ang
pinakamalungkot sa buhay ni Rizal. Nawawalan na siya ng
pagasa sa kanyang kasasapitan. Dahil dito, sumulat siya kay
Ten. Taviel de Andrade. Ito ang kanyang liham:

Fuerza Saúgo, Disyembre 25, 1896

Sa aking iginagalang na tagapagtanggol:

Ipinaalam sa akin ng huwes na nag-iimbestiga na bukas ay


diringgin na ang aking kaso sa hukuman. Hinihintay kita ngayong
umaga para sabihin sa iyo ang isang mahalagang bagay, ngunit
walang-dudang dahil sa dami ng iyong gawain ay di ka na nakapunta
gaya ng inaasahan ng huwes na nag-iimbestiga. Sakaling may
panahon ka, nais ko sanang makipag-usap sa iyo bago tayo humarap
sa hukuman; tatanawin kong malaking utang na loob kung
makapupunta ka rito ngayong hapon, ngayong gabi, o bukas.

Muli, binabati kita ng "Maligayang Pasko." Ang sa iyo'y nagmamahal


na lingkod at kliyente,

Jose Rizal

Ang Paglilitis kay Rizal. Ang paglilitis kay Rizal ay isang maliwanag na patunay ng kawalang-
katarungan ng mga Espanyol. Hindi lamang ito katawatawa, walang totohanang paglilitis ang nangyari
rito. Si Rizal, na isang sibilyan, ay nilitis ng isang hukumang militar na binubuo ng mga di-kilalang opisyal
militar. Bago pa man ay may hatol na sa kanyang kaso; ipinagpapalagay na siyang may sala. Ang
hukumang militar ay nagkaisa nang hindi siya bigyan ng hustisya, bagkus ay akusahan at ikondena siya.
Tinanggap nito ang mga ibinibintang at testimonya laban kay Rizal, at isinawalang bahala ang mga
argumento at katibayang nasa pabor niya. Higit sa lahat, hindi binigyan si Rizal ng karapatan (na
sinumang akusado ay mayroon sa harap ng isang totohanang hukuman) na makaharap ang mga saksi
laban sa kanya sa harap ng hukuman.

Alas Otso ng umaga, Disyembre 26, 1896, sinimulan ang hukumangmilitar ni Rizal sa gusaling
Cuartel de España. Naupo sa mahaba’t nakataas na mesa ang pitong miyembro ng hukumang militar, na
nakauniporme pa. Sila'y sina Ten. Kol. Jose Togores Arjona (pangulo), Kapt. Ricardo Muñoz Arias, Kapt.
Manuel Reguera, Kapt. Santiago Izquierdo Osorio, Kapt. Braulio Rodriguez Nuñez, Kapt. Manuel Diaz
Escribano, at Kapt. Fermin Perez Rodriguez.

Naroon din sa silid-hukuman si Dr. Rizal (ang akusado), Ten. Taviel de Andrade (kanyang
Tagapagtanggol), Kapt. Rafael Dominguez (Huwes Tagapagtanggol), Ten. Enrique de Alcocer (Tagapag-
usig), at mga manonood, Kasama rito sina Josephine Bracken, ilang mamamahayag, at maraming
Espanyol.
Nakaupo si Rizal sa isang bangko, sa pagitan ng dalawang
sundalo. Nakatali ang kanyang mga bisig, mula siko pa-siko, gaya
ng isang karaniwang kriminal. Suot niya ay isang itim na ternong
lana at puting tsaleko at itim na kurbata. Kalmado siya at may
dignidad ang tindig.

Ang paglilitis ay binuksan ni Huwes Tagapagtanggol


Dominguez nanagpaliwanag ng kaso laban kay Rizal. Sunod niya'y
si Tagapag-usig Alcocer na tumindig at nagbigay ng mahabang
talumpating nagbibigay ng buod sa mga kaso laban kay Rizal at
naghihikayat sa hukuman na ipataw ang kamatayan sa akusado.
Nang marinig ang petisyon para sa sentensiyang kamatayan ay
nagpalakpakan ang mga manonood na Espanyol.

Pagkaraang basahin ng tagapag-usig ang madamdaming


talumpati, tumayo si Tagapagtanggol Taviel de Andrade at binasa
ang kanyang masusing pagtatanggol kay Rizal, Winakasan niya ang
kanyang pagtatanggol sa maginoo ngunit bigong-paalala “sa mga
miyembro ng militar” Ang mga huwes ay di kailangang maging
mapaghiganti; ang mga huwes ay dapat maging makatarungan."

Ngunit ang kanyang paalala ay di pinakinggan. Ang mga


Espanyol na opisyal ay mapaghiganti at di-makatarungan.

Nang maupo si Ten. Taviel de Andrade, fnanong ng hukuman


si Rizal kung mayroon siyang gustong sabihin. Pagkatapos, binasa
ni Rizal ang karagdagang ulat sa pagtatanggol na isinulat niya sa
kanyang selda, Sa ulat na ito, pinatunayan niya ang kanyang
pagiging inosente sa pamamagitan ng
12 puntos;

1. Wala siyang kaugnayan sa rebelyon dahil siya pa mismo ang nagpayo


kay Dr. Pio Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas,
2. Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at
rebolusyonaryo. 3. Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang
pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y maysala, disinsana'y
tumakas siya sa Singapore.
4. Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y tumakas siya
sakay ng isang vintang Moro at di na nagpatayo ng tahanan, ospital, at
bumili ng lupain sa Dapitan.
5. Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga
rebolusyonaryo?
6. Totoong sinulat niya ang Konstitusyon ng La Liga Filipina, ngunit ito ay
isa lamang asosasyong pansibiko— Ifndi isang rebolusyonaryong
samahan.
7. Hindi nagtagal ang La Liga Filipina dahil pagkaraan ng unang pulong ay
ipinatapon siya sa Dapitan.
8. Kung muling nabuhay ang La Liga pagkaraan ng siyam na buwan, hindi
niya alam.
9. Hindi itinataguyod ng La Liga ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo,
Kung hindi, sanaty di na itinatag ang Katipunan.
10. Kung totoong may mapapait na komentaryo sa mga sulat ni Rizal,
ito ay dahil isinulat ito noong 1890 nang ang kanyang pamilya ay
inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang
kanyang kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.
11. Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri gaya ng mapatutunayãn
ng mga komandanteng politiko-militar at misyonerong pari .
12. Hindi totoong pinukaw ng kaniyang talumpati (sa bahay ni Doroteo
Ongjunco) ang Rebolusyon, gaya ng ipiniparatang ng mga
oposisyonistang gusto niyang makaharap. Alam ng mga kaibigan niya
ang kanyang pagtutol sa armadong rebolusyon. Bakit nagpadala ang
Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na hindi niya kakilala? Dahil yaong
mga kakilala niya ay batid na hindi niya sasang-ayunan ang anumang
kilusang marahas.

Ang hukumang-militar, dahil may pinapanigan na, ay


nanatiling bingi sa mga samo ni Rizal. Ang pangulo, si Ten.
Togores Arjona, ay ipinagpalagay na tapos na ang paglilitis at pinalabas na ang mga tao sa korte,
Pagkaraan ng maikling delibirasyon, nagkaisa ang mga bumubuo ng hukumang-militar na ipataw
ang sentensiyang kamatayan.

Nang araw na iyon (Disyembre 26), ang desisyon ng korte ay isinumite kay Gobernador
Heneral Polavieja. Kaagad, hiningi ni Polavieja ang opinyon ni Huwes Tagapagtanggol Heneral
Nicolas de la Peña hinggil sa desisyon ng korte. Ipinagtibay ng huli ang sentensiyang kamatayan.
Nilagdaan ni Polavieja ang Pagbitay kay Rizal. Noong Disyembre 28, inaprubahan ni
Polavieja ang desisyon ng hukumang-militar at ipinagutos na barilin si Rizal sa ganap na 7:00 ng
umaga ng Disyembre 30 sa Bagumbayan (Luneta). Ang kanyang dekreto sa bagay na ito ay ang
sumusunod:

Maynila, Disyembre 28, 1896:

Sang-ayon sa sumusunod na opinyon.


Inaprubahan ko ang sentensiya ng Hukumang-Militar sa
kasalukuyang kaso, dahilan nito parusang kamatayan
ang ipinataw sa akusadong si Jose Rizal Mercado, na
isasagawa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya
saganap na alas siyete ng umaga'ng ika-30 araw ng
buwang ito sa Bagumbayan.

Sa pagpapasunod atnang ang iba'y makasunod, ang


dekreto ay ibinabalik kay Huwes Tagapagtanggol, Rapitan
Don Rafael Dominguez.

Camilo G. de Polavieja
Dahil sa paglagda ng dokumentong itong nag-uutos ng pagbitay kay Dr. Rizal,
panghabang-buhay na kinapootan si Polavieja ng mga Pilipino. Siya at ang ibang opisyal na
Espanyol na may pananagutan sa kamatayan ni Rizal ay mananatiling kontrabida sa kasaysayan
ng Pilipinas.
Kabanata 25
Ang Pagkamartir sa Bagumbayan
Pagkatapos ng hukumang militar, nagbalik si Rizal sa kanyang selda sa
Fuerza Santiago para ihanda ang sarili sa kanyang naging kapalaran. Sa kanyang
huling 24 oras sa lupa mula alas sais ng umaga ng Disyembre 29 hanggang alas
sais ng umaga ng Disyembre 30, 1896- naging abala siya sa pagtanggap ng mga
bisita kasama na ang mga paring Heswita, Josephine Bracken, at mga miyembro ng
kanyang pamilya, ang kabalitaan ng isang pahayagang Espanyol (Santiago Mataix),
ilang kaibigan, at lihim niyang tinapos ang kanyang pahimakas. Bilang Kristiyano at
martir na bayani, maluwag niyang tinanggap ang mamatay para sa kanyang mahal
na bayan, na tinawag niyang “Perlas ng Dagat Silangan” sa kanyang huling tula, at
“Perlas ng Silanganan” sa isang artikulong pinamagatang “Kawawang Pilipinas” na
inilathala sa The Hongkong Telegraph noong Setyembre 24, 1892.
Mga Huling Oras ni Rizal. Alas sais ng umaga, Disyembre 29, 1896, binasa
kay Rizal ni Kapitan Rafael Domiguez, na inatasan ni Gobernador Heneral Camilo
Polavieja na mamahala sa mga paghahanda sa pagbitay ng kinondenang preso- na
babarilin siya sa likod ng isang iskwad na Espanyol sa ganap na alas siyete ng
umaga sa Bagumbayan (Luneta).
Alas siyete ng umaga, isang oras pagkaraang basahin ang sintensiyang
kamatayan, dinala si Rizal sa kapilya ng preso kung saan siya namalagi. Ang mga
una niyang panauhin ay sina Padre Miguel Saderra Mata (rektor ng Ateneo
Municipal) at Padre Luis Viza, Heswitang guro.
7:15 ng umaga, umalis na si rektor Saderra. Masayang ipinaalala ni Rizal kay
Padre Viza ang istatwa ng Sagradong Puso ni Hesus na inukit niya sa tulong ng
kanyang lanseta noong siya’y estudyante ng Ateneo. Inaasahan ito ni Padre Viza
kaya inilabas niya ang estatwa at ibinigay kay Rizal. Masayang tinanggap ito ng
bayani at inilagay sa ibabaw nag kanyang eskritoryo.
8:00 ng umaga, dumating si Padre Antonio Rosell para palitan si Padre Viza.
Inanyayahan siya ni Rizal na saluhan siya sa agahan, at kanya namang
pinaunlakan. Pagkatapos ng agahan, dumating si Ten. Luis Taviel de Andrade
(Tagapagtanggol ni Rizal), at pinasalamatan siya ni Rizal para sa kanyang serbisyo.
9:00 ng umaga, dumating si Padre Federico Faura. Ipinaalala ni Rizal sa
kanya na sinabi niyang siya (si Rizal) ay mapupugutan ng ulo dahil sa pagsulat niya
ng Noli. “Padre, sabi ni Rizal, “Ikaw ay isang propeta”.
10:00 ng umaga, dinalaw si Rizal nina Padre Jose Vilaclara (guro ni Rizal sa
Ateneo) at Vicente Balaguer (misyonerong Heswita sa Dapitan na naging kaibigan
ni Rizal nang siya’y desterado noon). Pag-alis nila, kinapanayam naman siya ng
Espanyol na mamamahayag, si Santiago Mataix, para sa pahayagang El Heraldo
de Madrid.
Mula alas dose ng tanghali hanggang 3:30 ng hapon, naiwang mag-isa si
Rizal sa kanyang selda. Nananghalian siya at pagkaraa’y naging abala sa
pagsusulat. Marahil ay sa mga oras na ito niya isinulat ang kanyang tula nang
pamamaalam na itinago niya sa kanyang alcohol na lutuan (hindi sa lampara na
gaya ng sinasabi ng ilang mananalambuhay) na iniregalo ni Pardo de Taverra
(asawa ni Juan Luna) nang minsang dumalaw siya sa Paris noong 1890. Isinulat din
niya ang huling liham niya kay Propesor Blumentritt (kanyang matalik na kaibigan)
sa wikang Aleman:

Aking kapatid:
Pagkatanggap mo sa liham na ito, maaaring patay na ako. Bukas ng alas
siyete, babarilin na ako; ngunit ako ay inosente sa krimen ng rebelyon.
Mamamatay akong malinis ang konsiyensiya.
Paalam, aking matalik at pinakamamahal na kaibigan at huwag ka sanang
mag-iisip ng masama sa akin.
Fuerza Santiago, Disyembre 29, 1896.
(Lagda) Jose Rizal.
Ibati mo ako sa buong pamilya, kay Sra. Rosa, Loleng, Conradito, at Federico.
Iiwan ko sa iyo ang isang aklat bilang huling alaala mula sa akin.

3:30 ng hapon, bumalik si Padre Balaguer sa Fuerza Santiago para talakayin


kay Rizal ang pagbawi niya sa mga ideyang anti-Katoliko sa kanyang mga sulatin at
pagsapi sa Masonarya.
4:00 ng hapon, dumating ang in ani Rizal. Lumuhod si Rizal sa harap niya’t
hinagkan ang mga kamay ng ina, humingi ng tawad. Nag-iiyakan ang mag-ina nang
paghiwalayin sila ng mga guwardiya. Pagkaraa’y pumasok sa selda si Trinidad para
sunduin ang ina. Habang papalabas sila, ibinigay ni Rizal ang alcohol na lutuan at
ibinulong kay Trinidad sa Ingles: “May laman sa loob”. Naintindihan ito ni Trinidad.
Marunong siya ng ingles dahil tinuruan siya ni Rizal ng wikang ito. Ang laman ay
ang tula ng pamamaalam ni Rizal. Kaya ang nangyari, nailabas ni Trinidad ang huli
at pinakadakilang tula ni Rizal- isang napakahalagang hiyas ng literaturang Filipino.
Pagkaalis nina Doña Teodora at Trinidad, pumasok sa selda sina Padre
Vilaclara at Padre Estanislao March, sunod ay si Padre Rosell.
6:00 ng gabi, tinanggap ni Rizal ang isang bagong panauhin, si Don Silvino
Lopez Tuñon, ang Dekano ng Katedral ng Maynila. Umalis sina Padre Balaguer at
Padre March at naiwan si Vilaclara kasama sina Rizal at Don Silvino.
8:00 ng gabi, ang huling hapunan ni Rizal. Ipinaalam niya kay Kapitan
Domonguez, na kasama niya, na pinatatawad na niya ang kaniyang mga kaaway,
pati na ang mga buews military na nagsentensiya sa kkanya ng kamatayan.
9:30 ng gabi, dinalaw si Rizal ni Don Gaspar Cestaño, ang piskal ng Royal
Audiencia de Manila. Mahusay na maybisita, ibinigay ni Rizal ang pinakamainam na
silya sa kanyang selda. Pagkatapos ng magandang pag-uusap, napaniwala ang
piskal sa katalinuhan at maginoong karatker ni Rizal.
10:00 ng gabi ng Disyembre 29, ang burador ng pagbawi na ipinadala ng
arsobispong anti-Pilipino na si Bernardino Nozaleda (1890-1903) ay isinumite ni
Padre Balaguer kay Rizal para lagdaan, ngunit hindi ito ginawa ng bayani dahil
napakahaba’t hindi niya ito gusto. Ayon sa testimony ani Padre Balaguer, ipinakita
niya kay Rizal ang mas maikling burador na inihanda ni Padre Pio Pi, superior ng
mga Heswita sa Pilipinas, at ito’y nagustuhan ni Rizal. Pagkaraan ng ilang
pagbabago, isinulat ni Rizal ang kanyang retraksyon, na kung saan itinatakwil niya
ang Masonerya at mga relihiyosong ideyang anti_Katoliko. Ang retraksiyon ni Rizal
ay isang kontrobersyal na dokumento dahil ang mga iskolar na Rizalista, na kung di
Mason ay anti-Katoliko, ay nagsasabing huwad ang dokumento. Ang debateng ito
ay walanamang saysay dahil hindi naman sapat ang ebidensiya ng dalawang panig
hinggil sa pinaninindigan niyang paniniwala. Gaya nga ng isang kasabihan, “Sa mga
naniniwala, hindi na kailangan ng patunay para sa mga di naniniwala, na ang
pamantayan ng paniniwala ay wala sap ag-iisip nila kundi sa kanilang paninindigan-
walang magagawang patunay”. Wala ring halaga ito dahil wala naman itong
kaugnayan sa pagiging dakila ni Rizal. Kung may retraksiyon man o wala,
mananatili ang katotohanang si Rizal ang pinakadakilang bayaning Pilipino. Ganito
rin sa ibang kontrobersiya, gaya ng kung nagpakasal ng aba si Rizal kay Josephine
Bracken bago siya binitay. Bakit kailangang pagtalunan ang mga isyung ito. Kung
pinakasalan man o hindi ni Rizal si Josephine sa Fuerza Santiago, mananatili pa
ring bayani at martir si Rizal.
3:00 ng umaga ng Disyembre 30, 1896, nakinig ng misa si Rizal, nangumpisal
at nangomunyon.
5:30 ng umaga, ang huli niyang agahan sa lupa. Pagkatapos nito, sumulat ng
dalawang liham si Rizal, ang una’y para sa kanyang pamilya, at ang ikalawa’y para
sa kanyang nakatatandang kapatid na si Paciano. Ito ang sulat niya para sa
kanyang mga kapatid:

Sa aking pamilya,
Humingi ako ng tawd sa inyo para sa mga pagdurusang naidulot ko sa inyo,
ngunit balang araw ay mamamatay din ako, at mas mabuting mamatay ako ngayon
nang masagana ang aking konsiyensiya.
Mahal kong mga magulang at mga kapatid, pasalamatan natin ang Diyos dahil
nanatili akong matatag bago ang aking kamatayn. Mamamatay ako nang mapayapa
dahil umaasa akong sa pagkamatay ko ay magiging mapayapa na rin sa wakas ang
inyong buhay. A, mabuti ngang mamatay kaysa mabuhay ng nagdurusa. Aliwin
ninyo ang inyong kalooban.
Hinihiling ko na patawarin ninyo ang isa’t isa para sa mumunting kasamaan ng
buhay at sikaping mabuhay nang nagkakaisa sa kapayapaan at kapalagayang loob.
Tratuhin niyo ang ating mga magulang gaya ng gusto ninyong maging trato sa inyo
ng inyong mga anak. Mahalin ninyo sila alang-alang sa aking alaala.
Ilibing ninyo ako sa lupa. Lagyan ng lapidang bato at krus ang aking puntod.
Ang pangalan ko, petsa ng kapanganakan, at kamatayan. Wala nang iba. Kung
gusto n’yong bakuran ang aking libingan ay maaari ninyong gawin. Walang mga
anibersaryo. Gusto ko sana ay sa Paang Bundok.
Kaawaan ninyo si Josephine.

Ito ang huling sulat ni Rizal para kay Paciano:

Aking mahal na kapatid:


Mga apat at kalahating taon na nang di tayo nagkikita ni nagkakausap. Hindi
ito dahil saw ala tayong pagmamahal sa isa’t isa, kundi dahil kilala natin ang isa’t isa
kaya di na natin kailangan pang mag-usap para magkaunawaan tayo.
Ngayo’y mamamatay na ako, at sa iyo ko ihahandog ang aking mga huling
pangungusap, sasabihin s aiyo na ako’y nalulungkot na iiwan kitang mag-isa sa
buhay, at papasanin ang mga pananagutan sa pamilya at ating matatandang
magulang.
Iniisip ko kung gaano kahirap para s aiyo ang bigyan ako ng karera;
naniniwala ako na hindi ko sinubok na aksayahin ang aking panahon. Kapatid ko;
sakaling ang bunga ay naging mapait, hindi ko ito kasalanan, kundi bunga ng mga
pangyayari. Alam kong nagdurusa ka dahil sa akin, at ako’y humihingi ng tawad.
Sinisiguro ko, aking kapatid, na mamamatay akong inosente sa krimen ng
rebelyon. Kung ang aking mga isinulat ay naging dahilan para rito, hindi ko
pasusubalian ito. Nginit naisip kong nabayaran ko na ang nakaraan sa
pamamagitan ng aing deportasyon.
Sabihin mo sa ating ama na naaalala ko siya, at kung gaano! Naaalala ko ang
aking kabataan, ang kanyang pagmamahal. Ihingi moa ko sa kanya ng kapatawaran
para sa mga pagdurusang naidulot o sa kanya.
Ang iyong kapatid,
(Lagda) Jose Rizal

5:30 ng umaga, dumating si Josephine Bracken, kasama ang kapatid ni Rizal


(Josefa). Lumuluhang nagpaalam si Josephine kay Rizal. Niyakap siya ni Rizal sa
huling pagkakataon, at bago siya umali, ibinigay ni Rizal ang huli niyang regalo-
isang relihiyosong aklat, ang Imitation of Christ ni Padre Thomas a Kempis, na
kanyang nilagdaan:

Sa aking mahal at nalulungkot na asawa, Josephine


Disyembre 30, 1896
Jose Rizal

6:00 ng umaga, habang naghahanda ang mga sundalo para sa pagmartsa sa


Bagumbayan, sinulatan niya ang kanyang mga mahal na magulang:

Sa mahal kong ama,


Patawarin ninyo ako sa mga pagdurusa ninyo na aking isinukli sa kalungkutan
at mga sakripisyo para sa aking edikasyon. Hindi ko ito ginusto ni pinili.
Paalam, Ama, paalam…
Jose Rizal
Sa mahal kong ina,
Sra. Doña Teodora Alonso
6:00 ng umaga ng Disyembre 30, 1896
Jose Rizal

Pagmartsa sa Bagumbayan. Mga 6”30 ng umaga, tumunog ang trumpeta sa


Fuerza Santiago, hudyat para simulant ang pagmartsa sa Bagumbayan, kung saan
bibitayin si Rizal. Apat na sundalong may ripleng de-bayoneta ang nangunguna sa
martsa. Nasa likuran nila si Rizal na payapang naglalakad, nasa gitna siya ng
kanyang tagapagtanggol (Ten. Luis Taviel de Andrade) at dalawang Heswitang pari
(Padre March at Padre Vilaclara).
Eleganteng tingnan si Rizal sa suot niyang itim na terno, itim na sombrero, itim
na sapatos, puting polo, at itim na kurbata. Nakatali ang kanyang mga braso, mula
siko pa-siko ngunit ang pagkakatali ay di gaanong mahigpit para maigalaw niya ang
kanyang mga braso.
Sa mahina na tunog ng tambol, tahimik at dahan-dahan silang nagmartsa.
May mga nag-aabang sa mga kalsada mula Fuerza Santiago hanggang Plaza del
Palacio sa harap ng Katedral ng Maynila. Para bang ang lahat ay nasa
Bagumbayan, kung saan may malaking pulutong ng mga taong nagtipon para
masaksihan ang pagkamatay ng isang martir.
Dumaan ang mga nagmamartsa sa makitid na Tarangkahan ng Postigo, isa
sa mga tarangkahan ng lungsod na may pader, at narrating nila ang Malecon
(ngayon ay Bonofacio Drive) na walang katau-tao. Tumingala si Rizal at sinabi sa
isa sa mga pari: “Kaygandang umaga, Padre. Anong payapa ng umagang ito!
Naaaninag ang Corregidor at mga bundok ng Cavite! Sa mga umagang tulad nito,
namamasyal kami ng aking kasintahan.”
Nang maraanan nila ang harap ng Ateneo, nakita ni Rizal ang mga tore ng
kolehiyo na nangibabaw sa mga pader. Tinanong niya: “Iyon po ba ang Ateneo,
Padre?”
“Oo”, sagot ng pari.
Narating nila ang Bagumbayan. Nagtipon ang mga manonood sa isang
parisukat na lugar na inilaan ng mga sundalo. Pumasok ang mga nagmamartsa sa
lugar na ito. Payapa pa rin ang paglakad ni Rizal patungo sa katatayuan niya.
Madamo ang bahaging ito- sa pagitan ng dalawang posting de-lampara- na nasa
dalampasigan ng Look Maynila.
Pagiging Martir ng Isang Bayani. Si Rizal, na batid na di na niya maiiwasan
ang kanyang kapalaran, ay nagpaalam kina Padre March at Padre Vilaclara at sa
kanyang magiting na tagapagtanggol, si Ten. Luis Taviel de Andrade. Bagaman
nakatali ang mga bisig, mahigpit pa rin niyang nahawakan ang kanilang mga
kamay. Binasbasan siya ng isa sa mga pari at pinahalikan sa kanya ang krusipiho.
Yumuko si Rizal at hinagkan ito. Pagkaraa’y hiniling niya sa komandante ng iskwad
na barilin siya ng nakaharap sa kanila. Hindi pinagbigyan ang kanyang kahilingan
dahil mahigpit ang utos ng kapitan na barilin si Rizal nang nakatalikod.
Masama man sa loob, tinalikuran ni Rizal ang mga babaril sa kanya at
humarap siya sa dagat. Isang Espanyol na manggagamot, si Dr. Felipe Ruiz
Castillo, ang humiling at pinayagan siyang damhin ang pulso ni Rizal. Nagulat si Dr.
Castillo dahil normal ang kanyang pulso, patunay na hindi natatakot si Rizal na
mamatay.
Tumunog ang mga tambol. Sa gitna ng pagtatambol, may sumigaw na
“Magpaputok” at naunahan na sa pagputok ang mga baril na nakaumang kay Rizal.
Kahit napakahirap, nagawa ni Rizal na ipihit sa kanan ang kanyang pinagbabaril na
katawan, at bumagsak sa lupa nang nakaharap ang mukha sa sumisikat na araw.
Eksaktong 7:03 ng umaga nang mamatay siya sa kasibulan ng kanyang
kahustuhang-gulang- edad 35, limang buwan at 11 araw.
Inilarawan ni Rizal sa kanyang pagkamatay sa kanyang pahimakas na tula,
ikatlong taludtod:
Mamamatay akong natatanaw sa likod ng dilim ang bukangliwayway,
Kung kailangan mo ang pulang pangulay, dugo ko ay gamitin sa kapanahunan
Nang ang liwanag mo ay lalong kuminang!

Interesanteng malaman ng 14 na taon bago siya bitayin, nahulaan n ani Rizal


na mamamatay siya sa Disyembre 30. Noo’y isa pa lamang siyang estudyante ng
medisina sa Madrid, Espanya. Ito ang isinulat niya sa kanyang talaarawan:

Enero1, 1883
Noong kamakalawang gabi, iyon ay Disyembre 30, nagkaroon ako ng
nakatatakot na panaginip na muntik na akong mamatay. Nanaginip ako na ginagaya
ang isang aktor na naghihingalo sa entablado, nararamdaman kong bumabagal ang
aking paghinga at mabilis ang aking panghihina. Pagkatapos ay nagdilim ang aking
pangingin at nilukob ako ng kadiliman- ito ang kamatayan.

Pagkaraang mamatay ang isang bayaning Martir. Nang patayin ng punglo


mula sa iskwad na Espanyol si Dr. Jose Rizal, ang mga Espanyol- mga residente,
prayle (di kasama ang mga Heswita), tiwaling opiyal (kasama na si Polavieja) ay
nagsaya dahil si Rizal, ang mahigpit nilang kaaway na kapeon sa pakikipaglaban
para sa kasarinlan ng Pilipinas, ay wala na sa wakas. Sa katunayan, pagkaraan ng
pagbitay, sumigaw ang mga Espanyol na nanonood, “Mabuhay ang Espana!”
”Kamatayan para sa mga traydor”, at ang banda militar ay nakisaya rin sa
pagkamatay ni Rizal, pinatugtog ang masayang Marcha de Cadiz.
Kawawang mga Espanyol, walang mga pananaw! Hindi nila alam ang di
nababagong ihip ng hangin ng kasaysayan. Ang pagkamatay ni Rizal ay naging
pundasyon ng isang bansang nagsasarili. Totoo, pinatay si Rizal ng punglo ng mga
Espanyol, ngunit hindi nila napatay ang mga ideyang liberal na umusbong sa utak ni
Rizal, na siyang nagwasak sa pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas. Gaya ng
sinabi ni Cecilio Apostol, pinakadakilang makatang Pilipino sa Espanyol:

“Nawa’y mapayapa sa anino ng pagkalimot,


Tagapagligtas ng bansang sinusupil!
Sa misteryo ng libingan, ‘wag lumuha,
‘Wag pansinin ang panandaliang tagumpay ng mga Espanyol
Dahil kung winasak ng isang punglo ang iyong utak,
Pinaguho naman ng iyong ideya ang isang imperyo!”

Sa kanyang mga isinulat, na gumising sa nasyonalismong Pilipino at naghawan ng


landas para sa Rebolusyon ng Pilipinas, pinatunayan ni Rizal na “mas mabisa
ang panulat kaysa espada”. Bilang henyo, manunulat, siyentipiko, at martir-
politiko, karapat dapat siyang saluduhan ng kasaysayan bilang pambansang
bayani ng Pilipinas.

You might also like